AP10 Q4 Reviewer

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

ARALING PANLIPUNAN 10- IKAAPAT NA MARKAHAN

Pangalan________________________________________________________________

Pangkat ________ Guro ___________________________________________________

Aralin PAPEL NG MAMAMAYAN SA PAGKAKAROON NG


MABUTING PAMAMAHALA

7
MELC/Kasanayan

Napahahalagahan ang papel ng mamamayan sa pagkakaroon ng mabuting

pamamahala.

Sa aralin na ito malalaman mo ang iyong papel sa pagkakaroon ng mabuting


pamamahala bilang bahagi ng iyong lipunang ginagalawan. May mga gawain din
na inihanda upang masukat ang iyong natutunan tungkol sa aralin. Inaasahan ko
na magiging interesado ka sa araling ito sapagkat ito ay katunayan na ang bawat
mamamayan ay may papel na ginagampanan sa lipunan.
Ang modyul na ito ay nakapokus sa pag-aaral ng papel ng mamamayan sa
pagkakaroon ng mabuting pamamahala bilang mahalagang konsepto ng mga isyu
at hamon sa pagkamamamayan, matapos ang aralin inaasahan na:
1. Naipaliliwanag ang kahulugan ng participatory governance;
2. Nasusuri papel ng mamamayan sa paglahok sa pagkakaruon ng
mabuting pamamahala. ang participatory governance; at
3. Napapahalagahan ang mabuting pamamahala o good governance ng
pamahalaan

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot. Isulat sa sagutang papel ang iyong kasagutan.

_________ 1. Ang konseptong ito ay isang mahalagang paraan ng mamamayan para


maisakatuparan ang ating iginigiit na pagbabago sa pamahalaan.
a. Elitist Democracy c. Participatory governance
b. Good Governance d. Public hearing

AP 10- QRT.4- WEEK 7


ARALING PANLIPUNAN 10- IKAAPAT NA MARKAHAN

_________ 2. Bakit mahalaga sa isang bansa ang aktibong pakikilahok ng mga


mamamayan sa mga nangyayari sa kanilang paligid?
a. sapagkat mapaaktibo man o hindi, makalalahok pa rin ang mga
mamamayan sa mga nangyayari sa bansa

b. sapagkat kakikitaan ng mga karapatang pantao ang mga


mamamayan batay sa itinakda ng saligang batas

c. sapagkat malaki ang bahaging ginagampanan ng mga mamamayan na makatugon


sa mga isyu at hamong panlipunan

d. sapagkat mas magiging makapangyarihan ang mga opisyal ng pamahalaan kung


magiging aktibo ang mga mamamayan sa bansa

_________3. Bakit mahalaga ang pagsasagawa ng participatory governance?

a. mas maraming sasali sa civil society

b. mawawalan ng silbi ang mga opisyal ng pamahalaan

c. maiiwasan ang pagtutol sa mga proyekto ng pamahalaan

d. mas magiging matagumpay ang proyekto ng pamahalaan

_________4. Basahin ang sumusunod na mensahe:

“Ask not what your country can do for you, ask what you can do for
your country.” Ano ang nais ipaabot ng pahayag ni Pangulong John F.
Kennedy?

a. Ang pamahalaan at ang mga mamamayan ay may kani-kaniyang

karapatan at tungkulin.

b. Ang mga mamamayan ay dapat na palaging mulat sa mga

polisiya at proyekto ng pamahalaan.

c. Ang pagiging isang mapanagutang mamamayan ay

makatutulong sa pag-unlad ng isang bansa.

d. Ang isang bansang malaya ay may sariling pamahalaan at

pamantayan sa pagkamamamayan.

_________5. Kabilang sa kaisipang ito ang lahat ng politikal na pakikilahok tulad ng


eleksiyon, paglahok sa civil society, at pagkakaroon ng participatory
governance.

a. Bill of Rights c. Good governance

b. Community-based Organization d. Rule of law

AP 10- QRT.4- WEEK 7


ARALING PANLIPUNAN 10- IKAAPAT NA MARKAHAN
_________6. Alin sa sumusunod ang isa sa mga paraan ng pagsasagawa ng participatory

governance?

a. Pangangalap at pamamahagi ng impormasyon sa mga mamamayan

b. Pakikilahok sa halalan

c. Pamamahagi ng relief goods sa panahon ng kalamidad

d. Pakikipanayam sa mga pinuno ng pamahalaan

_________7. Maraming bansa sa daigdig ang nagnanais na mangibabaw ang good


governance sa kanilang pamahalaan, subalit ano ang dahilan sa pananatiling
masalimuot ng konsepto nito?

a. Hindi sumusunod ang mga tao.

b. Iba - iba ang pakahulugan at manipestasyon nito sa mga bansa.

c. Hindi pagkakasundo-sundo ng mga pinuno.

d. May kaniya-kaniyang nais ipatupad ang bawat pinuno.

_________8. Alin sa mga ito ang binibigyang-pansin ng good governance?

a. Economy b. Equity c. Integrity d. Unity

_________9. Ayon kina Koryakov & Sisk, ano ang mabuting naidudulot ng participatory

governance?

a. Pagbuo ng social capital

b. Pagsasakatuparan ng kapangyarihang mangasiwa

c. Paggawa ng mga polisiya

d. Pagpili ng mabubuting opisyal

_________10. Paano magiging aktibo ang paraan ng pakikilahok ng mga mamamayan

sa participatory governance?

a. Ang mga mamamayan ay kasama mismo sa pagbuo ng mga programa at

paggawa ng desisyon ng pamahalaan

b. Kapag ang mga mamamayan ay mabibigyan ng pagkakataong mamuno

c. Kapag ipapaalam sa mamamayan ang mga nabuong pagpapasya

d. Ang mga mamamayan ay isasali sa mga pagpupulong ng mga pinuno

AP 10- QRT.4- WEEK 7


ARALING PANLIPUNAN 10- IKAAPAT NA MARKAHAN

Panuto: Tukuyin ang mga salitang inilalarawan sa sumusunod na pangungusap.

_____________1. Dito kabilang ang mga sectoral group na kinabibilangan ng kababaihan


at kabataan.

_____________2. Ito ang uri ng NGO na nagbibigay ng tulong pinansyal sa mga POs
para tumulong sa mga nangangailangan.

_____________3. Ito ay ang sektor ng lipunan na binubuo ng mga nakikilahok sa mga


kilos protesta, mga lipunang pagkilos, at mga boluntaryong
organisasyon.

_____________4. Nilalayon ng samahang ito na suportahan ang mga programa ng mga

grass roots organization.

_____________5. Ang layunin ng konsehong ito ay bumuo ng isang plano para makamit

ang kaunlaran ng mga lokal na pamahalaan.

Paksa 3: Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon ng Mabuting Pamamahala

Sanggunian: https://www.pinterest.com

Bilang mamamayan, napagtanto mo na ba ang kahalagahan ng iyong paglahok sa


mga nagaganap sa ating lipunan? Upang iyong lubusang maunawaan ang nais ipahiwatig
ng paksang ito, simulan mong unawain ang dalawang konseptong may kaugnayan dito. Ito
ay ang sumusunod:

1. Democracy Index - nakabase ito sa United Kingdom na binubo ng Economist


Intelligence Unit. Pinag - aaralan nito ang kalagayan ng demokrasya sa 167 bansa sa
buong mundo. Ayon sa Democracy Index 2019 ang Pilipinas ay panglimampu’t apat sa
kabuuang 167 na bansa. Ang Pilipinas ay itinuturing na isang flawed democra, may
malayang halalang nagaganap at nirerespeto ang mga karapatan ng mamamayan nito

AP 10- QRT.4- WEEK 7


ARALING PANLIPUNAN 10- IKAAPAT NA MARKAHAN
subalit may dinaranas itong suliranin sa ibang aspekto tulad ng pamamahala at mahinang
politikal na pakikilahok.

2. Corruption Perception Index - inilalathala ito taon-taon ng Transparency International


mula pa 1995. Ito ay naglalaman ng pananaw ng mga eksperto tungkol sa lawak ng
katiwalian ng bansa. Sa taong 2019, ang Pilipinas ay ika-113 mula sa 180 na bansa na
pinaka hindi tiwali. Nahihinuha ang datos na ito sa pamamagitan ng Global Corruption
Barometer na kaisa-isang pandaigdigang survey na nagtatanong sa opinyon ng mga tao
tungkol sa katiwalian sa kanilang bansa.

Malaki ang suliraning kinakaharap ng ating bansa kung ang mga binanggit ang
bibigyan ng tuon. Kaya sa usaping ito, mahalagang kumilos ang mga mamamayan upang
tugunan ang mga isyu at suliranin ukol dito.

Participatory Governance

Ito ay isang uri ng pansibikong pakikilahok kung saan ang mga ordinaryong
mamamayan ay katuwang ng pamahalaan sa pagbalangkas at pagpapatupad ng mga
solusyon sa suliranin ng bayan. Dito ay aktibong nakikipag-ugnayan ang mamamayan sa
pamahalaan upang bumuo ng mga karampatang solusyon sa mga hamon ng lipunan.

Ayon kina Koryakov & Sisk, 2003 kung ang kapangyarihan ng isang estado ay tunay
na nagmumula sa mga mamamayan, mahalagang makisangkot ang mga mamamayan sa
pamamahala dahil sa magiging matagumpay ang isang proyekto kung malaki ang
partisipasyon dito ng mamamayan.

Ang participatory governance ay magdudulot ng pagbuo ng social capital o ang pagbuo


ng tiwala sa pagitan ng pamahalaan, civil society, at mga mamamayan, na isang
mahalagang elemento sa isang demokrasiya at mabuting pamamahala.

Mga paraan ng pagsasagawa ng Participatory Governance:

1. Pagpapangalap at pagbabahagi ng impormasyon sa mamamayan, halimbawa nito


ay ang pagdalo sa mga public hearing at pasasagawa ng mga survey.

2. Pagsama sa mga mamamayan sa mga consultation tungkol sa mga isyung


mahalaga para sa bayan. Ayon sa mga ekpsperto, mas magiging aktibo ang paraan ng
pakikilahok ng mga mamamayan kung sila ay kasama mismo sa pagbuo ng mga programa
at paggawa ng mga desisyon ng pamahalaan.

Mabuting Pamamahala o Good Governance

Anumang paraan ng politikal na pakikilahok tulad ng eleksiyon, paglahok sa civil


society, at pagkakaroon ng participatory government ay naglalayong makamit ang isang
mabuting pamamahala o good governance.

Iba’t ibang pananaw tungkol sa Good Governance:

Ayon kay Gerardo Bulatao (pinuno ng Local Governance Citizens and Network), ito ay
interaksiyon ng mga ahensya at opisyal ng pamahalaan sa corporate sector, civil society
organizations (CSOs) at mga partidong politikal (ANGOC 2006). Ang mahusay na

AP 10- QRT.4- WEEK 7


ARALING PANLIPUNAN 10- IKAAPAT NA MARKAHAN
interaksiyong ito ay makapagdudulot ng paggawa ng mga polisiya, pagtukoy ng mga
nararapat na priyoridad, paglaan ng yaman, pagpili ng mga opisyal, at pagsasakatuparan
ng mga hakbang. Sa kabilang dako, maituturing pa ring masalimuot ang konsepto ng good
governance sa maraming bansa sa daigdig dahil sa iba’t ibang pakahulugan at
manipestasyon nila ukol dito.

Para sa World Bank, ito ay isang paraan ng pagsasakatuparan ng kapangyarihang


mangasiwa sa economic resources ng bansa para sa kaunlaran nito (1992 Report on
Governance and Development). Sustainability o ang pagpapanatili ng mga proyektong
pinansiyal na tinutustusan ng World bank ang interes nito.

Lumilitaw na ang katuturan ng good governance para sa World Bank ay ang


pagkakaroon ng isang bansa ng bukas at malinaw na polisiyang pangkaunlaran, may
mataas na kalidad ng propesyonalismo sa burukrasya, at mapanagutang pamahalaan sa
mga aksiyon nito.

Ang tunay na manipestasyon ng pagkakaroon ng good governance ay ang antas ng


pagpapaabot ng mga pangako ng mga karapatang pantao sa lahat ng aspekto: sibil,
kultural, ekonomiko, politikal, at sosyal.

Diyagram ng katangian ng good governance bisitahin ang https://www.unescap.org

Mahalaga ring pagtuunan ng pansin ang dalawa sa katangian ng good governance:


ang kapananagutang politikal at katapatan. Ipinakikita ritong may pananagutan ang mga
opisyal ng pamahalaan at maging ang pribadong sektor at mga organisasyon ng civil
society sa mamamayan pagdating sa mga pagpapasyang nakaaapekto sa pangkalahatang
interes ng isang pamayanan at ng bansa sa kabuuan.

Gawain 1 Magsaliksik tayo!

1. Magsaliksik ng isang Case Study na nagpapakita ng Participatory Governance na


ipinapatupad sa isang bansa na mula sa Timog Amerika.

2. Suriin ang Participatory Governance sa siyudad ng Naga sa rehiyon ng Bikol, bisitahin


ang www.google.com (icld-workingpaper-10-tryck-low.pdf)

3. Gumawa ng paghahambing sa isinagawang Participatory Government ng dalawang


estado. Isulat sa isang buong papel ang iyong mga napunang pagkakatulad at pagkakaiba.

AP 10- QRT.4- WEEK 7


ARALING PANLIPUNAN 10- IKAAPAT NA MARKAHAN
Gawain 2. CONCEPT MAPPING

Panuto. Punan ng tamang mga salita na hinihingi sa konsepto bilang paglalarawan dito.

Papel ng Mamamayan sa Pagkakaroon

ng Mabuting Pamamahala

Ang mamamayan ay malaki ang papel na ginagampanan sa pagkamit ng kaunlaran at


pagbabago sa bayan. Maisasagawa lamang ito kung isasaisip at isasabuhay nila ang
Participatory Governance na siyang daan upang makabuo ng karampatang solusyon sa
mga suliranin ng lipunan. Ito rin ang daan upang makamit ang hinahangad na Good
Governance

Tanong: Sagot.Punan ng tamang sagot ang usapan sa ibaba.


Ano ang papel ng mamamayan Paano nakatutulong sa
sa pagkakaroon ng mabuting mabuting pamamahala ang
pamamahala? Participatory Governance at
Good Governance?

Panghuling Pagsusulit

Panuto: Lagyan na √ (tsek) ang patlang sa bawat numero kung ang isinasaad ng
pangungusap ay tama at X (ekis) naman ang isusulat kapag ito ay mali.

_________1. Tanging ang mga opisyal ng pamahalaan lamang ang may pananagutan
pagdating sa mga pagpapasyang nakaaapekto sa pangkalahatang interes ng isang
pamayanan at ng bansa sa kabuuan.

AP 10- QRT.4- WEEK 7


ARALING PANLIPUNAN 10- IKAAPAT NA MARKAHAN
__________2. Ang tunay na manipestasyon ng pagkakaroon ng good governance ay ang
antas ng pagpapaabot ng mga pangako ng mga karapatang pantao sa lahat ng aspekto:
sibil, kultural, ekonomiko, politikal, at sosyal.

__________3. Mas magiging aktibo ang paraan ng pakikilahok ng mga mamamayan kung
sila ay hindi makikialam sa pagbuo ng mga programa at paggawa ng mga desisyon ng
pamahalaan sapagkat sila ay nakakagulo lamang.

__________4. Ang pagsama sa mga mamamayan sa mga consultation tungkol sa mga


isyung mahalaga para sa bayan ay isa sa mga paraan sa pagsasagawa ng participatory
government.

__________5. Ang participatory governance ay naglalayong makamit ang mabuting


pamamahala o good governance.

_________ 6. Ang mababang Corruption Perception Index ng isang bansa ay nagpapakita


ng good governance ng mga pinuno dito.

_________7. Ang Pilipinas ay isang demokratikong bansa subalit may suliranin pa rin ito sa
usaping politikal na pakikilahok kung kaya’t di masasabing ang participatory governance
nito ay matagumpay.

________8. Sa isyu ng katiwalian, ang Pilipinas ay may malaking suliranin dito ayon sa
isinagawang survey ng Global Corrution Barrometer kaya mahalagang kumilos ang mga
tao upang malutas ang isyu tungkol dito.

________9. Maituturing pa ring masalimuot ang konsepto ng good governance sa


maraming bansa sa daigdig dahil sa iba’t ibang pakahulugan at manipestasyon nila ukol
dito.

________10. Ang participatory governance ay isa sa pinakamahalagang elemento ng


demokrasya sa isang bansa.

Samu’t saring suliranin ang kinakaharap ng ating bayan sa kasalukuyan. Ang


pandemiya na nagdudulot ng kahirapan sa kahit saang bahagi ng mundo, ito rin ay
nananalanta sa ating bansa. Ngayon ang nararapat na panahon upang iyong sagutin ang
katanungang ito: Ano ang iyong maaaring gawin para matugunan ang mga isyung
panlipunan sa kasalukuyan.

AP 10- QRT.4- WEEK 7


ARALING PANLIPUNAN 10- IKAAPAT NA MARKAHAN

SAGUTANG PAPEL-Week 7
PANGALAN:_____________________________________________________________

PANGKAT:_______________________________Guro:__________________________

PAUNANG PAGSUSULIT:

1. 2 3. 4. 5.

6. 7. 8. 9. 10.

BALIK TANAW:

1. 2 3. 4. 5.

GAWAIN: Ilagay ang iyong sagot sa portfolio

Natutuhan: Ilagay ang iyong sagot sa portfolio

PANGHULING PAGSUSULIT

1.

2.

3.

4.

5.

6.

7.

8.

9.

10.

Pagninilay: Ilagay ang sagot sa portfolio

AP 10- QRT.4- WEEK 7

You might also like