Pagpag Sa Hapag
Pagpag Sa Hapag
Pagpag Sa Hapag
Nais tugunan ng gobyerno ang isyu at bumuo ng ilang mga patakaran upang matigil ang pag-
usbong ng pagpag. Ayon sa dating ulat ng Social Weather Stations (SWS), ang bilang ng mga
pamilyang nakararanas ng gutom ay tumaas mula 2.6 milyon noong huling bahagi ng 2015
hanggang 3.1 milyon sa unang bahagi ng taong 2016 at kaya iminungkahi ni Sen. Bam Aquino
ang paghahain ng Senate Bill No. Zero Food Waste Act, at layunin ng batas na ito na wakasan
ang pag-aaksaya ng pagkain at makatulong na mabawasan ang lumalaking problema ng
kagutuman sa bansa.
Konklusyon
Ang sigaw ng pagpag ay isang sigaw ng katapangan para sa mga taong ito. Sa gitna ng
lahat ng ito, ang isa ay nangangailangan ng higit na lakas ng loob upang mabuhay kaysa sa
pagpatay sa sarili. Huwag nating balewalain ang katapangan na ito, ang panawagang ito ng
tulong. Ito ay salamin ng antas ng kahirapan ng isang bansa. Darating ang araw kung saan ang
walang pera na Pilipino ay hindi na kailangang sumilip sa mga dumpsite upang maghanap ng
pagkain at sa wakas ay makakakuha ng tamang pagkain kung saan ang pagiging masyadong
malusog ang tanging panganib.
Nawa kayo ay may napulot na aral at nabuksan ang isipan, tungkol sa ganitong bagay.
Hindi biro ang kagutuman, pataas ng pataas ang nakakaranas ng kagutuman, kaya’t lagi nating
tandaan, “kung meron tayo at ito’y sobra, hindi masamang magbigay”.