Las Araling Panlipunan 4 Q2-W3

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

ACTIVITY SHEETS

ARALING PANLIPUNAN 4

Quarter 2 Week 3

Name : _____________________________________________ Grade: _____________


School: _____________________________________________ Date : ______________

Hamon at Opurtunidad sa mga Gawaing Pangkabuhayan ng Bansa

Batayang Impormasyon

Kilala ang Pilipinas bilang isang agrikultural na bansa

Dalawa sa pangunahing gawaing pangkabuhayan ng bansa ang pagsaska at pangingisda

Ang mga gawaing pangkabuhayang ito ay nakararanas ng iba’t ibang hamon na dapat malagpasan at mga
oportunidad na makatutulong para gihit na mapaunlad ang ekonomiya ng bansa

Mga Gawaing Pangkabuhayan

A. Agrikultura

Pagsasaka- nangngunang gawaing pang-kabuhayan ng bansa

Mga Hamong Kaakibat sa Pagsasaka:

1. Lumalaking bilang ng mga angkat na produktong agrikultral

2. Kahirapan dulot ng mababang kita ng mga magsasaka,

3. limitadong pondo na pinagkakaloob ng pamahalaan bilang tulong sa maliliit na magsasaka.

4. Suliranin sa irigasyon

5. Kawalan ng kontrol sa presyo

6. Mga suliranin sa kalamidad

7. Pagkasira ng kalikasan

8. Pagbabago ng panahon

Hal. El Nino phenomenon o mahabang panahon ng tag-init

Mga oportunidad na ipinagkaloob sa mga magsasaka:

1. impormasyon sa mga bagong pag-aaral at saliksik upang gumanda ang ani at dumami ang
produksiyon.

2. Paggamit ng makabagong teknolohiya para mapabilis ang produksiyon

3. Paghihikayat sa mga OFW na mamumuhunan sa pagsasaka at linangin ang mga lupain sa kani-
kanilang mga probinsiya

4. Pagbibigay ng pagkakataon para sa magsasaka na makapag-aral ng tamang paraan ng pagsasaka

PANGINGISDA
Mga Hamon sa Pangingisda:

1. Climate change o pagbabago ng klima ng mundo

2. Likas na pangyayari o kalamidad

3. Imprastrakturang pangtransportasyon (tulay, kalsada atbp.)

4. Pagkasira ng mga tahanan ng mga isda sa ilalim ng dagat

5. Hindi epektibong pangangalaga sa mga yamang dagat lalo na sa mga protektadong lugar

Mga Oportunidad sa Pangingisda:

1. Pagpapatatag ng Philippine Fish Marketing Authority (PFMA) sa industriya ng pagbibili ng isda


sa pamamagitan ng pagpapatayo ng karagdagang daungan o pantalan sa mga istratehikong lugar
upang mapalago ang kita at produksiyon

2. Pagpapatayo ng planta ng yelo at imbakan ng mga isda

3. Paglalaan ng mga sasakyan sa pangingisda

4. Pagbili ng mga modernong kagamitan sa pangingisda tulad ng underwater sonars at radars

5. Paggawa ng bagong kurikulum para sa mga kurso sa marine at fishing

6. Paglulunsad ng mga programang nakatutulong sa pagpapaunlad ng industriya ng pangingisda


tulad ng Blue Revolution at Biyayang Dagat

7. Pagkakaroon ng mga kooperatibang naglalayong masuportahan ang maliit na mangingisda

GAWAIN 1

Panuto: Gamit ang larong Search the Area, alamin ang kaibahan ng hamon sa oportunidad. Ilagay
sa basket ang lahat ng oportunidad at sa balde ang lahat ng mahahanap mong hamon.

Gamit ang larong Search the Area, alamin ang kaibahan ng hamon sa oportunidad. Ilagay sa
basket ang lahat ng oportunidad at sa balde ang lahat ng mahahanap mong hamon.
Hamon Oportunidad

_______1. Mga sakuna sa dagat

_______ 2. Pagkakaroon ng mga modernong kagamitan tulad ng underwater


sonars at radars

_______ 3. Suliranin sa irigasyon

_______ 4. El Nino phenomenon

_______ 5. Pagpapatayo ng mga bagong pantalan

_______ 6. Makabagong teknolohiya sa pagsasaka

_______ 7. Pagdami ng mga angkat na produktong agrikultural

_______ 8. Bagong pag-aaral tungkol sa pagpaparami ng ani

_______ 9. Climate change

________10. Programang Blue Revolution at Biyayang Dagat

REFLECTION:

1. Ano –ano ang mga bagong kaalaman na inyong natutuhan mula sa aralin?

_____________________________________________________

2. Paano makakatulong ang iyong mga natutunan sa iyong personal na buhay?


__________________________________________________________

Teacher’s Signature: _______________

Parent’s Signature: _______________

EMELLY T. OGA

WRITER/LOPERO ELEMENTARY SCHOOL

SUSI SA PAGWAWASTO

1.HAMON

2.OPORTUNIDAD

3.HAMON

4.HAMON

5.OPORTUNIDAD

6.OPRTUNIDAD

7.OPORTUNIDAD

8.OPORTUNIDAD

9.HAMON

10.HAMON

You might also like