LeaP Filipino G4 Week 6 Q3 1

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 6

Learning Area Filipino Grade Level Ikaapat

W6 Quarter Ikatlo Date

I. LESSON TITLE Pagsasalaysay muli sa napakinggang teksto gamit ang sariling salita.
Nagagamit nang wasto at angkop ang pangatnig
II. MOST ESSENTIAL Naisasalaysay muli ang napakinggang teksto gamit ang sariling salita F4PS-III-h-6.6
LEARNING Nagagamit nang wasto at angkop ang pangatnig - o, ni, maging, man - kung, kapag,
pag, atbp. - ngunit, subalit, atbp. - dahil sa, sapagkat,- sa wakas, atbp.
COMPETENCIES
- kung gayon, atbp.
(MELCs)
- daw, raw, atbp.
-kung sino, kung ano, siya rin atbp. atbp. F4WG-IIIh-11
III. CONTENT/CORE Naipamamalas ang kakayahan at tatas sa pasasalita at pagpapahayag sa sariling
CONTENT idea, kaisipagan,karanasan at damdamin.
Nagagamit nang wasto at angkop ang mga pangatnig sa pangungusap at
pakikipagtalastasan.

Suggested
IV. LEARNING PHASES Time Frame Learning Activities
A. Introduction 50 minuto
Panimula Sa ating pag-aaral, ang kaalaman na mabigyang pansin
ang pagkakaugnay ng mga pangyayari para maipakita ang
pagkakasunod-sunod nila at mailahad ang tunay na buod nito.
Gayundin ang pag-unawa sa paggamit nang wasto at angkop na
pangatnig sa bawat pangungusap. Siguradong mawiwili ka sa ating
paglalakbay kaya tutukan mo itong lahat.

Nananabik ka na bang simulan ang paglalakbay na ito?


Subukin muna natin ang iyong kakayahan. Madali lang ito kaya
huwag kang mag-alala.
Ngayon ay palawakin natin ang iyong
kaalaman Ano ang kahulugan ng bawat
isa ?
1. Kuwento- ay salaysay na nabuo upang maipahayag ang isang
bagay o pangyayari.
2. Teksto – ay maaring inyong napakinggan o nabasa na nagtataglay
ng impormasyon.
Sa Gamit ng pangatnig naman ang
halimbawa ay Sinukmani sa Quezon at biko sa
Laguna’t Pampanga.
-Ano ang tawag ng kakanin sa Quezon? Sa Laguna? Sa Pampanga?
-Ano ang ginamit upang mapag-ugnay o mapagsama ang mga ito?

2. Naging espesyal ang kakaning ito dahil tiyaga’t sikap ang


puhunan sa paggawa nito.
-Bakit espesyal ang kakanin?
-Ano ang ginamit upang mapag-ugnay o mapagsama ang mga ito?
Ang mga salitang may salungguhit ay ginamit upang mapag-
ugnay o mapagsama ang dalawang kaisipan. Ang Pangatnig
ay mga kataga o salitang nag-uugnay ng mga salita, parirala,
sugnay, o pangungusap.
-Pangatnig na kataga
(at, o)
-Pangatnig na salita
(dahil, gaya, ngunit, kapag, kaya, magkagayon, palibhasa, bagkus,
maging, samantala, man, pati, sapagkat, datapwat, sakali, habang,
subalit, anupat, kapag, kung atbp.)
Tunghayan pa natin ang sumusunod na mga pangungusap
gamit ang mga pangatnig upang mas lalo pang lumawak ang
iyong kaalaman.

1. Ang aking nanay at tatay ay mahal ko.


2. Maglalaro sana ako ngunit tinawag ako ni ate.
3. Ano ba ang mas masarap, lumpia o pritong manok?
4. Gusto kong bumait pero di ko magawa.
5. Bibigyan kita ng lobo kung bibigyan mo rin ako ng laruan.
6. Pag-usapan natin ang bukas habang tayo’y namamasyal.
7. Magtanim ka ng puno upang di bumaha.
8. Magdala ka ng pala saka walis.
9. Pupunta ka lang kina Myla kapag kasama ako.
10. Kinagigiliwan ng lahat si Aira dahil masayahin siyang dalaga

B. Development 60 minuto Ngayon ay pagyamanin na natin ang inyong kaalaman


Pagpapaunlad Kailan ang pista sa inyong bayan? Nakaranas ka na bang
mamista?

Gawain sa Pagkatuto 1
Pakinggan ang kuwento at babasahin ito sa iyo ng iyong nanay
o tagapagturo, pagkatapos ay sagutin mo ang mga tanong sa ibaba.

Napakasaya ng pista sa aming bayan. Siyam na araw pa lamang


ay pinaghandaan na ang padiriwang na ito. May palabas sa plasa
tuwing aabi. Siyam na araw na may prusisyon tuwing ika-6 ng gabi.
Dalawang araw bago sumapit ang kapistahan ay may
Mardi Grass o parada ng kanilang
pagdiriwang tulad ng inani nilang produkto.

1. Sino ang tauhan sa kuwento?


2. Saan naganap ang kuwento?
3. Anu-ano ang paghahandang ginagawa ng mga tao kung pista?
4. Paano nagtapos ang kanilang pagdiriwang?
5, Sa iyong palagay masaya ba ang mga tao sa kanilang ginagawa?
Bakit?

Sagutan ang story map tungkol sa narinig na kuwento. Gamitin ang


rubriks bilang batayan ng iyong gagawin. Isulat sa papel ang wastong
pagkakasunod-sunod nito.

tagpuan
tauhan
simula
gitna
Tagpuan
-Hiyas sa Wika at Pagbasa(TM)p146

Maari mo nang gawin ang susunod na mga gawain


Gawain sa Pagkatuto Bilang 2
Ikahon ang mga pangatnig na ginamit sa sumusunod na
pangungusap. Isulat ito sa sagutang papel.

1. Makiisa tayong lahat upang umunlad ang bansa natin.


2. Huwag kang gagawa ng masama bagkus ay maging mabuti ka
sana.
3. Minsa’y sisimulan natin ang isang bagay ngunit iiwan nang hindi
tapos.
4. Mabuting matutuhan mo ang mga bagay na ito habang bata ka pa.
5. Kailangan ng bayan ang ating tulong subalit hindi natin ito ibinibigay

Gawain sa Pagkatuto Bilang 3


Piliin ang angkop na pangatnig sa kahon upang makumpleto ang
mga pangungusap.

1.Nag- aral akong mabuti kagabi may pagsusulit sa araw na


ito. 2.Matutuwa ang iyong guro gagawin mo ang iyong gawain.
3. Iwasan mo ang pakikipag-usap sa katabi maunawaan mo
ang iyong binasa.
4. Matatapos ko na sana ang aking gawaing-bahay nawalan
ng kuryente sa amin.
5. Masipag siya sa paaralan hindi na siya kailangang utusan ng
guro. (Yaman ng Lahi Wika at Pagbasa p.135)

Gawain sa Pagkakatuto Bilang 4

Pasunod-sunurin ang pangyayari ayon sa wastong pagkakakasunod-


sunod Isulat ito ng patalata, pagkatapos bilugan ang mga pangatnig
na ginamit sa mga pangungusap.
May palabas sa plasa tuwing gabi kung kaya masaya ang
lahat.
Dahil dalawang araw bago sumapit ay may mardiras
Napakasaya ng pista sa aming bayan
Siyam na araw na pinaghahandaan ito.

Gawain sa Pagkatuto Bilang 5


C. Engagement 60 minuto
Panoorin at pakinggan ang kuwento “Ang Langgam at ang
Pakikipagpalihan
Kalapati” at sagutin ang limang tanong matapos itong panoorin.

“Ang Langgam at ang Kalapati” [The Ant and the Dove] | Aesop's
Fables in Filipino | MagicBox Filipino
https://www.youtube.com/watch?v=O2pqFq5RV3o

A. Sagutin muna natin ang mga tanong sa kuwento na itatanong


nang iyong ina o nakatatandang kapatid.
1.Sino ang tauhan sa kwento ?
2. Saan naanap ang kuwento?
3. Anu-ano an nangyari sa simula nang namamasyal si Langgam ?
4. Paano niya tinulungan si Kalapati ?
5. Sa inyong palagay, nanyayari ba ito sa tunay na buhay? Bakit?
Ngayon ay pagsunod-sunurin mo naman ang mga pangungusap.
Lagyan ng bilang 1-5. Isulat sa papel ang iyong sagot.Pagkatapos ay
isulat naman ito sa anyong patalata ayon sa wastong pagkakasunod-
sunod
Nakita ni Langgam na babarilin ng mangangaso si Kalapati.
Isang araw namasyal si langgam sa tabi ng sapa.
Kung kaya kinagat ni langgam ang mangangaso sa paa.
May isang mangangaso na naghahanap ng babarilin.
Nagulat si Kalapati nang umaray ang mangangaso at agad
siyang lumipad.

Gawain Pagkatuto Bilang 6


Pag – isahin ang sumusunod na mga pangungusap na gamit ang mga
pangatnig. Isulat na muli ang mga pangungusap sa patlang.
1. Si Roel ay nagtitinda ng dyaryo.Si Edith ay naglalako ng
sampagita.

2. Tumutulong ang magkapatid sa paghahanapbuhay.Gusto


nilang maabot ang kanilang pangarap sa buhay.

3. Gustong maging mang-aawit ni Roel.Gusto namang maging


mananayaw ni Edith.

4. Madalas umaga pa lamang ay nagtatrabaho na ang


magkapatid. Ang ibang kaedad nila ay natutulog pa sa bahay.

5. Naawa ang ina ng mga bata. Wala siyang magawa para sa mga
anak.

D.Assimilation 30 minuto Sa inyong ginawang mga pagsasanay ay makapagsasalaysay


Paglalapat ka nang muli ng napakingang teksto gamit ang iyong sariling salita.
Makinig sa balita at pakatapos isasalasay muli ang iyong
napakinggan. Siguraduhing masasagot ng iyong salaysay ang mga
tanong na ano,sino,saan,kalian at paano.

Dahil natiyak ko na naunawaan mo na ang aralin,halina’t sagutan


ang gawain. Punan mo ang patlang ng tamang salita ayon sa iyong
natutuhan tungkol sa pangatnig.

Ang Pangatnig ay mga o nag-uugnay ng mga , ,


sugnay, o .

-Pangatnig na kataga (at, o)

-Pangatnig na salita(dahil, gaya, ngunit, kapag, kaya, magkagayon,


palibhasa, bagkus, maging, samantala, man, pati, sapagkat,
datapwat, sakali, habang, subalit, anupat, kapag, kung atbp.)
V. ASSESSMENT 30 minuto Ngayon naman ay sukatin mo ang iyong natutuhan. Gawin ang
(Learning Activity pagsasanay.
Sheets for Enrichment,
Remediation or A. Pakinggan ang kuwentong babasahin ng nanay o nakatatandang
Assessment to be given kapatid at gumawa ng story sequence card na naglalaman ng
on Weeks 3 and 6) pangungusap ayon sa wastong pagkakasunod-sunod at guhitan
ang ginamit na pangatnig.

Kilala nyo ba si Apolinario Mabini? Gaano niya kamahal ang kanyang


ina?Umupo ka na ng tuwid at babasahin na ni nanay o ng iyong
tagapagturo.

Si Apolinario at ang Kaniyang Ina

Habang kausap ni Apolinario Mabini ang kaniyang mga kamag-


aral, dumating ang kaniyang inang pagod na pagod. Naglakad
lamang ito mula sa malayong bayan ng Tanauan, Batangas patungong
Maynila. Masuyong niyakap ni Apolinario Mabini ang ina, malugod na
dinampian ng halik ang pawisang noo nito upang mapawi ang pagod
at buong pagmamalaki niyang ipinakilala sa kaniyang mga kausap,
Nagkamustahan sila. Kaya, labis na naligayahan ang ina sa ginawa ng
anak.

tagpuan
tauhan
simula
gitna
wakas

Pamantayan sa Pagtataya

Mga Pamantayan Napakahusay Mahusay Di-gaano


ng
mahusay

Naisalaysay na ng
malinaw ang kuwento
Sinunod ko ba ang mga
bahagi dapat sabihin?
Kawili-wili ba ang
ginawang pagsasalaysay?
Hindi paligoy-ligoy ang
salita sa pagkukuwento

-Hiyas sa Wika at Pagbasa TM p146

B. Gamitin sa makabuluhang pangungusap ang sumusunod na mga


pangatnig sa bawat bilang.
1. habang
2. kapag
3. sapagkat
4. saka
5. sa madaling salita
-(Pluma 5 Ikalawang Edisyon p.336-337)
VI. REFLECTION 20 minuto Magsulat ka sa iyong kuwaderno ng iyong nararamdaman o
realisasyon gamit ang mga sumusunod na prompt:
Naunawaan ko na .
Nabatid ko na .
Naisasagawa ko na .

Prepared by: LAARNI T. BARIA Checked by:


HEIDEE A. SAN AGUSTIN

You might also like