Final Kabanata 1 3 - Group 1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 23

Epekto ng Pagtaas ng Implasyong Pantransportasyon 

sa mga Mag-aaral ng

Senior High School ng Our Lady of Caysasay Academy

ISANG PAMANAHONG PAPEL NA INIHARAP SA KAGURUAN NG

DEPARTAMENTO NG FILIPINO SA OUR LADY OF CAYSASAY ACADEMY

TAAL, BATANGAS

BILANG PAGTUPAD SA ISA SA MGA PANGANGAILANGAN NG

ASIGNATURANG FILIPINO 11,

PAGBASA AT PAGSUSURI NG IBA’T IBANG TEKSTO TUNGO SA

PANANALIKSIK

NG

BAITANG 11 – SAN LAWRENZO

DISYEMBRE 2022

1
KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

INTRODUKSYON

Ang pagbabagong naidulot ng pandemya sa buhay ng tao ay isang bagay

na hindi maipagkakaila. Lalo't higit, dahil sa pandemya ay nagbago ang ikot ng

buhay ng bawat tao. Noong 2021, tinatayang 698 milyong tao, o 9% ng

pandaigdigang populasyon, ay nabubuhay sa matinding kahirapan (Suckling et al.,

2021). Sa Pilipinas, matindi rin ang naging epekto nito. Ayon sa pag-aaral ng

Philippine Statistics Authority (PSA, 2022), humigit-kumulang 20 milyong katao, o

18.1% ng populasyon, ang nabuhay sa kahirapan noong 2021. Ang nasabing taon

na ito ang panahon ng kasagsagan ng pandemya kung saan sadlak sa masamang

sitwasyon ang mamamayang Pilipino.

Ang pandemya ay nagdulot ng nakakaalarmang banta sa panlipunan,

pampolitika, at pang-ekonomiya. Naapektuhan nito ang kalusugan ng publiko,

kadena ng suplay ng pagkain, kumitil ng malaking bilang ng tao, at higit sa lahat,

nagpabagsak ng ekonomiya ng bansa. Batay sa istatistika ng The World Bank,

mula 6.1% noong taong 2019, ang Gross Domestic Product (GDP) ng Pilipinas ay

bumaba ng -9.52 ng taong 2021. Ayon pa kay BSP Governor Benjamin E. Diokno

mula sa UBS OneASEAN Conference ngayong taon, bago ang pandemya, ang

ratio ng utang-sa-GDP ng Pilipinas ay nananatiling mapapamahalaan at mas

mababa kumpara sa iba pang mga ekonomiya. Ang pagtaas ng aming utang sa

nakaraang dalawang taon ay dahil sa bahagi sa napakalaking gastos ng

2
pagbabakuna at pangangalaga sa kalusugan. Samakatuwid, sadyang nagpalala

sa sitwasyon ng ekonomiya ng bansa ang pandemya at kasunod ng sinasabing

pagbagsak ng ekonomiya ng Pilipinas ang pagtaas ng presyo ng mga kalakal sa

bansa o ang tinatawag na implasyon. 

Ang implasyon ay tumutukoy sa pangkalahatang pagtaas ng presyo ng mga

produkto at serbisyo na madalas ginagamit sa pang-araw araw na pamumuhay

tulad na lamang ng pagkain, damit, langis, at iba pa. Bilang karagdagan, ito din

ay tumutukoy sa pagbaba ng purchase power ng isang yunit ng salapi. Kapag

tumaas ang pangkalahatang antas ng presyo, ang bawat yunit ng pera ay bumibili

ng mas kaunting mga produkto at serbisyo dahil dito, ang implasyon ay katumbas

ng pagbawas sa kapangyarihang bumili ng pera. 

Ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA), lalong bumilis ang pagtaas ng

presyo ng bilihin sa Pilipinas nitong Mayo 2022 na naging dahilan para maitala ang

pinakamataas na inflation rate sa loob ng tatlo’t kalahating taon. Ang taunang

inflation rate sa Pilipinas ay umakyat sa 7.7% noong Oktubre 2022 mula sa 6.9%

noong Agosto, nanguna sa mga pagtataya sa merkado na 7.1%. Ito ang

pinakamataas na pagtaas mula noong Disyembre 2008, na malapit sa tuktok na

dulo ng target ng sentral na bangko na nasa pagitan ng 7.1% hanggang 7.9% para

sa buwan, na may pinakamaraming pagtaas ng mga presyo ng pagkain sa loob ng

apat na taon. Ang mga karagdagang pagtaas ng presyo ay nagmula rin sa gastos

ng pabahay, transportasyon, mga inuming nakalalasing, damit, kalusugan,

pagpapanatili ng sambahayan, komunikasyon, restaurant, at libangan. Samantala,

ang halaga ng mga serbisyong pinansyal ay pantay para sa ika-7 buwan. Sa

3
buwanang batayan, ang mga presyo ng konsumer ay tumaas ng 0.9%, ang

pinakamataas sa loob ng 4 na buwan, pagkatapos ng 0.4% na pagtaas noong

Setyembre, higit sa consensus ng 0.45%. Batay sa datos na ibinigay, masasabing

matindi ang pagtaas ng mga bilihin at serbisyo ngayong taon kumpara sa dati.

Sa muling pagbabalik ng mga mag-aaral sa loob ng silid-aralan, hudyat nito

ang pagbabalik din ng gastos upang makapasok. Mula nang i-anunsyo ng

Kagawaran ng Edukasyon ang opisyal na pagbabalik ng face-to-face classes ng

mga mag-aaral noong Hulyo 11, 2022 ay nagsimula na ang matinding epekto ng

implasyon sa bawat mag-aaral. Nakaapekto ito sa iba’t ibang aspeto tulad ng

pagtaas ng matrikula, pagtaas ng presyo ng mga gamit sa paaralan, mga

pangangailangan sa dormitoryo, at higit sa lahat, sa pagtaas ng pamasahe at

presyo ng gasolina.

Ang presyo ng mga produktong petrolyo ay nagtaas ng P0.80/L sa gasolina,

P2.70/L naman sa diesel at P2.90/L sa kerosene saad ng ABS-CBN News (2022).

Ayon naman kay Tabbad (2022), inaprubahan ng LTFRB ang pagtaas ng

pamasahe sa unang 4 na kilometro ng P1 sa tradisyunal at modernong mga

dyipni. Inapbruhan din ang P2 dagdag-pamasahe sa mga bus at P5 naman sa

mga taksi.

Ninanais ng mga mananaliksik na matukoy ang mga epekto ng implasyon

sa mga Senior High Students sa Our Lady of Caysasay Academy sa pamamagitan

ng pananaliksik na ito.

4
Layunin ng Pag-aaral

       Layunin ng pamanahong papel na ito na makapagbigay ng impormasyon

hinggil sa saloobin ng mga mag-aaral mula Senior High School ng Our Lady of

Caysasay Academy tungkol sa epekto ng pagtaas ng implasyong

pantransportasyon.

       Nilalayon din ng pag-aaral na ito na bigyang-kasagutan ang sumusunod na

suliranin;

1. Ano ang pangunahing epekto ng pagtaas ng implasyong pantransportasyon

sa mga mag-aaral ng senior high school ng Our Lady of Caysasay

Academy?

2. Mayroon bang positibong epekto sa mga mag-aaral ng senior high school

ng Our Lady of Caysasay Academy ang pagtaas ng implasyon sa aspeto ng

transportasyon?

3. Bilang isang mag-aaral, bakit mahalagang makibahagi o magkaroon ng

kamalayan sa ganitong isyung namamalagi sa ating lipunan?

4. Paano masosolusyunan ang suliranin ng mag-aaral sa Senior High School

ng Our Lady of Caysasay Academy?

Kahalagahan ng Pag-aaral

       Inaasahang makatutulong nang malaki ang kalalabasan ng kasalukuyang

pag-aaral sa mga sumusunod:

5
Sa mga guro. Mabatid at maunawaan ang kinakaharap ng mga mag-aaral na

suliranin patungkol sa pera upang makapagbigay ng gabay sa tamang gawin

upang makapagtipid at labanan ang implasyon ngayon.

Sa mga mag-aaral. Makapagbigay ng kamalayan sa mga mag-aaral patungkol sa

implasyon at maipabatid ang mga epekto nito. Layunin din ng pag-aaral na

bigyang gabay at kamalayan ang mga mag-aaral ukol sa mga tama at dapat gawin

upang labanan ang implasyon, katulad ng tamang pagba-badyet ng pera.

Sa pamunuan ng paaralan. Maihatid sa nakatataas ang sitwasyon ng mga mag-

aaral nang sa ganoon ay makapagbigay ng aksyon o tulong sa mga mag-aaral.

Layunin din nitong maging gabay sa pamunuan ng paaralan kung gaano kadalas

ang mga okasyong pampaaralan upang mabawasan ang gastusin ng mag-aaral.

Sa mga magulang. Magsisilbing tulay ang pag-aaral upang makapaghatid ng

impormasyon tungkol sa sitwasyon ng mga mag-aaral upang magabayan sa

paglalaan ng pera o pagbabadyet at malaman ang mga pangangailangan ng anak.

Saklaw, Limitasyon at Delimitasyon ng Pag-aaral 

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa epekto ng pagtaas ng implasyong

pantransportasyon sa mga piling mag-aaral ng Senior High School ng Our Lady of

Caysasay Academy (OLCA) taong panuruan 2022-2023. Binibigyan nito ng higit

na pansin ang mga taong direktang naaapektuhan ng nasabing usapin. 

Saklaw ng pag-aaral na ito ang 90 na mag-aaral mula baitang 11 at baitang

12 sa lahat ng strand sa Senior High School ng OLCA — ang Science,

6
Technology, Engineering, and Mathematics (STEM) strand, ang Accountancy

Business Managament strand (ABM) at ang Humanities and Social Sciences

(HUMMS) strand sapagkat sila ang magsisilbing mga respondente sa sarbey na

gagawin ng mga mananaliksik na may kinalaman sa pag-aaral.

Hindi saklaw ng pag-aaral na ito ang mga mag-aaral ng Junior High School

at iba pang antas ng edukasyon mula sa Our Lady of Caysasay Academy. Tanging

ang mga mag-aaral mula Senior High School lamang ang maaaring maging

respondente nito. Hindi rin ito tumitiyak sa panlahat na saloobin ng mga

respondante o mag-aaral sa buong Our Lady of Caysasay Academy. 

Paradigma ng Pag-aaral

       Sa pananaliksik na ito, ipinapakita ng pigyur 1 ang persepsyon ng mga

Senior High School ng Our Lady of Caysasay Academy tungkol sa epekto ng

pagtaas ng implasyong pantransportasyon.

        Sa pag-aaral na ito, ang tumatayong input ay ang paglalahad ng mga

sitwasyon na na nakakaepekto sa pagtaas ng implasyong pantransportasyon sa

mga mag-aaral ng Senior High School ng Our Lady of Caysasay Academy. Ang

tumatayong proseso ay ang pagbibigay ng sarbey kwestyoner sa mga napiling

respondante upang makakalap ng impormasyon. Ang tumatayong awtput ay ang

resulta na ibinigay ng mga respondante sa pagaaral na ito. 

           Gagamiting batayan ng pag-aaral na ito ang ibinigay na teorya ni McGrath

(1964) na Team Interaction Process. Ayon kay McGrath (1964), ang Input-

7
Process-Output model (IPO) ay isang proseso ng pakikipag-ugnayan sa pagitan

ng iba’t ibang personal na katangian na kinabibilangan ng komunikasyon at

tunggalian. Makatutulong ang teoryang ito sa pag-aaral ng mga mananaliksik

sapagkat malaki ang koneksyon nito sa ginagawang pananaliksik ng grupo na

kung saan ang pinagsamasamang kaalaman o input ay makakapag proseso ng

resulta o output ng pangkat.

8
"Epekto ng Pagtaas ng Implasyong Pantransportasyon sa mga Mag-aaral ng

Senior High School ng Our Lady of Caysasay Academy."   

    

    Pigyur 1 

Paradigma ng Pag-aaral

9
Depinisyon ng mga Terminolohiya

Upang mapadali at mas maging malinaw ang pag–unawa ng mga

mambabasa, minarapat ng mga mananaliksik na bigyang katuturan ang mga

sumusunod na terminolohiya batay sa kung paano ginamit ang bawat isa sa

pamanahong papel.

Implasyon. Pangkalahatang pagtaas ng mga presyo sa loob ng isang ekonomiya

sa isang takdang panahon. Pagtaas ng suplay ng salapi na nasa sirkulasyon ng

isang ekonomiya. Nasusukat ang implasyon gamit ang inflation rate, o bilis ng

pagtaas ng presyo ng isang basket ng mga produkto at serbisyo.

Senior High School. Karagdagang dalawang taon ng pag-aaral na may

kinalaman sa ispisipikong kursong tatahakin upang magsilbing paghahanda sa

kolehiyo o maaaring sa negosyo o trabaho depende sa kinuhang strand.

Transportasyon. Ang paggalaw ng mga tao at bagay mula sa isang pook

hanggang isa pang pook. Tumutukoy sa paggamit ng sasakyang panglupa,

pangdagat o panghimpapawid upang makarating sa destinasyon o paroroonan.

10
11
KABANATA 2

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Inilalahad sa kabanatang ito ang mga literatura at pag-aaral na may

malaking kaugnayan sa isasagawang pananaliksik. Nagbibigay ito ng mga tiyak at

higit na malinaw na kaalaman na may kaugnayan sa pag-aaral upang higit na

maunawaan ng mga mambabasa ang kasalukuyang pag-aaral. May mga parte sa

kabanatang ito na maaaring magkaroon ng kontribusyon sa kasalukuyang mga

problema, partikular sa larangan ng transportasyon.

Kaugnay na Literatura 

Implasyon. Tumutukoy sa malawak na pagtaas ng mga presyo ng mga

produkto at serbisyo sa buong ekonomiya sa paglipas ng panahon, na dahilan sa

pagguho ng kapangyarihan sa pagbili para sa parehong mga mamimili at negosyo.

Sa madaling salita, ang pera ng isang konsumidor ay bababa ang halaga sa

pagdaan ng araw. Ang implasyon ay kabaliktaran ng deflation, na nangyayari

kapag bumababa ang mga presyo at tumataas ang kapangyarihan sa pagbili.

(Fernando, J. 2022)

Sa Pilipinas, ang implasyon ay patuloy pa rin ang pagtaas. Naitalang

tumaas ito ng hanggang 7.7 bahagdan noong Oktubre 2022, mula sa 6.9

bahagdan noong Setyembre 2022. Ito ang pinakamataas na naitalang implasyon

mula noong Disyembre 2008. Ngayong buwan, ang karaniwang bahagdan ng

implasyon ng Pilipinas mula Enero hanggang Oktubre 2022 ay nasa 5.4

12
bahagdan. Noong Oktubre 2021, ang bahagdan ng implasyon ay na obserbahan

sa 4.0 bahagdan. Ang patuloy na pagtaas ng implasyon sa buwan ng Oktubre

2022 ay dahil sa mas mataas na bahagdan ng taunang paglago sa talatuntunan

para sa pagkain at mga inuming hindi nakalalasing sa 9.4 bahagdan, mula sa 7.4

bahagdan noong Setyembre 2022. Sa kabilang banda, ang mas mabagal na

taunang paglago ay naobserbahan sa mga talatuntunan ng transportasyon sa 12.5

bahagdan; at mga serbisyong pang edukasyon sa 3.4 bahagdan (Philippine

Statistics Authority, 2022).

Nagkaroon ng pagtaas sa presyo ng gasolina at kerosene at bawas-presyo

sa diesel mula Martes, Nobyembre 15, ayon sa mga kompanya ng langis. Taas-

baba ang presyuhan sa world market dahil sa iba-ibang salik gaya ng pagbaba ng

demand sa China bunsod ng zero-COVID policy nito, at plano ng Organization of

the Petroleum Exporting Countries (OPEC) na magbawas ng produksyon ng langis

ngayong Nobyembre. Sa kabuuan, malaki pa rin ang net increase mula umpisa ng

2022, lalo sa diesel na P36 kada litro, P18.15 sa gasolina at P29.95 sa kerosene.

(ABS-CBN, 2022).

Inaprubahan na ng gobyerno ang ₱1 na dagdag-pasahe sa traditional

public utility jeepneys (TPUJs) nitong Biyernes. Dahil dito, aabot na sa ₱12 ang

minimum na pasahe sa TPUJ habang ₱14 naman ang minimum na pasahe sa

MPUJ. Aprubado rin ng LTFRB ang ₱2 na dagdag-pasahe sa bus. Magiging ₱13

na ang minimum na pasahe sa ordinaryong bus at ₱15 naman ang pamasahe sa

air-conditioned bus. Dinagdagan naman ₱5 ang flagdown rate ng taksi at transport

network vehicle service (TNVS). (Rommel Tabbad, 2022).

13
Ayon sa pahayag ni Beth Akers, isang senior fellow sa center-right think

tank the American Enterprise Institute sa Inside Higher Ed (2022), totoo ang

inflation. At maaaring ito ang pinag-uusapan ng mga institusyon habang

ipinagtatanggol nila ang pagtaas ng presyo sa mga darating na taon, ngunit

talagang nahaharap sila sa mas mataas na gastos na kinakaharap nating lahat sa

buong ekonomiya ngayon.

Ayon sa pahayag ng isang mag-aaral na si Shane Dimatatac mula sa balita

ni De Guzman, W. sa ABS-CBN (2022), lalong nanlilisik ang pagkakaiba ng bilihin

kumpara noong mga nakaraang taon na kasama niya ang kanyang mga magulang

sa Batangas. Sa bahay, hindi na kailangan ng allowance, bayad sa

transportasyon, at upa. Ngunit sa kanyang face-to-face classes, ang gastos ng

pamilya ay tumaas nang husto. Sa parehong balita, ayon din sa isang mag-aaral

na si Luis Anonuevo, sa pag-aaral ng 2 pa niyang kapatid, naging mahirap para sa

kanyang ama na kumuha ng dagdag na trabaho para mabayaran ang kanilang

mga gastusin.

KAUGNAY NA PAG-AARAL

GLOBAL

Lumabas sa pag-aaral ni Abdul Waheed (2021) na ang Covid-19 ay

nagdulot ng pagbaba ng ating aktibidad pang-ekonomiya. Kapag huminto saglit

ang isang mag-aaral sa pag-aaral, malaki ang magiging epekto sa buhay ng mag-

aaral. Mahihirapan na makapaghanap ng hanapbuhay at ang kikitain ay

maaapektuhan. Ang pagkalugi ng ekonomiya ay mas mararamdaman ng mga

14
kapos-palad na kabataan. Ayon dito, ang mga mag-aaral na may pamilya na hindi

ganoong kayang suportahan ang kanilang mga anak sa pag-aaral ay haharapin

ang mga mas mahirap na problema hindi katulad ng mga anak ng mga

mayayamang pamilya. 

Sa pag-aaral ni Calarion (2019) tungkol sa epekto ng implasyon sa buhay at

career choices ng mga mag-aaral ng Baitang 12. Ang pang-araw-araw na

pamumuhay ng isang mag-aaral ay humihirap dahil sa mabilis na pagtaas ng

presyo ng bilihin. Ayon sa resulta ng pag-aaral, napagtanto ng may-akda na mas

pinipili ng mga mag-aaral na pumasok sa mga malalapit na unibersidad na may

mababang presyo ng matrikula upang maging mas mababa ang presyo ng

pamasahe at makapag-ipon ng pera. 

Nagsagawa rin ng pag-aaral tungkol sa epekto ng implasyon sa edukasyon

si Bhattacharjee J. (2017) na ang implasyon ay isang seryosong problema na

humahadlang sa pambansang pag-unlad ng ekonomiya. Delikado ang implasyon

dahil direktang nakakaapekto ito sa antas ng pamumuhay ng mga tao. Tungkulin

ng mga gobyerno, politiko at ekonomista na protektahan ang mga ordinaryong tao

mula sa implasyon. Ang implasyon ay isang pagtaas ng presyo ng mga bilihin at

serbisyo na nagpapababa sa kapangyarihang bumili ng mga tao. Habang

tumataas ang pangkalahatang antas ng presyo, mas kaunti ang mga produkto at

serbisyo ang mabibili sa bawat currency. Kaya naman, unti-unting bababa ang

purchasing power ng mga consumer. Sa kasong ito, ang tunay na halaga ng pera

ay nawawala at ang halaga ng mga kalakal at serbisyo ay tumataas.

15
LOKAL

Nagsagawa ng pag-aaral sina Aguilar, et. al (2022) tungkol sa epekto ng

implasyon sa mga mag-aaral ng LCUP sa baitang 9 at 10. Ayon dito, ang mga

Pilipino ay laging may gustong bilhin na kailangan o hinahangad. Dahil sa pagtaas

ng presyo ngayon, sa tuwing nais na gastusin ng mga mag-aaral ang pera, hindi

maipagkakait na kailangan munang tingnan ang presyo upang malaman kung

patuloy pa rin ba itong bibilhin o itatago na lamang ulit ang pera. 

Ayon naman sa pag-aaral na isinagawa ni Cordero (2018) na inilathala ni

Andanar (2018), simula pa noon ay problema na ng mga Pilipino ang implasyon.

Noong Agosto 2018 6.4% lamang ang naitala na mas mababa pa sa panahon nila

Corazon Aquino, Ferdinand Marcos, at Fidel Ramos. 

Sa isinagawang pag-aaral ni Avila at Gatpolintan (2019) tungkol sa epekto

ng implasyon sa pagkonsumo ng budget ng mga guro ng public secondary na mga

paaralan, ang mga guro ay nakakaranas ng pagbabago ng budget. Ang mga guro

ay naghahanap ng mga part-time job dahil sa labis na epekto ng implasyon sa

perang kinikita. Minsan ay umuutang na ang mga guro sa banko dahil labis na ang

gastusin para sa pang-araw-araw na pangangailaban laban sa kinikita. Dahil sa

patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin ay nagbago ang pamumuhay ng mga

guro at naapektuhan ang mga desisyon sa paggastos ng pera.

16
Sintesis 

May malaking kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral ang isinagawang pag-

aaral ni ni Abdul Waheed dahil nakapukos ang pananaliksik na ito sa epekto ng

implasyon edukasyon, partikular na sa akademikong pagganap ng kabataan. 

Ang kinalabasan ng pag-aaral ni Calarion ay maiuugnay rin sa

kasalukuyang pag-aaral sapagkat ito ay tungkol sa epekto ng implasyon sa buhay

at career choices ng mga mag-aaral ng baitang labindalawa. Ang resulta ng

pananaliksik na ito ay makakatulong sa baitang 12 upang mapagtanto kung bakit

mahalagang pumili ng wastong career sa hinaharap kahit na may implasyon sa

ating bansa. 

Ang resulta ng pag-aaral ni J. Bhattacharjee ay maiuugnay rin sa

kasalukuyang pag-aaral sapagkat ang pananaliksik na ito ay tungkol sa epekto ng

implasyon sa edukasyon at kung paano ito naging isang seryosong problema na

humahadlang sa pambansang pag-unlad ng ekonomiya.

May malaking kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral ang isinagawang pag-

aaral nina Aguilar, et. al dahil nais din ng mga mananaliksik malaman kung ano

ang epekto ng implasyon o pagtaas ng mga bilihin sa mga mag-aaral, partikular sa

eskwelahan ng LCUP sa baitang siyam at sampu. 

May malaking kaugnayan sa kasalukuyang pag-aaral ang isinagawang pag-

aaral ni Avila at Gatpolintan dahil ito ay tungkol sa epekto ng implasyon sa

pagkonsumo ng badyet ng mga guro ng public secondary na mga paaralan.

17
KABANATA 3

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Inilalahad sa kabanatang ito ang pamamaraan at disenyo ng ginamit sa

kasalukuyang pag-aaral. Saklaw din nito ang mga respondente gayundin ang mga

istadistikang tritment na ginamit sa pag-aanalisa at pagsusuri ng mga datos.

Disenyo ng Pananaliksik 

Gagamitin ng mananaliksik ang disenyong deskriptib sa pag-aaral na ito.

Tinangkang ilarawan at suriin ng mga mananaliksik o palarawang pananaliksik sa

kadahilanang naniniwala ang mananaliksik na angkop ang disenyong ito upang

mas mapadali sa pangangalap ng datos sa respondente. Ang disensyong ito ay

nakita ng mananaliksik na magiging mabisa o malinaw sa pag-aaral na ito upang

mas makakalap ng impormasyon na magiging epektibo sa pananaliksik. 

Respondente ng Pag-aaral 

Napili ng mga mananaliksik bilang respondente ng pag-aaral na ito ang mga

mag-aaral ng Senior High School sa Our Lady of Caysasay Academy (OLCA).

Pumili ang mga mananaliksik ng 10 respondente sa bawat seksyon ng baitang 11

at 12 sa lahat ng strand. Sa kabuuan, mayroong 90 respondente sa pag-aaral na

ito na magagamit sa representasyon ng mga datos. Nais malaman ng mga

mananaliksik ang epekto ng pagtaas ng implasyong pantransportasyon sa mga

respondente.

18
Instrumento ng Pananaliksik 

Ang instrumentong gagamitin ng mga mananaliksik sa pagkuha ng mga

kinakailangang datos sa pag-aaral ay isang sarbey kwestyuner o talatanungan.

Ang sarbey kwestyuner o talatanungan ay isang planadong listahan ng mga

pasulat na tanong na nag-uugnay sa isang tiyak na paksa, na naglalaman ng mga

espasyong pagsasagutan sa mga respondente. Ang mga mananaliksik ay

naghanda ng sarbey kwestyuner upang malaman kung ano ang pananaw ng mga

mag-aaral mula sa Senior High School ng OLCA sa nasabing paksa. 

Istadistikang Tritment 

Gagamitin ng mananaliksik ang sumusunod na istadistikang tritment upang

malaman ang epekto ng pagtaas ng implasyong pantransportasyon sa mga mag-

aaral ng Senior High School ng Our Lady of Caysasay Academy.

Frikwensi.  Ginamit ito upang malaman ang bilang ng mga respondente sa

baitang 11 at baitang 12 at upang alamin ang dalas ng iba’t-ibang klase ng sagot

ng mga respondente. 

Bahagdan. Ginamit ito upang upang malaman ang antas ng epekto ng pagtaas ng

implasyong pantransportasyon sa mga mag-aaral. 

Ranggo. Ginamit ito upang matukoy ang mga numero ng datos para maayos at

madaling matukoy ang pagkasunod-sunod nito mula pinakamataas hanggang

pinakamababa. 

19
Talasanggunian

A. DI-NAILIMBAG NA TESIS

Abdul Waheed (2021) Effects of Post Covid Inflation on Youth’s Education a Case

Study of the Islamia University of Bahawalpur. 

Aguilar, S. K. S., Almario, K. A. M., Espero, M. E. C., Lim, M. K. DC., Reyes, I. R. P.,

San Miguel, D. M. L., & Vibar, H. G. (2020, March). BABABA, BABABA BA,

BABABA PA BA?: ISANG PAG-AARAL TUNGKOL SA MGA EPEKTO NG

IMPLASYON SA MGA MAG-AARAL NG LCUP SA BAITANG SIYAM AT SAMPU.

Bhattacharjee, J. (2017). The impact of inflation on education.

Calarion, C. A. (2019). Inflation and Career Choices of Grade 12 Students in

Cabarroguis National School of Arts and Trades. Ascendens Asia Journal of

Multidisciplinary Research Abstracts, 3(2). 

Gatpolintan, Jojo & Avila, Ernie. (2019). Perceived Effects of Inflation on Budget

Consumption of Public Secondary School Teachers in Ragay, Camarines Sur,

Philippines. Asia-Pacific Journal of Business Administration. 12. 8-15.

A. KAGAMITANG ELEKTRONIKO

ABS-CBN News. (2022, October 17). Presyo ng Petrolyo Tataas Ulit sa Oktubre 18. 

Ano nga ba ang inflation? | GOVPH. (n.d.). Official Gazette of the Republic of the

Philippines. 

20
Alvin Elchico (2022, Nov 14). Presyo ng gasolina, kerosene tataas simula

Nobyembre 15. ABS-CBN News. 

Barnard, C. (2022, August 11). How inflation could impact public school finances.

Retrieved December 10, 2022, from Reason Foundation 

Boivin, B. (2022, March 10). Recognising the Impact of Inflation on Students. 

Cahill, M. (2022, August 30). Inflation affects teachers' school supply budgets. WGBA

NBC 26 in Green Bay. 

Carpenter, M. (2022, August 31). College students feel the effects of inflation. 

CNN Philippines. (2022, August 22). Filipino students return to face-to-face classes

after 2 years of distance learning.

De Guzman, W. (2022, September 6). How are college students coping with higher

dorm rents, food prices, tuition? ABS-CBN News. 

Drozdowski, M. (2022, May 25). How Inflation Impacts College Students |

BestColleges. 

Erdberg, E. (2022, August 5). Council post: The impact of inflation on the teacher

shortage and how online education may help. Forbes. 

Fernando, J. (2022, September 13). Inflation: What It Is, How It Can Be Controlled,

and Extreme Examples. Investopedia. 

McKinsey & Company (2022, August 17). What is Inflation?

21
Moody, J. (2022, May 13). Tuition held steady during the pandemic, but now it’s

climbing. 

Oner, C. (2010, March 22). Back to basics: What is inflation? 

Optimal. (2022, July 20). How inflation affects college students. OnlineU. Retrieved

November 28, 2022, from 

Philippine Statistics Authority. (2022, August 15). Proportion of Poor Filipinos was

Recorded at 18.1 Percent in 2021. 

Philippine Statistics Authority (2022, Oct). Summary Inflation Report Consumer Price

Index (2018=100): October 2022. Psa.gov.ph. 

Relativo, J. (2022, June 7). Inflation rate bumulwak sa 5.4%, pinakamataas simula

Nobyembre 2018. Philstar.com. 

Rommel Tabbad (2022, Sep 16). Hirit na ₱1 taas-pasahe sa PUJ, aprub na sa

LTFRB. Balita, National. 

Staff, C. (2022, October 5). Effect of inflation on college students. Kirkwood

Communiqué. Retrieved November 28, 2022.

Suckling, E., Christensen, Z., & Walton, D. (2021, November). Poverty trends: global,

regional and national. Development Initiatives. 

Tabbad, R. (2022, September 16). Hirit na ₱1 taas-pasahe sa Puj, aprub na SA

LTFRB. Balita. Retrieved November 30, 2022.

The World Bank. (n.d.). GDP growth (annual %) | Data. 

22
Thisday Live. (2021). Inflation and the Purchasing Power of Teachers.

Wagner, H. (2022, June 8). Some students are concerned about national inflation   

impacts on their finances. 

23

You might also like