Filipino
Filipino
Filipino
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan
na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng
nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.
Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang
paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.
Filipino 5
Ikatlong Markahan
Modyul 1 para sa Sariling
Pagkatuto
Pagsusunod -sunod ng mga
Pangyayari sa Tekstong
Napakinggan / Binasa
( kronolohikal na pagsusunod -
sunod )
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Para sa mag-aaral:
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.
MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong matutuhan pagkatapos mong
makumpleto ang modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo pang malaman sa
paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga naunang paksa.
ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang pampagkatuto.
MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay na dapat sagutin ng
mga mag-aaral.
PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat bigyang-halaga.
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang pampagkatuto ay
naiuugnay at nailalapat sa inyong mga pagpapahalaga.
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
MGA INAASAHAN
Sa pagtatapos ng modyul na ito, ang mag-aaral ay inaasahang:
A. napagsusunod-sunod ang mga pangyayari sa tekstong napakinggan / binasa
(kronolohikal na pagkakasunod-sunod);
B. napahahalagahan na ang pagsisikap ng tao ay may katumbas na tagumpay;
C. nauunawaan at nasasagot nang wasto ang mga nakalaang mga tanong at
pagsasanay upang mas lalong maging ganap ang pagkatuto sa araling ito.
PAUNANG PAGSUBOK
Basahin / Pakinggan ang kuwento.
Si Roman ay isang taksi drayber. Nagpapasada siya ng taksi mula ika-6
ng umaga hanggang ika-8 ng gabi. Madalas ay inaabutan siya ng gutom sa
pamamasada dahil sa kagustuhan niyang maihatid nang maayos ang kanyang mga
pasahero. Isang araw isa sa kanyang naging pasahero ay nakaiwan ng bag sa
kanyang taksi at nakita ni Roman na may mahahalagang papeles at malaking halaga
ng pera. Hindi siya nagdalawang-isip na isauli ito sa may-ari ng bag. Natuwa ang
may-ari sa katapatang ipinakita ni Roman kaya binigyan siya ng magandang trabaho
sa kanilang kumpanya.
BALIK-ARAL
PANUTO: Ayusin ang tamang pagkakasunod-sunod ng paraan ng paglalaba ng damit.
Ilagay ang bilang 1, 2, 3 4 at 5 sa patlang.
____ Maglagay ng sabon sa palanggana.
____ Banlawan ng tatlong beses ang mga damit.
____ Ihiwalay ang mga puting damit sa mga de-kulay na damit.
____ Kusutin nang mabuti ang mga damit.
____ Isampay ang mga nalabhan na mga damit.
ARALIN
Basahin / Pakinggan ang maikling talambuhay.
Pagsasanay 2
PANUTO: Basahin / Makinig nang mabuti sa maikling kuwento na babasahin ng guro.
Lagyan ng tsek ang patlang ng tamang sagot.
Unang araw ng pasukan. Maagang nagising si Victoria dahil dapat ay nasa
paaralan na siya sa ganap na ika-7 ng umaga. Naghilamos muna siya. Kumain ng
almusal at pagkatapos ay naligo si Victoria. Pakanta-kanta pa siya habang naliligo.
Napansin ng kanyang nanay na masaya ang kanyang anak. Maya-maya ay nagbihis
na siya ng damit pamasok. Kinuha niya ang kanyang mga gamit at paalis na sana ng
bahay ng biglang umulan. Binigyan siya ng kanyang nanay ng payong. Pumasok na
si Victoria na may ngiti sa kanyang mga labi.
1. Ano ang unang ginawa ni Victoria?
___ A. Naligo nang maaga ___ C. Gumising nang maaga
___ B. Nagligpit ng higaan ___ D. Kumain ng almusal
5. Ano ang ikalawang ginawa niya pagkagising niya nang maaga? ___ A. Kumain ng
almusal ___ C. Naghilamos ng mukha
___ B. Naligo sa banyo ___ D. Nagbihis ng pamasok
Pagsasanay 3
PANUTO: Basahin / Makinig nang mabuti sa maikling kuwento na babasahin ng guro.
Sagutin ang mga tanong. Pillin ang titik ng tamang sagot.
Ika-10 kaarawan ni Sonia. Abalang-abala ang kanyang mga magulang para
sa paghahanda sa kanyang kaaarawan. Maaga pa lamang ay nagtungo na sila sa
palengke upang mamili ng mga ihahanda. Natagalan sila sa pamimili. Pagdating sa
bahay ay nagmamadali na silang magluto. Ika- 3 na ng hapon ng dumating ang
kanyang mga bisita. Nagpalaro, nagkantahan at nagsayawan sila. Marami ang
nagbigay ng regalo sa kanya. Nairaos nang maayos ang kanyang kaarawan.
Nagpasalamat siya sa kanyang mga magulang at sa lahat ng dumalo sa kanyang
kaarawan.
_____ 1. Dumating ang mga bisita ni Sonia ng ika-3 ng hapon. Ano ang sumunod
na pangyayari?
A. namili, nagluto, at kumain
B. nagpalaro, nagkantahan at nagsayawan
C. naghanda, naglaro, at nagkantahan
D. nagregalo, nagkantahan at nagkainan
_____ 5. Marami ang nagbigay ng regalo kay Sonia. Ano ang sumunod na
pangyayari?
A. Binuksan ni Sonia ang mga regalo.
B. Nairaos nang maayos ang kanyang kaarawan.
C. Kumain siya pagkaalis ng mga bisita
D. Nagligpit ng mga pinagkainan.
PAGLALAHAT
PANUTO: Bilugan ang tamang sagot sa loob ng panaklong upang mabuo ang talata.
Natutuhan ko sa aralin na napagsusunod-sunod ang mga (1)(kuwento, pangyayari)
sa tekstong nabasa o (2) (naisulat, napakinggan). Tinatawag din itong
(3) (lohikal, kronolohikal) na pagsusunod-sunod ng pangyayari. Mahalaga na (4)
(nailalarawan, nauunawaan) ang binasa/napakinggang teksto para
napagsusunod-sunod ito nang tama. Madalas ginagamit ang (5) (bilang, larawan) sa
kronolohikal na pagsusunod-sunod ng mga pangyayari upang mabuo ito.
PAGPAPAHALAGA
PANUTO: Basahin ang mga pangungusap. Isulat ang titik S kung sang-ayon sa
isinasaad ng pangungusap at titik DS kung hindi naman sang-ayon. Isulat sa patlang
ang tamang sagot.
_____ 1. Magsumikap ka upang ikaw ay makatapos ng iyong pag-aaral.
_____ 2. Mag-aral nang mabuti dahil ito ang mag- aangat sa iyong buhay.
_____ 3. Magkunwaring pumapasok sa paaralan para lamang makahingi ng baon sa
iyong mga magulang.
_____ 4. Kahit mahirap ang inyong pamumuhay sikapin mong makatapos ka ng
iyong pag aaral.
_____ 5. Huwag sundin ang utos ng mga magulang dahil ikaw ay gumagawa ng
inyong takdang-aralin.
PANAPOS NA PAGSUSULIT
PANUTO: Basahin / Makinig sa kuwentong babasahin ng guro. Ayusin ang mga pangungusap
ayon sa kronolohikal na pagkakasunod-sunod nito gamit ang bilang 1,
2, 3, 4, at 5.
Si Donya Marina ay likas na mayaman. Lahat ng bagay na naisin niya ay
ibinibigay ng kanyang mga magulang. Nabibili niya ang lahat ng gusto niya. Subalit
ganunman ang kanyang kalagayan sa buhay, si Donya Marina ay may magandang
pag-uugali. Pagkagising niya sa umaga ang una niyang ginagawa ay manalangin at
magpasalamat sa Diyos. Susundan niya ito ng pagpunta sa simbahan at namimigay
ng tulong sa mga mahihirap.
Pagkatapos nito, siya ay nagpupunta sa sementeryo at nagdadala ng
bulaklak sa namayapa niyang mga magulang. Nag-aalay siya ng panalangin para sa
mga ito. Mahal na mahal niya ang kanyang mga magulang. Pag-uwi niya sa kanilang
tahanan ay may mga taong naghihintay sa kanya para humingi ng tulong.
Tinutulungan niya ang mga ito sa pamamagitan ng pagbibigay ng trabaho sa kanila.
Minsan ay binibigyan niya sila ng perang pampuhunan sa maliit na negosyo. Dahil
dito, labis siyang minahal at pinahalagahan ng kanyang mga kapitbahay.
____ Pag-uwi niya sa kanilang tahanan ay may mga taong naroroon na para
humingi sa kanya ng tulong.
____ Siya ay nagpupunta sa sementeryo at nagdadala ng bulaklak sa namayapa
niyang mga magulang.
____ Pagkagising niya, siya ay nagdarasal at nagpapasalamat sa Diyos.
____ Si Donya Marina ay likas na mayaman.
____ Labis siyang minahal at pinahalagahan ng kanyang mga kapitbahay.
Pampamahalaang Publikasyon
Department of Edukasyon K to 12 Gabay Pangkurilum:
Mayo 2016 (F1PT-Iib-f-6)
Dep Ed Most Essential Learning Competencies (F1PT-Iib-f-6) Online
o Elektronikang Pinagmulan
https://prezi.com>sekwensyalkronolohikal...
https://brainlyph>question