Bulletin

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Bulletin No.

: 005

Lunes, 20 Agosto 2018

ANG MABUTING BALITA (Mt. 9:16-22)


Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Mateo
Lumapit kay Jesus ang isang binata at nagtanong: "Guro, anong mabuti ang dapat kong gawin para makamit ang buhay na
walang hanggan?" Sumagot si Jesus: "Bakit tungkol sa mabuti ang tanong mo? Iisa lang ang Mabuti. Kung gusto mong
pumasok sa buhay na walang hanggan, sundin mo ang mga utos." At sinabi naman ng binata: "Anong mga utos" Sumagot si
Jesus: " Huwag pumatay, huwag makiapid, huwag magnakaw, huwag manirang-puring ng kapwa, igalang ang iyong ama at
ina; at mahalin ang iyong kapwa gaya ng pagmamahal mo sa iyong sarili!" At sinabi sa kanya ng binata: "Sinunod ko ang lahat
ng ito, ano pa ang kulang ko?" At sinabi ni Jesus: "Kung gusto mo maging ganap, umuwi ka't ipagbili ang mga ari-arian mo at
ibigay ang pera sa mga dukha, at magkakaroon ka ng kayamanan sa Langit. At saka ka bumalik para sumunod sa akin."
Pagkarinig ng binata ng pahayag na ito, umalis siyang malungkot sapagkat napakayaman niya.
Pagninilay:
Sa Ebanghelyong ating narinig, umalis nang malungkot ang mayamang binata, dahil hindi niya kayang talikuran ang
kayamanan sa lupa para sa Langit. Naging madali para sa kanya ang sumunod sa mga ipinagbabawal ng kautusan, pero naging
mahirap naman para sa kanya ang pagtalikod sa kayamanan, upang sumunod kay Jesus. Siya ang kinontrol ng kayamanan, sa
halip na ang kayamanan sana ang dapat niyang kontrolin - para mas maging kapaki-pakinabang ito lalo na sa mga
nangangailangan. Ano ang itinuturing mong kayaman dito sa mundo?
PRAYER:
Panginoon, bigyan mo ng kaliwanagan ang aming puso at isip upang lagi naming piliin ang tama at mabuti. Amen.

MISSION VISION
“Inspired by our faith in God, by our Catholic traditions and by the charism of St. John Baptist de La Salle educational innovator
par excellence, we together and by association are committed to give quality human and Christian education to all building a
society founded on equity and justice and on sustainable and inclusive development.”

MULA SA OVCAR – KOMUNIDAD NG GRADE SCHOOL:


Mula sa Ikalawang Punong Guro
1. Maraming salamat sa taos pusong pakikiisa ng mga guro at mag-aaral sa Baitang 3 -6 sa ginanap na Misa para sa Banal
na Espiritu Santo noong Biyernes. Ipagpatuloy natin ang paghingi ng gabay sa Espiritu Santo sa lahat ng ating gawain
sa buong taong panuruang 18-19.
2. Ang lahat ng mag-aaral ay inaasahan nang pumunta sa kani-kanilang silid-aralan ng walang gabay ng mga magulang o
tagapag-alaga. Pinakikiusapan ang mga guro na maayos na ipaliwanag ito sa mga bata. Bigyang diin ang oras ng simula
ng klase at ang oras na dapat nasa silid-aralan.
3. Ang lahat ay hinihikayat na gumamit ng kani-kanilang boteng inuman (water container). Maaaring gamitin ang mga water
dispenser na inilaan para sa inyong pangangailangan sa tubig. Ang mga mag-aaral na hindi pwede uminom ng malamig
ay maaaring humingi ng tubig sa mga faculty room o sa opisina ng LACs.
4. Ang mga bagong mag-aaral ay binibigyan pa palugit hanggang Agosto 31 sa hindi pagsusuot ng itinakdang uniporme.
5. Ang mga reply slips ay maaari nang isumite sa opisina ng GMs.

Mula sa Departamento ng CLCE


Binabati ang lahat ng mga mag-aaral mula baitang 3 hanggang 6 sa pananatili ng katahimikan at kadakilaan ng Misa ng Banal na
Espiritu noong Biyernes. Nawa ay maipagpatuloy natin na maisabuhay at maipamahagi ang mga biyaya ng Espiritu Santo sa
ating mga mahal sa buhay lalo na sa mga mahihirap.
Dahil nasimulan na natin ang pakiki-isa sa Misa, ang lahat ay inaanyayahan na tumugon sa proyekto ng CLCE na tinatawag na
“Daily Meal With God”. Ito ay ang pagsimba tuwing ika 7:30 n.u. araw-araw sa ating Capilla. Makatutulong ito upang
lalong tumibay ang ating pakikipag-ugnayan sa Diyos at sa ating kapwa. Ipinaaala-ala lamang ang tamang asal sa pagdalo sa
misa.

Mula sa GS-Departamento ng Filipino


Paligsahan sa pautakan ay sisiklab ngayong araw
Tagisan ng galing ng bawat mag-aaral ay ihahataw
Pakinggang mabuti bawat tanong na bibitawan
Upang puntos sa bawat categorya ay mag-umapaw.

Unang salbo ay sa Baitang 4


Susundan ito ng Baitang 5
at sa huli ay Baitang 6 ang bibida
Magkita-kita lamang sa BB41 kung oras ninyo na
Upang itayo ang bandera ng seksyong kinabibilangan!

Mula sa Departamento ng Araling Panlipunan


KKK ( K-aragdagang K-aalaman sa K-asaysayan) ng Pilipinas
Kahapon, Agosto 19, ay ika-140 kaarawan ni Pangulong Manuel L. Quezon.
REPUBLIC ACT NO. 6741

Si Manuel Luis Quezon ay kilala bilang “Ama ng Wikang Filipino.” Tinagurian


ding “Ama ng Republika ng Pilipinas”, siya ang naging unang Pangulo ng
Commonwealth ng Pilipinas sa ilalim ng pamahalaang Amerikano noong
simula ng ika-20 siglo. Bagamat hindi kinilala ng ibang bansa ang naunang
Republica Filipina na siyang pamahalaang rebolusyunaryo ni Emilio Aguinaldo, si Quezon ay itinuturing ng mga
Filipino bilang ikalawang Pangulo lamang ng bansa, sumunod kay Aguinaldo. Si Quezon ay tinatawag ding “Ama ng
Republika ng Pilipinas” at “Ama ng Kasarinlang Pilipino” dahil sa kanyang mga ginawa upang isulong ang kasarinlan ng
Pilipinas mula sa pamahalaang Amerikano.
Si Manuel Quezon ay ipinanganak sa Baler,Quezon(ngayo'y Aurora) noong Agosto 19, 1878. Ang kanyang mga
magulang ay sina G. Lucio Quezon at Gng. Maria Dolores Molina.

Nagsilbi si Pangulong Manuel Quezon bilang pangulo sa loob ng dalawang termino mula 1935 hanggang 1944.

Namatay si Pangulong Manuel Quezon sa sakit na tuberculosis noong August 1, 1944.

Sanggunian:
http://bayaningfilipino.blogspot.com/2009/09/talambuhay-ni-manuel-l-quezon.html
https://www.scribd.com/doc/102922117/Talambuhay-ni-Mauel-L-Quezon
http://www.kmc-service.com/ama-ng-wikang-pambansa/
https://www.marvicrm.com/2017/09/talambuhay-ni-manuel-l-quezon-buod

Mula sa GS & JHS Science Department


Asian MathSci League, Inc. (AMSLI) is a non-stock non-profit organization of math and science enthusiasts registered with the Securities
and Exchange Commission last April, 2017. It has been incorporated with the following objectives:
1. To establish a world class academic organization aimed to develop and improve mathematics and science skills of
Filipino teachers and students through mentoring, scholarships and various activities connected therewith;
2. To inculcate, promote, foster and develop interest and awareness among the Filipino teachers and students about
international math and science activities such as competitions, educational programmes, enrichment workshops, conferences,
courses and training programmes, exhibits and seminars and other related events;
3. To promote math and science competitions here in the Philippines and/or outside the country and develop and educate
an understanding of global competitiveness;
4. To recognize and award outstanding students in mathematics and/or science
5. To promote and encourage organized research and to disseminate the useful results of such research;

Base sa nabanggit na detalye sa itaas, ang lahat ng mga mag aaral na nasa Antas 3 – 10 ay hinihikayat na palawigin ang
kanilang kaalaman sa Siyensa sa pagkuha ng eksaminasyon na gaganapin sa ika-25 ng Agosto sa ganap na ika-1:00 ng hapon sa
Lipa City National High School. Ang nasabing eksamin ay may kaukulang bayad na Php 40.00 na babayaran sa araw na
nabanggit.

MULA SA OVCAR – KOMUNIDAD NG JUNIOR HIGH SCHOOL:


Mula sa Ikalawang Punong Guro
1. Malugod naming binabati at pinuri ang lahat ng mag-aaral sa Antas 10, ang kanilang mga Gurong
Tagapayo at ang kanilang Modereytor na si Ginoong Dimaculangan para sa matagumpay na pagtitipon
na naganap nuong Biyernes. Ngayong araw na ito ay ang Antas 9 naman ang magkakaroon ng
pagtitipon sa BHV gym.
2. Ipinagbibigay alam ko po na ako ay dadalo ng pagpupulong na ipinatawag ng CEAP ngayong araw na
ito. Gayundin, sa ika-22 hangang ika-25 ng Agosto ay ako po ay may seminar at pagpupulong na

2
dadaluhan na ipinatawag at inorganisa ng PEAC na may kaugnayan sa mga alituntunin at pamamaraan
upang mapagbuti pa natin ang ating pamamalakad at ang kalidad ng ating serisyong pang edukasyon
na sya ring makapagpapanatili ng pagbibigay ng ating pamahalaan ng suporta sa ating komunidad ng
Junior High School sa pamamagitan ng “ESC Scholarship Grants and FAPE Subsidy”. Ang
pangsamantalang papalit po sa akin ay si Ginang Dannah Grace Sanchez. Maraming salamat po.

Mula sa JHS Departamento ng Filipino


Maligayang pagdiriwang ng Buwan ng Wika 2018: “Wika ng Saliksik”

Bakit may “wikang pambansa”?


Ang Pilipinas ay katulad ng karamihan sa mga bansa ngayon sa mundo na binubuo ng sambayanang may iba-ibang
nasyon at iba-ibang wikang katutubo. Itinuturing ang wika na isang mabisang bigkis sa pagkakaisa at pagkakaunawaan. Ang
pagkakaroon ng isang wikang pambansa, sa gayon, ay nagmimithing mabilis magkaunawaan at sibulan ng damdamin ng
pagkakaisa ang mga mamamayan na may iba-ibang wikang katutubo. Katulong ito ng isang pambansang watawat,
pambansang awit, at iba pang pambansang sagisag sa pagtatatag ng isang pambansang pamahalaan.

Ano ang tinatawag na “mga wika ng Pilipinas”?


Ang tinatawag na “mga wika ng Filipinas” ay ang iba’t ibang wikang katutubo na sinasalita sa buong kapuluan. Hindi
tiyak ang bilang ng mga ito, ngunit may nagsasabing 86 at may nagsasabing 170. Itinuturing ang bawat isa na wika (language
sa Ingles) dahil hindi magkakaintindihan ang dalawang tagapagsalita nito na may magkaibang katutubong wika. Halimbawa,
hindi maiintindihan ng tagapagsalita ng Ilokano ang tagapagsalita ng Bikol at vise-versa. Bawat isa sa mga wika ay may mga
sanga at tinatawag na mga diyalekto na maaaring magkaiba sa isa’t isa sa ilang katangian. Ngunit nagkakaintindihan ang
dalawang tagapagsalita na may magkaibang diyalekto. Halimbawa, may mga diyalektong Bulakenyo at Tayabasin ang Tagalog
– may pagkakaiba sa punto at sa bokabularyo – ngunit maaaring mag-usap at magkaintindihan ang isang taga-Malolos at isang
taga-Tayabas.

Bakit may tinatawag na mga “pangunahing wika” ng Pilipinas?


Tradisyonal na tinatawag na walong pangunahing wika ng bansa ang Bikol, Ilokano, Hiligaynon, Pampanggo,
Pangasinan, Sebwano, Tagalog, at Waray (Samar-Leyte). Malimit ding tawagin ang mga ito na wikang rehiyonal. May
pagkakataong isinasama sa pangkat ang Maranaw, Tausug, at Magindanaw. Ang karaniwang katwiran sa “pangunahing wika”
ay dahil (1) may malaking bilang ito ng tagapagsalita, karaniwang umaabot sa isang milyon ang tagapagsalita, o (2) may
mahalagang tungkulin ito sa bansa bilang wika ng pagtuturo, bilang wikang opisyal, o bilang wikang pambansa.
Sanggunian:
Almario, Virgilio S. Madalas Itanong Hinggil sa Wikang Pambansa. Maynila, Komisyon sa
Wikang Filipino, 2014.

MULA SA OVCAR – KOMUNIDAD NG SENIOR HIGH SCHOOL:


Mula sa Ikalawang Punong Guro
1. Para sa mga Guro
a. Maraming salamat sa pagtanggap ninyo sa mga miyembro ng SIF Core Group sa kanilang pagbisita sa inyong
mga klase upang tunghayan ang pagpapaliwanag ng SIF nitong nakaraang mga araw. Ipinababatid po sa lahat
ang kanilang pagbati sa mahusay na pagpapaliwanag ng SIF sa mga bata.
b. Patuloy pa din po ang Room-to-room orientation ng ating SHS Gurong Tagapayo. Mangyari po lamang na bigyan
natin ng oras sa ating mga klase kung sakali po na magpunta sa inyo para sa gawaing ito.
c. Muli po at humihiling ng tulong ang opisina ng AP para sa pag-check ng attendance ng mga bata sa inyong
klase. Mangyari po lamang na ipagbigay-alam agad sa opisina kung hindi pumapasok ang bata na nasa opisyal na
listahan. Salamat po.

2. Para sa mga Mag-aaral


a. Inaasahan na ang bawat mag-aaral at maging responsible sa lahat ng bagay at Gawain lalo't higit sa pag-aaral.
Makipag-ugnayan lagi sa inyong mga guro para sa mga bagay na dapat ninyong maisagawa sa bawat klase.
b. Maging tahimik at makisabay ng mataimtim sa pang-umagang panalangin. Iwasan muna ang paggamit ng mga
gadgets upang bigyan daan ang pagdarasal.

3
MULA SA OVCAR - TANGGAPAN NG TAGAGABAY:
1. Para sa mga Gurong Tagapayo at Mag-aaral ng Nursery 1-2 : Ipinagbibigay alam ang iskedyul ng Room-to-
Room Guidance Re- orientation ngayong araw, Agosto 20, 2018.

PETSA ASIGNATUR
SEKSYON ORAS GURO
A

Nursery 1
BB 106 1st 8:50 – 9:20 Math Bb. M. Lalamunan
nd
BB 101 2 12:30 – 1:00 Reading Bb. V. Dimaculangan
BB 102 2nd 1:30 – 2:00 Math Bb. G. Aguilera
August 20, 2018
(Lunes) Nursery 2
st
BB 101 1 9:40 – 10:10 Filipino Bb. V. Dimaculangan
BB 102 1st 10:40 – 11:00 Reading Bb. G. Aguilera
BB 103 1st 11:00 – 11:30 Math Bb. R. Reyes
nd
BB 103 2 2:10 – 2:30 CLCE Bb. R. Reyes

2. Para sa mga Gurong Tagapayo at Mag-aaral ng Antas 2 - 5: Maraming salamat sa pagtanggap kay Gng. Tine
Mendoza at Gng. Love Navarro sa inyong klase para sa kanilang Room-to- Room Guidance Re-orientation noong nakaraang
lingo. Mabuhay po kayong lahat!
3. Para sa mga Gurong Tagapayo at Mag-aaral ng Antas 2 – 6: Ipinapaalala na ang huling araw ng pagsusumite
ng SPR (Student’s Personal Record) at SPDR (Student’s Personal Data Record) ay sa darating na Biyernes, Agosto
24, 2018. Maraming salamat po.
4. Para sa mga Gurong Tagapayo at Mag-aaral ng Antas 6: Ipinagbibigay alam ang iskedyul ng Room-to-Room
Guidance Re- orientation ngayong araw, Agosto 20, 2018.

Petsa Seksyon Oras Asignatura Guro


August 20 BB 306 8:40 – 9:20 Soc. Studies Bb. V. Dimaala
(Lunes) BB 401 11:00 – 11:40 English Bb. V. Cuevas

5. Para sa mga Gurong Tagapayo at Mag-aaral ng Antas 7: Ipinagbibigay alam ang iskedyul ng Room-to-room
Guidance Re- orientation na magsisimla sa Miyerkules, Agosto 22, 2018.

Petsa Oras Seksyon Asignatura Guro


8:40 – 9:40 LS101 Homeroom Bb. J. Bril
10:00 – 11:00 LS 102 N/A
August 22 11:00 – 12:00 LS 104 N/A
(Miyerkules) 1:00 – 2:00 LS 105 (free-structured) N/A
2:00 – 3:00 LS 106 N/A
3:00 – 4:00 LS 110 N/A
8:40 – 9:40 LS 108 English Bb. G. Ona
10:00 – 11:00 LS 209 English Bb. V. Remo
August 23
11:00 – 12:00 LS 109 TLE Bb. E. Sagaoinit
(Huwebes)
2:00 – 3:00 LS 107 Filipino Bb. E. Tapalla
3:00 – 4:00 LS 103 Mathematics Bb. J. Alarcon
August 24 11:00 – 12:00 LS 210 Social Studies Bb. M. Rosales
(Biyernes) 1:00 – 2:00 LS 211 Filipino Bb. J. Umilda
August 28 8:40 – 9:40 LS 111 Science Bb. D. Litan
(Martes) 2:00 – 3:00 LS 112 Mathematics Bb. S. Manalo

6. Para sa mga Gurong Tagapayo at Mag-aaral ng Antas 8: Ipinagbibigay alam ang iskedyul ng Room-to-Room
Guidance Re- orientation na magsisimula ngayong araw, Agosto 20, 2018.

4
Petsa Oras Seksyon Guro Asignatura
August 20 10:00 – 11:00 LS406 Bb. Cuevillas Math
Lunes 1:00 – 2:00 LS309 G. Zara CLCE
August 22 10:00 – 11:00 LS312 Free Structured
Miyerkules 11:00 – 12:00 LS410 Free Structured
1:00 – 2:00 LS407 Free Structured
2:00 – 3:00 LS411 Free Structured
3:00 – 4:00 LS403 Free Structured
August 23 8:40 – 9:40 LS310 Bb. Obeña English
Huwebes 10:00 – 11:00 LS402 Bb. Lasi English
11:00 – 12:00 LS408 Bb. Riata English
1:00 – 2:00 LS405 Bb. Rivera Science
2:00 – 3:00 LS401 Bb. Fermin Filipino
August 24 8:40 – 9:40 LS409 Bb. Morillo Math
Biyernes 10:00 – 11:00 LS311 Bb. Bautista Soc. Studies
11:00 – 12:00 LS404 Bb. Laraya Filipino
1:00 – 2:00 LS412 Bb. Pagcaliwangan Science

7. Para sa mga Gurong Tagapayo at Mag-aaral ng Antas 10: Ipinagbibigay alam ang iskedyul ng Room-to-room
Guidance Re- orientation na magsisimula ngayong araw, Agosto 20, 2018.

Petsa Oras Seksyon Guro Asignatura


August 20 11:00 – 12:00 CMR 202 Bb. L. Mayuga Math
(Lunes) 12:00 – 1:00 BM 104 G. J. Orozco Science
2:00 – 3:00 CMR 205 Bb. J. Licaros Filipino
8.40 – 9:40 BM 201 G. A. Baldovino Homeroom
9:40 – 10:40 CMR 207 G. A. Dimaunahan Free Structured
August 22 11:00 – 12:00 BM 102 G. N. Virrey Free Structured
(Miyerkules) 12:00 – 1:00 BM 203 G. A. Perez Free Structured
2:00 – 3:00 BM 205 G. W. Angeles Free Structured
3:00 – 4:00 BM 206 Bb. J. Aguda Free Structured
August 23 11:00 – 12:00 BM 105 Bb. N. Yabut Math
(Huwebes) 12:00 – 1:00 BM 202 Bb. R. Malaiba Math
2:00 – 3:00 CMR 204 Bb. M. Samson Science
3:00 – 4:00 BM 204 Bb. M. Breones English
August 28 8:40 – 9:40 CMR 201 Bb. R. Beltran Filipino
(Martes) 9:40 – 10:40 CMR 206 Bb. R. Fortus English
11:00 – 12:00 BM 103 Bb. R. Uy English

8. Para sa mga Guro at Mag-aaral ng Antas 11 STEM: Ipinagbibigay alam na ipagpapatuloy ni Gng. Maicon
Katigbak ang Room-to-room Guidance Services Re-orientation para sa mga mag-aaral hanggang ngayong lingo.
Maraming salamat po.
9. Para sa mga Mag-aaral ng Antas 12: Ipinagbibigay-alam ang mga sumusunod:
a. Mariing ipinapaalala ang itinakdang araw ng pagsusumite ng mga aplikasyon para sa kolehiyo. Ang
aming tanggapan ay hindi na magbibigay ng karagdagang araw para sa pagpoproseso ng inyong
aplikasyon. Maging responsableng estudyante. Maraming salamat.
b. Tungkol sa Aplikasyon ng DCAT (DLSU College Admissions Test): Para sa mga nagproseso o
nagsumite ng aplikasyon on-line at interesadong kumuha ng DCAT sa De La Salle Lipa, mangyaring
makipag-ugnayan sa aming tanggapan para sa muling pagpoproseso ng inyong aplikasyon. Maraming
salamat.

5
MULA SA TANGGAPAN NG GAWAING PANG-MAG- AARAL:
1. Aplikasyon para sa Gr. 7 SCB. Maari ng kumuha ng aplikasyon ang mga interesadong tumakbo sa SCB simula
ngayon hangang Agosto 29. Mangyari magsadya sa SAO para sa aplikasyon. Tandaan ang mga sumusunod na
mahahalaganag araw,
August 20 – umpisa ng pagkuha ng aplikasyon sa SAO
August 29 – huling araw ng pagpapasa ng aplikasyon
August 30 to Sept. 4 – Pagpapakilala ng mga kandidato sa mga silid-aralan
September 5 – Botohan
2. Mga Gawaing Pang-mag-aaral sa JHS. Ang mga klabs ay para lamang sa Gr. 7 at 8 ngayong taong ito upang
tugunan ang mga suliranin naging hadlang upang maging maayos ang mga pagpupulong sa iba’t ibang klabs.
Magkakaroon ng Araw ng mga Klabs o “Club Day” sa ika-31 ng Agosto sa SENTRUM. Makinig lamang para sa
ibang detalye sa mga susunod na araw. Salamat.
3. Mga Gawaing Pang-mag-aaral sa GS. Para sa taong ito, ang mga klabs ay para lamang sa mga baitang 4,5 at 6
upang lalong mapaganda ang mga programa sa iba’t ibang klabs. Magkakaroon ng Araw ng mga Klabs o “Club
Day” sa ika-4 ng Setyembre sa BHV Gym. Makinig lamang para sa ibang detalye sa mga susunod na araw. Salamat.
Para sa SENIOR HIGH SCHOOL:
1. Opisyal na Kandidato sa SHS Gr 11 SCB. Ang mga sumusunod ang opisyal na kandidato sa nalalapit na
halalan sa Gr. 11:
VICE - PRESIDENT
LUNA, BEA FRANCINE SENTRO MATIBAG, DARIUS SILANG
MIGUEL
STEM REPRESENTATIVES
CAMIBUING, JO LOUIS SENTRO DIMAISIP, KHEARL SILANG
GIANNE
CARINGAL, ELLA RESHIEL SENTRO MARASIGAN, JIMUELLE SILANG
HARINA, CHARD IVAN SENTRO PUA, KYLE STEPHANIE SILANG
ABM REPRESENTATIVES
CAIG, AALIYAH BEATRIZ SENTRO HUDENCIAL, JOSEFA SILANG
MARI
CRUZ, KYLE GABRIEL SENTRO LIM, JOHN MARTIE SILANG
ERRERA, AYEN SHELPEL SENTRO PARAN, HANNAH SILANG
DENISE
HUMSS REPRESENTATIVES
FRONDA, JOHN CLARENCE SENTRO INANDAN, JUSTINE SILANG
DAWN
MADERAZO, ANGELICA SENTRO TUNGOL, GABRIEL SILANG
EUNICE ANGELO
INDEPENDENT
GUTIERREZ, ALLIYAH MAE

Tandaan ang mga sumusunod na araw:


August 20 – 28 Mga araw ng pagpapakilala ng mga Kandidato
August 29 Meeting de Avance sa CBEAM Grounds
August 30 Botohan

You might also like