GROUP 2. MALIKHAING PAGSULAT. II

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

CE 101 – Malikhaing Pagsulat

KONSEPTONG
PAPEL
IKALAWANG GRUPO
Isinumite nina:
LEADER: Hernandez Ronalyn
Bulan, Linda
Atienza, Jovelyn
Mamerta Joy, Palmones
Manito, Danica
Recarro, Jacquilyn
Meneses, Bernard

Isinumite Kay:
Gng. Ronalie, Deopenes
ANO NGA BA ANG EPEKTO NG MAKABAGONG TEKNOLOHIYA SA
PAG-AARAL AT PAGKATUTO NG MGA MAG-AARAL?

RASYONALE

Sa bagong henerasyon masasabi natin na malaki ang naging epekto ng teknolohiya sa


mga kabataan, kung paano manalita, kumilos, manamit at marami pang iba. Ano nga ba ang
teknolohiya? Ayon kay Angeline Yder, ang teknolohiya ay ang pagsulong at paglapat ng mga
kasangkapan, makina, kagamitan at proseso upang tumulong sa paglutas ng mga suliranin ng
tao.

Patuloy na lumalago o yumayabong ang teknolohiya. Maraming gumagamit nito bilang


kaagapay sa mga gawain, upang mapadali ang pagkalap ng mga impormasyon. Halos lahat ay
nakadepende na sa teknolohiya, gamit na gamit din ito lalo’t higit sa mga paaraln. Sa tulong
mga makabagong teknolohiya agad ay mahahanap natin ang impormasyon na nais natin lalo
na sa ating mga pampaaralang gawain. Malaking benepisyo ang naibibigay ng teknolohiya sa
mga mag-aaral at tumutulong din ito upang maunawaan nila ang iba’t ibang kaalamang pang-
akademiko.

Nalikha ang pag-aaral na ito sapagkat nais ng mga mananaliksik na mabigyang


katunayan o mapagtibay ang ideya na ang mga makabagong teknolohiya ay nakatutulong sa
pag-aaral at pagkatuto ng mga mag-aaral. Labis itong mahalaga para sa mga mag-aaral upang
mas magkaroon sila ng kaalaman sa mga bagay-bagay at yumabong ang kanilang kaalamang
pang-akademiko. Ayon sa pag-aaral ni Ripley (n.d) sa paksang Visual Aids, higit na
nakatutulong ang makabagong teknolohiya sa paaralan. Sinabi niyang ang nakaraang
pamamaraan ng pagtuturo ay obsolete na, dahil hindi na ito nababagay sa kasalukuyang
kapaligiran ng isang silid-aralan na kung saan ay tumataas na ang kompetisyon.

LAYUNIN
Ang hangarin ng pag-aaral na ito ay mapatatag o mapagtibay na ang makabagong
teknolohiya ay mas higit na nakatutulong sa pag-aaral at pagkatuto ng mga mag-aaral lalo't
higit sa kasalukuyang panahon. Layunin din ng pag-aaral na makamit ang mga sumusunod:
1. Mabigyang linaw ang iba't ibang epekto ng teknolohiya sa pag-aaral at pagkatuto ng
mga mag-aaral.
2. Malaman ang iba't ibang uri ng teknolohiyang madalas na ginagamit ng mga mag-aaral
at guro sa paaralan.
3. Mabigyang katunayan ang mas maraming naitutulong ng makabagong teknolohiya sa
pag-aaral at pagkatuto ng mga mag-aaral.

METODOLOHIYA

Sa bahaging ito ng konseptong papel, malalaman ang mga paraan na gagawin upang
makamit ang mga layunin.

Sa pangangalap ng sapat at tamang impormasyon, magsasagawa ng personal na panayam sa


mga mag-aaral. Sa paraang ito ay malalaman ang mga detalyadong impormasyon katulad na
lamang sa pansarili nilang karanasan sa paggamit ng makabagong teknolohiya, kanilang
saloobin patungkol dito, mga kaalaman nila sa paggamit at kung paano ito nakakaapekto sa
kanilang pag-aaral at pagkatuto.

RESULTANHG INAASAHAN

Sa bahaging ito ng konseptong papel makikita ang mga resultang inaasahan ng mga
mananaliksik.

Ang resultang inaasahan sa pag-aaral na ito ay mabigyang katunayan ang halaga ng


makabagong teknolohiya sa mga mag-aaral at kung paano nito pinagyayaman ang kakayahan
nilang matuto at mapabilis ang kanilang mga gawain. Inaasahan na mas maraming mag-aaral
ang magpapatunay na ang makabagong teknolohiya ay tunay na malaki at mas maraming
positibong epekto kesa sa negatibong epekto sa mga mag-aaral lalo na sa kasalukuyang
panahon, bawat sulok ng mundo ay may teknolohiyang ginagamit upang mapabilis ang mga
gawain, lalo't higit sa pag-aaral at pagkatuto ng mga mag-aaral. Sa positibong paggamit ng
makabagong teknolohiya ay tunay na makasasabay tayo sa pabago-bagong mundo. Inaasahan
din ng pag-aaral na maging daan ito upang mabigyang kaalaman ang mga mambabasa
patungkol sa makabagong teknolohiya, epekto nito sa pag-aaral at pagkatuto.

You might also like