Lesson Plan Final 20000000

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 8

Republic of the Philippines

AKLAN STATE UNIVERSITY -IBAJAY CAMPUS


College of Hospitality and Rural Resource Management
Department of Education
Ibajay, Aklan

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO PAGTUTURO SA BAITANG 3

I. Mga Layunin
Pagkatapos ng talakayan, ang mga mag-aaral ay inaasahang maipapamalas
ang mga sumusunod:
1. Naipapahayag ang kahulugan ng pandiwa
2. Nakikilala o natutukoy ang mga salitang kilos.  
3. Naipapahayag ang kahalagahan ng pandiwa
ll. Paksang Aralin
A. Paksa: Pandiwa
B. Sanggunian: Filipino Batayang Aklat sa Wikang Filipino Ikatlong Baitang.
C. Mga kagamitan: laptop, tv, tarpapel, cartolina, chart
D. Paghahalagang Moral:  Kahalagahan ng paggamit ng mga
pandiwa sa pangungusap at komunikasyon.

lll. Pamamaraan

Gawaing Guro Gawaing Mag-aaral


Panimulang Gawain

1. Panalangin
Magsitayo ang lahat para sa ating pambungad na (Tatayo ang lahat para sa panalangin.)
panalangin. pangunahan mo ang ating
panimulang panalangin sa araw na ito.

2. Pagbati
Magandang umaga mga minamahal at magigiliw kong
Magandang umaga din po, Binibining Dina!
mga mag-aaral.
Mabuti naman po!
Kamusta naman ang inyong araw ngayong umaga?
Opo, Ma’am!
Lahat ba ay nakapag almusal?

Magaling, dahil ngayong umaga ay kailangan niyo ng


enerhiya para sa ating bagong paksang tatalakayin.

Ngayon, handa na ba kayo para sa bagong aralin na Opo, Ma’am!


tatalakayin natin ngayong umaga?

Kung gayon, paki-ayos muna ang inyong mga upuan at


pulutin ang mga kalat sa sahig.

Meron tayong mga alintuntunin habang si titser ay


nagtatalakay dito sa unahan. Kailangang makinig ng
mabuti, maging marespeto, at iwasan ang
pakikipagkwentuhan sa katabi. Opo, Ma’am!

Maliwanag ba, mga bata?

3. Balik Aralin
Bago tayo dumako sa ating bagong aralin, magbalik
aral muna tayo.
Tungkol sa pangngalan po, titser.
Ano ang ating tinalakay na aralin kahapon? Ikaw
?

Magaling!
Ang pangngalan ay tumutukoy sa pangalan
Ang ating paksa na tinalakay kahapon ay pangngalan.
ng tao, bagay, hayop at iba pa.
Ano nga ulit ang kahulugan ng pangngalan?
Ikaw ?

Mahusay!
Ang pangngalan ay tumutukoy sa pangalan ng tao,
bagay, hayop at iba pa.

Magaling! Talagang naunawaan ninyo ang ating aralin


kahapon.
4. Pagsasanay
Opo, Ma’am.
Bago tayo dumako sa ating bagong aralin ngayong
umaga, meron akong inihandang kanta para sa inyo.
Handa na ba kayo?
Opo, Titser.
Ngayon ay kakantahin natin ang kantang “Kung Ikaw
ay masaya”. (Lahat ay makikilahok sa pagkanta)
Alam niyo ba ang kantang ito?
Kung ganun, tumayo ang lahat at sabay-sabay tayong
sasayaw at kakanta.
Kung Ikaw Ay Masaya
Kung ikaw ay masaya tumawa ka (hahaha)
Kung ikaw ay masaya tumawa ka (hahaha)
Kung ikaw ay masaya buhay mo ay sisigla
kung ikaw ay masaya tumawa ka (hahaha)

Kung ikaw ay masaya pumalakpak


Kung ikaw ay masaya pumalakpak
Kung ikaw ay masaya buhay mo ay sisigla
Kung ikaw ay masaya pumalakpak

Kung ikaw ay masaya pumadyak ka


Kung ikaw ay masaya pumadyak ka
Kung ikaw ay masaya buhay mo ay sisigla
Kung ikaw ay masaya pumadyak ka
Tumatawa, pumapalapak, kumekembot, at
pumapadyak po ma’am.
Magaling mga bata, napakahusay niyo namang
sumayaw at kumanta.
Batay sa awit, ano ang inyong ginagagawa kapag kayo
ay masaya? Ikaw ?
Tama!
Tumatawa, pumapalapak, kumekembot, at
pumapadyak.
Yan ang karaniwang ginagawa kapag tayo ay masaya. (ang mga bata ay magbibigay ng kanilang
Bigyan naten si ng aling Aling Dionesia mga sagot)
applause.
Ano-ano naman ang inyong ginagawa kapag kasama
ang inyong kaibagan o kaklase?
Napakahusay, lahat ng inyong mga sagot ay tama!
Masaya talaga kapag kasama ang kaibagan o kaklase.
5. Paggaganyak
Opo, Ma’am!
Ngayong umaga, tayo ay magbabasa naman tayo
tungkol sa “Paghahanda ni Berta papuntang paaralan.”
( Lahat ay makikinig sa kwentong
Nagagalak na ba kayong malaman kung ano ang binabasa )
ginagawang paghahanda ni Berta bago siya pumasok
sa paaralan?
Hali na at makinig ng mabuti.

Umaga na at narinig ni Berta ang tilaok ng


manok. Tumayo siya agad at naglakad papuntang
banyo. Siya ay naghilamos at tumingin sa salamin.
Maya maya pa ay tinawag siya ng kanyang ina.

"Berta! Kakain na." "Opo, inay", sagot ni Berta. Agad na


nagtungo si Berta sa hapag kainan. Umupo siya at
sinabi ng kanyang ina na magdasal muna. Nagdasal si
Berta bago kumain. Pagkatapos magpasalamat sa
Panginoon, agad siyang kumain. Mabilis niyang inubos
ang kanyang pagkain at uminom agad ng tubig pagkat
alam niya na kapag binagalan niya pa ay mahuhuli na
naman siya sa klase. Pagkatapos kumain ay agad
naman siyang naligo at nagbihis ng
uniporme. Nagsuklay at kinuha ang gamit.
Nang Ang mga salita ay may mga salungguhit po,
makapaghanda na ay nagpaalam na siya sa kanyang Titser .
ina.
A. Mga Aktibidad sa Pag-unlad

1. Paglalahad ng Aralin
Ano ang inyong napansin sa mga salitang binasa natin?
Ikaw Opo, titser!
?
Magaling!
May mga salungguhit.
Bigyan natin si ng bird applause.
Pandiwa po, titser!
Tignan niyo ng mabuti ang may mga salitang
salungguhit, kapag ginawa niyo ba ito kayo ba ay
gumagalaw at kumikilos mga bata?
Magaling mga bata!
Ang mga salitang may mga salungguhit nayan ay ang
salitang nagsasaad ng kilos.
Ano sa palagay niyo ang paksang tatalakayin natin
ngayong umaga, batay ito sa mga salitang may mga
salungguhit? Ikaw ?
Natumpak mo!
Bigyan natin si ng firewoks applause.

Ang ating aralin na tatalakayin natin ngayong umaga ay


tungkol sa Pandiwa.

Ano nga ba ang pandiwa?

Ang pandiwa ay bahagi ng pananalita o wika na


nagsasaad ng kilos, aksyon, o galaw.

Ano-ano naman ang mga halimbawa ng pandiwa?

Ang mga halimbawa ng mga pandiwa ay :

kumakain (ang mga bata a magbibigay ng kanilang


tumatakbo
tumatalon ibat-ibang sagot)

Opo, Titser!

naglalakad nagdadasal
( Lahat ay gagawa ng mga Gawaing
ibinigay)
Magbigay ng iba pang halimbawa.

Napakagaling mga bata, lahat ng mga sagot niyo ay


tama.

Naintindihan na ba ang ibig sabihin ng salitang


pandiwa?

Kung ganun, may aktibiti tayong gagawin para 1. Nagsipilyo


malaman ko kung kayo ba talaga ay nakinig at kung
naiintindihan niyo ba talaga ang aralin natin ngayong 2. Binuksan
umaga. 3. Magluluto
4. Naglalaro

2. Pagpapakita ng mga kasanayan 5. nagsasayaw

Gawain 1

Basahin ang mga sumusunod na pangungusap. Piliin


ang pandiwang ginamit at isulat ito sa loob ng kahon.
1. Nagising
1. Ako ay nagsipilyo ng ngipin araw-araw.
2. Binuksan
2. Tinutupi ko ngayon ang aking mga damit. 3. Nagluluto
3. Si Nenita ay magluluto ng ginataan mamaya. 4. Naghahabulan
5. Basahin
4. Ang mga bata ay naglalaro sa parke.

5. Nagsasayaw ang aking mga kapatid.

Para naman sa gawain 2, salungguhitan ang pandiwa


sa bawat pangungusap.

1. Nagising ako dahil sa maingay na aso.


2. Binuksan niya ang pintong kanilang kwarto.
3. Si Lola ay nagluluto ng masarap na almusal.
4. Ang mga aso ay naghahabulan sa bakuran.
5. Basahin mo ang mga panuto.

Magaling mga bata napakahusay niyo naman,


masaya si titser dahil naintindihan niyo ang ating
paksang tinalakay ngayong umaga.

3. Pangkatang Gawain Nagsusuklay naghuhugas naghihilamos

Ngayon, ipapangkat ko kayo sa tatlo. Bawat pangkat ay


bibigyan ko ng gawain na sasagutan niyo. Kailangan
mayroon kayong team work. Pumili ng leader sa bawat
pangkat. Bibigyan ko lamang kayo ng limang minuto at
pagkatapos ng limang minuto, ipasa na sa akin ang Nagbabasa nag-iinom nagdidilig
gawain na inyong nagawa.

Para sa unang pangkat, tignan ang larawan ng maigi at


isulat ang angkop na salitang pandiwa.

Naglalakad kumakain naliligo nagsusulat

Para sa ikalawang pangkat, tignan ang larawan ng


maigi at ilagay ang angkop na pandiwa sa kahon.

v
1. Kumakain 2. uumiiyak

3. Kumakanta 4. Tumatakbo
At para naman sa ikatlong pangkat, ilagay sa bawat
kahon ang wastong pandiwa na ipinakikita sa bawat
larawan.

5.Nagsusulat 6. naglilinis
1. 2.

7. natutulog 8. Nagsisipilyo
4.

9. nagbabasa 10. Umiinom


6. 5.

8. 7.

Mahalaga ang pandiwa sapagkat ito ay


ginagamit natin tuwing tayo ay nakiki pag
10. komunikasyon sa ating kapwa tao.
9.

4.
Paglalahat

Ano ang kahalagahan ng pandiwa? Ikaw


?

Magaling , palakpakan natin si sa


napakahusay niyang sagot.

At ang pandiwa din ay mahalaga, sapagkat lahat ng


kilos na ginawa natin ay nagsasaad ng kilos.

5. Pagtataya
Panuto: Ang pandiwa ay salitang nagpapahiwatig ng lilos o gawa. Bilugan ang
pandiwa sa bawat pangungusap.

1. Maagang nagising si Gloria dahil sa malakas na tilaok ng tandang.


2. Binuksan niya ang pinto at mga bintana ng kanilang sala.
3. Si Ate ay naghahanda ng masarap na almusal sa kusina.
4. Narinig ni Boyet ang ingay ng mga sasakyan sa labas.
5. Ang mga alagang aso ay masayang naghahabulan sa bakruran.
6. Ang mahiyain na kuting ay nagtatago sa likod ng aparador.
7. Si Itay ay umiinom ng mainit na kape sa beranda.
8. Sabay-saba kumain ng almusal ang buong mag-anak.
9. Sa loob ng banyo nagsipilyo ng ngipin si Gloria.
10. Tinulungan ni gloria ang kanyang bunsong kapatid.

6. Takdang Aralin

Magbigay ng mga salitang kilos na ginagawa niyo sa inyong tahanan at gawan


ng pangungusap.

Inihanda ni:

DINA A. CASTRO
Student Teacher

Nabatid nina:

LEA MAE C. MAG-APAN


Mentor

MARICEL V. TRIBO
Internship Adviser

Inirekomenda ni:
MEYZCEL P. CUESTA, MAT
Internship Supervisor

Ipinagtitibay nina:

ROSEBELLA S. FERNANDEZ
Head Teacher Ill, Sta.Cruz Elemantary School

GENARA V. VERANGEL, PhD, RCh


Head, Teacher Education Department

You might also like