Ap 6 Q1 W7 8
Ap 6 Q1 W7 8
Ap 6 Q1 W7 8
Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang titik ng tamang
sagot.
___1. Si Heneral Gregorio del Pilar ay tinaguriang Bayani ng Pasong Tirad. Paano niya
ipinagtanggol ang ating bansa?
A. Pinangalagaan niya ang pagtakas ni Emilio Aguinaldo sa pamamagitan ng pagharang sa
mga sundalong Amerikano
B. Pinagpatuloy ang laban sa Pasong Tirad hanggang napasuko ang mga sundalong
Amerikano.
C. Pinasunog niya ang mga kagamitan ng mga sundalong Amerikano.
D. Tinugis niya ang mga kawal na Amerikano sa Pasong Tirad.
___2. Mahalaga ang papel na kanyang ginampanan sa kasaysayan ng Pilipinas. Kinilala siya
bilang Utak ng Himagsikan at Dakilang Lumpo.
A. Vicente Lukban B. Melchora Aquino C. Antonio Luna D. Apolinario Mabini
___3. Maituturing na pinakabata at kauna-unahang Pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas.
A. Antonio Luna B. Macario Sakay C. Emilio Aguinaldo D. Gregorio del Pilar
___4. Ano ang ginawa ng mga Pilipinong nakaranas ng matinding pang-aabuso mula sa mga
Espanyol?
A. Sumunod sila sa kagustuhan ng mga Espanyol.
B. Ipinagwalang bahala nila ang pagpapahirap ng mga Espanyol.
C. Tinanggap ng mga Pilipino ang mga pang-aabuso ng mga Espanyol.
D. Naglunsad ng pag-aalsa ang maraming Pilipino laban sa mga Espanyol
___5. Isa si Macario Sakay sa mga nakipaglaban para sa kasarinlan ng bansa. Paano niya ito
isinagawa?
A. Nagpasimula ng labanan sa mga mananakop.
B. Nagtatag ng sariling Republika sa Katagalugan.
C. Gumamit ng taktikang militar na natutuhan sa Europa.
D. Nagtatag ng samahan upang lumaban sa mga Amerikano.
__ 6. Si Apolinario Mabini ay isa sa mga nakipaglaban para sa kalayaan. Alin sa mga
sumusunod ang bahaging kanyang ginampanan sa kasaysayan ng Pilipinas?
A. Pag-akda ng Saligang Batas ng Malolos
B. Pagtatatag ng Republika ng Biak-na-Bato.
C. Paglulunsad ng pinakamahabang pag-aalsa.
D. Pagsisilbi bilang tagapayo ni Emilio Aguinaldo.
___ 7. Si Marcelo H. del Pilar na kilala sa tawag na Plaridel ay nakipaglaban sa mga Espanyol
upang makamit natin ang kalayaan. Paano niya ito isinagawa?
A. sa pamamagitan ng pamamahayag
B. sa pamamagitan ng armadong pakikipaglaban
C. sa pamamagiatn ng pakikipagdayalogo sa mga Espanyol
D. sa pamamagitan ng pagsasadula nasa buhay ng mga Espanyol
___ 8. Siya ang magiting na heneral at pinuno ng hukbong Pilipino na pinapatay ng mga
sundalo ni Emilio Aguinaldo.
A. Gregorio del Pilar B. Antonio Luna C. Miguel Malvar D. Macario Sakay
___ 9. Sa pangkalahatan, ano ang naging reaksyon ng mga Pilipino sa naging karanasan nila sa
mga Espanyol?
A. Nakipaglaban sila sa mga Espanyol.
B. Nagtiis sila sa pang-aabuso ng mga Espanyol.
C. Ipinagwalang-bahala nila ang kanilang kalagayan.
D. Natuto silang lumaban upang ipagtanggol ang kanilang karapatan.
___10. Namuno sa paghihimagsik laban sa Kastila sa Batangas at isa sa mga kahuli-hulihang
sumukong heneral sa mga Amerikano.
A. Emilio Aguinaldo B. Miguel Malvar C. Melchora Aquino D. Gregorio del Pilar
___11. Bilang kasapi ng Kilusang Propaganda noong 1872, ano ang naging kontribusyon ni
Graciano Lopez-Jaena sa sambayanang Pilipino?
A. Naglaan siya ng malaking pondo para sa samahan.
B. Gumawa siya ng mga pagtatanghal upang isiwalat ang maling pamamahala ng mga
Espanyol.
C. Inaruga niya ang mga Propagandistang nakaramdam ng pangungulila sa Inang Bayan.
D. Itinatag niya ang pahayagang La Solidaridad na naglalaman ng mga artikulong
nagsisiwalat sa pang-aabuso at maling pamamalakad ng mga Espanyol.
___12. Pinuno ng hukbong nakipaglaban sa mga Amerikano sa Balangiga, Samar.
A. Vicente Lukban C. Antonio Luna B. Emilio Aguinaldo D. Apolinario Mabini
___13. Ang mga makabayan at natatanging Pilipino ay buong giting na nakipaglaban sa mga
dayuhang mananakop sa iba’t ibang pamamaraan. Ano ang kanilang magkakatulad na
pinahahalagahan?
A. Pagbubuklod ng mag-anak. C. Pagpapahalaga sa kalayaan.
B. Pagpapahalaga sa ari-arian. D. Pagpapahalaga sa kapangyarihan.
___14. Ano ang nilalaman ng Fray Botod na akda ng Prinsipe ng mga Orador na si Graciano
Lopez-Jaena?
A. Ipinapahayag ang suporta sa mga prayle.
B. Ipinagmamalaki ang kabutihang ginawa ng mga pari.
C. Ipinag-uutos na sundin ang magagandang aral ng mga pari.
D. Ipinapahayag ang tungkol sa maling pamamalakad at pang-aabuso ng mga pari.
___ 15. Iba’t ibang paraan ang ginamit ng mga bayani upang makamit ang kalayaan ng bansa.
Ilan sa mga ito ay sina Dr. Jose Rizal, Marcelo H. del Pilar at Graciano Lopez-Jaena.
Anong paraan ang ginamit nila sa pakikipaglaban upang nakamit ang kalayaan ng bansa?
A. Pakikipaglaban gamit ang armas.
B. Pagsisilbi sa mga dayuhang Espanyol.
C. Pakikipaglaban sa pamamagitan ng panulat.
D. Pagtalima sa mga utos ng mga dayuhang mananakop.
Panuto: Basahin ang bawat pangungusap. Isulat ang Tama kung wasto ang ipinapahayag ng
mga pangungusap at Mali kung hindi.
_____ 1. Si Emilio Aguinaldo ang kauna-unahang pangulo ng Unang Republika ng Pilipinas.
_____ 2. Bayani ng Pasong Tirad ang taguri kay Miguel Malvar.
_____ 3. Ang nagtatag ng Republikang Tagalog ay si Macario Sakay.
_____ 4. Si Gregorio del Pilar ang pinakabatang heneral ng Batangas na sumuko sa mga
Amerikano noong panahon ng digmaan.
_____ 5. Si Vicente Lukban ang namuno sa pakikidigma sa mga Amerikano sa Balangiga, Samar
kung saan natalo nila ang mga dayuhan.
Panuto: Sinong natatanging Pilipinong nakipaglaban para sa kalayaan ang tinutukoy sa bawat
pangungusap? Isulat ang tamang sagot sa patlang bago ang bilang.
I. 1. A
2. D
3. B
4. D
5. B
6. D
7. A
8. A
9. D
10. B
11. D
12. A
13. C
14. D
15.. C
1. T
2. M
3. T
4. M
5. T
1. Macario Sakay
2. Fray Botod
3. Emilio Aguinaldo
4. Graciano Lopez Jaena
5. La Solidaridad
6. Marcelo H. del Pilar
7. Apolinario Mabini
8. Gregorio del Pilar
9. Kalayaan
10. Andres Bonifacio