Music 5 Q3 ML4

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

MAPEH 5

MUSIC • ARTS • PHYSICAL EDUCATION • HEALTH


Music – Ikalimang Baitang
Ikatlong Markahan – Modyul 4: Pagkilala sa Iba’t-ibang Uri ng Timbre Ayon sa Tinig
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung
ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan
ay ang pagtakda ng kaukulang bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand
name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito
ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito
upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga
tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban
sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga
ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa
anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Agnes M. Golla
Editor: Alvin P. Manuguid
Tagasuri:
Tagaguhit:
Tagalapat:
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Office of the Assistant Schools Division Superintendent
Manuel A. Laguerta, EdD
Chief, Curriculum Implementation Division
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division

Education Program Supervisors


Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)
Liza A. Alvarez (Science/STEM/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
MAPEH 5
MUSIC • ARTS • PHYSICAL EDUCATION • HEALTH

Ikatlong Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 3
Pagkilala sa Ibat-ibang Uri ng Timbre
Ayon sa Tinig
Writer: Agnes M. Golla
Editor/Validator: Alvin P. Manuguid
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Music 5 ng Modyul para sa araling
Pagkilala sa Iba’t-ibang Uri ng Timbre Ayon sa Tinig!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Music 5 Modyul ukol sa Pagkilala sa Iba’t-ibang Uri
ng Timbre Ayon sa Tinig!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin


nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan.
Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang Modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong matutuhan at naunawaan sa mga
na unang paksa.
ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.

MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan
ng mga mag-aaral..

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyan halaga
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
psmpagkatuto ay naiuugnay nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga..

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral
MGA INAASAHAN
Pagkatapos mo ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
 nakikilala kung ang isang boses ay nasa soprano, alto, tenor, o bass;
 naibibigay ang pagkakaiba ng soprano, alto, tenor, o bass;
 naipaliliwanag ang kahalagahan ng timbre sa musika.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat ito sa iyong sagutang papel.

1. Ang _____ ay elemento ng musika na tumutukoy sa katangian ng tunog mula sa


sa boses ng tao o instrumentong musical.
a. tunog c. timbre
b. tono d. titik

2. Ang _____ ay tinig ng babae na mataas, matining, manipis at magaan.


a. soprano c. alto
b. bass d. tenor

3. Ang _____ ang tinig ng babae na mababa, makapal, mabigat at di gganong


mataas.
a. soprano c. alto
b. bass d. tenor

4. Ang _____ ay boses ng lalaki na magaan at mataas.


a. soprano c. alto
b. bass d. tenor

5. Ang _____ ay may makapal, mababa at malalim na boses.


a. soprano c. alto
b. bass d. tenor
BALIK-ARAL
A. Basahin ang pangungusap at isulat sa patlang ang tamang sagot sa patlang.

__________ 1. Ito ay isang mahalagang elemento ng musika. Ito ay nagsasaad ng


istruktura ng isang awit.

__________ 2. Ito ay isang anyo o form ng awit na hindi inuulit melody.

__________ 3. Ang awiting nasa anyo o form na ito ay inuulit-ulit ang melody.

B. Tingnan ang iskor ng mga awitin. Tukuyin kung nasa anong anyo o form ito.
Isulat ang iyong sagot sa patlang.

4.

5.
ARALIN

Ang mga Uri ng Tinig


Ang tinig ng isang tao ay isang instrumento. Ginagamit ito upang maiparating
ang ating damdamin o saloobin. Ang kalidad ng tinig ng bawat tao ay magkakaiba.
Ito ay tinatawag natin na timbre.

Ang timbre ay elemento ng musika na tumutukoy sa katangian ng tunog mula


sa boses ng tao o instrumentong musikal.

May apat ng uri ng boses o tinig na ginagamit sa pag-awit. Ito ay naaayon sa


pinakamababa at pinakamataas na note na naaabot ng isang boses.

Ang tinig ng babae ay may dalawang uri. Ito ay ang soprano at alto.

Kapag ang boses ng babae ay mataas, matining, manipis at magaan ang tinig,
ito ay soprano.

Tingnan natin ang staff o limguhit na nagpapakita ng lawak ng boses ng


naaabot ng soprano.

Ang boses o tinig ng soprano ayon sa staff o limguhit ay may range na


dalawang octaves mula sa do-do.
Ang halimbawa ng mga mang-aawit na may boses o tinig na soprano ay sina
Lea Salonga, Charice Pempengco, Regine Velasquez, Lani Misalucha, Whitney
Houston, Celine Dion at marami pang iba.
Kung ang boses o tinig naman ng babae ay mababa, makapal, mabigat at di
gaanong mataas ang tinig niya ay nasa alto
Tingnan natin ang staff o limguhit na nagpapakita naman ng lawak ng boses ng
naabot ng isang alto
Ang boses o tinig naman ng alto ayon sa staff o limguhit ay may range na halos
dalawang octaves mula sa fa-re.
Ang halimbawa ng mga mang-aawit na may boses o tinig na alto ay sina Jaya,
Aiza Seguerra, Toni Gonzaga, Kim Chui, Jessa Zaragosa at Jolina Magdangal.
Sa mga lalaki naman, sila din ay may dalawang uri ng boses o tinig. Ito ay
tinatawag na tenor at bass o baho.
Kung ang boses ng lalaki ay may mataas at magaan n boses, siya ay may tinig
na tenor.
Ito naman ang staff o limguhit na nagpapakita sa lawak ng boses ng naabot ng
isang tenor.

Ang boses o tinig naman ng tenor ayon sa staff o limguhit ay may range na
halos dalawang octaves mula sa do-la.

Ang mga mang-aawit naman na may boses o tinig na tenor ay sina Gary
Valenciano, Jed Madela, Bruno Mars, Luciano Pavarotti at marami pang iba.
At ang lalaking may mababa, makapal at malalim ang boses ay may tinig na
bass o baho.
Tingnan natin ang staff o limguhit na nagpapakita naman ng lawak ng boses ng
naabot ng isang bass.

Ayon sa staff o limguhit, ang lalaking may boses o tinig na bass ay may range
na dalawang octaves mula sa mi-mi.
Sila Ogie Alcasid, Nonoy Zuñiga, Darren Espanto ay ilan sa halimbawa ng mga
mang aawit na may bass na boses o tinig.
Mahalagang alamin natin ang timbre ng boses ng isang mang aawit upang
malaman natin kung anong kanta ang nababagay sa kanilang mga boses at
malaman din natin kung anong boses sila nabibilang.
MGA PAGSASANAY

Pagsasanay 1
A. Tukuyin ang uri ng boses o tinig ayon sa staff o limguhit sa ibaba. Isulat ang
inyong sagot sa guhit.

1. 3.

2. 4.

Pagsasanay 2
A. Tingnan ang listahan ng mga mang-aawit at tukuyin ang timbre ng kanilang
mga boses.

1. Regine Velasquez - ________________________

2. Sarah Geronimo - ________________________

3. Ogie Alcasid - ________________________

4. Gary Valenciano - ________________________

5. Jaya - _______________________
PAGLALAHAT

Panuto: Punan ang kolum ng mga katangian na naayon sa bawat uri ng boses o
tinig.

Soprano Alto Tenor Bass

PAGPAPAHALAGA
Panuto: Isulat ang sagot sa iyong sagutang papel.

1. Magbigay ng dalawang sikat na mang aawit ditto sa Pilipinas na kilala at


naririnig mo ang kanilang mga tinig at isulat kung anong uri ang kanilang
tinig.

Mang-aawit Uri ng tinig nito

___________________________________ ________________________

___________________________________ ________________________

2. Ang bansa natin ay kilala sa pagkakaroon ng mga magagaling at


mahuhusay na mang-aawit, bilang isang mag-aaral sa ikalimang baitang,
paano mo maipakikita sa kanila ay iyong suporta at pagmamahal sa sariling
bansa.

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahin mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang titik ng tamang
sagot sa patlang.

__________ 1. Ano ang timbre?


a. Ito ay elemento ng musika na tumutukoy sa katangian ng
tunog mula sa boses ng tao o instrumentong musical.
b. Ito ay ang boses ng m
c. Ito ay ang mang-aawit
d. Ito ay isang uri ng instrumento.
__________ 2. Ano ang uri ng tinig ng isang boses ng babae na may katangiang
mataas, matining, manipis, at magaan?
a. Alto
b. Tenor
c. Bass
d. Soprano
__________ 3. Ano ang uri ng tinig ng isang boses ng babae na may katangiang
mababa, makapal, mabigat, at di gaanong mataas?
a. Alto
b. Tenor
c. Bass
d. Soprano
__________ 4. Ano ang uri ng tinig ng isang lalaki na may katangiang mataas,
magaan na boses o tinig?
a. Alto
b. Tenor
c. Bass
d. Soprano
__________ 5. Ano ang uri ng tinig ng isang lalaki na may katangiang mababa,
malalim, at makapal na boses o tinig?
a. Alto
b. Tenor
c. Bass
d. Soprano
Panapos na Pagsusulit
1. A
2. D
3. A
4. B
5. C
Pagpapahalaga
Pagpapahalaga
1. A
Ang sagot ay base sa 2. D
isasagot ng bata 3. A
4. B
5. C
Paglalahat
Soprano Alto Tenor Bass
Pagsasanay 2
1. Soprano Mataas Mababa Mataas Mababa
2. Soprano Matining Makapal Magaang Makapal
3. Bass Manipis Mabigat ang boses malalim
4. Tenor Magaan Di gaanong
5. Alto maatas ang
boses
Paunang Balik_Aral
Pagsubok
1. Anyo o form
1. C 2. Unitary
2. A 3. Strophic
3. C 4. Unitary form
4. D 5. Strophic form
5. B Pagsasanay 1
1. Soprano
2. Tenor
3. Alto
SUSI SA PAGWAWASTO
4. Bass
SANGGUNIAN
Copiaco, Hazel P. et al. Halinang Umawit at Gumuhit. Vibal Group, Inc. 2016.
Ferrer, Edgar R. et al. MAPEH and Me. Missionbook Publishing, Inc. 2014.

You might also like