Pagkonsumo - Banghay Aralin
Pagkonsumo - Banghay Aralin
Pagkonsumo - Banghay Aralin
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Pangnilalaman May pag-unawa sa mga pangunahing konsepto ng Ekonomiks
bilang batayan ng matalino at maunlad na pang araw-araw
na pamumuhay.
B. Pamantayang Pagganap Naisasabuhay ang pag-unawa sa mga pangunahing konsepto
ng ekonomiks bilang batayan ng matalino at maunlad na
pang araw-araw na pamumuhay.
C. Kasanayan sa Pagkatuto Nasusuri ang mga salik na nakaaapekto sa pagkonsumo.
AP9MKE-Ih-16
II. NILALAMAN Salik na nakaapekto sa pagkonsumo
a. Kita
b. Mga Inaasahan
III. KAGAMITANG PANTURO
A. Sanggunian Araling Panlipunan Modyul Para sa Mag-aaral ph. 70-71
B. Iba pang Kagamitang Panturo Mga larawan
IV. PAMAMARAAN
Balik Aral Ano ang pagkonsumo?
A.Pagganyak PHOTO-SURI
Tingnan at suriing mabuti ang mga larawan.
Pamprosesong Tanong:
1.Ano ang ipinapahiwatig ng unang larawan?
2.Ano-ano ang produktong binibili ng tauhan sa larawan?
3. Kung ikaw ang nasa katayuan ng tauhan, pareha ba kayo
ng produktong bibilhin? Bakit?
4. Ano ang ipinapahiwatig ng ikalawang larawan?
5. Kung bibigyan ka ng pagkakataon na pumili nang
produktong bibilhin , ano-ano ang produktong iyong pipiliin
at bakit?
6. Kung ikaw si Ben, ano-anong produkto ang iyong bibilhin
at Bakit?
B. Aktibidad BASKET TO THE MARKET
Bago magsimula ang pangkatang gawain ay tatanungin muna
ang mga mag-aaral kung ano ang gusto nilang mga
palatuntunan sa isang pangkatang gawain.
Pangkatang Gawain
Pangkatin ang mag-aaral sa tatlo at bibigyan ng mga
envelope na naglalaman ng mga strip of manila paper na
nakasulat ang mga sitwasyon at pera na kailangan nilang
gastusin. Bibigyan ng isang (1) minuto ang bawat pangkat
para makabili ng mga produkto sa pamilihan.
Pamprosesong Tanong:
1. Ano-ano ang produktong iyong nabili?
2. Ano ang iyong naging batayan sa pagpili ng
produktong bibilhin?
3. Ano ang pagkakatulad at pagkakaiba sa produktong
nabili sa pamilyang may malaki at maliit na kita?
4. Paano nakaapekto ang mga inaasahang pangyayari sa
pagkonsumo ng tao?
Maikling Talakayan