Kabanata 1 5 Lima Ii Group 4

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 20

Rizal college of taal

Kolehiyo ng Kriminolohiya

MGA SALIK NA NAKAAAPEKTO SA PAGBABA NG MARKA NG


MGA MAG – AARAL SA ASIGNATURANG FILIPINO

Isang Pamanahong – Papel


na iniharap sa Kaguruan ng Departamento ng Kriminolohiya
sa
Rizal College of Taal
Bilang Pagtupad sa isa sa mga pangangailangan ng Asignaturang
Pagbasa at Pagsulat tungo sa Pananaliksik

Nina:
BERNIDO, JOMARI
BROSOTO, MARK RENZO
DIMAANDAL, JERRYMIE
MAGNAYE, KIAN KEITH
PIÑON, LEANDRA
VITO, EDZEL

DISYEMBRE 2022
Rizal college of taal
Kolehiyo ng Kriminolohiya

KABANATA I

SULIRANIN AT KALIGIRAN NITO

PANIMULA

Ang impormasyon ay may kinalaman sa isang simpleng bagay, mahalagang

maunawaan natin ang mga pangyayari sa ating paligid, mula sa mga libro,

pahayagan, radyo, telebisyon at pag-aaral ng mga bagay-bagay, nakakukuha tayo

ng impormasyon. Ang pag aaral na ito ay isinagawa upang masusulusyonan ang

mga nakakaapekto sa mga mag-aaral sa pagkababa ng kanilang marka.Nais ng

mananaliksik na pagtuunan ng pansin ang mga kabataan na nakakakuha ng

mababang marka sa asignaturang filipino. Ang asignaturang Filipino ay

napakahalaga sapagkat maraming kabataan o mga mag aaral ang hindi ito

pinagtutuunan ng pansin o walang pakialam dahil ito ay Filipino lamang. Habang

umuunlad ang bansa maraming kabataan ang naliligaw ang landas imbis na pag

tuunan ng pansin ang asignatura lalo nila ito pinababayaan. Isang karaniwang

layunin ng sistema ang pagbaba ng marka ng mga mag aaral sa asignaturang

Filipino dahil dito njla mahahasa ang kanilang utak at mapalawak pa ang kanilang

kaalaman at pag iisip. Ang asignaturang Filipino ay ginagamit rin sa buong

pilipinas. Ang bawat letra sa asignaturang Filipino ay naipapahiwatig ng pag

kakaroon ng malawak na kaisapin lalong lalo na sa mga mag aaral at maging

maayos ang kanilang pag unawa. Isa sa magandang pag aralan ang asignaturang

Filipino dahil may magandang layunin ito sa atin at sa mag aaral. Mapapalawak pa

lalo ang kanilang kaisipan at talino kung ito'y bibigyang linaw ng mga guro sa mga

bata at isa na din ang kanilang pag taas ng marka. Kaya maraming mga bata na

nag-aaral at hindi nila maitatanggi ang kanilang mababang marka sa

asignaturang Filipino, ngunit isa ito sa mga mahirap na asignatura at


Rizal college of taal
Kolehiyo ng Kriminolohiya
mahirap ding umintindi ng mga asignaturang Filipino. Ang Filipino ay dapat

lamang tumuon sa mga pangunahing punto, ngunit maraming mga mag-

aaral ang hindi binabalewala ito, ngunit mas mabuting mag-aral ng Filipino,

dahil marami kang matututuhan dito, mas magiging malawak ang iyong pag-

iisip, at higit ang iyong pag-unawa sa wika. Isa sa mga pakinabang ng pag-

aaral ng mga asignaturang Filipino ay upang mas mapalawak pa ang

kanilang kaalaman at mapabuti ang kanilang mga marka.

PAGLALAHAD NG MGA SULIRANIN

Ang pag – aaral na ito ay naglalayong madalumat ang “Mga Salik na

Nakaaapekto sa Pagbaba ng Marka ng mga Mag – aaral sa asignaturang

Filipino”. Sa kabuuan, ito ay nagnanais na masagot ang mga sumusunod na

katanungan.

1. Ano – ano ang mga salik na nakaaapekto sa pagbaba ng marka ng

mga mag – aaral sa asignaturang Filipino batay sa:

1.1 estratehiya at;

1.2 Pamamaraan na ginamit ng mga guro?

2. Ano ang mga suliraning kinahaharap ng mga mag – aaral sa pagbaba

ng kanilang mga marka batay sa kanilang akademikong pagganap?

3. Ano ang mainam na panukalang plano ang nararapat isagawa upang

mapataas ang marka ng mga mag – aaral sa Asignaturang Filipino?


Rizal college of taal
Kolehiyo ng Kriminolohiya
KAHALAGAHAN NG PAG AARAL

Sa mga mag-aaral, makatutulong ang pananaliksik na ito upang lalong

mapalawakang kanilang mga kaalaman kung paano maging isang mahusay na

mag-aaral. Nagsisilbing gabay ito upang malinang ang kanilang kaisipan at

kakayanan sa kanilang pag-aaral.

Sa mga guro, magkakaroon sila ng kaalaman sa mga dapat gawin ng

kanilangestudyante nang sa gayon ay magabayan at matulungan ang mga

mag-aaral satamang pamamaraan ng kanilang pag-aaral. Magiging isang

malaking karangalan attagumpay sa isang guro na naging matagumpay ang

kanilang mga estudyante sahinaharap.

Sa mga magulang, ang mga magulang bilang unang guro ng kanilang mga

anak ay makakapag-isip-isip ng mga bagay na maipapayo at maitutulong sa

kanilang anak, kasabay ng paggabay tungo sa maayos at magandang

pamamaraan ng kanilang pag-aaral.

Sa mga administrasyon, makakatulong ang pananaliksik na ito upang

magkaroon sila ng kaalaman kung ano ang maaari nilang ibahagi sa mag-aaral

tungo sa wastong pag-aaral at mahikayat ang mga estudyante na mag aral ng

mabuti.

Sa mga susunod na mananaliksik, ang pag-aaral na ito ay makakapagbigay

ng lakas upang saliksikin ang mahahalagang impormasyon na masasagot ang

suliranin na maipaliwang ng malinaw sa kanilang kaisipan. Sa mga datos na

nakalap sa pananaliksik na ito ay magiging tulong para sa mga mag-aaral o

mananaliksik na magsasagawa ng may kaugnay na paksa.


Rizal college of taal
Kolehiyo ng Kriminolohiya
SAKLAW AT LIMITASYON NG PAG AARAL

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa mga salik na nakaaapekto sa

pagbaba ng marka ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Ito ay

sumasaklaw sa mga mag-aaral na nakakuha ng mababang marka sa

akademikong Filipino. Ang pagsasagawa ng pananaliksik na ito ay nagmula

sa (20) dalawampung piling mag-aaral mula sa unang taon hanggang

ikaapat na taon sa kolehiyo ng Rizal College of Taal, Criminology

Department. Ang pananaliksik na ito ay nakatutok sa pagbibigay at paggawa

ng mga tamang impormasyon at datos ukol sa mga estudyanteng mayroong

mababang marka sa asignaturang filipino.Ang sentro nito ay ipahayag ang

mga salik na nakakaapekto sa mag-aaral at kung paano matutugunan ito.

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA PAG – AARAL AT LITERATURA

Sa bahaging ito inilalahad ang rebyu ng literaturang konseptuwal at

pananaliksik na may kinalaman sa mga salik na nakaaapekto sa pagbaba ng

marka ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino. Mababasa rin sa bahaging

ito ang teoretikal at konseptuwal na balangkas ng kasalukuyang pag-aaral na

nakatulong sa balangkas ng isinasagawang pag-aaral.

Ang akademikong pagganap ay tunay na nangangahulugan ng

tatlongbagay: kakayahang mapag-aralan at maalala ang mga katotohanan;

magkaroonng kakayahang makapag-aral ng mabisa at malaman kung

paanong ang mgakatotohanan ay sumang-ayon sa isa at isa upang bumuo ng

mas malawak nahuwaran ng kaalaman at isipan ang sarili kaugnay sa mga


Rizal college of taal
Kolehiyo ng Kriminolohiya
katotohanang ito, at pangatlo, kakayahang maipahayag ang sariling kaalaman

sa pagsasalita man o sa pagsulat man sa papel. Ang mabuting akademikong

pagganap ay nakaugnay din sa pagkakaroon ng mabuting pagsasama-sama

ng sariling kakayahan na ang ilan nga ay ang maayos na lugar para sa

gawain at maayos na pamamahala sa oras. Ang lahat ng ito ang dapat na

isaalang-alang. (Berceno, 2012).

Naipakita naman sa pag-aaral ni Loyola (sa Carandang-Kalaw, 2012)

ukol sa sosyo-ekonomikong estado, mental na abilidad, at kakayahan sa

matematika ng mga mag-aaral sa ikalimang baitang na ang sosyo-

ekonomikong estado ay may kaugnayan sa kakayahan sa matematika at sa

mental na abilidad.

Mga Paktor na Demograpiko

Kasarian:

Ipinalalagay na ang kasarian ay isa sa mga determinant na salik

nanakaimpluwensiya sa akademikong pagganap ng mga mag-aaral sa

assignaturang Filipino.. Ayon sa pag-aaral niSibayan (1999) ay nagsasabing

ang mga lalaki at babae ay higit ang pagkakahawig kaysa pagkakaiba ng

akademikong pagganap. Dagdag pa, ang ibapang salik tulad ng konteksto at

paksa ay may malaking impluwensiya sa estilong pag-uusap kaysa sa

kasarian. Sa kanya ding pahayag, pinatunayan din niya namay pagkakaibang

leksikal sa pagitan ng mga lalaki at babae, kalimitan dito ay ayon sa dami at

sa uri.
Rizal college of taal
Kolehiyo ng Kriminolohiya
Sa pag-aaral na ginawa ni Chet (2013), tungkol sa epekto ng kasarian

sa pangakademikong pag ganap ng mga estudyante ng Ateneo. Ito’y

nagpapahayag na walang pagkakaiba ang kakayahan ng babae at lalaki.

Ang kasarian ay isa sa mga pangunahing salik na nagpapakita

ngkaibahan ng kakayahan ng mga mag-aaral. Ayon kay Feingold (2008) Ang

kasarian ng mga mag-aaral ay isang salik upang malaman ang kanilang

kayangipakita.Ang kasarian ay iba sa pag-uugali, personalidad, inaasahan ng

guro, at behabyor, pagkakaiba ng kursong kinukuha at bayologikal na

ibinibgay sapagkakaiba ng kasarian sa kanilang nakukuha. Bilang

karagdagan, ang pag-aaral ni Johnson (2006) ay nagpapatibay na ang

kasarian ay may kaugnayan. Ayon sa isinagawa niyang pananaliksik, ang

mga kababaihan ay higit na mataasang marka kumpara sa mga kalalakihan.

Higit na mas mababa ang kakayahangpang-akademiko ng mga lalaki

kumpara sa mga babae

Edad at antas pang-ekonomiko

Ang edad ng estudyante ay kailangan natanto nga mga tagapangaiwa

ng eskwelahan muladito ay mahihinuha na relatibong mas nagkakalapit ang

kanilang pangkabatirangantas (cognitive level) kahit ito ay maging

persepsyon, opinion at ideya.Gayundin, mas higit nanagiging matibay ang

kanilang basehan o batayan dahil hindi nagkakalayo ang agwat ng kanilang

mga edad. Ito ay sinususugan ng pag-aaral ni Machtinger (2007) na

nagsasabi na ang edad at aspeto ng mga mag-aaral hinggil sa kanilang

kognitibong kakayahan ay may pagkakaugnay. Ang edad ng mga mag-aaral

ay maaring makaapekto sa kanilang kakayahan sa kahit na anong


Rizal college of taal
Kolehiyo ng Kriminolohiya
larangan.Bagamat may mangilan ngilang mag-aaral na lumalampas sa

karaniwang inaasahanag edad, ito ay normal lamang sapagkat sa mga mag-

aaral na nabibilang sa mahihirap na pamilya, di naiiwasan ang magkaroon ng

suliranin osagabal upang maging tuloy-tuloy ang kanilang pag-aaral. Ngunit,

maari dinnaman na ang dahilan ay pagkakasakit o alin pa mang kadahilan

labas sakahirapan.

Ayon kay Ipaye (2006), ang kita ng mga magulang, pagtugon sa

mgapangunahing pangangailangan at ang akademikong kasanayan ng mga

mag-aaral ay may ugnayan. Ipinapakita rin sa pag-aaral ni Ipaye (2006) na

kapag angkita ng magulang ay hindi sapat para matugunan ang pansarili at

pangunahingpangangailangan, ang iba pang pangangailangan kaugnay ng

edukasyon ay naisasantabi. Ito ang nagiging dahilan kung kaya‟t may mga

mag

-aaral nanapapahinto o di naman kaya ay tuluyan ng di nakapag-aaral. Dahil

din sakakulangan ng kita, ang mga magulang ay di nakatutugon sa lahat ng

mgapangunahin, panlipunan, at pang-akademikong pangangailangan ng

kanilangmga anak sa paaralan. Dahil dito ang ibang mga mag-aaral ay

humihinto paramaghanapbuhay para masuportahan ang sarli at makatulong

sa pamilya (Ipaye, 2008).

Ayon kay Sprinthall (2008), ang mga magulang ang nagbibigay ng

lahat ngpangangailangan ng kanilang mga anak. Hindi lamang personal

napangangailangan kundi maging sa paaralan. Kung hindi matugunan ng

magulang ang mga pangangailangan ng kanilang anak na nag-aaral, ito ay

maaaring mag bunga ng mababang antas ng kakayahang pang-akademiko.


Rizal college of taal
Kolehiyo ng Kriminolohiya
Ang mababang kita at kahirapan ay isa sa mga pangunahing sagka upang

magkaroon ng edukasyong may kalidad ang mga mag-aaral.

Ayon kay Johnson (2006), ang akademikong kakanyahan ay itinutulak

ng mga salik ng sosyo-ekonomiko (socio-economic). Ang kahirapan at

mababang antas ng sosyo-ekonomiko na pinalubha pang kakapusan ng ama

at ina ay nagreresulta sa mababang kakanyahan na pang-akademiko dahil

hindi nila natutugunan ang kanilang mga pangangailangan sabatayang aklat

at iba pang kagamitan ukol sa pagpapaunlad ng antas ngkaalaman. Ang

pangit na kalagayan na ito ng mga mag-aaral ang nagtutulakupang dumami

ang mga mag-aaral na bumagsak o huminto sa pag-aaral.Bilang karagdagan,

ang kahirapan na may kaangkop na kakapusan samga sosyal (social) at

pang-ekonomikong pangangailangan ng bata (mag-aaral) ay karaniwang

nagbubunga sa mahina o mababang akademikong kakayahan (Shittu, 2004).

Kaugnay na pag-aaral sa kasalukuyang imbestigasyon

Gayundin ang dulog (approach) o metodong (method) ginagamit ng

guro ay mahina at hindinakakapukaw ng interes ng mga mag-aaral. Maaari

ring maganda at efektivo anginihandang metodo o dulog ng guro subalit hindi

mabatid ng mga mag-aaral angsustansiya o kahalagahan ng paksang araling

inilahad. Ito ay maiuugnay sa Prinsipyo ng Learning Pathology, binibigyang

diin na ang pagkatuto ay wala sa pagiging mabisa ng kagamitang

pampagtuturo o metodo maging istratehiya ngguro kung hindi sa intrinsikong

pangangailangan ng bawat mag-aaral sa araling ilalahad.


Rizal college of taal
Kolehiyo ng Kriminolohiya
Mapapansin sa talahanayang ito na karamihan sa mga mag-aaral ay

hindinakaabot sa lebel ng pagkatuto at wala silang sapat na kakayahan sa

pagsusuring tula, ngunit isang-kapat sa buong populasyon ng mga

respondente angnaging mahusay o umabot sa tamang lebel ng pagkatuto.

Ang mga salik na maaaringnakakaapekto sa kanila ay:antas ng

pamumuhay, natapos ng kanilangmagulang, at pamamaraan ng pagtuturo. Ito

ay maaaring mayroong kaugnayan sa pansarili nilang pang-kogtivong

kakayahan. Nararapat lamang na malamannatin kung ano ang kanilang

demograpikong profayl nang sa gayon alam ng gurokung ano ang mailalapat

at angkop sa metodo sa pagtuturo. Kung ang edad angpagbabatayan, ayon

kay Machtinger (2007) ito ay maaaring makaapekto sakanilang kakayahan sa

kahit anong larangan. Ayon naman kay Feingold (1988) Ang kasarian ng mga

mag-aaral ay isang salik upang malaman ang kanilangkayang ipakita. Ang

kasarian ay iba sa pag-uugali, personalidad, inaasahan ngguro, at behabyor,

pagkakaiba ng kursong kinukuha at bayologikal na ibinibgaysa pagkakaiba ng

kasarian sa kanilang nakukuha.


Rizal college of taal
Kolehiyo ng Kriminolohiya

KONSEPTWAL NA BALANGKAS

Ang konseptwal na balangkas ng pag-aaral ay naglalarawan ng daloy

ng mga konsepto na kumakatawan sa kung paano isinagawa ang

kasalukuyang pag-aaral. Ginamit ng mga mananaliksik ang modelo ng

sistema ng Input-Process-Output.

INPUT PROCESS OUTPUT

Profile ng mga  Pagbabasa Pagmumungkahi ng


respondente ayon sa;
ng mga planong aksyon
a. Pangalan
kaugnay na upang mapabuti
b. Kasarian
literatura ang gamit ng mga
c. Antas ng mga
mag aaral  Paggawa ng estratehiya sa

1. Mga Salik na listahan ng pagtuturo sa


nakakaapekto sa asignaturang
mga
pagbaba ng marka ng
katanungan o filipino.
mga mag aaral sa
asignaturang filipino kwestyuneyr
batay sa;
 Dokumentas
1.1 Estratehiya at
yon ng mga
1.2 Pamamaraan
nakalap na
2.Ano ang mga
datos
suliraning
kinahaharap ng mga
mag – aaral sa
pagbaba ng kanilang
mga marka batay sa
kanilang akademikong
pagganap?
Rizal college of taal
Kolehiyo ng Kriminolohiya
Ang Input ay naglalaman ng mga salik na nakakaapekto sa pagbaba

ng marka ng mga mag aaral sa asignaturang filipino at antas ng pagiging

epektibo ng mga estratehiya sa pagtuturo batay sa tuntunin ng kanilang

kaalaman.

Ang Proseso ay kumakatawan sa mga pagtatasa ng dalawang grupo

ng mga respondente sa antas ng mga salik na nakakaapekto sa pagbaba ng

marka ng mga mag aaral sa asignaturang filipino. Naglalaman din ito ng

pangangalap ng data sa pamamagitan ng mga tool na ginagamit tulad ng

survey, questionnaire at statistical tools.

Nakatuon ang Output sa iminungkahing plano ng aksyon upang

mapabuti ang gamit ng mga estratehiya sa pagtuturo sa asignaturang Filipino.

TEORETIKAL NA BALANGKAS

Mga Salik na
Nakaaapekto sa Estratehiya Teorya ng
pagbaba ng marka ng pagtuturo
mga mag-aaral sa sa
Asignaturang Filipino. Pamamaraan pagkatuto

Sa pag-aaral na ito ay ginalugad nito ang mga salik na

nakakaapekto sa pagbaba ng marka ng mga aaral sa asignaturang filipino.

Nilalayon ng pag-aaral na ito na tuklasin ang mga karanasan, at maunawaan

ang mga pakikibaka ng mga mag-aaral sa kanilang akademikong pagganap

sa asignaturang filipino, upang maghanap ng mga resulta na makakatulong

sa pagtatamo ng katatagan at iba't ibang mekanismo ng pagtuturo. Ang pag-

aaral na ito ay naglalayong sagutin ang mga karanasang kinakaharap ng mga


Rizal college of taal
Kolehiyo ng Kriminolohiya
mag-aaral sa akademikong pagganap, at ang mga istratehiya sa pagtuturo at

pagkatuto na kanilang ginamit. Kaya naman, gagamit ang mga mananaliksik

ng phenomenology dahil hahanapin ng mga mananaliksik ang esensya ng

mga karanasan at pag-unawa ng mga mag-aaral. Sa gayon, malalaman ng

mga mananaliksik kung anong mga kasanayan ang makatutulong sa mga

mag-aaral na makayanan ang naunang problema. Pinili ng mga mananaliksik

ang phenomenology bilang disenyo ng pananaliksik upang tumuon sa

kanilang karanasan sa mga phenomena. Matutukoy ng pag-aaral ang mga

karanasan at sitwasyong kinakaharap ng mga indibidwal sa kanilang

akademikong pagganap sa asignaturang filipino.

DEPINISYON NG TERMINOLOHIYA

Upang lubos na maunawaan ang kahulugan ng mga salitang

ginamit sa pag-aaral na ito ay binigyan ito ng kahulugan.

Induktibo - Ang induktibo ay nagpapatakbo sa pamamagitan ng paggawa ng

malawak na pangkalahatang pangkalahatang batay sa mga tiyak na

obserbasyon (Salud,1970).

Deduktibo - Ang deduktibong pangangatwiran ay isang pamamaraan ng

pangangatwiran na ginagamit upang mahihinuha ang isang lohikal na

konklusyon mula sa isang hanay ng mga premise o prinsipyo (Salud,1970).

Dalumat – Ang paggamit ng mataas na antas ng teoryang wika batay sa

pagsisiyasat, deliberasyon, kritikal at analitikal na paggamit ng mga salita na

kumakatawan sa mga ideya at kaalaman ay nagiging isang konsepto sa


Rizal college of taal
Kolehiyo ng Kriminolohiya
malalim na pag-uuri at baryasyon ng mga istruktura ng salita na kilala bilang

ang namumuong sangay ng daluma-salita (Nuncio,2022).

Estratehiya- Ito ay nangangahulugang mahuhusay na pamamaraan upang

malinang ang isang larangan o asignatura (Unyonpedia, 2022).

KABANATA III

DISENYO AT PARAAN NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay naglalayon na maipaliwanag at mailahad ang

disenyo ng pananaliksik, mga kalahok sa pag-aaral, instrumentong ginamit at

istadistika sa pagpapakahulugan ng mga datos upang mabigyang katuparan

ang layunin ng pag-aaral.

DISENYO NG PANANALIKSIK

Sa isinasagawang pag-aaral, ang mga mananaliksik ay gumamit ng

kwantitatibong pananaliksik na ang mga mananaliksik ay naniniwala na ito

ang pinakamabisa at epektibong paraan sa pag-aanalisa ng dokumento sa

pag-aaral na isinasagawa. Napili ng mga mananaliksik ang pangangalap ng

datos sa paraan ng sarbey kwestyuner. Nagsagawa ng mga talatanungan na

makatutulong sa madaling paraan ng pangangalap ng datos mula sa mga

repondente. Magagamit ng mga mananaliksik sa angkop at madaling paraan

ang mga nalikom na kasagutan na naglalaman ng wasto at naayon sa

persepyon ng mga respondent ukol sa paksa.

Ayon kay Vaus (2011), malaking gamapanin ang maliwanag na

maipaliwanag ang pamamaraan ng datos na kailangan maging epektibo para


Rizal college of taal
Kolehiyo ng Kriminolohiya
mapadali ang pangangalap ng sarbey sa pag-aaral. Higit na makatutulong ito

para makabuo ng tiyak na hypothesis sa pag-aaral ng mga mananaliksik.

Madaling makakalaganap ang mga mananaliksik at maaayos ang datos na

makatutulong sa higit na mapaganda at mabigyan tugon ang mga kasagutan

sa pamamagitan ng pasusuri sa iba’t ibang artikulo na naayon sa pag-aaral. 

Sa disenyong ito mapapalawak ang kaalaman ng mga mag-aaral ukol

sa paggamit ng wikang Filipino sa paglinang ng kanilang pagkatuto at higit na

makatutulong ang bawat nilalaman ng mga katanungan sa mga mag-aaral at

mga mananaliksik. Magiging epektibo ito sa higit na paglalayong magkaroon

ng solusyon sa pag-aaral at ipaalam ang magiging kahalagahan ng wikang

Filipino sa bawat mag-aaral o maging sa Pilipino.

MGA RESPONDENTE

Ang mga mananaliksik ay naghanap ng 20 respondente na

magmumula sa mga piling mag-aaral ng Rizal College of Taal, Criminology

Department upang makahanap at makapangalap ng datos patungkol sa mga

salik na nakaaapekto sa pagbaba ng marka ng mga mag-aaral sa

Asignaturang Filipino.

INSTRUMENTO NG PANANALIKSIK

Bago isinagawa ng mga mananaliksik ang pagsasarbey ay pinag-

isipan muna itong mabuti. Nagkaroon ng isang masinsinang pagpaplano,

pagbuo ng ilang katanungan na angkop sa kanilang pag-aaral at pagwawasto

ng mga naisagawang talatanungan. Sa huli ay ang pagbuo ng pinal na sipi ng

talatanungan para sa isasagawang sarbey. 


Rizal college of taal
Kolehiyo ng Kriminolohiya
Ang mga mananaliksik ay naghanda ng talatanungan upang malaman

ang persepsyon ng mga mag-aaral ng Rizal College of Taal sa Mga Salik na

Nakaaapekto sa Pagbaba ng Marka ng mga mag – aaral sa Asignaturang

Filipino.

Paghahanda ng Talatanungan. Upang makakalap ng sapat na

impormasyon at iba pang detalyeng makakatulong sa isinasagawang pag-

aaral, ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng pananalisik sa silid-aklatan sa

loob ng paralaan ng Rizal College of Taal at nangalap din ng karagdagang

impormasyon sa internet gaya ng mga online journal at iba pa. Sa

pamamagitan ng pagtutulong – tulong ay nakapangalap ng impormasyon ang

mga mananaliksik upang makabuo ng talatanungan. Masusi itong pinag-

aralan bago ipinasa sa tagapayo upang mas maging malinaw ang mga

tanong.

Balidasyon ng Talatanungan. Isinumite ng mananaliksik sa kaniyang

tagapayo ang talatanungang binuo upang iwasto. Matapos maisangguni sa

tagapayo, siya ay nagbigay ng ilang kumento at mungkahi upang maging

tama, malinaw at maayos ang talatanungan. Matapos itong marebisa,

naghanda ang mga mananaliksik ng ilang sipi para sa balidasyon ng mga

piling tagapagtaya. Pagkatapos ng balidasyon, ang kanilang puna at

mungkahi ay isinaalang-alang at isinamang lahat ng mga mananaliksik.

Paraan ng Pangangalap ng Datos. Nang matapos ang paghahanda

at mga pagtatama sa talatanungang binuo, isa-isa nang isinakatuparan ng

mga mananalisik ang mga hakbang sa pangangalap ng datos. Ang mga


Rizal college of taal
Kolehiyo ng Kriminolohiya
mananaliksik ay sumulat ng liham-pahintulot sa mga tagapagtaya upang

humingi ng konting panahon na mabasa at mapagpasyahan kung ito’y

sasang-ayun. Ang liham ay isinumite sa tagapayo at matapos nito’y sa

dekano ng Rizal College of Taal, Department of Criminology upang maiwasto

ang nilalaman at malagdaan.

Pamamahagi ng Talatanungan. Naggawa ang mga mananaliksik ng

isang talatanungan gamit ang isang aplikasyon o google form upang

maipamahagi ang naturang talatanungan. Kaakibat ng talatanungang

sasagutan na ito ang liham-pahintulot na humihingi ng kanilang panahon na

basahin at iwasto ang salin.

Pag-iiskor. Kaagad na nilikom ng mga mananaliksik ang mga

sinagutang talatanungan pinamahagi gamit ang social media. Sinuri’t pinag-

aralang mabuti ng mananaliksik ang datos na inilaan at mga kasagutang

itinugon ng mga piling tagapagtaya.

Gumamit ang mga mananaliksik ng three-point rating scale upang

malapatan ng interpretasyon ang mga weighted mean at composite mean na

nabatid sa pag-aaral. Makikita sa sunod na pahina ang bilang ng opsiyon,

numerikang saklaw, at deskripsiyon ng mga berbal na interpretasyong ginamit

sa talatanungan.

Opsiyon Bilang Interbal Interpretasyong Berbal

4 3.50 – 4.00 Lubos na Sumasang – ayon

3 2.50 – 3.49 Sumasang – ayon


Rizal college of taal
Kolehiyo ng Kriminolohiya
2 1.50 – 2.49 Hindi Sumasang – ayon

1 1:00 – 1:49 Lubos na Hindi Sumasang – ayon

Tritment ng Datos

Ang mga mananaliksik ay masusi at maingat na pinag-isipan ang

isinagawang talatanungan upang lubos na makuha ang mga kasagutan at

opinyon ng mga mag-aaral sa Batangas State University. Sa pamamagitan

naman ng sarbey nakapagtala ng sapat na datos ang mga mananaliksik na

masusuri ang katiyakan sa pagbibigay ng interpretasyon sa bawat

katanungan. Mabilis lamang na naisagawa ang pagtatally dahil nilimitahan

lang ito sa 25 ng bilang ng mga respondente. Maiisasaayos ng mga

mananaliksik ang mga nakalap na datos sa mga respondente sa

pamamagitan ng pag-oorganisa at paglilikom ng mga katanungan dahil

isinagawa ito sa pamamagitan ng google form na kusang magtatala ng mga

nakalap na datos mula sa respondente. Ang nakalap na impormasyon ay

magiging kasagutan iupang maisaad ng mga mananaliksik ang sagot mula sa

pag-aaral at ang magiging resulta ng bawat kasagutan na mabibigyan linaw

ng mga mananaliksik gamit ang bar graph para sa magiging resulta ng

sarbey.

1. Pagkuha ng Bahagdan (Percentage)

f
p= × 100
N

Kung saan ang:


Rizal college of taal
Kolehiyo ng Kriminolohiya
P – bahagdan

F – dami ng sumagot sa bawat aytem

N – kabuuang bilang ng mga tumutugon sa kuwestyunaryo

2. Weighted Mean

fx
WM=∑ ¿
n

Kung saan ang:

WM – Weighted Mean

f – dami ng tumugon sa dami ng opsyon

X – puntos ng bawat opsyon

fx – kabuuang bunga ng f at x

Mga Estadistikang Ginamit sa Pag - aaral

Ginamit ng mga mananaliksik ang mga sumusunod na estadistika o

statistics sa pag-aanalisa at pag-iinterpret ng mga sagot ng mga sipi ng

talatanungang ipinamahagi at kinalap mula sa mga tagapagtaya.

Frequency. Ito ay gagamitin upang makilala ang dami o dalas ng

magiging sagot sa mga tanong na kanilang sinagutan.

Percentage. Ito ay gagamitin upang makuha ang bahagdan ng iba’t

ibang sagot ng mga tagapagtaya.

Weighted Mean. Ito ay gagamitin upang matukoy ang antas ng

pagsang-ayon ng mga tagapagtaya sa mga salik na nakaaapekto sa pagbaba

ng marka ng mga mag-aaral sa asignaturang Filipino.


Rizal college of taal
Kolehiyo ng Kriminolohiya
Composite Mean. Ito ay gagamitin upang makuha ang kabuuang

weighted mean ng lahat ngt aytem na pinasagutan sa mga tagapagtaya.

You might also like