Modyul 1 - Gec 12

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

Panitikan

Mula sa salitang latin na “littera” – titik sa Ingles ito ay literature na


tinumbasan ng LITERATURA sa Filipino.

Ito’y lakas na nagpapakilos ng alinmang uri ng lipunan (Salazar 1885).


Ito’y talaan ng buhay sapagkat dito naisisiwalat ng tao sa malikhaing paraan
ang kulay ng kanyang buhay, ang buhay ng kanyang daigdig, ang daigdig na
kanyang kinabibilangan at pinapangarap (Arrogante, 1983).

Mayroong dalawang uri ng panitikan ayon sa paghahalin: (1) pasalin-dila


at (2) pasulat.

Ang mga pasalindilang panitikan ay naglalarawan sa mga gawang


naipamana o nasalin mula sa dating henerasyon papunta sa bagong henerasyon.
Kadalasan, ito ay naipapasa sa pamamagitan ng “oral tradition” o pasalitang
tradisyon. Bukod rito, halos hindi naisusulat kundi naipapasa lamang sa
pamamagitan ng pagpakalat ng kwento sa ibang tao. Ang isa sa pinaka madaling
halimbawa nito ay ang mga bugtong, tula, at mga maikling kwento

Mayroong dalawang anyo ang panitikan: (1) Tuluyan o Prosa at (2) Poesiya
o Patula.

© TULUYAN O PROSA
Ang tuluyan o prosa (prose) ay ay nabubuo sa pamamagitan ng malayang
pagsasama-sama ng mga salita sa mga pangungusap at pagtatalata. Hindi
limitado o kaya ay pigil ang mga paggamit ng mga pangungusap. Ilan sa mga
halimbawa nito ay maikling kwento, nobela, dula, alamat, pabula, talambuhay,
sanaysay, balita, atbp.

Sa madaling sabi, ang mga tuluyan o prosa ay mga lipon ng mga salita't
pangungusap na may mga kwento at aral. Kung tutuusin, ang mga akdang
pampanitikan ay kalimitang mga prosa.

Mayroong dalawang uri ng akdang tuluyan o prosa: (1) Kathang-isip o


Piksiyon at (2) Di-Kathang-isip o Di-Piksiyon.
Mga Halimbawa ng Akdang Tuluyan o Prosa:

NOBELA

Ang nobela, akdang-buhay o kathambuhay ay isang mahabang kuwentong piksiyon na binubuo


ng iba't ibang kabanata. Mayroon itong 60,000-200,000 salita o 300-1,300 pahina. Noong ika-18 siglo,
naging istilo nito ang lumang pag-ibig at naging bahagi ng mga pangunahing henerong pampanitikan.
Ngayon, ito ay kadalasan may istilong artistiko at isang tiyak na istilo o maraming tiyak na istilo.

LAYUNIN
1. Gumising sa diwa at damdamin.
2. Nananawagan sa talino ng guni-guni.
3. Mapukaw ang damdamin ng mambabasa.
4. Magbigay ng aral tungo sa pag-unlad ng buhay at lipunan.
5. Nagsisilbing daan tungo sa pagbabago ng sarili at lipunan.
6. Nagbibigay inspirasyon sa mambabasa.
7. Nabubuksan nito ang kaalaman ng tao sa pagsulat ng nobela.

KATANGIAN
1. Pumupuna sa lahat ng mga larangan ng buhay.
2. Dapat maging malikhain at maguni-guni ang paglalahad.
3. Pumupukaw ng damdamin ng mambabasa kaya ito nagiging kawili-wili.
4. Kailangang isaalang-alang ang ukol sa kaasalan.
5. Maraming ligaw na tagpo at kaganapan.
6. Ang balangkas ng mga pangyayari ay tumutukoy sa kaisahang ibig mangyari.
7. Malinis at maayos ang pagkakasulat.
8. Maraming magagandang tagpuan kung saan nakikilala pa ng lalo ang mga tauhan.

ELEMENTO
1. Tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan.
2. Tauhan - nagpapagalaw at nagbibigay buhay sa nobela.
3. Banghay - pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa nobela.
4. Tema - paksang-diwang binibigyan ng diin sa nobela.
5. Damdamin - nagbibigay kulay sa mga pangyayari.
6. Pamamaraan - istilo ng manunulat.
7. Pananalita - diyalogong ginagamit sa nobela.
8. Simbolismo - nagbibigay ng mas malalim na kahulugan sa tao, bagay at pangyayarihan.

URI
1. Nobelang Romansa - ukol sa pag-iibigan.
2. Kasaysayan - binibigyang-diin ang kasaysayan o pangyayaring nakalipas na.
3. Nobelang Banghay - isang akdang nasa pagkakabalangkas ng mga pangyayari ang ikawiwili ng
mga mambabasa.
4. Nobelang Masining - paglalarawan sa tauhan at pagkakasunod-sunod ng pangyayari ang
ikinawiwili ng mga mambabasa
5. Layunin - mga layunin at mga simulain, lubhang mahalaga sa buhay ng tao
6. Nobelang Tauhan - binibigyang-diin sa nobelang ito ang katauhan ng pangunahing tauhan, mga
hangarin, kalagayan, sitwasyon, at pangangailangan
7. Nobelang Pagbabago - ukol sa mga pangyayari na nakakapagpabago ng ating buhay o sistema.
MAIKLING KUWENTO

Salaysaying may isa o ilang tauhan na may isang pangyayari sa kakintalan.

Isang maiksing salaysay hinggil sa isang mahalagang pangyayaring kinasasangkutan ng isa o ilang
tauhan at may iisang kakintalan o impresyon lamang. Isa itong masining na anyo ng panitikan. Tulad
ng nobela at dula, isa rin itong paggagad ng realidad, kung ginagagad ang isang momento lamang o iyong
isang madulang pangyayaring naganap sa buhay ng pangunahing tauhan. Si Deogracias A. Rosario ang
tinuturing na "Ama ng Maikling Kuwento". Tinawag rin itong dagli noong panahon ng mga Amerikano at
ginagawa itong libangan ng mga sundalo.

Bilang isang akdang pampanitikan, maaaring magsalaysay ng tuluy-tuloy ang maikling kuwento ng
isang pangyayari hango sa tunay na buhay; may isa o ilang tauhan lamang, sumasaklaw sa maikling panahon,
may isang kasukdulan, at nag-iiwan ng kakintalan o impresyon sa isip ng mambabasa.

MGA ELEMENTO
1. Panimula- Dito nakasalalay ang kawilihan ng mga mambabasa. Dito rin kadalasang pinapakilala ang
iba sa mga tauhan ng kuwento.
2. Saglit na Kasiglahan- Naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa
suliranin.
3. Suliranin- Problemang haharapin ng tauhan.
4. Tunggalian- May apat na uri: tao laban sa tao, tao laban sa sarili, tao laban sa lipunan, tao laban
sa kapaligiran o kalikasan.
5. Kasukdulan- Makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang
ipinaglalaban.
6. Kakalasan- Tulay sa wakas.
7. Wakas- Ito ang resolusyon o ang kahihinatnan ng kuwento.
8. Tagpuan- nakasaad ang lugar na pinangyayarihan ng mga aksiyon o mga insidente, gayundin ang
panahon kung kailan naganap ang kuwento.
9. Paksang Diwa- pinaka kaluluwa ng maikling kuwento.
10. Kaisipan- mensahe ng kuwento.
11. Banghay- pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari sa kwento.

MGA URI
1. Sa kuwento ng tauhan inilalarawan ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang
nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa.
2. Sa kuwento ng katutubong kulay binibigyang-diin ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan,
ang uri ng pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing pook.
3. Sa kuwentong bayan nilalahad ang mga kuwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan.
4. Sa kuwento ng kababalaghan pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala.
5. Naglalaman ang kuwento ng katatakutan ng mga pangyayaring kasindak-sindak.
6. Sa kuwento ng madulang pangyayari binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang
pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan.
7. Sa kuwento ng sikolohiko ipinadarama sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng
isang pangyayari at kalagayan. Ito ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat sapagkat may
kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan.
8. Sa kuwento ng pakikipagsapalaran, nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kuwento.
9. Sa kuwento ng katatawanan, nagbibigay-aliw at nagpapasaya naman sa mambabasa.
10. Sa kuwento ng pag-ibig, tungkol sa pag iibigan ng dalawang tao.
TEMA
Mayroon mga pagkakaiba ang tema sa mensahe ng isang maikling kuwento. Ang tema ang
pangkalahatang kaisipang nais palutangin ng may-akda sa isang maikling kuwento. At ang
kaisipang ito ang binibigyan ng layang maikintal sa isipang ng mga mambabasa. Maaaring maging
tema ang mga sumusunod: palagay sa mga naganap na pangyayari sa lipunan, obserbasyon ng
may-akda tungkol sa pag-uugali ng tao, paniniwala sa isang katotohanan o pilosopiyang
tinatanggap ng tao sa buong daigdig sa lahat ng panahon, o ang dahilan ng pagkakasulat ng may-
akda. Ang mensahe naman ang tuwirang pangangaral o pagsesermon ng manunulat sa mambabasa.

MGA BAHAGI
© Simula
At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng
pangunahing tauhan. Napapasama rin dito ang pagpapakilala ng ilan sa mga tauhan at ng
Tagpuan.

© Gitna
Binubuo ang gitna ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na
kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa
suliranin. Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o
pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsan
ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang, ang kasukdulan ang pinakamadulang
bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang
ipinaglalaban.

© Wakas
Binubuo ang wakas ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging
nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kuwento mula sa maigting na pangyayari sa
kasukdulan. At ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kuwento.
Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo.
Gayunpaman, may mga kuwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan ng
dalawang huling nabanggit na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin
ang wakas ng kuwento para hayaang ang mambabasa ang humatol o magpasya kung ano, sa
palagay nito, ang maaring kahinatnan ng kuwento.

DULA

Isang uri ng panitikan. Nahahati ito sa ilang yugto na maraming tagpo. Pinakalayunin
nitong itanghal ang mga tagpo sa isang tanghalan o entablado. Ang tagpo sa dula ay ang
paglabas-masok sa tanghalan ng mga tauhan. Ang mga taong dalubhasa sa larangan ng
pagsusulat ng mga dulang itinatanghal ay tinatawag na mga mandudula, dramatista,
o dramaturgo.

MGA SANGKAP SA DULA


Ang dula ay mayroon ding mga sangkap. Ito ay ang simula, ang gitna, at ang wakas.
1. Simula - mamamalas dito ang tagpuan, tauhan, at sulyap sa suliranin.
2. Gitna - matatagpuan ang saglit na kasiglahan, ang tunggalian, at ang kasukdulan.
3. Wakas - matatagpuan naman dito ang kakalasan at ang kalutasan.
ALAMAT

Isang uri ng kuwentong bayan at panitikan na nagsasalaysay ng mga pinagmulan ng mga bagay-
bagay sa daigdig.

ELEMENTO
1. Tauhan 2. Tagpuan 3. Saglit na kasiglahan 4. Tunggalian 5. Kasukdulan 6. Kakalasan 7. Wakas

PABULA

Isang uri ng kathang-isip na panitikan kung saan ang mga hayop o kaya mga bagay na walang-
buhay ang gumaganap na mga tauhan, katulad ng leon at daga, pagong at matsing, lobo at kambing,
at kuneho at leon. May natatanging kaisipang mahahango mula sa mga pabula, sapagkat nagbibigay
ng mga moral na aral para sa mga batang mambabasa. Tinatawag din itong kathang kuwentong
nagbibigay-aral.

ANEKDOTA

Ang anekdota ay isang uri ng akdang tuluyan na tumatalakay sa kakaiba o kakatwang


pangyayaring naganap sa buhay ng isang kilala, sikat o tanyag na tao. Ito ay may dalawang uri: kata-
kata at hango sa totoong buhay. Ito rin ang mga ginagawa ng mga pagpapaliwanag sa mga ginagawa
ng mga tao.

SANAYSAY

Ang sanaysay ay isang maiksing komposisyon na kalimitang naglalaman ng personal na kuru-kuro ng


may-akda.

DALAWANG URI NG SANAYSAY

Pormal. Ang sanaysay na palana na tinatawag din na impersonal ay naghahatid ng mahahalagang


kaisipan o kaalaman sa ng makaagham at lohikal na pagsasaayos ng mga materyales tungo sa
ikalilinaw ng pinakapiling paksang tinatalakay. Tinuturing din maanyo sapagkat pinag-aaralan ng
maingat ang piniling pananalita kaya mabigat basahin. Pampanitikan din ito dahil makahulugan,
matalinhaga, at matayutay ang mga pangugusap. Mapitagan ang tono dahil bukod sa ikatlong panauhan
ang pananaw ay obhektibo o di kumikiling sa damdamin ng may-akda. Ang tono nito ay seryoso, pang-
intelektuwal, at walang halong pagbibiro
Isang uri ng pormal na sanaysay ay ang editoryal ng isang pahayagan. Isa itong sanaysay na
may opinyon tungkol sa mga maiinit na mga balita. Bagama't may opinyon, ito ay hindi ginagamitan ng
unang panauhan sa paglalahad.

Di-pormal. Ang sanaysay na di-palana na tinatawag din na personal o palagayan ay mapang-aliw,


nagbibigay-lugod sa pamamagitan ng pagtatalakay sa mga paksang karaniwan, pang araw-araw at
personal. Idinidiin dito ang mga bagay-bagay, mga karanasan, at mga isyung bukod sa nababakas ang
personalidad ng may-akda ay maaring makiramay o maging sangkot ang mambabasa sa kanyang
pananalita at parang nakikipag-usap lamang ang may-akda sa isang kaibigan, kaya magaan at madaling
maintindihan. Personal din ang tawag sa uring ito dahil palakaibigan ang tono nito dahil ang
pangunahing gamit ay unang panauhan. Subhektibo ito sapagkat pumapanig sa damdamin at paniniwala
ng may-akda ang pananaw.
TALAMBUHAY

Ang talambuhay (mula sa pinagsamang mga salitang "tala" at "buhay" na may diwang
"tala ng buhay") o biyograpiya ay isang anyo ng panitikan na nagsasaad ng kasaysayan ng buhay
ng isang tao hango sa mga tunay na tala, pangyayari at impormasyon.

MGA URI NG TALAMBUHAY

© Uri ng talambuhay ayon sa paksa at may-akda

1. Talambuhay na pang-iba- isang paglalahad ng mga kaganapan sa buhay ng isang tao na


isinulat ng ibang tao.
2. Talambuhay na Pansarili- isang paglalahad tungkol sa buhay ng isang tao na siya mismo
ang may akda.
3. Talambuhay Pangkayo- isang paglalahad tungkol sa buhay ng isang tao na naging sikat
sa isang bansa, lalawigan, bayan, o kahit sa isang maliit na pamayanan o grupo ng mga
tao dahil sa angking galing ng mga ito.

© Uri ng talambuhay ayon sa nilalaman

1. Talambuhay na Karaniwan- isang paglalahad tungkol sa buhay ng isang tao mula


pagsilang hanggang sa kanyang pagkamatay. Kasama rito ang detalye tulad ng kanyang
mga magulang, mga kapatid, kapanganakan, pag-aaral, karangalang natamo, mga naging
tungkulin, mga nagawa, at iba pang mahahalagang bagay tungkol sa kanya.
2. Talambuhay na Di-Karaniwan o Palahad- hindi gaanong sapat dito ang mahahalagang
detalye tungkol sa buhay ng tao maliban kung ito’y may kaugnayan sa simulain ng paksa.
Sa halip ay binibigyang-pansin dito ang mga layunin, adhikain, simulain, paninindigan ng
isang tao, at kung paano nauugnay ang isang tao sa kanyang tagumpay o kabiguan

BALITA

Isang uri ng lathalain na tumatalakay sa mga kasalukuyang kaganapan sa labas at/o loob
ng isang bansa na nakatutulong sa pagbibigay-alam sa mga mamamayan. Maaari itong ihayag sa
pamamagitan ng paglilimbag, pagsasahimpapawid, Internet, o galing sa bibig at ikalat sa ikatlong
partido o sa maramihang mambabasa at nakikinig.

PARABULA

Ang talinghaga, talinhaga, o parabula ay isang maikling kuwentong may aral na kalimitang
hinahango mula sa Bibliya. Isa itong maikling salaysay na maaaring nasa anyong patula o prosa
na malimit nangangaral o nagpapayo hinggil sa isang pangyayari, na kadalasang isinasalarawan
ang isang moral o relihiyosong aral. Taliwas sa pabula, ang parabula ay walang inilalahok na
tauhang hayop, halaman, bagay, at puwersa sa kalikasan na pawang kumikilos at nagsasalita
gaya ng tao. Isang katangian nito ang pagiging isang kuwentong naglalahad o nagpapakita ng
kung paanong katulad ng isang bagay ang iba pang Bibliya ay mga kuwentong sinabi ni Hesus, na
nagtuturo ng kung ano ang katangian ng Kaharian ng Diyos.
© PATULA O POESIYA

Nagpapahayag ng damdamin. Ito'y isinusulat ng pasaknong. Binubuo ng apat na uri ang


mga akdang patula: tulang pasalaysay, tulang liriko, o pandamdamin, tulang pandulaan at tulang
patnigan.

1. TULANG PASALAYSAY

Ang Tulang Pasalaysay ay pumapaksa sa mahahalagang tagpo o pangyayari sa buhay ng


kagitingan at kabayanihan ng tauhan kabilang sa uring ito ang:

a. Awit at Korido- pumapaksa sa mga pakikipagsapalaran at karaniwang ginagalawan ng mga


tauhang prinsipe at prinsesa
• Awit- 12 pantig sa bawat taludtod at madalang kapag inaawit. Hal. Florante at Laura
• Korido- magkapareho sila ng pinapaksa ng awit. Binubuo ito ng walong pantig sa bawat
taludtod at nagsisimula sa isang panalangin na kung awitin ay mabilis. Galing ito sa
salitang “currido’ ng Mexico na nanggaling naman sa Kastila. Hal. Ibong Adarna.

b. Epiko- isang tulang pasalaysay na ang karaniwang paksa ay tungkol sa pakikipagsapalaran,


katapangan at kabayanihan ng mga tao noong unang panahon. Kinapapalooban ito ng mga
pangyayaring hindi kapanipaniwala at mga kababalaghan. Hal: Maragtas, Hinilawod, Biag ni Lam-
ang, atbp.

c. Balad- ito ay may himig na awit dahilang ito ay inaawit habang may nagsasayaw. Ito ay
nilikha noong unang panahon. Sa kasalukuyan ay napasama na ito sa tulang kasaysayna na may
anim hanggang wlaong pantig.

2. TULANG LIRIKO (PANDAMDAMIN)- pagbubulay-bulay ng makata.

Tumutukoy sa mga paksang nauukol sa damdamin ng tao at maging ang pagbubulay-


bulay ng makata.

a. Soneto - tulang may labing apat na taludtod hinggil sa damdamin at kaisipan. Ito’y
naghahatid ng aral sa mga mambabasa.

b. Awiting bayan- ang karaniwang paksa ng uring ito ay pag-ibig, kawaalang pag-asa o
pamimighati, pangamba, kaligayan, pag-asa at kalungkutan.

c. Elehiya- nagpapahayag ng damdamin o guni-guni tungkol sa kamatayan.

d. Dalit- awit na pumupuri sa Diyos. Nagtataglay ng kaunting pilosopiya sa buhay.

e. Pastoral- layuning maglarawan ng tunay na buhay sa bukid.

f. Oda- nagpapahayag ng isang papuri o panaghoy, o iba pang masiglang damdamin; walang
tiyak na bilang ng pantig o tiyak na bilang ng taludtud sa isang saknong.
3. TULANG DULA O PATANGHALAN- isinusulat upang wikain at itanghal.

a. Melodrama
Ang dulang ito ay nag wawakas na kasiya-siya sa mabuting tauhan bagama't ang uring ito'y
may malulungkot na sangkap, kung minsan ay labis ang pananalita at damdamin sa uring ito at nag
tatapos sa kamatayan ng mga bida. Ginagamit ang melodrama sa mga musikal na dula. Dito,
malungkot sa simula ngunit nagiging masaya ang pagwawakas.

b. Komedya
Dulang nagtatapos sa tagumpay ng pangunahing tauhan. Masaya at kawili-wili sa mga
manonood.

c. Trahedya
Kabaliktaran ng komedya ang trahedya sapagkat ang dulang ito ay nauuwi sa pagkatalo o
pagkamatay ng bida o pangunahing tauhan. Isang halimbawa nito Ang Trahedya sa Balay ni Kadil.

d. Parsa
Ang parsa ay mga magkakabit-kabit o magkakadugtong-dugtong ng mgapangyayari ng isang
dulang nakakatawa.

e. Saynete
Ang saynete ay dulang tungkol sa lugar kung saan nagsimula ang kuwento ng pangunahing
tauhan at sa pag-uugali ng tao tulad ng pagiging mabait,masiyahin at maaalahanin.

4. TULANG PATNIGAN- pagtatalong patula na ginagamitan ng pangangatwiran at talas ng isip.

a. Karagatan - ang tulang ito ay ginagamit sa laro. Kadalasan itong ginaganap sa namatayan o
may lamay at may matandang tutula ukol sa paksa ng laro. Mayroon tabong papaikutin, at
kung saan matatapat ang hawakan ng tabo ay syang sasagot sa tanong ng isang dalaga na
may matalinhagang bugtong at matalinhagang sasagot ang binata. Ito ay nagmula sa isang
alamat ng isang prinsesa na nahulugan ng singsing habang siya'y naglalakbay sa karagatan .
Kung sino man ang makakita ng singsing ay siyang mapapakasalan ng prinsesa.

b. Duplo - ito ang pumalit sa karagatan. Labanan ito ng pagalingan sa pagbigkas at pagbibigay
katwiran nang patula. Ang mga pagbigkas ay galing sa mga kasabihan, salawikain at Bibliya.
Ito ay madalas laruin tuwing may lamay sa patay.

c. Balagtasan- ang balagtasan naman ang pumalit sa duplo. Ito ay debate na binibigkas nang
patula. Ipinangalan ito sa tanyag na manunulat na si Francisco "Balagtas" Baltazar "Ang
Ama ng Balagtasan". Pinatanyag ito ng "Hari ng Balagtasan" na si Jose Corazon de Jesus
(Huseng Batute).
MGA AKDANG PAMPANITIKAN NA NAGDALA NG MALAKING
IMPLUWENSIYA SA BUONG DAIGDIG

1. Bibliya o Banal na Kasulatan- naging batayan ng pananampalataya ng mga


Kristiyano.

2. Qu'ran na nagmula sa Arabya- banal na aklat ng mga Muslim

3. Uncle Tom's Cabin ni Harriet Beecher Stowe ng Estados Unidos- nagbukas ng


kaisipan ng mga Amerikano sa kaapihan ng mga lahing itim at pinagsimulan ng
pandaigdig na paglaganap ng demokrasya.

4. Iliad at Odyssey ni Homer ng Gresya- kinatutuhan ng mga alamat at mitolohiya.

5. Divina Comedia ni Dante ng Italya- nagpapahayag ng pananampalataya, moralidad


at pag-uugali ng mga Italyano sa kapanahunang yaon.

6. Canterbury Tales ni Chaucer- naglalarawan ng mga kaugalian at pananampalataya


ng mga Ingles.

7. Aklat ng mga Araw ni Confucius- naging batayan ng pananampalataya at


kalinangang Intsik.

8. Isang Libo't Isang Gabi- naglalarawan ng pamumuhay ng mga tao sa Arabya at


Persya.

9. El Cid Compeador- tumatalakay sa kasaysayan ng Espanya at naglalarawan ng


katangiang panlahi ng mga Kastila.

10. Awit ni Rolando- nagsasalaysay ng panahong ginto ng Kristiyanismo sa Pransya,


napapaloob dito ang Ronces Valles Doce Pares ng Pransya.

11. Aklat ng mga Patay- tumatalakay sa mitolohiya at teolohiya ng mga mamamayan


ng Ehipto.

12. Mahabharata- ipinalalagay na pinakamahabang epiko sa buong mundo na


tumatalakay sa pananampalataya sa India.
IBA’T IBANG PANAHON NG PANITIKANG PILIPINO

© Sinaunang Panahon/Katutubong Panitikan

– May sarili nang panitikan ang ating mga ninuno sa panahong ito
– Alibata ang kadalasang ginagamit
– Gumagamit din sila ng mga biyas ng kawayan, talukap ng bunga o niyog at dahon at balat ng
punungkahoy bilang sulatan at matutulis na bagay naman bilang panulat

Mga uri ng panitikang sumibol at sumikat sa sinaunang panahon:

1. ALAMAT
2. KWENTONG BAYAN
3. EPIKO
a. Bidasari – Moro
b. Biag ni Lam-ang – Iloko
c. Maragtas – Bisaya
d. Haraya – Bisaya
e. Lagda – Bisaya
f. Kumintang – Tagalog
g. Hari sa Bukid – Bisaya
4. MGA AWITING BAYAN
5. KARUNUNGAN BAYAN
a. Salawikain – nagsisilbing batas at tuntunin ng kagandahang-asal ng ating mga ninuno.
hal. Aanhin pa ang damo kung wala na ang kabayo.
b. Sawikain – mga kasabihang walang natatagong kahulugan
hal. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa.
c. Bugtong – maikling tulang karaniwang naglalarawan ng isang bagay na siyang pahuhulaan.
hal. Isang tabo , laman ay pako.

© Pananakop ng Kastila

Mga Impluwensya ng Kastila sa ating Panitikan:

1. Nahalinan ng Alpabetong Romano ang Alibata


2. Naituro ang Doctrina Cristiana
3. Naging Bahagi ng Wikang Filipino ang maraming salita sa Kastila
4. Nadala ang ilang akdang pampanitikan ng Europa at tradisyong Europeo na naging bahagi ng
ating panitikan gaya ng awit, corido, moro-moro at iba pa.
5. Nasinop at nasalin ang makalumang panitikan sa Tagalog sa ibang wikain
6. Nailathala ang iba’t ibang aklat pambalarila sa wikang Filipino tulad ng Tagalog, Ilokano at
Bisaya.
7. Nagkaroon ng makarelihiyong himig ang mga akda
Mga Unang Aklat:
a. Ang Doctrina Cristiana (1593) – Padre Juan de Placencia at Padre Dominga Nieva
b. Nuestra Senora del Rosario (1602) – Padre Blancas de San Jose
c. Ang Barlaan at Josaphat (nobelang Tagalog) – Padre Antonio de Borja
d. Ang Pasyon – iba’t ibang bersyon sa Tagalog (Mariano Pilapil, Gaspar Aquino de Belen,
Anecito de la Merced at Luis de Guia)
e. Ang Urbana at Felisa – Modesto de Castro (Ama ng klasikang tuluyan sa Tagalog)

Mga Akdang Pangwika:


a. Arte Y Reglas de la Lengua Tagala
b. Compendio de la lengua Tagala
c. Vocabulario de la Lengua Tagala
d. Vocabulario de la Lengua Pampango
e. Vocabulario de la Lengua Bisaya
f. Arte de la Lengua Bicolana
g. Arte de la Lengua Iloka

Mga Dulang Panlibangan


1. Tibag
2. Lagaylay
3. Sinakulo
4. Panubong
5. Karilyo
6. Moro-moro
7. Duplo
8. Korido
9. Saynete
10. Karagatan
11. Sarswela

© Panahon ng Pagbabagong-isip (Propaganda)

– Ang diwang maka-relihiyon ay naging makabayan at humihingi ng pagbabago sa sistema


ng pamamalakad sa pamahalaan at simbahan
– Pagpasok ng diwang liberalismo

Mga Propagandista:
a. Dr. Jose Rizal/ Laong Laan at Dimasalang (“Noli at El Fili)
b. Marcelo H. Del Pilar (Palridel, Piping Dilat at Dolores Manapat) – Pag-ibig sa Tinubuang
Lupa, Kaiigat Kayo at Tocsohan
c. Graciano Lopez Jaena (Fray Botod, Sa Mga Pilipino atbp)
d. Antonio Luna (Noche Buena, Por Madrid atbp)
© Panahon ng Amerikano

1. Maalab ang diwang makabayan na hindi na magawang igupo ng mga Amerikano.


2. Pinasok ng mga manunulat na Pilipino ang iba’t ibang larangan ng panitikan tulad ng tula,
kwento, dula, sanaysay, nobela atbp.
3. Pag-ibig sa bayan at pagnanais ng kalayaan ang tema ng mga isinusulat.
4. Namayani sa panahong ito ang mga akda sa wikang Kastila, Tagalog at wikang Ingles.
5. Pinatigil ang mga dulang may temang Makabayan.
6. Sa panahong ito nailathala ang babasahing Liwayway.
7. Pinauso rin ang balagtasan katumbas ng debate.
8. Nagkaroon/Nagsimula ang pelikula sa Pilipinas.

Mga Pahayagan:
1. El Nuevo Dia (Ang Bagong Araw) ni Sergio Osmena (1900)
2. El Grito del Pueblo (Ang Sigaw ng Bayan) itinatag ni Pascual Poblete (1900)
3. El Renacimiento (Muling Pagsilang) – itinatag ni Rafael Palma (1900)
Mga Dulang Pinatigil:
1. Kahapon Ngayon at Bukas – Aurelio Tolentino
2. Tanikalang Ginto – Juan Abad
3. Walang Sugat – Severino Reyes

Ilang kilalang manunulat sa Kastila na sumikat:


1. Cecelio Apostol
2. Fernando Ma. Guerrero
3. Jesus Balmori
4. Manuel Bernabe Manalang
5. Claro M. Recto

Ilang kilalang manunulat sa Wikang Tagalog:


1. Lope K. Santos
2. Jose Corazon de Jesus
3. Florentino Collantes
4. Amado V. Hernadez
5. Valeriano Hernandez Pena
6. Inigo Ed Regalado

© Panahon ng Hapon

1. Natigil ang panitikan sa Ingles kasabay ng pagpatigil ng lahat ng pahayagan


2. Gintong Panahon para sa mga manunulat sa wikang Tagalog
3. Ipinagbawal din ng mga Hapon ang paggamit ng wikang Ingles
4. Ang paksa ay natutungkol sa buhay lalawigan
5. Napasara ang mga sinehan at ginawa na lamang tanghalan
6. Nagkaroon ng krisis ng papel kaya hindi masyadong marami ang akdang naisulat

Tatlong Uri ng Tula na sumikat sa panahon ng Hapon


1. Haiku
2. Tanaga
3. Karaniwang Anyo
Ilang Dula na sumikat sa panahon ng Hapon
a. Panday Pira – ni Jose Ma. Hernandez
b. Sa Pula sa Puti — Francisco Soc. Rodrigo
c. Bulaga – ni Clodualdo del Mundo
d. “Sino ba Kayo?” “Dahil sa Anak” at “Higanti ng Patay” ni NVM Gonzales

Ilang Mahusay na Maikling Kwento


a. Lupang Tinubuan (Narciso Reyes)
b. Uhaw ang Tigang na Lupa (Liwayway Arceo)
c. Lunsod Nayon at Dagat-dagatan (NVM Gonzales)

© Bagong Kalayaan 1945 – 1972

– Sumigla muli ang panitik sa Pilipinas


– Naging paksain ang kabayanihan ng mga gerilya, kalupitan ng mga Hapon, Kahirapan ng
pamumuhay noon atbp
– Nabuksang muli ang mga palimbagang naipasara dahil sa giyera
– Naitatag ang Palanca Memorial Award in Pilipino and English Literature noong 1950
– Nagkaroon din ng Republic Cultural Award, Gawad ni Balagtas at Taunang Gawad ng
Surian ng Wikang Pambansa
– Sumigla rin ang pagkakaroon ng pahayagan sa mga paaralang pangkolehiyo
– Nagbukas rin ang palimbagan ng lingguhang babasahin: Liwayway, Bulaklak, Tagumpay,
Ilang-ilang atbp

Ilang Samahang Naitatag para sa Panitikang Filipino:


1. Taliba ng Inang Wika (TANIW)
2. Kapisanan ng Diwa at Panitik (KADIPAN)
3. Kapisanan ng mga Mandudulang Pilipino (KAMPI)
4. Ilang Samahang Naitatag para sa Panitikang Ingles:
5. Philippine Writers Association
6. Dramatic Philippines
7. Philippine Educational Theater Association (PETA)
8. Arena Theater
9. Barangay Writer’s Guild

© Batas Militar 1972 – 1986

– 1972 idiniklara ang Batas Militar sa Pilipinas sa pamumuno ni Pangulong Ferdinand Marcos
– Paksa ang paghingi ng pagbabago sa pamahalaan at lipunan
– Pagsisimula ng programang Bagong Lipunan noong Setyembre 21, 1972
– Pinahinto ang mga pampahayagan at maging samahang pampaaralan
– Pagpapatatag ng “Ministri ng Kabatirang Pangmadla” (sumubaybay sa mga pahayagan,
aklat at mga iba pang babasahing panlipunan)
© Kasalukuyang Panahon

– Isa pang makulay na kabanata ng panitikang Pilipino.


– Namumulat ang mamayang Pilipino sa kahalagahan ng pambansang wika.
– Marami na ang sumusubok na sumulat gamit ang kanilang sariling vernakyular.
– Mas mayaman ang pinagkukunan ng paksang isusulat.
– Malaki ang impluwensiya ng teknolohiya at agham.
– Malayo na rin ang naaabot ng media.
– Kahit sa mga telebisyon nagbabago na rin ang wikang ginagamit.
– Hindi lamang pamapanitikan ang uri ng salitang ginagamit ngunit mapapansin na may mga
akda na gumagamit na rin ng pabalbal, kolokyal at lalawiganin.

© TEORYANG ROMANTISISMO

Ang layunin ng teoryang ito ay ipamalas ang iba’t ibang paraan ng tao o sumasagisag sa
tao sa pag-aalay ng kanyang pag-ibig sa kapwa, bansa at mundong kinalakhan. Ipinakikita
rin sa akda na gagawin at gagawin ng isang nilalang ang lahat upang maipaalam lamang
ang kanyang pag-ibig sa tao o bayang napupusuan.

© TEORYANG MARXISMO/MARSISMO

Ang layunin ng teoryang ito ay ipakita na ang tao o sumasagisag sa tao ay may sariling
kakayahan na umangat buhat sa pagdurusang dulot ng pang-ekononiyang kahirapan at
suliraning panlipunan at pampulitika. Ang mga paraan ng pag-ahon mula sa
kalugmukan sa akda ay nagsisilbing modelo para sa mga mambabasa.

© TEORYANG SOSYOLOHIKAL

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang kalagayan at suliraning panlipunan ng lipunang


kinabibilangan ng may-akda. Naipakikita rito ang pamaraan ng mga tauhan sa pagsugpo sa
suliranin o kalagayan ng lipunan na nagsisilbing gabay sa mga mambabasa sa magpuksa sa mga
katulad na suliranin.

© TEORYANG MORALISTIKO

Ang layunin ng panitikan ay ilahad ang iba’t ibang pamantayang sumusukat sa moralidad
ng isang tao – ang pamantayan ng tama at mali. Inilalahad din nito ang mga pilosopiya o
proposisyong nagsasaad sa pagkatama o kamalian ng isang kilos o ugali ayon sa
pamantayang itinakda ng lipunan. Sa madaling sabi, ang moralidad ay napagkakasunduan
ayon na rin sa kaantasan nito.
© TEORYANG BAYOGRAPIKAL

Ang layunin ng panitikan ay ipamalas ang karanasan o kasagsagan sa buhay ng may-akda.


Ipinahihiwatig sa mga akdang bayograpikal ang mga bahagi sa buhay ng may-akda na siya niyang
pinakamasaya, pinakamahirap, pinakamalungkot at lahat ng mga “pinaka” na inaasahang
magsilbing katuwang ng mambabasa sa kanyang karanasan sa mundo.

© TEORYANG QUEER

Ang layunin ng panitikan ay iangat at pagpantayin sa paningin ng lipunan sa


mga homosexual. Kung ang mga babae ay may feminismo ang mga homosexual naman ay queer.

© TEORYANG HISTORIKAL

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang karanasan ng isang lipi ng tao na siyang
masasalamin sa kasaysayan at bahagi ng kanyang pagkahubog. Nais din nitong ipakita na
ang kasaysayan ay bahagi ng buhay ng tao at ng mundo.

© TEORYANG KULTURAL

Ang layunin ng panitikan ay ipakilala ang kultura ng may-akda sa mga hindi nakaaalam.
Ibinabahagi ng may-akda ang mga kaugalian, paniniwala at tradisyong minana at ipasa sa mga
sunod na salinlahi. Ipinakikita rin dito na bawat lipi ay natatangi.

© TEORYANG DEKONSTRUKSYON

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang iba’t ibang aspekto na bumubuo sa tao at mundo.
Pinaniniwalaan kasi ng ilang mga pilosopo at manunulat na walang iisang pananaw ang nag-udyok
sa may-akda na sumulat kundi ang pinaghalo-halong pananaw na ang nais iparating ay ang
kabuoan ng pagkatao at mundo.

© TEORYANG KLASISMO/KLASISISMO

Ang layunin ng panitikan ay maglahad ng mga pangyayaring payak, ukol sa pagkakaiba


ng estado sa buhay ng dalawang nag-iibigan, karaniwan ang daloy ng mga pangyayari,
matipid at piling-pili sa paggamit ng mga salita at laging nagtatapos nang may kaayusan.

© TEORYANG HUMANISMO

Ang layunin ng panitikan ay ipakita na ang tao ang sentro ng mundo; ay binibigyang-tuon
ang kalakasan at mabubuting katangian ng tao gaya ng talino, talento atbp.

© TEORYANG IMAHISMO

Ang layunin ng panitikan ay gumamit ng mga imahen na higit na maghahayag sa mga


damdamin, kaisipan, ideya, saloobin at iba pang nais na ibahagi ng may-akda na higit na madaling
maunawaan kaysa gumamit lamang ng karaniwang salita. Sa halip na paglalarawan at tuwirang
maglalahad ng mga imahen na layong ilantad ang totoong kaisipan ng pahayag sa loob ng
panitikan.
© TEORYANG REALISMO

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga karanasan at nasaksihan ng may-akda sa


kanyang lipunan. Samakatuwid, ang panitikan ay hango sa totoong buhay/ tuwirang totoo.

© TEORYANG FEMINISMO

Ang layunin ng panitikan ay magpakilala ng mga kalakasan at kakayahang pambabae at


iangat ang pagtingin ng lipunan sa mga kababaihan. Madaling matukoy kung ang isang panitikan
ay feminismo sapagkat babae o sagisag babae ang pangunahing tauhan ay ipamayagpag ang
mabubuti at magagandang katangian ng tauhan.

© TEORYANG ARKITAYPAL

Ang layunin ng panitikan ay ipakita ang mga mahahalagang bahagi ng akda sa pamamagitan
ng mga simbolo. Ngunit hindi basta-basta masusuri ang mga simbolismo sa akda. Pinakamainam
na alamin muna ang kabuuang konsepto at tema ng panitikan sapagkat ang mga simbolismong
napapaloob sa akda ay magkaugnay sa isa’t isa. Ang lahat ng simbolismo ay naaayon sa tema
at konseptong ipinapakilala ng may-akda sa mga mambabasa.

© TEORYANG FORMALISMO

Ang layunin ng panitikan ay iparating sa mambabasa ang nais niyang ipaabot gamit ang
kanyang tuwirang panitikan. Samakatuwid, kung ano ang sinasabi ng may-akda sa kanyang
panitikan ang siyang nais niyang ipaabot sa mambabasa – walang labis at walang kulang.
Walang simbolismo at hindi humihingi ng higit na malalimang pagsusuri’t pang-unawa.

© TEORYANG SIKOLOHIKAL

Ang layunin ng panitikan ay ipaliwanag sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga salig (factor)


sa pagbuo ng naturang behavior (pag-uugali, paniniwala, pananaw, pagkatao) sa isang tauhan sa
kanyang akda. Ipinakikita sa akda na ang tao ay nagbabago o nagkakaroon ng
panibagong behavior dahil may nag-udyok na mabago o mabuo ito.

© TEORYANG EKSISTENSYALISMO

Ang layunin ng panitikan ay ipakita na may kalayaan ang tao na pumili o magdesisyon para
sa kanyang sarili na siyang pinakasentro ng kanyang pananatili sa mundo (human
existence).

You might also like