Karapatan at Tungkulin NG Mga Mamimili: Alamin

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

Karapatan at Tungkulin ng mga Mamimili

Alamin

Bahagi ng buhay ng tao bilang isang konsyumer ang bumili at gumamit ng mga produkto
at serbisyong ipinagbibili sa pamilihan. Sa pagbili ng produkto at serbisyo, ano ang isinasaalang-
alang mo? Bumibili ka ba ng produkto dahil mayroon nito ang iyong kaklase? O bumibili ka dahil
ang produkto ay sale kahit hindi mo naman kailangan? Anuman ang iyong dahilan sa pagbili
ng mga produkto at serbisyo kailangan mong isaalang-alang ang value for money. At sa
bawat pagbili mo may karapatan kang dapat ipagtanggol at mga tungkulin na dapat
gampanan bilang isang mamimili.

Learning Objectives:
Most Essential
Learning 1. Naiisa-isa ang mga
Competencies: karapatan ng mga
mamimili.
2. Nabibigyan ng
Naipagtatanggol pagpapahalaga ang
ang mga karapatan
mga tungkuling
at nagagampanan
ang mga tungkulin ginagampanan ng
bilang isang isang mamimili.
mamimili. 3. Naipagtatanggol ang
mga karapatan at
nagagampanan ang
mga tungkulin bilang
isang mamimili.

1
Subukin

Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ang ahensya ng pamahalaan na nangangalaga hinggil sa paglabag sa batas ng


kalakalan at industriya maling etiketa ng mga produkto, madaya at mapanlinlang na gawain
ng mga mangangalakal.
a. BFAD b. DTI c. ERC d. DENR
2. Ito ay karapatan sa kalayaan, pagkakapantay-pantay at sapat na mga
kalagayan sa buhay na nagbibigay ng pahintulot sa isang marangal at maayos
na pagkatao at ikaw ay may pananagutan na pangalagaan at pagbutihin ang iyong
kapaligiran para sa kalusugan.
a. Karapatang Dinggin
b. Karapatan sa isang Malinis na Kapaligiran
c. Karapatang bayaran at tumbasan sa anumang kapinsalaan
d. Karapatan sa Pagtuturo tungkol sa pagiging Matalinong Mamimili.
3. Ito ay karapatan sa consumer education, nagtatanong at nagtatanggol sa iyong karapatan.
a. Karapatang Dinggin
b. Karapatan sa isang Malinis na Kapaligiran
c. Karapatang bayaran at tumbasan sa anumang kapinsalaan
d. Karapatan sa Pagtuturo tungkol sa pagiging Matalinong Mamimili.
4. May karapatang bayaran at tumbasan sa anumang kapinsalaan na nagbuhat sa produkto
na binili mo.
a. Karapatang Dinggin
b. Karapatan sa isang Malinis na Kapaligiran
c. Karapatang bayaran at tumbasan sa anumang kapinsalaan
d. Karapatan sa Pagtuturo tungkol sa pagiging Matalinong Mamimili.
5. May karapatang makatiyak na ang kapakanan ng mamimili ay lubusang isaalang-alang sa
paggawa at pagpapatupad ng anumang patakaran ng pamahalaan.
a. Karapatang Dinggin
b. Karapatan sa isang Malinis na Kapaligiran
c. Karapatang bayaran at tumbasan sa anumang kapinsalaan
d. Karapatan sa Pagtuturo tungkol sa pagiging Matalinong Mamimili.
6. May karapatang pumili ng iba’t ibang produkto at paglilingkod sa halagang kaya mo.
a. Karapatang Pumili
b. Karapatan sa Kaligtasan
c. Karapatan sa Patalastas
d. Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan
7. May karapatang mapangalagaan laban sa mapanlinlang, madaya at mapanligaw na
patalastas, mga etiketa at iba pang hindi wasto at hindi matapat na gawain.
a. Karapatang Pumili
b. Karapatan sa Kaligtasan
c. Karapatan sa Patalastas
d. Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan
8. May karaptang bigyan ng katiyakang ligtas at mapangangalagaan ka laban sa
pangangalakal ng mga panindang makasasama o mapanganib sa iyong kalusugan.
a. Karapatang Pumili
b. Karapatan sa Kaligtasan
c. Karapatan sa Patalastas
d. Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan
2
9. May karapatan sa sapat na pagkain, pananamit, masisilungan, pangangalagang
pangkalusugan, edukasyon at kalinisan upang mabuhay.
a. Karapatang Pumili
b. Karapatan sa Kaligtasan
c. Karapatan sa Patalastas
d. Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan
10. Ito ay ang kalipunan ng mga patakarang nagbibigay ng proteksyon at nangangalaga sa
interes ng mga mamimili.
a. Republic Act 7394 c. RepublicAct 7493
b. Republic Act 9473 d. Republic Act 7943

II. Piliin sa kahon ang tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

Mapanuring Kamalayan Pagkilos Pagmamalasakit na Panlipunan

Kamalayan sa Kapaligiran Pagkakaisa Pagkonsumo

11. Ang tungkuling magtatag ng samahang mamimili upang magkaroon nang lakas at
kapangyarihang maitaguyod at mapangalagaan ang ating kapakanan.
____________________

12. Ang tungkuling mabatid ang kahihinatnan ng ating kapaligiran bunga ng hindi wastong
pagkonsumo. ____________________

13. Ang tungkuling alamin kung ano ang ibubunga ng ating pagkonsumo ng mga kalakal at
serbisyo sa ibang mamamayan. ____________________

14. Ang tungkuling maipahayag ang ating sarili at kumilos upang makatiyak sa
makatarungang pakikitungo.____________________

15. Ang tungkuling maging listo at mausisa tungkol sa kung ano ang gamit, halaga, at kalidad ng
mga paninda at paglilingkod na ating ginagamit. ____________________.

Balikan

PAGBILHAN PO!
Ipagpalagay na mayroon kang P500.00 at may pagkakataon kang bumili ng iba’t ibang
pagkain. Alin sa mga sumusunod na pagkain ang iyong bibilhin? Ipaliwanag ang iyong sagot.

Pamprosesong Tanong:
1. Ano ang iyong naging batayan sa pagpili mo ng mga pagkaing iyong bibilhin?
3
Tuklasin

ANONG URI KA NA MAMIMILI?

Lagyan ng tsek ang kolum ng iyong sagot.

Di-
Paminsa
Sitwasyon Madalas Kailan
n-minsan
man

1. Bago bumuli ng isang mahalagang bilihin,


nagsasaliksik ako tungkol sa produkto, ang
kumpanyang gumawa nito at tinitignan ko
ang mga sinabi ng mga taong nakabili nito.

2. Nagdadala ako ng listahan kapag


nagpupunta ako sa pamilihan upang hindi
ako matuksong bumili ng mga bagay na di ko
kailangan.

3. Tinitignan ko ang tuntunin ng tindahan ukol sa


pagsasa-uli o pagbabalik ng bayad bago
ako bumili.

4. Gumagamit ako ng kupon o kaya ng bargain


bago ako mamili.

5. Nagtatago ako ng mga bagay na kailangan


ko kung may bargain o bumubili ako sa
tindahan ng maramihan.

6. Kung hindi ako nasiyahan sa bagay na nabili


ko. Isinasauli ko ito para mapalitan o maibalik
ang aking ibinayad.

7. Kung ako ay mamimili ng pagkain,


inihahambing ko ang dami sa presyo( presyo
ng isa) upang makasiguro na nakakuha ako
ng pinakamahusay na deal.

8. Sinisikap kong ’di bumili dahil natukso ako, o


bumili ng bagay dahil sa emosyonal na
kadahilanan, karapat-dapat ito sa akin.

9. Inihahambing ko ang mga produkto upang


malaman ko ang pinakamahusay na presyo.

10. Itinatago ko ang mga resibo para


masubaybayan ko ang mga bagay na nabili
ko, upang maisauli ko ito kung kinakailangan.

4
Suriin

EMOTION MO, I SHOW MO!

Surrin ang mga sumusunod na sitwasyon. Iguhit ang iyong emosyon o ekspresyon sa ikalawang
kolum. Sa ikatlong kolum maglagay ng isa o dalawang pangungusap bigyang katwiran
ang inilagay na emosyon.
Sitwasyon Emosyon Pangatwiranan

1. Pagpapatupad ng
patakarang “No return, No
Exchange”

2. Pagkakaroon ng wastong
timbang ng mga
produkto.

3. Pagpapalabas ng
mapanlinlang na anunsyo

4. Pagtiyak sa kalusugan ng
mga mamimili.

5. Pag-iwas sa pagsira ng
kapaligiran.

Walong Karapatan ng Mamimili

Ang Kagawaran ng Kalakalan at Industriya (Department of Trade and Industry) ay naglabas


ng walong karapatan ng mga mamimili upang maging gabay sa kanilang transaksiyon sa
pamilihan.
1. Karapatan sa mga Pangunahing Pangangailangan
May karapatan sa sapat na pagkain, pananamit, masisilungan, pangangalagang
pangkalusugan, edukasyon at kalinisan upang mabuhay.
2. Karapatan sa Kaligtasan
May karapatang bigyan ng katiyakang ligtas at mapangangalagaan ka laban sa
pangangalakal ng mga panindang makasasama o mapanganib sa iyong kalusugan.
3. Karapatan sa Patalastasan
May karapatang mapangalagaan laban sa mapanlinlang, madaya at mapanligaw na
patalastas, mga etiketa at iba pang hindi wasto at hindi matapat na gawain. Ito ay kailangang
malaman ng mga mamimili upang maiwasan ang pagsasamantala ng iba.
4. Karapatang Pumili
May karapatang pumili ng iba’t ibang produkto at paglilingkod sa halagang kaya mo. Kung ito
ay monopolisado ng pribadong kompanya man, dapat na magkaroon ka ng katiyakan sa
kasiya-siyang uri at halaga ng produkto nila.
5. Karapatang Dinggin
May karapatang makatiyak na ang kapakanan ng mamimili ay lubusang isaalang-alang sa
paggawa at pagpapatupad ng anumang patakaran ng pamahalaan.
6. Karapatang bayaran at Tumbasan sa ano mang Kapinsalaan
May karapatang bayaran at tumbasan sa ano mang kapinsalaan na nagbuhat sa produkto na
binili mo. May karapatan kang mabayaran sa ano mang kasinungalingan o mababang uri ng
paninda o paglilingkod na ibibigay o ipinagbibili kahit na ito ay pagkakamali, kapabayaan o
masamang hangarin.
5
7. Karapatan sa Pagtuturo sa Pagiging Matalinong Mamimili
May karapatan sa consumer education, nagtatanong at nagtatanggol sa iyong karapatan. Ito ay
nagtataglay ng karapatan sa katalinuhan at kaalaman na kinakailangan upang makagawa ng
hakbanging makatutulong sa mga desisyong pangmamimili.
8. Karapatan sa Isang Malinis na Kapaligiran
May karapatan sa kalayaan, pagkakapantay-pantay at sapat na mga kalagayan sa buhay na
nagbibigay pahintulot sa isang marangal at maayos na pagkatao at ikaw ay may malaking
pananagutan na pangalagaan at pagbutihin ang iyong kapaligiran para sa kalusugan at
kinabukasan ng ating saling lahi.

Pagyamanin

LIMANG PANANAGUTAN NG MGA MAMIMILI

Ang Kagawaran ng Kalakalan at Industriya ay nagpalaganap rin


ng limang panangutan ng mga mamimili. Ang sumusunod ay ang mga
pananagutang binabanggit.

1. Mapanuring Kamalayan – ang tungkuling maging listo at mausisa


tungkol sa kung ano ang gamit, halaga, at kalidad ng mga
paninda at paglilingkod na ating ginagamit.
2. Pagkilos – ang tungkuling maipahayag ang ating sarili at kumikilos
upang makatiyak sa makatarungang pakikitungo. Kung tayo’y
mananatili sa pagwawalang-bahala, patuloy tayong
pagsasamantalahan ng mga mandarayang mangangalakal.
3. Pagmamalasakit sa Panlipunan – ang tungkuling alamin kung ano
ang ibubunga ng ating pagkonsumo ng mga kalakal at serbisyo sa
ibang mamamayan, lalong lalo na ang mga pangkat ng maliliit o
walang kapangyarihan, maging ito ay sa local, pambansa, o
pandaigdig na komunidad.
4. Kamalayan sa Kapaligiran – ang tungkuling mabatid ang
kahihinatnan ng ating kapaligiran bunga ng hindi wastong
pagkonsumo. Kailangang pangalagaan natin ang ating likas na
kayamanan para sa ating kinabukasan.
5. Pagkakaisa – ang tungkuling magtatag ng samahang mamimili
upang magkaroon ng lakas at kapangyarihang maitaguyod at
mapangalagaan ang ating kapakanan.

SLOGAN MO – IPOST MO!

Bumuo ng isang slogan tungkol sa mga tungkulin ng Mamimili at ito ay ipost sa iyong wall sa facebook
gamit ang hashtag na.
#TungkulinMoGampaninMo
#TungkulinNgMamimili

Maayos at malinaw ang 5 puntos


Nilalaman pagkakasunud-sunod ng (pinakamataas)
mga ideya
May kaisahan at 5 puntos
Theme (Paksa)
organisado ang diwa (pinakamataas)
Maaaring gamitin ang 5 puntos
Relevance
sitwasyon sa pang araw- (pinakamataas)
(Kaangkupan)
araw na pamumuhay
6
Tayahin

Isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Ang ahensya ng pamahalaan na nangangalaga hinggil sa paglabag sa batas


ng kalakalan at industriya maling etiketa ng mga produkto, madaya at
mapanlinlang na gawain ng mga mangangalakal.
a. BFAD b. DTI c. ERC d. DENR
2. Ito ay karapatan sa kalayaan, pagkakapantay-pantay at sapat na mga kalagayan sa buhay
na nagbibigay ng pahintulot sa isang marangal at maayos na pagkatao at ikaw ay may
pananagutan na pangalagaan at pagbutihin ang iyong kapaligiran para sa kalusugan.
a. Karapatang Dinggin
b. Karapatan sa isang Malinis na Kapaligiran
c. Karapatang bayaran at tumbasan sa anumang kapinsalaan
d. Karapatan sa Pagtuturo tungkol sa pagiging Matalinong Mamimili.
3. Ito ay karapatan sa consumer education, nagtatanong at nagtatanggol sa iyong karapatan.
a. Karapatang Dinggin
b. Karapatan sa isang Malinis na Kapaligiran
c. Karapatang bayaran at tumbasan sa anumang kapinsalaan
d. Karapatan sa Pagtuturo tungkol sa pagiging Matalinong Mamimili.
4. May karapatang bayaran at tumbasan sa anumang kapinsalaan na nagbuhat sa produkto na
binili mo.
a. Karapatang Dinggin
b. Karapatan sa isang Malinis na Kapaligiran
c. Karapatang bayaran at tumbasan sa anumang kapinsalaan
d. Karapatan sa Pagtuturo tungkol sa pagiging Matalinong Mamimili.
5. May karapatang makatiyak na ang kapakanan ng mamimili ay lubusang isaalang-alang sa
paggawa at pagpapatupad ng anumang patakaran ng pamahalaan.
a. Karapatang Dinggin
b. Karapatan sa isang Malinis na Kapaligiran
c. Karapatang bayaran at tumbasan sa anumang kapinsalaan
d. Karapatan sa Pagtuturo tungkol sa pagiging Matalinong Mamimili.
6. May karapatang pumili ng iba’t ibang produkto at paglilingkod sa halagang kaya mo.
a. Karapatang Pumili
b. Karapatan sa Kaligtasan
c. Karapatan sa Patalastas
d. Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan
7. May karapatang mapangalagaan laban sa mapanlinlang, madaya at mapanligaw na
patalastas, mga etiketa at iba pang hindi wasto at hindi matapat na gawain.
a. Karapatang Pumili
b. Karapatan sa Kaligtasan
c. Karapatan sa Patalastas
d. Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan
8. May karaptang bigyan ng katiyakang ligtas at mapangangalagaan ka laban sa pangangalakal
ng mga panindang makasasama o mapanganib sa iyong kalusugan.
a. Karapatang Pumili
b. Karapatan sa Kaligtasan
c. Karapatan sa Patalastas
d. Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan
7
9. May karapatan sa sapat na pagkain, pananamit, masisilungan, pangangalagang
pangkalusugan, edukasyon at kalinisan upang mabuhay.
a. Karapatang Pumili
b. Karapatan sa Kaligtasan
c. Karapatan sa Patalastas
d. Karapatan sa mga pangunahing pangangailangan
10. Ito ay ang kalipunan ng mga patakarang nagbibigay ng proteksyon at nangangalaga sa
interes ng mga mamimili.
a. Republic Act 7394 c. RepublicAct 7493
b. Republic Act 9473 d. Republic Act 7943

II. Piliin sa kahon ang tamang sagot at isulat sa sagutang papel.

Mapanuring Kamalayan Pagkilos Pagmamalasakit na Panlipunan

Kamalayan sa Kapaligiran Pagkakaisa Pagkonsumo

11. Ang tungkuling magtatag ng samahang mamimili upang magkaroon nang lakas at
kapangyarihang maitaguyod at mapangalagaan ang ating kapakanan. ____________________
12. Ang tungkuling mabatid ang kahihinatnan ng ating kapaligiran bunga ng hindi wastong
pagkonsumo. ____________________
13. Ang tungkuling alamin kung ano ang ibubunga ng ating pagkonsumo ng mga kalakal at
serbisyo sa ibang mamamayan. ____________________
14. Ang tungkuling maipahayag ang ating sarili at kumilos upang makatiyak sa makatarungang
pakikitungo.____________________
15. Ang tungkuling maging listo at mausisa tungkol sa kung ano ang gamit, halaga, at kalidad ng
mga paninda at paglilingkod na ating ginagamit. ____________________.

Susi sa Pagwawasto

nakalagay. bawat sitwasyon.


bata sa bawat sitwasyon na kung paano reaksyon niya sa
Depende ang emosyon ng bawat Depende ang sagot ng bata
Gawain 3
Gawain 2.

kanilang timeline sa facebook.


ng bata na kanilang ipopost sa
Depende sa mabubuong slogan Depende ang sagot ng mga bata.

Gawain 4 Gawain 1.

15. Pagkakaisa 10. A A 5.


14. Pagkilos 9. D C 4.
13. Pagmamalasakit na Panlipunan 8. B D 3.
12. Kamalayan sa Kapaligiran 7. C B 2.
11. Mapanuring Kamalayan 6. A B 1.

Subukin

You might also like