Diagnostic Esp 5

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VIII (Eastern Visayas)
Division of Leyte
Palo III District

DIAGNOSTIC TEST SA EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5

TALAHANAYAN NG ISPISIPIKASYON

Layunin Bilang ng Kinalalagyan Bahagdan


Aytem
1. Napahahalagahan ang katotohanan sa pamamagitan 1 1 2.5%
ng pagsusuri sa mga:
1.1. balitang napakinggan
1.2. patalastas na nabasa/narinig
1.3. napanood na programang pantelebisyon
1.4. nabasa sa internet
2. Nakasusuri ng mabuti at di-mabuting maidudulot sa 1 2 2.5%
sarili at miyembro ng pamilya ng anumang babasahin,
napapakinggan at napapanood
2.1. dyaryo
2.2. magasin
2.3. radyo
2.4. telebisyon
2.5. pelikula
2.6. Internet
3. Nakapagpapakita ng kawilihan at positibong saloobin 4 3-6 10.0%
sa pag-aaral
3.1. pakikinig
3.2. pakikilahok sa pangkatang gawain
3.3. pakikipagtalakayan
3.4. pagtatanong
3.5. paggawa ng proyekto (gamit ang anumang
technology tools)
3.6. paggawa ng takdang-aralin
3.7. pagtuturo sa iba
4. Nakapagpapakita ng matapat na paggawa sa mga 2 7-8 5.0%
proyektong pampaaralan
5. Nakahihikayat ng iba na maging matapat sa lahat ng 2 9-10 5.0%
uri ng paggawa
6. Nakapagpapatunay na mahalaga ang pagkakaisa sa 2 13-14 5.0%
pagtatapos ng gawain
7. Nakapaghihinuha na nakapagdudulot ng 2 15-16 5.0%
kabutihan sa pagsasama nang maluwag ang pagsasabi
nang tapat
8. Nakapagsisimula ng pamumuno para 4 17-20 10.0%
makapagbigay ng kayang tulong para sa
nangangailangan
11.1. biktima ng kalamidad
11.2. pagbibigay ng babala/impormasyon kung may
bagyo, baha, sunog, lindol, at iba pa
9. Nakapagpapakita ng paggalang sa mga 2 21-22 5.0%
dayuhan sa pamamagitan ng:
13.1. mabuting pagtanggap/pagtrato sa mga katutubo at
mga dayuhan
13.2. paggalang sa natatanging kaugalian/paniniwala ng
mga katutubo at dayuhang kakaiba sa kinagisnan
10. Nakapagpapaubaya ng pansariling kapakanan para 3 23-25 7.5%
sa kabutihan ng kapwa
11. Nakapagsasaalang-alang ng karapatan ng iba 3 26-28 7.5%
12. Nagagampanan nang buong husay ang anumang 3 29-31 7.5%
tungkulin sa programa o proyekto gamit ang anumang
teknolohiya sa paaralan
12. Nakapagpapakita ng mga kanais-nais na kaugaliang 2 32, 35 5.0%
Pilipino
19.1. nakikisama sa kapwa Pilipino
19.2. tumutulong/lumalahok sa bayanihan at palusong
19.3. magiliw na pagtanggap ng mga panauhin
13. Nakapagpapamalas ng pagkamalikhain sa pagbuo ng 2 33-34 5.0%
mga sayaw, awit at sining gamit ang anumang
multimedia o teknolohiya
14. Napananatili ang pagkamabuting mamamayang 1 36 2.5%
Pilipino sa pamamagitan ng pakikilahok
15. Nakasusunod ng may masusi at matalinong 2 37-38 5.0%
pagpapasiya para sa kaligtasan
Hal.
22.1. paalala para sa mga panoorin at babasahin
22.2. pagsunod sa mga alituntunin tungkol sa pag-iingat
sa sunog at paalaala kung may kalamidad
16. Nakapagpapakita ng magagandang halimbawa ng 2 39-40 5.0%
pagiging responsableng tagapangalaga ng kapaligiran
23.1. pagiging mapanagutan
23.2. pagmamalasakit sa kapaligiran sa pamamagitan ng
pakikiisa sa mga programang pangkapaligiran
17. Napatutunayan na di-nakukuha sa kasakiman ang 2 41-42 5.0%
pangangailangan
24.1. pagiging vigilant sa mga illegal na gawaing
nakasisira sa kapaligiran
18. Nakikiisa nang may kasiyahan sa mga programa ng 2 43-44 5.0%
pamahalaan na may kaugnayan
sa pagpapanatili ng kapayapaan
25.1. paggalang sa karapatang pantao
25.2. paggalang sa opinyon ng iba
25.3. paggalang sa ideya ng iba
19. Nakapagpapakita nang tunay na pagmamahal sa 4 45-48 10.0%
kapwa tulad ng:
30.1. pagsasaalang-alang sa kapakanan ng kapwa at sa
kinabibilangang pamayanan
30.2. pakikiisa sa pagdarasal para sa kabutihan ng lahat
30.3. pagkalinga at pagtulong sa kapwa
20. Nakapagpapakita ng iba’t ibang paraan ng 2 49-50 5.0%
pasasalamat sa Diyos

Prepared by: Checked and Reviewed by:

PINKY R. JANDOC ELSA M. DE PAZ


Teacher School Head
Republic of the Philippines
Department of Education
Region VIII (Eastern Visayas)
Division of Leyte
Palo III District

DIAGNOSTIC TEST IN EDUKASYON SA PAGPAPAKATAO 5

Pangalan: ___________________________________ Iskor: _________


Baitang: ____________________________________

Piliin ang titik ng tamang sagot.


1. Pinakinggang mabuti ni Adam ang magkabilang panig ng kasunduan bago siya magpasiya ng
dapat gawin. Anong katangian ang ipinakita ni Adam sa naganap na pangyayari?
A. Mapanuring pag-iisip. C. Pagkamahinahon.
B. Pagkabukas-isipan. D. Pagkamatapat.
2. Sa pagbabasa mo tungkol sa mga napapanahong isyu, may nabasa kang bagong salita na
hindi mo naintindihan. Ano ang gagawin mo para malaman ang kahulugan ng salita at
mapaunlad ang iyong kaalaman?
A. Ipagsasawalang bahala D. Hinhintayin ang mga magulang
B. Tatawagan ang iyong kamag-aral para magtanong
C. Hahanapin sa diksyonaryo ang kahulugan nito
3. Sa isang pangkat, hindi maiiwasan ang pagtutunggali ng mga ugali at opinyon. Kung ikaw ay
lider ng pangkat, anong kailangan mong gawin upang maalis sa mga miyembro mo ang mga
negatibong ugali na hindi nakatutulong sa tagumpay ng inyong pangkat?
A. Magalit sa kanila sa harap ng maraming tao
B. Ipaalam sa kanilang mga magulang ang sitwasyon
C. Kausapin sila at ipaunawa ang halaga ng pagkakaisa ninyo sa pangkat
D. Isumbong sila sa guro na hindi sila sumusunod sa iniaatas mong gawain
4. Pagkatapos ninyong pag-aralan ang tungkol sa kooperasyon at pagkamahinahon ng isang
pangkat, hinati ng inyong guro ang klase sa dalawang pangkat para sa isang Gawain.
Napansin mong hindi magkasundo sa isang desisyon ang dalawa mong kamag-aral. Ano ang
dapat mong gawin para masunod ang napag-aralan ninyo tungkol sa kooperasyon at
pagkamahinahon?
A. Sabihin sa guro na ilipat na lang ang isa sa kanila sa ibang pangkat
B. Huwag na lamang silang intindihin at ibang miyembro na lang ang kausapin
C. Hayaan silang hindi magkasundo, ikaw pa rin naman ang masusunod bilang lider
D. Ipaliwanag sa kanila na kailangan ninyong magkaisa upang matapos ang inyong
gawain
5. Sinabi ng inyong guro na maghanda at magbalik-aral dahil magkakaroon kayo ng pagsusulit
kinabukasan. Anong katangian ang kailangan mong taglayin para makapasa sa pagsusulit?
A. Mahinahon C. Masikap
B. Malinis D. Mapagpasensiya
6. Napansin ni Jariel na pumapasok sa klase na hindi gumawa ng takdang-aralin ang ilan sa
kaniyang mga kamag-aral. Nag-aalala siya para sa kanila at gusto niyang tulungan sila.
Anong katangian ang nais ipakita ni Jariel?
A. Mahinahon C. Mapagmalasakit
B. Mapagkawanggawa D. Masipag
7. Isinumbong pa rin ni Jane ang matalik na kaibigang si Mae sa kanilang guro dahil sa mali
niyang ginawa kahit alam niyang pagagalitan ito ng kanilang guro. Anong katangian ang
kaniyang ginawa?
A. Mahinahon C. Mapagpasensiya
B. Mapagmahal sa katotohanan D. Pagkabukas-isipan
8. Isang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal sa katotohanan ay ang pagsasauli ng sobrang
sukli. Ano ang gagawin mo kapag hindi ka nasuklian ng tama sa dyip na sinakyan mo?
A. Sigawan ang drayber upang mapahiya ito
B. Mahinahon na sabihin sa drayber na kulang pa ang iyong sukli
C. Hayaan na lamang dahil hindi naman malaking halaga ang sukli
D. Ikuwento sa iyong katabi ang nangyari para ito ang magsabi sa drayber
9. Matiyagang ginawa ni Jay ang kaniyang tungkulin bilang lider ng kanilang pangkat.
Tinulungan niya ang kanyang mga kamag-aral sa mga dapat gawin upang matapos agad ang
kanilang Gawain. Sinuri rin niya kung tama o mali ang kanilang gawa. Anong katangian
mayroon si Jay?
A. Mahinahon C. Matiisin
B. Mapagkumbaba D. Matiyaga
10. May gustong imungkahi si Ynes na maaaring makatulong sa ikagaganda ng gawain sa
kanilang pangkat ngunit nahihiya siya dahil baka pagtawanan lang siya ng kaniyang mga
kamag-aral. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Tumiwalag sa pangkat C. Maglakas loob na sabihin sa pangkat
B. Makinig na lang sa lider ng pangkat D. Sabihin ang kaniyang mungkahi sa
guro
11. Nalaman mong may malaking problema ang iyong kaibigan at nahihirapan siyang lutasin ito
ng mag-isa. Ano ang dapat mong gawin upang matulungan ang iyong kaibigan?
A. Huwag siyang tanungin tungkol sa kaniyang problema
B. Kausapin siya at tanungin kung ano ang maitutulong mo
C. Ipaalam sa inyong guro upang siya ang kumausap sa iyong kaibigan
D. Sabihin ito sa kanyang magulang upang sila ang tumulong sa kaniya
12. Nagkaroon ng isang malubhang karamdaman si Gel. Araw-araw ay binibisita siya ng
kaniyang mga kaibigan at mga kamag-aral upang mapasaya nila siya. Anong katangian ang
ipinakita ng mga kaibigan at kamag-aral ni Gel?
A. Mapagbigay C. Masunurin
B. Mapagmalasakit D. Maunawain
13. Inatasan ng inyong guro si John na maging lider sa inyong pangkat. Mag-isa lang niyang
ginagawa ang mga gawain dahil ayaw tumulong ng iba pa ninyong kasama. Ano ang dapat
mong gawin para mapabilis ang paggawa ng gawain?
A. Magpalipat sa guro sa ibang pangkat
B. Ipaalam sa guro ang nagaganap sa inyong pangkat
C. Hikayatin ang iba pang kasama sa pangkat na makipagtulungan kay John
D. Hayaan siyang tapusin ang Gawain dahil siya naman ang lider ng pangkat
14. Ano ang dapat mong gawin kapag hindi sang-ayon ang ibang miyembro ng inyong pangkat
sa iyong desisyon bilang lider?
A. Alisin sa pangkat ang ayaw sumunod sa iyong desisyon
B. Ipagsawalang bahala ang kanilang pagtutol sa iyong desisyon
C. Iparating sa inyong guro na hindi kayo nagkakasundo sa pangkat
D. Ipaliwanag sa kanila na para sa ikabubuti ny inyong pangkat ang iyong desisyon
15. Alin sa sumusunod ang pinakamalapit na kahulugan ng kasabihan na, “Ang pagsasabi ng
tapat ay pagsasama ng maluwat.”
A. Mahirap mawala ang katapatan sa isang samahan
B. Mahalagang sangkap ng mabuting samahan ang katapatan
C. Balewala ang pagkakaisa sa isang samahan kung walang katapatan
D. Ikatatagumpay ng anumang samahan kung walanag katapatan
16. Ano sa sumusunod ang isang halimbawa ng pinakamahalagang katangian ng pagiging
matapat?
A. Pagtatago ng lihim na ipinagkatiwala C. Pag-iwas sa pagsasabi ng mga tsismis
B. Paggalang sa usapang dapat tuparin D. Palaging pagsasabi ng totoo sa kausap
17. May nangyaring sunog malapit sa inyong barangay. Maraming mga tao ang nawalan ng
tirahan. Alin sa sumusunod ang pinakaposible mong magawa bilang mag-aaral?
A. Ipanawagan sa radio ang mga pangangailangan ng mga nasunugan
B. Ipunin ang iyong mga hindi na masyadong ginagamit na mga gamit at ibahagi sa
kanila
C. Makipag-ugnayan sa pamahalaan upang maipatayong muli ang kanilang mga bahay
D. Magbahay-bahay sa inyong lugar upang ipanghingi ng mga gamit ang mga
nasunugan
18. Upang makatulong sa mga nasalanta ng bagyo, nagboluntaryo sina Ana at Grace na
tumulong sa pagbibigay ng relief goods sa mga tao. Anong katangian ang ipinakita ng
dalawang bata?
A. Mapagbigay C. Mapagmalasakit
B. Mapagkawanggawa D. Matulungin
19. Mula sa malayong probinsiya si Kaloy. Maitim ang kulay ng kaniyang balat at kulot ang
buhok. Bagong lipat lang siya sa inyong paaralan at kung minsan ay nakikita mong tinutukso
siya ng iba mong kamag-aral. Ano ang iyong gagawain?
A. Hayaan lang ang ginagawang panunukso sa kaniya ng inyong kamag-aral
B. Ipanalangin na lang na magbago ang sitwasyon ni Kaloy sa inyong paaralan
C. Ipadama kay Kaloy na hindi ka katulad ng inyong kamag-aral na nanunukso sa
kaniya
D. Ipaalam sa inyong guro ang ginagawang pangungutya kay Kaloy upang matulungan
siya
20. Ano ang maaaring gawin ni Carlo upang maipakita ang kaniyang pagkamahabagin sa isang
kamag-aral na nahihirapanag lumakad dahil bukod sa nakasaklay ito ay madami pa siyang
bitbit na libro?
A. Magkunwaring hindi ito nakikita C. Tingnan kung kaya niya ang mga dalahin
B. Tawagin ang janitor para tumulong D.Magboluntaryo na bitbitin ang kaniyang libro
21. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagkamagalang sa pagkakaiba ng bawat nilalang?
A. Pag-unawa sa iba’t-ibang opinion ng bawat isa
B. Magiliw sa mga taong kaiba ang pisikal na anyo sa atin
C. Pagtanggap sa pagkakaiba ng mga kaugalian at paniniwala ng bawat isa
D. Maging malugod na tagapanood sa mga palabas o kultura ng ibang bansa
22. Bagong lipat sa isang paaralan si Jamie. Nagmula siya sa ibang bansa kaya nahihirapan
siyang makisalamuha sa kanyang mga kamag-aral. Anong klaseng tulong ang maaari mong
gawin?
A. Pahiramin siya ng aklat na maaari niyang basahin
B. Kausapin ang inyong guro para ipakilala siya sa bawat isa
C. Ayain mo siya na makipagkuwentuhan sa iba niyo pang kamag-aral
D. Ituro sa kaniya ang iba’t-ibang pasilidad sa inyong paaralan na maaari niyang
puntahan
23. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pagmamalasakit ng kapuwa?
A. Pag-unawa sa mga pagkakamali ng kapuwa
B. Pagbibigay sa nangangailangan ng tulong
C. Pagpapaubaya ng sariling kapakanan para sa kabutihan ng kapuwa
D. Paggalang sa mga karapatan ng kapuwa upang walang hidwaan sa isa’t-isa
24. Maagang namalengke ang nanay mo. Nakita mong marumi ang mesa at may mga hugasing
plato sa lababo. Ano ang pinakamainam mong gawin?
A. Hayaan lamang at hintayin ang nanay mo na maghugas
B. Ligpitin ang nakakalat sa lamesa at hugasan ang mga plato
C. Magligpit ng inyong pinagkainan at hugasan ang ilang hugasin
D. Tawagin ang iyong nakababatang kapatid upang siya ang magligpit at maghugas
25. Iba-iba ang relihiyon ng ilan sa iyong mga kaibigan. Minsan, kapag nag-uusap kayo,
napapansin mo na magkakaiba ang inyong mga pananaw. Ano ang maaari mong gawin
upang maiwasan ang hindi pagkakaunawaan?
A. Pilitin na lang na baguhin ang paksa ng inyong usapan
B. Unawain ang mga sinasabi nilang kaiba sa relihiyon
C. Huwag na lang intindihin
D. Pakinggan na lamang ang kanilang mga sinasabi tungkol sa kanilang relihiyon
26. Bilang isang bata, may taglay kang mga karapatan na dapat ay iyong tinatamasa. Alin sa
sumusunod ang hindi maituturing na iyong karapatan?
A. Wastong edukasyon C. Maayos na trabaho
B. Sapat na pagkain D. Proteksiyon sa diskriminasyon
27. Alin sa sumusunod ang hindi bahagi ng misyon ng United Nations Children’s Fund
(UNICEF)?
A. Pangalagaan ang mga karapatan ng bata
B. Maging tagapagtaguyod ng pag-aaral ng mga bata
C. Tumulong na makamtan ng mga bata ang batayang mga pangangailangan
D. Tumulong na mapalawak ng mga bata na maabot ang pinakamahusay na kakayahan
28. Alin sa sumusunod ang maituturing na pinakamabuting katangian ng isang kaibigan?
A. Madalas na sumasama sa iyo C. May positibong impluwensiya sa iyo
B. Nakikinig sa mga kuwento mo D. Ipinagtatanggol ka sa iyong kaaway
29. Ang sumusunod ay mga halimbawa ng tradisyonal na media maliban sa isa, ano ito?
A. Pelikula C. Social media
B. Radyo D. Telebisyon
30. Paano maipapakita ang mapanagutang paggamit ng media at teknolohiya?
A. Pagpapaliban ng paggawa ng takdang aralin upang makagamit ng computer
B. Pagbili palagi ng bagong modelo ng cellphone
C. Pagpili ng mga bubuksang websites ayon sa kagustuhan
D. Paglimita sa sarili ng panahon na igugugol sa paggamit ng social network account
31. Sino ang nagwika nito? “Nagpapasalamat ako sa Diyos na ginawa Niya akong isa sa inyo?”
A. Claro M. Recto C. Ninoy Aquino Jr.
B. Corazon Aquino D. Ramon Magsaysay
32. Ang sumusunod ay mga halimbawa ng kaugaliang Pilipino maliban sa isa, tukuyin ito.
A. Bayanihan C. Pagmamano sa matatanda
B. Paggamit ng Po at Opo D. Pagyuko bilang pagbati sa kausap
33. Lahat ng tao ay may angking talento, ang kailangan lang ay tuklasin at patuloy na linangin
ito upang maging mas lalong mahusay. Piliin ang hindi tumutukoy sa wastong paglinang ng
angking talento.
A. Maging kontento sa alam na angking talento
B. Maging mapanagutan sa pagpapakita ng talento
C. Maging gawi ang pagbabahagi ng angking talento
D. Maging mapagkumbaba sa mga papuri dahil sa angking talento
34. Maraming bakanteng oras tuwing Sabado at Linggo si Ruth. Paano niya magagawang
makabuluhan ang kanyang oras?
A. Linangin pa lalo ang talentong taglay
B. Magbasa ng mga paboritong nobela
C. Magpunta sa mall kasama ang mga kaibigan
D. Alamin ang mga magagandang palabas sa telebisyon
35. Maayos na pinakikisamahan ng pamilya ni G. Reyes ang mga bisita nila. Nang minsang may
bumisita sa kanila, buong galak silang tinanggap ng pamilya at siniguradong maayos ang
kanilang pakikitungo sa mga ito. Anong katangian ang taglay ng pamilya ni G. Reyes?
A. Matiisin C. Mapagbigay
B. Magiliw sa panauhin D. Mapagmahal sa kapuwa
36. Isa sa bagong patakaran sa inyong paaralan ang paghihiwalay ng mga nabubulok at hindi
nabubulok na basura. Nakita moa ng iba mong kamag-aral na ikinakampanya ang bagong
patakaran. Ano ang maaari mong gawin upang makatulong sa pagpapalaganap ng
kampanyang ito hindi lamang sa paaralan?
A. Maglagay ng paalala tungkol sa kalinisan ng iyong kantina
B. Ikuwento pa ang kampanya sa ibang kakilala mo sa inyong paaralan
C. Ipaalam sa inyong mga magulang upang magawa niyo din ito sa inyong paaralan
D. Sabihin ang impormasyon na iyong alam sa janitor sa paaralan upang ito ay
maisagawa
37. Biglang lumindol sa lugar ng inyong paaralan. Ano ang dapat mong gawin upang mailigtas
ang iyong sarili at ang iyong mga kamag-aral?
A. Magtago sa may kubling lugar C. Lumikas palabas sa inyong silid-aralan
B. Tawagin agad ang inyong guro D. Mahinahon na lumabas sa inyong kinalalagyan
38. Bilang bahagi ng paghahanda sa posibleng sakuna, ibinilin sa inyong barangay na dapat
maghanda ng mga kakailanganing kagamitan gaya ng tubig, de lata, emergency supplies at
iba pa. Ginawa mo na ang lahat ng ito para masiguro ang iyong kaligtasan. Anong katangian
ang ipinakita mo sa sitwasyon?
A. Maagap C. Masinop
B. Mabait D. Masipag
39. Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa pagmamalasakit sa kapaligiran?
A. Pagtulong sa gawaing-bahay
B. Pagbawas sa dalas ng pamamasyal sa parke
C. Pagpapanatiling walang basura at sulat sa mga pampublikong lugar
D. Pag-iwas na pumunta at kumain sa mga fastfood chains na styro ang gamit
40. Sinabi sa balita na tataas ang singil sa kuryente at tubig. Dahil dito, sinabi ng iyong mga
magulang na kailangan ninyong magtipid sa paggamit ng kuryente at tubig. Nakita mo na
naglalaro ng tubig ang iyong Grade 1 na bunsong kapatid. Ano iyong maaaring gawin?
A. Makikipaglaro din sa kapatid
B. Hayaan na lamang ang kapatid dahil iyon ang nagpapasaya sa kaniya
C. Isumbong sa iyong Nanay ang ginagawa ng kapatid para mapagalitan ito
D. Kausapin at sabihin sa kapatid na hindi nakatutulong ang kaniyang ginagawa
41. Naglunsad ng isang proyektong humihikayat sa lahat na magtanim ng mga gulay sa kanilang
likod-bahay ang inyong barangay. Bilang isang responsableng kabataan, ano ang dapat mong
gawin upang makatulong sa proyektong ito?
A. Ipaalam na lang ito sa iyong mga magulang upang sila ang gumawa
B. Sabihin sa mga magulang ang impormasyon ngunit tumangging makilahok
C. Huwag sumali sa proyekto dahil hindi ka rin naman makikinabang ditto
D. Humingi ng buto sa barangay na maaari ninyong maitanim sa inyong likod-bahay
42. Tukuyin ang inilalarawan sa pangungusap na, “Pagsasaalang-alang sa likas na yaman para sa
pangangailangan ng kasalukuyang henerasyon at ang susunod pa.
A. Malinis na kapaligiran C. Likas-kayang pag-unlad
B. Maayos na pagtatapon ng basura D. Pagtutulungan para sa kalikasan
43. Piliin sa sumusunod ang maaaring mangyari kung walang batas na umiiral sa isang lugar.
A. Nagkakasundo ang mga magkakapitbahay
B. May katiwasayan ng loob ang bawat isa
C. May pag-unlad na makikita sa naturang lugar
D. Laganap ang kaguluhan at hindi pagkakaunawaan
44. Sumali sa kampanyang pangkaligtasan sa barangay si Liza para maging handa siya sa oras ng
kalamidad. Anong katangian ang dapat niyang taglayin para maging matagumpay ang
kaniyang pagsali sa kampanyang pangkaligtasan?
A. Bugnutin C. Masinop
B. Maagap D. Masipag
45. Alin sa sumusunod ang hindi halimbawa ng pakikiisa para sa kapayapaan at kaayusan?
A. Pagsunod sa batas trapiko C. Iniiwasang magkalat sa parke
B. Pakikibahagi sa Earth Hour D. Pakikibahagi sa panunukso sa kamag-aral
46. Habang naglalakad pauwi si Alden, nakita niya ang mga kaibigan na nakikipag-away sa mga
taga ibang barangay. Ano ang dapat niyang gawin para matulungan ang kaniyang mga
kaibigan?
A. Hayaan na lamang sila dahil baka mapasama pa siya sa away nila
B. Hanapin ang mga magulang ng kalaro at isumbong ang nangyayari
C. Uuwi na lamang at ikukuwento sa magulang ang nangyari sa mga kaibigan
D. Tumawag ng maaaring umawat at magpaliwanag na mali ang kanilang ginagawa
47. Doctor si Sally sa isang pampublikong ospital. Napag-alaman niya na sa isang barangay ay
may isang babaeng may trangkaso ang nangangailangan ng doctor. Mararating lamang ang
barangay sa pamamagitan ng isang bangkang de-motor. Ano ang maaari niyang gawin na
magpapakita ng pagmamalasakit sa kapuwa?
A. Maghahanap ng maaaring tumungo sa lugar ng pasyente
B. Magdahilan na hindi kakayanin na pumunta sa ganoon kalayong lugar
C. Gagawan ng paraan na makapunta sa lugar ng pasyente para magamot ito
D. Papupuntahin na lamang ang isa sa mga nurse sa ospital para puntahan ang pasyente
48. Papauwi si Annie nang humingi ng tulong sa kanya si Aling Maria, ang kanilang kapitbahay.
Kailangan ni Aling Maria ng magbabantay sa kaniyang sanggol para makabili siya ng gatas
sa tindahan. Ano ang maaaring gawin ni Annie?
A. Magkunwaring walang narinig
B. Magdahilang kailangan umuwi ng maaga
C. Malugod na tulungan si Aling Maria
D. Sabihin na sa iba na lang humingi ng tulong
49. Paano maaaring maipakita at maipadama ang pananalig at pagmamahal sa Diyos ng bawat
isa sa atin?
A. Pag-iwas sa tuwing kakailanganin ang iyong tulong
B. Pagmamalasakit sa kalagayan ng kapuwa at pagbibigay pag-asa sa kanila
C. Pagtangging lumahok sa mga programang makatutulong sa kapuwa dahil sa pagod
D. Pagsasawalang-bahala sa mga kakailanganin ng kapuwa na kaya mong tugunan
50. Alin sa sumusunod ang nagpapakita ng pananampalataya sa Diyos?
A. Pagtulong sa kapwa na may hinihintay na kapalit
B. Pagsasalita nang masakit sa mga taong nakagalit
C. Pagkalimot sa mga taong nakatulong sa iyong tagumpay sa buhay
D. Pagkakaroon ng oras para magdasal at magpasalamat sa mga biyaya
KEY TO CORRECTION:

1. A 26. C
2. C 27. B
3. C 28. C
4. D 29. C
5. C 30. D
6. C 31. B
7. B 32. D
8. B 33. A
9. D 34. A
10. C 35. B
11. B 36. B
12. B 37. D
13. C 38. A
14. D 39 C
15. B 40. D
16. D 41. D
17. B 42. D
18. D 43. D
19. C 44. B
20. D 45. D
21. C 46. D
22. C 47. C
23. B 48. C
24. B 49. B
25. B 50. D

You might also like