Week 7-DAY 1

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

IKAPITONG LINGGO – Unang Araw

I. Mga Layunin
A. Nasasagot ang mga tanong sa binasang anekdota F5PB-Id-3.4
B. Nagagamit nang wasto ang mga pangngalan at panghalip sa
pagtalakay tungkol sa sarili,sa mga tao, hayop,lugar,bagay at
pangyayari sa paligid F5WG-Ia-e-2
II. Paksang-Aralin
Anekdota:Napakabata Ko Pa Para...
Sanggunian: Curriculum Guide p.67
Saligan:Sining ng Komunikasyon para sa Mababang
Paaralan pp.349-350
Kagamitan: DLP,tsart
Pagsasapuso: Pagiging Maagap
III. Yugto ng Pagkatuto
A. Paghahawan ng Balakid
Basahin ang mga pangungusap. Piliin at salungguhitan ang
kasingkahulugan ng mga salitang italisado batay sa pagkakagamit
nito sa pangungusap.
1. Naging ugali kong aluin si Inay tuwing makikita ko siyang
nalulungkot (aliwin,basahan,patawanin)
2. Ang mga mata nila’y pawang nang-uusig.
(nanlalaki,nag-uusisa,nanlilibak)
3. Napalundag ako sa malaking takot.
(Napasayaw, Napatayo, Napatalon)
4. Hahalakhak silang lahat sa akin.
(Tatawa, Hahamak, Hahalik)
5. Magtataka sila kung saan ako napasuot.
(napasabit,nakarating,nakaalis)
B. Pagganyak

May nakakatawa ka bang karanasan? Ikuwento ito sa klase.

C. Pagganyak na Tanong
Ang kuwentong babasahin natin ngayon ay may pamagat na
Napakabata Ko Pa Para...
Anong kadugtong ng pamagat ng ating kuwento?
D. Gawin Natin

Basahin ang anekdota ng isang batang katulad mo.

Napakabata Ko Pa Para...

Napalundag si Lucy sa kanyang higaan. Napaupong bigla sa


kanyang kama nang masulyapan ang orasan. Tanghali na
pala....ikapito at labinlamang minuto na ng umaga, nasabi niya sa
sarili.

“Naku! Nakalimutan kong iayos ang alarma ng aming relos.


Sampung minuto na lang at magsisimula na ang aming klase!”,
napaluha niyang sabi.

Iba’t ibang bagay ang pumasok ang kanyang isipan. Kapag


umalis ako ngayon, maaaring hindi pa ako huli. Ngunit
nakapadyama pa ako!Pagtatawanan ako ng lahat!

Magbibihis na ako. Kapag nag-atubili pa ako, mahuhuli akong


tiyak. Pagtitinginan ako ng lahat. Pagtatawanan ako ng lahat.
Pagtatawanan nila ako.

A! Mabuti pa huwag na akong pumasok. Sa bahay na lamang


ako. Subalit mag-iisip ang lahat kung ano ang nangyari sa akin.
Tatawag sa telepono ang aming prinsipal upang alamin kung ano
ang nangyari sa akin. Kapag nagsabi ako nang totoo, malalaman
ng iba ang katangahang aking ginawa. Kapag naman
nagsinungaling ako at sinabi kong ako’y maysakit, baka ako’y
ipadoktor. Malalaman din nilang ito’y hindi totoo.

Kaya, hindi ko na lang sasagutin ang tawag sa telepono, subalit


lahat ay magtataka. Iisipin nila kung saan ako pumaroon. Baka
magpunta rito sa bahay ang prinsipal upang hanapin ako.

Kapag dumating ang prinsipal, magtatago ako. Ang lahat ay


magtataka kung saan ako napasuot. Tatawagan ng prinsipal ang
aking Inay sa trabaho. Magugulo ang isipan ni Inay. Sarisaring
bagay ang iisipin niya. Maaring isipin ng lahat na ako’y nawawala.
Tatawag sila sa pulis. Hahanapin ako ng lahat. Hindi nila ako
makikita. Lahat ay magsisimulang magpalagay ng masamang
maaaring mangyari sa akin.

At uuwi ang aking Inay. Lahat ay darating upang aluin. Papasok


sila sa loob ng bahay. Matatagpuan nila ako roon. Lahat ay
magagalit sa akin.Ikaw,oo,hindi mo ba naisip na nagkakasakit sa
pag-aalala ang iyong Inay!”isusumbat nila.

Bakit hindi ka pumasok? Bakit hindi mo sinagot ang telepono?


Bakit ka nagtago sa bahay? Lahat ay mang-uusig. Gusto nilang
malaman ang dahilan.

Napahiya ako sa aking sarili. Yuko ang ulo kong tumitig sa sahig
at nagwika: “Dinaramdam ko ho ang nangyari”, nakadama ako ng
pagkatakot. Inisip kong sana’y nakapasok ako sa paaralan kahit na
suot ang aking padyama. Mabuti pang lumakad na ako. Ikawalo
na’t limang minuto ang nakalilipas.

Dali-daling tumindig si Lucy. Sinunggaban ang kanyang bag at


nagmamadaling lumakad patungo sa labas ng kanyang silid. Bigla
siyang napatigil sa may pintuan. Nasulyapan niya ang kanyang
malaking kalendaryong nakasabit sa dingding. “Naku! at isang
malalim na buntong-hinhinga ang hinugot niya sa kanyang dibdib,
Sabado pala ngayon!”

Ibinaba niya ang kanyang mga dala-dalahan at bumalik sa


kanyang higaan. Pagsayad na pagsayad ng kanyang ulo sa unan,
nasabi niya sa sarili, kapag ipinagtapat ko ang aking ginawa
ngayong umaga, lahat ay tatawa. Hahalakhak din akong kasama
nila lalo pa kung iisiping napakabata ko pa para makalimot.

Sanggunian:Saligan pp.349-35

E. Gawin Ninyo
Sagutin ang mga tanong:
1. Ano ang salitang idinugtong sa pamagat ng ating kuwento?
2. Paano ninyo ilalarawan ang binasa nating kuwento?
Ano ang tawag natin sa pagsasalaysay tungkol sa buhay ng
isang tao?
3. Bakit napalundag si Lucy sa kanyang higaan nang umagang
iyon? Ganito rin ba ang iyong magiging reaksyon sa gayong
kalagayan? Bakit?
4. Ano-ano ang iba’t ibang bagay na pumasok sa isipan ni
Lucy?
5. Anong pag-uugali ni Lucy ang nangibabaw sa kabuuan ng
kuwento. Pangatwiranan ang inyong sagot.
6. Ano-ano ang mga pangngalan na nabasa ninyo sa anekdota?
7. Ano-ano ang mga panghalip na nabasa ninyo?
F. Gawin Mo
Sabihin kung tama ang pagkakagamit ng panghalip. Kung mali,
talakayin kung bakit ito naging mali.
1. Dito sa tuktok ng bundok ay may malapad na bato.
2. Iyang suot mong hikaw ay bagay na bagay sa iyo.
3. Nagwagi sila bilang Bayaning Pilipinong Guro.
4. Kami ang pagkaing nagpapalusog.
5. Silang mga aklat ay naiwan sa ilalim ng upuan.
G. Paglalahat

Kailan masasabing ang isang akda ay anekdota?

Paano magagamit nang wasto ang pangngalan ang panghalip?

H. Pagsasapuso

Anong pag-uugali ang dapat mangibabaw sa isang batang

katulad mo? Bakit?

IV. Subukin Natin


Sumulat ng isang maikling anekdota ng buhay mo gamit ang
pangngalan at panghalip.
V. Gawaing Pantahanan

1. Bumasa ng isang anekdota ng isang bayani at isulat ang


mahahalagang impormasyon ng buhay nila.

2. Magdala ng mga kagamitan sa pagguhit para sa susunod na


aralin.

You might also like