Aralpan 9 Las Q1-W1-5
Aralpan 9 Las Q1-W1-5
Aralpan 9 Las Q1-W1-5
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IX, Zamboanga Peninsula
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBOANGA DEL NORTE
Bacungan 1 District
Type of Activity:
Learning Target (s): 1. Nailalapat ang kahulugan ng ekonomiks sa pang-araw-ara na pamumuhay bilang isang
mag-aaral, at kasapi ng pamilya at lipunan. (AP9MKA – Ia – 1)
Suriin
KAHULUGAN NG EKONOMIKS
Ang Ekonomiks ay isang sangay ng Agham Panlipunan na nag-aaral kung paano tutugunan ang tila
walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng tao gamit ang limitadong pinagkukunang-yaman. Ito
ay nagmula sa salitang Griyego na oikonomia na nagmula naman sa dalawang salita: ang oikos ay
nangangahulugang bahay at nomos na pamamahala (Viloria, 2000).
Matapos mong ma-organisa ang iyong mga paunang kaalaman tungkol sa kahulugan at kahalagahan
ng Ekonomiks sa pang-araw-araw na buhay, ihanda ang iyong sarili sa susunod na bahagi ng aralin upang
higit mong maunawaan nang mas malalim ang konsepto ng ekonomiks.
Samantala, ang pamayanan katulad ng sambahayan, ay gumaganap din ng iba’t ibang desisyon. Ang
pamayanan ay kailangang gumawa ng desisyon kung ano-anong produkto at serbisyo ang gagawin, paano
gagawin, para kanino, at gaano karami ang gagawin. Lumalabas ang mga batayang katanungang nabanggit
dahilan sa suliranin sa kakapusan. May kakapusan dahil may limitasyon ang mga pinagkukunang-yaman at
walang katapusan ang pangangailangan at kagustuhan ng tao. Dahil sa kakapusan, kailangan ng
mekanismo ng pamamahagi ng limitadong pinagkukunang-yaman.
Ang kakapusan ay kaakibat na ng buhay dahil may limitasyon ang kakayahan ng tao at may
limitasyon din ang iba pang pinagkukunang-yaman tulad ng yamang likas at kapital. Ang yamang likas ay
maaaring maubos at hindi na mapalitan sa paglipas ng panahon. Samantala, ang yamang kapital tulad ng
makinarya, gusali, at kagamitan sa paglikha ng produkto ay may limitasyon din ang dami ng maaaring
malikha. Sa gayon, kailangang magdesisyon ang pamayanan batay sa apat na pangunahing katanungang
pang-ekonomiya na kapaki-pakinabang sa lahat.
__________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________________
Kriterya Napakalinaw ang Pagkabuo Lubhang malinaw ang Hindi malinaw ang
(15 puntos) pagkabuo (10 puntos) pagkakabuo (5puntos)
Nilalaman
Mensahe
Pagkakabuo
______ 5. Kung ikaw ay isang taong rasyonal, ano ang dapat mong isaalang-alang sa paggawa ng desisyon?
A. dinadaluhang okasyon C. opportunity cost ng desisyon
B. kagustuhang desisyon D. tradisyon ng pamilya
Prepared by:
PRIMITIVO F. ENDERES
Subject Teacher
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IX, Zamboanga Peninsula
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBOANGA DEL NORTE
Bacungan 1 District
Type of Activity:
Gawain 1: Subukin
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang titik na
tumutukoy sa tamang kasagutan. Isulat ang sagot sa bahaging ibinigay.
_______ 1. Maraming tao ang naapektuhan ang kanilang kabuhayan dahil sa krisis dulot ng
pandemya sa COVID-19. Bilang mag-aaral, paano mo matutulungan ang iyong pamilya
sa pagharap ng krisis sa ekonomiya?
A. Ikaw ay magtatrabaho upang madagdagan ang kita ng iyong pamilya.
B. Maging masinop sa paggasta ng iyong pera at bilhin lamang ang pangunahing
pangangailangan.
C. Hindi makikialam sa magiging desisyon ng iyong mga magulang sa usapin sa pera.
D. Pag-aaral lamang ang iyong aasikasuhin dahil hindi mo naman responsibilidad ang
paghahanapbuhay sa kasalukuyan.
_______ 2 Sa pag-aaral ng Ekonomiks, pangunahing batayan nito ang suliranin ng kakapusan.
Bakit nararanasan natin ang kakapusan?
A. Ito ay dahil sa hindi tamang paggamit ng likas na yaman.
B. Ito ay dahil sa masyadong malaki ang populasyon at konti lang ang pinagkukunang-
yaman.
C. Ito ay dahil sa mapaminsalang kalamidad na nararanasan.
D. Ito ay dahil sa walang katapusang pangangailangan at kagustuhan ng mga tao kahit
limitado ang pinagkukunang-yaman.
_______ 3. Mas pinili ni Fiona na mag-aral ng kanyang leksiyon sa Ekonomiks kaysa sa manood ng
K-drama ng mga oras na iyon. Anong salik ng matalinong pagdedesisyon ang tumutukoy
sa sitwasyon?
A. Incentives B. marginal thinking
C. opportunity cost D. trade-off
________4. Ngayong nasa Grade 9 na si Mergie ay lalo pa siyang ginanahang mag-aral ng mabuti
upang makakuha ng average grade na 90 pataas dahil sa pangakong mamahaling
cellphone ng kanyang mga magulang. Aling salik ng matalinong pagdedesisyon ang inilalarawan
sa sitwasyon?
A. Incentives B. marginal thinking
C. opportunity cost D. trade-off
________5. Nakaugalian na ni Ardie na pag-isipan muna nang mabuti ang pagdesisyon sa isang
bagay kung ito ba may pakinabang sa kanya o wala. Ang ginagawa ni Ardie ay isang
halimbawa ng anong konsepto ng matalinong pagdedesisyon?
A. Incentives B. marginal thinking
C. opportunity cost D. trade-off
Suriin
KAHALAGAHAN NG EKONOMIKS
Mahalaga ang pag-aaral ng Ekonomiks sapagkat makatutulong ito sa mabuting pamamahala at pagbuo ng
matalinong desisyon. Malaki ang maitutulong nito sa iyo bilang mag-aaral at maging sa mga kasapi ng pamilya at
lipunan. Maaari mo ring magamit ang kaalaman sa Ekonomiks sa pag-unawa sa mga desisyon mula sa mga pamimilian
na mayroon ang pamilyang iyong kinabibilangan. Ang mga kaalaman sa konsepto ng trade-off, opportunity cost,
incentives, at marginal thinking ay makatutulong sa matalinong pagdedesisyon upang maging rasyonal ang bawat isa sa pagbuo ng
desisyon. Sa paggawa ng matalinong pagdedesisyon, nagaganap ang pagpili o pagsasakripisyo ng isang bagay kapalit ng ibang bagay.
Ito ay tinatawag na trade off. Ang trade-off ay mahalaga sapagkat sa pamamagitan nito ay maaaring masuri ang mga pagpipilian sa
pagbuo ng pinakamainam na pasya. Halimbawa, mag-aaral ka ba o maglalaro?
Pagyamanin
RUBRIK sa Pagmamarka
Prepare by:
PRIMITIVO F. ENDERES
Subject Teacher
Republic of the Philippines
DEPARTMENT OF EDUCATION
Region IX, Zamboanga Peninsula
SCHOOLS DIVISION OF ZAMBOANGA DEL NORTE
Bacungan 1 District
Type of Activity:
Learning Target (s): 1. Nasusuri ang iba’t ibang sistemang pang ekonomiya.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang titik na tumutukoy sa tumpak
na kasagutan. Isulat ang sagot sa bahaging ibinigay.
________ 1. Sa Market Economy, ito ang nagtatakda kung gaano karami ang bibilhin ng mga mamimili at kung gaano rin
karami ang malilikhang produkto at serbisyo ng mga prodyuser.
A. likas-yaman B. pamahalaan C. presyo D. prodyuser
Suriin
Market Economy
Sa Market economy, ang kasagutan sa pangunahing katanungan pang-ekonomiko ay ginagabayan ng
mekanismo ng malayang pamilihan. Sa ganitong Sistema, ang bawat kalahok- konsyumer at prodyuser,
kumikilos alinsunod sa kanilang pansariling interes na makakuha ng malaking pakinabang.
Command Economy
Sa Command economy, ang ekonomiya ay nasa ilalim ng komprehensibong kontrol at regulasyon ng
pamahalaan. Ang pagkontrol ay alinsunod sa isang planong nauukol sa pagsusulong ng ekonomiya na
pinangangasiwaan mismo ng sentralisadong ahensiya (central planning agencies).
Mixed Economy
Ang Mixed economy ay isang sistema na kinapapalooban ng elemento ng Market economy at Command
economy. Walang maituturing na isang kahulugan ang Mixed economy. Ito ay kinapapalooban ng
magkaugnay na katangian ng dalawang sistema tulad ng malayang pakikilahok sa mga gawaing
pangkabuhayan na pinahihintulutan ng pamahalaan at pagkontrol ng pamahalaan sa ilang gawaing
pangkabuhayan.
__________________________________
_____________________________________
_
_____________________________________
_
_____________________________________
_
_____________________________________
_
_____________________________________
_
_____________________________________
_
Prepared by:
PRIMITIVO F. ENDERES
Subject Teacher
Type of Activity:
Learning Target (s): 1. Natatalakay ang mga salik ng produksiyon at ang implikasyon nito sa pang-
araw-araw na pamumuhay.
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang titik na tumutukoy sa tumpak
na kasagutan. Isulat ang sagot sa bahaging ibinigay.
_______1. Alin sa mga sumusunod ang nagpapatunay na may naiibang katangian ang
lupa bilang salik ng produksiyon?
A. tinataniman ng mga magsasaka C. itinuturing ito na fixed o takda ang bilang
B. pinapatayuan ng mga imprastraktura D. ito ng mga input sa produksyon
______ 2. Anong proseso ng produksiyon ang nagpapalit-anyo ng produkto?
A. paggamit ng mga hilaw na sangkap
B. pagtayo ng mga pabrika
C. pagsasama-sama ng mga salik upang makabuo ng output o produkto
D. pagkamalikhain ng mga manggagawa
______ 3. Alin sa mga sumusunod ang tumutukoy sa kabayaran sa paggamit ng capital sa
proseso ng produksiyon?
A. interes B. kita C. pera D. regalo
______ 4. Paano nakatutulong ang paggamit ng makinarya sa produksiyon?
A. maraming hilaw na sangkap ang magagamit
B. maraming output ang mabubuo
C. mas magiging mabilis ang paglikha ng mga produkto
D. matutugunan ang pangangailangan ng mga konsyumer
_____ 5. Alin sa mga sumusunod ang HINDI kabilang sa katangiang taglay ng isang
entrepreneur?
A. puno ng inobasyon C. may kakayahang magpatupad ng presyo sa pamilihan
B. maging malikhain D. handang makipagsapalaran sa kahihinatnan ng
negosyo
Suriin
Pagyamanin
Mga Salik ng
Procuksiyon
Pamprosesong Tanong:
Panuto: Sagutin ang mga pamprosesong tanong sa ibaba. Isulat ang sagot sa ibaba.
( 5 pts. each)
__________
10
Prepared by:
PRIMITIVO F. ENDERES
Subject Teacher
Type of Activity:
Subukin
Panimulang Gawain: Paunang Pagtataya
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap at piliin ang tamang titik na
tumutukoy sa tumpak na kasagutan. Isulat ang sagot sa bahaging ibinigay.
______ 2. Sa anong salik ng pagkonsumo nakakaapekto ang mga kalamidad? demostration effect
A. demostration effect B kita C. mga inaasahan D. pagkakautang
_____ 3. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad na ang tao ay hindi naapektuhan ng demonstration
effect?
A. hindi sumusunod sa uso C. binibili ang mga napapanahong gamit
B. nahuhumaling sa suot ng mga artista D. suportado ang mga ini-endorso nga
paboritong artista
_______5. Kapag pinag-uusapan ang pagkonsumo, bakit mas mainam na kunti lang ang utang?
A. walang naniningil kapag nakatanggap ng sahod
B. lumalaki ang ipon sa bangko
C. walang utang na kailangang bayaran
D. tumataas ang kakayahang kumonsumo
Suriin
Pagbabago ng presyo – may pagkakataon na nagiging motibasyon ang presyo ng produkto o serbisyo
sa pagkonsumo ng isang tao. Kalimitan, mas mataas ang pagkonsumo kung mababa ang presyo samantalang
mababa ang pagkonsumo kapag mataas ang presyo. Kadalasan, mas tinatangkilik ng mga mamimili ang
produkto o serbisyo kapag mura dahil mas marami silang mabibili. Samantala, kaunti naman ang kanilang
binibili kung mataas ang presyo nito.
Kita - nagdidikta rin ang kita paraan ng pagkonsumo ng isang tao. Ayon kay John Maynard Keynes,
isang ekonomistang British, sa kanyang aklat na “The General Theory of Employment, Interest, and Money” na
inilathala noong 1936, malaki ang kaugnayan ng kita ng tao sa kanyang pagkonsumo. Ayon sa kaniya,
habang lumalaki ang kita ng tao ay lumalaki rin ang kaniyang kakayahan na kumonsumo ng mga produkto
at serbisyo. Sa kabilang banda, ang pagbaba ng kita ay nangangahulugan ng pagbaba ng kakayahang
kumonsumo.
Pagkakautang – kapag maraming utang na dapat bayaran ang isang tao, maaaring maglaan siya ng
bahagi ng kaniyang salapi upang ipambayad dito. Ito ay magdudulot ng pagbaba sa kaniyang pagkonsumo
dahil nabawasan ang kaniyang kakayahan na makabili ng produkto o serbisyo. Tataas naman ang
kakayahan niyang kumonsumo kapag kaunti na lamang ang binabayaran niyang utang.
Pagyamanin
Gawain 2. Concept Map: Pagbuo ng Konsepto
Mga Salik na
Nakakaapekto
sa
Pagkonsumo
Pamprosesong Tanong:
Panuto: Batay sa ginawang gawain, sagutin ang mga pamprosesong tanong sa ibaba
gamit ang sagutang papel.
_______
10
1. Ano-ano ang mga naging batayan mo sa pagbuo sa Concept Map?
_______________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________
______________________________________________________________________________________________________
Prepare by:
PRIMITIVO F. ENDERES
Subject Teacher