Quiz Panloob at Panlabas Na Salik

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

1.

Mahalagang maunawaan ang mga panlabas na salik na nakaiimpluwensya sa paghubog ng


pagpapahalaga dahil nakatutulong ito upang:
A. Maging ganap ang pagkatao ng tao
B. Maging matalino sa pamimili ng salik na tanging pagkukuhanan ng mabubuting halaga na
isasabuhay.
C. Maging mapanuri at mapanindigan ang tamang pasya at kilos sa gitna ng nagtutunggaliang
impluwensya
D. Maging isang mabuting huwaran ng kagandahang asal ng mga bahagi ng panlabas na salik na
makaiimpluwensya sa paghubog ng halaga

2. Sino ang pinakaepektibong makapagtuturo sa isang bata na isabuhay ang disiplinang pansarili?
A. Magulang B. Guro C. Sarili D. Kaibigan

3. Alin sa mga sumusunod ang hindi panlabas na salik na nakakaimpluwensya sa paghubog ng


pagpapahalaga?
A. Intelektwal B.Pamilya C. Guro D.Media

4. Ang isa sa maituturing na dahilan kung bakit nahaharap ang isang kabataan sa malaking posibilidad
na maimpluwensyahan ng kanyang kapwa kabataan ay dahil:
A. Kulang pa ang kanyang kakayahan sa paghihiwalay ng tama at mali.
B. Nais nilang maramdaman na sila ay tinatanggap at kinikilalang kabahagi
C. Hindi naging matibay ang mga itinurong halaga ng mga magulang at guro
D. Hindi pa sapat ang kakayahan ng mga kabataan sa paglaban sa mga negatibong impluwensya ng
kapwa kabataan

5. Ang pangunahing kailangan ng isang kabataan upang hindi sila maging mahina sa paglaban sa
masamang impluwensyang dulot ng iba pang mga kabataan ay:
A. Mataas na antas ng tiwala at pagkilala sa sarili
B. Mataas na antas ng pakikihalubilo at pakikisangkot
C. Sapat na kaalaman sa pagkilala ng masamang impluwensya
D. Sapat na kahandaan upang humarap sa iba’t ibang uri ng tao

6. Ang mga sumusunod ay mga tungkulin ng pamilya sa paghubog ng mga halaga ng kanilang anak
maliban sa:
A. Ituro ang mga taong pakikisamahan at pagkakatiwalaan.
B. Ituro ang magpahalaga hindi lamang sa sarili kundi mas higit para sa kapwa.
C. Ituro ang mga prinsipyong moral sa pamamagitan ng kanilang pansariling kaisipan, salita at
ugali.
D. Gabayan ang isang bata na kilalanin, unawain, isapuso, iangat at isabuhay ang pangkalahatang
katotohanan.

7-10. Bakit mahalaga ang papel na ginagampanan ng panloob na salik sa paghubog ng mapanagutang
pasiya at kilos.
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________
_____________________________________________________________________________________

You might also like