Araling Panlipunan4
Araling Panlipunan4
Araling Panlipunan4
Department of Education
Region 02 (Cagayan Valley)
Schools Division of Isabela
JONES WEST CENTRAL SCHOOL CAMPUS I
Barangay 1, Jones, Isabela
ARALING PANLIPUNAN 4
ARALING PANLIPUNAN 4
Quarter 2- Written Work 1
Panuto: Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa mga katanungan sa PATLANG .
_____1. Ang Bulkang Mayon sa Albay ay dinarayo ng maraming tao na mula sa
ibang lalawigan at maging ng mga tao sa ibang bansa dahil sa malaperpekto
nitong hugis apa. Papaano ito nakatutulong sa ekonomiya ng bansa?
a. pakinabang sa kalakal c. pakinabang sa enerhiya
b. pakinabang sa turismo d. pakinabang sa produkto
Total 10 100% 2 1 5 2
Prepared by:
AIRISH MAICA B. CATINDIG
Adviser
Noted by:
MARICHU C. MANALOTO
Principal III
ARALING PANLIPUNAN 4
Quarter 2- Written Work 2
Gamit ang mga simbolo, tukuyin kung sino ang gaganap sa sumusunod na
pananagutan.
– pamahalaan – pamilya
– simbahan – mamamayan
Basahin ang bawat pahayag. Lagyan ng tsek(/) kung ito ay tumutukoy sa hamon
ng pangunahing gawaing pangkabuhayan at kung tumutukoy ito sa
oportunidad, isulat naman ang ekis(X). Isulat ang sagot sa patlang bago ang
bilang.
Natatalakay ang
mga hamon at 6
oportunidad sa 7
mga gawaing 5 50 8
pangkabuhayan ng 9
bansa. AP4LKE- 10
IId-5
Total 10 100% 5 5
Prepared by:
ROSEMARIE C. HERNANDO
Adviser
Total 20 100% 11 1 8
Prepared by:
AIRISH MAICA B. CATINDIG
Adviser
Noted by:
MARICHU C. MANALOTO
Principal III
ARALING PANLIPUNAN 4
Quarter 2- Summative Test No. 3
1. Kung ihahambing sa ibang mga bansa ang Pilipinas, masasabing higit itong pinagpala. Bakit kaya?
I. Mayaman ito sa mga likas na yaman
II. Magagaling ang ating mga yamang tao.
III. Madami at makapal ang populasyon ng Pilipinas
IV. Maraming bilang ng mga kapuluan ang Pilipinas
A. I at III B. I at IV C. I at II D. I lamang
2. Ano ang tawag sa pagtugon sa pangangailangan at mithiin ng mga tao nang may pagsaalang-alang sa
kakayahan ng susunod na henerasyon na makamit din ang kanilang mga pangangailangan.
A. Kayamanang likas
B. Likas kayang pag-unlad
C. Kakayahang manakop ng ibang bansa
D. Likas na kakayahang mag-angkin ng yaman ng iba
3. Ang likas kayang pag-unlad ay kilala rin sa tawag na ________________.
A. Environmental Sustainment
B. Sustainable Development
C. Sustainable Environment
D. Environmental Development
4. Bakit kailangan ang sustainable development o ang likas kayang pag-unlad?
A. Upang magkaroon ng isang alternatibong kaunlaran sa harap ng lumalalang krisis
pangkalikasan
B. Upang maiwasan ang tuluyang pagkasira at pagkawasak ng kalikasan
C. Pagsaalang-alang sa kakayahan ng susunod na henerasyon na makamit din ang kanilang mga
pangangailangan
D. Lahat ng nabanggit ay tamang sagot
5. Ang pamahalaan ay nagsasagawa ng iba’t ibang istratehiya upang matugunan ang mga pangangailangan
ng tao. Alin ang hindi kabilang dito:
A. Pagsama ng mga usaping pangkalikasan sa paggawa ng desisyon
B. Pagsama ng mga isyung pampopulasyon at kapakanan ng nakararami sa pagpaplano ng pag-
unlad
C. Pagbabawas ng paglaki ng mga rural na lugar,
D. Hindi pagpapaigting ng edukasyong pangkalikasan,
6. Ang may-akda ng himig ng pambansang awit ng Pilipinas
A. Juan Luna
B. Jose Palma
C. Julian Felipe
D.
Apolinario Mabini
7. Ang pinakaunang pamagat ng ating pambansang awit
A. Marcha Filipina Magdalo
B. Marcha Nacional Filipina
C. Filipinas
D. Lupang Hinirang
8. Unang araw ng pagpatugtog ng pambansang awit ng Pilipinas
A. Hulyo 4. 1946
B. Hunyo 12, 1898
C. Nobyembre 30, 1898
D. December 30, 1896
9. Isang batang sundalo na sumulat ng liriko ng Lupang Hinirang
A. Juan Luna
B. Jose Palma
C. Julian Felipe
D. Apolinario Mabini
10. Isang tula na ginawang opisyal na liriko ng pambansang awit
A. Filipino
B. Ang Bayan Ko
C. Ang Pilipinas
D. Filipinas
11. Ang watawat ng Pilipinas ay isang mahalagang simbolo ng ating bansa. Ano ano ang pangunahing kulay
nito?
A. bughaw, pula, at puti C. bughaw, dilaw, at puti
B. bughaw, pula, at itim D. bughaw, pula, at berde
12. Alin sa mga sumusunod na lugar ang kinakatawan ng tatlong bituin na nakalagay sa watawat ng
Pilipinas?
A. Luzon, Mindanao, at Visayas. C. Luzon, Palawan at Mindanao
B. Manila, Visayas at Mindanao D.Luzon Visayas at Marinduque
13. Tatlo ang mga babaeng nagtahi ng watawat ng Pilipinas na dinisenyo ni Emilio Aguinaldo. Sino sino
sila?
A. Teodora Alonzo, Maxima Bonifacio at Josefa L. Escoda
B. Gregoria Montoya, Teresa Magbanua at Trinidad Tecson
C. Melchora Aquino, Josephine Bracken at Gabriela Silang
D. Marcela Agoncillo, Lorenza Agoncillo, at Delfina Herbosa Natividad
14. Ang walong sinag ng araw sa watawat ng Pilipinas ay may mahalagang sinisimbolo. Hindi ito palamuti
lamang sa watawat natin. Ano ang sinisimbolo ng walong sinag na ito?
A. Ang walong lalawigan na idineklara ni Ramon Blanko sa ilalim ng Batas Mlilitar.
B. Ang walong lalawigan na unang nagtagumpay sa mga labanan
C. Ang walong lalawigan na unang natalo sa panahon ng himagsikan
D. Ang walong lalawigan na hindi napasailalaim ng Batas Militar
15. Narinig mo na pinapatugtog ang Lupang Hinirang at nakita mo na itinataas ang watawat habang ikaw ay
naglalakad sa labas ng inyong paaralan. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Huminto, tumayo nang matuwid, ilagay ang kanang kamay sa dibdib at sumabay sa pag-aawit
ng Lupang Hinirang.
B. Huminto, tumayo nang matuwid at tumingin lamang sa mga tao sa paaralan.
C. Dahan-dahang maglakad para hindi makalikha ng ingay na ikagagambala ng mga umaawit ng
Lupang Hinirang.
D. Tumayo lamang ng tuwid at kunan ng litrato ang mga taong umaawit ng Lupang Hinirang.
II. Lagyan ng masayang mukha ang bilang kung ginagawa mo at
malungkot na mukha kung hindi mo ginagawa.
16. Tinatapon ko sa tamang tapunan ang aking mga basura dahil alam
kong ang basurang itinapon ko kung saan-saan ay babalik din sa
akin.
17. Nakikiisa ako sa mga programa laban sa walang habas na pagputol ng mga puno.
18. Ipinagbibigay-alam ko sa kinauukulan ang bilang ng plaka ng mga sasakyag nagbubuga ng maitim
na usok na nagdudulot ng polusyon sa hangin.
19. Lagi kong tinitingnan kung nakasarang maigi ang gripo ng tubig kung hindi ito
ginagamit.
20. Nakikinig ako nang husto sa aking guro kapag tinatalakay ang mga aralin
tungkol sa kalikasan.