Day 2

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Masusing Banghay Aralin Sa

Asignaturang
EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO
(Araw ng Martes)
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pang Nilalaman
Naipamamalas ang pag-unawa sa kahalagahan ng pagkilala sa sarilii at sariling kakayahan,
pangangalaga ng sariling kalusugan at pagiging mabuting kasapi ng pamilya.
B. Pamantayan sa Pagganap
Naipapakita ang kakayahan nang may tiwala sa sarili.
C. Mga Kasanayan sa Pagkatuto
EsP1PKP-la-b – 1
Nakikilala ang sariling:
1.2. interes
II. NILALAMAN
A. Tatalakayin: Ako ay Natatangi
B. Sanggunian:
1. Mga Pahina sa Gabay ng Guro: EsP TG pah 3
C. Kagamitan: tsart at larawan
D. Values Integrated: Pagkilala sa sarili
D. PAMAMARAAN
GAWAIN NG GURO GAWAIN NG MAG-AARAL
A. Panimulang Gawain
 Panalangin
“Mga bata tumayo tayo at manalangin” (Tumayo ang mga bata)

 Pagbati
“Magandang umaga din po guro”
“Magandang umaga mga bata”
 Pagtsek ng attendance
“Mga bata ngayon dadako tayo sa pag check
“Nandito po ako guro”
ng inyong mga attendance. Kapag nandito
sabihin ang salitang nandito po ako guro.”
B. Balik aral at/o pagsisimula ng bagong aralin
“Ano ano ang inyong mga gusting pagkain” “Burger, fried chicken, gulay, prutas,
fries”
C. Paghahabi sa Layunin ng Aralin
“Kilala niyo na ba ang iyong sarili?” “Opo”
“Alam mo ba ang mga kaya mong gawin?” “Opo”
“Ano ang iyong gagawin mo upang mapahusay “Mas papalawakin kopa po ang aking
pa ang iyong talento?” kaalaman at mas mag pa practice pa po
ako ng husto upang maging mas
“Paano mo matututuhan ang mga gawaing gusto mahusay”
mong mapag aralan?” “Sa pamamagitan po ng paghingi ng
tulong sa mas nakakatanda o mas
nakakaalam”
D. Pagtatalakay ng bagong konsepto at
paglalahad ng bagong kamalayan #1
Panuto: Iguhit niyo ang mga interes niyong gawin
sa isang pahina ng iyong kwaderno”
E. Pagtalakay ng bagong konsepto at paglalahad
ng bagong kasanayan #2
Panuto: Iguhit mo ang hilig mo na gusto mo pang
matutunan.
F. Paglinang sa Kabihasaan
“Mayroon akong babasahin sa inyo, making kayo
sa aking babasahin dahil pagkatapos ay
tatanungin ko kayo.”
“Kumanta at maglaro po”
a. Ano ang hilig ni Aya? “Mag drawing at sumayaw po”
b. Ano ang paboritong gawin ni Buboy? “Dahil masayahin si Aya at Buboy”
c. Bakit sila mahal ng kanilang pamilya?

G. Paglalapat ng Aralin sa Pang araw-araw na


Buhay
“Ang pagpapakigang-gilas sa tahanan sa
pamamagitan ng paggamit ng talento, ay
nakapagpapasaya sa tahanan.”
H. Paglalahat ng Aralin
Ang bawat isa ay mayroong kanya kanyang
interes o hilig. Lahat tayo ay iba iba at dapat
nating pahalagahan ang ating sarili. Dapat nating
tulungan ang ating mga sarili na mas intindihin pa
ang mga bagay bagay ng sa ganun ay tayo ay
magtagumpay sa buhay.
I. Pagtataya ng Aralin
Panuto: isulat sa papel ang numerong
nakakapukaw sa iyong interes.
J. Karagdagang Gawain
Panuto: Humanap ng larawan na nagpapakita ng
iyong mga interes. Magpatulong sa magulang sa
paggupit at idikit ito sa kwaderno.

You might also like