DISKURSO
DISKURSO
DISKURSO
Kahulugan ng Diskurso
1. Malayang nasasabi ng tao ang kanyang saloobin, kaisipan o ideya
sa kahit sinumang lahi ng tao sa mundo kaya mahalaga ang
pakikipagdiskurso sa buhay ng tao. Nagmula ito sa Middle English
na “discours” na mula sa Medival at Late Latin na “discursus” at
“kumbersasyon.”Sa makalumang kahulugan nito, tumutukoy ito sa
kakayahan ng pagsasaayos ng kaisipan, pamamaraan o pagiging
makatwiran ng isang tao.
1. Pasalita - karaniwang may mga taong nakikinig kaya't ang mga salitang
sinasambit ay may kahalagahan at binibigyan ng pansin. Mahalaga rin sa
aspekto na ito ang paraan ng pagbigkas, tono, diin, kilos, galaw ng kamay,
tinig, tindig at mga iba't ibang aksyon na makakapagpabago sa kahulugan ng
mensahe na nais ipabatid.
Ito ay anyo ng diskurso kung saan pasalitang nagpapahayag ang isang
tao ng mga ideya, kaisipan at impormasyon na sakop ng kanyang kaalaman
na inihanay sa isang maayos at malinaw na pamamaraan upang magkaroon
ng bago at dagdag na kaalaman ang ibang tao. Layunin nito na
makapagbigay ng impormasyon.
Ito ay anyo ng diskursong nakatuon sa pagbibigay ng isang sapat at
matibay na pagpapaliwanag ng isang isyu o panig upang makahikayat o
makaengganyo ng mambabasa o tagapakinig. Layunin nitong makahikayat ng
tao sa isang isyu o panig.