Q2 EPP WEEK 8 Day 1 2 3 4

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

DAILY LESSON School

PLAN Grade Five


Teacher Subject EPP
Second/ Week 8/ Day
Date/ Time January 9, 2022- Lunes Quarter 1

I.LAYUNIN Naipamamalas ang pang-unawa sa panimulang kaalaman at kasanayan sa


A.Pamantayan ng
pagtatanim ng gulay at ang maitutulong nito sa pag-unlad ng pamumuhay.
Nilalaman (Content
Standard)
Naisasagawa nang maayos ang pagtatanim, pag-aani, at pagsasapamilihan ng gulay
B.Pamantayan sa sa masistemang pamamaraan
Pagganap (Performance
Standard)

C.Pamantayan sa Naisasagawa ang pagpamilihan ang inilagaang hayop. (EPP5AG-0j-18)


Pagkatuto (Learning
Competencies)
II. A. Paksang Aralin Pagsasapamilihan ng inaalagaang hayop o isda
(Subject Matter)
III.Kagamitang Panturo
A. Sanggunian
1. Mga Pahina sa MG-BOW EPP5AG-0e16
Gabay ng Guro
2. Kagamitang
Pang-mag-aaral
3. Mga Pahina sa Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran pahina 6
Teksbuk
4. Karagdagang
Kagamitan mula
sa Portal ng
Learning
Resource
B.Iba pang Kagamitang Aklat, larawan, power point presentation
Panturo
IV.PAMAMARAAN
(Procedure)
A.Balik-aral sa nakaraang Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang angkop na salita na
aralin at/o pagsisimula ng nakapaloob sa kahon na naglalarawan sa bawat pahayag. Isulat ang iyong sagot sa
bagong aralin
kuwaderno.

uri ng hayop kakayahang mag-alaga

puhunan lugar

sino ang mag-aalaga panahon

kailangan ng mamimili

1. Alin sa mga napaloob sa kahon ang nagsasaad ng talino, lakas at abilidad sa paggawa.
2. Kakailanganin ito sa pagbili ng mga aalagaan.

3. Isa sa mga batayan sa pagpili ng hayop na aalagaan ay ang kalidad ng produkto na


maibibigay nito.

4. Isa ito sa mga plano na isaalang-alang upang hindi makakaabala sa mga mamamayan.
5. Kasama rin sa iyong balak kung kailan gawin ang pagpaparami ng mga aalagaan.

B.Paghahabi sa layunin ng Guro: Nakakita na ba kayo ng pamilihan? Palengke? Talipapa?


aralin
Anu-anong uri ng mga binibili ng mga tao roon? Mayroon bang mga hayop at isda na
binenbenta roon?
Kung kayo ang ay mgiging negosyante anong uri hayop ang inyong isapamimilihan?
Guro: May kakilala ba kayong tao sa ating pamayanan na nagtitinda sa pamilihan ng Santa
Cruz?

Ang ating aralin ngayon ay may kaugnayan sa Pagsasapamilihan ng inaalagaang hayop o


isda.
C.Pag-uugnay ng mga Batay sa mga karanasan ng mga tagapag-alaga ng hayop, sila ay nalulugi kapag ang
halimbawa sa bagong ibinibentang hayop ay hindi sapat ang gulang at timbang. Lalo na kapag ito’y sakitin. Ang
aralin
mga ito ay puwede mong gamitin ngunit kailangang pag-aralang mabuti batay sa iyong
kakayahan, pangangailangan at lugar kung saan ka natira.
D.Pagtalakay ng bagong Pangkatang Gawain
konsepto at paglalahad ng 2 grupo lamang
bagong kasanayan #1 Panuto buuin ang puzzle.

Note: (Paki crop na lamang po ang larawan para maging puzzle)


E.Pagtalakay ng bagong Ito ang mga sumusunod na palatandaan sa pagbebenta ng mga alagang hayop batay sa
konsepto at paglalahad ng mga karanasan:
bagong kasanayan #2
1. Manok- Maraming klaseng manok na puwedeng alagaan upang mapagkakakitaan. Ang
mga ito ay galing pa sa ibang bansa tulad ng Vantress na pinaka popular dito sa ating
bansa. Mayroon naman galing sa atin. Tinatawag itong Native Chicken.
Hindi madali ang pag-aalaga nito, ngunit ang mga ito ay maaring mapagkikitaan kapag
inaalagaang mabuti at alam mo kung papaano mo sila ibebenta. Narito ang mga
palatandaan na maari mo na silang ibebenta:

a. Una ang timbang dapat ay nasa 1.6 kg sa loob ng 35 days.


b. Kung hihipuin mo siya sa harapan ng manok ay dapat hugis bilog.
c. Malusog at hindi sakitin.

2. Itik- Kadalasan ang mga itik ay inaalagaan upang makapagbigay ng mga itlog. Ang iba
naman ay nag-aalaga ng mga sisiw ng itik. Ipinagbibili ito upang gawing layers. Maari ring
mag-alaga ng itik na tinatawag nilang Nonsitters o hindi nangingitlog at ibenta ang karne
nito. Maraming klase ang mga itik sa pamayanan at ang iba ay galing pa sa ibang bansa.
Ang mga palatandaan na puwede nang ebenta ang mga ito ay ang mga sumusunod:

a. ang hustong gulang na nasa dalawa hanggang tatlong buwan, tamang timbang,
malusog at mabuting mangitlog.
b. Maaring ibenta ang isang itik at mga produkto mula dito.
c. Ang mga itik na hindi na nangingitlog o mahina nang mangitlog ay maaari ring ibenta sa
mga nagtitinda sa palengke upang gawing karne.
d. Tandaang mas mabuting ipagbili kaagad ang mga itlog nito habang ito ay sariwa pa
F.Paglinang sa Kabihasaan Pangkatang Gawain
(Tungo sa Formative
Assessment) Muling pagsamsamahin ang 2 grupo na nagbuo ng puzzle ng manok at itik.

Ipadikit sa cartolina ang larawan ng manok at itik. Ipatala ang mga mga palatandaan na
maari nang ibenta ang mga hayop na ito:

G.Paglalapat ng aralin sa Kung ikaw ay nakakita ng mano at itik na inaalipusta ng ibang tao, binabato o pinapaltik
pang-araw-araw na buhay ano ang iyong magiging aksyon dito?
H.Paglalahat ng Aralin Ano ang mga palatandaan na maari nang ibenta ang mga alagang hayop na manok
at itik?
I.Pagtataya ng Aralin Panuto: Ilagay ang titik M sa unahan ng bilang kung sa tingin mo ang palatandaan na ito ay
para sa manok at I naman kung sa itik.

_______1. ang hustong gulang na nasa dalawa hanggang tatlong buwan, tamang timbang,
malusog at mabuting mangitlog.
_______2. Ang mga hayop na ito na hindi na nangingitlog o mahina nang mangitlog ay
maaari ring ibenta sa mga nagtitinda sa palengke upang gawing karne.
_______ 3. Tandaang mas mabuting ipagbili kaagad ang mga itlog nito habang ito ay
sariwa pa

_______ 4. Una ang timbang dapat ay nasa 1.6 kg sa loob ng 35 days.


_______ 5. Kung hihipuin mo siya sa harapan ng manok ay dapat hugis bilog.
_______ 6. Malusog at hindi sakitin.
_______ 7. Maaring ibenta ang isang itik at mga produkto mula dito.
J.Karagdagang gawain Sa pamamagitan ng mga tao sa pamayanan o miyembro ng pamilya na nagaalaga ng mga
para sa takdang-aralin at natutukoy na hayop, interbyuhin sila at magtanong ng kanilang karanasan kung kalian nila
remediation ibenebenta ang kanilang mga alaga.
V. MgaTala _____ Lesson carried. Move on to the next objective.
_____ Lesson not carried.
_____ of learners earned 80% of the formative assessment
_____ of learners require additional activities for remediation
VI. Pagninilay _____ Yes _____ No
A. No. of learners who _____ of learners caught up with the lesson
earned 80% on this
formative assessment
A. No. of Learners _____ of learners continue to require remediation
who continue to
require
remediation
B. Which of my
teaching
strategies worked
well? Why did
these work?
C. What difficulties
did I encounter
which my
principal or
supervisor can
help me solve?

D. What innovation
or localized
material did I
use/ discover
which I wish to
share with other
teachers?
DAILY LESSON School
PLAN Grade Five
Teacher Subject EPP
Second/ Week 8/ Day
Date/ Time January 10, 2022- Martes Quarter 1

I.LAYUNIN Naipamamalas ang pang-unawa sa panimulang kaalaman at kasanayan sa


A.Pamantayan ng
pagtatanim ng gulay at ang maitutulong nito sa pag-unlad ng pamumuhay.
Nilalaman (Content
Standard)
Naisasagawa nang maayos ang pagtatanim, pag-aani, at pagsasapamilihan ng gulay
B.Pamantayan sa sa masistemang pamamaraan
Pagganap (Performance
Standard)

C.Pamantayan sa Naisasagawa ang pagpamilihan ang inilagaang hayop. (EPP5AG-0j-18)


Pagkatuto (Learning
Competencies)
II. A. Paksang Aralin Pagsasapamilihan ng inaalagaang hayop o isda
(Subject Matter)
III.Kagamitang Panturo
A. Sanggunian
5. Mga Pahina sa MG-BOW EPP5AG-0e16
Gabay ng Guro
6. Kagamitang
Pang-mag-aaral
7. Mga Pahina sa Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran pahina 6
Teksbuk
8. Karagdagang
Kagamitan mula
sa Portal ng
Learning
Resource
B.Iba pang Kagamitang Aklat, larawan, power point presentation
Panturo
IV.PAMAMARAAN
(Procedure)
A.Balik-aral sa nakaraang Palaro: Pinoy Henyo
aralin at/o pagsisimula ng
bagong aralin Panuto: Huhulaan ng bawat kalahok ang mga pangalan ng hayop.

Manok Pugo Baboy

Itik Tilapia

(ang guro ay maari pang magdagdag ng pang. Ng hayop)

Balik-Aral:

Anu-ano ang mga sumusunod na palatandaan sa pagbebenta ng mga alagang hayop


batay sa mga karanasan.
Sa manok at sa itik.
(Ang guro ay tatawag ng mga mag-aaral upang pasagutin sa pagbabalik-aral.

B.Paghahabi sa layunin ng Guro: Muli nating ipagpatuloy pag-aralan ang mga palatandaan sa pagbebenta ng mga
aralin alagang hayop batay sa mga karanasan:
Tatalakayin din natin ang mga estratehiya sa pagsasapamilihan ng mga Inaalagaang
hayop/isda.
C.Pag-uugnay ng mga Pagmasdan ang larawan:
halimbawa sa bagong
aralin Anong uri ng hayop ito?

D.Pagtalakay ng bagong Ito ang mga sumusunod na palatandaan sa pagbebenta ng mga alagang hayop batay sa
konsepto at paglalahad ng mga karanasan:
bagong kasanayan #1
1. Pugo- Ang pugo o (quail)ay isang ibon na karaniwang inaalagaan para mangitlog.
Karaniwang mangingitlog ang mga inahin pagkaraan ng 45 araw. Ibenta ang mga itlog nito
habang sariwa pa. Maraming klase ang mga pogo ngunit ang pinakasikat na variety nito
ay ang Coturnix na galing sa ibang bansa. Ang mga ito ay kilala sa kanilang mataas na uri
ng karne at itlog. Sa loob lamang ng 7 linggo ay puwede nang ipagbili basta malusog.

2. Tilapia - Kapag ang tilapia ay tatlo hanggang apat na buwan na o kaya’y 80- 100 gramo
at nasa saktong haba at laki ay handa na itong anihin. Maari din naman itong aanihin
kapag labing-limang sentimetro na ang haba.
E.Pagtalakay ng bagong Sa panahon ngayon tayo ay nasa modernong pamumuhay, marami sa atin ang
konsepto at paglalahad ng gumagawa ng paraan upang magkaroon o makahanap ng mapagkakakitaan. Isa sa
bagong kasanayan #2
pinakapatok na hanapbuhay ngayon sa Pilipinas ay ang pagtitinda gamit ang makabagong
teknolohiya o (online selling). Isa itong proseso ng pagtitinda na ginagamitan ng social
media. Ang negosyo sa online ay isang pagtitinda ng produkto o serbisyo sa pamamagitan
ng internet. Alam mo ba ang Pagkakaiba ng Online na tindahan (Online store) at Merkado
(Marketplace)? Unawaing mabuti ang mga sumusunod.
1. Online na tindahan
Ang isang online na tindahan ay ginagamitan ng computer, phone at malakas na
koneksiyon sa internet para maisagawa, maaaring maging katulad sa isang tindahan ng
tingi na kailangan mong maglaan nga panahon. Sa pamamagitan ng komunikasyong
internet gamit ang Social Media, Email at iba pang Apps. Hindi isinasagawa sa personal,
ngunit maaring mag -uusap sa cellphone o sa computer kung kailan at sa anong paraan
maibebenta ang produkto ayon sa presyo na nakatakda o napag-usapan.
2. Palengke o (marketplaces)
Paraan sa pagbebenta sa merkado.
1. Alamin mo muna ang mga nangangailangan ng iyong produkto. Dahil nasasayang ang
iyong mga ginagawa kung hindi mo alam ang kailangan ng iba’t ibang tao.
2. Maaari kang maglagay ng karatola tungkol sa ipinagbibiling produkto at ipadikit ito sa
mga matataong lugar lalo na kung ang produkto ay bago.
3. Ang paglathala sa mga peryodiko at sa radio ay mabisang mga paraan upang mas
mapadali at mapabilis ang pagbebenta ng mga paninda dahil malawak ang maaabot nito.
4. Dapat alamin mo ang iyong mga kakompetisyon dahil sila rin ay gumagawa ng mga
paraan sa pagbebenta tulad mo. Alamin mo kung saan sila nakapuwesto at ano ang
kanilang itinitinda at ang mga presyo nito.
5. Magbihis ng maayos at magsuot ng facemask kung nasa mataong lugar at panatilihing
mapansin ng mga tao ang iyong paninda.
F.Paglinang sa Kabihasaan Pangkatang Gawain
(Tungo sa Formative
Assessment) Pangkat 1 – Gumuhit ng hayop na inyong mapipili at ipakita sa inyong iguguhit ang
katangian nito na maari na itong ibenta sa mercado.

Pangkat 2 – Gumawa ng jingle kung paano mo maibebent ang alagang hayop.


G.Paglalapat ng aralin sa Kung ang inyong pamilya ay may sariling alagang hayop at minsan ikaw lamang ang
pang-araw-araw na buhay naiwan sa inyong tahanan at nariririning mong maingay na ang mga hayop, ano ang iyong
gagawin?
H.Paglalahat ng Aralin Ano ang mga palatandaan na maari nang ibenta ang mga alagang hayop na pugo at
tilapia?
Anu-ano ang mga napag-aralang estratehiya sa pagbebenta ng mga Manok, Itik, pugo,
tilapia.
I.Pagtataya ng Aralin Batay sa napag-aralan, isulat ang mga katangian o palatandaan ng mga sumusunod na
hayop na maaari mo nang ipagbili.
1. Pugo _______________________________________________________
2. Tilapia ______________________________________________________

B. Isulat ang mga napag-aralang estratehiya sa pagbebenta ng mga sumusunod na


hayop/isda.
1. Manok _______________________________________________________
2. Itik __________________________________________________________
3. Pugo ________________________________________________________
4. Tilapia _______________________________________________________
J.Karagdagang gawain Sa pamamagitan ng mga tao sa pamayanan o miyembro ng pamilya na nagaalaga ng mga
para sa takdang-aralin at natutukoy na hayop, interbyuhin sila at magtanong ng kanilang karanasan kung kalian nila
remediation ibenebenta ang kanilang mga alaga at kung anong personal na estratehiya ang kanilang
ginagamit.
V. MgaTala _____ Lesson carried. Move on to the next objective.
_____ Lesson not carried.
_____ of learners earned 80% of the formative assessment
_____ of learners require additional activities for remediation
VI. Pagninilay _____ Yes _____ No
A. No. of learners who _____ of learners caught up with the lesson
earned 80% on this
formative assessment
E. No. of Learners _____ of learners continue to require remediation
who continue to
require
remediation
F. Which of my
teaching
strategies worked
well? Why did
these work?

G. What difficulties
did I encounter
which my
principal or
supervisor can
help me solve?

H. What innovation
or localized
material did I
use/ discover
which I wish to
share with other
teachers?
DAILY LESSON School
PLAN Grade Five
Teacher Subject EPP
Second/ Week 8/ Day
Date/ Time January 11, 2022- Miyerkules Quarter 3

I.LAYUNIN Naipamamalas ang pang-unawa sa panimulang kaalaman at kasanayan sa


A.Pamantayan ng
pagtatanim ng gulay at ang maitutulong nito sa pag-unlad ng pamumuhay.
Nilalaman (Content
Standard)
Naisasagawa nang maayos ang pagtatanim, pag-aani, at pagsasapamilihan ng gulay
B.Pamantayan sa sa masistemang pamamaraan
Pagganap (Performance
Standard)

C.Pamantayan sa Naisasagawa ang pagpamilihan ang inilagaang hayop. (EPP5AG-0j-18)


Pagkatuto (Learning
Competencies)
II. A. Paksang Aralin Pagsasapamilihan ng inaalagaang hayop o isda
(Subject Matter)
III.Kagamitang Panturo
A. Sanggunian
9. Mga Pahina sa MG-BOW EPP5AG-0e16
Gabay ng Guro
10. Kagamitang
Pang-mag-aaral
11. Mga Pahina sa Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran pahina 6
Teksbuk
12. Karagdagang
Kagamitan mula
sa Portal ng
Learning
Resource
B.Iba pang Kagamitang Aklat, larawan, power point presentation
Panturo
IV.PAMAMARAAN
(Procedure)
A.Balik-aral sa nakaraang Pagsasanay
aralin at/o pagsisimula ng
bagong aralin Tingnan ang mga larawan sa ibaba at tukuyin ang mga ito, ayusin lamang ang mga letra
upang mabuo ang salita/mga salita.
Balik-Aral
Panuto: Sagutin ang mga sumusunod na mga katanungan. Isulat ang iyong sagot sa iyong
sagutang papel.

1. Paano ba ang magtinda online?

2. Ano ang dapat gawin kapag ikaw ay naglalako ng iyong mga paninda
B.Paghahabi sa layunin ng Tingnan ang mga larawan sa ibaba. Ano ang masasabi mo sa iyong mga
aralin
nakikita? Isulat ang iyong sa sagot sa sagutang
papel.

Nag-aalaga tayo ng mga hayop panglibangan habang nasa bahay o para mapagkakikitaan
at pandagdag na rin sa kikitain at panggastos ng pamilya. Ang mga alagang hayop/isda ay
nagbibigay ng magandang ani kung inaalagaan ng maayos ang mga ito. Ang mabuti at
matiyagang pag-aalaga ng mga ito ay kinakailangan at napakamahalaga upang magkaroon
ng mabuting ani nang sa gayun ay magkaroon din ng mabuting kita. Sa araling ito,
tatalakayin ang pagsasapamilihan ng inalagaang isda.
C.Pag-uugnay ng mga Basahin ang kwento:
halimbawa sa bagong
aralin
Ang mga Alagang Isda
ni Marlon ni Shella Marie Antinero

Si Marlon ay isang batang nasa ikalimang baitang. Ang pag-aalaga ng mga isda ang
kanyang kinahihiligan. Nag-aalaga siya ng mga isda para pagkakaaliwan gaya ng Koi Fish,
Angel Fish, Flower Horn, at Fighting Fish. Sa bakanteng lote sa gilid ng kanilang bahay,
mayroon rin silang di-kalakihang palaisdaan ng Tilapya. Isang araw, habang naglalakad
papunta sa paaralan, nakasalubong niya si Aling Ester na naglalako ng mga isda.
“Magandang umaga po Aling Ester! Tilapya po ba ang nilalako ninyo?” sabi niya.
“Magandang umaga naman Marlon! Oo iho, Tilapya ito mula sa munting palaisdaan
namin, nilalako ko upang makabenta at makadagdag sa pambaon ng mga bata”. Sagot ni
Aling Ester. “Ah! Ganon po ba? Mayroon rin po kaming di-kalakihang palaisdaan sa bahay,
maari ko rin po kayang ibenta ang mga iyon?” Tanong ni Marlon. “Aba Oo naman!
Maaring mabenta ang mga iyon kung nasa tamang laki at buwan na. Maari pang
makatulong ang mga iyon pandagdag sa panggastos sa bahay ninyo.” Sagot ni Aling Ester.
“Sige po Aling Ester! Tatanungin ko po si Tatay at baka maari na naming maibenta ang
mga iyon. Salamat po. Mag-ingat po kayo Aling Ester” sabi niya. “Sige Marlon, mag-ingat
ka rin”. Habang naglalakad, napaisip si Marlon kung papaano kaya nila maisasapamilihan
ang inaalagaang Tilapya. Ngayon alam na ni Marlon kung paano niya maisasapamilihan
ang kanyang inaalagaang mga Tilapya. Napaisip na naman siya kung paano kaya
kwentahin ang mga gastos sa pagsasapamilihan ng mga ito upang magkaroon naman ng
kaunting kita.

D.Pagtalakay ng bagong Mga tanong:


konsepto at paglalahad ng
bagong kasanayan #1
1. Ano ang pamagat ng binasang kwento?
2. Sino ang mga tauhan sa kwento?
3. Ano ang inaalgaang isda ni Marlon sa kanilang bakuran?
4. Papaano kaya maisasapamilihan ni Marlon ang kanyang mga alagang tilapia?
E.Pagtalakay ng bagong Mga Paraan ng Pagsasapamilihan ng mga Inalagaang Hayop o Isda 1. Pagrenta sa isang
konsepto at paglalahad ng departamento sa supermarket Kung may sapat naman na puhunan o pera ay maaaring
bagong kasanayan #2
pasukin o gawin ang estratehiyang ito sapagkat ang lugar na ito ay madalas na
pinupuntahan ng mga mamimili kagaya ng kilalang malls. Halimbawa ay ang makikita
nating mga meat at poultry products sa mga supermarket at department stores.

Iyon ay mga halimbawa ng mga paraan ng pagsasapamilihan sa pamamagitan ng


pagrerenta sa department stores o supermarket.

2. Pagrenta sa palengke Ito ang pinaka-simpleng paraan ng pagbebenta ng mga alagang


hayop. Halos lahat ng mga nagbebenta ay sa palengke ang takbuhan o puntahan. Ang
pamamaraan naman na ito ay mabisa kung ang pagtatayuan ay nadadaanan o malapit sa
pinagtitipunan ng mga tao.
F.Paglinang sa Kabihasaan Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Ilagay ang tsek ( / ) sa patlang bago
(Tungo sa Formative ang bilang kung ang mga pangungusap ay tama at ekis ( X ) naman kung ito ay mali. Isulat
Assessment)
ang iyong sa sgot sa sagutang papel.

_______1. Ang pagrenta sa palengke ang pinaka-simpleng paraan ng pagbebentang mga


alagang hayop.
_______2. Kung ikaw ay may sapat na puhunan maari kang rumenta sa mga
departamento sa supermarket sapagkat ang lugar na ito ay madalas na pinupuntahan ng
mga mamimili.
_______3. Dapat pinapabayaan ang mga alagang hayop para ito mas lalo pang maibenta
sa palengke.
_______4. Ugaliin ang panahonang pagsusuri sa mga alagang hayop at maging
mapagmatyag sa kalagayan ng mga ito.
_______5. Mas lalong Malaki ang kita mula sa ibenebentang mga hayop kung ang mga ito
ay malusog at malinis.
G.Paglalapat ng aralin sa Ipagpalagay na habang nasa bahay, ikaw ay nag-aalaga ng mga hayop (maaring ito ay
pang-araw-araw na buhay baka, manok, kalabaw o kambing) na maaring ipagsasapamilihan. Sa isang malinis na
papel, ilahad ang iyong mga plano o hakbang na gagawin upang maibenta ang mga ito.
H.Paglalahat ng Aralin Tandaan!
1. Maaring pasukin ang pagrerenta sa isang departamento sa supermarket kung ikaw ay
may sapat na puhunan.
2. Ang pagrenta sa palengke ang pinaka-simpleng paraan ng pagbebenta ng mga alagang
hayop.
3. Alagaang mabuti ang mga hayop at magsagawa ng panahonang pagsusuri at maging
mapagmatyag sa kalagayan ng mga ito.
I.Pagtataya ng Aralin Panuto: Ilarawan at ibahagi ang iyong mga nakikita at opinyon sa sumusunod na
pamamaraan ng pagbebenta ayon sa mga nakikita mo sa iyong komunidad.

1. Pagrenta sa isang departamento sa supermarket


2. Pagrenta sa palengke
J.Karagdagang gawain Ikaw ba ay nakapunta na sa isang palengke? Ano-ano ang mga hayop ang ibenibenta
para sa takdang-aralin at doon? Iguhit sa loob ng kahon ang iyong nakita sa palengke.
remediation
V. MgaTala _____ Lesson carried. Move on to the next objective.
_____ Lesson not carried.
_____ of learners earned 80% of the formative assessment
_____ of learners require additional activities for remediation
VI. Pagninilay _____ Yes _____ No
A. No. of learners who _____ of learners caught up with the lesson
earned 80% on this
formative assessment
I. No. of Learners _____ of learners continue to require remediation
who continue to
require
remediation
J. Which of my
teaching
strategies worked
well? Why did
these work?

K. What difficulties
did I encounter
which my
principal or
supervisor can
help me solve?

L. What innovation
or localized
material did I
use/ discover
which I wish to
share with other
teachers?
DAILY LESSON School
PLAN Grade Five
Teacher Subject EPP
Second/ Week 8/ Day
Date/ Time January 12, 2022- Thursday Quarter 4

I.LAYUNIN Naipamamalas ang pang-unawa sa panimulang kaalaman at kasanayan sa


A.Pamantayan ng
pagtatanim ng gulay at ang maitutulong nito sa pag-unlad ng pamumuhay.
Nilalaman (Content
Standard)
Naisasagawa nang maayos ang pagtatanim, pag-aani, at pagsasapamilihan ng gulay
B.Pamantayan sa
sa masistemang pamamaraan
Pagganap (Performance
Standard)

C.Pamantayan sa Naisasagawa ang pagpamilihan ang inilagaang hayop. (EPP5AG-0j-18)


Pagkatuto (Learning
Competencies)
II. A. Paksang Aralin Pagsasapamilihan ng inaalagaang hayop o isda
(Subject Matter)
III.Kagamitang Panturo
A. Sanggunian
13. Mga Pahina sa MG-BOW EPP5AG-0e16
Gabay ng Guro
14. Kagamitang
Pang-mag-aaral
15. Mga Pahina sa Kaalaman at Kasanayan Tungo sa Kaunlaran pahina 6
Teksbuk
16. Karagdagang
Kagamitan mula
sa Portal ng
Learning
Resource
B.Iba pang Kagamitang Aklat, larawan, power point presentation
Panturo
IV.PAMAMARAAN
(Procedure)
A.Balik-aral sa nakaraang Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Piliin ang angkop na
aralin at/o pagsisimula ng sagot na nakapaloob sa kahon na naglalarawan sa bawat pahayag. Isulat ang iyong
bagong aralin
sagot sa kuwaderno.

1. Alin sa mga napaloob sa kahon ang nagsasaad ng talino, lakas at abilidad sa


paggawa.
2. Kakailanganin ito sa pagbili ng mga aalagaan.
3. Isa sa mga batayan sa pagpili ng hayop na aalagaan ay ang kalidad ng produkto
na maibibigay nito.
4. Isa ito sa mga plano na isaalang-alang upang hindi makaabala sa mga
mamamayan.
5. Kasama rin sa iyong balak kung kailan gawin ang pagpaparami ng mga aalagaa
B.Paghahabi sa layunin ng Batay sa mga karanasan ng mga tagapag-alaga ng hayop, sila ay nalulugi kapag
aralin ang ibinibentang hayop ay hindi sapat ang gulang at timbang lalo na kapag ito’y
sakitin. Ang mga ito ay puwede mong gamitin ngunit kailangang pag-aralang
mabuti batay sa iyong kakayahan, pangangailangan at lugar kung saan ka nakatira.
C.Pag-uugnay ng mga
halimbawa sa bagong Panuto: Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Isulat ang Tama kung ang
aralin
pahayag ay wasto at Mali kung ang isinasaad ay di-wasto. Gawin ito sa inyong
kuwaderno.
_________ 1. Kapag ang tilapia ay isa hanggang dalawang buwan na o kaya’y may
50- 60 gramo at kahit hindi pa nasa saktong haba at laki ay puwede na itong anihin.
_________ 2. Ang negosyo sa online ay isang pagtitinda ng produkto o serbisyo sa
pamamagitan ng pagbebenta sa internet.
_________3. Mahalagang alamin muna ang mga nangangailangan ng mga
produkto upang hindi masayang ang mga ginagawa kung hindi mo alam ang
kailangan ng iba’t-ibang tao.
_________ 4. Ang pagsasapamilihan o pagbebenta ng mga produkto ay isang
napakahalagang bahagi ng paghahayupan.
_________ 5. Ang paglathala sa mga peryodiko at sa radyo ay mabisang mga
paraan upang mas mapadali at mapabilis ang pagbebenta ng mga paninda dahil
malawak ang maaabot nito
D.Pagtalakay ng bagong Ang mga hayop o isda ay nagtataglay ng mga palatandaan o pagkakilanlan kung ito
konsepto at paglalahad ng ay dapat nang ipagbili. May ipinagbibili batay sa kanilang kalusugan, laki o
bagong kasanayan #1
timbang. Ang iba naman ay ibinabatay sa tagal o gulang ng inaalagaang
hayop/isda. Kailangang isaalang-alang din ang panahon kung kailan mo ito
ipagbili. Sa pagsasapamilihan, kailangang makagagawa ka ng mga estratehiya.
May iba’t ibang paraan para dito. Kailangan lamang pag-aralan at unawain ang
bawat estratehiya upang ito’y magamit sa pagsasapamilihan ng mga produkto. Ang
mga produktong galing sa alagang hayop na labis sa pangangailangan ng mag-anak
ay maipagbibili rin kung ito ay may mataas na kalidad.

1. Pugo- Ang pugo o (quail) ay isang ibon na karaniwang inaalagaan para


mangitlog. Karaniwang mangingitlog ang mga inahin pagkaraan ng 45 araw. Ibenta
ang mga itlog nito habang sariwa pa. Maraming klase ang mga pogo ngunit ang
pinakasikat na variety nito ay ang Coturnix na galing sa ibang bansa. Ang mga ito
ay kilala sa kanilang mataas na uri ng karne at itlog. Sa loob lamang ng 7 linggo ay
puwede nang ipagbili basta malusog.
2. Tilapia - Kapag ang tilapia ay tatlo hanggang apat na buwan na o kaya’y 80- 100
gramo at nasa saktong haba at laki ay handa na itong anihin. Maari rin naman itong
aanihin kapag labing-limang sentimetro na ang haba.
E.Pagtalakay ng bagong Mga Estratehiya sa Pagsasapamilihan ng mga Inaalagaang hayop/isda. Sa panahon
konsepto at paglalahad ng ngayon, tayo ay nasa modernong pamumuhay, marami sa atin ang gumagawa ng
bagong kasanayan #2
paraan upang magkaroon o makahanap ng mapagkakitaan. Isa sa pinakapatok na
hanapbuhay ngayon sa Pilipinas ay ang pagtitinda gamit ang makabagong
teknolohiya o (online selling). Isa itong proseso ng pagtitinda na ginagamitan ng
social media. Ang negosyo sa online ay isang pagtitinda ng produkto o serbisyo sa
pamamagitan ng internet. Alam mo ba ang pagkakaiba ng Online na tindahan
(Online store) at Merkado (Marketplace)? Unawaing mabuti ang mga sumusunod.

1. Online na tindahan
Ang online na pagtitinda ay maaari kapag may koneksiyon sa internet gamit ang
mga gadgets tulad ng computer, laptop, cellphone at iba pa sa pamamagitan ng
social media, email at iba pang apps. Kaya, hindi kinakailangang pupunta sa isang
lugar upang makapamili. Naisagawa ang transaksiyon tulad ng produktong
ibebenta, halaga nito at kung kailan at sa anong paraan maibebenta (Cash on
delivery (COD) or online payment) ang produkto ayon sa presyo na nakatakda o
napag-usapan. Ngunit ang paraang ito ng pagtitinda ay katulad din ng isang
tindahang may isang lugar na pamilihan na kailangan mong maglaan ng panahon.
2. Palengke o (marketplaces) Paraan sa pagbebenta sa merkado.
1. Alamin mo muna ang mga nangangailangan ng iyong produkto. Dahil
masasayang ang iyong mga ginagawa kung hindi mo alam ang kailangan ng iba’t
ibang tao.
2. Maaari kang maglagay ng karatola tungkol sa ipinagbibiling produkto at ipadikit
ito sa mga matataong lugar lalo na kung ang produkto ay bago.
3. Ang paglathala sa mga peryodiko at sa radyo ay mabisang mga paraan upang
mas mapadali at mapabilis ang pagbebenta ng mga paninda dahil malawak ang
maaabot nito.
4. Dapat alamin mo ang iyong mga kompetitor dahil sila rin ay gumagawa ng mga
paraan sa pagbebenta tulad mo. Alamin mo kung saan sila nakapuwesto at ano ang
kanilang itinitinda at ang mga presyo nito.
5. Magbihis nang maayos at magsuot ng facemask kung nasa mataong lugar at
panatilihing mapansin ng mga tao ang iyong paninda.
F.Paglinang sa Kabihasaan Panuto: Basahin ang sumusunod na sitwasyon at isulat ang titik ng tamang sagot sa
(Tungo sa Formative
iyong kuwaderno.
Assessment)
1. Si Nene ay nagtitinda sa palengke. Ano ang dapat niyang gawin upang maging
maayos at matagumpay ang kaniyang pagtitinda?
a. Bilanging mabuti ang bayad ng mamimili
b. Magsuot ng lumang damit
c. Makipagtalo sa mamimili
d. Bawalan ang mamimili na hawakan ang paninda
2. Alin ang iyong gagamitin upang matukoy na ikaw ay kumita o nalugi?
a. Talaan ng ginastos at kinita
b. Talaan ng materyales
c. Talaan ng bibilhin
d. Talaan ng budget
3. Ano ang ginagamit upang mas mabilis mahanap ang impormasyon sa pagpili ng
hayop na aalagaan?
a. Magasin
b. Aklat
c. Internet
d. Diyaryo
4. Sa pagsasapamilihan ng iyong alagang manok, kailangang ito ay:
a. Malusog
b. Payat
c. Sakitin
d. Wala sa nabanggit
5. Sa paanong paraan ipinagsasapamilihanl/ibinibenta ang mga produkto?
a. Pagpapautang
b. Tingian/pakyawan
c. Barter
d. Wala sa nabanggit
6. Saang lugar ipasasapamilihan ang mga alagang hayop?
a. Palengke
b. Sa department store
G.Paglalapat ng aralin sa A. Batay sa napag-aralan, isulat sa kuwaderno ang mga katangian o palatandaan ng
pang-araw-araw na buhay
mga sumusunod na hayop na maaari mo nang ipagbili.
1. Manok ________________________________
2. Itik ___________________________________
3. Pugo _________________________________
4. Tilapia ________________________________
H.Paglalahat ng Aralin Dapat isaalang-alang ang pakay ng pag-aalaga ng mga hayop at isda. Kung ito’y
para sa pagkain ng pamilya, nasa sariling desisyon ng nag-aalaga kung kailan ito
aanihin. Kung ito ay negosyo ng isang pamilya, dapat isaalang-alang ang mga
pangangailangan ng mga bumibili o customer. Dapat nasa hustong timbang at
gulang, malusog at hindi sakitin ang ibebenta na mga hayop upang masisiyahan
ang mga bumibili nito at patuloy sa pagtangkilik sa iyong produkto. Kailangang
isaalangalang ang mga pangangailangan at kapakanan ng mga bumibili. Sa
negosyo hindi dapat magkahiwalay ang produkto at mga estratehiya sa pagbebenta
nito. Kapag maliit lang ang iyong negosyo, kailangan mong magtinda ng tingi-
tingi. Kung malaki naman ay puwede ka ring magtingi at magpakyawan sa online
man o sa merkado.
I.Pagtataya ng Aralin Panuto: Isulat sa kuwaderno ang iyong paliwanag sa dalawang tanong.
1. Kailan mo aanihin ang mga inaalagaang hayop/isda? Bakit?
2. Bakit isaalang-alang ang mga palatandaan sa pag-ani ng mga alagang hayop at
isda para sa pansariling konsumo o negosyo?
J.Karagdagang gawain Sa pamamagitan ng mga tao sa pamayanan o miyembro ng pamilya na nagaalaga ng mga
para sa takdang-aralin at natutukoy na hayop, interbyuhin sila at magtanong ng kanilang karanasan kung kalian nila
remediation ibenebenta ang kanilang mga alaga at kung anong personal na estratehiya ang kanilang
ginagamit.
V. MgaTala _____ Lesson carried. Move on to the next objective.
_____ Lesson not carried.
_____ of learners earned 80% of the formative assessment
_____ of learners require additional activities for remediation
VI. Pagninilay _____ Yes _____ No
A. No. of learners who _____ of learners caught up with the lesson
earned 80% on this
formative assessment
M. No. of Learners _____ of learners continue to require remediation
who continue to
require
remediation
N. Which of my
teaching
strategies worked
well? Why did
these work?

O. What difficulties
did I encounter
which my
principal or
supervisor can
help me solve?
P. What innovation
or localized
material did I
use/ discover
which I wish to
share with other
teachers?

You might also like