6 Module 6
6 Module 6
6 Module 6
Panimula
Layunin
Nilalaman
Sabi nga kapag may usok, malamang na may apoy. Sa isang komunidad na gaya
ng kapitbahayan, purok, sityo o paaralan, madalas magmula sa una at pangalawang
uri ang tsismis ukol sa isa o higit pang miyembro ng komunidad, subalit may
pagkakaiba sa dalawa. Malamang na may maitim na balakin sa kaso ng
pangalawang uri.
May negatibong pakahulugan ang gossip sa ibang bansa, at gayundin naman and
kadalasang pananaw sa tsismis sa Pilipinas. Maging sa Bibliya, may mga taludtod
na nagbabala laban sa tsismis (Tan, 2016, pp. 8-9; Montelibanon, 2017).
Gayunpaman, ang tsismis ay may kaibahan sa katumbas nitong phenomenon sa
ibang bansa sapagkat hinuhubog ito ng kulturang Pilipino at katutubong wika, lalo
ng angking sigla at kulay ng bernakular na ginagamit sa pagtsismis. Bagama’t
halaw sa salitang espanyol na chimes, ang tsismis ay isang uri ng usapan o
huntahan na posibleng nangyayari na bago pa man dumating ang mga mananakop
sa bansa (Tan, 2016).
Sa kabila ng negatibong konotasyon, ang tsismisan ay bahagi pa rin ng daynamiks
ng interaksyon ng mga Pilipino sa kapuwa at maaaring nakapagbibigay sa mga
magkakausap ng sikolohikal na koneksiyon at kultural na ugnayan sa lipunang
ginagalawan. Minsan, ang tsismis ay maaari ding makapagbigay ng mga
panimulang ideya hinggil sa mga isyung binibigyang-pansin ng mga mamamayan,
ng mga palatandaan na makapaglalantad sa malalaking isyung panlipunan na dapat
bulatlatin ng masinsinan, at ng palaisipan hinggil sa mga motibo ng isang tao o
grupo na nagpapakalat ng tsismis. Kawala-walaan, ang tsismisay maituturing na
isang hamon sa pag-alam o paglalantad sa katotohanan, lalo na kung may
katuturang panlipunan ang paksa. Halimbawa, paano kung ang laman ng tsismisan
ay tungkol sa pangungurakot ng mga opisyal sa isang bayan? Oo nga’t hindi agad
dapat paniwalaan, ito’y dapat usisain. Kung mapatunayang totoo ang tsismis,
kailangan ng aksyon mula sa taumbayan at makikinabang dito ang bayan. Kung
hindi, ang napatunayan nito’y malinis ang budhi ng mga opisyal na natsismis at
malamang na may naninira sa kanila na silang maitim ang budhi. Samakatuwid,
ang implikasyon nito’y kailangan ng matinding paghimok sa mga Pilipino na
idirekta ang tsismis sa layong ito’y mapatotohanan o mapasubalian-ang
transpormasyon ng tsismis na walang kasiguraduhan ang katotohanan tungo sa
pagiging balita na batay sa empirikal at kritikal na pagsusuri.
Karaniwang nilalayuan o iniiwasan ang mga tsismosa, pero marami rin ang
mahilig makipagkwentuhan sa kanila. Natural lamang na maintriga ang mga tao sa
sikreto at baho ng iba. Ang mali sa pagiging tsismosa ng mga Pinoy ay ang
pangtsitsismis hango sa inggit, na maaaring nagmumula sa kakitidan ng utak natin.
Ang pang tsitsismis ay nagiging simpleng paraan upang makapanakit sa kapwa at
mga kaaway. Ang tsismis ay karaniwang ginagamit para makasakit at makapanira
ng reputasyon ng ibang tao, o kaya naman o kaya naman ay husgahan ang kanilang
katauhan, kamalian at kasalanan. Ang madals na pinag-uusapan ng tsismis sa
kumonidad ay mga sensitibong bagay tulad ng sex, pagbubuntis ng mga hindi kasal
o disgrasyada, pagiging homosexual at pambababae, ngunit pinagtsitsismisan din
ang iba’t-ibang bagay tulad ng estado sa buhay o kaya naman ay pag-aaral.
Malungkot man sabihin ngunit mas pinipili ng mga Pilipino ang mga tsismis kaysa
katotohanan. Kahit na may mga mangilan ngilan na hindi naniniwala sa mga
tsismis na narinig nila, marami pa rin ang naniniwala sa alternative facts. Kakaunti
lamang ang mga taong nagtatanong ng totoong nangyari sa taong pinag-uusapan, at
mas kakaunti pa ang mga tao na sumusubok na tingnan kung tama ang
impormasyon na kanilang nasasagap.
Mukha mang simpleng bagay ang pangtsitsismis, ito ay maaaring makasama kung
sumobra. Maaari itong makasira ng reputasyon ng isang tao at lubhang
makaapekto sa kalagayan ng pinag-uusapan. Ang mga tsismis na naglalayong
makasakit ng tao at nakahahamak ng dignidad ay itinuturing na paninirang puri at
may mga legal na aksyon na maaaring gawin upang labanan ito at ipagtanggol ang
sarili gaya ng pagsampa ng kasong libel o slander.
Kinilala ng ating Kodigo Sibil ang karapatan ng bawat isa na maproteksyunan ang
kanyang dignidad, personalidad, pribadong pamumuhay, at kapayapaan ng isip.
Sinasabi sa Artikulo 26 na ang mga sumusunod na magkakatulad na akto, bagamat
hindi maituturing na krimen ay maaaring makabuo ng isang dahilan ng aksyon
(cause of action) para sa mga danyos, pagtutol at iba pang kaluwagan:
1. Panunubok sa pribadong buhay ng iba;
2. Panghihimasok o pang-iistorbo sa pribadong buhay o ugnayang pampamilya ng
iba;
3. Pang-iintriga na dahilan kung bakit ang isang indibidwal ay iiwasan ng kanyang
kaibigan;
4. Pang-aasar o pamaahiya sa iba dahil sa kanyang paniniwalang pangrelihiyon,
mababang antas ng pamumuhay, lugar ng kapanganakan, pisikal na depekto, at iba
pangpersonal na kondisyon.
Gawain 1
Gawain 2
1.
2.
3.
4.
5.
6.
7.
8.
9.
10.
Layunin
Lunsaran
Panoorin ang bidyo na ito https://www.youtube.com/watch?v=grQk7PbSCmA
bigyang-pansin ang mga istilo ng usapan ng bawat tauhan.
Nilalaman
Mga Gawain
Layunin
Lunsaran
Panoorin ang bidyo na ito https://www.youtube.com/watch?v=xxQoL6HvK0E
bigyang-pansin ang paksa ng usapan.