Ap8 Diagnostic Test Final

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Department of Education

Caraga Region
DIVISION OF BUTUAN CITY

DIVISION DIAGNOSTIC TEST


Araling Panlipunan 8

Pangalan:______________________________ Pangkat: __________________Iskor:_______

Panuto:. Suriin at unawain ang mga tanong sa bawat bilang. Markahan (shade) ang bilog na kumakatawan
sa titik ng tamang sagot sa sagutang papel.

__ 1. Ano ang isa sa mga sangay ng agham panlipunan na tumutukoy sa siyentipikong pag-aaral sa
katangiang pisikal ng daigdig?
A. antropolohiya B. ekonomiks C. heograpiya D. kasaysayan

__ 2. Ang mataas na antas ng teknolohiya ay nagpabilis sa pagpunta ng tao sa mga bansang may magandang
pasyalan. Ang pahayag na ito ay nagsasaad sa anong tema ng heograpiya?
A. interaksiyon B. paggalaw C. lokasyon D. rehiyon

___3. Paano pinahalagahan sa kasalukuyang panahon ang mga pamana ng mga sinaunang tao?

A. Mas maunlad ang mga kabihasnan noon kung ihahalintulad sa mga kabihasnan sa kasalukuyang
panahon.
B. Karaniwan lamang ang mga nagawa ng mga sinaunang tao kung kaya’t kaunti ang kanilang mga
ambag.
C. Patuloy na hinahangaan at tinatangkilik ng tao sa kasalukuyan ang mga pamanang ito.
D. Limitado lamang ang kakayanan ng mga sinaunang tao upang makagawa ng mga kahanga-hangang
bagay sa daigdig.

__ 4. Ang sumusunod na pangyayari ay naganap noong panahon ng Mesolitiko maliban sa:


A. naninirahan na sila sa tabing ilog upang mabuhay.
B. gumagawa na sila ng mga palayok na gawa sa luwad.
C. nagsimula na ang mga tao sa pag-aalaga ng mga hayop.
D. marunong ng makipagpalitan ng produkto sa karatig na lugar.

__ 5. Ano ang mahihinuha kapag ang tao ay may kaalaman na sa pagtutunaw at kasanayan sa pagpapanday
ng mga bakal?

A. Tataas ang suplay ng pagkain.


B. Uunlad ang pakikipagtalastasan.
C. Higit na makapangyarihan ang tao sa lipunan.
D. Sila ay makagagawa ng kasangkapang yari sa bakal.

___6. Ano sa palagay mo ang mainam na gawin upang mapanatili ang pakinabang ng Nile Delta sa
ekonomiya ng bansang Ehipto?

A. Gagawin ang lugar bilang isa sa mga proyektong pangturismo upang matulungang mapalago ang
ekonomiya.
B. Maghanap ng mamumuhunan upang magpatayo ng mga condominium o di kaya ay subdivision.
C. Magtayo ng mga kompanya upang mapakinabangan ang mga hayop at gawing pagkain.
D. Gagawin ang lugar bilang libangan at isagawa ang aktibidad ng pangangaso at camping.
___7. Kung kabilang ka sa pangkat ng mga sinaunang nomadiko na nakarating sa Egypt, ano ang magiging
dahilan mo kung bakit nais mong manatili sa nasabing rehiyon?
A. Ang nagtataasang hanay ng mga bundok ng Egypt ang magliligtas sa akin sa mababangis na
hayop.
B. Mas nanaisin kung manirahan sa rehiyong Mesopotamia o sa lambak-ilog ng Indus dahil sa
yamang-tubig na nagmumula sa mga ilog nito.
C.Napaliligiran ng mga disyerto ang Egypt kung saan sumibol ang iba’t ibang uri ng halamang
nagdudulot ng maunlad na kabuhayan.
D. Ang mga lupain sa tabi ng ilog nito ang mainam na lugar sa pagsasaka dahil sa pagkakaroon ng
tubig para sa mga pananim.

___8. Alin sa mga sumusunod ang kinikilalang pinakamatandang kabihasnan sa buong daigdig?
A. Ehipto B. Indus C. Mesopotamia D. Tsino

___9. Ang Mesopotamia ay itinuring na kauna-unahang kabihasnan sa daigdig. Maraming mga pangkat ng
mga taong naninirahan rito. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang rito?
A. Sumerian B. Assyrian C. Babylonian D. Han

___10. Kung ikaw ay isang Sumerian na nabuhay noong panahon ng kabihasnan sa Mesopotamia, aling
sitwasyon ang hindi nararapat na maganap sa iyong lungsod-estado?
A. Walang pagkakaisa ang mga lungsod-estado upang hindi madaling masakop ang mga teritoryo
nito.
B. May mahusay na pinunong mamamahala sa lungsod-estado na magpapaunlad sa iyong
pamumuhay.
C. May sistema ng pagsulat upang magamit sa kalakalan at sa iba pang bagay.
D. May aktibong pagpapalitan ng mga produkto sa loob at labas ng lungsod.

___11. Ang sumusunod ay mga sinaunang kabihasnan ng daigdig maliban sa:


A. Kabihasnang Mesoamerica C. Kabihasnang Indus
B. Kabihasnang Mesopotamia D. Kabihasnang Tsino

___12. Ano ang binigyang halaga ng kabihasnan ng Tsino na naging kakaiba sa ibang kabihasnan ng
daigdig?
A. Pagpapaunlad ng nasasakupang teritoryo
B. Pagpapalawak ng teritoryo

C. Paglilinang ng kapangyarihang pampamahalaan


D. Pagpapalawak sa kaalamang pang-pilosopiya

___13. Alin ang pinakamahalagang repormang naipatupad ng Athens noong sinaunang panahon?
A. Pagpapatupad ng repormang edukasyon
B. Pagsilang ng Demokrasya sa Athens
C. Reorganisasyon sa pamahalaan
D. Pagtatag ng hukbong militar

14-16. Kumpletuhin ang diyagram tungkol sa mga sinaunang kabihasnan sa daigdig.


Piliin sa kahon ang titik ng pahayag na kukumpleto sa diyagram.

Kabihasnan Kontribusyon kahalagahan

14. 15. 16.


A. Kabihasnang Mesopotamia
B. Nagsilbing batas ng mga Romano
C. Code of Hammurabi
D. Naglalaman ng mga batas na pumapaksa sa halos
lahat na aspekto ng araw-araw na buhay sa
Mesopotamia

___17. Ang unang kabihasnan sa Isla ng Crete ay tinatawag na Minoan. Bakit


yumaman ang Kabihasnang Minoan sa pamamagitan ng pakikipagkala-
kalan sa ibayong dagat? Ano ang pangunahing dahilan nito?
A. Napakalakas ng sandatahang panlakas ng Minoan.
B. Napapalibutan ng anyong tubig ang Crete at estratehiko ang lokasyon nito.
C. Nakarating sa iba’t ibang lugar ang produktong mula sa Crete.
D. Napapalibutan ng mga kabundukan ang Isla ng Crete.

___18. Kung ikaw ay Griyego at nagkaroon ng digmaan sa iyong pamayanan


saan ka tatakbo para sa iyong proteksyon?
A. Matataas na lugar C. Maburol na lugar
B. Patag na lugar D. Mababang lugar

___19. Paano naging bahagi ng kulturang Romano ang Coliseum?

A. Nagsilbi itong lugar na pinagdarausan ng kanilang mahahalagang seremonya.


B. Nagsilbi itong lugar na pinagdarausan ng mga labanan ng mga gladiator.
C. Sumisimbolo ito ng kanilang katapangan.
D. Nagsisilbi itong pook-dasalan at iba pang gawaing ritwal.

___ 20. Ang sumusunod ay kahalagahan ng Twelve Tables para sa mga Plebians maliban sa:
A. Napabawasan ang panlilinlang sa mga plebians.
B. Napagkalooban sila ng karapatang mahalal na konsul.
C. Nagkaroon sila ng karapatang maging Maharlika.
D. Nagkaroon sila ng karapatang maging kasapi senado.

___21. Nakatulong ba ang heograpiya ng Ghana upang umunlad ang kanilang pamumuhay?
A. Oo, dahil sa pagkakaroon nila ng matabang lupa at malawak na kapatagan.
B. Oo, dahil sa yamang mineral na tinataglay ng kanilang pamayanan.
C. Oo, dahil sa nakakapangaso sila sa kanilang malawak na kagubatan.
D. Oo, dahil sa tulong ng mga diyos na sinasamba nila at ninanampalataya.

___22. Gagampanan mo ang papel ni Haring Al-Bakri ng Imperyong Ghana. Anong


patakaran ang ipapatupad mo upang mananatili ang mataas na halaga ng ginto
sa iyong imperyo?
A. Ipagbawal ang pagmimina ng ginto.
B. Limitahan ang pagbebenta ng ginto sa kalakalan.
C. Ibigay sa iyo ang mga butil ng ginto at gold dust lamang ang payagang ipagbili sa kalakalan.
D. Ipagbawal ang paglabas ng ginto sa imperyo.

____23. Bakit kaya Holy Roman Empire ang ibinansag sa imperyo ni Charlemagne?
A. Sapagkat ang imperyong ito ay may basbas at gabay sa pinuno ng Simbahang Katoliko ang
Santo Papa na siyang mamamahala sa mga Romano at imperyo
B. Sapagkat isang Kristiyanong emperador si Charlemagne
C. Sapagkat ang kanilang paniniwala ay Romano Katoliko
D. Ito ay may basbas ng langit sa relihiyong Islam

____24. Kung ikaw ay mabigyan ng pagkakataon na maging isang panginoong may lupa,
gagayahin mo rin ba ang ginawa sa mga taong walang lupa? Bakit?
A. Oo dahil nakitira lamang sila sa lupaing pagmamay-ari ng iba
B. Hindi, dahil dapat silang tulungan upang hindi habambuhay ang paghihirap nila
C. Siguro para makabayad sila sa pagtira nila sa lupain na walang bayad
D.Oo dahil dapat lamang turuan sila ng leksiyon

____25. Bakit mahalaga ang papel na ginagampanan ng simbahan sa buhay ng tao?


I. Nakatulong ito sa atin na gumawa ng kabutihan
II. Dahil ito ang gabay sa araw-araw nating buhay
III.Taglay nito ang mga salita ng ating Panginoon
IV.Nagpatatag sa pananampalataya ng mga tao

A. I C. I, II at III
B. I at II D. I, II, III at IV

___ 26. Alin sa mga sumusunod ang hindi kabilang sa epektong dulot ng Renaissance?
A. Tumulong sa mga tuklas ng heograpiya at mga eksplorasyong maritime
B. Nagpaningas sa Rebolusyong Intelektwal
C. Nagpaunlad sa doktrinang pang simbahan
D. Nagpasulong ng paglago ng mga pambansang estado

___27. Ang Renaissance ay nagmula sa Italya, alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapaliwanag kung
bakit ito nagsimula sa Italya?

A. Ang lokasyon ng Italya ay nagbibigay sa mga lungsod ng pagkakataon upang


yumaman at magkaroon ng pagkakataon sa paglikha ng sining.
B. Ang Italya ay mas malapit sa mga sinaunang Romano sa dugo at wika kaysa sa ibang bansa.
C. Ang Italya ay kontrolado ng Papa sa Roma.
D. Ang mga unibersidad sa Italya ay may mahalagang papel sa pagtaguyod at pagpanatiling buhay
ng kulturang klasikal ng Griyego at Romano.

____ 28. Ang unang yugto ng kolonisasyon ay nagdulot ng pagkawala ng ating kasarinlan, para sa iyo,
pabor ka ba na muling mapasailalim sa mga
mananakop ang ating bansa?

A. Oo, dahil marami silang nagawang kabutihan sa panahon ng kanilang pananakop.


B. Hindi, dahil ang mananakop lamang ang lubos na makikinabang sa ating mga likas na
yaman.
C. Oo, upang mas mapadali ang pangingibang-bansa ng ating mga manggagawa.
D. Oo, upang mas mangingibabaw ang “colonial mentality” sa mga Pilipino.

____ 29. Marami ang mga pampalasang ikinalakal sa panahon ng pagtuklas ng mga lupain noong ika-16
siglo. Alin sa mga sumusunod ang mga pamapalasang dumagsa sa panahong ito?

A. Pepper, cinnamon, nutmeg


B. Paminta, asukal, clove
C. Luya, sibuyas, atsal,
D. Kamatis, ahos, tabon-tabon

___ 30. Sa unang yugto ng kolonisasyon, may tatlong bagay ang itinuturing na motibo ng eksplorasyon.
Anong motibo ang hindi kabilang nito:

A. Ginto na sumisimbolo ng kayamanan B. Krus na sumisimbolo ng kristyanismo

C.Susi- sumisimbolo ng katanyagan D. Buwan at bituin - sumisimbolo ng


pagpapalaganap ng Relihiyong

___31. Kung ikaw ay isang Europeo, gagawin mo rin ba ang pananakop ng ibang teritoryo? Bakit?

A. Oo, gagawin ko dahil kailangan ko ang maraming likas yaman para sa pagpalago ng industriya
B. Oo, dahil, tungkulin ng isang Europeo na ipalaganap ang kulturang kanluranin
C. Oo, dahil kailangan ng ugnayang pangkalakalan ang kanluran at Silangan
D. Hindi, dahil ang pananakop ay magdulot ng pagkawalan ng kasarinlan ng bansang sinakop.

___ 32. Kung ikaw ay bibigyan ng pagkakataong maging lider ng bansa, ano ang gagawin mo sakaling tayo
ay sakupin o kontrolin ng mga dayuhang bansa?

I. Palakasin ko ang hukbong sandatahan upang maprotektahan ang ating bansa mula sa mga
mananakop
II. Patatagin ang diwang nasyonalismo
III. Palakasin ang patriotism
IV. Mamuhay ng tahimik upang makaiwas sa digmaan laban sa mananakop

A. I, II B. I, II, III C. I, II, IV d. I, II, III, IV

___ 33. Ang mga sumusunod ay epekto ng Rebolusyong Industriyal. Alin sa sumusunod ang hindi
kabilang:
A. Paglaki ng mga Industriya sa Tela
B. Pagbilis ng produksiyon
C. Pag-unlad ng transportasyon at komunikasyon
D. Repormasyon

____34. Ang pag-usbong ng makabago at siyentipikong kaisipan ay naging dahilan upang ang simbahan ay:
A. Maragdagan ng kapangyarihan
B. Suriin at kwestiyunin sa kanyang mga aral at doktrina
C. Makipagtulungan sa mga monarkong Europeo
D. Makapang-akit ng mga bagong kasapi
____ 35. Ang imperyalismo sa ikalawang yugto ng pananakop ay bunga ng mga sumusunod maliban sa
isa.

A.White Man’s Burden C.Industrial Revolution


B.Krusada D.Kapitalismo

____ 36. Ang mga sumusunod ay epekto ng impluwensiyang kanluranin sa kulturang aspeto. alin sa mga ito
ang hindi kabilang?

A. Maraming katutubo ang yumakap sa Kristiyanismo


B. Paghahalo ng lahi ng mga Kanluranin at katutubo upang mapanatili ang katapatan ng kolonya.
C. Nagtatag ng maayos at sentralisadong pamahalaan.
D. Mga Kaugalian ay nahaluan.

___ 37. Dumaraan ang lahat ng mga bansa sa iba’t ibang paraan ng pagiging makabayan, para sa iyo paano
mo maisabuhay ang diwang makabayan sa kasalukuyan?
I. Makilahok sa mga organisasyong pangkalikasan
II. Makiugnay sa mga programang pambarangay
III. Sumama sa mga pangkabataang kilusan para sa pagtugon sa mga nangangailangan ng tulong lalo
na sa panhon ng mga sakuna o kalamidad
IV. Manahimik upang makaiwas ng mga kaguluhan
A. I, IV B. I, II, III C. III, IV D. II, III

___ 38 Sa pagsapit ng ika-20 siglo, ang nasyonalismo ang pangunahing dahilan ng mga pandaigdigang
himagsikan. Ang mga makapangyarihang bansa ay napilitang palayain ang kanilang mga
nasasakupang bansa nang ang mga ito’y kinikitaan ng nasyonalismo at pagkakaisa. Anu-ano ang mga
makapangyarihang bansa na ginawang palayain ang kanilang mga kolonya?

A. Britanya, Pransya, at Estados Unidos


B. Germany, Italy, at Netherlands
C. Russia, Japan at China
D. Lahat ng nabanggit

___ 39. Sinasabing sa Kanlurang Europe naganap ang pinakamaliit na labanan sa panahon ng Unang
Digmaang Pandaigdig. Alin sa sumusunod na pangyayari ang nauugnay dito?
A. Labanan sa Austria at Serbia
B. Paglusob ng Russia at Germany
C. Digmaan ng Germany at Britain
D. Digmaan mula sa Hilagang Belgium hanggang sa hangganan ng Switzerland

___ 40. Ang mga sumusunod na pangyayari ay naganap noong Unang Digmaang Pandaigdig maliban sa:
A. pagtatatag ng Nagkakaisang Bansa
B. pagbuo ng Triple Alliance at Triple Entente.
C. pagpapalakas ng hukbong militarng mga bansa.
D. pagkakaroon ng diwang nasyonalismo ng mga kolonyang bansa.

___ 41. Ang digmaan ay nagdudulot ng malaking pinsala sa isang bansa. Sa iyong palagay, paano
maiiwasan ang mga digmaan sa daigdig?

A. Palakasin ang turismo sa ating bansa


B. Mag-angkat ng mga produkto mula sa ibang bansa
C. Pagpapalakas ng hukbong sandatahan sa kalupaan at karagatan
D. Magkaroon ng maayos na ugnayan ang mga bansa sa isa’t-isa
___ 42. Sa pagwawakas ng Unang Digmaang Pandaigdig, nabuo ang isang kasunduang pangkapayapaan.
Ano ang dahilan sa pagkakaroon ng isa pang kasunduang lingid kay Pangulong Wilson?

A. Hindi nila nagustuhan ang kasunduang pangkapayapaan


B. Likas sa mga ibang pinuno ng bansa ang pakikipagdigmaan
C. Ayaw magbigay ng bayad pinsala ang ilang pinuno ng bansa
D. Naghangad pa rin ang ibang bansa na mapalawak ang kanilang teritoryo at mapalakas ang
impluwensiya sa ibang bansa

___ 43. Ang Unang Digmaang Pandaigdig ay nagdulot ng matinding pinsala sa buhay at ari-arian. Ano ang
mga pandaigdigang hakbang na ginawa ng mga pinuno sa mga bansa upang maiwasan ang
digmaan?

A. Binawasan ang mga armas ng bawat bansa


B. Inayos ang mga teritoryong nasasakupan ng bawat bansa
C. Inayos ang hangganan ng mga teritoryong sakop ng bawat bansa
D. Nagpulong ang mga pinuno ng bansa at bumalangkas ng kasunduang

___ 44. Ang labing-apat na puntos ni Pangulong Woodrow Wilson ay naglalaman ng kaniyang ideya
tungkol sa isang “kapayapaan walang talunan”. Ano ang ibig ipahiwatig ni Pangulong Wilson?
A. Pagbuo ng liga ng mga bansa
B. Katapusan ng lihim ng pakikipag-ugnayan
C. Pagbabago ng mga hangganan ng nasasakupang teritoryo ng mga bansa
D. Ang mga kasunduang kapayapaan ay kapakanibangan ng lahat ng bansa

___ 45. Isang organisasyong internasyunal na pinagkatiwalaang mamahala sa pandaigdigang sistema ng


pananalapi sa pamamagitan ng pagmamasid sa mga halaga ng palitan at balanse ng mga kabayaran.
A. APEC B. IMF C. WB D. WTO

___ 46. May iba’t ibang ideolohiya na sinusunod ng mga bansa sa daigdig na naaayon sa kanilang
kasaysayan, paniniwala at kultura. Anong bansa ang hindi naka- tugmang ideolohiya?
A. Estados Unidos- Demokrasya C. Thailand- Komunismo
B. Pilipinas Demokrasya D. Vietnam- Komunismo

___ 47. Ang mga sumusunod ay mga di-mabuting epekto ng Cold War sa pagitan ng United States at
Unyong Sobyet, maliban sa:

A. Tumaas ang moral ng mga manggagawa ng Unyong Sobyet na nagdulot ng malaking suliraning
pang-ekonomiya.
B. Dahil sa Cold War, umigting ang di pagkakaunawaang pampolitika, pangmilitar, at kalakalan ng
mga bansa.
C. Dahil sa matinding sigalot bunga ng Cold War, iginigit ng dalawang puwersa ang kanilang
pamamalakad kaya’t nawalan ng tunay na pagkakaisa.
D. Nagkaroon ng banta ng digmaan nang magkaroon ng mga samahang pansandatahan tulad ng
North Atlantic Treaty Organization (NATO), WARSAW Treaty Organization o Warsaw Pact,
at ikatlong pwersa o kilusang non-aligne

___ 48 Kung susundin ang ideolohiyang Komunismo, ang mga manggagawa ang magiging tagapamahala
sa pamahalaang ito. Anong ideolohiya ang nagbigay-daan sa pagsibol ng ideolohiyang
komunismo?
A. Fascismo B. Kapitalismo C. Monarkya D. Totalitaryan
___ 49. Ang bansang Pilipinas at China ay nagkaroon ng pagtatalo tungkol sa pag-aangkin ng teritoryo.
Kung ikaw ay pinuno ng bansa, sa anong sangay ng UN ka lalapit upang mabigyang solusyon ang
kasong agawan ng teritoryo?

A. United Nations Trusteeship Council


B. United Nations International Court of Justice
C. Security Council
D. General Assembly
___ 50. Ang layunin ng samahang ito ay maitaguyod ang paglago ng ekonomiya, kaunlarang panlipunan,
pagsulong ng mga kultura ng bawat kasapi, at pagpapalaganap ng kapayapaang panrehiyon. Anong
organisasyon ang nagsasagawa nito?
A. Organization of Islamic Cooperation
B. Association of Southeast Asian Nations
C. Organization of America States
D. Asia Pacific Economic Cooperation

DIAGNOSTIC TEST - ANSWER KEY

1. C
2. B
3. C
4. C
5. D
6. A
7. D
8. C
9. D
10. A
11. A
12. D
13. B
14. A
15. C
16. D
17. B
18. A
19. B
20. C
21. A
22. C
23. A
24. B
25. D.
26. C
27.C
28. B
29.A
30. D
31. D
32. B
33. D
34. B
35. B
36. C
37. B
38. A
39. D
40. A
41. D
42. D
43. D
44. D
45. D
46. C
47. D
48. B
49. B
50. B

You might also like