FILIPINO 7 - LAS 1 - Week 1-MELCS 1 - 2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

7

Learning Activity Sheet sa


FILIPINO 7
Kuwarter 2 – Week 1- MELC 1-2
MGA BULONG AT AWITING BAYAN

REHIYON VI- KANLURANG VISAYAS


Learning Activity Sheet sa
FILIPINO 7
Kuwarter 2 – Week 1- MELC 1- 2
MGA BULONG AT AWITING BAYAN

REHIYON VI – KANLURANG VISAYAS


FILIPINO 7
Learning Activity Sheet (LAS) Week 1 MELC 1-2: Mga Bulong at Awiting Bayan
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring magkaroon ng


karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayunpaman, kailangan
muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng gawain kung
ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay
ang pagtakda ng kaukulang bayad.”

Ang Filipino 7 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay inilimbag upang magamit ng
mga Paaralan sa Rehiyon 6 .- Kanlurang Visayas,

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang porma
nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet – Filipino 7

Mga Manunulat: Fahrene S. Lazaro


Ma. Dolores B. De la Cruz
Jean Mary A. Barcibal
Phoebe G. Lumanog
Lujie Grace N. Abria
Editor: Geryl The A. Jaena
Schools Division Quality Assurance Team: Analie J. Lobaton
Geryl The A. Jaena
May P. Pascual
Division of CADIZ CITY Management Team: Ma. Lorlinie M. Ortillo, CESO VI
May P. Pascual
Analie J. Lobaton
Geryl The A. Jaena
Regional Management Team: Ma. Gemma M. Ledesma
Dr. Josilyn S. Solana
Dr. Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Celestino S. Dalumpines IV

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

i
MABUHAY!
Ang Filipino 7 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay nabuo sa pamamagitan ng
sama-samang pagtutulungan ng Dibisyon ng Lungsod ng Cadiz sa ng Kagawaran ng
Pambungad na Mensahe
Edukasyon, Region 6 – Kanlurang Visayas sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum and Learning
Division (CLMD). Inihanda ito upang maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang
ating mga mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng Kurikulum
ng K to 12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na mapagtagumpayan
nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa kani-kanilang kakayahan at laang
oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang buo at ganap na Filipino na may kapaki-
pakinabang na literasi habang isinasaalang-alang ang kani-kanilang pangangailangan at
sitwasyon.

Para sa mga learning facilitator:

Ang Filipino 7 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang matugunan ang
pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang ng edukasyon, na patuloy ang kanilang
pagkatuto kahit na sila ay nasa kani-kanilang mga tahanan o saan mang bahagi ng learning
center sa kanilang komunidad.
Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto sa mga
gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan ang pag-unlad ng
mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang Filipino 7 Learning Activity Sheet (LAS) na ito ay binuo upang matulungan ka,
na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka ngayon sa iyong paaralan. Pangunahing
layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng makahulugan at makabuluhang mga gawain. Bilang
aktibong mag-aaral, unawain nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.

ii
Kuwarter 2, Linggo 1

Learning Activity Sheet 1


Pangalan ng Mag-aaral: ____________________ Taon at Pangkat: ____________
Petsa: ______________

FILIPINO 7
Mga Bulong at Awiting Bayan

I. KASANAYANG PAMPAGKATUTO AT KODA


Naipaliliwanag ang mahahalagang detalye, mensahe at kaisipang nais iparating ng
napakinggang bulong at awiting-bayan. F7PN-IIa-b-7

Nabubuo ang sariling paghahatol o pagmamatuwid sa ideyang nakapaloob sa akda


na sumasalamin sa tradisyon ng mga taga Bisaya. F7PB-IIa-b-7

II. PANIMULA (SUSING KONSEPTO)


Ang bulong ay isa pa sa mga yaman ng ating katutubong panitikang pasalindila. Ito ay
ginagamit pa rin ng marami nating kababayan sa pagpapasintabi kapag napaparaan sa tapat ng
isang nuno sa punso, sa kagubatan, sa tabing-ilog at sa iba pang lugar na pinaniniwalaang
tirahan ng engkanto, lamang lupa o maligno. Binibigkas ang bulong para mabigyang-babala ang
mga “nilalang na hindi nakikita” na may daraan para maiwasang sila’y matapakan o masaktan.
Pinaniniwalaan kasing kapag hindi sinasadyang nasaktan ang mga “nilalang” na ito ay maaari
silang magalit o magdulot nang hindi maipaliwanag na karamdaman. Gumagamit din ng bulong
ang mga albularyo sa kanilang panggagamot.

Ang awiting bayan ay nagsimula bilang mga tulang may sukat at tugma subalit kalauna’y
nilapatan ng himig upang maihayag nang pakanta. Sa ganitong paraan ay higit na naging madali
ang pagtanda o pagmemorya sa mga awiting ito. Hindi man nasusulat ay sa isip at puso naman
ng mga mamamayan nanahan at naisatitik ang mga awit kaya naman maituturing na walang
kamatayan ang mga ito.

Uri ng Awiting Bayan:

● Kundiman - awit ng pag-ibig.


● Kumintang - awit ng pakikidigma
● Dalit o Imno - awit sa mga diyos at diyosa ng mga bisaya.
● Oyayi o Hele - awit sa pagpapatulog ng bata.
● Diona - awit sa kasal.
● Soliranin - awit ng mga manggagawa.
● Talindaw - awit ng pamamangka.
● Dungaw - awit sa patay

1
III. MGA SANGGUNIAN
Mula sa Internet:
https://www.coursehero.com/file/25164379/Awiting-Bayan-at-Bulong-sa-
KABISAYAANpptx
https://www.tagaloglang.com/lawiswis-kawayan-lyrics/
https://philnews.ph/2020/04/02/si-pilemon-lyrics-lyrics-and-about-the-cebuano-folk-
song/
https://www.smule.com/song/visayan-song-ili-ili-tulog-anay-karaoke-
lyrics/174093258_3180203/arrangement
https://www.slideshare.net/JenitaGuinoo/awiting-bayan-at-bulong-ng-kabisayaan

IV. MGA GAWAIN


PANUTO: Basahin ang ilang mga halimbawa ng bulong at awiting bayan mula sa
kabisayaan. Maaari ring mapakinggan ang mga awiting bayan gamit ang link sa
ilalim nito. Matapos ito ay sagutan ang mga gawaing inihanda para iyo.

Mga Awiting Bayan


Lawiswis Kawayan Si Pilemon Ili-ili

Ako magtatanom lawiswis Si Pilemon, si Ili-ili tulog anay,


kawayan Pilemon namasol sa Wala diri imong nanay.
Akon la kan pikoy kadagatan. Kadto tienda bakal papay.
palataylatayan Nakakuha, Ili-ili tulog anay.
Sabahis nga pikoy ka-waray nakakuha og isdang
batasan tambasakan. ili ili tulog anay
Sinmulod ha kwarto, kan inday wala diri imo nanay
higdaan. Gibaligya, gibaligya kadto tienda bakal papay
An panyo, an panyo nga may sa merkadong Ili-ili tulog anay.
sigarilyo, guba— https://www.youtube.com/wat
Ginpiksi ni Inday kay may Ang halin pulos ch?v=QLJ-CoGrFlo
sentimiento kura, ang halin
An nasisinahan, an nabi- an pulos kura,
nabibidu-an Igo lang ipanuba.
Tungod la han gugma nga https://www.youtube
waray katuman… .com/watch?v=HWA
https://www.youtube.com/watch rQM9E4oQ
?v=LK4fRG6x7Zs

Bulong
Sa Ilonggo Salin sa Tagalog
Tabi tabi…. Tabi tabi….
Maaga lang kami Makikiraan lang kami
Kami patawaron Kami’y patawarin
Kon kamo masalapay namon Kung kayo’y masagi naming

2
GAWAIN 1
Panuto: Tukuyin at isulat sa sagutang papel ang titik ng konotatibong kahulugan ng
mga salitang nakasulat ng mariin kaugnay ng nakaugalian ng mga Pilipino.

1. Ang kulay itim ay karaniwang iniuugnay sa:


A. pagluluksa at kalungkutan C. paghihirap at gutom
B. pag-ibig at pagkabigo D. giyera at kaguluhan

2. Ang oyayi ay kaugnay ng:


A. Bangka, pamingwit, at isda C. ina, hele at sanggol
B.. Walis, bunot at basahan D. rosas, gitara at pag-ibig

3. Ang balitaw at kundiman ay karaniwang iniuugnay sa:


A. Pangangaso
B. paggawa ng mga gawaing bahay
C. Panliligaw o pagsasaad ng pag-ibig
D. Pagiging matampuhin

4. Ang hilig sa pag-awit ng mga Pilipino ay karaniwang iniuugnay sa:


A. Pagiging malungkutin C. pagiging masayahin
B. Pagiging masipag D. pagiging matampuhin

5. Ang awiting bayan ay karaniwang iniuugnay sa:


A. Materyal na kayamanan ng isang bayan
B. Pagdurusang dinanas ng isang bayan
C. Kultura’t kaugalian ng isang bayan
D. Politika sa isang bayan

A. Panuto: Ilang salitang Bisaya na nakasalungguhit ang ginamit sa


pangungusap bilang pamalit sa katumbas nitong salita sa Filipino. Piliin at
bilugan ang tamang sagot mula sa pagpipilian.

1. Si Mang Juan ay namasol sa karagatan dala ang kaniyang lambat habang


nakasakay sa kaniyang bangka.

A. lumangoy B. naligo C. nangisda D. nawala

2. Hindi nakalilimutan na magbigay ni Aling Maring ng balon sa kaniyang anak


araw- araw.
A. regalo B. baon C. saging D. payo

3. Ang mga prutas ay guibaligya nila sa palengke.


A. ipinagbili B. ipinamigay C. ipinadala D. iniwan

3
4. Gustong-gusto niya ang sabaw ng sinigang na aslom.
A. init B. asim C. pait D. alat

5. Ginagawa niya ang lahat dahil sa pamilyang kaniyang gihigugma. Ang


gihigugma ay…

A. minamahal B. hinihintay C. binabantayan D. iniisip

GAWAIN 2
Piliin kung alin sa mga nota ang naglalaman ng mga tradisyon at kulturang
masasalamin sa mga awiting bayan na binasa. Kopyahin ito sa sagutang papel. Isulat
ang sagot sa bawat bilang.

1. Lawiswis Kawayan - _____________________________________


2. Ili-ili - _________________________________________________
3. Si Pilemon- ____________________________________________

Gawain 3
Suriin ang mga binasang halimbawa ng Awiting Bayan at Bulong sa
pamamagitan ng pagsagot sa sumusunod na mga tanong. Isulat ang sagot sa patlang.

1. Ano-anong bahagi ng kultura ng Kabisayaan ang masasalamin sa mga


awiting bayan at bulong na napakinggan/ napanood? Isa-isahin ito.
___________________________________________________________

2. Anong damdamin ang naramdaman ninyo habang inaawit ang mga awitin at
habang pinakikinggan ang mga bulong?
___________________________________________________________

4
3. Kailan mo kadalasang naririnig o ginagamit ang mga bulong at awiting
bayan?
___________________________________________________________

4. May masasalamin bang kultura sa ating mga katutubong awitin at mga


bulong? Pangatwiranan.
______________________________________________________________

5. Paano mapananatili at mapapalaganap ang mga katutubong panitikan tulad


ng mga awiting bayan at bulong sa kasalukuyang henerasyon?
____________________________________________________________

PANGWAKAS/REPLEKSIYON
Natutuhan ko na ang mga Bulong at Awiting Bayan ay:
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________
___________________________________________________________________

USI SA PAGWAWASTO A 2. D 3. A 4. B 5. A
Gawain 4.
mag- aaral ang mga teksto
ay ayon sa kung paano nainitindihan ng
Ang wastong sagot ay hindi tiyak dahil ito
Gawain 3
Pagiging Masipag
anak
Pagmamahal ng magulang sa
Pagliligawan
Gawain 2.

5. A 4. B 3. A 2. B B. 1. C
5. B 4. C 3.C 2. C A. 1. A
Gawain 1.

You might also like