Filipino 10 Q2 Mod5 Week5

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 36

10

Filipino
Ikalawang Markahan – Modyul 5:
Mga Akdang Pampanitikan ng
mga Bansa sa Kanluran
(Nobela)
Alamin

Mula sa matagumpay mong paglalakbay sa mundo ng maikling kuwento,


tutungo ka naman ngayon sa masalimuot ngunit kapana-panabik na yugot ng
nobela ng United States of America. Ang araling ito ay naglalaman ng isa sa obra
maestrang nobela ni Ernest Hemingway na pinamagatang “The Old Man and the Sea
“(Ang Matanda at ang Dagat). Bahagi ng aralin ang pagtalakay sa paggamit ng
pahayag na pagsang-ayon at pagtutol sa pagbibigay ng puna o panunuring
pampanitikan.

Sa pagtatapos ng araling ito, ikaw ay inaasahang makapagsasagawa ng isang


suring-basa ng isang nobelang isinapelikula. Itataya ang iyong ginawa batay sa
sumusunod na pamantayan: a.) kabuluhan ng nilalaman at lalim ng mga pananaw,
b.) lohikal na pagkakaayos ng mga kaisipan, c.) isinaalang-alang ang elemento ng
suring-basa, at d.) makabuluhang presentasiyon.

Inaasahan sa katapusan ng aralin, masasagot mo nang may pag-unawa ang


mga tanong na: Paano naiiba ang nobela sa iba pang uri ng akdang tuluyan ayon sa
elemento nito at kung paano nakatutulong ang paggamit ng pahayag na pagsang-
ayon at pagtutol sa pagsasagawa ng isang suring-basa.

Sa pag-aaral ng modyul na ito, inaasahang matatamo mo ang mga


sumusunod:

Mga Pinakamahahalagang Kasanayang Pampagkatuto (MELC)


1. Nasusuri ang nobela sa pananaw realism o alinmang angkop na
pananaw/teoryang pampanitikan. F10PB-IIf-77
2. Naihahambing ang akda sa iba pang katulad na genre batay sa tiyak na mga
elemento nito. F10PB-IIf-78
3. Nabibigyang-kahulugan ang mahihirap na salita, kabilang ang mga
terminong ginagamit sa panunuring pampanitikan. F10PT-IIf-74
4. Nabubuo ang sariling wakas ng napanood na bahagi ng teleserye na may
paksang kaugnay ng binasa. F10PD-IIf-72
5. Nagagamit ang angkop at mabisang pahayag sa pagsasagawa ng suring-basa
o panunuring pampanitikan. F10WG-IIf-69
6. Nagagamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon sa pananalikksik tungkoll
sa mga teoryang pampanitikan. F10EP-IIf-31.
Subukin

Bago mo simuang galugarin ang mundo ng nobela ay subukan mo munang sagutin


ang panimulang pagtataya upang matukoy ang lawak ng kaalaman sa paksang
tatalakayin.

Paunang Pagtataya
Panuto: Tukuyin ang ang inilalarawan ng mga pahayag sa bawat bilang. Piliin
lamang ang letra ng iyong kasagutan. Isulat ang iyong sagot sa sagutang papel.
1. Binubuo ito ng mga yugto na nagsasalaysay ng mga kawing-kawing na
pangyayari ng buhay ng mga tao na bukod sa nagbibigay-aliw ay nagpapakilos
at pumupukaw sa damdamin at kamalayan ng mga mambabasa.
a. maikling kwento c. epiko
b. nobela d. dagli

2. Sa pananaw na ito, nakapokus ang matapat na pagsasalamin ng realidad ang


ginagawa ng panitikan para higit nitong mapaunlad ang lipunan.
a. feminismo c. realismo
b. humanismo d. romantisismo

3. Batay sa binasang “The Old Man and the Sea “(Ang Matanda at ang Dagat), sino
ang pangunahing tauhan sa nobela?
a. Samantha c. Santiago
b. Dagat d. Manlalakbay

4. Sa nobelang, “The Old Man and the Sea “(Ang Matanda at ang Dagat), ang mga
pangyayari na sumasalalim sa lipunan ang pokus ng akda. Anong pananaw ang
nais ipahiwatig sa akda?
a. feminismo c. realismo
b. humanismo d. romantisismo

5. Bakit mahalaga ang mga nobela bilang isang akdang pampanitikan na


sumasalamin sa isang bansa?
a. sapagkat ang nobela ay naglalarawan sa kabayanihan ng isang tao ng
isang lugar
b. dahil ang nobela ay nagsasalaysay din ng bahagi ng kasaysayan ng isang
lugar
c. sapagkat ito’y nagkukwento sa mga pangyayari sa buhay ng isang tao, na
maaaring nangyayari sa tunay na buhay
d. dahil ang nobela ay kinapalolooban ng mga kultura ng isang bayan o
bansa na bahagi ng pagkakakilanlan nito
6. Ano ang problemang kinaharap ni Santiago habang siya’y nangingisda sa dagat?
a. nagkaroon ng malakas na ulan
b. tinangay ng hangin angkanyang bangka
c. wala siyang mahuling mga isda
d. umapaw ang isang pating

7. Inihanda niya ang salapang. Ano ang kahulugan ng salitang salapang?


a. sibat na panghuli ng malalaking isda
b. lawin na pangkuha ng mga isda
c. pagpa-in para makakuha ng isda
d. isang malaking Bangka

8. Ano ang aral na makukuha sa nobelang Ang Matanda at ang Dagat?


a. sa buhay dapat maging madasalin sa lahat ng oras
b. maging matatag sa mga problemang kinakaharap
c. palaging mag-isip ng mabuti sa kapwa
d. maging masaya sa lahat ng oras

9. Ano ang taglay na pag-uugali ng pangunahing tauhan sa nobela?


a. mayabang c. magaling
b. matatag d. madaling sumuko

10. Anong sinismibolo ng “pating” sa buhay ng mga tao?


a. problema c. mga kaibigan
b. pamilya d. pangarap

Nobela Mula sa United


Aralin
States
1.1 Panitikan: Ang Matanda at
ang Dagat
Sa nakaraang modyul, batid kong natutuhan mo ang kahulugan ng maikling
kuwento at ang mga salitang magkakatulad at magkakaugnay sa kahulugan. Tama
ako, di ba?

1
Tuklasin

Sa bahaging subukin nakita kong hindi ka nahirapan o pinagpawisan man


lamang dahil taglay mo ang kaalaman sa gawaing naibigay kaya naman muling
masusubok ang kakayahan sa susunod na sasagutan. Basahin muna ang akda para
masagot ang mga katanungang maibibigay.

Ang Matanda at Ang Dagat


Isinalin sa Filipino mula sa Ingles ni Jesus Manuel
Santiago
“The Old Man and the Sea” ni Ernest Hemingway
(Bahagi Lamang)

Maayos silang naglayag at ibinaba ni Santiago ang


kaniyang mga kamay sa tubig-alat at sinikap na linawin ang
kaniyang isip. Mataas ang cumulus clouds at may sapat na
cirrus sa ibabaw kaya alam ng matanda (Santiago) na tatagal
ang simoy sa buong magdamag. Palaging tinitingnan ng
matanda ang isda para makatiyak na totoo ito. Isang oras ito
bago siya unang dinunggol ng pating.

Hindi aksidente ang pating. Pumaimbabaw siya mula sa kalaliman ng tubig


habang tumitining at kumakalat ang maitim na ulap ng dugo sa dagat na isang milya
ang lalim. Napakabilis niyang pumaimbabaw at walang kaingat-ingat na binasag
ang rabaw ng asul na tubig at nasinagan siya ng araw. Pagkaraa’y bumalik siya sa
tubig at sinundan ang amoy at nagsimulang lumangoy patungo sa direksiyon ng
bangka at ng isda.

Kung minsan, naiwawaglit niya ang amoy. Pero malalanghap niya itong muli,
o kahit bahagyang-bahagya lang ng amoy nito, at mabilis at masigla siyang lalangoy
para sundan ito. Isa siyang napakalaking pating na Mako, ang katawan ay sadyang
para lumangoy na kasimbilis ng pinakamabilis na isda sa dagat at napakaganda ng
kaniyang kabuuan maliban sa kaniyang panga. Kasing asul ng isdang-espada ang
kaniyang likod, at pilak ang tiyan, at madulas at makisig ang kaniyang balat.
Kahawig siya ng espada maliban sa kaniyang dambuhalang panga na nakatikom
ngayon habang matulin siyang lumalangoy, halos nasa rabaw, parang kutsilyong
humihiwa sa tubig ang mataas niyang palikpik sa likod. Sa loob ng sarado niyang
panga, nakahilig paloob ang kaniyang walong hanay na ngipin. Hindi siya katulad
ng karaniwang hugis-piramidong ngipin ng karamihang pating. Kahugis sila ng mga
daliri ng tao kapag nakabaluktot na parang sipit. Kasinghaba sila halos ng mga
daliri ng matanda at sintalas ng labaha ang talim sa magkabilang gilid. Ito ang
isdang nilikha para manginain sa lahat ng isda ng dagat, napakabilis at
napakalakas
2
at armadong-armado kaya wala silang sinumang kaaway. Binilisan pa niya ngayon
nang malanghap ang mas sariwang amoy at humiwa sa tubig ang kaniyang asul na
palikpik sa likod.

Nang makita ng matanda na paparating ito, alam niyang isa itong pating na
walang takot at gagawin ang lahat ng gusto nitong gawin. Inihanda niya ang
salapang at hinigpitan ang lubid habang pinagmamasdan niya ang paglapit ng
pating. Maigsi ang lubid dahil binawasan niya ito ng ipinangtali sa isda.

Malinaw at matino ang isip ng matanda ngayon at buong-buo ang pasiya


pero halos walang pag-asa. Sa loob-loob niya, makatagal sana ang katinuang ito.
Pinagmasdan niyang maigi ang malaking isda habang pinanonood ang paglapit
nito.Mas mabuti pang naging isang panaginip lang ito, sa loob-loob niya. Hindi ko
siya mapipigil sa pag-atake sa akin pero baka makuha ko siya. Dentuso, sa loob-
loob niya. Malasin sana ang nanay mo.

Mabilis na nakalapit sa popa ang pating at nang sagpangin nito ang isda,
nakita ng matanda ang pagbuka ng bunganga at ang kakatwa nitong mata at ang
lumalagatok na pagtadtad ng mga ngipin habang nginangatngat ang karne sa may
ibabaw ng buntot. Nakaangat sa tubig ang ulo ng pating at lumilitaw ang likod at
naririnig ng matanda ang ingay ng balat at lamang nalalaslas sa malaking isda nang
isalaksak niya ang salapang sa ulo ng pating sa dakong nagtatagpo ang guhit ng
mga mata at ang guhit ng ilong. Walang gayong mga guhit. Ang naroon lamang ay
ang mabigat at matulis na ulong asul at ang malalaking mata at ang lumalagutok,
umuulos, nanlalamong mga panga. Pero ang kinalalagyan ng utak ang napuruhan
ng matanda. Inulos niya ito ng mahusay na salapang na ubos-kayang ipinukol ng
kaniyang kamay na nanlalagkit sa dugo. Inulos niya ito nang walang pag-asa pero
may katatagan ng pasiya at lubos na hangaring maminsala.

Kumampay ang pating at nakita ng matanda na walang buhay ang mga mata
nito at muli itong kumampay, at napuluputan siya ng dalawang ikid ng lubid. Alam
ng matandang patay na pero hindi ito matanggap ng pating. Pagkatapos,
nakatihaya, humahagupit ang buntot at lumalagutok ang mga panga, sinuyod ng
pating ang tubig tulad sa paghaginit ng isang speed-boat. Puti ang tubig sa
hambalos ng kaniyang buntot at tatlong sangkapat ng katawan ang nakaangat sa
tubig nang mabanat ang lubid, kuminig at saka nalagot. Saglit na humigang tahimik
sa ibabaw ng tubig ang pating at pinanood siya ng matanda. Pagkaraa’y dahan-
dahan itong lumubog.

“Mga kuwarenta libras ang dala niya,” malakas na sabi ng matanda. Tinangay
nito ang salapang ko at ang buong lubid, sa loob-loob niya, at nagdurugo ngayon
ang isda ko at marami pang susunod.

Ayaw na niyang tingnan ang isda dahil nagkagutay-gutay na ito. Nang


sagpangin ang isda, para siya rin ang nasagpang.

3
Pero napatay ko ang pating na sumagpang sa isda ko, naisip niya. At siya ang
pinakamalaking dentuso na nakita ko. At alam ng Diyos na nakakita na ako ng
malalaki.

Hindi kapani-paniwalang makatatagal siya, naisip niya. Sana’y isa lang itong
panaginip ngayon at hindi ko sana nabingwit ang isda at nag-iisa akong nakahiga
sa mga diyaryo.

“Pero hindi nilikha ang tao para magapi,” sabi niya. “Maaaring wasakin ang
isang tao pero hindi siya magagapi.” Nagsisisi ako na napatay ko ang isda, sa loob-
loob niya. Parating na ngayon ang masamang panahon at wala man lang akong
salapang. Malupit ang dentuso, at may kakayahan at malakas at matalino. Pero mas
matalino ako kaysa kaniya. Siguro’y hindi, sa loob-loob niya. Siguro’y mas armado
lang ako.

“Huwag kang mag-isip, tanda,” malakas niyang sabi. “Magpatuloy ka sa


paglalayag at harapin ang anumang dumating.”

Pero dapat akong mag-isip, naisip niya. Dahil iyon na lang ang natitira sa
akin. Iyon at ang beisbol. Ewan ko kung magugustuhan ng dakilang DiMaggio ang
pagkakaulos ko sa kaniya sa utak. Walang bagay ‘yon, sa loob-loob niya. Kayang
gawin iyon ng kahit sino. Pero sa palagay mo ba’y malaking partida ang mga kamay
ko kaysa mga taring buto? Hindi ko malalaman. Hindi ako nagkaroon kahit kailan
ng sugat sa aking sakong maliban noong minsan na nakagat ito ng page nang
matapakan ko siya nang lumalangoy at naparalisa ang ibabang binti at kumirot
nang napakatindi.

“Mag-isip ka ng isang bagay na masaya, tanda,” sabi niya. “Bawat sandali’y


papalapit ka na sa bahay. Mas magaan ngayon ang paglalayag mo dahil sa
pagkawala ng kuwarenta libras.”

Alam na alam niya kung ano ang maaaring mangyari pagsapit niya sa
panloob na bahagi ng agos. Pero wala nang magagawa ngayon.

“Oo, meron pa,” malakas niyang sabi. “Puwede kong itali ang aking lanseta sa
puluhan ng isang sagwan.”

Kaya ginawa iyon habang kipkip ang timon at nakatapak sa tela ng layag.

“Ngayon,” sabi niya. “Isa pa rin akong matanda. Pero meron akong armas.”

Sariwa ngayon ang simoy at maayos siyang naglayag. Tiningnan niya ang
bungad na bahagi ng isda at bumalik nang bahagya ang kaniyang pag-asa.

Kalokohan ang hindi umasa, sa loob-loob niya. Bukod pa’y naniniwala akong
kasalanan ‘yon. Huwag kang mag-isip tungkol sa kasalanan, naisip niya. Marami
nang problema ngayon kahit walang kasalanan. T’saka hindi ko ito naiintindihan.

4
Hindi ko iyon naiintindihan at hindi ko sigurado kung naniniwala ako roon.
Kasalanan sigurong patayin ang isda. Iyon ang palagay ko kahit na ginawa ko iyon
para ako mabuhay at mapakain ang maraming tao. Pero lahat naman ay kasalanan.
Huwag kang mag-isip tungkol sa kasalanan. Masyado nang huli para diyan at may
mga taong binabayaran para gawin iyon. Hayaan mong sila ang mag-isip tungkol
doon. Isinilang ka para maging isang mangingisda tulad ng isda na ipinanganak para
maging isang isda. Mangingisda si San Pedro at gayundin ang ama ng dakilang
DiMaggio.

Pero gusto niyang pag-isipan ang lahat ng bagay na kinasasangkutan niya at


nang husto at nag-isip siya nang nag-isip tungkol sa kasalanan. Hindi mo pinatay
ang isda para lamang mabuhay ka o para ibenta bilang pagkain, sa loob-loob niya.
Pinatay mo siya dahil sa iyong dangal at dahil isa kang mangingisda. Minahal mo
siya noong siya’y buhay pa at minahal mo siya pagkatapos. Kung mahal mo siya,
hindi kasalanang patayin mo siya. O mas malaking kasalanan ‘yon?

“Sobra kang mag-isip, tanda,” malakas niyang sabi.

Pero tuwang-tuwa kang patayin ang dentuso, naisip niya. Nabubuhay siya sa
buhay na isda, tulad mo. Hindi siya isang tagahalungkat ng basura o isa lamang
gumagalang gutom tulad ng ilang pating. Maganda siya at marangal at walang
kinakatakutan.

“Napatay ko siya sa pagtatanggol ko sa sarili,” malakas na sabi ng matanda.

“At pinatay ko siyang mahusay.”

Bukod pa, naisip niya, pinapatay naman ng lahat ang isa’t isa, kahit paano.
Kung paano ako pinapatay ng pangingisda, gayon din niya ako binubuhay.
Binubuhay ako ng bata, sa loob-loob niya. Hindi ko dapat masyadong linlangin ang
aking sarili.

Sumandig siya sa gilid at pumilas ng kapirasong karne ng isda sa


pinagkagatan ng pating. Nginuya niya ito at napansin niya ang kalidad at sarap ng
lasa nito. Matigas ito at makatas, parang karne, pero hindi ito pula. Hindi ito
mahilatsa at alam niyang mataas ang magiging presyo nito sa palengke. Pero hindi
matatanggal ang amoy nito sa tubig at alam ng matanda na may dumating na
malaking kamalasan. Panatag ang simoy. Medyo umatras ito sa may hilagang
silangan at alam niya ang ibig sabihin niyon ay hindi ito huhupa. Tumanaw sa
malayo ang matanda pero wala siyang makitang mga layag at wala na rin siyang
makitang ni balangkas o usok ng anumang bangka. Ang naroon lamang ay ang
isdang-lawin na patalon-talon sa magkabilang gilid ng kaniyang prowa at ang mga
dilaw na kumpol ng damong Gulpo.

Ni wala siyang makitang isa mang ibon. Dalawang oras na siyang naglalayag,
nagpapahinga sa popa at paminsan-minsa’y ngumunguya ng kapirasong karne ng

5
marlin, nagsisikap na magpahinga at magpalakas, nang makita niya ang una sa
dalawang pating.
“Ay,” malakas niyang sabi. Walang salin para sa katagang ito at marahil ay
isa lamang itong ingay na magagawa ng gayong tao, hindi sinasadya, na
nakararamdam sa pagbutas ng pako sa kaniyang kamay at pagtagos nito sa kahoy.

“Galanos,” malakas niyang sabi. Nakita na niya ngayon ang pag-angat ng


pangalawang palikpik sa likuran ng una at natukoy niya na ang mga ito ay pating
na hugis-pala ang nguso batay sa kayumanggi, hugis-tatsulok na palikpik at sa
pahalihaw na galaw ng buntot. Naamoy nila at tuwang-tuwa sila at sa
kagunggongan ng kanilang matinding gutom, naiwawaglit nila at natatagpuan ang
amoy sa kanilang katuwaan.

Pero palapit sila nang palapit. Mabilis na iniligpit ng matanda ang tela at
isinisiksik ang timon. Pagkaraa’y kinuha niya ang sagwang tinalian niya ng lanseta.
Maingat na maingat niyang binuhat ito dahil nagpupuyos sa sakit ang kaniyang mga
kamay. Pagkaraa’y ibinukas-sara niya ang mga ito roon upang lumuwag sila. Isinara
niya nang mahigpit para matiis ang sakit at huwag mamilipit at pinagmasdan niya
ang pagdating ng mga pating.

Nakikita niya ngayon ang kanilang malapad, sapad, hugis-palang mga ulo at
ang kanilang malalapad, puti ang dulong palikpik sa dibdib. Sila ay mga kamuhi-
muhing pating, masama ang amoy, tagahalukay ng basura at mamamatay, at kapag
sila’y gutom, kinakagat nila ang sagwan o katig ng isang bangka. Ang mga pating na
ito ang pumuputol sa paa at kampay ng mga pagong kapag nakakatulog sa ibabaw
ang mga pagong, at nanagpang sila ng taong nasa tubig, kung sila’y gutom, kahit
hindi amoy dugo ng isda o malansan ang tao.

“Ay,” sabi ng matanda. “Galanos. Sige, Galanos.”

Dumating sila. Pero dumating silang di tulad ng Mako. Pumihit ang isa at
naglaho sa paningin sa ilalim ng bangka at naramdaman ng matanda na naalog ang
bangka habang kumikislot siya at hinihila ang isda. Pinanood ng isa ang matanda,
naningkit ang dilaw na mga mata, at sinagpang ng kaniyang panga ang isda sa
dakong nakagat na. Kitang-kita ang guhit sa ibabaw ng kaniyang kayumangging ulo
at likod na hugpungan ng utak at gulugod at inulos ng matanda ang lanseta sa
sagwansa hugpungan, hinugot ito, at muling iniulos sa dilaw, tila sa pusang mata
ng pating.

Binitiwan ng pating ang isda at dumausdos, lulon-lulon ang kaniyang


nakagat habang siya’y namamatay.

Gumigiwang pa ang bangka dahil sa pamiminsala sa isda ng isa pang pating


at binitiwan ng matanda ang layag para makabaling ang bangka at mapalitaw ang
pating mula sa ilalim. Pagkakita niya sa pating, dumukwang siya sa gilid at
hinambalos ito. Laman lamang ang tinamaan niya at matigas ang balat at hindi niya
halos naibaon ang lanseta. Hindi lamang ang kaniyang mga kamay ang nasaktan sa

6
kaniyang pag-ulos kundi pati ang kaniyang mga balikat. Pero mabilis na
pumaimbabaw ang pating, una ang ulo, at tinamaan ito ng matanda sa gitnang-
gitna ng sapad na ulo habang lumilitaw sa tubig ang nguso at inginasab sa isda.
Hinugot ng matanda ang talim at muling inulos sa dating lugar ang isda. Nakakapit
pa rin siya sa isda, sarado ang panga, at sinaksak ito ng matanda sa kaliwa nitong
mata. Nakapangunyapit pa rin doon ang pating.

“Hindi pa rin?” sabi ng matanda at inulos niya ang patalim sa pagitan ng


gulugod at utak. Madali na ngayon ang ulos na iyon at naramdaman niyang napatid
ang litid. Binaligtad ng matanda ang sagwan at isiningit ang talim sa panga ng
pating para buksan ito. Pinilipit niya ang talim sa panga ng pating para buksan ito.
Pinilipit niya ang talim at habang dumadausdos ang pating, sabi niya, “Sige, galanos.
Dumausdos ka nang isang milya ang lalim. Sumige ka at katagpuin ang iyong
kaibigan, o baka iyon ang iyong ina.”

Pinunasan ng matanda ang talim ng kaniyang lanseta at inilapag ang sagwan.


Pagkaraa’y nakita niyang lumulobo ang tela at layag at ibinalik niya ang bangka sa
dating paglalayag.

“May sangkapat niya siguro ang natangay nila at ang pinakamahusay na


laman,” malakas niyang sabi. “Sana’y panaginip lang ito at hindi ko sana siya
nabingwit kailanman. Ikinalulungkot ko, isda. Dahil doo’y mali ang lahat.

Tumigil siya at ayaw na niyang tingnan ang isda ngayon. Said na ang dugo at
lulutang-lutang, kakulay siya ng pilak na likod ng salamin at nakikita pa rin ang
kaniyang mga paha.

“Hindi ako dapat nagpakalaot-laot, isda” sabi niya. “Hindi para sa iyo o para
sa akin. Ikinalulungkot ko, isda.

”Ngayon, sabi niya sa sarili. Tingnan mo ang pagkakatali ng lanseta at


tingnan mo kung nalagot. Pagkatapos ay ayusin mo ang iyong kamay dahil marami
pang darating.

“Nakapagdala sana ako ng bato para sa lanseta,” sabi ng matanda matapos


tingnan ang tali sa puluhan ng sagwan. “Dapat akong nagdala ng bato.” Marami
kang dapat dinala, sa loob-loob niya. Pero hindi mo dinala, tanda. Hindi ngayon ang
oras para isipin kung ano ang wala ka. Isipin mo kung ano ang magagawa sa kung
ano ang naririyan.

“Sobra kang magpayo ng mabuti,” sabi niyang malakas. “Sawa na ko r’on.”

Kinipit niya ang timon at ibinabad ang dalawang kamay sa tubig habang
umuusad ang bangka.

“Alam ng Diyos kung gaano ang nakuha ng huling iyon,” sabi niya. “Pero
hamak na mas magaan siya ngayon.” Ayaw niyang isipin ang nagkagutay-gutay na

7
tiyan ng isda. Alam niyang sa bawat pakislot na bunggo ng pating ay napipilas ang
karne at ngayo’y sinlapad ng haywey sa dagat ang nalilikhang bakas ng isda na
pagsusumundan ng lahat ng pating.

Mairaraos ng isang tao ang buong taglamig sa isdang iyon, sa loob-loob niya.
Huwag mong isipin iyan. Magpahinga ka lang at ihanda ang mga kamay mo para sa
ipagtanggol ang nalalabi sa kaniya. Balewala na ang amoy ng dugo sa mga kamay
ko ngayong nangangamoy ang buong dagat. Bukod pa’y hindi na sila gaanong
nagdurugo. Walang anumang sugat na dapat ikabahala. Baka makatulong pa ang
pagdurugo para huwag pulikatin ang kaliwa.

Ano pa ba ang puwede kong isipin ngayon? Naisip niya. Wala. Wala akong
dapat isipin at hintayin ang mga susunod pa. Sana nga’y panaginip lang iyon, sa
loob-loob niya. Pero sino ang makapagsasabi? Baka naman mapaigi pa ‘yon

(http://filipino10niwarville.blogspot.com/2015/07/ang-matanda-at-ang-dagat.html

Gawain 1: Linangin Mo
Panuto: Bigyang-kahulugan ang sumusunod na salitang may salungguhit. Isulat
ang sagot sa sagutang papel.

1. inihanda niya ang salapang


Kahulugan:

2. at siya ang pinakamalaking dentuso na nakita ko.


Kahulugan:

3. hindi nilikha ang tao para magapi


Kahulugan:

4. magkaibang gilid ng kaniyang prowa


Kahulugan:

5. nagpapahinga sa popa
Kahulugan:

8
Gawain 2: Tayo’y Susuri
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na tanong. Isulat ang sagot sa sautang papel.

1. Ano-anong pagpapahalaga sa buhay ang pinanghahawakan ng tauhan? Saan ito


maaaring maugat o nagmumula? Ipaliwanag ang mga sagot.

2. Sa iyong palagay, bakit pinamagatang “Ang Matanda at ang Dagat” ang nobela?
Ano ang positibong epekto ang naidulot ng dagat kay Santiago?

3. Ano-anong kalupitan at karahasan sa lipunan ang malinaw na inilalarawan sa


nobela? Nangyayari ba ito sa kasalukuyang sistema ng ating lipunan?

4. Ano ang mensahe ang mahahalaw sa binasang nobela? Iugnay ito sa nangyayari
sa buhay.

Nobela at Pelikula
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na teksto pagkatapos
sagutin ang sumusunod na katanungan.
Ang Harry Potter and Sorcerer’s Stone (Philosopher’s Stone) ay unang libro ni
J.K. Rowling mula sa serye ng Harry Potter. Sinasabing ang nobelang ito ay
naghatid kay Rowling ng kasikatan bilang isang mahusay na manunulat sa buong
mundo. Isinapelikula ito noong 2001 na idinirek ni Chris Columbus at ibinahagi ng
Warner Bros. Pictures. Pinagbibidahan ito nina Daniel Radcliffe bilang Harry Potter,
Rupert Grin bilang Ron Weasley at Emma Watson bilang Hermione Granger.
Tinatayang umabot sa $980 milyon ang kinita nito na naging worldwide box office
hit at kinilala sa iba’t ibang award-giving bodies tulad ng Academy Awards.

Nagbukas sa isang pagdiriwang ang kuwento na


kadalasang palihim dahil sa ang mga nagdaang taon ay laging
ginugulo ni Lord Voldemort. Bago ang gabing iyon, natuklasan
ni Voldemort ang pinagtataguan ng tagong mag-anak ng
Potter, at pinatay sina Lily at James Potter. Ngunit nang
itinuro na niya ang kaniyang wand sa sanggol nitong anak na
si Harry, ang sumpang patayin ito ay bumalik sa kaniya. Ang
kaniyang katawan ay nasira, at si Voldemort ay naging isang
walang kapangyarihang kaluluwa, naghahanap ng isang lugar
sa mundo na walang makaka-istorbo samantalang si Harry
naman ay naiwang may marka ng kidlat sa kaniyang noo, ang
natatanging palatandaan ng sumpa ni Voldemort. Ang
misteryosong pagkakatalo ni Voldemort kay Harry ay

9
160611132933.pdf

nagresulta sa pagkakakilalang “ang batang nabuhay” sa mundo ng mga wizard.

Ang ulilang si Harry Potter ay sumunod na pinalaki ng kaniyang malupit, at


walang kapangyarihang kamag-anak, ang Dursleys, na walang pakialam sa
pinagmulan ng mahika at sa hinaharap ni Harry. Subalit, sa paparating na
ikalabing-isa niyang kaarawan, nagkaroon si Harry ng kanyang unang kontak sa
daigdig ng mahika nang makatanggap siya ng sulat galing sa Hogwarts School of
Witchcraft and Wizardry, na kinuha naman ng kaniyang Tiya at Tiyo bago pa niya
ito magawang mabasa, Sa kaniyang ikalabing-isang kaarawan, sinabihan na siya ay
isang wizard at inaanyayahan na pumunta sa Hogwarts. Sinabihan siya ni Hagrid
na nagturo sa kaniya kung paano gumamit ng mahika at gumawa ng potions.
Natutuhan din ni Harry na malampasan ang mga panlipunan at emosyonal na
hadlang sa kaniya sa paglaban niya hanggang sa kaniyang pagbibinata at pagharap
sa makapangyarihang si Voldemort.

Marami man ang nangyari kay Harry sa simula, nalagpasan niya ito sa
tulong ng kaniyang mga kaibigan na sila Ron at Hermione. Katulong din niya si
Professor Dumbledore na laging nariyan nagbibigay ng payo at paalala sa kaniya.

Totoo naman na nakuha ng pelikulang ito ang kiliti ng masa lalo ng kabataan.
Ang mga karakter na ginamit dito ay nagpapaalala ng mga taong kilala na natin at
sa mga taong dapat pa nating kilalanin. Tulad ng batang mataba na laki sa layaw

na si Dudley o kaya ang mala ‘boss’ at mapanghimasok ngunit may malambot na


pusong si Hermione. Malaking bilang rin ng mga batang manonood ang makaka-
relate kay Harry partikular sa kaniyang inisyal na damdamin ng ganap na
pagkakahiwalay at di kasali sa isang pamilya ngunit dumating ang panahon na
dapat na niyang iwanan ang naturang buhay niya upang pumunta sa lugar kung
saan siya kabilang at magiging ganap na masaya.

Sadyang nailarawan nang mabuti at detalyado ang Hogwarts bilang kaakit-


akit na lugar na hindi lamang puno ng salamangka at mahika na tunay na
katangiang pinapangarap na mapuntahan ng pangunahing tauhan. Iba’t ibang
pakikipagsapalaran ang dinaanan ni Harry kasama ang dalawang kaibigan (Ron at
Hermione) sa lugar ng Hogwarts. Malakas ang nais sabihin ng pelikula tungkol sa
pakikipagkaibigan na naipakita sa mahusay na pagkakaganap ng mga artista. Mas
lutang na lutang ang kahusayan ni Daniel bilang si Harry na dumanas ng malaking
hamon sa buhay.

Totoong magaling ang pagkakasulat ng iskrip. Ang kasaysayan nito ay


inilahad sa pamamagitan ng malalim na pananaliksik at pag-iisip. Buhay na buhay
ang pelikula kung saan nakatulong ng malaki ang kulay na nakaangkop sa
kapaligirang kinunan ng kamera bagaman hindi rin maiiwasan ang pagkakaroon ng
larawang kulang sa ilaw.

Sa kabuuan, ang pelikulang Harry Potter and Sorcerer’s Stone ay isang


napakagandang pelikula. Sa pamamagitan ng pelikulang ito, nakikilala natin ang
kultura ng ibang bansa at impluwensiyang nadala nito sa atin.
- Mula sa Elements of Literature nina Holt et. al. 2008. Texas, USA

10
Gawain 3: Makabuluhang Hambingan
Panuto: Ihambing ang ilang pangyayari mula sa napanood na dula (teleserye) sa
mga pangyayari sa binasang buod ng nobela. Gamitin ang talahanayan sa pagsagot.
Gayahin ito sa sagutang papel.
Sagutin ang mga gabay na tanong:
1. Batay sa iyong nabasa, ano ang pagkakaiba at pagkakatulad ng nobela at
pelikula? Sagutin sa pamamagitan ng Venn Diagram. Gawin ito sa sagutang
papel. Gayahin ang kasunod na pormat.

NOBELA PELIKULA

PAGKAKAIBA PAGKAKAIBA

2. Makikita ba sa bawat paksa ng nobela at pelikula ang tatak ng kultura ng


bansang pinagmulan o pinanggalingan nito? Patunayan.

3. Ano-anong elemento ang lumutang dito?


4. Bakit nanaisin ng mga tao na isapelikula ang nasa nobela?
5. Kung ikaw ang prodyuser, gugustuhin mo bang isa pelikula ang nobelang
tulad ng Harry Potter? Bakit?

Suriin

Alam mo na ba ….

ang nobela ay itinuturing na makulay, mayaman at makabuluhang anyo


ng panitikang tuluyan? Binubuo ito ng mga yugto na nagsasalaysay ng mga
kawing-kawing na pangyayari ng buhay ng mga tao na bukod sa nagbibigay-aliw
ay nagpapakilos at pumupukaw sa damdamin at kamalayan ng mga mambabasa.

Sa nobela, maraming pangyayari ang inilalahad, samantalang sa maikling


kuwento, iisang pangyayari lamang ang inilalahad. Iisa ang balangkas ng nobela
at maikling kuwento ngunit nagkakaiba lamang ito sa nilalaman dahil ang mga
pangyayaring isinasalaysay dito ay may kaugnayan sa lipunang ginagalawan ng
mamamayan at naglalarawan ng kultura ng bawat bansang pinanggalingan nito.

11
Ang isang nobela ay may mga katangiang dapat taglayin. Ito ay ang
sumusunod: a.) maliwanag at maayos na pagsulat ng mga tagpo at kaisipan, b.)
pagsaalang-alang sa kailangang kaasalan, c.) kawili-wili at pumupukaw ng
damdamin, d.) pumupuna sa lahat ng larangan sa buhay at sa mga aspekto ng
lipunan tulad ng gobyerno at relihiyon, e.) malikhain at may dapat maging
maguniguning paglalahad, at f.) nag-iiwan ng kakintalan.

Elemento ng Nobela
a. Tagpuan - lugar at panahon ng mga pinangyarihan
b. Tauhan - sa nagpapagalaw at nagbibigay-buhay sa nobela
c. Banghay - pagkakasunod-sunod ng mga pangyayari
d. Pananaw - panauhang ginagamit ng may-akda (a. una-kapag kasali ang may-
akda; b. pangalawa- ang may-akda ang nakikipag-usap; c. pangatlo- batay sa
nakikita o obserbasyon ng may-akda)
e. Tema - paksang-diwang binibigyang-diin sa nobela
f. Damdamin - nagbibigay-kulay sa mga pangyayari
g. Pamamaraan - estilo ng manunulat/awtor
h. Pananalita - diyalogong ginamit
i. Simbolismo - nagbibigay nang mas malalim na kahulugan sa tao, bagay, at
pangyayari.

Sa tulong ng mga impormasyon na iyong nalaman tungkol sa nobela,


naniniwala ako na nadagdagan ang iyong kaalaman sa pag-unawa sa aralin. Ngayon,
tunghayan mo na ang sumusunod na bahagi ng nobelang isinulat ni Ernest
Hemingway sa Cuba (1951) at inilabas taong 1952. Nanalo ng Pulitzer Prize for
Fiction (1953) at Nobel Prize (1954). Ito ang kahuli-hulihang nobela na nailimbag
ni Hemingway. Suriin ang mga elementong taglay nito. Nailahad ba nang tiyak ang
mga pangyayari sa nasabing nobela? Tuklasin sa bahaging ito ng nobela kung ano
ang pakikipagsapalarang pinagdaanan ng matandang si Santiago.

Alam mo ba na…
litaw na litaw sa nobelang “Ang Matanda at ang Dagat” ang pananaw
Realismo? Matapat na pagsasalamin ng realidad ang ginagawa ng panitikan para
higit nitong mapaunlad ang lipunan. Nakatuon ito sa nilalaman ng teksto at ang
matapat nitong paggagad sa lipunan.
Inilalarawan din sa linyang ito ang karanasan at lipunan na parang sa tunay
na buhay. Ninanais na ilarawan ang ugali at gawi ng tao at ng kaniyang kapaligiran
na pareho ng kanilang pagkilos at ng kanilang anyo sa buhay. Naniniwala ang may-
akda sa teoryang ito na hindi ito na hindi dapat pigiliin ang katotohanan mas higit
na binibigyang pansin ang tauhan hindi ang banghay.

12
Gawain 4: Pananaw ng Realismo, isulat mo!
Panuto: Sa iyong binasang nobela na pinamagatang Ang Matanda at Ang Dagat, ano-
anong kalupitan o karahasan sa lipunan ang malinaw na inilalarawan sa nobela?
Nangyayari ba ito sa kasalukuyang panahon sa ating lipunan? Ipaliwanag ito ng
patalata.

__
__
__
__
__
__
__
__

Gawain 5: Suring Realismo


Panuto: Sa pananaw realismo, ipinakita sa akda ang mga katangiang taglay ng
pangunahing tauhan na maaaring mangyari sa tunay na buhay. Balikan ang
tauhan na si Santiago sa binasang nobela. Isa-isahin ang kilos o gawi, paniniwala
at saloobing taglay nito na maaaring tularan at kung ano ang maidudulot nito
bilang aplikasyon sa buhay tungo sa mabuting pamumuhay. Ihanay ang sagot sa
talahanayan sa ibaba.

KILOS O GAWI
APLIKASYON SA
TOTOONG BUHAY

SANTIAGO SALOOBIN O
PANINIWALA

Pagyamanin

13
Mula sa binasang akda’y makikita ang mga salitang nangangailangan ng mas
malinaw na kahulugan. Ngayo’y masusubok ang yaman ng isipan sa mga salitang
Filipino.

Gawain 6: Opinyon Ko, Mahalaga!


Panuto: Ipaliwanag ang mga sumusunod na tanong sa pamamagitan ng
komprehensibong pangangatwiran.

1. Paano mabisang nailalapit sa mga mambabasa ang salaysay na nakapaloob sa


nobela?

2. Paano nakatutulong ang mga salitang naglalarawan sa pagkakaroon ng mabisang


salaysay na nakapaloob sa buod ng isang nobela?

Matapos mong mabasa ito marahil unti-unti ka ng makabubuo ng iyong


sariling paglalahat kung paano ba naiiba ang nobela sa isa pang akdang tuluyan.

14
Panunuri sa Suring Basa
Ang pagbabasa at panonood ay bahagi na ng buhay ng isang tulad mong mag-
aaral. Nalilibang ka sa pagbabasa ng anumang akda gayundin pag nanonood ka ng
mga palabas o pelikula na nagtataglay ng makatotohanang pangyayari sa buhay.
Upang masabing naunawaan mo ito, ang pagbibigay-puna o panunuri ay kailangan.

Alam mo ba…
ang panunuri ay isang uri ng pagtalakay na nagbibigay-buhay at diwa sa
isang likhang-sining? Hindi lamang ito nagsusuri o nagbibigay-kahulugan kundi
ito’y isang paraan ng pagsusuri sa kabuuan ng tao-ang kaniyang anyo, ugali, kilos,
paraan ng pagsasalita at maging ang kaniyang pakikipag-ugnayan sa kaniyang
kapwa at sa lipunang kinabibilangan niya

Halimbawa sa panunuri ng maikling kuwento, dapat suriin ang mga


elementong taglay nito: tauhan, tagpuan, banghay, tunggalian, simbolo, pahiwatig,
magagandang kaisipan o pahayag at maging ang paraan kung paano ito nagsimula
at nagwakas. Samantala sa nobela, karaniwan na inaalam ang mga katangiang
pampanitikang napapaloob sa akda (tulad ng elemento ng maikling kuwento);
inaalam din ang aspektong panlipunan, pampolitikal, pangkabuhayan, at
pangkultural na nakapaloob sa nobela at paggamit ng angkop na teoryang
gagamitin sa pagsusuri.

Panunuri o Suring Basa Ang suring basa ay isang anyo ng pagsusuri o rebyu
ng binasang teksto o akda tulad ng nobela, maikling kuwento, tula, sanaysay, o iba
pang gawa/uri ng panitikan. Ang pagsusuri o rebyu ay ang pag-alam sa nilalaman
(content), kahalagahan (importance) at ang estilo ng awtor o may-akda (author’s
writing style). Sa pagsasagawa nito maaaring gumamit ng isang balangkas o format
ng suring-basa tulad ng sumusunod:

I. Pamagat, may-akda, genre


II. Buod (kung maikling kuwento, sanaysay, nobela)
III. Paksa
IV. Bisa (sa isip, sa damdamin)
V. Mensahe
VI. Teoryang Ginamit

Ang buod ay maaaring isulat sa lima hanggang anim na mahahalagang


pangungusap (lalo na kung maikling kuwento). Matapos basahin ang teksto, balikan
isa-isa ang mahahalagang pangyayari, pagdugtung-dugtungin ito at mabubuo ang
buod. Kung pelikula o kaya naman maikling kuwento, magsimula sa pangunahing
tauhan at sabihin ang mahahalagang nangyari sa kanya mula simula hanggang
wakas. Samantala, ang paksa ay sumasagot sa tanong na tungkol saan ang binasa.
Tumutukoy naman sa kung paano naimpluwensiyahan ang pag-iisip/utak/ o
paraan ng pag-iisip ng mambabasa ang bisa sa isip. Bisa sa damdamin naman ay
kung ano ang nadama at paano natigatig ang emosyon ng mambabasa. Tumutukoy

15
ang mensahe sa kung ano ba ang gustong sabihin ng teksto sa mambabasa, o
maaari
ding gustong sabihin ng sumulat ng teksto. Nagpapahiwatig ang manunulat at
hinihinuha naman ng mambabasa ang pahiwatig nito. Mas madaling makuha ang
mensahe ng manunulat kung ang mambabasa ay may malalim na pag-unawa sa
panitikan.

Mahalaga rin na masuri ang tiyak na teoryang pampanitikan na lumutang


sa nasabing akda. Halimbawa kung mas binigyangdiin ang tungkol sa pagiging
marangal ng tauhan, humanismo. Naturalismo kung pinahahatid ng awtor sa
pamamagitan ng mga pangyayari sa buhay ng tauhan na ang kapalaran ay bunga
ng kultura at heredity at hindi sa pamamagitan ng kaniyang sariling pagpili.

Eksistensiyalismo kung ipinakita at mas lumutang na ang naganap sa buhay


ng tauhan, mga pangyayari ay bunga ng kaniyang sariling pagpili dahil naniniwala
siya na ang isa dahilan ng existence ng tao sa mundo at hubugin ang sarili niyang
kapalaran. Mahalagang makapagbigay ng maraming halimbawa ang guro para
mas malawak ang sakop ng pagtalakay. Sa teoryang ginamit madalas nakikita din
ang kahalagahan ng panitikan sa lipunan lalo na kung ang teksto ay nasulat sa

Basahin mo nang may pag-unawa ang isang halimbawa ng panunuring


pampanitikan.

Sa Mga Kuko ng Liwanag (Isang Suring Basa)


Lumabas sa unang pagkakataon bilang isang serye sa mga pahina ng
Liwayway Magazine ang nobelang Sa Mga Kuko ng Liwanag ni Edgardo M. Reyes.
Isinasalaysay nito ang buhay pakikipagsapalaran nina Julio at Ligaya na kapwa
galing probinsiya. Kinakatawan nila ang libo-libong kapuspalad na
nakipagsapalaran sa Maynila
Si Ligaya ang naunang nagbakasakali kasama ng isang matronang babae na
nagnangangalang Mrs. Cruz na nangako sa kaniya ng isang simpleng trabaho na
may posibilidad na siya ay makapag-aral pa at makapagpadala ng kaunting tulong
sa naiwan niyang mga magulang at kapatid. Pagkalipas ng ilang panahon na hindi
nakapagpadala ng sulat si Ligaya sa kaniyang mga magulang at pati na rin kay Julio,
naisip nito na sundan sa Maynila si Ligaya upang hanapin.
Sa paghahanap ni Julio ay naharap siya sa realidad ng buhay sa lungsod.
Tulad ng ipinahihiwatig ng pamagat ng nobela, maaakit siya sa mga
naggagandahang liwanag ng Kamaynilaan.
Totoong may nilalaman ang pagkakasulat ng Sa Kuko. Ang mga simbolong
tulad ng gusali na unti-unting nagagawa mula sa mga sangkap o materyales nito na
bakal, graba at semento, na sa bandang huli ay magiging mistulang panginoon pa
ng mga kamay at katawang humugis dito. Ang alamat ng esterong walang
nagmalasakit na tandaan, na sa kaitiman ay maaaring nagsisimbolo na rin mismo
sa kaibuturan ng lungsod.

16
Tunay na nahuli ng nobela ang ingay at kalaswaan ng Maynila. Talagang
tugma ang pagsasalarawan nito sa mga lugar, pangyayari at tauhang
mapupuntahan, mararanasan at makikilala nina Julio at Ligaya. Ibinibigay nito sa
mambabasa ang isang makatotohanang buhay sa Lungsod ng mga Pangarap at
Kasawian.
Kung babasahin muli ang nobela, maiisip na maaari pa ring mangyari ang
kuwento nito sa kasalukuyang panahon. Baguhin lamang ang mga pangalan ng
kalye sa mga kasalukuyang pangalan nito, bigyan lang ng cellphone sina Mister
Balajadia at Misis Cruz, gawin lang mas modern ang tindahan ni Ah Tek, pasakayin
lang kahit minsan si Julio sa LRT at iba pa. Sa tingin ko pa nga, kung may
makakaisip mang gawin muling pelikula ang librong ito, magiging swak pa rin ito sa
panlasa ng masa.
Kung lubog man sa dumi at alikabok ang Maynilang inilarawan sa nobela,
mayroon pa ring liwanag o pag-asang nagpupumilit na umilaw dito. Ang mga
nakilala ni Julio na mabubuting tao, kapos man sila sa mismo sa materyal na mga
bagay at kahit hindi nila halos maitawid ang kanilang mga sarili sa pang-araw-araw
nilang pangangailangan, nagagawa pa rin nilang magbigay ng tulong at kabaitan
kay Julio.
Tunay na isang mabisa, walang kupas at makatotohanang salamin ng
lipunan ang nobela. Mabisa sapagkat hindi nito itinatago ang katotohanan, bagkus
ipinapakita nito sa mambabasa sa paraang hindi ito maaaring isantabi. Sa
makatotohanan nitong pagkakasulat, wala kang magagawa kundi harapin at
tanggapin ito.
Totoo na malungkot mang isipin, kuwento ito ng libo libong Julio at Ligayang
ipinapadpad ng kapalaran mula sa kanilang tahimik ngunit napakahirap na buhay
sa probinsiya patungo sa buhay na hindi nila akalain na mas magiging mahirap pa.
Makatotohanan ito sapagkat hindi nito inihihiwalay ang sarili nito sa
realidad ng lipunang sinasalamin nito. Tinatalakay dito ang di-makatarungang
sitwasyon ng mga manggagawa, ang kaawa-awang kalagayan ng mga maralitang
tagalungsod,ang diskriminasyon ng ilang tao at ang bulok na sistema na
nagpapatakbo rito.
Ngunit higit sa lahat, ipinapakita ang pagkamakatotohanang ito sa katauhan
ni Julio at sa kung paano siya kumilos at tumugon sa mga nangyayari sa kaniya.
Hindi siya walang-kibong biktimang nagpapadala lamang sa kaniyang kapalaran.
Hindi siya ang taong tama at wasto lamang ang gagawin ano pa man ang mangyari
sa kaniya. Hindi si Ibarra si Julio na iniinda lamang ang mga kasamaang idinudulot
sa kaniya ng kaniyang mga kaaway.
Ngunit hindi rin naman siya si Simoun na naniniwalang na kasamaan din
ang dapat iganti sa kaniyang mga kaaway. Sa huli,sabi nga ng may-akda, paano mo
mamahalin ang isang tulad ni Julio? Ano ang karapat-dapat na redemption niya sa
bandang huli? At ano ang kabuluhan at kahulugan ng kaniyang kinasapitan?
Maaaring hindi intensiyon ng nobela na sagutin ang mga huling tanong na iyan.
Maaaring inakala ng may-akda na sapat nang maging salamin ng realidad ang
kaniyang nobela.

17
Ipinauubaya niya marahil sa ating ang paghahanap ng mga sagot, ang
pagbibigay ng kabuluhan at kahulugan sa nasabing realidad. Hindi man nito
tuwirang sinasabi, maaaring inaanyayahan nito palawakin ng mambabasa ang
kaniyang kamalayan sa realidad na ito at harinawa, sabayan ng pagkilos.

- halaw sa Isang Suring Basa (Sa mga Kuko ng Liwanag) ni Kevin Ventura, kinuha noong
Nobyembre 12, 2014 mula sa http://vjk112001.blogspot.com/2008/02/sa-mga-kuko-ng-
liwanag-isang-suring.html

Gawain: 7: Alamin, Suriin, Tuklasin

Panuto: Sagutin ang mga gabay na tanong. Isulat sa sagutang papel ang sagot.
1. Isa-isahin ang mga elementong taglay ng binasang suring basa. Isulat ito
sa talahanayan. Gawin ito sa sagutang papel. Mga Elementong Ginamit
Patunay
2. Naging patas ba ang ginawang pagsusuri? Patunayan.
3. Bakit mahalaga ang pagsusuri sa anomang uri ng panitikan?
4. Pansinin ang mga salitang may salungguhit sa suring-basa ng “Sa Mga Kuko ng
Liwanag,” paano ito nakatulong sa pagsasagawa ng panunuri?

Isaisip

Gawain 8: Buoin Mo!

Ang __________ ay itinuturing na makulay, mayaman at __________ anyo ng


panitikang tuluyan. Binubuo ito ng mga yugto na __________ ng mga kawing-
kawing na pangyayari ng buhay ng mga tao na bukod sa nagbibigay-aliw ay
__________ at pumupukaw sa damdamin at __________ ng mga mambabasa.

18
Isagawa

Magaling! Napatunayan mong malawak ang iyong kaalaman sa nobela. Lalo


pang malilinang ang isipan sa mga sumusunod na pagsasanay. Malapit mo nang
matapos ang mga gawain.

Gawain 9. Isaliksik Mo!


Panuto: Gamit ang iba’t ibang batis ng impormasyon na iyong natuklasan sa ating
aralin, gamitin ito at magsaliksik pa ng iba pang mga teoryang pampanitikan.

Gawain 10: Wakasan Mo!


Panuto: Bumuo ng sariling wakas ng napanood na bahagi ng teleseryeng may
paksang kaugnay sa binasa.

Nangangailangan
Napakagaling Magaling Katamtaman
ng Pagsasanay
(10) (8) (6)
(4)
Napakalalim at Malalim at Bahagyang may Mababaw at
makahulugan ang makahulugan ang lalim ang literal ang
ginawang wakas. ginawang wakas. ginawang wakas. ginawang wakas.
Gumamit ng 1-2 Wala ni isang
Gumamit ng Gumamit ng ilang
simbolismo na pagtatangkang
simbolismo at simbolismo at
nakalito at ginawa upang
piling-pili ang may ilang piling
salitang di- makagamit ng
mga salitang salitang ginamit.
gaanong pili. simbolismo.
ginamit.
Maayos at may
organisasyon ang Hindi Magulo at
Bahagyang
pagkakasulat ng masyadong nakalilito ang
maayos ang
mga pakakasunod- maayos ang pagkakasunud-
pagkakabalangkas
sunod ng mga pagbabalangkas sunod.
pangyayari.

19
Susi sa Pagwawasto

20
21
22
23
24
25
26
27
28
29
30
31
32

You might also like