Download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2
Pangalan: LAPINID CATHYLYN W.
Kurso: BSED FILIPINO 3
1. Ano ang Maikliing Kuwento? (5 pts)
Ang maikling kwento ay isa sa mga anyo ng panitikan. Ito ay maiksing salaysay na naglalaman ng isang kwentong may mahalagang pangyayari. Sa kabila ng pagiging maiksi nito, maaari nitong taglayin ang lahat ng elemento ng maikling kwento. Kadalasan, ito ay mapupulutan ng magandang aral at nag-iiwan ng panibagong karunungan sa isip ng mga bata. Bilang karagdagan maikling kwento ay isa ding masining na anyo ng panitikan na naglalaman ng isang maiksing salaysay tungkol sa isang mahalagang pangyayari na kinabibilangan ng isa o ilang tauhan. Nag-iiwan ito ng isang kakintalan sa isip ng mga mambabasa. 2. Ano-ano ang mga bahagi ng Maikling Kuwento? (10 pts) Ang maikling kwento ay may tatlong bahagi. Ito ay ang Simula, Gitna at Wakas. 1. Simula Kabilang sa simula ang mga tauhan, tagpuan, at suliranin. Sa mga tauhan nalalaman kung sinu-sino ang magsisiganap sa kwento at kung ano ang papel na gaganapan ng bawat isa. Maaaring bida, kontrabida o suportang tauhan. Sa tagpuan nakasaad ang lugar na pinangyarihan ng mga aksyon o mga insidente kasama na dito ang panahon kung kailan naganap ang kwento. At ang bahagi ng suliranin ang siyang kababasahan ng problemang haharapin ng pangunahing tauhan. 2. Gitna Ang gitna ay binubuo ng saglit na kasiglahan, tunggalian, at kasukdulan. Ang saglit na kasiglahan ang naglalahad ng panandaliang pagtatagpo ng mga tauhang masasangkot sa suliranin. Ang tunggalian naman ang bahaging kababasahan ng pakikitunggali o pakikipagsapalaran ng pangunahing tauhan laban sa mga suliraning kakaharapin, na minsan ay sa sarili, sa kapwa, o sa kalikasan. Samantalang ang kasukdulan ang pinakamadulang bahagi kung saan makakamtan ng pangunahing tauhan ang katuparan o kasawian ng kanyang ipinaglalaban. 3. Wakas Ang wakas ay binubuo ng kakalasan at katapusan. Ang kakalasan ang bahaging nagpapakita ng unti-unting pagbaba ng takbo ng kwento mula sa maigting na pangyayari sa kasukdulan, at ang katapusan ang bahaging kababasahan ng magiging resolusyon ng kwento. Maaring masaya o malungkot, pagkatalo o pagkapanalo. Gayunpaman, may mga kwento na hindi laging winawakasan sa pamamagitan ng dalawang huling nabanggit na mga sangkap. Kung minsan, hinahayaan ng may-akda na mabitin ang wakas ng kwento para hayaan ang mambabasa na humatol o magpasya kung ano sa palagay nito ang maaring kahinatnan ng kwento. 3. Ibigay at ilahad ang iba’t ibang uri ng Maikling Kuwento (15 pts) May sampung uri ng maikling kwento. Ito ay ang mga sumusunod: 1. Kwento ng Tauhan Inilalarawan dito ang mga pangyayaring pangkaugalian ng mga tauhang nagsisiganap upang mabigyan ng kabuuan ang pag-unawa sa kanila ng isang mambabasa. 2. Kwento ng Katutubong Kulay Binibigyang diin dito ang kapaligiran at mga pananamit ng mga tauhan, ang uri ng kanilang pamumuhay, at hanapbuhay ng mga tao sa nasabing lugar. 3. Kwentong Bayan Inilalahad dito ang mga kwentong pinag-uusapan sa kasalukuyan ng buong bayan. 4. Kwento ng Kababalaghan Dito pinag-uusapan ang mga salaysaying hindi kapanipaniwala. 5. Kwento ng Katatakutan Naglalaman naman ito ng mga pangyayaring kasindak-sindak. 6. Kwento ng Madulang Pangyayari Binibigyang diin ang kapanapanabik at mahahalagang pangyayari na nakapagpapaiba o nakapagbago sa tauhan. 7. Kwento ng Sikolohiko Ito ang uri ng maikling kuwentong bihirang isulat sapagkat may kahirapan ang paglalarawan ng kaisipan. Ipinadarama dito sa mga mambabasa ang damdamin ng isang tao sa harap ng isang pangyayari at kalagayan. 8. Kwento ng Pakikipagsapalaran Nasa balangkas ng pangyayari ang interes ng kwento ng pakikipagsapalaran. 9. Kwento ng Katatawanan Ito ay nagbibigay-aliw at nagpapasaya sa mambabasa. 10. Kwento ng Pag-ibig Ito naman ay tungkol sa pag-iibigan ng dalawang tao.