Kabanata 1

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 7

KABANATA I

INTRODUKSYON SA KOMUNIKASYON:
ANTAS, PRINSIPYO, MODELO, ELEMENTO AT PROSESO

KOMUNIKASYON

Nagmula sa salitang latin na “COMMUNIS” na


nangangahulugang “karaniwan” o “panlahat”. Ang
komunikasyon ay isang interaktibong proseso o paraan ng
pagpapalitan ng impormasyon, damdamin, ideya at
pangangailangan sa pamamagitan ng simbolo.
Proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe sa pamamagitan ng simbolikong cues
na maaaring berbal o di-berbal. (Bernales, et al., 2002).Sining ng pagpapahayag ng kaisipan o ideya sa
paraang pasalita at pasulat. (Tanawan, et al., 2004).Proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mensahe
sa pamamagitan ng simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal. (Bernales, et al., 2002).Sining ng
pagpapahayag ng kaisipan o ideya sa paraang pasalita at pasulat. (Tanawan, et al., 2004).Sa libro naman
ni Hernandez (1989), itinuturing niya ang komunikasyon bilang isang cooperative enterprise. Sa isang
cooperative enterprise may 2 o higit pang tao na nagbibigayan at kung gayon, ang bawat isa sa kanila ay
nakapagdedebelop ng 2 kakayahan--- ang makinig at magsalita nang mahusay.

Iba-iba ang depenisyong ibinigay ng mga eksperto sa komunikasyonsang-ayon sa kanilang


interes at kinabibilangang larangan:

“Pagbabahagi ng ideya atdamdamin sa estado ng pagkakaunawaan.” –Dale (1969)

“Transmisyon ng mga impormasyon, ideya, pag-uugali, o damdamin at kasanayan… sa paggamit


ng mga simbolo” –Berelson at Steiner (1964)

“Transmisyon ng mga impormasyon, ideya, pag-uugali, o damdamin mula sa isang tao o pangkat
ng mga tao patungo sa kanyang kapwa… karaniwang isinasagawa sa pamamagitan ng mga simbolo. –
Theodorson (1969)

Mula sa mga depinisyong ipinahayag ng mga eksperto sa itaas, mahihinuha na iisa ang tunguhin
ng komunikasyon. Ang makapaghatid o makapagbahagi ng impormasyon, ideya, damdamin,
kasanayan o karanasan patungo sa ibang tao na naihahatid sa pamamagitan ng paggamit ng mga
simbolo.

A. MGA ANTAS AT PRINSIPYO NG KOMUNIKASYON


Ang kominikasyon o pakikipagtalastasan ay proseso ng pagpapadala at pagtanggap ng mga
mensahe sa pamamagitan ng mga simbolikong cues na maaaring berbal o di-berbal. Masaklaw ang
depinisyong ito.Sinasaklaw nito ang iba’t ibang uri ng prosesong pang komunikasyon.
1. Intrapersonal – komunikasyong pansarili. Sangkot ditto ang pag-iisip,pag-alala at pagdama, mga
prosesong nagaganap sa internal nating katauhan.

2. Interpersonal – nagaganap sa pagitan ng dalawa o mahigit pang mga tao, o sa isang tao at isang
maliit na pangkat.

3. Pampubliko – nagaganap sa pagitan ng isang tagapagsalita at maraming tagapakinig.

4. Pangmasa o Pangmadla – nagaganap sa pagitan ng malawakang media, tulad ng radio, TV,


Internet, pahayagan, atbp.

5. Pang-organisasyon – organisado at nakatutok sa isang hangarin o adhikain.

6. Pangkaunlaran – aspekto ng kultura ng mga kalahok ang pinag-uusapan sa antas na ito.

Upang mabisang mailarawan ang komunikasyon, kinakailangang tukuyin at ipaliwanag ang


mga salalayang prinsipyo nito.

1. Ang komunikasyon ay isang proseso. Isang proseso ng komunikasyon na kinapapalooban ng


marami pang proseso. Hindi lamang ito kinasasangkutan ng ng pagpapadala at pagtanggap ng
mensahe. Halimbawa, bago makapagpadala ng
mensahe ang isang tao sa ibang tao, kailangang isipin niya muna kung ano ang mensaheng
ipadadala niya, paano iyon ipadadala, ano-anong salita ang kanyang gagamitin, paano niya
iyon isasaayos upang maunawaan, sa anong daluyan niya iyon pararaanin at ano ang
inaasahan niyang reaksyon ng pagpapadalhan niya ng mensahe.

2. Ang proseso ng komunikasyon ay dinamiko. Isang pilosopo ang minsang nagsabi na walang
taong makatutuntong sa gayon ding ilog nang higit sa minsan. Ano ang ibig sabihin nito?
Bawat sandali, nagbabago ang ilog sapagkat dumadaloy ang tubig nito. Tumuntong mang muli
roon ang isang tao, ang tubig na una niyang tinapakan ay umagos na.Hindi narin siya ang
dating taong unang tumuntong sa ilog na iyon dahil philosophically ay tumanda na siya.
Paano’y tumatanda ang lahat ng tao sa paglipas ng bawat Segundo,hindi ba? Gayon din ang
komunikasyon. Minsang nangyari, hindi na mauulit. Ulitin man nating muli ang mga salitang
una nating tinuran, nag-iiba na ang komunikasyon dahil iba na ang panahon. Kasi, ano mang
komunikasyon ay naiimpluwensyahan ng oras, lugar, mga pangyayari at mga taong sangkot sa
proseso, kung kaya’t ang komunikasyon ay nagbabago o dinamiko dahil sa impluwensya ng
pagbabago ng mga ito.

3. Ang komunikasyon ay komplikado. Nagiging komplikado ang proseso ng komunikasyon dahil


sa paraan ng pagtingin ng mga sangkot sa komunikasyon sa isa’t isa.Ito ang tinatawag na
persepsyon na hindi lagging pare-pareho. Kapag ang dalawang tao ay nag-uusap, halimbawa,
ang kanilang komunikasyon ay naiimpluwensyahan ng: a) persepsyon ng isa sa kanyang sarili,
b) persepsyon niya sa kanyang kausap, c) iniisip niyang persepsyon ng kanyang kausap sa
kanya at d) ang tunay na persepsyon ng kanyang kausap sa kanya. Ang kanyang kausap ay
mayroon ding: a) persepsyon sa kanyang sarili, b)iniisip niyang persepsyon niya sa kanyang
kausap, c)iniisip niyang persepsyon ng kanyang kausap sa kanya at d)tunay na persepsyon
niya sa kanyang kausap. Komplikado, hindi ba? Bungan g

komplikasyong dulot ng mga persepsyong ito, may mga komunikasyong hindi nagiging mabisa
at humahantong sa hindi pagkakaunawaan.

4. Mensahe, hindi kahulugan, ang naipadadala/natatanggap sa komunikasyon. Pansinin muli


ang kahulugan ng komunikasyon. Ito ay proseso ng pagpapahatid at pagtanggap ng mensahe,
hindi kahulugan. Kapag nagpadala ang isang tao ng mensahe sa pamamagitan ng
salita,halimbawa, maaari itong magkaroon ng iba’t ibang kahulugan. Paano’y ang
pagpapakahulugan sa mga mensahe ay nakasalalay sa tumatanggap nito.Halimbawa, kapag
narinig mo ang salitang baboy , ano kaya ang kahulugan ng mensaheng iyon sa iyo?Gayon din
kaya ang pagpapakahulugan ng iba?Paanong nangyari iyon gayong parehong mensahe naman
ang sa inyo’y naipadala at inyong natanggap, mensahe pa lamang.Ang pagpapakahulugan ay
depende na sa tumatanggap nito.

5. Hindi tayo maaaring umiwas sa komunikasyon. Kahit pa tayo’y hindi magsalita,


nakikipagtalastasan tayo sa ating kapwa. Pansinin ang dalawang taong nasa loob ng
elebeytor,Halimbawa, Hindi sila nag-uusap. Nag-iiwasan pa nga sila ng mata. Malinaw nilang
naipadadala ang mensahe ng kawalan ng interes sa isa’t isa. Sa hindi pag-imik at pag-iwas ng
tingin, kapwa nila naipadala at natanggap ang mensaheng Huwag mo akong kausapin!
Nagkaroon sila ng komunikasyon,hindi ba? Hindi nila iyon maiiwasan! Kung tutuusin, kahit
tayo’y nag-iisa,hindi natin maiiwasan ang mag-isip.Anong uri ito ng
komunikasyon?intrapersonal, hindi ba? Lalo na kapag may mga tao sa ating paligid.Hindi man
tayo magsalita, sa ating mga kilos,galaw,kumpas at anyo,hindi man sinasadya ay
nakapagpapadala tayo ng mensahe sa iba.

6. Laging may dalawang uri ng mensahe sa proseso ng komunikasyon. Ang mensaheng ito ay
maaaring mauring: a) mensaheng pangnilalaman o mensaheng panglinggwistika at b)
mensaheng relasyonal o mensaheng ‘di berbal na nagpapahiwatig ng iyong damdamin o
pagtingin sa kausap. Halimbawa, habang ang isang tao’y nakikipag-usap sa kaibigan, ang mga
sinasabi niya ang mga mensaheng pangnilalaman. Samantala,ang kanyang relaks na
pangangatawan,

madalas na pagtingin sa kaibigan at lapit o agwat naman ang mga mensaheng relasyonal na
nagpapahiwatig na komportable siya sa kausap. Kung gayon, sa proseso ng komunikasyon, dalawang
uri ng mensahe ang naipadadala at natatanggap at kadalasan, ang pagpapakahulugan sa mensaheng
iyon ay bunga ng impluwensya ng isa sa isa.
B. MGA MODELO, ELEMENTO AT PROSESO NG KOMUNIKASYON
Isa sa pinaka madaling paraan ng paglalarawan sa proseso at mga sangkap ng isang
bagay ay sa pamamagitan ng mga modelo o representasyong biswal sapagkat nagagawa
nitong simple ang isang komplikadong bagay, tulad ng komunikasyon.
Marami nang awtor at iskolar ang nagdisenyo ng iba’t ibang modelo ng
komunikasyon. Bawat isang modelo ay may kapakinabangan sa sino mang naglalayong
maunawaan nang ganap ang komplikadong proseso ng komunikasyon. Ilan sa mga modelong
ito ay inilahad sa kabanatang ito. Pansinin ang sumusunod na modelo:

MODELO NI ARISTOTLE ng pag-eenkowd ng mensahe


Aristotle – Nakasentro sa tagapagsalita tungo sa maraming tagapakinig . Ito ay pinaunlad nang
husto ng mga Edukador sa Roma noong 33-39 AD.

(discovery) (Arrangement) (Clothing) (Delivery)


Pagtuklas Pagsasaayos Pagbibihis Paghahatid

Tinutuklas ang Isinasaayos Binibihisan Inihahatid nang


kaalamang ang mga ang ideya ng naaayon ang
lohikal (logos), kaalaman sa malinaw at mensahe.
emosyonal paraang magkakaug-
(pathos), at istratehikal. nay na
etikal (ethos) pahayag.

MODELO NI SCHRAMM
Schramm (1954) –Nagsimulang pag – aralan ni Wilbur Schramm ang komunikasyon bilang
isang hiwalay na disiplina o larangan. Lumikha siya ng mga modelo ng komunikasyon na tutugon sa
iba’t ibang uri ng katanungan.

Lawak ng karanasan Lawak ng karanasan


Signal
Tagapaghatid Tagatangga
Pag - eenkowd p
Pagdedekowd

Sa modelong ito ni Scramm naimungkahi ang pagsasama ng tugon o feedback mula sa


tagatanggap ng mensahe saPag-eenkowd
proseso ng komunikasyon. Nagkakaroon ng tuluy- tuloy na proseso ng
komunikasyon sa pamamagitan nito, at hinahayaan ang pagkakaroon ng inter-aksyon sa bawat isa.
MODELO NI LASWELL
Laswell – Gumawa ng modelo ng komunikasyon ang Political Scientist na si Harold Laswell
noong 1948. Ipinapakita sa modelong ito ang mga katanungang “sino ang nagsabi ng anong mensahe,
sa anong daluyan at ano ang naging epekto nito?” Sa kanyang modelo makikita ang iba’t ibang
sangkap na dapat na isaalang-alang upang matiyak ang maaaring maging impak o maidudulot nito.

LASWELL

Impa
k
(Imp

MODELO NI BERLO
Ayon kay Berlo (1960), ang komunikasyon ay isang proseso ng pakikipag- ugnayan. At ang
prosesong ito ay bumubuo ng interaksyon at ang bawat elemento/sangkot sa komunikasyon ay
nakakaapekto sa isa’t isa.

ENKOWD DEKOWD
Pinagmulan Mensahe Daluyan Tagatanggap
(Source) (Message) (Channel) (Receiver)
Mapapansin sa ilustrasyong ito ang anim na batayang sangkap o element ng proseso
ng komunikasyon.

 Tagapaghatid/Enkowder/Pinagmulan – tumutukoy ito sa tao o pangkat ng mga taong


pinanggagalingan ng mensahe.
 Mensahe – mauuri sa dalawang aspeto ang mensahe. Maaaring ito ay pangnilalaman o
panglinggwistika at mensaheng relasyonal o di-berbal.
 Midyum – berbal ba o di berbal ang pagkakapahayag ng mensahe? Berbal ang ginamit na
midyum ng tagapaghatid at kung hindi naman ,ito ay di-berbal.
 Tsanel/Daluyan – mayroong dalawang kategorya ang daluyan o tsanel ng mensahe. Maaaring
ito ay sensori o kaya naman ay institusyonal.
 Tagatanggap/Resiber/Audience – siya ang nagbibigay – pakahulugan sa mensaheng ipinadala
ng enkowder o tagapaghatid.
 Tugon/feedback – ang pagtugon ng tagatanggap sa mensaheng natanggap ay mauuri sa tatlo;
tuwirang tugon, di-tuwirang tugon, at naantalang tugon.
 Sistema – nangangahulugan sa relasyon o ugnayan na nalikha sa pamamagitan ng proseso ng
komunikasyon

MGA POTENSYAL NA SAGABAL SA KOMUNIKASYON


Bagamat hindi tuluyang nailagay sa mga modelo ng komunikasyon, isa ito sa mga nagiging
sanhi ng katagumpayan o kabiguan ng proseso ng komunikasyon. Ito ay matatagpuan sa
tagapaghatid,midyum,tsanel,at tagatanggap ng mensahe.

 Semantikong Sagabal/pagpapakahulugan ng mga salita – matatagpuan sa salita o


pangungusap. May mga salita na maaaring hindi lamang iisa ang kahulugan.
Halimbawa ng salitang tubo – pipe(daluyan ng tubig) , sugar cane, income o kaya’y
pagsibol.
 Pisikal na sagabal/daluyan o daanan ng komunikasyon – ito ang mga ingay sa paligid,
distraksyong biswal, suliraning teknikal(sound system), hindi komportableng
kalagayan ng nagsasalita o ng nakikinig.
 Pisyolohikal na Sagabal – matatagpuan ito sa katawan ng nagdadala o tumatanggap
ng mensahe tulad ng kapansanan sa pagsasalita, pandinig o

kaya’y paningin.
 Sikolohikal na sagabal – ang pagkakaiba-iba ng kultura at kinalakhan ng tao ay
nagiging sanhi ng pagkakaiba-iba ng paghahatid at pagtanggap ng mensahe. Ito ang
nagdudulot ng biases at prejudices na maaaring magbunga ng mis-interpretasyon sa
mensahe.
 Edad – mahalagang makilala ang tagapakinig o tagatanggap upang maiangkop ang
wikang gagamitin.
 Pinag-aralan- kilalanin ang tagatanggap ng mensahe o tagapakinig kung itoy mga
pangkat ng propesyonal gaya ng akademya, mangangalakal atbp.
 Hanapbuhay – mahalagang malaman ng tagapagsalita ang kinabibilangang
hanapbuhay ng mga tagapkinig.Sila bay karaniwang manggagawa sa lungsod o sa
probinsya.
 Kalagayang sosyal – nagkakaroon ng suliranin ditto lalo na sa mga katawagan na
ginagamit ng mga tao sa kanilang antas ng buhay na kanilang kinabibilangan.

You might also like