Health 2 Q3 Week 7 (Thursday)
Health 2 Q3 Week 7 (Thursday)
Health 2 Q3 Week 7 (Thursday)
LESSON
Petsa Learning Area MAPEH
PLAN
(HEALTH)
I. Layunin
III. Kagamitan
- PPT presentation
- Video presentation
IV. Pamamaraan
A. Panimulang Gawain
1. Balik-aral
2. Pagwawastos sa takdang aralin
B. Gawain sa Pagkatuto
1. Pagganyak
Tignan ang larawan sa ibaba.
2. Paglalahad
Mahalaga na ang bawat kasapi ng pamilya ay nagsasagawa ng malusog na gawi. Ito ay upang mapanatili
na malusog ang pangangatawan at mabuti ang kalusugan ng bawat isa. Tandaan na ang sama-samang
pagpapanatili ng mabuting kalusugan ay paraan para maiwasan ang pagkakasakit na nagiging dagdag
alalahanin ng pamilya.
3. Pagtalakay
Mga Tamang Gawi ng Pamilya upang Maitaguyod ang Kalusugan.
1. Paghahain ng pagkain na may tamang nutrisyon para sa pamilya
Ang paghahain ng masustansyang na pagkain ay mahalaga upang maging malusog ang pamilya. Maghain
ng pagkain na kabilang sa Go, Glow at Grow. Umiwas din sa pagkain ng “processed meats” at junk
foods.3.Pag-eehersisyo
4. .Pagsasanay
2. Pagsasangguni sa pinagkakatiwalaang doktor
Ang regular na pagsangguni sa doktor ay mahalaga upang mabantayan ang kalagayan ng kalusugan ng
pamilya.
3. Pageehersisyo ng Pamilya .
Ang pamilya ay dapat ugaliin ang pag-eehersisyo upang makaiwas sa sakit at lumakas ang katawan.
4.Paglalaro at Paglilibang kasama ang buong Pamilya.
Ang pamamasyal, paglaro at paggawa ng mga gawain na ikinasisiyang gawin ng pamilya ay
nakakapagpapatibay ng relasyon ng bawat isa.
5. Pagkakaroon ng mga Alagang Hayop o mga Halaman bilang Libangan.
Ang pag-aalaga ng mga hayop o halaman ay maraming pisikal at emosyonal na epekto sa kalusugan. Ito
ay nakapagpapasaya at nakakapagparelax ng kanilang tagapag alaga. Natututo din ang pamilya na maging
responsable sa pagaalaga.
a. Pinatnubayang Pagsasanay
Iguhit ang masayang mukha ☺ kapag ito ay naglalarawan ng tamang gawi ng pamilya at malungkot na
mukha kapag hindi. Isulat ang sagot sa papel.
b. Malayang Pagsasanay
Sa isang papel, isulat ang bilang ng larawan na nagpapakita ng malusog na gawi ng pamilya.
5. Paglalahat
Ang pagpapabuti ng kalusugan ng buong pamilya ay lubos na kailangan at mahalaga. Ang sama-samang
paggawa ng malusog na gawi ay sama-samang pagpapanatili ng kalusugan ng pamilya.
6. Paglalapat
Ano-ano ang mabuting benepisyo na matatamo ng pamilya sa pagsasagawa ng mga malusog na gawi?
V. Pagtataya
Piliin ang tamang sagot. Isulat ang letra ng sagot sa iyong sagutang papel.
VI. Takdang-Aralin
Ano-ano ang mga malulusog na gawi na ginagawa ng iyong pamilya? Kopyahin at punan ang tsart sa
pamamagitan ng pagtsek. Gawin ito sa isang malinis na papel..
VIII. Repleksyon
_______________________________________________________________________________________
_______________________________________________________________________________________