Introduksyon Sa Pag Aaral NG Wika
Introduksyon Sa Pag Aaral NG Wika
Introduksyon Sa Pag Aaral NG Wika
Wika
Makrong
kasanayan sa
Pagsulat
Kahulugan ng Pagsulat
Kahalagahan ng Pagsulat
Proseso ng Pagsulat
Paraan ng Pagsulat
Mga bahagi ng Pagsulat
Pagsulat
Pagsulat
Ang pagsulat ay isang paraan upang ang kaisipan
ng isang tao ay kanyang maipahayag sa
pamamagitan ng mga simbolo. Ito ay isang
paraan ng pagpapahayag kung saan naiaayos ang
iba’t ibang ideya na pumapasok sa ating isipan
May halaga pa ba ang
pagsusulat? "tanong ng mga
nakararaming mga bata at
matatanda" Ano nga ba ang
kahalagahan ng pagsusulat?
Kahalagahan ng Pagsulat
Napakalaking kahalagahan ang naidudulot ng pagsusulat
sapagkat sa pamamagitan ng pagsusulat ay maisasariwa at
mapapakinabangan pa ng mga susunod na henerasyon ang
kasaysayan, at iba pang mahahalagang pangyayari sa ating
bansa o sa lupang ating kinanaroroonan. Ito rin ay
sumisimbolo at nagpapatunay na naganap ang mga bagay-
bagay. Sa pamamagitan ng mga nasulat na tala ay
natututuhan natin ang mga kasaysayan ng ating mga
ninuno. Dahil na rin sa pagsusulat nakakalikha tayo ng mga
bagay na nakakatulong sa pagunlad, pagbabago at
paglusong o pagusbong ng bago at modernong mundo.
Mahalaga ang pagsulat dahil maari nating maipahayag ang
ating saloobin at damdamin sa pamamagitan ng makrong
pagsulat katulad ng pagsulat ng love letter o liham
pangkaibigan. At maituturing din natin na isang halimbawa
ang pagsusulat gamit ang isang uri ng telepono ang cellular
phones “cellphone” na ngbibigay communication gamit ang
mga sulat sa ibat ibang bahagi ng ating mundo at sa ibat
ibang tao. Mahalaga ang pagsususlat sapagkat sa
pamamagitan nito, ang mga tao sa ibat ibang lugar at sa
ibat ibang panahon ay nagkakalapit, nagkakaunawaan at
nagkakaisa. Ang aspeto ng ating kultura ay napapanatiling
buhay sa pamamagitan nito.
Bilang isang estudyante napakahalaga
ang pagsusulat upang ang bawat tala na
aking naisulat ay sya ring magbibigay
ng kaunlaran ng aking sarili at
pagkatuto sa bawat subject na aking
pinag aaralan...ito rin ang magiging
dahilan sa pagtamo ko ng aking mga
pangarap sa buhay lalong lalo na ang
mkapagtapos ng pagaaral.
Proseso ng Pagsulat
Ang Pagkuha ng Paksa
Ang isang manunulat ay maaaring makakukuha ng mga ideya
o paksa sa: (a) iba’t ibang uri ng babasahin tulad ng mga
magazine, pahayagan, peryodikal; (b) ,midya – radyo,
telebisyon, internet; (c) mga pelikula o dokumentaryo; (d)
mga sining biswal; (e) mga panaginip o alaala; (f) diskusyon at
palitang-kuro; (g) pagsasatao at pagsasadula; (h)
pananaliksik; (i) interes ng sarili o ng klase.
Mga Yugto ng Pagsulat
A. Bago Sumulat (Prewriting)
B. Pagsulat ng Burador (Draft Writing)
C. Pagrebisa
D. Pag-eedit
E. Paglalathala
Mga Uri ng Pagsulat sa Iba’t Ibang Layunin
Nagsusulat tayo ng samu’t saring uri ng sulatin sa iba’t ibang
dahilan o layunin at uri ng mambabasa. Ito ay kapakioakinabang
sa iba’t ibang panahon, lugar, paraan at pangangailangan:
A. Pagsulat para matuto at makaunawa
- Pagtatala (note taking)
- Brainstorming at quickwriting
- Semantic mapping
- Venn diagram
- Graphic organizer
- Dyornal
B. Pagsulat para makipagkomunikasyon
- Liham
- Talambuhay
- Ulat o report
C. Imahinatibong pagsulat
- Mga akdang pampanitikan
(kuwento, tula, sanaysay, atbp.)
Paraan ng Pagsulat
Impormatibo
Ang pangunahing layunin nito ay magbigay ng impormasyon o
kabatiran sa mga mambabasa.
Ekspresibo
Ang manunulat ay naglalayong magbahagi ng sariling opinyon ,
paniniwala , ideya , obserbasyon at kaalaman hinggil sa isang
tiyak na paksa batay sa kanyang sariling karanasan o pag aaral.
Naratibo
Ang pangunahing layunin nito ay magkwento o magsalaysay ng
pangyayari batay sa magkakaugnay at tiyak na pagkakasunod
sunod.
Deskriptibo
Ang pangunahing pakay ng pagsusulat ay maglarawan ng mga
katangian , anyo , hugis ng mga bagay o pangyayari batay sa
mga nakita , narinig , natunghayan at naranasan.
Argumentatibo
Ang pagsulat ay naglalayong manghikayat o mangumbinsi sa
mga mambabasa. Madalas ito ay naglalahad ng impormasyon at
mga isyu ng argumentong dapat pag taluhan o pag-usapan.
Mga Bahagi ng Pagsulat
Panimula
Katawan
Konklusyon
Rekomendasyon
Dalawa ang pangkalahatang uri ng pagsusulat – ang sulating pormal at
ang sulating di-pormal. Ang sulating pormal ay galing o bunga ng
leksyon na pinag-aralan at tinakay sa klase, forum, seminar. Maaaring
magkaroon o magsagawa ng pagsasanay sa pagbuo ng kathang pasalita.
Pagkatapos ay iwawasto upang pasulatin ang mga mag-aaral ng isang
kathang di-pormal. Ang mga pagsasanay sa pagsulat o paglikha ng
kathang di-pormal ay siyang gagawing paghahanda at basehan para sa
pagsulat ng kathang pormal.
Mga Halimbawa ng Pagsulat:
Editoryal
Lesson plan
Konseptong papel
Marketing plan
Pamanahong Papel
Feasibility study
Sanaysay
Bibliographi
Tula
Balita
Maraming
Salamat !