Modyul 2 Filipino 10 Ikatlong Markahan
Modyul 2 Filipino 10 Ikatlong Markahan
Modyul 2 Filipino 10 Ikatlong Markahan
Filipino
Inihanda ni:
MARIECHU ASENCIO
Guro I, Pangasinan National High School
Paunang Salita
Para sa Tagapagdaloy:
i
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
ii
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing
makatutulong sa iyo upang maisalin ang
bagong kaalaman o kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng buhay.
ii
MODYUL 2- Anekdota mula sa Persia/Iran
IKATLONG Panitikan: Mullah Nassreddin
MARKAHAN
Alamin
Biinabati kita dahil natapos mo ang nakaraang modyul
tungkol sa Mitolohiya ng Kenya.Nasasabik ka na bang
ipagpatuloy natin ang paglalakbay
sa iba pang bansa sa Africa at Persia?
Subukin
Relaks ka lang! Sa bahaging ito, masusubok kung ano na ang alam mo tungkol sa
anekdota. Huminga ka muna nang malalim at sagutin mo ang kasunod na mga
gawain.
Paunang Pagtataya
ii
Akasya o Kalabasa
Consolation P. Conde
Hindi maikakaila na kung malaki ang puhunan ay maaaring tumubo rin iyon
nang malaki kaysa maliit ang naturan. Gayundin ang paghahanda at pagpupunyagi
ng tao na pinamumuhunanan ng puu-puung taong pag-aaral at pagpapakasakit.
Karaniwan nang sa may mataas na pinag-aralan ay maamo ang kapalaran. At ito’y
maitutulad din nga sa paghahalaman.
Pasukan na naman. Nagbukas na ang mga pamantasan at matataas na
paaralan sa Maynila. Samantala, sa nayon ng Kamias, hindi kalayuan sa lungsod…
Maagang nagbangon nang umagang yaon si Aling Irene at inihanda
kapagkaraka ang mga pangangailangan ng kabutong anak na si Iloy. Si Mang
Simon naman ay hindi muna nagtungo sa linang upang samahan sa pagluwas ang
anak na pag-aaralain sa Maynila. Awa naman ng Diyos ay maluwalhating
nakarating sa lungsod ang mag-ama.
Isang balitang paaralang sarili ang kanilang tinungo agad. Dinatnan nila ang
tagatala na abalang-abala sa pagtanggap ng di-kakaunting mga batang
nagsisipagprisinta. Nagpalinga-linga si Mang Simon. Nang makita ang babalang
nakasabit sa may pintuan ng Tanggapan ng Punung-guro ay kinawit sa bisig si Iloy.
“Halika at makikipagusap muna ako sa punung-guro.”
“Magandang umaga po sa kanila,” panabay na bating galang ng mag-ama.
“Magandang umaga po naman,” tugon ng punung-guro na agad namang
kanila?”
“E, ibig ko po sanang ipasok ang aking anak dito sa inyong paaralan.”
“A, opo. Sa ano po namang baitang?” usisa ng punung-guro.
“Katatapos pa po lamang niya ng elementarya sa aming nayon noong
nakaraang Marso,” paliwanag ni Mang Simon.
“Kung gayon po’y sa unang taon ng haiskul, ano po?” “Ngunit… ibig ko po
sanag malaman kung maaaring ang kunin na lamang niya ay isang maikli-ikling
kurso ukol sa isang tanging karunungan upang siya’y makatapos agad, maaari po
ba?”
“Aba, opo,” maaga pa na tugon ng punong-guro. “Maaaring ang lalong
pinakamaikling kurso ang kaniyang kunin. Iyan ay batay sa kung ano ang gusto
ninyong kalabasan niya. Kung ang nais ninyo ay magpatubo ng isang mayabong na
punong akasya, gugugol kayo ng puu-puung taon, subalit ang kakailanganin ninyo
ay ilang buwan lamang upang makapaghalaman kayo ng isang kalabasa.” Dili di
natubigan si Mang Simon sa huling pangungusap ng punong-guro. Gayundin si
Iloy. Pagkuwan ay nagbulungan ang mag-ama. At… umuwi nang nag-iisa si Mang
Simon. Habang naglalakbay na patungong lalawigan ay tatambis-tambis sa sarili:
“A, mabuti na nga ang kunin niyang buo ang kurso sa haiskul at saka na siya
kumarera. Higit na magiging mayabong ang kaniyang kinabukasan.”
- Mula sa Diwang Kayumanggi. 1970
1. Ang akdang “Akasya o Kalabasa’’ ay isang anekdota. Ibigay ang mga katangian ng
akda?
2. Paano naiiba ang anekdota sa iba pang mga kauri nito?
3. Ipaliwanag ang mga pangyayari gamit ang diskursong pagsasalaysay.
II. Panuto: Piliin at isulat ang letra ng wastong sagot sa sagutang papel.
1. Binibigyang diin dito ang bawat kilos ng mga tauhan, ang kanilang panlabas
na kaanyuan kasama na rito ang kanilang pananamit, ayos ng buhok at mga
gagamiting mga kagamitan sa bawat tagpuan.
a. Dulang pandulaan b. nobela c. Alamat d. maikling
kwento
ii
2. Nahati sa mga kabanata; punong-puno ng mga masalimuot na pangyayari.
A. Kasaysayan b. alamat c. Talambuhay d. nobela
3. Tungkol ito sa pinagmulan ng isang bagay o anuman sa paligid.
A. Kasaysayan b. alamat c. Talambuhay d. nobela
4. Nagdudulot ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa sa pamamagitan
ng paglalahad ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng
tauhan.
A.Dulang pandulaan b. nobela c.. Alamat d. maikling kwento
5. Pagsasalaysay ng isang pakikipagsapalaran, pagbibiyahe o paglalakbay sa
ibang lugar.
A. Kasaysayan b. alamat c.Tala ng paglalakbay d.
nobela
6. Mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyon ay makalilikha ng isang
salaysay.
A. Sariling karanasan b. narinig o napakinggan sa iba
c. Napanood d.likhang-isip
7. Pinakamadali at pinakadetalyadong paraan ng pagsasalaysay ng isang tao
sapagkat ito ay hango sa pangyayaring naranasan ng mismongnagsasalaysay.
A. Sariling karanasan b. narinig o napakinggan sa ib
c. Napanood d.likhang-isip
8. Maaaring usapan ng mga tao tungkol sa isang pinagtatalunang isyu, mga
balita sa radyo at telebisyon, at iba pa.
a. napanood b.likhang-isip
C.panaginip o pangarap d. narinig o napakinggan sa iba
9. Maaaring usapan ng mga tao tungkol sa isang pinagtatalunang isyu, mga
balita sa radyo at telebisyon, at iba pa.
A. nabasa b.likhang-isip
C.panaginip o pangarap d. narinig o napakinggan sa iba
10.Isang kuwento ng isang nakawiwili at nakakatuwang pangyayari sa buhay ng
isang tao. Layon nito ay makapagpabatid ng isang magandang karanasan na
kapupulutan ng aral.
a. Maikling kwento b. alamat C. Nobela d. anekdota
Balikan
Mula sa paglalakbay natin sa Modyul 1, nasaksihan natin ang iba't ibang
mitolohiya at natunghayan mo rin ang pagsasaling wika. Para mas matiyak kong
nakuha mo ang nakaraang paksang pinag-aralan natin, sagutin mo pa ang kasunod
na gawain. Kayang-kaya mo yan!
B. Panuto: Iguhit ang masayang mukha kung ang mga katangiang nabanggit
sa bawat bilang ay dapat taglayin ng isang tagapagsalin at malungkot na mukha
naman kung hindi.
ii
___1. Interesado sa paksa
___2. Malawak ang kaalaman sa kultura ng dalawang wikang kasangkot.
___3. Nakikipag-ugnayan sa awtor.
___4. Sapat na kaalaman sa paksa.
___5. Bihasa sa dawalang wikang kasangkot.
Tuklasin
Mahusay! Matagumpay mong naisagawa ang unang gawain. Magpatuloy ka lang at
magagawa pang mapalago ang iyong kaalaman.
Kung saan magpunta si Mullah ay naroon ang tawanan. Dalubhasang pilosopo at
tagapayo siya ng mga hari sa kanilang lugar. Nagsimula ang kaniyang mga kuwento
sa Persia. Naniniwala ang Sufis na ang pagpapatawa ay nagdudulot ng kasiyahan
sa bawat tao. Isinilang siya sa bayan ng Eskishehir (ak Shehir). Dakilang guro sa
pagpapatawa na siyang naging behikulo ng mga manunulat para sa pagbuo ng
kaisipan at paniniwala na di-makakasakit subalit nakapagbibigay-sigla sa
mambabasa. Iyong alamain kung paano naiba ang anekdota ng Persia sa iba pang
mga kauri nito.
Mullah Nassreddin
Isinalin sa Filipino ni Roderic P. Urgelles
ii
pahayag at muli siyang nagtanong “Alam ba ninyo ang aking
sasabihin?
” Handa na ang mga tao sa kanilang isasagot ang kalahati ay
nagsabi ng “Hindi,” at ang kalahati ay sumagot ng “Oo,” kung kaya’t
muling nagsalita si Mullah Nassreddin “Ang kalahati ay alam ang
aking sasabihin, kaya’t kayo ang magsasabi sa kalahati na di alam
ang aking sasabihin,” at siya ay lumisan.
- Mula sa http://iranian.com/main/blog/m-saadat-noury/frist-
iranian-mullah-who-was-master-anecdotes.html
lumisan b. nalito c.
napahiya
d. sayangin e. naimbitahan
Mullah Nassreddin
Panimula:
ii
Tunggalian:
Kasukdulan:
Kakalasan:
Wakas:
Suriin
Alam mo ba na...
ang anekdota ay isang kuwento ng isang nakawiwili at nakakatuwang pangyayari sa buhay ng isang tao? Layon nito ay
makapagpabatid ng isang magandang karanasan na kapupulutan ng aral. Ito’y magagawa lamang kung ang karanasan o
ang pangyayari ay makatotohanan.
Isang malikhaing akda ang anekdota. Dapat na ang bawat pangungusap ay kukuha ng interes ng mambabasa.
Dapat na ang panimulang pangungusap ay kapana-panabik. Ang isang magandang panimula ay magbibigay ng
pagganyak sa mambabasa at mahihikayat na ipagpatuloy ang pagbasa ng anekdota.
Narito ang isang anekdota ni Saadi. Ang mga sulat ni Saadi ay naitala dahil sa
dalawang kadahilanan: Una ang pagiging simple sa paggamit ng direktang
lengguwahe o salita upang makabuo ng isang mahusay na aklat para sa
pagsisimula ng mga mag-aaral na Persiano. Ikalawa, binubuo ito ng simpleng
kasabihan at mga kuwento na itinuturing na mahusay na mga pahayag ng
paniniwalang Sufi.
Para sa Sufis, ang Sufism ay hindi lamang relihiyon o pilosopiya, bahagi ito
ng buhay. Wala itong kaugnayan sa bagay at lugar at hindi rin ito
nagpapahalaga sa oras, pera o maging karangalan. Nakapokus ito sa
pagpapaunlad ng isang indibidwal sa pamamagitan ng kanilang mga
pandama. Mullah Nassreddin
Ang pagkaunawa sa Sufi ay maihahalintulad sa pagbibinata o pagdadalaga
ii
na kung paanong ang bata ay nagkakaroon ng kaalaman sa kaniyang
pagbibinata/ pagdadalaga. Matutuhan ng tao ang kaalamang Sufi sa
proseso, pag-unawa at pagsasanay.
Sa kanilang paglalakbay, hinihiling ang magandang ikabubuhay at taimtim
na dumadalangin sa awa at pag-ibig ng Diyos. Sa kanilang mga panulat ng
naisasalaysay ang hiwaga na naabot ni Saadi gayundin ang kaniyang
pagbabahagi ng kaniyang kaalaman sa buong mundo.
Pagyamanin
lan sa dapat isaalang-alang sa pagpili ng paksa
1. Kawilihan ng Paksa – Dapat ay likas na napapanahon; may mayamang
damdaming pantao, may kapana-panabik na kasukdulan, naiibang tunggalian, at
may malinaw at maayos na paglalarawan sa mga tauhan at tagpuan.
2. Sapat na Kagamitan – Mga datos na pagkukunan ng mga pangyayari.
3. Kakayahang Pansarili – Ang pagpili ng paksa ay naaayon din sa kahusayan,
hilig, at layunin ng manunulat.
4. Tiyak na Panahon o Pook – Ang kagandahan ng isang pagsasalaysay ay
nakasalalay sa malinaw at masining na paglalarawan ng panahon at pook na
pinangyarihan nito. Kaya, mahalagang iwasan ang labis na paghaba sa panahong
sakop ng salaysay at pagbanggit ng napakaraming pook na pinangyarihan ng
salaysay.
5. Kilalanin ang mambabasa – Sumusulat ang tao hindi para lamang sa kaniyang
pansariling kasiyahan at kapakinabangan, kundi para sa kaniyang mambabasa.
ii
ANG MGA MAPAGKUKUNAN NG PAKSA
1. Sariling Karanasan – Pinakamadali at pinakadetalyadong paraan ng
pagsasalaysay ng isang tao sapagkat ito ay hango sa pangyayaring naranasan ng
mismong nagsasalaysay.
2. Narinig o napakinggan sa iba – Maaaring usapan ng mga tao tungkol sa isang
pinagtatalunang isyu, mga balita sa radyo at telebisyon, at iba pa. Subalit,
tandaang hindi lahat ng narinig sa iba ay totoo at dapat paniwalaan. Mahalagang
tiyakin muna ang katotohanan bago isulat.
3. Napanood – Mga palabas sa sine, telebisyon, dulaang panteatro, at iba pa.
4. Likhang-isip – Mula sa imahinasyon, katotohanan man o ilusyon ay makalilikha
ng isang salaysay.
5. Panaginip o Pangarap – Ang mga panaginip at hangarin ng tao ay maaari ring
maging batayan ng pagbuo ng salaysay.
6. Nabasa – Mula sa anumang tekstong nabasa kailangangang ganap na
nauunawaan ang mga pangyayari.
MGA URI NG PAGSASALAYSAY
1. Maikling Kuwento – Nagdudulot ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa
sa pamamagitan ng paglalahad ng mahahalagang pangyayari sa buhay ng tauhan.
2. Tulang Pasalaysay – Patulang pasalaysay ng mga pangyayari sa pamamagitan ng
mga saknong.
3. Dulang Pandulaan – Binibigyang diin dito ang bawat kilos ng mga tauhan, ang
kanilang panlabas na kaanyuan kasama na rito ang kanilang pananamit, ayos ng
buhok at mga gagamiting mga kagamitan sa bawat tagpuan. Ang kuwentong ito ay
isinulat upang itanghal.
4. Nobela – Nahati sa mga kabanata; punong-puno ng mga masalimuot na
pangyayari.
5. Anekdota – Pagsasalaysay batay sa tunay na pangyayari
6. Alamat – Tungkol sa pinagmulan ng isang bagay o anuman sa paligid.
7. Talambuhay – “Tala ng buhay” ng isang tao, pangyayaring naganap sa buhay ng
isang tao mula sa kanyang wakas.
8. Kasaysayan – Pagsasalaysay ng mahalagang pangyayaring naganap sa isang tao,
pook o bansa.
9. Tala ng Paglalakbay (Travelogue) – Pagsasalaysay ng isang pakikipagsapalaran,
pagbibiyahe o paglalakbay sa ibang lugar.
ii
_____7. Sumagot ang Mongheng Mohametano, “Hayaan mong ang Sultan ang
magbigay ng paggalang para hanapin ang magbebenipisyo sa kaniyang magandang
gawa.
Isaisip
Gawain 6: Double Entry Journal
Panuto: Punan ang kasunod na Double Entry Journal ng sariling reaksiyon tungkol
sa mga dapat isaalang-alang sa pagsusuri ng anekdota.
Isagawa
Gawain 7: KOMIKS-KO
Panuto: Sumulat ng isang Orihinal na komik strip batay sa isinagawang
sariling anekdota. Bibigyang puntos ang iyong ginawa sa pamamagitan ng
mga pamatayan na nasa ibaba.
Pamantayan Deskripsyon Pu
Nilalaman Naipakita at naipaliwanag nang mahusay
ang kaangkupan ng mga eksena sa komik
strip batay sa ginawang sariling anekdota
Pagkamalikhain at Maliwanag at angkop ang mensahe sa
pagkamasining ng komik strip paglalarawan.
Kabuuang presentasyon at Malinis, maayos at may kahusayan sa
kahusayan sa pagpapaliwanag ng pagpapaliwanag ang kabuuang larawan ng
komik strip komik strip
KABUUAN
Tayahin
Pangwakas na Pagtataya
ii
a. Idries Shah b.Roderic P. Urgelles c.Consolation P.
Conde
3. Ano angb ginawa ng Mongheng Mohametano sa disyerto?
a. Naglalakbay b. namamanat c.
namamasyal
4. Sinon ang nagwika ng,” Ang hari ay nilikha para sa kagalingan ng kaniyang
nasasakupan at hindin nilikha ang mamamayan para paglingkuran ang sultan”.
a. Sulatan b. mamamayan
c. Saadi
5. Saang bansa nagmula ang Anekdota ni Saadi?
a. Persia(Iran) b. Pransiya c.
Gresya
6. Bakit naglit ang sultan sa Mongheng Mohametano?
a. Dahil sinigawan ng Mongheng Mohametano ang sultan.
b. Dahil tinawanan ng Mongheng Mohametano ang sultan.
c. Dahil hindi nagbigay galang ang Mongheng Mohametano san sultan.
7. Sino ang nagsalin sa Filipino ng anekdotang Mullah Nassreddin?
a.Idries Shah b.Roderic P. Urgelles c.Consolation P. Conde
8. Siya ang pinakamahusay sa pagkukuwento sa kanilang bansa.
a. Mullah Nassreddin b. Saadi
c. Liongo
9. Ano ang laging tinatanong ni Mullah sa kaniyang mga tagapakinig bago siya
magsimula sa kaniyang talumpati?
a. Alam ba ninyo ang aking gagawin?
b. Alam ba ninyo ang aking kakainin?
c. Alam ba ninyo ang aking sasabihin?
10. Ano ang aral ng kwentong Mullah Nassreddin?
a. Maging mapagkumbaba
b. Huwag padalo-dalos sa agsagot at huwag magmarunong
c. Mahalin nating ang ating kapwa
Susi sa Pagwawasto
Aralin 1.2
Subukin
PAUNANG PAGTATAYA
Pagyamanin
ii Gawain 5
1B
2.A
3.D
4. C
Balikan
Gawain 1 Tuklasin
A.1. / B. 1. Gawain 2
2. X 2. B
3. / 3. D
4. X 4. C
5. X 5. :( E
A
Gawain 3 & 4
Iba’t iba ang sagot
Isaisip Isagawa
Gawain 6 Gawain 7
Iba’t iba ang sagot Iba’t iba ang sagot
Tayahin
PANGWAKAS NA PAGTATAYA
I. 1.A 2. D 3.
B 4. D 5. A
6. D 7. B 8.
A 9.C 10. B
II. 1. Nabasa
2. Napanood
3. Pangarap
4. Sariling karanasan
5. Likhang-isip
Sanggunian
Ambat, V.C., et al.(2015). Filipino 10 Modyul para sa Mag-aaral, Pasig City: Vibal
Group, Inc., pa. 253-262
Mula sa Internet
https://www.scribd.com/document/323390807/Filipino-10-2015
ii