EPP 5 HE Module 4B

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

1

5
EPP/ TLE
QUARTER -2
HOME ECONOMICS

Wastong Paraan ng Paglalaba


2

EPP/TLE- Grade 5

Quarter 2-Module

Republic Act 8293, section 176 states that: No copyright shall subsist in any
work of the Government of the Philippines. However, prior approval of the
government agency or office wherein the work is created shall be necessary for
exploitation of such work for profit. Such agency or office may, among other things,
impose as a condition the payment of royalties. Such agency or office may, among
other things, impose as a condition the payment of royalties.

Borrowed materials (i.e. songs, stories, poems, pictures, photos, brand


names, trademarks,etc.) included in this book are owned by respective
copyrightholders. Everyeffort has been exerted to locate and to seek permission to
use these materials from their respective copy owners. The publisher and authors do
not represent nor claim, owned over them.

Regional Director: Gilbert T. Sadsad

Assistant Regional Director: Jessie L. Amin

Development Team of the Module


Writer: Mhilen Dalde- Marquez, T-III Victory Village Elementary School
Editor: Ma. Ganda B. Almoguera, MT – I , Buraguis Elementary School
Reviewers:
Illustrator:
Consultant: Raul B.Bendian,EPS EPP/TLE/TVL
Management Team:
Gilbert T.Sadsad,Regional Director
Jessie L.Amin,Assistant Regional Director
Francisco B. Bulalacao,Jr.,CLMD Chief,ROV
Christie L.Alvarez,Regional EPS EPP/TLE/TVL
Crestito M.Morcilla, Schools Division Superintendent
Fernando C.Macaraig,Assistant Schools Division Superintendent
Imelda R.Caunca,Division CID Chief
Raul B. Bendian, Division EPS EPP/ TLE/TVL
3

HE
WASTONG PARAAN NG PAGLALABA

Naisasagawa ang wastong paraan ng paglalaba


Napaghihiwal ang puti at di- kulay
EPP 5 HE- Oc- 7

Wastong Paraan ng Paglalaba


4

SUPPLEMENTARY LEARNING MATERIAL IN EPP/ TLE 5

Pangkalahatang –idea (Overview):

Ang pangangalaga ng kasuotan ay hindi mahirap na gawain. Ang kailangan


lamang ay pagsasanay at pagsisikap sa mga gawaing dapat gampanan.Isa ito sa
mga tungkuling dapat pag-aralan at gampanan ng batang nasa edad mo.

Maraming paraan ang isinasagawa para mapangalagaan ang kasuotan. Ang


bawat paraan ay naglalayong mapanatili ang kagandahan at kapakinabangan ng
damit sa loob ng mahabang panahon. Kailangan isipin ninuman na ang wastong
pangangalaga ng kaniyang kasoutan , mga kagamitan , at anumang mayroon ay
dapat isapuso at mahalin upang tumagal ang pakinabang.

Sa modyul na ito, tatalakayin ang unang pamamaraan sa pangangalaga at pag-


iingat ng kasuotan.

Aralin 1: Wastong Pamamaraan sa paglalaba

Layunin:
Pagkatapos mong pag-aralan ang modyul na ito, matutunan at
maisasagawa ang wastong paraan ng paglalaba . Malalaman din natin ang
kahalagahan ng paghihiwalay ng mga puting damit mula sa de- kulay na kasuotan.

Talasalitaan

Paglalaba-paglilinis ng mga damit na marurumi sa pamamagitan ng pagkukusot


nito.
Pagkukula- paglalagay sa kulahan ng damit na sinabon upang mainitan ng araw.
De-kolor- gamit na may kulay
Puti- kulay na tulad ng bulak o asin.
Kasuotan- mga damit na ipinapatong sa katawan.
Eskoba- pang-alis ng makakapal na dumi sa kasuotan.
5

Pre-Test

Sa pagsisimula ng mga gawain; sagutin nang wasto at maayos ang PRE-


TEST na para sa iyo; para malaman at matiyak ang inyong kaalaman ukol sa paksa
o aralin.

Magsimula ka na! Bawat tanong ay may isang (1) wastong sagot. Suriin ang bawat
pangungusap.Gumuhit ng nakangiting mukha . sa linya kung ang pangungusap
ay nagpapakita ng wastong paraan ng paglalaba at malungkot na mukhaa kung
hindi.

____ 1. Ang kulay pula, asul, dilaw, berde at itim na kasuotan ay pinaghihiwalay-
hiwalay upang hindi mamantsahan.

____ 2. Ihiwalay ang mga damit na di gaanong marumi mula sa maruming-


maruming damit.

____ 3. Hindi na kinakailangang ibabad pa sa tubig ang mga damit. Maaari na itong
sabunin agad- agad.

_____4. Banlawan ng tatlong beses ang mga damit na may kulay hanggang maalis
lahat ng bakas ng sabon.

_____ 5. Mas lalong nakapuputi sa mga damit na puti ang pagkula at pagbibilad sa
araw ng mga ito.

______6. Mahalagang matutuhan ang wastong paglalaba sa murang edad pa


lamang.
______7. Higit na pumuputi ang puting damit na ikinukula sa pamamagitan ng sikat
ng araw.
______8.. Labhan muna ang damit na may punit o butas.
______9. Pagsabayin ang paglalaba ng puti at de- kulay na damit.
_____10. Ang batang may alam sa paglalaba ng kasuotan ay hinahangaan
6

Learning Activities

Aralin 1. Wastong Paraan ng Paglalaba

Ang pangangalaga ng kasuotan ay hindi mahirap na gawain. Maraming


paraan ang isinasagawa para mapangalagaan ang kasuotan. Tingnan ang larawan.
Ano sa tingin mo ang kinakailangang gawin upang muli itong maging malinis?

Ano ang ginagawa mo sa iyong kasuotan bago ito labhan? Naisasagawa mo ba ang
wastong paraan ng paglalaba? Paano?
Ang paglalaba sa maruruming damit ay isang paraan ng pangangalaga sa damit.
Sa paglalaba inaalis ang kumakapit na dumi, pawis at alikabok na nakarurupok sa
tela.Napapanatili nito ang ayos at tumatagal ang mga damit kapag ito ay nilalabhan.
May mga wastong paraan ng pagkukusot na dapat sundin. Kailangan din ng
pag-iingat. Narito ang mga hakbang na dapat sundin kapag naglalaba.

Ihanda ang sabon, palanggana, tubig, at eskoba. Ihiwalay ang pinakamaruming


damit, gayundin ihiwalay ang mga puti sa mga de-kolor

Suriing isa- isa ang damit kung may mantsa o sira; tingnan din kung may laman ang
mga bulsa. Basain isa- isa ang mga damit.
7

Sabunin nang una ang mga puti at bigyang-pansin ang kuwelyo, kilikili, bulsa at
mga laylayan. Ikula ang mga puting nasabon na habang nilalabhan ang mga damit
na di- gaanong marumi at de-kolor.Banlawang mabuti ang mga damit.

Ulitin ang pagsasabon sa mga puting damit kung kailangan. Isampay gamit ang
sipit o ihanger sa nasisikatan ng araw ang mga puting damit at ang mga de-kolor sa
di gaanong nasisikatan ng araw upang hindi agad kumupas ang kulay.

Tandaan Natin:

 Ang mga damit na naisuot na at marumi ay kailangang labhan. Sa paglalaba,


ang dumi at alikabok ay naalis gayundin ang di kanais- nais na amoy. Magaan at
maginhawa ang pakiramdam sa pagsusuot ng damit na bagong laba lalo na ang
mga damit panloob. Ang damit kapag nilalabhan ay tumatagal ang gamit kaya
dapat isagawa nang maayos ang paglalaba upang matiyak na malinis at maayos
ang mga ito.
 Ang wastong paglalaba ay nagbibigay ng bagong anyo sa kasuotan at
nagpapahaba ng pakinabang sa mga ito.
 Ang kasuotan ay magtatagal kung ito’y pinangangalagaan at susundin ang
wastong pamamaraan ng paglalaba.

Post Test

Isulat sa patlang ang Tama kung wasto ang kaisipan at Mali kung hindi wasto
ang kaisipan.
____ 1. Ang kulay pula, asul, dilaw, berde at itim na kasuotan ay pinaghihiwalay-
hiwalay upang hindi mamantsahan.

____ 2. Ihiwalay ang mga damit na di gaanong marumi mula sa maruming-


maruming damit.
8

____ 3. Hindi na kinakailangang ibabad pa sa tubig ang mga damit. Maaari na itong
sabunin agad- agad.

_____4. Banlawan ng tatlong beses ang mga damit na may kulay hanggang maalis
lahat ng bakas ng sabon.

_____ 5. Mas lalong nakapuputi sa mga damit na puti ang pagkula at pagbibilad sa
araw ng mga ito.

______6. Mahalagang matutuhan ang wastong paglalaba sa murang edad pa


lamang.
______7. Higit na pumuputi ang puting damit na ikinukula.
______8. Labhan muna ang damit na may punit o butas.
______9. Pagsabayin ang paglalaba ng puti at de- kulay na damit.
_____10. Ang batang may alam sa paglalaba ng kasuotan ay hinahangaan.

Karagdagang Kaalaman
Karagdagang Kaalaman

1. Panoorin ang slides ukol sa pagplano ng pagkain gamit ang website:


https://youtu.be/b3hsq_v4rYI
2. Sa inyong tahanan, gawin at sundin ang wastong pamamaraan ng
paglalaba. Sa tulong ng inyong mga magulang , kuhanan ito ng video
upang maipakita sa guro

Sanggunian:

Ventura, Ana B. Makabuluhang Gawaing Pantahanan at Pangkabuhayan V,


Adriana Publishing Co.,Inc.Cubao, Quezon City ,Manila 2006
Peralta, Gloria A.etc. Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran V,
VICARISH Publilication and Trading, Inc. Sta.Ana, Manila 2016
9

You might also like