Ap10 Q4 Week-1-2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

10

10
10
Department of Education-Region
III TARLAC CITY SCHOOLS
DIVISION
Juan Luna St., Sto. Cristo, Tarlac City 2300

Email address: tarlac.city@deped.gov.ph/ Tel. No. (045) 470 - 8180

AralingPanlipunan
Quarter 4: Week 1-2
Learning Activity Sheets
ARALING PANLIPUNAN 10

Pangalan: ____________________________Ika-apat na Markahan: Una at Ikalawang Linggo


Taon at Pangkat: _____________________ _ Petsa: __________________

PAGKAMAMAMAYAN
Susing Konsepto
Ang konsepto ng citizenship (pagkamamamayan) o ang kalagayan o katayuan ng isang tao
bilang miyembro ng isang pamayanan o estado ay maaaring iugat sa kasaysayan ng daigdig. Ang
kabihasnang Griyego ay binubuo ng mga lungsod-estado na tinatawag na polis. Ito ay isang lipunan
na binubuo ng mga taong may iisang pagkakakilanlan at iisang mithiin.

Ang pagkamamamayan ay nangangahulugan ng pagiging miyembro ng isang indibidwal sa


isang bansa ayon sa itinakda ng batas. Ang pagkamamamayan ay isang legal na kalagayan ng isang
indibidwal sa isang nasyon-estado.

Ayon kay Murray Clark Havens (1981), Ang pagkamamamayan ay ugnayan ng estado at
isang indibidwal. Bilang miyembro ng isang estado ipinagkakaloob sa kanila ang naturang karapatan,
obligasyon at tungkulin.

Dalawang Prinsipyo ng Pagkamamamayan

Jus sanguinis Jus soli o jus loci


⮚ Ang pagkamamamayan ng isang tao ⮚ Ang pagkamamayan ay nakabatay sa
lugar kung saan siya ipinanganak. Ito
ay nakabatay sa pagkamamamayan
ang prinsipyong sinusunod sa Amerika.
ng isa sa kaniyang mga magulang. Ito
ang prinsipyong sinusunod sa
Pilipinas.

Sa Pilipinas ang Saligang Batas ang nagbibigay ng karapatan sa isang indibidwal na


maging ganap na mamamayan ng bansa. Nakasaad sa Saligang Batas ng 1987, artikulo IV,
seksyon 1 ang mga maituturing na legal na mamamayan ng Pilipinas.
ARTIKULO IV
PAGKAMAMAMAYAN
SEKSYON 1. Ang sumusunod ay mga mamamayan ng Pilipinas:
(1) Yaong mga mamamayan ng Pilipinas sa panahon ng pagkakapatibay ng
Konstitusyong ito;
(2) Yaong ang mga ama o mga ina ay mga mamamayan ng Pilipinas;
(3) Yaong mga isinilang bago sumapit ang Enero 17, 1973 na ang mga ina ay Pilipino,
na pumili ng pagkamamamayang Pilipino pagsapit sa karampatang gulang; at
(4) Yaong mga naging mamamayan ayon sa batas.
SEK. 2. Ang katutubong inianak na mga mamamayan ay yaong mga mamamayan ng
Pilipinas mula pa sa pagsilang na wala nang kinakailangang gampanang ano mang
hakbangin upang matamo o malubos ang kanilang pagkamamamayang Pilipino. Yaong
mga nagpasya na maging mamamayang Pilipino ayon sa Seksyon 1, Talataan 3 nito ay
dapat ituring na katutubong inianak na mga mamamayan.
SEK. 3. Ang pagkamamamayang Pilipino ay maaaring mawala o muling matamo sa
paraang itinatadhana ng batas.
SEK. 4. Mananatiling angkin ang kanilang pagkamamamayan ng mga mamamayan ng
Pilipinas na mag-asawa ng mga dayuhan, matangi kung sa kanilang kagagawan o
pagkukulang, sila ay ituturing, sa ilalim ng batas, na nagtakwil nito.
SEK. 5. Ang dalawahang katapatan ng mga mamamayan ay salungat sa kapakanang
pambansa at dapat lapatan ng kaukulang batas.

Ang pagiging aktibong mamamayan ay hindi lamang maituturing na bahagi ng lipunan. Ang
isang aktibong mamamayan ay iyong kumikilos na gawing makabuluhan ang bawat oras sa paggawa
ng mga bagay na tiyak na makapagbibigay ng kaunlaran sa sarili at sa bayan.

Ang kagalingan at pag-unlad ng ating bansa ay nakasalalay sa atin. Tungkulin natin ang
makilahok sa mga gawaing pansibiko upang makatugon tayo sa pangangailangan ng ating
pamayanan at bansa. Kung nakikilahok tayo sa mga gawaing pansibiko, gaano man kahirap ang mga
gawain para malutas ang mga suliranin o isyu na dapat bigyan ng solusyon, ang mga ito ay magiging
madali dahil sa ating pagtutulungan at pagkakaisa. Ang anumang kaguluhan o pag-aalitan ay
maiiwasan kung may pagtutulungan at pagkakaisa.

Kaugnay nito, nararapat na malaman ng bawat isa ang mga katangian na dapat taglayin
upang maging aktibong mamamayan.
Mga katangian na dapat taglayin ng Isang Aktibong Mamamayan

1. Makabayan
⮚ Nakikialam sa mga sigalot at kaguluhan ng bansa. Nakikiisa sa mga nagsasaliksik ng
kalutasan sa problema ng bayan.
⮚ Napapahalagahan ang kultura at magagandang kaugalian ng bansa.
⮚ Nakikiisa at nakikipagtulungan sa mga layunin ng pamahalaan para sa kaunlaran.
⮚ May pagmamahal at tapat sa sariling bayan. Kayang ipagtanggol ang bansa para sa
kalayaan.
⮚ Sumusunod sa Saligang Batas at sa batas na ipinapatupad ng bansa para sa kaayusan
at katiwasayan ng lipunan.

2. Makatao
⮚ May malasakit sa kinabukasan ng kabataan at iniisip ang kaligtasan ng kapwa.
⮚ Marunong tumingin sa pangangailangan ng iba. May mabuting kalooban sa
sangkatauhan. Tunay at wagas ang malasakit sa mga nangangailangan.
⮚ Kumikilos at namumuno sa pagpapalaganap ng kalinisan, kalusugan, kaligtasan,
kapayapaan, katarungan at kasaganaan ng mga mamamayan.
⮚ Tapat na kaibigan.

3. Produktibo
⮚ Ginagamit at pinauunlad ang kahusayan
⮚ Maagap sa anumang gawaing pangkaunlaran
⮚ Nakikiisa sa mga gawaing panlipunan
⮚ Ibinabahagi ang kaalaman at kahusayan sa mga kabataan

4. May Tiwala sa Sarili


⮚ Mapagpahalaga sa katotohanan at karangalan. May paninindigan
⮚ Hindi papayagan ang kasinungalingan, pagsasamantala, panloloko at katiwalian.
⮚ Mapayapa at malaya ang isipan at katauhan.

5. Maka-Diyos
⮚ May pananalig sa Maykapal
⮚ Palaging nagdarasal para sa kabutihan ng lahat

Magiging maayos at tahimik ang ating pamayanan at bansa kung nakikilahok tayo sa mga
gawaing pansibiko, nagtutulungan, at tumutupad sa mga batas. Mas matiwasay at masaya ang mga
naninirahan dito. Sa maayos na pamayanan, ang mga mamamayan ay may disiplina. Bawat
mamamayan ay sumusunod sa mga batas at mga alituntunin. Ang mga tungkulin ay tinutupad din sa
lahat ng oras. Mababawasan ang mga pagnanakaw at krimen, at maiiwasan ang mga kaguluhan.
Mahalaga ang pagpapaunlad ng komunidad at ang pakikilahok natin sa mga gawaing pansibiko. Dito
nakikita at nagagamit ng mga mamamayan ang kanilang mga kakayahan sa pagtugon sa mga
pangangailangan at pagharap sa komunidad. Nakapagbubuklod-buklod ng solusyon sa mga suliranin
sa ating pakikilahok ang lahat ng mga pagsusumikap upang tugunan ang mga tiyak na suliranin at
pangangailangan.
Kasanayang Pampagkatuto:
Naipaliliwanag ang kahalagahan ng aktibong pagkamamamayan

Mga Layunin:
1. Naibibigay ang kahulugan at konsepto ng pagkamamamayan.
2. Natutukoy ang mga katangian na dapat taglayin ng isang aktibong mamamayan na nakikilahok
sa mga gawain at usaping pansibiko.
3. Naipaliliwanag ang kahalagahan ng pagkakaroon ng kooperasyon ng mamamayan at
pamahalaan sa paglutas sa mga suliraning panlipunan.

Pagsasanay 1
Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na salaysay. Isulat ang Tama kung ito ay katangian
ng aktibong mamamayan at Mali naman kung hindi.

_______ 1. Sumusunod sa batas ng komunidad.

_______ 2. Itinatapon nang wasto ang basura, hinihiwalay, inireresiklo, pinangangalagaan.

_______ 3. Bilhin ang mga bagay na gusto at naaayon sa uso kahit ito ay gawang banyaga.

_______ 4. Positibong nagpapahayag ng tungkol sa sariling bansa.

_______ 5. Iginagalang ang nagpapatupad ng batas-trapiko, pulis at iba pang lingkod bayan.

_______ 6. Tulungan ang isang iskolar o isang batang mahirap para sa kanyang pag-aaral

_______ 7. Nagbibigay ng tulong sa simbahan.

_______ 8. Mainam na hayaan na lamang ang pamahalaan sa mga suliranin ng bayan.

_______ 9. Naglilingkod nang maayos sa pinapasukang trabaho.

_______ 10. Nagbabayad ng tamang buwis.

Pagsasanay 2
A. Panuto: Basahing mabuti ang mga sumusunod na pahayag. Tukuyin ang hinihingi ng bawat bilang.

_______ 1. Ito ay kasulatang nagsasaad ng pagkamamamayang Pilipino.


_______ 2. Ayon sa kanya, bilang ugnayan ng estado sa mamamayan iginagawad ang mga
karapatan at tungkulin sa mga miyembro ng estado.
_______ 3. Ang pagkamamamayan ng isang tao ay nakabatay sa pagkamamamayan ng isa sa
kaniyang mga magulang.
_______ 4. Ito ay nangangahulugan ng pagiging miyembro ng isang indibidwal sa isang bansa ayon
sa itinakda ng batas.
_______ 5. Ang pagkamamamayan ay nakabatay sa lugar kung saan siya ipinanganak.
B. Mamili ng isa sa mga katangian na dapat taglayin ng isang aktibong mamamayan at ipaliwanag
kung ito ba ay iyong nagagampanan at sa paanong pamamaraan.
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________

Pagsasanay 3
Panuto: Suriin ang mga sumusunod na larawan. Tukuyin kung ito ba ay katangian ng isang aktibong
mamamayan na dapat taglayin ng bawat mamamayan at ipaliwanag ang kahalagahan nito sa ating
bayan.

1. ___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
_______
2.

___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
_______

3. ___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
___________________________________
_______
Pangwakas
Panuto: Ang larawan ay nagpapakita ng tungkol sa krisis na dulot ng Covid-19 Pandemic.
Isa-isahin at isulat sa ibaba ang mga katangian ng aktibong mamamayan na makikita
sa larawan.

❖ _______________________________________________
❖ _______________________________________________
❖ _______________________________________________
❖ _______________________________________________
❖ _______________________________________________
❖ _______________________________________________
❖ _______________________________________________
❖ _______________________________________________
❖ _______________________________________________
❖ _______________________________________________
Sanggunian
Mga Kontemporaryong Isyu: Araling Panlipunan 10, Modyul para sa mga Mag-aaral 2017

Susi sa Pagwawasto

Pagsasanay 1:

Tama
Tama
Mali
Tama
Tama
Tama
Tama
Mali
Tama
Tama

Pagsasanay 2:
A
Saligang Batas
Murray Clark Havens
Jus Sanguinis
Pagkamamamayan
Jus Soli

B. Maaaring magkakaiba-iba ang sagot ng mag-aaral.


Pagsasanay 3:
Maaaring magkakaiba-iba ang sagot ng mag-aaral.

Pangwakas:
Maaaring magkakaiba-iba ang sagot ng mag-aaral.

Inihanda ni:
MARY JOY S. BAUTISTA
Teacher I

EFREN Q. BRIONES
Tagaguhit

You might also like