Mik MikPaMore TORMENTED UNIVERSITY
Mik MikPaMore TORMENTED UNIVERSITY
Mik MikPaMore TORMENTED UNIVERSITY
Prologue
"Nasaan ako? Bakit ako narito? S-sino po kayo?" nahihintakutang sabi ng magandang
estudyante sa lalaking nakatalikod sa kanya. Nakasuot ang dalaga ng high school
uniform, bukas ang tatlong butones, nakataas ang palda, at kita ang mapuputing
hita. Nakahiga siya ngayon sa kamang may itim na bedsheet at puno ng black rose
petals. Nakagapos ang mga kamay sa headboard ng kama, ang mga paa ay nakatali nang
magkahiwalay sa paanan.
Humarap ito sa kawawang estudyante. Ngumisi ang lalaking hindi aninag ang buong
mukha dahil natatakpan ng itim na maskarang bungo ang kalahati ng mukha. Nakasuot
ito ng itim na kapoteng may hood pero bukas sa bandang dibdib. Kita ang matipuno
nitong katawan. "Hindi ka dapat nagising agad. Matagal dapat ang epekto ng gamot.
Eh ‘di sana payapa kang makakarating sa pupuntahan mo. Hindi bale, huwag kang mag-
alala, saglit lang 'to. Pagkatapos nito, makakarating ka na sa paraiso." Dahan-
dahan siyang lumapit sa babaeng nakagapos, inilabas niya ang karet at ipinatong sa
bedside table.
Napabalikwas ako ng bangon. Tagaktak ang pawis ko. Ano ‘yong napanaginipan ko? Sino
sila? Kawawa naman ‘yong babae. Buti na lang panaginip lang 'yon. Tumayo ako at
lumabas ng kwarto para kumuha ng tubig sa kusina. Nauhaw ako dahil sa panaginip na
'yon.
Chapter 1
Nakatanaw ako sa labas ng kotse habang binabaybay namin ang kahabaan ng baku-bakong
daan patungo sa nabiling villa ni Mama. Gusto raw niyang mag-move-on at magtago kay
Papa. Sumama kasi si Papa sa kabit niyang kolehiyalang matanda lang yata sa akin ng
isang taon, tapos pinapipili pa niya kami kung kanino kami sasama? Aba, siyempre
kay Mama kami.
Ibinenta ni Mama ang mansiyon naming dahil lilipat daw kami. Kakahanap ng liblib na
lugar sa internet ay nakita raw ni Mama ang binebentang villa sa probinsya nila.
Binili niya pati ang taniman ng mais at palay para hindi mawalan ng kabuhayan ang
mga nagtatrabahong magsasaka dito. Wala naman kaming choice ni Kuya Drei kahit
tumutol kami.
Mukhang ayos naman dito, tahimik. Malayo sa ingay ng siyudad at sariwa ang hangin
kahit tag-init na. May mga magsasakang naggagapas ng palay na nadaanan namin habang
patungo sa villa. Hindi naman masyadong liblib ang kabayanan dahil may nadaanan
kaming commercial area sa labasan. May nakita akong donuts, convenience store, at
dalawang fast food chain. Masasanay din siguro kami dito.
"'Ma, matagal pa ba tayo?" Inip na ang Kuya Drei ko. May nakasalpak pang headset sa
tainga niya pero naiinip pa rin siya. Ang layo naman kasi ng lugar na ‘to. Sabagay,
hindi na bago sa amin ang magpalipat-lipat ng bahay. Mula pagkabata ay namulat na
ako na paiba-iba kami ng tinitirhan.
"Malapit na. Ayan na, oh! Sa atin iyang haciendang ‘yan," pagmamalaki ni Mama.
Maganda ang villa mula sa labas. Mukhang pina-renovate muna ni Mama bago kami
lumipat. Puti ang kulay ng exterior nito at nasa gitna ng malawak na looban,
maaliwas tingnan, at mukhang hindi haunted house. Mabuti naman dahil ayokong
ginugulo ako ng mga ‘yon. Alam din nina Mama ang kakayahan ko kaya pinabasbasan na
rin daw niya ang villa bago kami lumipat.
Kakayahan, yes. I can see spirits pero hindi ko sila pinapansin. Iyon din ang payo
ni Mama sa akin. Ignore them completely para hindi ako lalong lapitan. Nakatulong
naman dahil kahit gulatin pa nila ako o magpakita sa harap ko, hindi ako kumukurap.
Kunwari ay hindi ko sila nakikita. Hindi na rin naman ako nagugulat dahil sanay na
ako. Mula pagkabata kasi ay nakakakita na ako ng multo. May takot akong
nararamdaman pero pinaglalabanan ko dahil ayoko silang i-entertain.
Nakapasok na ang kotse sa looban. Maaliwalas din ang paligid ng villa. Mapuno at
maraming bulaklak. May swing pa sa gilid at slide. May bata sigurong nakatira dati
dito.
"Go kids, get your hand-carry stuff and get in. Maayos na sa loob." Binuksan naman
ni Mama ang trunk para sa malalaking maleta. Ibinaba niya ang sa kanya at hinayaan
kaming ibaba ang maleta namin ni Kuya.
May papalapit sa aming lalaking may edad na; nasa fifty plus na siguro ito. Medyo
napapanot na at malaki ang tiyan pero mukha namang mabait. "Magandang umaga po,
Ma'am."
"Oh, magandang umaga din Mang Berting. Kids, si Mang Berting. Ang katiwala ng
dating may-ari ng bahay. Kinuha ko na rin siya since kabisado na niya dito. Mang
Berting, pakitulungan na po ang mga bata sa pag-akyat ng mga maleta nila."
"Sige po. Andoy! Pumarine ka nga at tulungan mo kami," tawag nito sa binatang
nakahubad ang pangtaas at mukhang kasing-edad ko na nagsisibak ng kahoy. Gwapo at
matipuno siya. Moreno at yummy ang abs. Ang nagagawa nga naman ng pagsisibak ng
kahoy.
"Ma'am, anak ko pong bunso, si Andoy. Anak, pakitulungan silang iakyat ang mga
bagahe nila."
"Opo." Kinuha nito ang dalawang malaking maleta, hinila saka sabay binuhat paakyat
sa hagdan na may sampung steps papasok ng bahay.
"Wow! Maganda ang loob, Mama. Pwede na." Napanganga ako sa laki at luwang ng sala.
Take note, walang multo so far. Nilingon ko ang paligid. May mga dilaw na papel na
nakadikit sa bawat sulok. Galing ang mga ‘yon sa templong pinuntahan namin sa
Bangkok. Ah, kaya pala. Naglagay si Mama ng pangtaboy ng spirits.
"Where's my room?" supladong tanong ng kuya ko. ‘Di pa rin ito masaya na nalayo
siya sa girlfriend niya sa Maynila. Sa isip-isip ko, Sus! Eh, ‘di lumuwas ka. Four
hours drive lang naman ‘pag walang traffic, eh. Dire-diretso lang si Kuya sa pag-
akyat. Inirapan ko nga. Umakyat na rin ako para tingnan ang kwarto ko.
"Kids, ‘yong blue door kay Drei, sa 'yo ‘yong pink door, Arlene. Sa akin ‘yong
yellow door," sigaw ni Mama mula sa baba.
Ipinasok na ni Andoy ang mga maleta sa mga silid namin bago siya bumaba. Sumilip
ako sa bintana at binuksan ko ang sliding window. Tanaw ko ang taniman. Ang ganda,
parang paraiso sa ganda ang taniman na maraming mayayabong na mais at palay. Gusto
ko na dito. I was busy looking around when someone knocked the door.
"Arlene," tawag ng Mama ko mula sa labas ng silid bago niya binuksan ang pinto ko.
"Yes, 'Ma?"
"Great. In-enroll ko na kayo ng kuya mo. Heto ang registration card mo. Check mo na
lang ang schedule mo diyan." Iniabot sa akin ni Mama ang puting registration card.
"Okay, 'Ma. Ang aga naman ng pasok ko, alas-syete ng umaga," reklamo kong
nakasimangot ang mukha.
"Buti na ‘yon para masanay ka. College ka na pero para ka pa ring mantika kung
matulog. Ikinuha ko nga pala kayo ng dorm sa school dahil medyo malayo 'yon dito.
Nasa kabilang dulo ng bayang ito. Delikado ang daan papasok at pauwi dahil magubat
pa rin dito sa lugar natin. Wala pa sina Mang Lito at Manang Lupe kaya wala kayong
driver at yaya. You can go home every weekend naman. I'll pick you up."
"Sus, nagpa-cute na naman ang bunso ko. Sige na. Five days a week lang naman kayo
doon. Bukas ihahatid ko na kayo. Have some rest. Ipapatawag ko kayo mamaya ‘pag
dinner na." Lumabas na si Mama sa silid ko.
Nahiga na lang ako para matulog. Wala namang mangyayari kahit makipag-diskusyon pa
ako kay Mama.
KINABUKASAN
Sakay na kami ni Kuya sa kotse patungong school. Natanaw ko na ang school, ang City
Of Doña Trinidad University o CDTU. Private school daw ito. Malawak pero may
kalumaan na. Mukhang ni-renovate naman pero parang matagal na no’ng huling
pininturahan ang building at bakod. Medyo eerie ang pakiramdam sa unang tingin ko
pa lang.
Pumarada kami sa harap ng gate at ‘di na ipinasok ni Mama ang kotse. "Go kids. Kaya
niyo nang lakarin ‘yan papasok." Bumaba si Mama para ilabas ang hand carry luggage
namin mula sa trunk.
Bumaba na rin kami ni Kuya na mukhang laging bored. "I'm not a kid anymore, Ma."
Saka isinalpak ni Kuya sa tainga ang headset niya.
"Whatever." Bumeso si Kuya kay Mama at syempre ako rin. Mama’s girl kasi ako.
"Bye, 'Ma." Saka ako lumakad palayo. Sinundan ko si Kuya na nagmamadali sa pagpasok
sa campus.
"Anong building ka, Kuya? Mukhang malaki 'tong campus. May building pa yata sa
likod." Lilinga-linga pa ako habang naglalakad sa campus ground at halatang bagong
dayo.
"Ihahatid na muna kita sa dorm mo saka ako didiretso sa dorm ko." In fairness kay
Kuya, love ako niyan kahit laging mukhang bored.
Patungo kami sa gilid ng Main Building nang mapansin ko ang isang lalaking mukhang
nakikipagtalo sa guard. Mukha naman siyang bata pa pero hindi siya mukhang
estudyante. May hawig siya kay Jak Roberto. Ang gwapo niya at matikas. Naka-maong
jacket ito at may hawak na maliit na notebook at ballpen. Inilihis ko na ang tingin
ko dahil nauuna nang masyado si Kuya sa paglalakad.
Nagpalinga-linga ulit ako habang nilalakad namin ang patio sa gilid ng Main
Building patungo sa likod ng school kung saan naroon ang college department, itong
Main Building sa harapan ay para sa Junior at Senior High. Malaki at mahaba pala
ang building namin at may nakasulat na Annex Building sa harap. Pumasok kami sa
nag-iisang entrance gate sa gitna nito na parang sa simbahan, which is weird dahil
ang haba ng building na ‘to pero iisa lang ang entrance. Lumagos kami sa katapat na
exit nito papunta naman sa likod ng building. Nakita ko agad ang dorm sa kaliwang
bahagi ng parihabang campus ground, at may isa pang sobrang lumang building malapit
sa dulong bahagi ng dorm, paharap sa annex ang posisyon. Maliit lang siya, hanggang
third floor at parang may attic. May nakasulat na "OLD BUILDING" sa pinakataas na
bahagi pero parang bahay sa tingin ko. May malawak na garden na natataniman ng mga
puno at halaman, at pahingahan ng students sa gitna ng campus.
Sinipat ko ang lumang building, parang may tao kasi doon pero mukhang hindi na
ginagamit dahil sa kalumaan. Pinaliit ko ang mga mata ko para masigurong tama ang
nakikita ko. Babae ang naroon at mukhang estudyante dahil parang naka-school
uniform pa. Nakatanaw dito sa Annex Building, sa gawi namin. Mayamaya’y parang usok
na naglaho ito. Napanganga ako.
"S-saan? Huwag ka namang manakot!" Pinigilan kong tumawa. Kaya siguro hindi
binigyan si Kuya
ng 'gift' kasi duwag siya.
"Naroon sa lumang building na mukhang bahay," pananakot ko sa kanya.
Hindi nilingon ni Kuya 'yong building na itinuro ko. Mabilis siyang naglakad
patungong dorm at humabol naman ako. Pumasok kami sa medyo bago-bagong building.
"Same building pala ang dorm natin. Sa left wing kami, sa right wing ang girls,"
paglihis ni kuya ng topic. Sa ground floor lang ang dugtungan ng dorm. Ang apat na
floor sa taas ay tila twin towers pero hanggang 4th floor lang. May cafeteria at
internet cafe sa ground floor.
May mga lady guard sa baba ng hagdang nasa gitna ng lobby paakyat sa Ladies’ Dorm.
Ang hagdan nila Kuya ay nasa bahaging malapit sa Annex Building at may guard din
do’n. Para siguro walang makalusot na magsyota at gumawa ng kalokohan.
"Saan ang punta niyo? Bawal ang lalaki sa ladies' dorm." Hinarang kami ng lady
guard.
"Ay, magkapatid po kami. Ihahatid ko lang ang kapatid ko sa room niya. 215. Medyo
mabigat 'tong hand carry niya. Maarte 'to e. Kung anu-ano ang isinaksak sa maleta
niya."
Natawa ang lady guard sa asaran namin ni Kuya. "Magkapatid nga kayo. Sige na
umakyat na kayo pero saglit ka lang, ha."
Nasa kaliwang side ang even numbers at nasa right side ang odd numbers. "Heto na,
Kuya. Nasa corner pala ang room ko. Nice!"
"Oo, nakalagay dito sa card mo ay Premium Dorm Unit." Sinusian ni Kuya ang unit ko
at binuksan ang pintuan. May dalawang babae ang nasa loob na nakaupo sa sofa at
nagkukwentuhan.
"Ooops, sorry mga miss. Hinatid ko lang ang kapatid ko,” pagpapaumanhin ni Kuya sa
dalawang babae. Kahit suplado ito ay ma-respeto pa rin sa kababaihan kaya bilib pa
rin ako sa Kuya ko. “Heto pumasok ka na. Bababa na ako." Kumaway pa si Kuya sa
dalawang babae, at nginitian naman siya ng mga 'to. Sus, porke pogi si Kuya, ha.
Kamukha kasi siya ni Lee Min Ho pero tisoy version.
In fairness, maayos ang room. May mini sala, may mini dining at mini kitchen, at
may tatlong pintuan. Mga sariling silid siguro namin. Iisa lang ang banyo malapit
sa main door pero okay na.
"Hello. Ikaw pala new dorm mate namin. Kumusta?" bati ng babaeng tsinita at tisay.
Mukha namang mga friendly sila.
"Ah. Kapatid mo 'yon? Ang gwapo ha," sabi ng babaeng morena at maganda. Mukha
siyang bumbayin. May hawig siya kay Gal Gadot.
"Ikaw lang ang may sabi niyan. Pangit kaya 'yon."
Natawa silang dalawa. "Magkapatid nga kayo. Ganyan din kami ni Kuya, eh. Nandito
din siya kasama ko. Ako nga pala si Emma," sabi ng tsinita.
"I'm Daisy." Nakipagkamay sila sa akin. Tiningnan ko ang mga pinto ng mini bedroom.
"Do’n ka sa dulong room," turo ni Daisy.
"Sandali lang ha ipapasok ko lang ito saka tayo magkwentuhan." Binuksan ko ang
silid ko saka pumasok sa loob. Single bed lang ang kasya na nasa sulok, isang
cabinet, computer table at isang side table. Lahat dito mini, para siguro
mapagkasya ang tatlong kwarto sa "Premium Dorm". Itinabi ko muna ang maleta sa
sulok saka ako excited na lumapit sa bintana at sumilip dito. Napanganga ako sa
nakita ko. Tanaw mula dito ang lumang building. Naroon na naman ang babaeng nakita
ko kanina, at sigurado akong nakatingin siya sa akin!
Chapter 2
Umiling si Daisy. "Bagong transfer lang din kami, pero one week na ako dito sa dorm
tapos 3 days na si Emma dito. Maaga kaming dinispatsa ng parents namin."
Tumawa si Emma sa biro ni Daisy. "Dinispatsa talaga kami ni Mama ng maaga dahil may
date sila ng new found boyfriend niya sa Moroco. One month daw sila doon." Parang
wala lang sa kanya na may new boyfriend ang Mama niya dahil sa paraan ng
pagkakasabi niya. Parang tonong matter-of-fact lang.
"I sent myself away naman dahil busy sa business at alak si Papa. Busy naman si
Mama sa ibang bagay. Wala namang pakialam ang mga 'yon kahit 'di ako umuwi. Mula ng
mamatay si Ate, wala na silang pakialam sa akin. Siya ang paborito nila eh."
Napabuntong hininga si Daisy.
Ang ironic talaga ng buhay. Misery really loves company, ika nga. Kaya siguro
kaming tatlo ang magkakasama-sama dito. "Wow ha. Pare-pareho pala tayong may mga
drama sa buhay. Sumama sa kabit niya si Papa kaya nagtago kami dito sa province.
Kaso malayo pala 'tong school sa villa kaya my mom sent us away. Wala pa kasi ang
driver namin. Siya lang pinagkakatiwalaan ni Mama para maging driver namin."
"Hayaan na natin 'yang mga parents natin. Mag-eenjoy tayo dito. Pwede naman daw
lumabas basta magpapaalam lang, saka may curfew." Kumindat si Daisy.
"Pero teka... may napansin ba kayo dito sa school?" putol ni Emma sa kasiyahan
namin.
"L-Like what?" Kinakabahan ako. Baka may third eye din 'tong mga 'to ah. No please.
Don't entertain those ghosts!
"Medyo malungkot ang ambiance, tahimik, eerie, may something na ewan." Niyakap ni
Emma ang sarili.
OMG. May gift din 'tong isang 'to, hindi nga lang open pa at hindi siya aware.
"Hmmm... w-wala naman akong napapansin. Siguro dahil konti pa lang ang students."
Tumango-tango si Emma. "Siguro nga... siya nga pala. Ang weird ng sinabi ng guard.
Huwag daw tayong gagala sa gabi. Basta pag madilim na, bawal na sa area ng Annex
building, sinasaraduhan na daw yon. 'Di rin pwedeng puntahan ang bodega sa dulo na
nasa kakahuyan saka huwag daw pupunta doon sa building na luma na parang bahay."
Nagtatanong ang mga mata ko. Si Daisy ang nagtanong ng iniisip ko. "Bakit naman
daw? Ano'ng mayro'n?"
Inilahad ang dalawang palad kasabay ng pagkibit ng balikat. "Ewan, 'di na ako
nagtanong."
Napasimangot si Daisy. "Ang weird nga. Ano 'yon, tapos ng klase, dito lang tayo?
Kasi paglagpas ng Main Building, dadaan tayo ng hallway ng Annex Building para
makarating dito eh. Pag sinarahan nila 'yong entrance do'n, 'di na rin tayo
makakauwi ng Dorm. Nakaharang ang buong Annex building eh."
Nangalumbaba si Emma. "Ano ba ang mayro'n sa Annex Building? Saka sa storage pati
sa lumang building?"
"Hey! 'Di pa nga nagsisimula ang klase, gagawa agad tayo ng violation. Maghintay
naman tayo ng 1 week hehe." Nakangising sabi ni Emma.
Kinabahan ako. Okay lang mag-ikot at usisain ang Annex Building, huwag lang ang Old
Building na 'yon. "Kayo talaga kung ano-ano ang naiisip n'yo. Mag-snack na lang
tayo. Mukhang masarap ang food sa Cafe nila sa baba."
Bumaba kami sa ground floor para mag-snack. Umorder na sina Daisy at Emma sa
counter. Nagpa-order na lang din ako.
"Arlene, sino'ng tinitingnan mo?" pukaw ni Daisy, dala na ang order namin.
"Ah, iyon, oh." Ininguso ko ang lalakeng tulala. "'Yong lalake sa bench sa garden.
Mukhang malungkot."
Nilingon nina Daisy ang lalakeng itinuro ko. "Ah wow, girl ha. May taste ka sa
boys. Gwapo."
"Loka, hindi ko siya type. Napansin ko lang na malungkot siya habang nakatanaw sa
Old Building."
"Miss," tawag ng bading sa akin na papadaan sana sa likuran ko pero mukhang natigil
dahil narinig ang chikahan namin. "Si Gio 'yan. Kaya malungkot siyang nakatingin sa
Old Building kasi doon nakita ang katawan ng girlfriend niyang namatay 3 years ago.
Lagi 'yang nariyan."
Napatulala ako. Iyong babaeng nakita ko, 'yon ba ang girlfriend niya? Bakit
nagmumulto? "A-ano raw ang kinamatay?"
Umiling ang kausap naming bading. "Ang sabi ng iba heart attack, iyong iba naman
sabi nila pinatay daw. Sabi ng iba, suicide. May nagkwento din na ni-rape muna bago
pinatay sa sakal. 'Di namin alam kung alin ang totoo. Wala naman kasing nakakita sa
nangyari at hindi uso ang CCTV rito noon. Ngayon lang nagkaroon at sa Annex lang
mayroon." Tumawa ito. "By the way, ako nga pala si Hanz. Well, Hanna sa gabi." Saka
'to humalakhak ng malandi.
Nagkatinginan kami nina Daisy at Emma. "Ako nga pala si Arlene, sila sina Daisy at
Emma." Nagkamayan kaming lahat.
"Halika baks, upo ka dali! Kwentuhan mo kami." Hinila pa ni Daisy ang upuan sa tabi
niya. Naupo naman ang beki na excited magkwento.
"Bale Senior High kami noon dito. Tapos sa kabilang room sila nagka-klase, katabi
namin. Sikat ang girl na 'yon kasi siya ang pinakamaganda dito, si Monique. Grabe,
halos lahat yata ng kalalakihan, nililigawan siya." Huminga muna 'to. Inabutan ko
ng orange juice. Uminom naman ang loka. Natuyuan sa kadaldalan. "Tapos syempre isa
lang ang magwawagi. Ayon na nga, si Pogi." Ininguso ang nakatulala pa ring lalakeng
nakaupo sa bench. "Wala namang lugi sa kanila dahil pareho silang maganda at gwapo.
MVP 'yan ng Basketball Team natin. Maraming natuwa, marami ring hindi."
Napatukod ang kamay ko sa baba ko. Sobrang curious ako. Sina Daisy at Emma ay
lumapit pa ng konti. Nakakahawa ang pagiging tsismosa hahaha! "S-so hanggang ngayon
hindi pa rin tiyak kung ano ang kinamatay niya?"
Umiling ulit si bakla. "Wala. Open case pa rin daw. Hindi pa rin sumusuko ang
pamilya ni Monique para malaman ang katotohanan sa pagkamatay niya. Alam n'yo na,
only child eh. From time to time may nagpupuntang investigator dito. Ang kaso
nakakapagtaka...." tumigil ito sa pagsasalita. Uminom ulit ng orange juice,
naparami pa. Naubos ang juice ko eh.
"Paiba-iba ng investigator. Pagkatapos ng isa, 'di na siya babalik ulit. Takot nang
pumasok sa Old Building. Parang tuliro na ewan. Iba na naman ang pupunta. Kaya
siguro hindi naso-solve dahil paiba-iba ng nagiimbestiga e. Halo-halo na ang
resulta ng investigation," huminto ulit 'to, "Manang Huling, paorder nga ng orange
juice mga tatlong baso! Nauhaw ako eh!"
Humagalpak ako ng tawa. Nakakaloka 'tong baklang 'to, ang sarap kasama. "Sige na
libre ko na, ano'ng nangyari?"
"Wow talaga? Thank you beshie! Mahaba-habang kwento 'to." Inabot ng serbidora ang
mga orange juice niya. "May isang investigator ang pumunta dito nang gabi,"
nambitin na naman. Uminom ulit ng juice bago nagpatuloy sa kwento, "natagpuan
siyang patay kinabukasan," ininguso ang Old Building, "doon. Walang may alam kung
ano ang nangyari. Baka raw heart attack. Eh 'di syempre dalawa na iimbestigahan.
May bagong imbestigador ang nagpunta. Gabi ulit. Hindi na siya nakita mga isang
linggo. Tapos may dalawang estudyante na may planong mag-make out yata doon sa
bodega, nakita nila 'yong imbestigador, patay na. Mabaho na nga eaw at parang bulok
na."
"Waaaaah! Nakakatakot naman dito! Uuwi na ako!" ngawa ni Emma.
"Huwag ka lang pagabi sa labas para 'di ka ma-tegi." Humalakhak na naman ang bakla.
"Teka, iyon ba ang reason kung bakit bawal pumasok sa Old Building at sa Bodega?"
"Yup. Kaya mula noon, bawal nang pumasok d'yan maliban sa investigators na pwedeng
pumasok sa araw."
Napanganga ako. Imposible namang 'yong multo ang pumatay sa kanya? Pwede kaya 'yon?
'Di pa naman ako sinasaktan ng mga multong nakakasalubong ko, kahit dinededma ko
sila ay hindi sila nagiging bayolente, o baka naman swerte lang ako sa nakakaharap
kong multo?
"May isa pa kong tanong, bakit sinasara ang Annex Building pag 6:00 PM na?"
Hanggang 5:00 PM lang din ang klase na gumagamit ng Annex Building.
"'Yon ang 'di ko alam. Kulang pa pagiging tsismosa ko. Hahahaha!" Halakhak ulit
nito.
"Huwag na lang tayong pumunta sa mga lugar na 'yan. 'Pag bawal, bawal." Sabi ko sa
kanilang dalawa na tumango naman habang yakap ng mga braso ang sarili.
Lumingon sa akin si Hanz. "Alam mo beshie ngayon ko lang napansin, may hawig kayo
Monique."
"Weh, 'di nga? Sabi mo pinakamaganda dito 'yon? Eh 'di hindi ko kamukha 'yon!
Hahaha!"
"Lukaret. 'Pag may nagsabi sa'yong pangit ka eh insecure sa 'yo 'yon." Tumingin
ulit siya sa akin. 'Pero totoo. Kamukha mo siya. Mas matangkad ka lang siguro saka
may bubelya hahaha!"
"Loka!" Hinampas ko siya sa braso. Lahat na lang ng tao, 'yon ang napapansin sa
akin. Tsk. Kasalanan ko bang 37B ako?
"Magkamukha kayo. Wavy long brown hair, pouty kissable lips, matangos ang ilong,
bumbayin na mata saka mahabang pilik. Ang kaibahan lang, may dimples ka. Saka 'yang
extra assets mo hahaha!" Uminom ulit si Hanz ng juice. Pangalawang baso na niya.
"Teka, may FB account pa siya eh. Walang maka-access kaya 'di ma-delete. Heto."
Ipinakita sa akin ang picture ni Monique gamit ang phone niya. Hala, kamukha ko
nga! May dimples lang ako 'pag ngumingiti. Kinuha ko ang phone ni baks saka ko
pinakita kina Daisy at Emma. Nanlaki ang mga mata nilang dalawa.
Don't worry, akala ko rin ako siya. Iyon nga lang may nakasulat na Monique
de Jesus sa profile niya.
Tinapik ni Emma si Hanz. "Magkuwento ka pa baks. Sino at ano ang hinala mo?"
"Hmm... marami kasing mga nangyari noon. May ilang nabasted na hindi matanggap na
basted sila. Saka may mga babae ring bigo kay Pogi." Nilingon naming apat ang
lalakeng malungkot. "May nagsuntukan pa nga no'ng Prom night para lang maisayaw si
Monique. Tapos si Gio ang naging Knight in shining armor. Itinakbo si Monique pauwi
ng dorm. Syempre girlfriend niya 'yon. Naroon ako nang nag-jumbagan ang mga boys."
Chapter 3
Monday. Pasukan na. 7:00 AM ang klase ko kaya 5:00 AM pa lang ay gumising na ko.
Baka mag-agawan pa kami ng dorm mates ko sa CR. Tsk. Parang hindi rin ako nag-dorm.
Ganito rin ang gising ko malamang kahit nasa bahay ako kaso lang ayaw ko namang
mag-drive.
"Hoy, mga babaeng mantika, gumising na kayo!" Nilakasan ko pa ang katok. "Gising!
Daisy!" Lumipat ako sa kabilang pinto. "Emma!" Dumukot ako ng piso sa bulsa ko saka
ko ginamit pang-katok nang malakas. "6:30 na, bahala kayo d'yan."
Nakarinig ako ng yabag ng patakbong paa sa loob ng mga kwarto nila. Sabay pang
nagbukas ng pinto ang mga ito.
"6:30 na! Waaaah!" tili ni Daisy, nakasukbit ang tuwalya sa balikat, bitbit naman
ni Emma ang towel niya at sabay na patakbong nagtungo sa CR. Paunahan. Nanalo ang
magaslaw na si Daisy. Sinara agad ang pinto.
"Waaaah! Hoy! Bilisan mong maligo! 5 minutes lang! Huhuhu!" tili ni Emma.
Sumagot ng malakas si Daisy mula sa CR. "Ano'ng tingin mo sa 'kin, manok? Kumain ka
na d'yan, nasa trono ako!"
Walang nagawa si Emma kundi kumain. Lumabas na ako ng dorm. Bahala silang mahuli sa
klase.
Konti pa lang ang students sa ground floor. Umakyat ako ng 2nd floor pero mas
lalong wala pang students. Sa third floor kaya may tao na? Tinungo ko ang 3rd floor
pero walang tao. Tahimik pa ang paligid. "Heto, room 3L. Buti kalapit lang ng
hagdan." Pumasok na ako sa classroom namin pero wala ring tao. Naupo na ko sa
bandang gilid malapit sa window. Tanaw ko mula dito ang dorm pati ang Old Building
pero medyo malayo.
I heard footsteps outside the room pero 'di ko pinansin at baka estudyante lang.
Nagdadatingan na siguro sila. I was still busy looking at the view when someone
passed by behind me. Ramdam ko ang presence ng kung sinong bagong dating. Baka may
kaklase na akong dumating at ramdam kong naupo siya sa likuran ko. Hindi ko na lang
ulit pinansin dahil hindi naman ako interesado sa kanya. Huminga ng malalim ang
student na nasa likod ko na halos umabot na ang hangin sa batok ko. Nakataas pa
naman ang buhok ko. Malamig ang dumamping hangin sa akin and it gave me goosebumps.
Palingon pa lang ako sa kanya para sitahin when other students came in. Sila muna
unang tiningnan ko bago ang nasa likod ko. Tatlong babae at isang lalake ang bagong
pasok at dumiretso sa bandang likuran kaya sumunod ang tingin ko.
There, at the corner of my eyes, I saw a ghost behind me, looking directly at me.
Babaeng estudyante, pale-faced na may laslas sa leeg. Naka-school uniform na pang-
Senior High ng school namin. Dinedma ko. Sanay na ako sa gawain ng mga katulad nito
para mapansin. Kunwari ay lumagos ang tingin ko sa kanya. Binati ko ang apat na
estudyanteng bagong dating na sa pinaka-dulo naupo. "Hi there classmates!"
Kinawayan ko pa sila and they waved back naman. Good thing because sign 'yon na
pwede akong lumapit. Makakalayo ako sa multong 'to. Binitbit ko ang bag ko at
lumipat sa likod. Tumabi ako sa babaeng tsinita. "Akala ko hanggang mamaya pa ko
mag-iisa dito. Malapit na kong ma-bore at bumalik ng dorm."
"Oo nga e. Male-late daw yung first prof natin sa Management. Ako nga pala si
Loida. Siya si Ana, saka si Karen. Tapos si Diego." Naglahad ng palad si Loida,
yung tsinita.
"Hello, I'm Arlene. Nice meeting you guys!" Iniabot ko ang kamay ko sa kanila.
Gosh, lumapit pa sa kanila 'yong multo at tumayo sa gilid nung Diego pero
nakatingin pa rin siya sa akin. Dinedma ko pa rin siya. Wala akong pakialam. Siguro
kung nakikita siya ng mga 'to, kanina pa sila nanginginig sa takot at nagtakbuhan.
"Arlene!" Nilingon ko ang tumawag sa akin. Si Emma kasunod si Daisy, pero may
kasunod pa si Daisy. Babaeng multo na naman? Naka-school uniform din ito ng Junior
High. Dinedma ko rin siya saka ko nginitian sina Daisy.
"Oh, swerte kayo male-late daw ang prof natin." Nakamasid pa rin sa akin ang
babaeng multo. "Hmp. Manigas ka diyan."
"Hay! Sa wakas. Buti naman at hindi kami tagged as late today." Pagod na napa-upo
sina Emma at Daisy sa upuan sa tabi ko. Tumakbo ba naman sila para hindi ma-late.
Ipinakilala ko sila sa mga bagong kilala ko. Nagkakwentuhan kaya nalibang na rin
ako. 'Di ko na pinansin iyong dalawang saling-pusa sa room.
Nagsidatingan na rin ang iba pang students saka pumasok ang babaeng prof namin.
Bata pa at maganda. Parang nasa mid-twenties pa lang.
"Good morning class. I'm Ms. Samantha Mariano. I will be your instructor for
Management 202." Tiningnan niya kaming lahat. "Kindly do a little introduction in
front. State your name, age, hobbies and show a sample of talent, either singing or
dancing."
Nagpakilala isa-isa. May mga pumiling sumayaw, may pumili na kumanta na lang kahit
sintunado kaysa sumayaw ng walang music.
Tumayo ako sa unahan nang oras ko na para magpakilala at humarap sa klase. Naroon
pa rin sa likuran ang dalawang multo kanina. Dedma ulit. Magsasalita na sana ako ng
may pumasok. Si Gio! Aminin ko man o hindi, gwapo talaga 'tong mokong na 'to sa
malapitan, pero mas nagulat ako ng makita kong may kasunod 'tong babaeng student.
Multo, again, at may bahid ng dugo ang uniform nito. Umupo si Gio sa kabilang gilid
ng room sa pinakadulo. Tumayo naman sa tabi niya ang multo at namalagi lang do'n.
Inialis ko ang tingin ko sa kanila at nagsimulang magpakilala.
"H-Hi, I am Arlene Grace Valdez, 17 years old, my hobbies are reading books,
playing instruments, singing, sleeping and eating." Nagtawanan ang mga kaklase ko.
Nakatingin sa akin si Gio pero dinedma ko na lang din siya. Pilit kong inaalis ang
tensyon na nararamdaman ko. Sinimulan ko na ang kantang may hugot yata kaya
madamdamin ang pagkanta ko.
ߎߎְ
Loving you, is easy cause you're beautiful,
Makin' love with you is all I wanna do
Lovin' you is more than just a dream come true
And everything that I do is out of lovin' you
La la la la la, la la la la la
La la la la la, la la la la la
Do do do do do, ooh
հߎհߎ
Nagpalakpakan ang mga kaklase ko at napatawa ako. Ano ang nakakatawa? Pumalakpak
din iyong tatlong multo. Akala naman nila papansinin ko sila sa ginawa nila pero
dinedma ko pa rin sila. Oras na pansinin ko kahit isa lang sa kanila ay hindi nila
ako tatatantanan sa paghingi ng favor. Lalong magugulo ang magulo na naming buhay.
Pero may nagpakunot ng noo ko habang pabalik ako sa upuan ko. Ano'ng nangyari sa
school na 'to? Bakit ang daming multong students? Sino sila? Bakit hindi pa sila
matahimik? Saka bakit nakasunod kay Gio iyong isang multo pati do'n sa Diego at kay
Daisy? Ito ba ang dahilan kaya bawal sa Annex Building kapag 6pm na? Eh, mukha
namang harmless ang mga multong 'to. Sigurado akong hindi isa sa mga 'to si Monique
kaya I'm sure siya nga ang nasa Old Building. Magkamukha kami eh. Wala akong
kamukha sa mga multo na narito.
Mukhang hindi ako matatahimik hangga't hindi nasasagot ang mga tanong sa isip ko.
'Yan ang problema sa akin. Kapag may tanong ako, hindi ko titigilan hangga't may
nakuha akong sagot doon. Napabuga ako ng hangin. Mapapahamak ako sa curiosity ko.
Chapter 4
Ilang araw pa lang ako sa school na 'to, apat na multo na agad ang nakita ko.
Sabagay, sanay na naman akong hindi namamansin ng multo.
Oo. Sanay na akong makakita ng tulad nila, pero hindi pa rin naaalis ang takot ko
kapag nakikita ko sila. Na-overcome ko lang na ipakita ang fear ko dahil din sa
takot na baka malaman ng mga multong 'to na nakikita ko sila at mas lalo pa nila
akong guluhin.
I can still remember my childhood. Mula ng magkaisip ako ay palagi na lang akong
nagtatago sa sulok. Kahit saan kasi ako magpunta ay may sumusunod sa aking multo.
Nagrereact ako, syempre bata, natural na matakot.
I was 7 years old nang tinawag akong freak at baliw ng sarili kong pinsan na mas
matanda sa akin ng tatlong taon, anak ng kapatid ni Mama. Naglalaro kami sa
playground ng subdivision namin that time. Nakita ko ang lalaking parang tustado
ang buong katawan, luwa ang mata at naaagnas ang mukha na nakaupo sa swing habang
nakatingin sa akin. Nagtititili ako noon at itinuturo ang multo. Nilapitan ako ng
pinsan kong si ate Sandra saka ako inalog-alog.
Flashback...
"Hoy, ano ba? Ang ingay-ingay mo! Bakit ka ba tili ng tili? Sino ba ang tinuturo mo
d'yan?" Nilingon nito ang swing na tinuturo ko.
"Multo! Mamang nakakatakot! Sunog ang mukha! Labas ang mata! Eeeeeeehhh!" Nagtakip
ako ng mukha.
"Ano ka ba? Nananakot ka lang ba? Wala akong nakikitang sunog na mamang
nakakatakot! Hoy! Ano ba?"
Lalo akong nagsisisigaw. Nilapitan ako ng guard ng subdivision para ihatid pabalik
sa bahay namin. Iyak pa rin ako ng iyak habang naglalakad. Kasunod kasi namin ang
mamang sunog habang pauwi kami.
Nag-door bell ang guard sa bahay. Pinagbuksan kami ni kuya Drei. Yumakap agad ako
sa kanya saka nagtago sa likod niya. Sumilip ako sa mamang sunog na nakatayo sa
likod ng guard. Nakatingin pa rin siya sa akin.
"Eeeeeeeehhhh! Nandyan pa rin 'yong mamang sunog! Huhuhuhu! Kuya Drei tago mo ko!"
"Inihatid ko na ang kapatid mo, hijo, nagiiiyak sa playground. May multo daw.
Iniwan no'ng kasama niya."
"Ah! Sige po salamat." Hinatak na ko ni Kuya Drei papasok ng bahay. Nasa sala si
Mama. Tumakbo ako saka yumakap sa kanya.
"Mama, si Arlene nakakita daw ng mamang sunog sa playground. Iniwan siya ni ate
Sandra sa playground."
"Anak, sabi ko sa'yo di ba? Kapag nakakita ka ng multo, huwag mong pansinin. Hindi
yan mananakit. Magpapakita lang sa'yo dahil may kailangan sa'yo. Kapag pinansin mo
at tinulungan mo kahit isa sa kanila, hindi ka na nila titigilan. Lagi na silang
lalapit sa'yo. Gusto mo ba 'yon?"
"Gano'n naman pala e. Kaya sanayin mo ang sarili mo na hindi sila pinapansin.
Kunwari, wala sila d'yan, o kaya ordinaryong tao lang sila na strangers. 'Di ba ang
sabi ko, do not talk to strangers? Gano'n 'yon."
"Sige po, Mama." Pinunasan ko ang uhog na tumulo sa ilong ko gamit ang laylayan ng
palda ko. Tawa naman ng tawa si Kuya Drei sa akin.
"Ang dusing ng mukha mo, Arlene. Maligo ka na nga. Batang uhigin!" Nginusuan ko si
Kuya Drei.
Noon ko lang din nalaman na si Papa pala ay nakakakita rin ng multo. Sa kanya ko
namana ang 'gift' na 'to. Kaya pala may nakikita akong nakadikit na papel na 'di ko
maintindihan ang mga nakasulat sa paligid ng bahay. Mula din no'n ay nilayuan na
ako ni Ate Sandra.
Natigil ang pagmumuni-muni ko nang tumunog ang bell. Nagmuni-muni pala ako sa buong
discussion at wala akong naintindihan sa lessons.
Siniko ako ni Daisy. "Nakinig ka ba? Wala kang ginawa kundi mag-sketch." Ininguso
nito ang ginagawa ko.
"Halika na. Sa room 2B tayo. Sa baba, kabilang dulo." Aya ni Emma sa amin.
"Monique! Monique, nagbalik ka!" Saka ako niyakap ng lalake. Napadilat ang mga mata
ko. Nakatingin sa amin ang mga estudyanteng nakiki-usyoso. Na-shock din sina Daisy
at Emma.
Lumuwang ang pagkakayakap niya sa akin. Inalis ang mga braso niyang nakapaikot sa
baywang ko saka umatras ng dalawang hakbang.
Nakatitig sa akin si Gio. Ngumiti ako para ipakita na may dimples ako. Itinuro ko
pa.
"S-sorry. Akala ko ikaw siya. M-magkamukhang magkamukha kayo." Maluha-luha ang mga
mata nito. Tinitigan niya ako. Nagrereminisce siguro ng moments nila ng girlfriend
niya habang nakatitig siya sa mukha ko. Naawa ako. Yumuko si Gio saka tumalikod.
Lumakad palayo habang nakapamulsa.
Napabuntong hininga ako. Mahal na mahal niya si Monique. Gumawa ng eksena sa harap
ng maraming tao dahil akala niya ay ako siya.
"Girl, kamukha mo talaga yung girlfriend niya kasi. Para kayong kambal kasi eh.
Magpasalamat ka d'yan sa dimples mo. Pati na rin sa bubelya mo!" Ang lakas ng tawa
ni Daisy. Yung kayamanan ko na naman ang napag-initan.
"Hay naku, halika na nga. Baka ma-late pa tayo." Hinatak ko na silang dalawa ni
Emma.
-----
"Kuya Drei, si Emma saka si Daisy." Pakilala ko sa kanila habang nasa Canteen ng
school. 2nd year college din si Kuya pero 3rd year na dapat siya kaya badtrip din
siya sa paglipat namin dito. Nag-shift kasi siya ng course paglipat namin ditto
from Criminology to Political Science. Wala kasing criminology course sa school na
'to kaya napilitang mag-shift. May mga subject pa siyang hindi na-credit, kaya
irregular siya.
"Hello." Nakipagkamay siya sa dalawang magandang kasama ko. Ang luwang ng ngiti!
Playboy talaga 'tong si Kuya.
"Emma." Tawag ng lalaking parating. Kamukhang kamukha ito ni Emma.
"Okay naman. Masaya." Lumingon ito sa amin ni Kuya Drey. "Pakilala mo naman ako sa
kanila."
"Kuya, si Arlene saka si Drei, magkapatid sila. Guys, si Kuya Emman. Kambal ko.
Matanda sa akin ng 5 minutes."
"Ah. Kaya pala magkamukhang magkamukha kayo." Nakipag-kamay kami ni Kuya Drei sa
kanya.
Chapter 5
Nagpaalam ako kina Daisy at Emma na may hahanapin lang ako kaya mauna na sila sa
Dorm. 4pm pa lang naman. May oras pa para maghanap.
"Hanz!"
Lumingon si Beki sa akin. Ang luwang ng ngiti pagkakita sa akin. Nakahanap na naman
ng kahuntahan.
Nag-isip si Beki. "Ang sabi ni Mama, dito siya nag-High School. Eh kwarenta na yon.
So matagal na talaga 'to. Pero iba daw pangalan ng school na 'to nung time niya.
Señor Antonio Provincial High. Antonio ang pangalan ng dating may-ari bago 'to
nabili ng may-ari ngayon. 5 years pa lang 'tong pinangalanang Doña Trinidad."
"Ahhh.. matagal na pala 'tong school." Kung matagal na 'to, bakit yung Annex
Building ang minumulto at hindi yung Main Building? Wala akong nakita doon. "Yung
mga building ba dito puro bago?"
"Ay hindi. Iyong Main Building sa harap ang bago pati 'yang dorm natin. Itong Annex
ang matagal na. Sabi ni Mama, nirenovate lang daw 'yan pero same building pa rin na
ginamit nila noon pa. Mas bago pa nga itong Old Building," ininguso ang building na
luma na tanaw mula sa pwesto namin, "hindi lang na-renovate."
That explains it. Luma na ang building. May history na. Pero nakapagtatakang ang
dami ng nakita kong multo and take note, puro babae. "Nasaan nga pala ang mama mo?"
"Nasa Dubai, resident na siya doon. Kaya nga dito ako napatapon. Halos dito na ko
nakatira. Ayokong umuwi sa bahay eh. Tetano ang step mom ko!" Napatakip pa ng bibig
si Hanz habang humahalakhak.
"Naku, okay lang. Alam ng lahat dito 'yan!" Humalakhak ulit ito ng sagad, kita na
yata ang ngala-ngala.
Lukaret talaga 'tong Beki na 'to. "Oo nga pala. May idea ka pa ba kung may iba pang
namatay dito bukod doon sa na-kwento mo sa amin?"
"Wala pa ako'ng nababalitaan. Ichichika ko sa'yo yan pag nakasagap ako hahaha!"
"Salamat Beks. Nakakatakot kasi. Paano kung may nagmumulto ditto, 'di ba?"
"Ay, tsismisan sa bawat sulok ng school 'yan. Nagmumulto daw si Monique dito. 'Di
tuloy ako lumalabas sa gabi at baka mamaya makita ko pa siya."
"Nakakatakot naman!"
Tinapik ako ni Hanz sa braso. "True! Kaya don't break their rules, girl."
"Kids, kamusta ang pag-aaral?" Boses lalake ng nasa likod namin. Nilingon ko 'to.
Nasa mid 20's na yata siya. Tiningnan din ako nito. Namutla nang nakita ako. "M-
Monique?"
"Hahahaha! Kita mo 'tong si sir Tony, nagulat din nang nakita ka. Sir Tony, si
Arlene, transferee dito. Magkamukha lang sila. Arlene, professor siya ng English
subjects dito. Dati sa Senior High, ngayon sa College na."
"Ah. Nice meeting you po, sir Tony." Ngumiti ako para ipakita ang dimples ko. Para
matauhan na rin. Kulay bond paper na ang mukha ng professor na 'to eh.
Mukhang natauhan naman siya sa pagngiti ko. "H-hi. Nice meeting you, too, A-Arlene.
Nabigla lang talaga ako. Akala ko multo ka." Dumukot si sir Tony ng panyo saka
nagpunas ng noo.
"Sabi ko nga sa kanya sir, magkamukhang magkamukha sila. Maliban dun sa dimples
saka ..."
"Do'n tayo mag-chikahan. Treat kita ng orange juice. Maraming juice." Hinila ko
siya ulit.
"Ay bet ko 'yan! Sige, Sir Tony." Nauna pang maglakad sa akin si Bakla. Halatang
sabik sa orange juice. Nauhaw siguro sa haba ng kwento nito mula umaga.
"Sige po sir."
Nilibre ko muna si Hanz ng dalawang baso ng orange juice bago siya umakyat sa room
niya. Papunta na rin ako sa hagdan paakyat sa wing ng Dorm namin ng madaanan ko ang
internet cafe. Napahinto ako saka bumalik sa tapat ng cafe. Libre naman ang gamit
at may free use kami basta updated sa bayad sa Dorm.
Pumwesto ako sa pinakadulo para may privacy. In-open ko ang Google saka nag-type.
City of Doña Trinidad University crime report. Enter.
Magla-log out na sana ako ng maisip kong magcheck pa ulit. I typed in Señor Antonio
Provincial High. Enter. Kung ano-ano ang lumabas na hindi related sa sine-search
ko. Gusto ko nang sumuko after kong mag-click ng ilang next page. I was about to
close the browser when one article caught my attention.
A student from Señor Antonio went missing wayback year 2000, and this girl ... this
girl was the ghost I saw in the canteen beside the student who collapsed the other
day! Kahit halos naagnas na ang kalahati ng mukha no'n, hindi ako maaaring
magkamali! Siya 'to!
Hindi ako mapakali. Sinasabi ko na nga ba. Itong curiosity ko ang magpapahamak sa
akin. Ayaw ko nang alamin pa ang kwento pero natetempt akong basahin. I clicked the
article and I was about to read it when the cafe attendant told me that my time is
up. Grabe, 1 hour na pala akong nakaupo dito kakahanap ng 'di ko alam ang hinahanap
ko.
"Sandali lang po." Kinuha ko ang phone ko saka ko pinucturan ang article na nasa
screen, at saka pinicturan ko rin ang contact info ng relative ng nasa picture.
Haist! Ano ba 'tong ginagawa ko? Makaakyat na nga!
Binura ko muna ang browsing history bago ako umalis ng internet cafe.
Chapter 6
Nakahiga ako ngayon sa kama ko at hindi makatulog. Iniisip ko pa rin ang nakita
kong article sa net. She went missing, and most likely until now hindi pa rin siya
mahanap ng pamilya niya. Nakakaawa naman. Kahit ako 'yon, magmumulto talaga ako
para lang masabi ng kahit sino sa pamilya ko na patay na ako at nakalibing na
somewhere.
Now I understand them why they keep on pestering me. They are looking for someone
to help them out, someone na nakikita sila, na maririnig ang tinig nila.
Bumangon ako at umupo sa kama. Hinawi ko ang kurtina ng bintana na katabi ng kama
ko. Sumilip ako. Naroon si Monique sa same spot kung saan ko siya unang nakita.
Nakatingin sa Annex Building. Mas kita ko ang mukha niya ngayon dahil mas tiningnan
ko na siya this time at dahil sa ilaw ng posteng nasa tapat ng kinaroroonan niya.
Kamukha ko nga siya. Para kaming kambal, na alam kong imposible naman. Malungkot
ang mga mata niya.
Tumingin siya sa akin. Hindi ko alam ang magiging reaction ko pero nakipagtinginan
ako sa kanya. Hindi ako umiwas. Saan ko ba nakuha 'tong tapang ko ngayon?
Ang nakakapagtaka? Ngumiti siya sa akin, saka siya naglaho. Weird pero hindi ako
natakot sa kanya.
Nahiga na ulit ako at nag-isip ulit. May kinalaman ba ang multo na 'yon sa
pagkamatay ni Monique o may ibang taong pumapatay sa mga babae dito? Iisa kaya
iyong pumatay sa mga babaeng multong 'yon at kay Monique o magkaiba? Kasi si
Monique lang ang nag-iisang nasa Old Building. Lahat ng female ghosts ay nasa Annex
Building. Ang sabi ni papa noon, kung saan pinatay o namatay ang biktima, doon sila
madalas magpaparamdam. Lalo na kung may grudge pa sila o hindi pa natatagpuan ang
bangkay nila.
Napabangon ulit ako sa isiping 'yon. Does it mean, lahat ng ghosts na naroon sa
Annex Building ay hindi pa alam ng pamilya nilang patay na sila? 'Di pa nalilibing
ang mga bangkay nila? Nasaan ang mga katawan nila? Si Monique, nakita nila ang
body, so malamang hindi siya matahimik dahil posibleng may gusto siyang sabihin or
someone killed her. She was killed?
"Tsk! Ayoko na nga'ng maging usisera! Nakakahawa si Beki!" Humiga ulit ako.
Pipilitin kong matulog nagtalukbong ako ng kumot.
-------
Krrrrriiiiiinnnnnggggggg!
Napabangon ako bigla. Pinatay ang alarm clock sa side table saka nahiga ulit.
"Ang sakit ng ulo ko...." reklamo ko. 2am na 'ko nakatulog kakaisip. 5am na, halos
3 hours lang ang tulog ko. Goodluck mamaya, tutulugan ko ang prof ko.
Done taking shower and fixing myself. Nakapag-breakfast na rin ako at uminom ng
pain killer. Ang dami ko ng nagawa pero tulog pa rin ang dalawa. 6:30 na naman kaya
dating gawi. Kinatok ko sila ng kinatok saka lang lumabas. Nag-unahan na naman sila
sa banyo. Nagwagi ulit si Daisy at bagsak ulit ang balikat ni Emma. Hay ... daily
routine namin 'to malamang.
"Mauna na ko sa inyo. Kumain na kayo d'yan, nagluto ako ng bacon at tocino."
Magugutom 'tong dalawang 'to kung wala ako dito. Tsk.
"Hoy!"
"Saan ka pupunta? Doon ang building, oh." Itinuro nito ang Annex.
"W-wala. Mamimitas lang ng bulaklak." Palusot kong itinuro ang mga bulaklak na
dekorasyon ng Dorm sa palibot ng labas ng building.
"No picking of flowers ang nakalagay, oh, pasaway ka talaga! Halika na nga!" Hinila
ako ni Kuya papuntang Annex. Nilingon ko si Monique, naroon pa rin siya. Ang
lungkot sigurong mag-isa sa ganyang lugar sa mahabang panahon. Naaawa ako sa kanya.
Umakyat na ako sa 4th floor. English 202 ang subject ko pero wala pang estudyante
sa loob. Naupo ulit ako sa malapit sa bintana. Hindi ko na makita ang Old Building
dito dahil masyado ng mataas 'to. Ang tanaw ko ay ang kakahuyan sa di kalayuan,
pati ang bundok sa background.
Busy ako sa magandang view nang may humawak sa balikat ko. Sisitahin ko sana pero
malamig ang kamay ng nakahawak sa akin. Tagos sa uniform ko ang lamig eh. Alam ko
na kung anong nilalang 'tong nakahawak na 'to. Hindi ko siya nilingon, hindi ko
pinansin at hindi ako nagreact. Manigas ka d'yan.
"Nakikita mo ba ako? Nakakaakit ang liwanag sa paligid mo." Mahinang sabi nito sa
tapat ng tainga ko. Tinig ng babae, husky na malamig ang boses niya. Parang
nanggaling sa ilalim ng hukay. Ramdam ko ang hanging malamig na dumampi sa pisngi
ko. Nakaramdam ako ng takot pero hindi ko pinahalata. Hindi siya katulad ng ibang
multo na narito. Dinedma ko rin siya. Pinaglabanan ko ang takot ko, pero iniisip ko
ang sinabi niya. Ano ang liwanag sa paligid ko?
"Hello Diego." Wala pang professor natin. Mag-isa lang ako dito kanina pa." In-
emphasize ko talaga iyong salitang 'mag-isa'. Binitiwan ako ng multo pero hindi
siya umalis sa likod ko. Nakahinga na rin ako ng maluwag sa wakas.
"Ako hindi eh. Walang marunong magluto sa amin. Mahirap talaga 'pag puro barako ang
magkakasama tapos mga spoiled pa. Tag-gutom tuloy kami dito." Natatawang biro nito,
saka tumunog ang tiyan.
"Hahahaha! Gutom ka nga!" Napakamot siya sa batok. "Kumain na muna tayo sa baba,
gusto mo? Mahirap mag-aral ng ganyan." Ako na ang nag-aya para makalayo dito sa
talking ghost na 'to. Nanghahawak pa at nananakot. First time na may kumausap sa
aking multo. Tumayo na kami saka lumabas ng classroom.
Hindi ko nakita ang mukha ng multo na 'yon, pero mukhang dapat akong mag-ingat sa
kanya.
Chapter 7
"Gunom na gunom ago eh." Pagsasalita nito habang punung-puno ang bibig.
Lumunok muna ng ilang ulit saka uminom ng tubig bago nagsalita. "Sorry, sabi ko
gutom na gutom ako eh." Sumubo ulit ng sinangag at itlog saka kumagat ng pandesal.
Nakatitig lang ako habang umiinom ako ng juice. Gwapo siya, matangos ang ilong,
manipis na lips, makapal ang kilay saka medyo bumbayin ang mga mata, at ang haba ng
pilik. Ang mga weakness ko sa lalaki.
"Wala. Natutuwa lang akong makakita ng gutom na gutom. Ang tambok ng pisngi mo
tuloy." Saka ako tumawa. Palusot ng konti. Sana hindi ako traydurin ng mga pisngi
ko.
"Ah. Sorry." Ngumiti ito ulit bago sumubo ng panghuling kutsara ng sinangag. "Tara
na."
"Magpatunaw ka naman muna kahit 5 minutes. May time pa tayo." Tumingin ako sa relo
ko. "6:50 pa lang. Ambilis mong kumain eh."
"Di na kailangang patagalin sa plato ang pagkain, gutom na ang mga alaga ko."
Humalakhak ito. "Salamat at sinamahan mo ako dito." Ngumiti siya sa akin ng
pagkatamis-tamis. Ang ganda ng mga ngipin niya kahit may sabit-sabit pang kanin.
"Ay, sorry." Uminom ng tubig at iyon na ang pasimpleng minumog saka nilunok. "Alam
mo pilit kong inaalala kung sino ang kamukha mo. Naalala ko na. Si Monique. Para
kayong kambal. Mas maputi lang siya. Saka may dimples ka. Saka ..." tumingin ito sa
gawing dibdib ko, saka umiwas ng tingin, "hindi ka suplada."
"Wala namang hindi nakakakilala kay Monique na dito nag-aral ng High School.
Maraming nagkakagusto sa kanya."
"Isa ka na roon?"
"Well, konti. Sino ba naman ang hindi mamemesmerize sa ganda niya. Kaso yun nga,
suplada. Si Gio lang ang nakalusot sa kanya. Hindi naman ako nag-attempt ligawan
siya kasi hindi lang naman puro ganda ang importante. Ang ugali ang tinitingnan
ko." Ngumiti ulit siya ng matamis sa akin. Nailang naman ako.
"Halika na, tunaw na 'yan malamang." Tumayo na ako at naunang naglakad. Sumunod
naman siya.
Wala ang prof namin pero maraming students na ang naghihintay sa classroom. Naroon
na rin sina Emma at Daisy. Tumabi ako kay Daisy, pinapagitnaan naming siya ni Emma.
Nagtatanong ang mga tingin ni Daisy, saka lumingon kay Diego na tumabi sa kanan ko.
"Saan ka nanggaling?"
"Teka, ambilis nyo naman. Late na kayo gumising ah." Nagtatakang tanong ko.
Bumulong si Daisy sa akin. "'Di na naligo si Emma. Mamaya na lang daw." Siniko siya
ni Emma.
Impit ang tawa ko. Grabe, ayan kasi tanghali na kung gumising.
"Good morning class." Bati ni sir Tony. "I'm professor Anthony Trinidad, 25, still
single," kinilig ang mga estudyanteng babae, gwapo ba naman ng prof tapos single
pa, "and I will be your professor in English 202. You can call me sir Tony, I
prefer that."
Iyan ang mga narinig kong bulungan ng mga kaklase kong babae. Kahit itong si Daisy
kinikilig, pero si Emma ay dedma lang.
Nilinga ni prof ang buong klase saka napadako ang tingin niya sa akin. Para 'tong
namutla na naman. Nginitian ko na lang para makita niyang hindi ako si Monique.
Mukhang kumalma naman siya. Tumalikod ito at nagsimulang magsulat sa whiteboard.
Siniko ako ni Diego. "Alam mo ba, anak si Sir Tony ng dating may-ari ng school.
Ngayon iyong tito na niya ang may-ari nito."
"Sila ang pinakamayaman sa bayang 'to, kaya nga Doña Trinidad ang pangalan ng bayan
natin."
Ang dami kong gustong itanong kay Diego, pero baka marinig ako ni sir Tony. Mukhang
mas may alam 'to kaysa kay Beki. Kating-kati na talaga ang dila ko sa pagtatanong.
Natapos ang subject namin na walang ibang laman ang isip ko kundi ang mga tanong
ko. Naglabasan na rin ang mga kaklase ko pati si sir Tony. Pinauna ko na rin sina
Daisy at Emma, at pinigilan si Diego sa pag-alis.
"May itatanong lang ako. Ano'ng nangyari dito? Bakit nagbago ng management?"
Luminga muna sa pinto si Diego bago bumulong ng mas mahina. "Nagka-issue dati na
may mga missing student na nag-aaral dito kaya nagpalit ng management. Nagpalit din
ng school name." Huminto muna 'to at tumingin ulit sa pinto, nang natiyak na walang
tao ay saka nagkwento ulit, "hindi napatunayan ang issue, ang sinabi nila baka daw
nagtanan lang yung mga nawawala."
Nagtayuan ang balahibo ko. Mukhang matagal na talagang problema ang pagkawala ng
mga student dito. "P-puro babae ba ang mga nawawala?"
"Hula ko lang."
"Oo, puro babae. Wala namang nakitang katawan nila until now kaya sabi nila baka
nga nagtanan lang. Saka mayaman ang mga Trinidad kaya hindi na naimbestigahan pa
yung issue. Hanggang sa nagpalit na ng management."
"Ah... sige tara na, baka ma-late tayo sa next subject natin."
Narito ako ngayon sa garden, nag-iisip habang nakatingin sa Old House. Pinag-
iisipan ko pa rin kung pupunta ba ako do'n o ano.
"Miss, pwedeng magtanong?" Nilinga ko siya. Lalake, mukhang nasa early 20's pa
lang. Parang siya ang nakita ko noon na nakikipagtalo sa guard sa Main Building.
Mas gwapo siya sa malapitan, ang lakas ng dating!
"Ano po yon?"
"Saan dito yung Old Building. Investigator ako." Pinakita niya sa akin ang ID niya.
Inspector Rodrigo de Jesus.
"Ka-apleyido ko lang siguro siya. Marami namang de Jesus. May schedule ako for
crime scene inspection kaso naliligaw ako. Ayaw akong iassist ng guard eh."
"Ah. Bawal po kasi kaming pumunta doon, pero iyon po ang Old Building." Itinuro ko
ang building kung saan naroon na naman si Monique.
"Sige, salamat." Lumakad na 'to patungo do'n nang naisipan kong sumama.
"Yes?"
"Bawal kaming pumasok d'yan pero curious po ako. Pwede po bang sumama?"
"Sige halika, ako'ng bahala. Ako nga pala si Inspector Rodrigo de Jesus, ikaw?"
"Arlene po."
"Sige, tara na." Lumakad na kami patungo sa Old Building. Huminto kami sa tapat.
Tumingala si Inspector. "Naroon siya..." Bulong nito.
Napalingon ako sa sinabi niya. "Sir, nakikita n'yo si Monique?" Bulong ko sa kanya.
Napalingon din siya sa akin. "Nakikita mo rin siya?" Tapos ay nagpabalik-balik siya
ng tingin sa akin at kay Monique na nasa bintana sa taas. "Magkamukha kayo!"
"Nakikita nyo nga siya kung gano'n?" Napaawang ang bibig ko. Gusto kong magtatalon
sa tuwa dahil sa wakas ay may nakilala na akong taong nakakakita bukod sa akin.
"Kailangan nga kita. Halika, sumama ka sa loob." Nilingon nito ang paligid. Mukhang
walang taong nakatingin kaya patakbo niya akong hinila. Pinihit ang doorknob na
hindi nakalock saka kami pumasok. Isinara niya ang pinto.
Kumakabog ang dibdib ko. I just violated the school policy, pero may halong
excitement din. Nilinga ko ang ground floor ng building. Maalikabok. Madilim.
Liwanag lang mula sa bintana ang pumapasok. May mga sirang upuan sa gilid ng lobby.
May apat na pintuan, sa dulo ay hagdan. Umakyat kami sa hagdan na gawa naman sa
bato in fairness.
Hawak pa rin ni inspector ang braso ko. "Sa attic daw natagpuang patay ang biktima
kaya do'n tayo pupunta. Saka naroon siya. Huwag kang bibitaw ha. Kargo kita."
"O-opo." Bakit ko ba pino-po ito eh parang 5 years lang ang tanda sa akin?
Isang hagdan pa ulit ang inakyat namin bago nakarating sa attic. Maluwag, madilim
at maalikabok, sapat pa rin ang liwanag galing sa bintana para makita ang kabuuan.
May mga sira-sirang upuan din. May mga librong nakalagay pa sa malaking bookshelf.
In fairness, di ako maiinip dito kung ako yung multo. May mababasa ako, marami-rami
din 'to.
Chapter 8
Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko. Takot, kaba, pag-aalala, galit sa
pumatay sa kanya, at awa. Napakabata pa niya. Marami pa siyang pwedeng gawin na
ninakaw ng pumaslang sa kanya.
Kinakabahan man ay lumapit ako sa kanya. Para kaming magkapatid dahil kamukhang-
kamukha ko siya. Magkaiba lang sa pisngi, sa dimples at sa kutis. Sobrang putla
niya. Nakatingin rin siya sa akin. Tingin ng curious. Tinangka kong hawakan ang
pisngi niya pero lumagos lang ang kamay ko. Hindi ko maintindihan pero may pumatak
na butil ng luha sa mata ko.
Kaya pala, parang si Emma. "Ang sabi niya huwag daw akong umiyak."
Umiling 'to. "Hindi ko alam kung sino ang may gawa. Basta na lang akong sinakluban
ng sako. Paggising ko, kaluluwa na ako."
"Ang sabi niya, basta na lang daw siya sinakluban ng sako. Paggising niya, kaluluwa
na siya." Bumalik ang tingin ko kay Monique. "May nakaaway ka ba, o galit sa'yo?"
"Mayro'n. May natuklasan ako sa school. Katulad mo, may kakayahan din akong
makakita ng multo." Lumingon si Monique sa Annex Building. "Nakausap ko ang ilan sa
kanila. Nag-imbestiga ako. May ilang nakaalam siguro na may nalaman ako at
nakakausap ko sila kaya siguro ako pinatay."
Sinabi ko kay Inspector ang sinabi ni Monique. "Itanong mo kung ano ang nalaman
niya."
Bumalik ang tingin ko kay Monique. Magsasalita na sana ito ng may tumawag sa baba.
"Inspector?" Boses ng lalake.
"Mag-iingat kayo. Wala dapat makaalam na nakikita n'yo kami. Manganganib kayo."
Saka ito naglaho.
Napatingin ako kay Inspector. Kinabahan ako. Makikita ng dumating na pumasok ako
dito. "Magtago ka." Bulong ni Inspector.
Nagtago ako sa likod ng bookshelf at sumilip sa pagitan ng mga libro. Si sir Tony
ang dumating. Nag-pop sa tabi ko si Monique. Nag-sign ng "ssshhh."
"Wala pa. Hindi pa ako tapos mag-conduct ng inspection." Inilabas ni sir Tony ang
hand gloves mula sa sling bag nito. Isinuot ang handgloves saka kinuha ang
magnifying glass niya. Tumingin, tingin sa mga upuan.
"Wala naman. Puro upuan at libro lang ang nandito. Titingin ako ng fingerprints."
"Ah, o sige maiwan na kita." Tumalikod na ito saka bumaba. Inantay ko munang
marinig ang tunog ng pintuan sa baba bago ako lumabas sa pinagtataguan ko. Napabuga
ako ng hangin.
Lumabas ulit si Monique sa tabi ko. "Gaya ng sinabi ko, mag-iingat kayo. Yung
dalawang inspector ay pinatay marahil ay dahil nakakakita rin sila, at may
natuklasan sila. Saka na tayo mag-usap ulit." Saka ito naglaho.
"Mag-iingat daw tayo. Wala daw dapat makaalam na nakikita natin sila. Yung dalawang
inspector daw ay marahil pinatay dahil katulad natin sila at may natuklasan sila."
"Halika na. Babalik na lang ako ulit. Maganda sana kung makakausap natin siya ng
matagal." Kinuha ni Inspector ang kamay ko saka inakay akong bumaba.
Pagbukas ng pinto ay sumilip muna si Inspector sa labas. Nang matiyak na walang tao
sa paligid at walang nakatingin ay hinila niya ako agad palabas. Tumakbo kami
hanggang sa makarating sa garden.
"That's my number. If you need anything, o may nabalitaan ka, sabihan mo ako."
"Sige po."
"Siya nga pala, ano ang sinasabi niyang nakakausap niya sila? May iba pang multo
dito?"
"Inspector, pwede po. Pero please, huwag nyo pong ipahalata sa kanila na nakikita
natin sila? Lalo na ako."
"Bakit naman?"
"Sa totoo lang po, ngayon ko lang inentertain ang multo, dahil hindi ko ginagamit
ang kakayahan ko. Naranasan ko na po kasing masundan ng multo nung bata pa ako."
Huminga ako ng malalim. "Saka may multo po d'yan na bayolente. Nananakit ng
estudyante. May isa pa na nakakatakot."
Parang natakot din si Inspector sa sinabi ko. "Sige, naiintindihan ko. Halika na.
Mag-ikot lang tayo sa lahat ng floor."
Pumasok kami sa nag-iisang exit sa likod ng Annex. Nilinga ni Inspector ang mga
mata. Wala kaming nakita dito. Inaya ko siya sa 2nd floor. Naglakad sa mahabang
pasilyo habang sinisilip ang ibang classroom na nakabukas ang pintuan. Sa
pinakagitnang classroom ay bakante. Sumilip si Inspector. Doon ay nakatayo ang
babaeng nakita ko sa canteen, na nakita ko ring nasa article online. Naaagnas ang
halos kalahati ng mukha. Galit ang mga mata na nakatingin sa amin.
"Halika na, wala namang tao dito." Hinawakan ni Inspector ang braso ko saka niya
ako hinila. Nanlalamig ang kamay niya. Dumiretso kami sa pinakadulong hagdan
paakyat ng 3rd floor. Nagpalinga-linga ulit kami. Naroon ang ilang multong
estudyante na pagala-gala lang habang nakalutang. Puro babae. Hindi lang yata sampu
ang narito.
Napahigpit ang kapit ni Inspector sa braso ko. Nasaktan ako pero naiintindihan ko
siya. Tiningnan ko ang wrist watch ko, malapit ng 5:30.
"Inspector, tara na. Isasara na nila ang Annex. Bawal na dito." Hinawakan ko ang
braso niya na nakakapit sa braso ko saka ko siya hinila-hila. Tila natauhan naman
si Inspector kaya sinunod na rin niya ako.
"Sandali." Pigil nito ang braso ko. "Anong oras ang labas mo bukas? Pwede ba tayong
magkita sa labas pagkatapos?"
"Susunduin kita." Saka nito binitiwan ang braso ko at umalis na. Lumabas na rin ako
ng Annex Building patungo sa dorm namin sa likod.
Chapter 9
"Arlene..." tawag sa akin ni Emma. Nakaupo ako sa sala habang nanonood ng DVD.
"O, bakit? Saka bakit ka nagkukulong sa kwarto mo kanina pa?" Nasa kwarto lang pala
niya 'tong babaitang 'to, akala ko kung saan nagpunta. "Si Daisy, nasaan?"
"Kasi pag nasa Annex Building tayo, kakaiba ang pakiramdam ko. Malamig, mabigat ...
basta. Ganun kasi nararamdaman ko pag feeling ko may multo sa paligid. Nangangapal
ang batok ko na parang may pasan ako. Ewan. 'Di ko ma-explain." Napasandal si Emma
sa sofa. "Oy ha, hindi ako napa-praning."
Napaunat si Emma ng upo. "Talaga? Sino siya? Nasaan siya? Papuntahin mo nga dito.
Tanong natin kung may multo ba talaga."
Pinayuhan ko na lang para makampante naman. Kawawa 'to. Mahirap pag hindi nasanay
sa ability to feel ghosts. "Isipin mo na lang na non-existing sila. Huwag mong
ientertain kung hindi mo kaya."
"Sige. Ganun na lang ang gagawin ko ... pero masaya ako, kasi wala akong kaagaw sa
CR bukas. Bwahahaha!" Napapalakpak pa 'to sa tuwa.
"Hindi pa rin. Tinatamad na ako eh. Bukas na lang. Huwag kang maingay, ha."
Nanood na lang kami hanggang 10pm bago ako pumasok sa kwarto ko. Hinawi ko ang
kurtina saka sumilip sa bintana. Naroon ulit si Monique. Nakatingin sa akin at
kumaway. Hindi ko alam kung ano ang nararamdaman ko, pero gumanti na lang ako ng
kaway bago nahiga. Malungkot din siguro ang mag-isa doon. I wonder kung nakakalabas
siya ng Old Building. Pati yung mga multo do'n sa Annex, nakakalabas kaya sila?
Ayoko ng mag-isip. Tatanungin ko na lang bukas si Inspector Rodrigo.
KINABUKASAN
Pumasok ang isang may edad ng lalaki. Siguro nasa mid 50's na siya. "Good morning
class. I'm your Professor in Basic Math. I'm Antonio Trinidad III. Kindly introduce
yourselves so I will know more about you."
Napabulong ako kay Diego. Katabi ko ulit siya sa upuan. "Trinidad III?"
Bumalik ng bulong si Diego. "Siya ang dating may-ari nitong school. Father ni Sir
Tony. Naisipan sigurong magturo na lang kaysa magpalakad ng school."
Mukha siyang strikto na matapobre na ewan. Hindi maganda ang vibes ko sa kanya.
Nakikinig ako sa lessons niya ng makita ko ang isang babaeng multo na nakatayo sa
gilid ni Sir Antonio. Naka-school uniform din 'to. Hindi ko alam kung galit siya o
ano. Basta nakatingin lang siya sa Prof namin. Paano ba naman ako makakapag-
concentrate nito kung habang nagdidiscuss ang Prof namin na naglalakad sa palibot
ng room ay may nakasunod na multo? Nangalumbaba na lang ako at tumingin sa bawat
sulok ng room. Napakunot noo ako? CCTV? May CCTV pala ang 4 corners ng room. Gano'n
din ba sa ibang room? 'Di ko napansin. I'll check that out later.
Panay tingin ko sa oras. Ang tagal mag-3pm. May isang subject pa ako mamaya after
lunch.
Tumunog na ang bell, hudyat na tapos na ang klase. Tumutunog siya kada 30 minutes.
May ibang klase kasi sa college na 1.5 hours ang isang session. May 2 hours ako to
spend dahil mamaya pa next class ko.
Nag-iisip ako kung saan pwedeng pumunta at tumambay. Dumiretso ako sa garden at
nag-indian sit sa damuhan paharap sa Old Building. Naroon siya, medyo malayo ako sa
building pero tanaw ko ang figure niya. Kumakaway ba siya sa akin? Tinatawag niya
yata ako.
Lumingon ako sa paligid. Walang tao. Busy siguro sa klase. May mangilan-ngilang
couple na nag-iikot sa campus pero busy sa isa't isa. Tumayo ako at pasimpleng
lumakad patungo sa dorm naming, patingin-tingin kunwari sa mga bulaklak. Binaybay
ko ang gild ng building hanggang sa makarating ako sa pinakadulong bahagi, ilang
dipa ang layo sa Old Building.
Nilinga ko ang paligid ng campus. Walang nakatingin sa akin. Kumaripas ako ng takbo
patungo sa pinto ng building, pinihit ko ang doorknob saka ako pumasok. Isinara ko
ang pinto saka sumandal. "Ano ba 'tong pinaggagagawa ko? Kailan pa ko nagkalakas ng
loob?"
Sinuri ko ang buong ground floor. Walang multo. Umakyat na ako ng patakbo hanggang
attic. Baka kung ano pa ang makasalubong ko pag nagbagal ako.
Napaunat ako ng tayo. Ang weird ng feeling na may kausap akong multo, tumatawa pa.
"Eh kasi natakot ako. Baka may iba akong makasalubong dito."
"H-hindi ko alam. Magaan ang loob ko sa'yo. Saka maganda ka eh. Paano kita
katatakutan?"
Napatawa ulit siya. "Iyon na nga. Mag-iingat kayo ng kasama mong inspector. Hindi
ko pa alam kung sino ang may kinalaman sa pagpatay sa mga multo doon, pati sa akin.
Basta ang nalaman ko lang, hindi sila nagtanan. Pinatay sila ng lalakeng
nakamaskara at kapote na itim. Saka ang sabi nila, hindi daw sila nakakaalis doon
sa Annex. May nilagay daw na kung ano sa paligid para hindi sila makalayo sa
building."
Napaawang ang bibig ko. Saan ko ba nakita ang kapoteng itim na 'yon? Hindi ko
maalala. "Ibig sabihin, sinadya na ikulong ang mga kaluluwa nila sa building
matapos silang patayin?"
"Parang ganun na nga. May ilan akong napagsabihan tungkol d'yan sa nalaman ko, pati
na rin sa kakayahan ko, pero hindi ko alam kung sino ang nagtraydor sa akin."
Malungkot na yumuko si Monique.
"Si Gio, si sir Tony, si sir Antonio, ang school dean, si Rose na bestfriend ko. Si
Hanz. Si Diego saka si Manang Huling sa canteen. Hindi ko maalala kung mayro'n pa
akong sinabihan, pero sila ang naalala ko."
"Eh teka, boyfriend mo si Gio, hindi ba? Pati ba siya ay pinagdududahan mo?"
"Oo. Hangga't hindi ko nalalaman kung sino ang nagtraydor sa akin, lahat sila ay
suspect ko." May galit sa mga mata nito.
"Naiintindihan ko ang nararamdaman mo. Ninakaw nila ang kinabukasan mo. Huwag kang
mag-alala, titingnan ko kung may magagawa ako para sa'yo. Pero please, huwag mong
ipagkalat na nakikita ko kayo, ha."
"Oo naman. Wala akong ibang makakausap kundi ikaw. Malungkot nga dito eh ...
Friends?" Inalok ang kamay niya.
Inabot ko naman ang kamay niya kahit hindi ko mahawakan. Nakipagkamay ako sa
hangin.
"Teka, aalis na muna ako para maglunch. May klase pa ako mamaya. Saka magkikita
kami ni inspector."
"Sige, magiingat ka." Ngumiti ito. "Mag-ingat ka nga rin pala dun sa bayolenteng
multo at sa isang nakakatakot na itsura doon. Mukhang hindi sila kakampi.
Pinangingilagan din sila ng ibang multo doon."
Natapos ang klase ko bago mag-3pm. Lumabas ako ng Annex Building patungong gilid ng
Main Building. Tinunton ko ang pathway patungong parking lot sa harap. Nilabas ko
ang phone ko at tinext si Inspector. "I'm done with my class. Are you on your way
now, Inspector?"
May pumaradang pulang kotse sa tapat ng main gate, bumaba ang window saka kumaway
si Inspector. Lumabas ako ng gate saka mabilis na sumakay sa kote niya.
"Hmm... May alam ako. Buckle up!" Saka pinaharurot nito ang kotse.
Nakarating kami sa parang farm. Madamo doon, pero trimmed naman. Parang naaalagaan.
Walang tao. "Do'n tayo sa nag-iisang puno na 'yon, malilim do'n. Walang makakarinig
sa atin." Lumapit kami sa malaking puno, saka naupo sa damuhan. "Madalas ako dito
pag nagmumuni-muni. Dito ako nagpapahinga. Pati notes ko dito ko nirereview kesa sa
opisina."
"Maganda dito. Tahimik. Wala ring multo in fairness ha." Nilbot ko ng tingin ang
buong farm. Wala talaga.
"May proteksyon kasi 'to. Nilagyan ko." Itinuro nito ang apat na sulok ng farm.
"May mga nakasabit na proteksyon d'yan sa mga yan. Kahit kasi nakakakita ako, takot
pa rin ako. Lalo na iyo'ng mga naaagnas."
"Meron din kami n'yan sa bahay. Anyway, Sir Rodrigo, may nalaman ako." Ikinuwento
ko ang sinabi ni Monique.
"Nakamaskara at may kapoteng itim ang pumatay sa mga multong y'on?" Napaisip si Sir
Rodrigo. "Saka bakit kailangan pang i-trap ang kaluluwa nila doon? Ano'ng meron?"
"Ok po."
"Huwag mo na nga akong pino-po. 22 lang ako. Kakasimula ko pa lang sa trabaho and
sadly, ito ang first assignment ko na solo ko. Dati buntot lang ako ng Senior
Inspector."
"Ahhh. Ang hirap ng unang assignment n'yo, R-Rod." Naiilang kong tawag sa nick name
niya.
"Kaya nga. Pakiramdam ko hinuhukay ko na ang paglilibingan ko."
"Pwede n'yo muna akong tulungan? Kasi kung may proteksyon para walang makapasok
dito sa farm, ibig sabihin merong nilagay na katulad niyan para i-trap si Monique
sa Old Building."
"Sige. Kakausapin ko ang mga monghe sa templo dyan sa tuktok ng bundok. Itatanong
ko kung may alam sila sa ganoon."
"Salamat, Rod." Inilabas ko ang phone ko at pinakita ko ang pinicturan kong article
tungkol sa missing student nung year 2000 pa, at siya iyong bayolenteng multo. "Isa
siya sa mga multo, 'yong bayolente. Binalaan ako ni Monique tungkol sa kanya, di
raw 'yan kakampi, pero isa siya sa mga missing students ng school."
"Paki-bluetooth
sa akin 'yan, ireresearch ko ng palihim."
Sinend ko via bluetooth ang article. Marami pa kaming pinagusapan tungkol sa mga
plano namin. Nasisiraan na yata ako sa bigla kong pinasok na sitwasyon, pero
nakiusap si Rod na tulungan ko siya ng palihim. Parang spy ako sa school. Manmanan
ko raw at pakiramdaman ang mga binanggit ni Monique na tingin niya ay nagtraydor sa
kanya. Gusto ko ring gawin dahil nais kong tulungan si Monique na makapunta na ng
matiwasay sa kabilang buhay.
Chapter 10
Gumawa ako ng listahan ng mamanmanan ko, isinulat ko isa-isa ang suspect kona
kinuwentuhan ni Monique:
Hindi ko alam kung paano ko sisimulan, ano ang aalamin ko at paano ko sila
iaapproach ng hindi magdududa sa intensyon ko.
KINABUKASAN
Pumasok ako ng Main Building, nilingon ang buong ground floor pero wala siya.
Nilapitan ko ang isang babaeng Senior High student na nagtetext sa lobby. "Excuse
me, kilala mo si Hanz? Yung Beki?"
Tumingin siya sa akin, "ah, oo naroon sa canteen ng building na 'to. Do'n ko siya
huling nakita, do'n lang sa kaliwa 'yon," saka bumalik sa pagtetext.
"Salamat." Kumaliwa ako at nakita ko ang Beki na may kachikahang apat na High
Schoolers. Nilapitan ko sila.
"Hahaha! Nagre-reminisce ako ng High School days ko, syempre. Mga Junior ko sila
that time." Itinuro ang mga kausap nito. Kumaway naman sila sa akin. Ginantihan ko
rin sila ng kaway. "Ano'ng kailangan mo at hinanap mo pa talaga ang beauty ko?"
Umupo naman ako at nakisali sa kanila. Tinawag ni Hanz ang waitress. "Hayan umorder
ka na. Mas sosyal dito dahil may tagakuha ng orders kesa sa kabila." Kumuha naman
ako ng order ko sa serbidora.
"Hanz, kamukhang kamukha siya ni Monique, ano? Ngayon ko lang naalala kung sino ang
kamukha niya. Pwede silang magkapatid." Sabi ng student maraming pink Rio na
maliliit sa buhok, nakapila sa mahabang bangs na nasa magkabilang gilid ng mukha.
Cute, bagay sa kanya. Same style ko no'ng Junior High ako.
"Pinakita nga sa akin ni Hanz ang picture niya, kamukha ko nga. Mabait ba siya?"
"Si Monique? Mabait 'yon, suplada lang sa lalake. Ayaw ng binobola." Sagot ni Hanz.
Napatango-tango ako. "Ah. Kawawa naman kung gano'n. Maganda na, mabait pa tapos
nawala lang siya ng gano'n lang ... may nakaaway ba siya sa school?"
Uminom muna ng orange juice si Hanz. "Hmm ... may mga inggit siguro. Kasi bukod sa
pinakamaganda siya dito, Dean's lister pa. Tapos maraming nanliligaw. Pero away?
Hindi ko pa siya nakitang nakipag-away. Mahinhin yun saka tahimik lang. 'Pag
kakwentuhan ko lang saka dumadaldal."
Nangalumbaba ako. "Madami siyang friends parang ikaw? Halos lahat yata dito kilala
ka eh. Kahit sino ang tanungin ko kanina, kilala ang pangalang Hanz."
"Naku, Miss..." sabi ng isa pang babaeng student na naka-braid ang buhok.
"Wow ate ang ganda ng dimples mo. Sorry, girl crush mode ako. Anyway, maraming
friends 'tong si Hanz, Miss Congeniality yan. Si Monique may ilang friends naman
yo'n. Ano nga ba name nung BFF niya?" Tanong nito sa katabi na kulot-kulot ang
buhok.
Umiling ang tinanong. "'Di ko alam ang name niya, pero mukhang mataray."
Sumubo muna si Hanz ng hotdog bago nagsalita. "Si Rose 'yon. Maarte at mataray
'yon. 'Di ko alam kung paano naging friend ni Monique 'yon. Nandito pa 'yon. Baka
next week pumasok na rin. Ka-course mo siya, Ganda."
"Ay oo, Hanz, ano? Siya lang yata ang nag-iisang tao na nakasagutan mo sa lobby
noon? Naalala ko pa 'yon." Sagot ulit ng naka-braid.
"E tawagin ba naman akong baklang laot na kumakapit sa magaganda para gumanda? Kaya
ko daw sila nilalapitan. Saka pulubi daw ako. Upakan ko pa siya eh!" Ngayon ko lang
nakitang umusok sa galit si Hanz. Grabe naman 'yong Rose na 'yon. Di naman pangit
si Hanz ah? Kung naging straight 'to, pagkakaguluhan din ng mga babae 'to. Nataon
lang na mas malantik pa sa mga daliri ko ang fingers niya at mas makembot lumakad
kesa sa akin.
"Ay naku, ayoko ng pag-usapan yang Rose na 'yan. Nakakasira ng araw. Tingin ko din
d'yan pinaplastik lang noon si Monique eh." Padabog na sumubo ng hotdog saka uminom
ng orange juice.
"O, cool ka lang. Iba na lang ang pag-usapan natin." Hinagod ko ang likod niya para
marelax. "Sino naman ang pinakagwapo dito sa campus?" Pagbabago ko ng usapan para
gumanda ulit ang ngiti ni Hanz.
Humaba nga ang ngiti ng beki pagkarinig sa salitang gwapo. "Ah. Bukod kay Gio,
mayro'n pang isa. Si Jeremy. Shems! Ang hot at ang gwapo! Makalaglag panty."
"Oo naman. Girl ako, 'no!" Napahalakhak ang Beki. "Anyway, 'yon nga. 'Pag nakita mo
'yon, baka sabihin mo siya na ang pinakagwapong lalakeng nakita mo sa buhay mo.
Saka isa pa, anak 'yon ng bagong may-ari ng school. Bale pinsan ni sir Tony.
Nanligaw nga din kay Monique 'yon."
"Ahhh. Talaga? May mas gwapo pa pala sa Kuya ko?" Aminado naman ako na sobrang
gwapo ang Kuya ko. Ang dami kayang nagkaka-crush doon sa dati naming school. May
dimples din, bumbayin ang mga mata, makapal na pilik, pointed nose, thin lips at
cleft chin at sobrang tangkad. 6 footer. Center ng basketball team namin sa dating
University.
"May Kuya ka? Gwapo? Pakilala mo naman kami!" Parang naiihing tili nito.
"Loka. Straight ang kapatid ko saka may girlfriend 'yon na naiwan sa Manila."
"Eh papakilala mo lang naman kami, di ko naman jojowain." Natatawang sabi ni Hanz.
"Kumain lang sa Main Building, Kuya. Kasama ko naman si Hanz." Nilingon ko ang
katabi ko na nakanganga sa Kuya ko. Geez. Parang nakakita ng artista.
"Mamaya sabay tayong umuwi sa bahay. Dadaanan kita sa classroom mo. 3pm ang labas
mo, 'di ba? Room 3K?"
"Sheeet! Kapatid mo 'yon? Ang gwapoooo! Walang sinabi si Jeremy o si Gio sa kanya!
Pwedeng humanga? 'Di ka magagalit?" Kinikilig na tanong ni Hanz sa akin.
"Pwedeng humanga, pwedeng kiligin, bigyan pa kita ng picture niya, pero bawal
manyakin at jowain, okay? Nananapak 'yon." Pinamaywangan ko 'to.
"Call ako d'yan! Una na 'ko beshie at may klase pa 'ko. See you later." Bumeso muna
at naging beshie pa ako ngayon dahil sa Kuya ko. Kumendeng-kendeng pa habang
nauunang naglakad.
Napailing na lang ako. May juicy akong nalaman ngayon. Si Rose. Gusto ko siyang
makilala at manmanan. At yung Jeremy, nanligaw din kay Monique? Isasama ko ba siya
sa mamanmanan ko?
Hindi ko tiningnan ang mukha niya, hindi rin ako tumuwid ng tingin, basta naglakad
ako ng nakayuko habang nagtetext kunwari. Pagdaan ko ay lumagos ako sa kanya. Ang
lamig! Nagtayuan ang balahibo ko. Kinilabutan ako ng husto. Katulad ng kilabot ko
nung may humawak sa balikat ko at bumulong malapit sa pisngi ko. Hindi ko siya
inintindi, saka nagmamadaling dumiretso na ako patungo sa classroom ko. Dapat
talaga akong mag-ingat sa isang 'yon, mukhang nakakatunog na may third eye ako. Sa
susunod ay palihim ko nang titingnan ang mukha niya.
Chapter 11
Maagang natapos ang klase namin dahil may meeting daw ang faculty. 2:30 pm pa lang,
3 pm pa naman ang usapan namin ni kuya Drey. Naisipan kong pasyalan muna si Monique
kaya dumiretso ako ng Old Building, naroon siya sa same spot sa bintana.
"Monique."
Lumingon siya sa akin saka ngumiti. "Hello Arlene. Salamat at dinalaw mo ako ulit."
"Alam ko kasing nalulungkot ka dito. Kung may magagawa lang sana ako para sa'yo,
para palayain ang kaluluwa mo." Malungkot kong sabi.
"Kapag nahuli na ang pumatay sa akin, siguro saka ako matatahimik. Saka 'pag naalis
ang mga nakalagay na proteksyon sa paligid nitong Old Building pati ng buong
school."
Tumango si Monique. "Kung hindi mo napapansin, maliban sa Annex at dito, wala nang
ibang lugar sa campus ang may multo. Maganda naman 'yon, may proteksyon ang mga
nag-aaral dito, pero ano ang purpose nila para i-trap nila kami dito?"
Napaisip ako. Oo nga ano? Kahit sa Dorm, walang multo. Lalong nagiging puzzle sa
akin 'tong sikretong nakatago sa school na 'to. "Oo nga pala, bakit lagi kang
nakamasid sa Annex Building?"
"Dahil iyon ang grudge ko. Hindi ko nalaman ang kasagutan sa tinutuklas ko bago ako
namatay. Gusto kong malaman ang mga nangyari. Tapos mukhang may kinalaman pa 'yon
sa pagkamatay ko. I want to know the truth." May ilang butil ng luha akong nakitang
tumulo sa mga mata niya. May bagay pa ba siyang hindi sinasabi sa akin? Nagkibit-
balikat na lang ako.
Napaatras naman ako. Oo nga, 'di ako nag-iingat. "Sorry." Naupo ako sa isang lumang
armchair. "May idea ka ba kung paano ko malalapitan si Gio?"
"S-sige. Susubukan ko ... uuwi nga pala kami mamaya. Sa Monday morning na ang balik
namin."
Nahabag na naman ako, binago ko ang usapan to lighten the mood. "Is there a chance
na magkamag-anak tayo? Magkamukha kasi talaga tayo eh."
"Hindi ko rin alam. Ask my Mom, isulat mo ang number namin sa bahay." Ibinigay niya
sa akin ang number nila. "Pwedeng humingi ng favor? Pwede mo ba siyang kitain this
weekend tapos picturan mo siya para sa akin? Matagal ko na siyang hindi nakikita.
Namimiss ko na siya." Malungkot na sabi nito. Naaninag ko ang tila butil ng luha sa
sulok ng mga mata niya.
"Sige. Gagawin ko. Magpapasama ako kay Inspector." Tumayo na ko para maghandang
umalis. "May ipagbibilin ka pa ba?"
"Wala na, iyon lang, sapat na sa akin. Salamat ng marami, Arlene." Ngumiti ito saka
tumalikod ulit paharap sa Annex.
Tumakbo ako patungo sa likod ng bookshelf at naupo. Baka mapansin pa rin ako ng
dumating mula sa siwang ng mga librong nakasalansan sa shelf. Mahirap na.
Sumilip ako sa siwang ng ilang shelf. Paa at pantalong maong lang ang kita ko mula
sa pwesto ko. "Monique. Kay sarap mong pagmasdan." Boses ng lalaki. Hindi ko kilala
ang tinig niya.
"Hindi ko man naririnig ang boses mo, ayos lang. Ang mahalaga nakikita kita lagi
kahit multo ka na." Lumakad papalapit kay Monique ang mga paa na nakikita ko.
Napakunot ang noo ko. Sino ang kausap ni Monique? May iba pang may third eye dito
bukod sa akin? Bakit ayaw ni Monique sa kanya?
Tumingin ako sa wrist watch ko. 2:50 na. Grabe, kung sino ka man, umalis ka na
dito. Lihim na dasal ko.
"Alam mo, minahal kita ng sobra, pero iba ang pinili mo, hindi ako. Masakit yon,
pero at least ngayon ay solo na kita."
"Hindi mo ako masosolo dahil makakatakas din ako dito. Ayoko sa'yo, mula noon
hanggang ngayon ayoko sa'yo dahil masama ang ugali mo!" Hiyaw ni Monique.
"Ang ganda mong tingnan habang nagaglit ka. At ayos lang talaga kahit di kita
marinig. Walang nagbubunganga sa akin. Walang maingay. Tama ngang ganyan ka na
lang. Multo. O paano, nadalaw na kita. Nabawasan na ang lungkot mo dito. Papasok na
muna ako." Tumalikod na ang lalake at nagsimulang bumaba mula sa attic.
"Si Jeremy." Nilingon nito mula sa bintana ang lalakeng papalayo ng Old Building.
Nakatalikod ito sa gawi niya kaya hindi ko makita ang mukha. "May third eye siya?
Dinadalaw ka niya dito palagi?"
"Dinadalaw niya lagi para bwisitin. Nang-iinis na hindi ako makaalis dito. Karma
daw dahil binasted ko siya. Nakakainis. Ang dami namang pwedeng magka-third eye
pero bakit siya pa?" Nagpapadyak si Monique, 'di ko naman marinig ang padyak niya.
"Oo. Buti na lang. Wala siyang karapatang magkaroon ng perpektong ability to see,
hear and feel us. Teka..." napaisip si Monique, "ipatanong mo kay Inspector kung
pwede ka niyang tulungang makita ang nangyari sa nakaraan ng isang multo, bago siya
namatay? Reenactment ba. I think you have a perfect ability."
"P-prang nakakatakot naman 'yan, pero sige itatanong ko ... isasama ko ba si Jeremy
sa listahan ng nagtraydor sa'yo at dapat na manmanan ko?"
"Yes. Posible na may kinalaman din siya kung personal na galit ang dahilan kaya ako
pinatay."
Tumango ako. Nagsimula na akong magtungo sa hagdan. "Mauuna na 'ko Monique. Huwag
ka na lang magpakita kay Jeremy kapag dumadalaw siya dito."
"Halika na." Hinawakan ako sa braso ni Kuya saka inakay palabas ng Annex. Geez.
Para akong bata na akay-akay ng Tatay ko. 6 footer si Kuya samantalang 5'5 lang
ako. Ang layo ng height difference namin.
Nagtitinginan ang mga babae kay Kuya habang naglalakad kami sa hallway ng Annex,
tapos titingin sa akin. Di naman maipagkakailang magkapatid kami dahil pareho kami
ng shape ng face, bumbayin at may dimples.
Nilingon ko ang apat na lalakeng nakatambay doon. Yung isang lalakeng nakaupo ang
pinakagwapo sa kanila, nakatulala ng makita ako at nakanganga ang bibig saka dahan-
dahang napatayo. Iyon siguro si Jeremy. Nakalagpas na kami sa kanya ni Kuya. Hindi
ko na siya tiningnan ulit at baka kung ano pa ang isipin niya. Mukhang maangas siya
na ewan. Di ko feel ang vibes niya. Kaya siguro ayaw din ni Monique sa kanya.
Chapter 12
Alas-singko na nang dumating kami ni Kuya sa bahay. Nagpalit muna ako ng damit
pambahay bago ko ginulo si Kuya sa kwarto niya. Kinatok ko muna ang pinto niya bago
ko binuksan. Pumasok ako saka ni-lock ang pinto.
"Kuya. Alam mo bang kamukha ko iyong multo sa Old Building? Student 'yon na
nakitang patay doon." Pinuntahan ko si Kuya sa kwarto niya para may pagsabihan ng
mga iniisip ko. Nakakapraning solohin.
"Talaga? May picture ka niya? Patingin." Nakadapa si Kuya habang nagsa-sound trip.
Inalis ni Kuya ang nakasalpak na headset sa tainga niya.
"Pinuntahan ko siya sa Old Building, Kuya, at nakausap ko. Hindi daw siya
nagpakamatay. May pumatay daw sa kanya."
"Hindi naman Kuya, mabait naman siya kaya ko siya kinausap. Kuya please, huwag mong
sasabihin sa iba ang sinabi ko sa'yo. Baka mapahamak tayo." Pakiusap ko kay Kuya.
"Oo naman, ano ka ba? Saka sino ang maniniwala na may taong may third eye?"
"Kuya, may ilang students sa school ang may third eye, at hinala ni Monique na kaya
siya pinatay ay dahil sa may third eye siya."
Napabangon bigla si kuya Drei. Tumingin ng may pag-aalala sa akin. "Ano'ng sinabi
mo? At bakit naman siya papatayin ng dahil sa may third eye siya?"
Ikinuwento ko kay Kuya ang sitwasyon sa school, ang mga nalaman ni Monique hanggang
sa pagkakapatay sa kanya. "'Yon ang nangyari, Kuya."
"Si Mama talaga! Ililipat na lang tayo ng school, do'n pa sa maraming multo at may
mga patayang nangyayari!" Napasuntok sa kama si kuya Drey. "Kakausapin ko si Mama."
Inawat ko si Kuya. "Kuya, hindi pwedeng malaman ni Mama 'yon. Manganganib tayo. You
know how adults act. Tatawag agad siya ng pulis para ireport ang nalaman natin, at
pagkatapos, ano? Baka may kasabwat na pulis iyong criminal tapos papatayin din
tayo? Ayoko! Those crimes were hidden for years, Kuya. Saka si Papa, alam mong
connected siya sa government intelligence group. Imagine how he will react once
malaman niya 'to?"
"Ano'ng gagawin mo? Ano'ng gagawin natin? Alangan namang manahimik lang tayo? Tapos
papasok tayo araw-araw ng may mga multo sa palagid? Parang di ko na yata kakayaning
tumuntong ng Annex Building." Namumutla na si Kuya sa isipin pa lang na may mga
multo sa Annex Building.
"Tutulong ako sa pagimbestiga. Alam mo namang 'yan ang pangarap ko noon pa. Kaya
siguro walang criminology course sa school eh, para walang marunong mag-imbestiga."
"Sige Kuya, salamat. Teka sandal ..." Dinukot ko sa bulsa ng shorts ko ang papel
kung saan nakasulat ang number ng Mama ni Monique. Tinawagan ko ang number niya.
"Hello, Mrs. de Jesus, good morning po. Ako po si Arlene, schoolmate po ni Monique.
Pwede po ba kaming makipagkita sa inyo ni Inspector Rodrigo bukas?" Kumuha ako ng
ballpen at palpel sa study table ni Kuya saka isinulat ang address ng bahay nila.
Sige po, salamat po."
Tinapos ko na ang paguusap namin ni Mrs De Jesus saka ko naman tinext si Inspector
Rodrigo. "Rod, pwede mo ba akong samahan sa bahay nina Monique bukas? 9am."
Me: "Dito kami sa Villa sa kabilang dulo ng Doña Trinidad. Medyo malayo."
Rod: "Okay lang, text me the address. Susunduin kita ng maaga bukas."
Me: "Thanks."
"Mag-iingat kayo bukas. Sabihan n'yo ako pag kailangan n'yo ng assistance." Saad ni
Kuya.
"Salamat, Kuya." Humalik muna ako sa pisngi niya bago ako umalis ng room niya.
"Good. Ang gaganda ng mga halaman at bulaklak." Nilapitan ko ang isang pulang rosas
at inamoy. Wala naming gaanong amoy, bakit kaya inaamoy 'to ng mga babae 'pag
binibigyan ng manliligaw?
"Alaga ko talaga sila sa dilig at organic fertilizer." May pagmamalaking sabi nito.
"Ah ... Andoy, mukhang magkasing edad lang tayo. 17 lang ako. Ikaw?"
"Sa Doña Trinidad din po. Kaso next week pa ako papasok. Nag-iipon pa si Tatay para
sa pambayad sa Dorm. Malayo din kasi, apat na sakay bago makarating doon. Mas mahal
pa ang pamasahe kung araw-araw mag-uuwian."
"Aba, matalino ka pala eh. Teka kausapin ko si Mama tungkol d'yan sa pang-Dorm mo.
Ako'ng bahala."
Bigla akong napaisip. Baka may alam 'to kay Monique. "Matagal ka na bang nag-aaral
sa school?"
"Oo. No'ng gumraduate akong Valedictorian nuong Junior High sa public school d'yan
sa bayan, in-apply po akong scholar ni Tatay sa Doña Trinidad kaya doon ako nag
Senior High. Tinanggap naman po akong scholar kahit transferee lang ako."
"Ano 'yang 'po' na 'yan? Mas matanda ka pa nga sa akin ng buwan eh."
"Ah! Opo, este oo kilala ko siya. Kaklase ko siya. Nakakakwentuhan ko siya minsan
'pag groupings sa projects. Mabait saka masiyahin. Nakakalungkot nga nang nalaman
kong napatay siya. Kamukha mo nga siya. May dimples ka lang saka... mas matangkad.
Kaya hindi kita napagkamalang si Monique." Sabi nito. Akala ko naman kung ano na
naman ang idudugtong nito sa 'saka' na sinabi niya.
"Wala akong maalala, pero bago siya namatay nakita kong nagkakasagutan sila nung
boyfriend niya, si Gio. Mukhang nag-aaway sila."
Napakunot ang noo ko. Talaga? Sila? Ano naman ang pag-aawayan nila? Hindi ko
naitanong kay Monique. Mukhang kailangang lapitan ko na si Gio sa Monday. Napahugot
na lang ako ng malalim na hinga.
"Ang lalim no'n ah." Natawa si Andoy. Ang ganda ng ngiti nito. May dimples din na
maliliit sa gilid ng bibig. Matangos ang ilong, bilugang mga mata. Kayumanggi.
Maganda ang katawan, batak sa trabaho, hindi resulta ng gym. Typical pinoy hunk ang
dating.
Napalunok ako sa iniisip ko. "Ah, ano nga pala totoong pangalan mo? Parang 'di
maganda kung tatawagin kitang Andoy sa school."
"Andrei po."
"Ang ganda pala ng pangalan mo eh." Namula ang magkabilang pisngi nito. "O siya,
ipagpatuloy mo na 'yan. Papasok na muna ako."
Saturday
Pinagbuksan ko ng pinto ang nagdoor bell. Naka-white polo shirt, fitted jeans at
sneakers lang si Inspector pero gwapo pa rin at mukhang teenager.
"Good morning, Inspector. Tuloy ka. Ay, oo nga pala, tell my Mom you're my group
mate at gagawa lang tayo ng project, please?" Bulong na pakiusap ko dito. Ayoko
nang idamay pa si Mama.
"Gagawin mo pa akong sinungaling." Ginulo nito ang buhok ko. "Okay, sige na."
Tumuloy na ito sa sala. Nakaupo ito sa sofa, sa katapat na single sofa si Kuya
Drei.
"M-ma, si Rod po. C-classmate ko. M-may gagawin lang kaming project."
"Eh bakit namumula ka? Ayos lang naman kung lumigaw ka, at least humaharap ka sa
amin at hindi patago kung manligaw. Sige na, umalis na kayo. Ihatid mo ang anak ko
bago magdilim, maliwanag?"
"Anak, galing na ako d'yan. Sa ganyan din nagsimula ang daddy mo. Project-project.
Pero nanligaw din agad." Natatawang pagmumuni-muni ni mama, bago nawala ang ngiti
niya. Uh-oh.
"Brod, ingatan mo ang kapatid ko. Ibalik mo ng buo." Banta ni Kuya with the usual
poker face niya. Mukhang hindi naman nagulat pagpakakita kay Rod, hindi nagtanong
ng kahit ano. "Umalis na kayo."
"Huwag kang mag-alala. Iingatan ko si Arlene. Sige, aalis na ho kami." Paalam nito
bago ako inalalayan palabas ng bahay. Pinagbuksan ako ng pinto sa passenger's side
bago ito sumakay.
Ginising ako ni Rod ng makarating kami sa tapat ng bahay nina Monique. Nakatulog
talaga ako sa byahe. Malayo rin pala 'to, sa labas pa ng Doña Trinidad. Walang
kabahayan sa paligid, nasa tuktok ng burol kasi ang bahay nila, solo nila ang
malawak na lugar..
Pinindot ni Rod ang door bell, maya-maya ay may kasambahay na nagbukas. "Good
morning po. Si Mrs. de Jesus po? Ako po si Arlene at siya naman si Inspector."
"Tuloy po kayo. Kanina pa kayo hinihintay ni ma'am." Binuksan ng maluwag ang gate.
"Naroon siya sa poolside." Naunang maglakad ang maid at sumunod kami. Itinuro ang
nakaupo na ginang sa breakfast table, nakatalikod ito sa gawi namin. Lumapit ang
maid sa kanya. "Ma'am, nandito na po ang mga bisita ninyo."
Tumayo ang ginang at humarap sa amin. Ang ganda niya at bata pa ang itsura. Parang
mid 30's pa lang ang edad niya. Napadilat ang ginang ng makita ako. Napatakip ng
bibig. "M-Monique?"
May nagbabantang luha na tutulo sa mga mata nito.
"G-Good morning po, Ma'am, hindi po ako si Monique. Arlene po ang pangalan ko."
Nahihiya kong sabi. Mukhang ibabalik ko yata ang sakit na naranasan ng mama ni
Monique dahil sa mukha ko.
Lumapit ang ginang sa akin. Nanginginig ang mga kamay na inabot ang magkabilang
pisngi ko. Hinayaan ko lang siya. Pumatak ang luha sa mga mata nito. "Kamukhang-
kamukha mo ang anak ko."
'Di ko rin naiwasang pumatak ang luha ko. Naaawa ako sa kanya. Ramdam ko ang sakit
na nararanasan niya. Mahirap mawalan ng mahal sa buhay.
"S-sige po."
Matagal bago kami kumalas sa pagkayakap. "Pasensya na, hija, miss na miss ko lang
talaga ang anak ko."
Inakay ako ni Mrs. de Jesus sa mesa. Sumunod sa amin si Inspector. "Maupo kayo. Ano
ba ang maipaglilingkod ko sa inyo?"
"Ma'am, siya po ang bagong naka-assign sa kaso ni Monique. Back to start daw po ang
investigation."
"Sige, naiintindihan ko. Makikipag-cooperate ako, mahuli lang ang may gawa no'n sa
anak ko."
Nagtanong si Inspector ng ilang detalye tungkol kay Monique, sa mga nakakasama
nito, at sa mga nakukwento na baka may clue mula doon. Nanghingi din ng permiso si
Inspector para bisitahin ang kwarto ng dalaga at pumayag ang ginang. Sinamahan ng
maid si Inspector samantalang nagkukwentuhan kami ng ginang sa poolside.
"Maraming salamat talaga sa pagpunta mo, hija. Malaking bagay na nakita kita."
Naluluha ulit na sabi nito.
Napaisip ako. Picture? Madali 'yon, pero mas okay kung video. "Ma'am, okay lang po
ba kung hingan ko po kayo ng video message para kay Monique? Plano ko pong mag-
organize ng kaunting prayer meeting sa birthday ni Monique next month. Baka
sakaling naroon siya, mapanood niya ang video ninyo."
"Salamat po." Inilabas ko ang phone ko at vinideo ang maigsing mensahe ng Mama ni
Monique.
Tapos na kaming magvideo nang bumalik si Inspector. "Tara na, sapat na ang nakuha
kong impormasyon. Sa school ulit ang next investigation ko."
"Sige, mga anak. Mag-iingat kayo. Arlene, maaari ka bang bumalik dito 'pag wala
kang ginagawa? Dalawin mo ako kahit minsan?"
"Sige po, walang problema. Papasyalan ko po kayo lagi." Niyakap ko muna ang ginang
bago ako sumakay ng kotse.
Hinatid muna ako ni Inspector sa bahay bago siya umuwi pero hindi na siya bumaba ng
kotse. Dumiretso agad ako sa kwarto at nahiga sa kama ko dahil sa pagod, nagmumuni-
muni habang pinapanood ang video. Di ko maiwasang tumulo ulit ang mga luha ko.
Chapter 13
Sunday
Napabuntong hininga ako. Umagang-umaga, multo agad sa school ang pumasok sa isip
ko. Lumabas ako ng kwarto saka nagtungo sa silid ni Mama. Kakatok na sana ako ng
makita kong medyo nakabukas ng kaunti ang pinto. Plano kong gulatin si Mama pero
narinig kong may kausap siya sa phone.
Aalis na sana ako ng marinig ko ang salitang "multo" sa kanya. Bumalik ako sa pinto
at nakinig. Alam kong mali ang mag-eavesdrop pero pagdating sa multo ay alam kong
tungkol sa akin 'yon.
"Rick. Nababahala ako. Paano kung ikapahamak niya sa Doña Trinidad ang pagpasok
niya doon?"
"Rick. Kung bahagi ng investigation ninyo ang school na 'yon, bakit mo gustong
idamay ang anak mo? Bakit hindi na lang ikaw ang pumasok do'n at magpanggap na
teacher? Ginulo mo pa ang buhay natin sa Maynila, iyon pala gusto mo lang kaming
palipatin dito para magamit si Arlene sa pagiimbestiga n'yo sa school na 'yon!
Anong klase kang ama?" Humagulgol ng iyak ang ina niya.
Nawindang ako sa narinig ko. Planado ni Papa na mag-aral ako sa school para mag-
investigate doon? Alam kong nasa government intelligence group si Papa, pero hindi
ko alam na hawak niya rin ang kaso sa ganitong kalayong probinsya. At isinama pa
talaga ako bilang spy? Walang sahod, gano'n? Libre lang?
"Mama!"
Nag-aalangang inabot sa akin ni Mama ang phone. "Hello, 'Pa. Anong kalokohan 'to?"
"Anak, magpapaliwanag ako. Hindi kami naghiwalay ng Mama mo. Kailangan ko lang
talaga ng isang tao na maipapasok sa Doña Trinidad para makapag-investigate, pero
mahirap i-penetrate. Dalawang Inspector na namin ang napatay d'yan. Student ang
kailangang pumasok doon, at ikaw ang naisip ko dahil may kakayahan kang makakita ng
multo. Ang kaso alam ko namang ayaw mong i-entertain ang multo kaya ito ang paraang
naisip ko para makapasok ka sa school na 'yon."
"Papa, kung 'yan lang talaga ang gusto n'yo e 'di sana sinabi n'yo na agad. Kung
ano-ano pang drama ang ginagawa ninyo eh. Isang tanong, isang sagot. May babae
kayo?"
"Wala anak, si Mama mo lang ang nag-iisang babae sa puso ko. Secretary ko si
Milet."
"Oo, siya ang bago kong ipinadala d'yan para magpatuloy ng imbestigasyon. Kilala mo
siya?"
"Nakilala ko siya accidentally. May third eye din siya. Magkakasundo kami."
"Kaya siya ang pinapunta ko para mag-imbestiga, dahil malaki ang maitutulong niya
sa kaso. Myembro namin siya sa Underground Paranormal Group. Trust him."
"Okay, Papa. Marami na 'kong nakuhang information. Ibibigay ko kay Rod lahat. Don't
lie to me again, Papa."
"Yes. anak. Kliyente rin namin ang dating may-ari. Kasama ang anak niya sa mga
nawawalang students ng school."
"I see. Sige. 'Ma, ayan mag-usap na ulit kayo. Wala daw siyang babae." Inabot ko na
ang phone kay Mama.
"Hindi ka galit, anak?"
"Hindi. Pero pakisabi kay Papa na sahuran niya ako. Lakihan niya. Mahal ang service
ko." Saka ako nagmartsa palabas ng kwarto. Nakakainis. Kung ano-ano pang palusot,
iyon pala gusto lang akong gawing secret agent. Tsk. Magka-Papa ba naman ako na
abnormal mag-isip eh.
Napabuga ako ng hangin. Hindi ko na lang sasabihin kay Kuya, magwawala 'yon
talaga 'pag nalaman niya 'to.
Lumapit ako sa gate. "Good morning po. May kailangan po kayo? Sino po ang hinahanap
nyo?"
Napakunot ang noo ko. 'Mrs. Syjuco? Wala na pong Mrs. Syjuco na nakatira dito.
Nabili na po ni Mama 'tong Villa. Bagong lipat po kami."
Lumungkot ang itsura nito. "Ah, gano'n ba. Itatanong ko kasi sana kung may balita
na sa pagkawala ng mga anak namin. Wala na pala siya dito. Baka sumuko na rin sa
paghahanap."
"A-ano po? May nawawala po kayong anak?" Biglang may nag-'ting!' sa loob ko.
"Oo. Sa Doña Trinidad siya huling nakita pero hindi na nakauwi. Sunod siyang nawala
ilang buwan pagkatapos mawala ang anak ni Mrs. Syjuco." May nalaglag na luha sa mga
mata nito.
"5 years ago. Bago naging Doña Trinidad ang school na 'yon. Dating Señor Antonio
Provincial High." Dumukot ito sa bag niya. Nilabas ang pitaka at pinakita sa akin
ang larawan ng anak niya. "Heto siya. Ang ganda niya, hindi ba?"
Tiningnan ko ang wallet niya. Biglang para akong nahilo sa nakita ko. "Kapatid po
ba 'to ni Daisy?" Nakita ko kasi 'to sa side table ni Daisy, pareho ng kuha.
Binuksan ko ang gate at patakbong lumapit sa ginang at tinulungan kong tumayo saka
inalalayan papasok ng Villa. "Halika po, pumasok muna kayo sa loob para
makapagpahinga. Ikwento n'yo po sa akin ang mga nangyari para gumaan ang pakiramdam
n'yo."
Hindi naman tumutol ang ginang na nanghihina pa rin. Inalalayan ko siya papasok sa
sala at pinaupo sa sofa. "Dito lang po muna kayo, kukuha lang ako ng maiinom."
Nagtimpla ako ng isang pitsel ng iced tea at naglabas ng dalawang baso. Humiwa ng 2
slices ng cake. Naghagilap ng service tray at ipinatong doon ang lahat palabas ng
sala.
"Magmeryenda po muna tayo." Inilapag ko ang tray na may platito na may cake at
pitsel ng iced tea. Pinagsalin ko ang mama ni Daisy sa isang baso. Mukha kasing
uhaw na uhaw na 'to.
"Maraming salamat hija, nag-abala ka pa." Kinuha nito ang iced tea saka naubos ang
isang baso ng iced tea. Pinagsalin ko siya ulit.
"Nasira kasi ang kotse kaya nag-commute na lang ako. Naglakad-lakad para magtanong-
tanong. Baka sakaling nakita nila ang anak ko." Humihingal na sabi ng ginang.
"Po? Mag-isa lang kayo? Eh paano kung may nangyari sa inyong masama? Saka sabi nyo
po, 5 years nang nawawala ang anak nyo. Hindi n'yo po siya makikita sa paglalakad-
lakad n'yo."
"Hindi ko na alam kung saan maghahanap. Napapabayaan ko na rin ang isa ko pang
anak. Ang asawa ko, panay paglalasing ang alam mula ng nawala si Diana. Hindi ko na
alam." Napasubsob na umiiyak na lang ang ginang.
"Umuwi po si Daisy sa inyo nung isang araw. May nakalimutan lang daw siya sa bahay
n'yo, tapos bumalik na po ulit kahapon sa Dorm. Nagkita po ba kayo?"
"Ma'am, huwag po sana kayong magagalit sa sasabihin ko. Alam ko po na masakit ang
mawalan ng mahal sa buhay, pero alalahanin n'yo po na may isa pa kayong anak. Huwag
n'yo po sanang hintayin na pati siya ay mawala sa inyo." Paalala ko sa ginang.
Tila natauhan ito ng maisip ang magic word. 'Pagkawala ng isa pang anak'. May
tumulong luha sa mga mata nito. "Tama ka. Nagkukulang na ako sa anak ko.
Napapabayaan ko na siya. Ni hindi ko alam na nag-enroll pala siya sa walang
kwentang eskwelahan na 'yon."
"Sige, maraming salamat." Kumuha ito ng ballpen at papel sa bag, isinulat ang
pangalan, address at contact number niya. "Heto. Maraming salamat ulit, hija.
Napakabait mo. Maswerte ang anak ko, naging kaibigan ka niya."
"Arlene, Arlene po ang pangalan ko. Walang anuman po. Ipapahatid ko po kayo kay
Andoy. Sandali lang po." Tumayo ako at lumabas ng bahay. "Andoy. Pwede mo bang
gamitin ang jeep ng tatay mo para ihatid ang bisita ko sa bahay nila?"
"Pwede naman po. Pero hindi ako marunong magmaneho. Kay Tatay na lang po. Sandali."
Tinawag nito ang ama sa bahay nila sa may gilid na bahagi ng Villa bago lumabas
ulit kasunod ang ama.
"Naku, Arlene na lang po. Naroon po sa taas. Saglit po, susunduin ko lang." Bumalik
ako sa bahay saka inalalayan palabas ang mama ni Daisy. Inalalayan kong sumakay sa
jeep.
Bumalik ako sa bahay at nahiga sa kama. Pagod na pagod sa sobrang dami ng nangyari
ngayong araw. Bukas, babalik na naman ako sa pagiimbestiga imbis na mag-aral.
"Haist! Makapagsimba na nga muna."
Chapter 14
Maaga kaming hinatid ni mama sa school. 6am pa lang, sakto rin sa pagbubukas ng
gate ng Annex Building. Dumiretso muna ako sa dorm para kunin ang school bag ko.
Gising na ang dalawang hitad, himala, ang aga.
Maganda rin ang ngiti ni Daisy. Parang may magandang nangyari sa kanya. "Ang agang
tumawag ni Mama. Nambulahaw eh. Nanggaling daw siya sa inyo kahapon?"
Napangiti ako. Baka natauhan na talaga ang Mama nito. "Oo, hinahanap iyong dating
may-ari ng Villa. Kaibigan yata ng Mama mo." Hindi ko na lang ikukwento ang buong
nangyari. Ayokong sirain ang masayang umaga niya.
"Mabuti naman at kaibigan ang hinahanap, akala ko dahil naghahanap na naman sa Ate
ko." Hindi nawala ang ngiti sa mga mata ni Daisy.
"Ang aga mo namang mag-aral. Baka wala pang tao do'n. Mamaya makakita ka pa ng
multo do'n." Pananakot ni Emma.
"Meron na 'yon siguro. Huwag ka ng manakot. Sige, see you later, guys." Tumalikod
na ko saka nagtungo sa Annex. Ang goal ko talaga ngayon ay hanapin sa mga multo ang
ate ni Daisy. Doon ko maco-confirm kung kasama siya sa mga napatay sa school.
Nagsuot ako ng shades, iyong medyo dark para hindi halata na tinitingnan ko sila.
Ang gandang disguise. Bakit di ko naisip 'to dati?
Nilibot ko ang lahat ng floor at tiningnan ang bawat mukha ng mga multong
nakakasalubong ko. Mukha namang wala silang pakialam sa akin dahil nilalagpasan
lang nila ako. Inisa-isa ko rin ng simpleng silip ang bawat kwartong nakabukas,
pero wala akong nakitang kamukha ni Diana.
Nakarating ako sa library sa may dulong bahagi ng 5th floor. Walang tao maliban sa
librarian. May katabi itong multo na may sunog sa buong kanang braso at may laslas
sa leeg. Bakit kaya lahat sila either may sunog sa katawan o kaya may laslas sa
leeg?
Dumampot ako ng kahit anong libro na nakita ko sa pinakamalapit na shelf saka ako
naupo sa pinakabungad malapit sa librarian. Hindi ko makita ang Ate ni Diana.
Posible kayang buhay pa siya o pinatay sa ibang lugar? Napabuga ako ng hangin. I
was flipping through pages of the book when I saw the scariest creature I've ever
seen in my life.
Pumapasok ng nakalutang ang isang babaeng nilalang na may mahabang kuko at tainga,
ilong, kulubot ang mukha't buong katawan na may parang mga kulugo pa, matatalim na
ngipin, hanggang tuhod ang buhok, maitim-itim ang balat at luwa ang mga mata.
Lumingon ito sa gawi ko kaya bigla akong napayuko na kunwari ay nagbabasa.
Tumatagaktak ang pawis ko sa kaba pero pinipilit kong huwag ipahalata.
"OMG, OMG, huwag kang lalapit sa akin! Utang na loob, huwag kang lalapit sa akin!
Baka bigla akong mapatakbo. Lord, help, huwag Ninyo po siyang palalapitin sa akin!"
Naghuhumiyaw na dasal ko sa sarili.
Naramdaman ko ang presensya niya habang papalapit sa akin. Kumakabog ang dibdib ko.
Baka hindi ko makayanan kapag nakalapit pa 'to sa akin. Mabubuking ng pangit na 'to
na may third-eye ako. "Utang na loob, huwag kang lalapit!" Paulit-ulit na hiyaw ko
sa utak ko.
Biglang nag-ring ang phone ko. Tumugtog ang favorite kpop dance ko ng SNSD na I Got
A Boy. Muntik na kong mapatalon sa kinauupuan ko dahil sa pagkagulat ko.
"Shhh. Silence please. Kahit wala pang ibang students. Answer your phone now and go
out of this library." Saway ng librarian.
Dinukot ko ang phone ko at sumagot ng "hello", binitbit ko ang bag ko, isinara ang
librong binabasa ko kunwari saka mabilis na ibinalik sa shelf, at nagmamadaling
lumakad para makalabas ng library. Nadaanan ko ang nakakatakot na nilalang, huminto
muna ako sa tapat ng librarian at nagsabi ng "sorry po" bago ako lumabas. Pero ang
totoo, thank you ang gusto kong sabihin sa kanya, pati sa nasa kabilang linya.
"Oo, naman. 7am pa klase ko. Magkita tayo sa garden." Pinipigilan kong huwag
mangatog ang boses ko, at hindi ako mapaiyak sa takot. Hindi dapat malaman ng
nakakatakot na multong 'to ang tungkol sa kakayahan ko. Ramdam kong nanganganib ako
sa kanya.
Narating ko ang ground floor ng Annex Building. Patakbo halos ako para makalabas
patungo sa likuran. Nakahinga ako ng maluwag nang makaapak na ako sa damuhan.
Inalis ko ang shades na suot ko. Naglakad ako na parang nanghihina patungo sa
garden. Napaluhod ako pagdating ko sa favorite spot ko. Hingal na hingal ako dahil
sa pinaghalong takot, kaba, nerbyos, pagod at relieved ang nararamdaman ko ngayon.
I was still trying to relax myself when someone touched my right shoulder. Napatili
ako.
"Hey, relax, it's me." Si Rod. Umupo siya sa tabi ko. Hindi ko napigilan ang sarili
ako at napayakap ako sa kanya saka umiyak. "What happened? Why are you crying?"
Niyakap din ako ni Rod at tinapik-tapik ang likod ko.
"Ano ang itsura niya?" Pabulong na tanong din sa akin ni Rod habang nakayakap pa
rin sa akin.
"Luwa ang mga mata, mahaba ang ilong, kulubot ang mukha at may mga kulugo sa buong
katawan, matatalim na ngipin, mahahabang kuko, mahabang tainga, mahabang baba."
Mahinang bulong ko habang nakayap pa rin. "Walang dapat makaalam nito Rod. Pero
natatakot na akong bumalik sa Annex. Ayoko muna. Gusto kong lumayo dito. Ilayo mo
ako, please."
"Sshhh... tumahan ka na. Huwag ka na munang pumasok ngayon. Halika, lumabas na muna
tayo. Do'n tayo sa pahingahan ko." Hinawakan ni Rod ang magkabilang pisngi ko saka
ako hinalikan sa noo. "Tahan na." Inalalayan niya ako patayo, at nakaakbay sa akin
habang naglalakad patungong parking lot sa labas ng school. Pinagbuksan ako ng
pinto ng kotse bago siya sumakay at pinaharurot ang sasakyan. "Pagusapan natin
lahat mamaya. Magpahinga ka na muna."
Chapter 15
"Paano ako papasok sa school kung naroon 'yon? Baka magpakita sa akin 'yon habang
maraming tao sa paligid, o kaya nasa gitna kami ng klase. Makikita ng lahat na
paranoid ako over something na hindi nila nakikita, at malalaman ng nilalang na
'yon na may ability ako to see, hear and feel them." Nakatulala lang ako habang
naglalabas ng mga alalahanin ko kay Rod.
"Sa tingin ko ay may magagawa ako para d'yan." Dumukot ito sa bulsa ng pantalon
niya. Inilabas nito ang kwintas na may palawit na may green stone at may bahid ng
pula. Hugis patak ng luha ito. "Wear this. Never remove this. This is a powerful
Bloodstone, blessed by the monks from there." Itinuro ang tuktok ng bundok na tanaw
namin. "It will protect you against harmful spirits and other psychic power."
"T-thank you."
Tinanggal niya ang lock ng kwintas saka isinuot sa akin. Nakapaikot ang mga braso
niya sa leeg ko. Napatingin ako sa mukha niya, at nagulat ako dahil nakatitig siya
sa akin. Ang ganda ng mga mata niya. Malamlam, makakapal ang pilik-mata, kulay
light brown ang kanyang mga mata. Ang sarap titigan, nakaka-magnet.
Unti-unting lumalapit ang mga mukha niya sa akin ng tumunog na naman ang phone ko.
Tumugtog na naman ang I Got A Boy ng SNSD. Naglayo kami ni Rod saka ko sinagot ang
phone. Kanina ipinagpapasalamat ko na tumunog 'to, ngayon naman ay gusto kong
bulyawan ang tumatawag. "Hello." Malamig kong sagot sa tao sa kabilang linya. 'Di
ko na tiningnan kung sino siya.
"Nasaan ka? Bakit ka absent? Sabi mo mauuna kang pumasok eh." Si Daisy pala.
"Sumakit kasi ang katawan ko bigla. Uuwi muna ako sa amin. Babalik ako mamayang
hapon sa Dorm." Palusot ko.
"Ah, ganun ba? Si Emma din bumalik sa Dorm eh. Ang sama daw ng pakiramdam niya.
Para daw may humawak sa batok niya kanina pero wala namang tao. Tapos ayon
magpapahinga daw muna siya."
"Ah, gano'n ba. Sige dadalhan ko kayo mamaya ng pasalubong. Bye." Malamang dahil sa
multo kaya sumama ang pakiramdam no'n. Nilingon ko si Inspector. "Rod, mayro'n ka
bang extra protection d'yan para sa kaibigan ko? Hindi siya nakakakita pero ang
lakas ng pakiramdam niya. Ayon masama na naman ang pakiramdam, siguro dahil sa
ghosts sa paligid."
"Wala na eh. Isa lang ang nadala ko. Bukas, magdadala ako ulit. Gagana ang Amethyst
sa kanya as protection."
Nagkatinginan ulit kami pero nag-iwas na ako ng tingin. "Ah ... teka, ililista ko
ang mga nalaman ko na." Dumukot ako ng ballpen at papel sa bag ko. Isinulat ko isa-
isa para hindi ako malito.
Ibinigay ko kay Rod ang nilista ko. Inisa isa niyang in-analyze ang mga nalaman ko.
"Itong nasa article, nalaman ko na ang pangalan niya. Natalie Gomez, 15 siya ng
nawala siya. Huling nakita na kasama ng teacher niya, pero hindi napatunayang siya
ang cause ng pagkawala ng student na 'yon."
"Segundo Trinidad."
"Siya ang bagong may-ari ng school. Teacher siya sa Academy that time."
"Tatay ni Jeremy?" Napatingin ako sa kawalan. Ano ba 'yan, sala-salabat na. "Ang
dean ng school, siya pa rin daw ang dean noon pa man. Trinidad din ang pangalan
no'n, eh."
Inilabas ni Rod ang iPad niya mula sa bag. Pinindot-pindot saka ipinakita sa akin
ang mga larawan at mukha ng angkan ng Trinidad. "Heto. Ang kanilang ama ay si
Antonio Trinidad II, napangasawa si Mariana Syjuco. Patay na sila pareho. Nagkaroon
sila ng apat na anak, sina Antonio III, Segundo, Herminia, at Alejandra. Si
Herminia ang dean, mula noon hanggang ngayon. Si Alejandra na panganay ay wala sa
Pilipinas mula pa noon."
"Ah... pero teka, sandali. Mariana Syjuco? Kaano-ano 'yan ng dating may-ari ng
Villa?"
"Pinsan ng asawa ni Mrs. Syjuco si Mariana. Pero kahit ganoon na blood related sila
ay hindi pa rin makakuha ng impormasyon si Mrs. Syjuco kung nasaan at ano ang
nangyari sa anak niya."
Nag-isip ako. Nawawala nga rin pala ang anak nung Mrs. Syjuco. "May picture ka ng
anak ni Mrs. Syjuco?"
"Meron. Heto." Ilang beses ang pag-swipe ni Rod sa iPad bago niya nahanap ang
picture ng babaeng student at may pangalang Almira Syjuco.
Napanganga ako. "Siya! Nasa tabi siya ng librarian kanina! May sunog sa braso saka
laslas ang leeg!"
"This is it. Sandali." Dinukot ni Rod ang phone at may tinawagan. "Sir Rick,
confirmed. Patay na ang anak ni Mrs. Syjuco. Nakita ng anak n'yo ang multo niya sa
school kanina." Naghintay ng sagot mula sa kabilang linya. "Kausapin ka daw ng Papa
mo."
"Yes, Papa, 'di ako nagkakamali. May suot pa nga siyang jade bracelet, at may
malaking brooch na bulaklak ng Cattleya ang design."
Nawala saglit sa linya ang Papa ko. Naka-mute siguro. "Confirmed hija, si Almira
nga 'yon. Si Mrs. Syjuco ang nagregalo sa kanya ng brooch ng Cattleya." Nakarinig
ako ng hagulgol ng isang babae. Si Mrs. Syjuco siguro. Nawala ulit saglit si Papa
bago nagsalita ulit. "Hija. Mrs. Syjuco wants to proceed with the investigation at
pagbayarin ang gumawa no'n sa anak niya. Gusto rin niyang makita kahit man lang mga
buto ng anak niya."
"Okay, Papa. Pakisabi na gagawin ko ang lahat para pagbayarin ang gumawa ng
karumal-dumal na krimen na 'to. Bye 'Pa." Nilingon ko si Inspector. "Confirmed. Si
Almira nga ang nakita ko kanina." Idinagdag ko sa listahan si Almira. Iniabot ko
kay Inspector ang papel. "Baka kailanganin mo. Don't show it to anyone."
"Ano ba ang hiwaga ng school na 'yon? Bakit may patayan? Bakit may nawawalang
students? Bakit kailangang i-trap ang mga multo?" Nilingon ko ulit si Rod.
Nakatitig lang siya sa akin. "B-Bakit ka nakatitig sa akin?"
"A-ang alin?"
"Ito." Saka siya mabilis na lumapit sa akin at hinuli ng mga labi niya ang mga labi
ko. Banayad lang pero matagal. Hindi ako nakakilos dahil sa pagkabigla. Napapikit
na lang ako. Parang tumigil ang paligid dahil sa halik na 'yon.
Chapter 16
Wala pa rin akong kibo sa kotse habang nasa byahe pabalik ng school. Ninanamnam ko
pa rin ang simpleng halik ni Rod. Aba'y syempre kinikilig ako pero ayokong ipakita.
Kailan lang kami nagkakilala eh.
"Galit ka pa rin ba? Sorry na. Hindi ko lang talaga napigilan ang nararamdaman ko
sa'yo. I like you. Sa simula pa lang kitang nakita, gusto na talaga kita."
Pagsusumamo ni Rod habang nagmamaneho.
"Like? Hindi love? Tapos kiss agad? Ni hindi ka pa nga nanliligaw eh." Inirapan ko
nga.
"Love? Medyo maaga pa para doon, pero I have a strong feelings for you. Give me a
chance. Sige, manliligaw ako. Payag ka ba, officially dating na tayo? Please. Para
makilala mo rin ako."
"Okay, fine. Manligaw ka. Bawal ang kiss, bawal ang touch. Hindi pa kita
sinasagot." Nag-cross arms ako.
"Sus. Ikaw nga ang unang yumakap sa akin kanina eh." Natatawa pang pang-aasar sa
akin.
Namula naman ang pisngi ko. Kita ko sa side mirror eh. "Aba eh syempre natakot ako
sa multo, 'no! Walang meaning 'yon." Pero in fairness ang sarap yumakap kanina sa
kanya. Feel na feel ko ang chest muscles niya.
"Oo na, nagbibiro lang. Ayan ha, exclusively dating na tayo. Bawal kang makipag-
date sa iba."
Tiningnan ko si Rod ng nakataas ang isang kilay ko. "Ay, bakit may gano'n? Hindi
tayo pero parang tayo, at bawal akong makipag-date o makipagligawan sa iba? Uso ba
sa atin ang gano'n?"
"Oo uso na 'yon. Nasaang panahon ka ba? Basta bawal kang makipag-date sa iba."
"Wow ha. Bahala ka. Tutulugan kita." Umayos ako ng upo saka pumikit. Naramdaman ko
na lang na may humahawi sa buhok ko at ginigising ako.
"Narito na tayo. Gising ka na." Mahinang bulong ni Rod. Lumingon ako sa gawi niya
at halos magtama ang mga ilong namin dahil sa sobrang lapit niya. Bigla akong
napatuwid ng upo dahil sa sobrang kaba.
"S-salamat. Sige, bababa na ko. Iyong Amethyst para kay Emma ha, huwag mong
kalimutan bukas." Binuksan ko na ang pinto.
"Heh!" Bulyaw ko dito saka ko isinara ang pinto. Nakita ko siyang tatawa-tawa bago
pinaandar ang kotse. "Pilyo talaga."
Bumalik na ako sa loob ng school. Nagpunta ako sa garden, iyong part na malapit sa
Old Building. Nakita ko si Gio, nakaupo na naman sa bench habang nakatingin sa Old
Building. Naroon ulit si Monique sa bintana. I wonder kung nakakakita rin ng multo
ito.
Walang ibang student sa paligid, kami lang dalawa ang narito. Naglakad ako palapit
sa kanya saka naupo sa tabi niya, may ilang dangkal ang distansya sa pagitan namin.
Tumingin siya sa akin at nagulat. Hindi siguro niya akalain na tatabi sa kanya ang
hindi naman niya kakilala.
"Tinitingnan mo ang Old Building lagi. Naaalala mo si Monique?" Hindi siya sumagot.
Tumingin lang siya ulit sa Building. "Kamukha ko daw siya. Marami nang nagsasabi.
Pati ikaw, napagkamalan mo akong siya."
"Sorry nga pala about that. Akala ko talaga ikaw siya. Ang tanga ko. Patay na nga
pala siya." Napatawa siya ng maiksi. Pinagtawanan ang sarili, napailing ito.
"Ayos lang. Alam mo bang si Sir Tony eh muntik nang ilang beses mahimatay sa tuwing
nakikita ako?"
"Talaga? Iwasan mo 'yon. Manyak 'yon. Patay na patay kay Monique 'yon."
Napamulagat ako sa sinabi niya. "Si Sir Tony, may gusto din kay Monique?"
"Oo. Ilang beses ko siyang nakitang hinaharass si Monique. Sobra kung makadikit.
Minsan nagsumbong siya sa akin na hinipuan daw siya ni Sir Tony sa dibdib at pilit
ninanakawan ng halik."
Wala akong masabi dahil sa pagka-shock ko. Wala sa itsura ni Sir Tony na
mangmamanyak para lang mapansin ng babae. Gwapo naman siya. "Seryoso ba 'yan?"
Napayuko ito, bago may ilang patak ng luha ang tumulo sa mga mata niya. OMG. Did I
just hit the red button? Ano'ng meron? "She was pregnant when she died. 2 weeks
old. Iyon ang pinagtatalunan naming that time. She wants to keep the baby, I want
it removed pero nagkasundo rin kaming magsasabi kami sa parents namin at
pananagutan ko siya. Kaso kinabukasan patay na siya. Wala na ang baby namin. Wala
na ang mag-ina ko." Napasubsob si Gio sa mga palad nito.
OMG. This is getting deeper and deeper. Monique was pregnant when she died, and Gio
is mourning like this not just because of Monique pero dahil sa baby nila na hindi
man lang nagkaroon ng pagkakataong mabuhay.
Tumayo si Gio. "Wala sanang makakaalam ng sinabi ko sa'yo. Pero salamat, gumaan ang
pakiramdam ko." Saka ito bagsak ang balikat na lumakad palayo.
Napatingin ako kay Monique na nasa bintana. Umiiyak ba siya? Pumunta ulit ako sa
Building at dumiretso sa attic. "Monique..."
"Mukhang nasabi na ni Gio sa'yo. Oo, buntis ako noon. Kaya doble ang galit ko sa
pumatay sa akin. Dugo pa lang siya pero kahit na. Baby ko pa rin 'yon."
"Anak. Alam mo bang miss na miss ka na ni mommy? Sana narito ka, para nayayakap
kita. Namimiss ko na ang paglalambing mo, ang pangungulit mo, ang tantrums mo."
Huminto saglit at nagpahid ng luha ang mommy ni Monique. "Tatandaan mo lang lagi,
mahal na mahal kita. Patuloy kong hahanapin ang hustisya para sa'yo. Kahit saan ka
man naroroon anak, alam mong narito lang si mommy. Ipagdarasal kita palagi. I love
you my, baby girl."
Nginitian ko siya habang naluluha. "Wala 'yon. Nagulat nga siya nung nakita niya
ako. Akala niya ako ay ikaw. Nakiusap din na dalawin ko siya minsan."
"Okay lang ba yon, Arlene? Pwede mo siyang dalawin? Para naman hindi na siya
malungkot dahil wala na ako."
"Salamat. Napakabuti mo. Sayang, hindi tayo nagkakilala ng personal no'ng buhay pa
ako."
"Ayos lang. Magkakilala naman tayo ngayon, oh." Natatawa kong sabi. Gusto kong
gumaang ang pakiramdam niya. "O siya, babalik na ako, baka may makakita pa sa akin
paglabas ko dito." Kumaway muna ako bago umalis.
Chapter 17
Nakalipas ang ilang araw na wala akong nakuhang juicy sa mga tao sa school. Hindi
ko alam kung paano lalapitan ang mga hindi ko naman close, lalo na si sir Tony na
manyak daw, according to Gio, at si Jeremy na mukhang bayolente. Although madalas
kong mahuli ang panakaw na tingin ni Sir Tony 'pag nasa klase niya ako. 'Di ko pa
nakakasalubong ulit si Jeremy.
Now I'm here sitting alone in the classroom, waiting for the next class when
someone called me "M-Monique?"
"I know. A lot of people already called me Monique. Sanay na ako." Nginitian ko
siya para makita niyang makaiba kami ng cheeks at may dimples ako, ang malaking
difference naming dalawa ni Monique.
"Right. Hindi ka nga si Monique." Umupo na ang babae sa harap. 'Di man lang
nagpakilala. Dinedma ko na lang din siya. Sinalpak ko na lang ang headset ko sa
tainga ko.
In fairness, nakatulong ang Bloodstone sa akin. Hindi ako malapitan ng evil soul na
'yon at iyong isang bayolente. Hindi pa sila nagpapakita sa akin. Iyong ibang
spirits ay okay lang because they are just roaming around and not bothering me.
Ibinigay ko rin kay Emma ang Amethyst bracelet at todo pasalamat din siya. 'Di na
raw sumasama ang pakiramdam niya mula ng sinuot niya 'yon.
Nagdatingan na rin ang iba pa naming classmates when someone called the lady in
front. "Rose! Nagbalik ka na pala. How's your US trip?" Bati ng babaeng bagong
dating. Umupo ito sa tabi ni Rose.
Rose? Siya ba yung bestfriend ni Monique? Palihim akong nakinig sa kanila kahit
hindi ako nakatingin. Inalis ko ang headset ko para malinaw ko silang marinig.
"Yeah. We just had 3 months vacay. Bitin nga eh. I wanted to stay more." Maarteng
sabi nung Rose. "I mean, Cali is so nice, malinis, maraming pasyalan. I love the
local food there, and shopping malls are so cool. I shopped like there's no
tomorrow."
May isang babaeng nagparinig. "Sus. Akala mo naman mayaman kung umasta, eh
caregiver naman ang nanay niya ni Mrs. Santillan kaya siya napasama sa US."
Napasugod si Rose sa babae. "What did you say?" Nakatayo siya ngayon at
nakapameywang sa babaeng nagsalita na nakaupo sa gitna ng klase.
"Well at least sarili naming gastos 'yon. Hindi freebie." Nagtawanan ang kagrupo ng
babaeng nasa gitna ng klase.
Pumasok na si Sir Tony. "Good morning class. Please get your workbooks."
Hindi na natuloy ang catfight. Mukhang may attitude nga itong si Rose, at mukhang
inis ang mga kaklase namin sa kanya. Wala ngang umawat o sumaway sa sagutan kanina.
Maya-maya ay pumasok si Jeremy sa classroom. Classmate pala namin 'to. Ngayon lang
pumasok. late pa.
"Jeremy. Why are you late?" Puna ni Sir Tony. Woooh, walang kamag-anak pala sa
kanya. Professional, in fairness.
"I was in the guidance office." Saka umupo ito sa likod. Tumingin ito sa gawi ko.
Dinedma ko na lang siya saka ako bumalik ng tingin sa whiteboard.
Hindi ko alam kung good thing o bad thing na yung apat na mamanmanan ko ay nasa
iisang klase. Si sir Tony, si Rose, si Jeremy at si Diego. Diego seems nice though,
I don't think it was him who betrayed Monique. Gio is in our class too, pero I
doubt she'll do that to Monique so I already marked X beside his name sa list ko.
Tinanguan din niya ako when he saw me tapos tumungo na ulit ng tingin sa floor.
Gano'n lang. Hindi creepy ang titig katulad nina Sir Tony at Jeremy.
Siniko ako ni Daisy. Kunot noo akong napatingin sa kanya. "Madalas kong mahuli si
Sir Tony na nakatitig sa'yo." Bulong niya.
"Mag-iingat ka. Mukhang tingin ng hindi gagawa ng mabuti yung tingin niya eh."
"Thanks sa warning girl. Yari siya kay Kuya pag ginawan niya ako ng 'di maganda.
'Di niya kilala kung paano magalit 'yon."
Tumunog na ang bell, nakatapos din kami sa wakas. Nakakapaso ang titig ng dalawang
tao sa classroom, sina Sir Tony at si Jeremy. I took my things at naglakad palabas
ng room when someone called me. "Arlene."
Lumingon ako, si Jeremy ang tumawag sa akin. I don't remember any introduction
between us para tawagin niya ako casually. "Yes? Do I know you?"
"Ah. Okay." Tipid na sagot ko. O eh ano namam kung anak ka ng may-ari ng creepy na
school na 'to? 'Yon sana ang isasagot ko, nagtimpi lang ako.
Napakamot ako sa sentido ko. "Yeah, I'm flattered. Thanks. I need to go now, I'm
busy. Excuse me."" Walang gana kong sabi. Saka ako tumalikod para humabol kina
Daisy at Emma, sumunod din sa akin si Diego.
"Ganun talaga kayabang 'yon. Kaya marami ring inis do'n kaya lang 'di makapalag
kasi nga anak ng may-ari ng school." Sagot ni Diego.
"May gusto sana akong sabihin sa'yo mamaya. Importante lang. Pwede ba kitang
makausap after ng klase? Do'n sa bench."
"Oo, sige. Walang problema. Sige, una na ko." Saka ako tumalikod.
"Girl ha, dalawang handsome guys na ang kumakausap sa'yo, mga sikat dito sa school,
isama mo pa 'tong si Diego." Biro ni Daisy.
"Uy, ha. Wala 'yon. Naghahanap lang ng makakausap si Gio. Nagluluksa pa rin 'yon
syempre. Wala naman akong pakialam kay Jeremy. At si Diego ay kaibigan ko. 'Di ba
Diego?" Siniko ko siya.
"Oo naman. Porke ba nakipagkaibigan sa opposite sex eh may intention agad? Friendly
lang talaga ako." Segunda ni Diego.
Pumasok na kami sa room. As usual magkakatabi kaming naupo sa likuran. Naroon din
sina Ana. Kwentuhan muna ng may lumapit sa amin. "So, bukod sa pagiging kamukha mo
si Monique e may pagkakapareho pa kayo, pareho kayong malandi."
Napatingin ako sa nagsalita. Si Rose. Sa akin nakatingin so ako ang pinatutukuyan
niya. "Excuse me?"
"Aba, sumasagot ka pa. Palaban. Hoy, sa akin lang si Gio. Huwag na huwag kang
makalapit-lapit sa kanya." Dinuro pa ako.
Napatawa talaga ako ng malakas. "Kailan pa pwedeng mang-angkin ng tao? Saka kayo
ba? Ang alam ko si Monique na kamukha ko yung girlfriend niya. Pinagsasabi mong
sa'yo siya?"
Kumakati ang anit ko sa babaeng 'to. "Itanong mo muna sa may katawan kung payag
siyang magpa-angkin sa'yo. Parang 'yong salitang malandi eh hindi akma sa akin
kundi sa'yo. Maybe you were describing youself earlier."
"Hey!" Tumayo na sina Daisy at Emma. "Ikaw ang lumalapit-lapit dito para manggulo
tapos ikaw pa may ganang magsabi na nang-iinis si Arlene? May sayad ka ba?" Tanong
ni Daisy.
"At bakit hindi eh nagkukwentuhan kami dito tapos eepal ka ng kung ano-ano?" Sagot
naman ni Emma.
"May-araw ka rin sa akin. Kayo. Akin lang si Gio, tandaan mo 'yan!" Saka ito
tumalikod.
Haist! Number one ka sa list ko, Rose. May hidden agenda to get rid of Monique.
Patay na patay kay Gio.
Chapter 18
Narito ako sa favorite place ko--ang garden, paharap sa Old Building. Kahit malayo
ay alam kong nakatingin si Monique sa akin kaya pasimple kong kinawayan siya.
Gumanti rin siya ng kaway. Hindi na ako makapasok sa Building dahil naka-kadena at
padlock na ang main door. Sarado rin ang exit door sa gilid.
Tumugtog na naman ang I Got A Boy ng phone ko. Si Papa ang tumatawag.
"Hello, 'Pa."
"Hija. Kaya mo bang magpalipas ng gabi sa Annex? Alamin mo kung bakit bawal pumasok
doon sa gabi. May itinatagong sikreto ang eskwelahang 'yan kaya bawal d'yan sa
gabi."
Pabulong akong nagsalita. "Papa, mahirap. May CCTV camera sa buong Annex. Pati yata
sa CR mayro'n kaya hindi ako naglalagi doon. Besides, may 2 unfriendly ghosts
do'n." Weird pero yes, pati CR may CCTV, pwera sa cubicles.
"Papupuntahin ko si Rod mamaya. Magusap kayo. May gagawin siya para magkaroon ng
interference ang mga CCTV na nariyan. About sa unfriendly ghosts, magagawan din ni
Rod ng paraan 'yon."
"He's an expert in IT system, virus and hacking. Pupunta siya d'yan para makapag-
plano kayo."
"Ok, 'Pa." Ibinaba ko na ang phone. Kinakabahan ako sa pinaplano ni Papa pero may
konting excitement ako. Tumingin ako sa gawi ng Old Building. Wala ring CCTV doon.
I wonder why, saka ko naalala na mayroon pang isang lugar na bawal pumunta.
Nilingon ko ang matalahib at mapunong lugar patungong kakahuyan 'di kalayuan sa
kanang dulong bahagi ng campus. Ang storage house. Bakit kaya bawal din do'n? May
CCTV kaya do'n?
Nilinga ko ang paligid. Walang nakamasid sa akin. Wala rin gaanong students, nasa
klase pa siguro. Tumayo ako patungong mapuno at matalahib na lugar na 'yon. There
must be something in there kaya bawal pumunta.
Nilinga ko ulit ang kabuuan ng school sa likuran ko bago ako tuluyang pumasok sa
matalahib na bahagi ng campus. Hinawi ko ang mga talahib para makagawa ng daan
patungo sa storage. Mukhang matagal ng walang pumupunta sa gawing ito dahil walang
bakas na may dumadaan dito.
Nakarating ako sa tapat ng storage house. May kalumaan na at kupas ang pintura.
Nilapitan ko ang pinto at sinubukang pihitin ang doorknob. Bukas. Kumakabog-kabog
ang dibdib ko habang binubuksan ang pintuan. Medyo madilim sa loob, tanging liwanag
lang mula sa dalawang bintana ang nagsisilbing liwanag. Nilinga ko ang paligid.
Maluwag ang storage. Puro lumang upuan, bookshelf, libro, black board, cleaning
materials at kung ano-ano pa ang narito. Tiningnan ko ang bawat sulok kung may
CCTV. Wala. Carpeted ang sahig, pero sobrang maalikabok na.
Nilibot ko ang kabuuan ng storage. Inisa-isang tingnan ang mga librong nakasalansan
sa shelf, baka sakaling may makita akong clue pero wala akong nahalungkat. Hindi ko
rin alam kung ano ang hinahanap ko.
"Ughuh! Ugh!" Ang alikabok, grabe. Iwinasiwas ko ang kamay ko para mahawi ang
alikabok. Wala akong makita eh.
There I saw something like a rectangular door sa floor na gawa sa kahoy na mukhang
kakasya ang dalawang tao pababa. Napalingon ako sa pinto, binalikan ko at siniguro
kong naka-lock. Bumalik ang tingin ko sa pinto sa sahig. Nilapitan ko at iniangat
ito. Mabigat pero kaya naman. May hagdan na gawa sa bato pababa. I wonder kung saan
patungo 'to. Madilim sa baba kaya inilabas ko ang lumang basic phone ko mula sa
backpack ko saka binuksan ang flashlight. Bumaba ako sa hagdan. Hanggang 6 feet ang
taas ng kisame ng tunnel. Itinutok ko ang flashlight sa daanan. Mukhang mahabang
pasilyo ito patungo sa kung saan, ang lapad ng pasilyo ay isang dipa lang. Mukhang
sinadyang gawin ang daan patungo sa kung saan dahil makinis ang pagkasimento ng
sahig, wall, at ceiling. Maalikabok ang daan, walang bakas na may recently na
gumamit o dumaan sa tunnel.
Dahan-dahan kong nilakad ang kahabaan ng tunnel, baka mamaya may ibang tao o multo
akong makasalubong. Medyo hindi pa nga tuwid ang daan, baliko ng konti. Nakarating
ako sa pinakadulo, may likuan pa-kanan, nag-aalangan man ay lumiko rin ako.
Binaybay ko pa rin ng kahabaan nito, hanggang sa makarating ulit ako sa pinakadulo.
Dead end, wala ring pinto. "Ano 'to? Did I just get here for nothing?" Bulong ko sa
sarili ko.
Pabalik na sana ako nang may marinig akong yabag sa taas ko. Tunog ng "creek" sound
ulit. Tiningala ko at tinapatan ng flashlight ng phone ko, hugis pinto ulit.
Mukhang may tao sa taas! Saang bahagi ng school 'to? Inisip ko ang direksyon ng
taas mula sa storage. Napanganga ako. Annex Building 'to! Saang parte kaya ng Annex
'to? Itinutok ko ang flashlight sa gilid, may foldable stairs na nasa wall. Hinila
ko 'yon ng dahan-dahan saka tumuntong, tapos ay nakinig sa pintuan ng tunnel sa
kisame. I can hear people talking! Idinikit ko pang mabuti ang tainga ko para
marinig ang mga nag-uusap.
"Wala silang malalaman. We have high security dito sa Annex. We have connections,
we have money. Besides, nakabaon na ang mga buto ng mga alay nina papa noon. Wala
na silang mahahalungkat." Boses ng lalake.
"Bakit kasi hindi sila marunong magtapon ng katawan noon? Dito talaga inipon. Saka
bakit kasi hindi pa natin alisin ang mga 'yon dito para wala na tayong pangamba?"
Boses nung babae.
"Tingin mo ba maiaalis nating lahat 'yon dito? Ang dami no'n. Baka may makakita pa
sa atin." Sarkastiko ang tono nung sagot ng lalake.
Namutla ako sa mga narinig ko. Ano 'to? Alay? Pumapatay sila para sa pag-aalay?
Alay kanino? Alay para saan? Babae ang inaalay nila? Sino ang target nila ngayon?
Nasaan nakabaon ang mga buto? Tagaktak ang pawis ko. May mga naghahabulang daga sa
dibdib ko. Dahan-dahan akong bumaba ng hangdan, ingat na ingat akong makagawa ng
ingay, delikado ako. Pinunasan ko ng panyo ang bahagi na hinawakan ko. Mahirap nang
magiwan ng traces ng fingerprints.
Ibinalik ko sa dating pwesto ang carpet saka ko binalikan ang ilang hinawakan ko sa
storage. Pinunasan ko lahat habang nanginginig ang mga kamay ko. Pagkatapos ay
bumalik na ko sa pinto para lumabas, pinanghawak ko sa doorknob ang panyo kong puno
na ng alikabok. Lumabas ako saka ko isinara ng dahan-dahan. Pinunasan ko ulit ang
doorknob saka ako bumalik sa talahiban. Abot-abot ang kaba ko habang naglalakad
palabas ng masukal na lugar na 'to.
Hindi na 'ko pumasok sa klase ko. Umuwi ako ng Dorm, nagmamadali pa akong makaakyat
ng hagdan at makarating sa room. Nanginginig pa ako habang ipinapasok ko ang susi
sa doorknob. "Ano ba?! Shit, pumasok ka!" Pabulong kong inaaway ang susi. Naipasok
ko din ang susi at nabuksan ang pinto. Isinara ko agad ang pinto at sumandal dito.
Unti-unting tumulo ang luha ko. Nanginginig ako sa takot. "Ano ba 'tong pinasok ko?
Ano 'tong school na 'to? Bakit may pag-aalay? Bakit may patayan? Tunnel ba 'yon
para makatakas? Kaya ba pinatay iyong detective na nakita sa storage? Nakita ba
niya ang underground passage na hindi niya dapat nakita? Habang tumatagal ako dito,
lalong lumalalim ang natutuklasan ko. Lalong nagiging delikado ang buhay ko. "Papa,
bakit mo ako dinala dito?" Napasubsob ako sa mga palad ko na puno ng alikabok.
Chapter 19
Tulala pa rin ako habang nag-aayos ng sarili sa silid ko. Naligo ako para maalis
ang lahat ng alikabok sa katawan ko, saka ko ibinabad ang pinaghubaran ko at ang
panyo. Now I'm preparing for meet-up with inspector. 4PM na. We don't have much
time to talk, maybe I can just go home pag ginabi kami.
Nagtext si Rod. Nasa gate na raw siya. I replied, "I'll be there in a jiffy. Got so
many things to tell you."
I grabbed my backpack and went out of the dorm running. I almost tripped on the
stairs. Nangangatog pa rin ang binti ko dahil sa nadiskubre ko kanina. Nakalabas
ako ng school, I saw Rod's car a few walks away from the gate sa left side. Nilakad
ko na lang saka ako sumakay.
"Okay." Pinaharurot na ni Rod ang kotse niya. Nagpunta ulit kami sa farm na
tambayan niya.
Naupo ulit kami sa ilalim ng puno ng manga, tumingin ako sa kawalan, naisip ko na
naman ang tunnel pati ang nadiskubre ko. Napasubsob ako saka umiyak.
"Hey! Why are you crying? Ano'ng problema?" Inakbayan ako ni Rod para pakalmahin.
Yumakap ako sa kanya ng mahigpit. Matagal kami sa gano'ng posisyon bago ako
nahimasmasan.
"Ano 'yon?"
"M-may underground passage from the storage house to the Annex Building."
"What? Pumunta ka do'n ng mag-isa? Are you crazy?!" Sermon ni Rod sa akin.
"S-sa dulo ng passage, dead end. Parang bagong simento nga ang corner sa bahagi ng
likuan eh.. Then may foldable stairs sa pinaka-dead end. Umakyat ako to listen sa
door sa kisame, then a man and a woman t-talking about 'alay, buto at nakabaon',
something like that. M-may mga alay daw sila before na do'n pa rin nakabaon sa
school, at may pag-aalay daw ulit sila next month. May napili na din daw silang
alay."
Napanganga si Rod sa narinig. Hindi maka-react sa kinuwento ko. Kahit ako, shocked
pa rin hanggang ngayon. Anong klaseng impyerno ba ang school na pinasok ko?
"S-sabi nila, they need to be careful dahil mainit na ang kapulisan sa kanila. S-
sabi nung isa, they have connection and money kaya walang dapat ipangamba. Hindi ko
kilala ang boses no'ng nag-uusap."
Napasuntok si Rod sa mga hita nito. Namumula ang mukha sa galit. "They're evil! Ano
ba ang buhay ng tao para sa kanila, laro? Bagay? Tatapusin nila para sa
satisfaction nila? Alay? For what?!"
"Natatakot na 'ko, Rod. Ayoko nang bumalik do'n. Paano kung ako pala iyong alay na
napili nila? O kaya sina Emma at Daisy?" Rumaragasa na naman ang mga luha sa mata
ko.
Dinukot ni Rod ang phone niya, tinawagan ang Papa ko at sinabi ang mga natuklasan
ko. Papa asked Rod to give the phone to me.
"Papa...."
"Hija, I'm sorry for sending you there. Ikaw lang talaga ang maaasahan namin. We
need to know kung saan nakabaon ang mga buto. Can you get in to that Annex Building
past 6pm, para magmanman?"
"Dad, I already dug my own grave earlier, now you're asking me to jump in?"
"You only care about your case, 'Pa, pero wala kang pake kung mapahamak man ako. I
hate you!"
"Hija. Hija! Let me ..." I ended the call. I didn't let him finish his explanation.
Galit ako. Yung kaso pa rin niya ang naiisip niya at hindi man lang tinanong kung
nasaktan ba ako kanina?
"I understand you, Arlene. Pero sana intindihin mo rin ang Papa mo. Imagine, how
many spirits have you seen in that building? That means gano'n na karami ang
napapatay nila, and they are planning to kill more. Tapos ano? Malaya sila,
powerful, mayaman."
Napaisip ko. What he said is true. Iyong mga babaeng napatay, naroon at paikot-ikot
lang sa building. Hanggang sa kabilang buhay ay pinahihirapan sila. Isa pa, si
Monique. Pinatay ba siya dahil may third-eye siya o pinatay siya because of other
reason? Samantalang ang dalawang narinig ko na nag-uusap kanina, mukhang prente
lang sa buhay. Nakakalaya. Pero kahit na, galit pa rin ako kay Papa. Wala siyang
pakialam sa akin. Niyakap ko ang mga tuhod ko saka sumubsob doon.
Inakbayan ako ni Rod. "Take your time. Hindi mo kasi dapat binigla ang sarili mo
kanina. Imagine sumuong ka dun sa underground passage ng mag-isa? Sana man lang
hinintay mo ako."
"Iyon ang problema ko. Pag na-curious ako sa isang bagay, hindi mapigil ang sarili
ko. Kilos agad ako. Aalamin ko agad ang mga tanong ko sa isip ko."
"Tsk. Baguhin mo 'yan." Nag-isip si Rod. "O, sige, ganito na lang. Whenever there's
something you're curious about, tawagan mo agad ako. Anything. Sasamahan kita,
dadamayan kita, sasagutin ko ang mga tanong mo. Deal?"
Not bad. At least I have someone to lean on din. "Sige. Deal." Nginitian ko siya ng
matamis.
"That's my girl. So sa ngayon," kinuha ni Rod ang backpack at nilabas ang laptop
nito, "I will send viruses sa isa mga admin ng school, then once someone from them
clicked the link, it will spread in their entire security system, kasama ang CCTV.
That will be a sign that we can enter the Annex Building at night." Nag-isip ulit
si Rod. "Maybe we can use that passage you found. Sino ang mag-aakala sa kanila na
someone found it and used it to break in?"
"Pero ayokong pumasok ng mag-isa do'n. Someone must guard the entrance from the
storage house, then samahan mo ako sa Annex."
"Sasamahan kita. I'll ask sir Rick to give me 2 of his trusted colleagues. Iyong
mahusay makipaglaban."
"S-sige." Tiningnan ko ang ginagawa niya sa laptop niya. Hindi ko maintindihan ang
mga code na ini-input niya sa black screen na may mga white text na nagi-scroll up.
Tapos ambilis niyang magtype. Isang computer wizard 'tong soon-to-be bf ko Yes, I
think I am falling for this handsome, smart Inspector.
"Done." Tumingin sa wrist watch si Rod. "We just need to wait tomorrow since close
na ang school. Wala ng magbubukas ng internal email by this time." 6pm na pala.
Hindi ako makakauwi sa Dorm.
"Ihahatid kita sa inyo, then I will pick you up at 6am para ihatid pabalik sa
school." Inioffer nito ang kamay at inabot ko naman yon.
"Thank you, Rod. You're a big help. You cleared my mind. Kahit paano nakapag-isip
ako today. Hindi ako pwedeng basta mag-give up na lang. I think may purpose si Lord
kaya Niya ako binigyan ng ganitong gift, at dinala ako sa school na 'yon to help
those ghosts."
"Very good, sweetheart. I'm proud of you." Tinitigan ako ni Rod sa mga mata, I
can't fight this anymore. Alam kong recently lang kami nagkakilala pero napaka-
strong ng nararamdaman ko para sa kanya.
He moved his head closer to me and brushed my lips gently. Banayad. "I love you,
Arlene. Believe it or not, minahal kita nuong una pa lang."
"Aray! Halata namang type mo 'ko eh." Habang tawa 'to ng tawa.
"Loko ka ha!" Hinabol ko ng kurot ang lalakeng unang nagpatibok ng puso ko. Ang
kulit eh.
Huminto siya sa pagtakbo saka humarap sa akin. "I will protect you from harm,
Arlene. You can depend on me."
"I believe you, Inspector Rodrigo de Jesus." We kissed lightly bago niya ako inakay
patungo sa kotse. I still have things to do tomorrow. Kailangan kong maghanda
emotionally, mentally, spiritually, physically and psychologically. Hindi ko alam
kung ano ang mangyayari bukas. Nariyan naman si Rod. I know he will protect me.
Chapter 20
Hinatid ako ni Rod sa school kinabukasan tulad ng pangako nito. Nag-aalalangan man
ay pumasok na rin ako sa campus. Naglalakad na ako patungong Annex Building nang
may tumawag sa akin.
"S-Sir Tony. B-Bakit po?" Sigurado ako, hindi kay Sir Tony ang narinig kong boses
kahapon, pero posibleng may alam din ang prof naming 'to sa mga nangyayari sa
school nila. Sa kanila 'to dati eh.
"I'd like to talk to you about your grades right after your class later. You have a
potential para maging top student ng school, but you need guidance. Meet me after
our class, okay?" Tinapik ako ni sir Tony sa braso bago 'to umalis. Di man lang
hinintay na umoo ako.
Kinakabahan ako sa gusto niyang meeting after class. Marami akong nababasang nega
sa mga meeting after class with their Prof.
Nagtungo muna ako sa canteen para bumili ng maiinom. Bitbit ko na ang tray ko
patungong bakanteng mesa when suddenly one of the students na nagbi-breakfast ay
biglang hinimatay, at ang salarin ay ang missing student sa article na naaagnas ang
kalahati ng mukha at bayolente. Si Natalie. Teka, bakit ko siya nakikita at malapit
pa sa akin? Sinalat ko ang leeg ko. "Shit! Naiwan ko ang kwintas na bigay ni Rod sa
room ko sa bahay! Hinubad ko nga pala nuong naligo ako!"
Tumingin sa akin ang bayolenteng multo. Lumutang ito papalapit sa akin. Napahigpit
ang kapit ko sa tray na bitbit ko. "Utang na loob huwag kang lalapit sa akin. Huwag
kang magkakamaling saktan ako!" Bulong ni Arlene sa sarili.
Nakalapit sa akin ang bayolenteng multo, inilapit ang mukha sa tainga ko. Bumulong
ito. "Hindi ako masama. Nanggugulo lang ako dahil pinaikot niya ako. Niloko niya
ako. Tulungan mo kami dito." Saka lumayo ito sa akin at unti-unting nawala.
Control Room
--Author's Point Of View--
"Look at her. Nilapitan siya ni Natalie pero mukhang hindi niya pansin." Turo sa
monitor ng lalakeng nakamasid sa control room. Ang Infrared CCTV cameras ang gamit
nila sa buong building.
"Safe tayo sa kanya. I thought she can see them, hindi pala. Look for other
students around." Utos ng lalakeng naka-hood. "Ano kaya ang sinasabi ni Natalie sa
kanya? Nakita kong parang bumuka ang bibig niya."
"It doesn't matter. Mukhang walang ability ang isang 'yan." Inilipat-lipat ng
lalake ang view sa monitor. There they saw a woman sitting in the vacant room,
naghihintay ng next class. May multong napagkakatuwaan siya, hinahawakan ang batok
niya, ang babae naman ay panay pagpag ng batok. "She can feel them. Dangerous. We
need to expel her, or eliminate her completely."
Nagsulat ang lalakeng naka-hood. Kilala niya ang babae. Bagong transfer lang 'to sa
school.
Nag-checheck pa sila ng ibang area ng school nang biglang nawala ang lahat sa mga
monitor nila. Parang nasirang channel sa TV.
"Can you check with our IT experts? Give them a call." Lumabas na ang naka-hood
para magreport sa office.
Dean's Office
--Author's Point Of View--
Pumasok si Segundo sa Dean's Office. "Sira daw ang security system, alarm, CCTV,
kahit internet connection ay wala tayo. Something or someone possibly accessed our
internal system."
"Imposible 'yon. We have the most secured database. Baka may kung sino sa admin
users ang nakapag-install ng virus unknowingly? Have it fixed! 'Di pwedeng wala
tayong control over what's happening sa students and confined spirits." Giit ni
Dean Herminia.
"Kailangan ba talagang ipunin ang mga kaluluwa nila dito? Why not let them go?"
Saad ni Segundo.
Sumandal si Segundo sa pintuan ng Dean's office. "Wala namang maniniwala sa mga may
ability na 'yan kahit magsumbong pa sila."
"May underground paranormal group na ang kapulisan. Hindi sila legal pero they
investigate unsolved crimes using people with abilities. Suportado sila ng mga
unknown sponsors." Pagpapaliwanag ni Herminia sa pamangkin.
"Bahala na kayo. Hindi ako komportable na narito ang mga multong 'yan. Nananakit si
Natalie ng estudyante. Hindi rin maganda sa image ng school na laging may
hinihimatay ditong estudyante." Binuksan na ni Segundo ang pinto saka lumabas.
Dumating si Rod sa garden, umupo ito sa tabi ko. Sinipat muna ang paligid para
matiyak na walang nakikinig sa kanila.
"May isang nag-click ng link. Sira na ang CCTV. It will take them 24 hours to fix
it." Bulong ni Rod sa akin.
"Meron. Magkita tayo mamayang hapon sa labas ng campus. Sa gabi tayo papasok."
"Ha? Paano tayo papasok sa campus kung magpapagabi tayo mamaya sa labas?"
Nag-uusap pa kami ng plano nang mapansin kong may isang grupo ng mga lalakeng naka-
barong ang sinusundan ang isang lalakeng naka-tuxedo. May edad na ang lalake pero
matikas pa rin. Bodyguards siguro ang mga nasa likod niya. Sinalubong ito ni Dean
Mariana, nagkamay pagkatapos ay itinuro ang Dorm. Nagtungo silang lahat doon.
Napanganga ako. "Ah talaga. Sobrang bait pala niya." Pero sa loob-loob ko ay may
kaduda-duda sa bagong dating na bisita. Tinitigan ko ang bisitang naglakad papasok
sa Dorm Building. Not a good feeling.
Chapter 21
"Rod..." pinukaw ko ulit ang atensyon niya. Busy siya sa kaka-scroll sa iPad niya.
"Yes?"
Bumulong ako sa kanya. "Nagtataka lang ako ... kasi kung iyong dalawang inspector
ay pinatay dito, I mean iyong isa do'n sa Old Building at isa sa storage house ...
bakit hindi ko nakikita ang kaluluwa nila? Wala rin sa Annex Building."
Napaisip si Rod. Kumunot ang noo. "Oo nga, ano? Posible kayang sa ibang lugar
ginawa yon at nilagay lang ang katawan nila dito?"
In-open ni Rod ang iNote app. Nagtype, "hmm ... e 'di posibleng narito pa ang
kaluluwa nila. Sana pala natanong natin si Monique kung doon ba pinatay yung
inspector."
Nagtype ulit si Rod sa iNote app niya, "malalaman din natin 'yan. Sa ngayon, let's
proceed with our plans for tonight."
"Oo nga pala. 3PM na. I need to meet sir Tony." Tumayo na ako.
"Sabi niya may potential daw ako to become the top student here."
"Hindi."
I was walking towards Annex Building para pumunta sa Faculty nang makasalubong ko
si Andoy. "Andrei? Uy! Ngayon lang tayo nagkita dito ah."
"Ma'am, este Arlene, kakabayad lang po ni Tatay sa Dorm ko. Salamat po pala sa
pagsabi kay ma'am na i-advance ang sahod ni Tatay."
"Saan ka pupunta?"
"Kay Sir Tony, kakausapin daw ako dahil may potential daw akong maging top student.
Need ko lang daw ng guidance."
"Huwag na. Okay lang ako. Di naman siguro nangangagat si Sir Tony." Biro ko dito.
Nagtataka man ako eh umoo na lang ako. Sinamahan niya ako sa Faculty. Kumatok ako
sa pinto saka ko pinihit ang doorknob. Sumilip ako bgo pumasok ng tuluyan. Spacious
ang loob. Ilang working table na may kanya-kanyang cubicle ang mga professor.
Naroon sa dulo si sir Tony, mag-isa lang siya ngayon sa loob.
"Good afternoon sir Tony." Lumakad ako palapit sa working station niya.
"Good afternoon, Arlene. Halika, maupo ka...." itinuro ang upuan sa harap ng table
niya. Napalingon siya sa kasunod ko. Kumunot ang noo niya, saka tumingin siya sa
akin ulit. "Why are you with Mr. Andrei Sulivan?"
Parang uncomfortable si sir Tony, hindi agad nakasagot eh. Ilang segundo ang
lumipas bago nagsalita ulit. "Bueno, maikli lang naman ang sasabihin ko. You can
have a tutorial session with me after your class 2-3 times a week. Iyon lang."
"Ahh ... salamat po sir Tony. S-sige po pag-iisipan ko po. I'll check my schedule
po kung may bakanteng oras pa ako sa hapon. Sige po." Pinatawag pa 'ko dito, 'yon
lang pala ang sasabihin. 'Di pa sinabi kanina. "Una na po ako. Tara na Andrei."
"Sus, wala 'yon. Salamat nga pala sinamahan mo ako doon. Hindi ako komportableng
kausap si Sir Tony eh."
"Huwag kang magtitiwala doon, at huwag kang makikipagkita doon ng mag-isa. Kapag
gusto ka niyang kausapin ulit, isama mo ako lagi o kaya ang Kuya mo."
"B-Bakit naman?" Mukhang may alam si Andrei tungkol sa pagkatao ni sir Tony.
"Maniac 'yon." Bulong nito. Kumulimlim na naman ang magandang mukha ng binata.
"Pang-ilan ka na sa nagsasabi niyan."
"Dahil iyon ang totoo. Pag-uwi mo sa inyo, saka ko ikukwento. Mahirap dito."
"Sige." Pumasok kami sa canteen at naupo sa dulo. May isang oras pa ako bago ang
meet up namin ni Rod. Kakain muna ako bago ang action mamaya.
Si Andrei na ang kumuha ng order namin at nagdala sa table. Pancit ang kanya,
spaghetti at siomai naman ang pina-order ko. Busy ako sa pagkain pero siya naman ay
tulala. Nakatingin sa pagkain ko. "May problema ba? Gusto mo ba ng spaghetti saka
siomai?"
"Hindi, sige. Kumain ka lang ng marami. M-may naalala lang ako." May ilang saglit
na lumungkot ang mukha nito bago ito yumuko at sumubo ng pancit.
Tahimik lang kaming kumain, parang nasira yata ang mood ni Andrei. Malapit ng mag-
alas singko, tumayo na ako. "Salamat sa pagsama ulit ha."
"Ako nga dapat ang magpasalamat sa libre eh." Nagkamot pa ng batok ang binata.
"Baka hindi, uuwi ako sa Villa mamaya. See you around Andrei."
"Sige. Basta pag-ano, sasamahan kita. Huwag kang magtitiwala doon sa lalakeng
'yon."
Lumabas na ako ng school, naroon ulit sa 'di kalayuan sa kaliwa ang kotse ni Rod.
Kumaway siya sa akin. Lakad-takbo ang ginawa ko.
Pumasok na si Rod sa kotse at naupo sa driver's side. "Tara na. Mamaya na ang
introduction." Pinaharurot na nito ang sasakyan.
Inikot ni rod ang school at ang kahabaan ng gubat sa likod nito. Medyo malayo pala
at matalahib ang papasukan namin para marating ang storage house.
Inilabas ni Rod ang mapa. "Medyo malayo, pataas muna sa gilid ng bundok bago ang
pababa sa kakahuyan diretso ng storage house. Kaya mo ba?"
"Kaya ko naman 'yan. Nariyan ka naman eh." Buti na lang skinny jeans ang suot ko at
sneakers. 'Di ako magagalusan ng mga talahib. Kaso naka-short sleeves shirt lang
ako kaya malamang puro sugat ang braso ko mamaya.
"Sila nga pala si Mike," itinuro ni Rod iyong ka-edad niya, "saka si Peter." ang
nasa 30 na siguro ang age. "Galing din sila sa underground paranormal group, kaya
magkakaintindihan tayo pare-pareho pagdating sa mga multo."
"Bantay sila sa storage, sasamahan kita sa loob ng Annex." Inilabas ni Rod ang
maliit na brief case. May parang headset na isang piraso lang. "Ikabit mo 'to sa
tainga mo. We can communicate with them using this."
Napatawa si Rod. "Heto, isuot mo rin. Bawal mag-iwan ng marks." Iniabot sa akin ni
Rod ang black handgloves, black face mask at black bonnet.
"Well, we are trespassers, so parang magnanakaw na rin tayo. We are stealing their
dirty little secrets."
"Ok. Para naman 'to sa kabutihan." Nilingon ko si Mike. May pinipindot sa laptop.
"Ano 'yan?"
"Sineset-up ko ang tracking devices at hidden camera. Heto, okay na." Iniabot sa
amin ni Rod ang dalawang parang button sa liit at dalawang eyeglasses. Tig-isa
kami.
Ang lakas ng tawa ni Rod. "Sira ka. Maghintay lang tayo na dumilim bago pumasok sa
gubat." Pinaandar niya ang kotse niya ng kaunti papasok sa kakahuyan para daw
walang makahalata na may pumasok sa gubat, kung sakali mang may dumaang taga-
school.
Ilang saglit pa ay lumabas na kami ng kotse. "This is it. Let's go." Aya ni Rod.
Chapter 22
Tinahak namin ang kagubatan gamit ang tig-iisang penlight para sa katiting na
liwanag. Hindi raw pwedeng malakas na ilaw at baka makatawag kami ng atensyon.
Maliwanag din naman ang buwan kaya sapat lang ang liwanag para Makita naming ang
daan.
"Rod, naiwan ko nga pala ang kwintas na bigay mo sa bahay." Sabi ko sa kanya habang
patuloy kaming naglalakad.
Hinawakan ni Rod ang kanang kamay ko. Inalalayan ako habang binabagtas namin ang
masukal na gubat. "Hayaan mo na. Tiisin mo na muna ngayon. Huwag ka na lang
magpahalata sa mga multo doon na nakikita mo sila. Huwag mo ring tatanggalin 'yang
mask mo, okay?"
Pinisil ni Rod ang palad ko, saka bumulong sa akin. "Huwag kang mag-alala, mga
mahaharot 'yan pero pagdating sa mission, mga expert 'yan."
"May tiwala naman ako sa inyo. Hindi kayo magiging part ng Government Intelligence
Group ni Papa kung wala kayong skills."
"Tama." Tipid na sagot ni Rod. Seryoso sa dinadaanan namin. Mukhang may natanaw
siya sa 'di kalayuan. Tumuwid ako ng tingin para tingnan ang natatanaw nito.
Napatigil ako dahil sa nakikita ko. Dalawang lalakeng multo! Yung isa ay naaagnas
na ang mga braso at may mga pàso ang kalahati ng mukha!
"Wilfred?" Tawag ni Rod sa isa. Tiningnan din niya ang isa pa.
Napanganga ako sa pagkabigla. Ang daming tanong ang gustong lumabas sa bibig ko
pero hindi ko alam kung paano ko itatanong.
"Huwag na kayong tumuloy. Manganganib kayo. Iyan ang dahilan ng ikinamatay ko.
Sinubukan kong pumasok sa storage house." Saad ng lalaking naaagnas.
"Hindi. Sa araw ko ginawa eh. Pasimple akong nagtungo sa storage house tapos
nahanap ko ang underground passage. Saka sira ang CCTV nila ngayon sa Annex. Walang
way for them to catch us." Nag-isip ako ng itatanong. "Bakit nandito kayo? Dito ba
kayo pinatay?"
Napatingin ako kay Rod. Ibig sabihin, nagagawi sila sa lugar na 'to. Bakit, ano'ng
meron dito? "May proteksyon din ba ang lugar na 'to kaya hindi kayo makaalis?"
Itinuro nila ang apat na puno na nakapalibot sa amin. May mga nakasiksik sa mga
katawan ng puno na parang pulang batong buhay na kasing laki ng kamao.
"Ano daw, huwag na daw tayong tumuloy dahil ang pagpunta daw nila sa storage house
ang dahilan ng pagkamatay nila, at dito daw sila pinatay. Nakakulong din ang
kaluluwa nila dahil do'n sa apat na batong 'yon." Inilawan ko at itinuro ko ang
apat na pulang bato sa apat na punong nakapalibot sa amin.
"Dito ba kayo dumaan noong nagpunta kayo sa storage?"
"Kung ganoon, pwede n'yo ba kaming tulungan? Para malutas ang kasong ito at
maipaghiganti natin ang kamatayan n'yo." Pakiusap ko sa dalawa.
Nagtinginan ang dalawang multo. Umaliwalas ang mga mukha. "Paano kami makakatulong?
Hindi kami makakaalis dito."
"Madali lang naman 'yan eh." Nilapitan ko ang isa sa mga puno at kinuha ang
nakasiksik na bato. Medyo masikip ang pagkakasiksik pero naalis ko naman.
Nagliwanag ang pulang bato bago ito naging parang uling at naabo. Napatingin ako
kay Rod. "Ano 'yon? B-bakit may ganoong effect?"
Umiling si Rod. "Hindi ko rin alam. Ngayon lang ako nakakita ng ganyan. Ibang uri
ang gamit nilang pang-control sa kaluluwa." Tinungo ni Rod ang isa pa, at
pinuntahan ng dalawa pang kasama namin ang dalawang bato sa magkaibang puno. Sabay-
sabay nilang hinugot ang pulang bato. Naging uling din ang mga 'to sa kamay nila
saka naging abo.
"This is really weird." Nasa palad pa ni Rod ang ilang abo na natira. Lumapit kay
Mike at humingi sa plastic bag. Inilagay ang abo doon. "Ipapa-test ko 'to."
Inilagay din nila Mike at Peter ang mga natirang abo sa palad nila.
Nilingon ko ang dalawang multo. Nakangiti na sila. "Hindi na mabigat ang paligid.
Wala ng harang. Malaya na kami, maraming salamat." Saad ni Wilfred.
"Kaya n'yo bang magbantay sa paligid, at senyasan agad sila kapag may papalapit na
kalaban o kahit ibang tao? Look-out sila sa storage, papasok naman kami sa
underground."
"Salamat. Tara na?" Nagpatiuna na akong naglakad, humabol naman si Rod at hinawakan
ako sa kamay. Kasunod namin sina Mike at Peter. Nagmadali ang multong si Wilfred,
lumutang at nauna sa akin.
"Babalaan kita pag may panganib sa unahan." Lumutang pa 'to patungong harapan.
Ginabayan kami sa daan. Eto pala ang advantage ng may third eye.
Tumabi sa kaliwa ko si Angelo. "Babantayan kita. Utang ko sa'yo ang kalayaan ko."
"Salamat, Angelo." Napaisip ulit ako. May malaki pang tanong sa utak ko. "Nakita mo
ba kung sino ang naglagay ng mga batong 'yon?"
Umiling si Angelo. "Baka si Wilfred, alam. Una siyang pinatay sa akin eh. Nariyan
na ang nga batong 'yan noong pinatay ako dito. Nakasaklob din ng sako ang mukha ko
noon."
Tinawag ko si Wilfred. "Wilfred, bago ka pinatay, nakita mo ba kung sino ang
naglagay ng mga batong 'yon?"
Tumango ito. "Oo. Apat silang naka-itim na kapote at may maskarang itim na bungo
ang kalahati ng mukha. Hindi ko sila nakilala."
"Itim na maskarang bungo?" Narinig ko na naman ang kapote at mascara. Napaisip ako.
Saan ko ba nakita 'yon. Tumigil ako sa paglalakad.
"O, bakit Arlene?" Tanong ni Rod. Tumigil din ang lahat dahil sa paghinto ko.
Bigla kong naalala ang panaginip kong nakakatakot noon! "Rod! Napanaginipan ko
'yon, bago kami lumipat dito!" Tiningnan ko si Wilfred. "Yung itim na maskara ba e
kalahati ng mukha, as in kaliwang bahagi lang pero buo sa noo?"
Nganga na naman ako. Tumingin ako kay Rod. "Nanapaginipan ko yon! Yung lalakeng may
maskarang itim na kalahating mukha lang, naka-kapoteng itim na may hood, tapos may
bihag siyang babaeng estudyante, nakagapos ang dalawang kamay sa kamang may black
na bedsheet, may black petals, nakagapos din ng pabukaka ang mga paa, bukas ang
blouse at nakalislis ang palda." Description ko sa panaginip ko.
"You can see, hear, feel, you are a clairvoyant, lahat na." Tumingin 'to kay Rod.
"Rod, saglit lang kayo doon. we need to leave immediately. Delikado si Arlene kapag
nabuksan ang iba pa niyang ability habang naroon tayo sa lugar na maraming multong
pakalat-kalat. Dalhin natin siya sa Undeground Paranormal Group pagkatapos nito."
Tumango si Rod. "Sige. Tara na, bilisan na natin." Tanaw na namin ang storage
house. Ilang saglit pa ay nakalapit na kami sa likod nito.
"Wilfred. Pwedeng pakisilip sa bandang unahan kung may tao?" Pakiusap ko ulit sa
kasama naming multo. May thrill din palang makipagkasundo sa kanila eh. Tumango
naman ito saka naglaho.
Nag-antay kami ng ilang saglit pa at bumalik si Wilfred. "It's safe. Aabot pala ako
hanggang sa bungad ng talahiban. Paglagpas do'n ay may harang na ang buong school."
Napakadilim sa loob. Hindi naman kami maaaring gumamit ng ilaw dahil mabubuking
kami. Penlight lang ang ginamit namin, itinutok ko sa carpet. "Hayun, nasa gitna
n'yan. Kailangan n'yong iangat ang carpet."
Inilabas ni Mike ang laptop na nasa bag niya saka binuksan. Ang liwanag nito ay
sapat na para magkakitaan kami pero hindi naman makakaagaw ng atensyon na may tao
dito sa loob.
Iniangat ni Rod ang pinto. Inilawan ng penlight saka bumaba. Inilahad ang palad sa
akin para alalayan ako, inabot ko naman saka ako sumunod sa pagbaba pero sumungaw
pa ang ulo ko para kausapin sila.
Isinuot nina Mike at Peter ang headset niya. "Rinig mo ba kami?" Mahinag sabi nito
pero malakas sa tainga ko.
"Lalabas kami para magronda." Paalam nina Angelo. "Titiyakin namin ang kaligtasan
ninyo, kailangang pagbayaran nila ang krimen nila." Saka naglaho ang dalawang
ghosts.
Nilakad na namin ni Rod ang mahabang pasilyo ng Underground passage. Pinahinto ako
ni Rod. Nakiramdam. Nang matiyak na walang sinuman ang nasa passage ay binilisan na
namin ang paglalakad. Narating namin ang likuan sa dulo, kumanan kami saka
diniretso ulit ang passage.
Narating namin ang ilalim ng Annex, ang pinakadulo ng passage. Inilawan ko ang
foldable stairs. Ganoon pa rin ang posisyon nito mula ng huling punta ko. Ibig
sabihin ay walang ibang dumadaan pa dito. So far.
Dahan-dahang itinulak ni Rod ang pinto. Iniangat ng kaunti lang. Enough para
makasilip. Sumenyas siya ng "okay" sa akin.
Iniangat nito ang pinto, nauna siyang umakyat saka ako hinila pataas at isinara ang
pinto.
Sakto ang hulma nito sa tiles. Hindi mo iisiping may pintuan doon. May kapiraso
lang na pingas sa gilid para maiangat ng magbubukas ang pinto.
Nasa isang maliit na silid kami, may mga office supply stocks sa paligid. "Nasaan
tayo? Hindi ko alam ang bahaging 'to ng Annex." Bulong ko kay Rod.
Tinungo ni Rod ang pintuan ng silid. Walang doorknob 'to, handle lang ang meron
kaya mukhang lihim na silid din. Unti-unti niya itong binuksan saka sinilip ang
labas. Naupo ako para makisilip din sa siwang sa babang bahagi ng pinto. Nanlaki
ang mga mata ko ng makita ko ang grupo ng mga naka-kapoteng itim, may mga maskarang
kalahati sa mukha. Binilang ko ang mga naabot ng mata ko. Lalagpas sila sa bilang
na labindalawa. Patungo sila sa kaliwang bahagi ng Annex. Ito palang kinalalagyan
namin ang utility and stock room na nasa corner ng Annex mlpit sa hagdan.
Chapter 23
Sinundan ko ng tingin ang mga papalayong nakaitim na kapote na may maskara. "Saan
sila patungo?" Bulong ko. Ewan kung narinig ni Rod, hindi siya sumagot eh.
Tiningala ko siya, busy din sa pagsunod ng tingin sa mga papalayong weirdo.
Lumayo ako sa pinto at sinipat ang kabuuan ng stock room. May isang mesa at upuan
para do'n siguro sa babaeng staff nila dito, pinsan daw 'yon ni sir Tony. Nasa
paligid ang estante na kinalalagyan ng school supply stuff. Sa sulok ay may ilang
set ng computer, at sa ilalim nito ay may malaking box na medyo nakabukas.
Hinalughog ko ang laman nito at nakakita pa ako ng ilang piraso ng itim na kapoteng
may hood at maskarang kalahati lang ng mukha, pero buo sa noo.
"Rod. Babe."
Lumingon siya sa akin. Ang luwang ng ngiti sa pagtawag ko ng babe sa kanya. "Yes,
baby?" Isinara ang pinto.
"Kung 'di pa kita tinawag na babe, 'di ka lilingon." Pabulong kong sermon sa kanya.
Iwinagayway ko ang dalawang kapote at maskara na kinuha ko sa box.
Nagningning ang mga mata ni Rod. Kinuha ang isang kapote at maskara. Isinuot ang
kapote. Inalis ang face mask saka isinuot ang maskarang bungo. Ipinatong na lang sa
bonet. "Ang galing talaga ng baby ko." Akmang hahalikan ako.
Itinukod ko ang mga kamay ko sa dibdib niya. "Mamaya na ang landian, misyon muna.
Kapag nakalabas tayo ng buhay dito, may premyo ka."
Lalong lumaki ang pagkakaluwang ng mga ngiti nito. "Sinabi mo 'yan ha, wala nang
bawian." Iniangat ni Rod ang kapote. May sinilip na dalawang itim na bagay si Rod
sa bulsa niya pero hindi ko napansin kung ano 'yon.
"Ano 'yan?"
"For emergency."
"Okay." Inalis ko na rin ang face mask ko saka isinuot ko na rin ang kapote at
bungong maskara. Ibinulsa ko na lang ang face mask ko. Isinuot ko rin ang hood ng
kapote, saka ko isinuot ang salamin na may hidden camera. May kakapitan naman dahil
may butas sa tainga ang maskarang bungo.
Nagtanguan kami ni Rod bago lumabas ng stock room. At least alam ko na mamaya kung
paano bumalik dito.
Tinungo namin ang gawi kung saan patungo ang mga naka-kapote kanina. Umabot kami sa
kabilang pinakadulo ng Annex Building pero dead end na. "Nasaan na sila?" Bulong ko
kay Rod.
"Oh, bakit nariyan pa kayo? Malapit nang magsimula, halika na." Tawag ng boses
lalaki na nasa likuran namin.
"Halika na. Kayo talagang mga bago hindi alam kung saan pupunta." Nagpatiuna na ang
nagsalita, kasunod ang tatlong kasama nito sa likod na mga nakayuko. Hindi ko
makita ang mga mukha nila. Yumuko na rin ako para gayahin sila.
Sinundan namin sila. Inilahad ng lalake ang palad sa gilid ng dingding na parang
may maliit na box, may nagliwanag na parang scanner, saka bumukas ng pa-slide ang
corner wall. Pumasok na sa loob ang lalake at ang mga kasunod nito kaya sinundan
namin sila. Inihawak ulit niya ang kamay sa isa pang kamukha nung scanner sa loob
na bahagi ng silid na pinasok namin, at nagsara na ulit ang sliding wall. Wow,
hi-tech sila ha!
Nilinga ko ang paligid. Hindi lang yata tatlumpu ang nasa loob na nakaupo sa
monoblock chairs. Dumagdag pa kami. Ibig sabihin, ganito karami ang kasangkot sa
misteryo ng eskwelahan na 'to? Naupo ang tatlong kasama nung lalake sa likod, at sa
harap naman ang lalakeng may access sa scanner. Napakaluwang ng silid na 'to. Kaya
rin pala hindi ito kita sa umaga ay dahil kailangan pa ng kamay ng taong may access
dito para lang makapasok sa loob ng lihim na silid na 'to.
May napakaluwang na espasyo sa harap, at may kama doon na may cover na itim na
bedsheet at ilang rose petals na itim ang nakakalat sa ibabaw. Sa ulong bahagi ng
kama ay may parang altar, may itim na espadang ang posisyon ay pabaliktad, may
nakapalibot ditong itim na ahas at ang hawakan ay nakasuksok sa bumbunan ng bungo.
May isang pumagitna, pormang babae. "Magandang gabi, aking mga kapanalig.
Magsisimula na ang pagsamba sa ating Dominus."
Tumayo ang lalakeng nasa pinakagitna sa harapan at humarap sa aming lahat. "Aking
mga anak, ito ang gabi ng ating pagtitipon at pagsamba sa akin, para sa mas lalong
masagana at maunlad na pamumuhay nating lahat." Lumingon ito sa aming mga nasa
likuran. "Ako ay nalulugod na dumarami pa ang naniniwala sa akin. Palakpakan ang
mga bagong kapanalig natin."
Pumalakpak ang ilan sa mga nasa harapan. Kami yatang mga nasa likod 'yong sinasabi
niyang bagong kapanalig nila.
Nababaliw na yata 'tong lalaking 'to, at bakit naman siya sasambahin? Sino ba siya?
Tumayo ang mga nasa harapan namin, kami namang mga nasa likod na "bagong kapanalig"
ay mga inosente. Kaya nakigaya kami. Lumuhod ang mga nasa harapan namin kaya
nakisali kami. Hindi sana ako nagkakasala kay Lord sa ginagawa kong 'to. "Para sa
kabutihan po ito, Lord. Patawad po."
"Pagpapalain ko ang mga nasa silid na 'to. Bibigyan ko kayo ng biyaya ngayong gabi,
kapalit ang maagang panimulang pag-aalay. May handog ba kayo sa akin? Ikalulugod ko
'yon."
Sinenyasan ang lalaking nagpapasok sa amin kanina. Tumayo ito at bumalik sa sliding
wall, binuksan niya ulit ito. May lalakeng nakakapote ang nakaabang para pumasok,
at may buhat-buhat ito na babaeng estudyante na naka-Senior High uniform pa. Kita
na ang underwear ng babae mula sa pagkakabuhat dahil maiksi ang school uniform
dito.
Tinungo ng lalaki ang kama at inihiga ang babae doon. Nag-abot dito ng tali yung
nagpapasok sa amin. Iginapos ng lalaki ang magkabilang kamay sa headboard, ang mga
paa ng nakabuka-- katulad na katulad sa panaginip ko. Ano ang mangyayari sa
estudyanteng yon? Ayokong isipin, pero parang alam ko na ang gagawin ng Dominus na
'to sa babae. Gusto kong pigilan. Akmang tatayo na ako ng hawakan ni Rod ang braso
ko. Tiningnan ko siya na nagmamakaawa, pero umiling siya.
Bumalik ang tingin ko sa harap. Ang tinawag nilang Dominus ay lumapit sa gilid ng
babae. Sinipat ang babae. Tila nasiyahan sa nakita. Tumayo ulit ito at may
sinenyasan sa harap. May dalawang lalake ang tumayo na may bitbit na malaking
briefcase. Binuksan nila 'to at pinakita sa amin. Limpak-limpak na salapi ang laman
ng dalawang briefcase. Isinara ang isa at iniabot sa babaeng nagsimula ng
serimonyas, at ang isa ay iniwang nakabukas.
Sinenyasan ng Dominus ang ilan sa nasa harap. Lumapit ito at kumuha ng ilang
bungkos ng pera, saka binigyan isa-isa ang lahat ng nakaupo, pati kami. Hindi yata
bababa sa dalawang daang libo ang inabot sa akin. Kalahating dangkal na lilibohin
din 'to. Nagkatinginan kami ni Rod.
"Iyan ang biyayang matatanggap ninyo para sa maagang pag-aalay. Ako ay lubos na
nasisiyahan sa handog ninyo sa akin ngayon. Mas higit pa riyan ang matatanggap
ninyo para sa susunod na takdang pag-aalay." Ngumisi ng mala-demonyo ang lalake.
"Salamat, Dominus." Yumukod ang mga nasa harap. Sumunod na lang kami.
Lumapit ito sa dalaga, hinawi nito ang buhok ng dalaga sa noo, saka ito yumukod at
hinalikan sa labi ang kawawang bihag. Gumapang ang mga kamay nito sa katawan ng
walang malay na babae. Hindi yata nasiyahan ang Dominus na 'to, kaya pinunit ang
uniform ng dalaga.
Gusto kong magwala at pigilan ang manyak na Dominus na 'yon! Walanghiya! Ginagamit
ang pera para makagawa ng kahayupan, nagpapanggap pang panginoon! Naramdaman ko ang
lalong paghigpit ng hawak sa akin ni Rod. Tiningnan ko siya ng madilim. Hindi ba
'to naaawa sa sasapitin ng estudyante?
Nakita kong may dinudukot si Rod sa ilalim ng kapote nito, saka inilabas ang itim
na bagay na itinago niya kanina. Binitiwan niya ako saka hinawakan pa ng isang
kamay ang hawak nito at parang may inalis doon. Luminga sa paligid saka yumuko ng
kaunti. Pinagulong ang hawak nito ng malakas pero pasimple sa ilalim ng mga upuan.
Nagsimulang magkaroon ng usok sa buong lihim na silid.
Chapter 24
Nag-ubuhan ang lahat nang mapuno ng usok ang buong lihim na silid. Pati ako! Ito
namang si Rod, wala man lang warning!
Ipinakita ni Rod sa akin na isuot ang black mask na bigay niya sa akin. Dinukot ko
'yon sa bulsa ko saka ko isinuot. In fairness ha, wala akong naamoy na usok. Medyo
mahapdi sa mata pero kailangan kong magtiis. Nakalapat naman ang eye glasses sa
mukha kaya hindi gaanong napepenetrate ng usok.
Nakadapa na ang mga tao sa loob, hindi makahinga. May nakita akong gumagapang
patungong sliding wall. Bubuksan yata para lumabas ang usok. Nilapitan ko siya saka
ko tinadyakan sa likod ang loko. Langhapin mo muna ang lahat ng usok dito bilang
parusa.
Nawala si Rod. Nilingon ko ang paligid. Nakita ko siyang hiniklas sa isang lalaking
nakatumba ang kapote nito, saka lumapit sa kama. Pen knife yata ang nilabas niya.
Pinutol ang mga nakatali sa kamay at paa ng babae, sinakluban ng kapote saka
kinarga. Lumapit sa akin.
"Hanap ka ng may access, buksan mo ang wall!" Sigaw nito habang karga ang kawawang
babae.
Kahit mabigat ay itinayo ko ang sinipa ko kanina at hinawakan ang kamay, saka ko
itinapat sa scanner ang palad nito. Bumukas ang pinto. Bago kami lumabas ay sinipat
ko muna ang kalahating mukha ng taong hawak ko na walang malay. Nandilat ang mga
mata ko. Si Diego! May access ang gagong 'to sa sliding wall, ibig sabihin may
posisyon 'to dito!
Bigla ko siyang binitiwan. Keber ko kung nasaktan siya! Tumakbo na ako at sinundan
si Rod. Lakad-takbo ang ginawa namin hanggang sa makarating kami sa kabilang dulo.
Medyo madilim kaya hindi nila makikita mula sa malayo kung saan kami nagtungo. May
mga nakasalubong kaming mga multo na tila nasisiyahan sa nakikita nila. Nakamasid
lang sa amin pero nakangiti.
Pumasok kami sa stock room at saka isinara ang pinto. Ibinaba saglit ang babae bago
iniangat ni Rod ang lihim na lagusan saka pinasan sa balikat ang babaeng nailigtas
namin. "Tara na!" Saka ito nagsimulang bumaba ng hagdan.
Sinilip ko muna ulit ang labas. Naroon sila sa dulo, aninag ko mula sa liwanag ng
buwan. Mga gumagapang. May epekto pa rin ang usok sa kanila. Napangisi muna ako
bago ko isinara ulit ang pinto ng stock room. Bumaba na ako ng tunnel, saka ko
isinara ang pinto nito. Iniayos ko rin pabalik sa dating pwesto ang foldable stairs
na gawa sa kahoy saka ako naglakad ng mabilis para humabol kina Rod. Inilawan ko
ang daan. My superhero babe. Alam kong mahirap magbuhat lalo na at tumatakas kami
pero he's doing it to save the girl.
Nakarating kami sa kabilang dulo. Umakyat kami sa storage house saka isinara ang
pinto. "Ilatag n'yo na ang carpet, bilis! We have to leave now!" Utos ni Rod.
Inilatag nila ng maayos ang carpet saka kami lumabas ng storage house. Kinuha ni
Mike ang babaeng buhat ni Rod. Napansin sigurong bigat na bigat na 'to.
Naroon din sina Wilfred at Angelo. "Tara, sundan nyo kami." Lumutang ang dalawang
multo pabalik sa pinanggalingan namin kanina. Ngayon ko lang na-realize na ganun
pala kalayo ang nilakad namin. Lakad-takbo ang ginawa namin. We reached our car
after an hour of walking and running. Ipinasok namin sa backseat ang babae at
inalalayan 'to ni Mike, saka ako sumakay sa passenger seat. Tumingin ako sa labas
para tingnan ang dalawang multo. "Sumama na kayo sa amin. Baka mabihag na naman
kayo dito."
"Sige susunod kami." Saka naglaho ang dalawa. Mukhang nasa bubong sila ng kotse.
Pinaharurot na ni Rod ang kotse para makalayo na kami sa inpyernong lugar na 'to.
Nakahinga na ako ng maluwag nang napansin kong malayo na kami. Mukhang paluwas kami
ng Manila. Inalis ko na ang mask ko, ang kapote, ang bonnet pati ang black gloves.
Pabagsak kong isinandal ang likod ko.
Tahimik kaming lahat. Hindi makapaniwala sa mga nakita. Siguradong nakita rin nina
Mike kung ano ang nangyari sa loob. Naka-video at recorded ang mga nangyari. Ang
sasama nila, lalo na yung Dominus. Nagagawa niyang manghalay ng may audience gamit
ang pera at impluwensya? At may mga naniniwala sa kanya? Sinasamba pa? At si Diego,
member nila. I wonder kung sino-sino pa ang members nila. Mahigit tatlumpu sila
doon. Nababaliw na ang mga tao sa school na 'yon!
Nilingon ko ang babae. Mabuti na lang nailigtas namin siya. Witness siya. Malalaman
namin mamaya kung paano siya nakuha ng mga 'yon. Naalala ko yung perang binigay sa
amin. Binilot ko pala sa loob ng kapote. Inilabas ko. Eto ang katumbas ng buhay ng
mga ni-rape at pinatay niya? I can't believe this!
"Ebidensya ang pera, pati ang videos. Sayang lang at madilim sa loob ng kwartong
'yon. Hindi natin maaninag ang mga mukha nila. Sana may na-capture ang hidden
camera na hindi natin nakita. We will review it later." May panghihinayang sa tono
ni Rod. Pagkakataon na kasi namin yung kanina para may makilalang suspect.
Umiling ako. "Nakita ko ang mukha nung isa..."
"Si Diego, kaklase ko. Siya yung tinadyakan ko saka pinagbukas ko ng scanner. May
access siya so meaning may position siya sa samahang 'yon."
Napabuga ng hangin si Rod. "Ano'ng klaseng grupo 'yon? Bakit may ganun sila?
Rereypin tapos papatayin yung babe para gawing alay? Ganun ba 'yon?"
"Mukhang ganun nga. May mga laslas sa leeg yung mga multo sa Annex. Pero may ilan
na may sunog sa katawan. Katulad ni Natalie. Hindi ko alam kung bakit." Sagot ko.
"Malalaman natin yan. Tumawag ka muna sa inyo, tell your mom na doon ka sa papa mo
matutulog ngayong gabi. Para kung sakaling maghanap ang mga tao sa school sa mga
estudyanteng wala sa dorm ay may excuse ka. Sabihin mo na nasa Manila ka na. Tell a
lie to your mom para hindi rin siya mahirapang magsinungaling kung sakaling may
magtanong sa kanya." Suggestion ni Rod.
Inilabas ko ang bag ko na nakalagay sa gilid ng kotse, dinukot ko ang phone ko saka
tumawag kay mommy. "Mama, nasa Manila ako ngayon ha. Na-miss ko si daddy eh. Dito
ako matutulog." Hinintay ko ang sagot ni mama.
"No 'ma, wala pa si papa nasa office pa. Gugulatin ko siya. Narito na ko sa condo
niya. Bye 'ma. Tatawagan ko si kuya." Tinawagan ko rin si kuya. "Hello, kuya.
Nandito ako sa Manila ngayon, kay papa."
"Ang daya mo naman di mo ako sinama! Nagsolo ka." May pagtatampong sabi ni kuya
Drei.
"B-biglaan lang kasi kuya. Nag-date kami ng boyfriend ko tapos dumiretso kami sa
Manila, kaya dito na ko kay papa magpapalipas ng gabi. Uuwi naman ako bukas
papasalubungan kita."
"Bahala ka. Ikamusta mo na lang ako kay papa." Saka pinutol ang tawag ko.
Nagtatampo talaga. Bukas ko na lang ipapaliwanag.
Nag-iisip ako kung tatawagan ko si Emma... sige na nga. Iche-check ko kung kamusta
na sila, o may nangyari sa school. "Hello, Emma."
"Ha? N-Narito ako sa Manila, kay papa. Dinalaw ko siya. Na-miss ko na eh. Bakit,
ano ang nangyari?"
"May nakapasok daw na magnanakaw sa Annex. May mga nasaktan daw kaya ayun may
ambulance, maraming dinala sa ospital. Chinecheck ngayon ang bawat room ng dorm
kung may student na wala. Mukha daw estudyante ang magnanakaw. Wala din si Daisy
dito, umuwi sa mama niya. Mag-isa lang tuloy ako dito."
Magnanakaw daw. Mga maniac at killer na, mga sinungaling pa. "Ah ganun ba. 'Pag may
naghanap sa akin pakisabi na lang naroon ako sa papa ko sa Manila."
"Kailangan nila ng excuse para madala sa ospital at hindi makwestyon kung bakit
sila na-tear gas. May evidence naman tayo. Kailangan maaksyunan agad bago pa nila
matakpan ang mga kalokohan nila. It's been happening for years." Iniliko ni Rod ang
kotse sa madilim at makipot na eskinita, saka lumusot sa malawak na kalsada. Hindi
ako pamilyar sa lugar na 'to.
"Sa Underground Paranormal Group. UPG Building." Ipinasok ni Rod ang kotse sa
basement ng isang malaking building. "Dapat noon pa lang, myembro ka na dito. Your
ability is exceptional.
Chapter 25
Bumaba kami ng kotse saka inalalayan namin ang nailigtas naming estudyante. May
tatlong naka-scrub suit na may dalang stretcher at oxygen ang sumalubong sa amin na
nakahanda para sa kanya. Naitawag na ni Peter kanina kung ano ang nangyari sa
school. Tinungo namin ang malaking elevator sa basement, pinindot ni Rod ang L5
saka bumaba ito. Teka, may pinaka-basement pa 'tong building? Huminto sa L5 ang
elevator. Patakbong dinala ang estudyante sa bandang kaliwa ng floor, patungo sa
isang room sa dulo na may nakasulat na UPG-ICU.
Kumatok si Rod ng tatlong beses bago binuksan ang pinto. "Sir Rick..." tawag nito
sa Papa ko na busy sa paper works sa mesa niya. Nag-angat ito ng paningin saka
napatingin sa aming dalawa, saka tumingin sa mga kamay naming magkahawak.
"Ehem ... ano 'yan?" Ma-awtoridad na tinig ng Papa ko. Tinangka kong bumitaw kay
Rod pero hindi niya binitawan ang kamay ko, lalo pa ngang humigpit.
"Pasensya na po, sir Rick. Nagmamahalan po kami ng anak n'yo. Huwag po kayong mag-
alala, malinis po ang intensyon ko sa kanya, at hindi ko po siya mamadaliin." May
tonong paniniyak ni Rod sa Papa ko. Wow, what a guy I have. Napaka-brave. I'm so
lucky.
Tinitigan ni Papa si Rod, saka ako tinignan. Wala naman akong maisagot kundi
alanganing ngiti habang sinasabi ko sa isip ko na, 'Sorry, Papa, na-in love ang
unica hija mo agad eh.'
"Mukha namang 'di mo pinilit ang anak ko. Basta huwag muna kayo magiging mapusok,
magtapos muna ng pag-aaral, Arlene." Matigas pero may pagmamahal na paalala ng Papa
ko sa akin. Tumango na lang ako ng may kasamang ngiti. "Bueno, let's go back to
business first. Peter already gave me a little details of what happened but I need
to see it. You've recorded everything, Mike?"
"Yes, sir Rick." Umupo kami sa receiving area sa office ni Papa. Katabi ko si Rod
sa 3-seater sofa, sa katapat na 3-seater sofa sina Peter at Mike, at sa single sofa
sa kanan ko si Papa. Nakaupo naman sa lapag ang dalawang multo na prente dahil sa
wakas ay nakalaya din sila. "Kamusta, Wilfred? Angelo?"
"Thankful kami sa kanila, pinalaya nila kami kaya tutulong kami sa misyon na 'to
hanggang sa ma-resolve." Pahayag ni Wilfred.
"Walanghiya. Ito ang gawain ng kulto nila? Gagamitin ng pinuno ang estudyanteng
walang malay bago patayin?" Napahilamos si Papa sa mukha niya. Kahit ako,
nanginginig sa galit nang makita ko ang ginawa ng Dominus na 'yon sa estudyante.
Hindi ko ma-imagine kung ano pa ang ginawa niya sa mga iba pang biktima niya, sa
harap ng mga myembro niya. Nakakasuka! Ipinagpatuloy ni Papa ang panonood. Nireplay
ang video. Binagalan para tingnan kung may mukhang mahahagip ang hidden camera.
"Rod, kailan nagsimula ang pagkawala ng estudyante sa CDTU, este do'n pa sa Señor
Antonio Provincial High?"
Inilabas ni Rod ang iPad niya. "According to our reports, nagsimula ito mula pa
nung itinayo ang eskwelahan, 30 years ago. Taon-taon ay may isang nawawalang
estudyante. May ilang beses na dalawa hanggang tatlo ang nawala sa isang taon. Last
year, dalawa ang nawawala."
Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. Paano nakakalusot sa batas ang mga baliw na
'yon? "What? Eh kaya pala ang daming multo do'n eh. Lahat 'yon, ni-rape? Eh teka,
karamihan ng naroon ay may laslas sa leeg, pero ang ilan sa kanila ay may sunog sa
katawan. Tulad ni Natalie."
"Nung time ni Natalie, tatlo silang nawawala." Pinakita sa akin ni Rod ang iPad
niya. Naka-arrange sa folder per year ang mga nawawalang estudyante. I tapped on
2000. 3 missing students were reported and relatives are still hoping to find them.
May pictures sila. Si Natalie at iyong isa ang nakita kong nakasunod kay Diego.
"Nakita ko silang lahat. Si Natalie ay may sunog sa kalahati ng mukha, itong isa sa
braso, at itong huli ay may laslas sa leeg."
"Si Natalie ang unang nawala, si Denise ang pangawala, at ang huli na may laslas sa
leeg ay si Louise." Saad ni Rod habang itinuturo ang mga nasa larawan. Tiningnan ko
rin ang iba pang taon. Sumunod na may dalawang nawawala ay nung year 2012-- ang ate
ni Daisy ang pangalawang nawala na hanggang ngayon ay hindi ko pa rin nakikita sa
Annex, at si Almira, ang anak ni Mrs. Syjuco ay naunang nawala ng ilang buwan bago
nawala si Daisy.
"Look, Rod. May pattern sila. Iyong mga unang nawala ay may sunog sa katawan,
habang ang mga huling nawala ay may laslas lang sa leeg. Tapos wala na ulit
mawawalang student, magpapalipas ulit ng 1 year bago may mawala ulit."
Kinuha sa akin ni Rod ang iPad niya saka inaral isa-isa ang sinabi ko. "Oo nga ano?
Pati ba 'tong dalawa na nawala last year?" Ipinakita ulit sa akin ni Rod ang screen
ng iPad.
"Yup, itong unang nawala ay nakita ko na may sunog rin sa mukha, then itong
pangalawa ay nakita ko one time na nakasunod kay Gio at may laslas sa leeg."
Sigurado ako duon, madali akong kumilala ng mukha at boses ng tao.
"Ano ang meron sa mga may sunog at ano ang meron sa mga may laslas?" Wala sa loob
na tanong ko sa hangin.
"Baka naman mas magaganda ang may laslas tapos ordinary looking lang ang mga
sinunog? Kaya naghanap ulit ng bagong alay na mas maganda? 'Di kaya?" Naisip na
idea ni Mike.
Umiling ako. "Pero mas maganda si Almira kaysa sa ate ni Daisy, at mas maganda si
Natalie kaysa sa dalawang sunod na nawala sa kanya." Kung ako nag titingin sa
kanila based sa picture, iyon ang tingin ko. Ang ganda ni Almira. Pang beauty queen
ang dating. Si Natalie naman ay mukhang class and sophisticated kahit High School
pa lang.
"Hmm ... eh 'di kapag sobrang ganda, sinusunog nila tapos hahanap ulit ng alay."
Sagot naman ni Peter.
Umiling ulit ako. "Parang malabo din eh. Manyak 'yon, kaya mas maganda ay mas gusto
niya." Inilabas ko ang phone ko saka nagsearch tungkol sa mga kulto at pag-aalay ng
babae. Requirements para maging alay etc. Napakaraming naglabasang articles, pero
wala akong mahanap na tugma sa hinahanap ko. Ano nga ba ang hinahanap ko?
"Rod! Look!" Ipinakita ko sa kanya ang phone ko at ang screen. Pinabasa ko ang
nahanap ko sa web. "It's the same skull and sword with snake na naroon sa headboard
ng kama!"
Chapter 26
Nilingon ni Rod si Mike. "Mike, can you check the IP address of this blogger,
Anonymous Cult Unveiler." Bumalik ng tingin sa akin si Rod. "Same level kami ni
Mike pagdating sa IT knowledge. Kaya niya 'yan."
Kinalikot ni Mike ang laptop niya. "May sarili akong OS na personal design ko, may
sarili akong program na gamit, may sarili akong galamay sa web. I can crawl
anywhere even under the nose of the best IT security in the world. I just don't do
it for my own advantage. Kailangang may silbi ang kaalaman ko para sa makabubuti ng
mas nakararami." Inosenteng ngumiti si Mike ng saglit sa akin bago bumalik ang
tingin sa laptop niya. Nakakatuwa siya. He has all the knowledge para sa advantage
niya but he is not doing it because of his principle of doing what he thinks is
right and beneficial to other people.
Ilang saglit pa ay na-trace na niya ang IP Address. "Sorry, medyo natagalan. Ilang
proxy servers ang ginamit niya, pero ang main root Proxy server used was from the
US, at ang IP ng gumamit ay nasa Pilipinas and I got her IP server. A certain Diana
Madrid, at may recent articles pa siya na kaka-post lang. Proof of Cult Really
Exists. Tapos may logo ng black rose na may saksak ng karet ang main website niya.
Here."
Para akong mahihimatay sa pangalang narinig ko at sa sinabi ni Mike na may recent
articles pa ang nagsulat. "S-si Diana? B-buhay siya?" Napaawang ang bibig ko. Kung
buhay siya, bakit hindi siya nagpapakita sa pamilya niya? Nasaan siya?
Nagulat din si Rod sa sinabi ko. "Si Diana Madrid, yung kapatid ni Daisy na ka-
roommate mo?"
Tumango ako. Ano'ng revelation na naman ito? Buhay siya, at gumagawa siya ng blog
para i-expose ang kulto sa school pero hindi siya nagpapakita kahit kina Daisy?
Why?
"Alam kong marami kang tanong, Arlene, gano'n din kami dito. Malalaman din natin
'yan." Lumingon si Rod sa Papa ko, tiningnan ang reaction nito. Nakikinig ito sa
amin pero nakatutok ang mga mata sa monitor ng laptop. My dad has 225 IQ level, I
have 195. Nilingon ko si Rod, pati si Mike. 'Di lang yata 250 ang IQ ng mga 'to.
May pinindot-pindot si Papa sa laptop, in-adjust siguro ang lighting ng video, saka
tinawag ang attention ko. "Kilala n'yo 'to?" Habang tinuturo ang nasa monitor.
Kumunot ang noo ko, saka sinilip ang monitor. Kung kanina ay para akong mahihimatay
sa nalaman kong buhay si Diana, mas lalong gusto ko nang literal na himatayin
ngayon. Hindi ako maaaring magkamali. Si Gio ang nasa monitor. Isa siya sa mga luma
nang myembro siguro ng kulto dahil sa bandang gitna siya nakaupo, at nakalingon sa
sliding wall habang ipinapasok ang babaeng walang malay. Kitang-kita ang kalahati
ng mukha niyang hindi natatakpan ng maskara. "I-I can't believe it. S-Si Gio."
"Gio? Ang nobyo ni Monique?" Kahit si Rod ay hindi makapaniwala, halata sa tono
niya. Tumango ako pero hindi ako nagsalita.
Napa-tsk si Papa. "Never trust anyone from that school, hija. Mukhang maraming
myembro na doon mismo nag-aaral."
Dapat pala akong mag-doble ingat. Tiningnan ko ang relo. "4am na. Kaya pala
inaantok na ako."
"Sige hija, matulog ka na. Huwag ka na rin muna pumasok mamaya, at papupuntahin ko
rin ang Kuya mo dito. Ipasusundo ko siya. Kailangang malaman mo na rin ang lahat
tungkol sa UPG. Rod, pakihatid ang anak ko sa guest room sa dulo." Humalik muna sa
akin si Papa bago bumalik ulit sa panonood sa laptop.
Sinamahan ako ni Rod papuntang guest room sa dulo ng hallway. Maganda dito pero
puro puti ang nakikita ko. Ospital ang naiisip ko habang tinitingnan ang paligid ng
silid, pero okay lang. Inaantok na ko eh. "Salamat, Rod ha. Nakalabas tayo ng buhay
doon."
"Wala 'yon, pero hindi ko pa rin nakakalimutan ang premyo ko." Habang nakangiti ng
maluwang si Rod. Tinitigan ako ng nakakakilig. Namula ang pisngi ko ng maalala ko
ang pangako ko na may premyo siya kapag nakalabas kami ng buhay.
Unti-unting lumapit si Rod saka ako hinalikan ng banayad sa lips. Mga ilang segundo
rin 'yon. Parang gusto kong himatayin sa sobrang kilig. Idiniin pa ng konti ni Rod
ang mga labi niya sa akin, at medyo ibinuka ang bibig. Ginaya ko siya kaya
nagbigay-daan 'yon sa mas malalim na halik. Ilang segundo pa ulit bago nagbitiw ang
mga labi namin. Napangiti ako ng tipid na parang nahihiya. "Ayan, may premyo ka na.
Pwede na siguro akong matulog."
Ang luwang ng ngiti ng mokong. Parang nanalo sa lotto. "Sige, baby. Goodnight.
Salamat sa premyo." Saka ako mabilis na hinalikan ulit pero sa noo na. "You can use
everything here. May new set of toiletries sa cabinet sa restroom, you can use
them."
Napatakbo ako patungong kama saka ko ibinagsak ang katawan ko dahil sa pinaghalo-
halong emosyon, mula sa nangyaring nakakakaba sa school kanina hanggang sa halik ni
Rod. Sana makatulog ako ng maayos ngayon. Ayoko na munang mag-isip. Tumayo ako at
nagtungo sa banyo para mag-ayos bago matulog.
Nagmulat ako ng mga mata kong mahapdi. Tiningnan ko ang oras sa phone ko na naiwan
ko sa tabi ko sa kama, 3PM na. "Nasaan nga ba ako? Bakit iba 'tong paligid ko?"
Saka ko biglang naalala ulit ang lahat ng nangyari mula kahapon hanggang kaninang
madaling araw bago ako matulog. Napahawak ako sa mga labi ko saka kinilig when
someone knocked on my door.
Tumakbo ako patungong pinto saka ko binuksan agad. "Kuya!" Niyakap ako ni Kuya.
"Ayos ka lang ba? Nakwento na ni Papa kanina ang nangyari kahapon." Saka ako
biglang kinonyatan sa ulo.
"Aray naman, Kuya!" Hinamas-himas ko ang ulo ko. Masakit 'yon ha.
"Sira ka. May delikado ka palang misyon eh hindi mo man lang sinabi sa akin.
Nakipaghabulan ka kay kamatayan samantalang prente akong natutulog sa Dorm. Ano ba
ang tingin mo sa akin, ha? Napakawalang kwenta ko namang kapatid." May pagtatampo
sa tono ni Kuya.
"Kuya, sorry na. Ayaw lang kitang madamay sa gulo eh. Saka ayoko ring may
mangyaring hindi maganda sa'yo. Saka takot ka sa multo, 'di ba? Lakad din 'yon ng
mga may third-eye."
"Kahit na. Dapat nagsabi ka sa akin. Sa uulitin huwag ka nang maglilihim sa akin
ha." Saka ako niyakap ulit ni Kuya. Asus, overprotective talaga ng Kuya ko
pagdating sa akin. "Halika na, kumain ka na muna. Pinatatawag ka rin ni Papa."
"Sandali, Kuya, mag-aayos lang ako. Susunod na 'ko." Itinulak ko na palabas si Kuya
para makapag-ayos na 'ko. Buti may ilang piraso ng damit pambabae dito kaya
nakaligo ako at nakapagpalit ng damit. Naghilamos ako't nagsepilyo bago lumabas ng
kwarto.
Bumungad sa akin ang same set of people mula ng natulog ako. Mukhang nakatulog
naman sila at nakaligo rin. May buffet set sa corner ng room, saka portable table
and chairs na nakalatag. "Kumain na tayo. Narito na ang dalaga ko." Ako lang pala
ang hinihintay nila para makakain sila. Nakakahiya, ang sarap ng tulog ko eh.
Tumayo na si Papa pati ang iba saka nagsimulang magsandok ng pagkain sa buffet.
Mukhang gutom na gutom ang mga 'to. Nakisali na rin ako dahil sobrang gutom din
ako. 'Di nga pala ako naghapunan kagabi. Ilang sandali kaming galit-galit muna
hanggang sa matapos kumain.
"Makikilala mo na Arlene, pati ikaw Drei, kung ano ang UPG." Tumayo si Papa at
binuksan ang projector. "Ang UPG ay binuksan upang makatulong sa mga biktima na
hindi makamit ang hustisya. Maraming unsolved cases dahil hindi nahuhuli ang mga
salarin, o hindi matagpuan ang katawan ng biktima. Hindi ito legal sa public, pero
suportado tayo ng internal government at ng mga ilang individual sa high society na
natulungan na namin at naniniwala sa kakayahan ng UPG. We have the best technology
and facility. Yung eyeglasses na ginamit nyo na may CCTV ay protective glasses din
para hindi ka mahilam ng tear gas, at nakalapat 'yon sa mukha ng magsusuot. Even
the mask has also the lates technology kaya hindi kayo napaano sa tear gas."
"Papa, may hindi ako sinasabi sa'yo. Napanaginipan ko ang isang eksena doon sa
lihim na silid, noon pa, no'ng narinig ko kayo ni mama na nagtatalo." Tumingin ako
kay Rod. "Baby, este, Rod, pwedeng patingin ng pictures ng missing person,
titingnan ko kung nariyan ang mukha no'ng nakita ko sa panaginip ko."
Inabot sa akin ni Rod ang iPad niya, inisa-isa ko ang mga picture. Nararamdaman ko
na naman ang pagsuko sana nang makita ko ang isang picture, 2010. Mildred Alfaro.
"Siya. Siya ang nakita ko sa panaginip ko."
Chapter 27
"I think I slighty understand active dreaming, pero ano ang connect po no'n sa
napanaginipan kong biktima na 'to?" Sabay turo sa picture na nasa screen ng iPad.
Tumayo si Papa at pinindot ang remote ng projector. May lumabas na parang research
at mga pictures ng kung an-ano para sa visual interpretation ng research. "These
are what can you see when you are an active dreamer. One, Spirits. You can
communicate with them during dream time, they can visit you. Two, Metaphors. They
can give you symbols while dreaming so you'll have a better idea of the messages
being conveyed to you through your dream time. Three, Events. You can dream the
past, the present and the future events. Precognition ang tawag sa mga may ability
to see the future."
Napanganga ako. Ako ba ang lahat ng 'yan? Hindi ako makapaniwala. "Does that mean,
possible that I am all of those?"
"Most likely, yes." Matipid pero tiyak ang sagot ni Papa sa akin.
Hindi ko pa nararanasang makita ang future pero ang past ay nagawa ko na once.
Sadya ba 'yon? Sino ang nagpahatid sa akin ng panaginip na 'yon? Isa sa mga
victims?
"We will try to discover more about your abilities. Kailangan mo nang bumalik sa
school bukas para hindi ka mapaghinalaan, but you need to go back here on Saturday.
Everyone will work on your abilities." Lumingon si Papa kay Rod. "May resulta na ba
ang tests about the remains of the red stones you got from the site?" Tumingin
naman si Papa sa dalawang ghosts na nakiupo sa dulo. Sinundan ko ng tingin ang
dalawa. Kumaway pa ang mga 'to sa akin habang nakangiti. Ang kukulit nila.
Tumango si Rod. "Yes, sir. It's a Red Tourmaline. It's a shamanic stone, providing
protection during ritual work. It can be used for scrying, and was traditionally
used to point out a cause of trouble or an offender, and to indicate a good
direction in which to move. So pinalibutan ng apat na binasbasang Red Tourmaline
ang dalawang inspector para hindi sila makaalis do'n, para protektahan laban sa
dalawang ghosts ang lahat na nasa labas ng apat na Red Tourmaline."
Tumango-tango si Papa. "So, mukhang may alam din sa paranormal ang grupo ng kulto
na 'to."
"Papa, may isang Trinidad na may ability rin, si Jeremy, ang anak ng bagong may-ari
ng school. I was talking to Monique nang dumating siya. Nagtago ako, then
kinakausap niya si Monique. Although nakakakita lang siya pero hindi siya
nakakarinig ng spirits."
"What? Nambibiktima sila pati sa ibang school?" Maang kong sabi. They are too much!
"We are still coordinating with the group assigned do'n sa school ng biktima.
Apparently, sa kabilang probinsya pa 'yon. We will know kung ano ang connection ng
mga Trinidad sa school na 'yon. Narito na ang mga magulang niya. One week na raw
nawawala ang anak nila. Pinakiusapan naming ilihim muna ang pagkakasagip sa anak
nila. Her parents want to catch the culprit and pay for what they did to her. Ang
malas nila dahil anak ng gobernador ang dinale nila. They won't stop until this
will be resolved." Pinatay na ni Papa ang projector, saka lumakad patungong pinto.
"Halika, bibisitahin natin ang paranormal sessions para may idea ka. Sumama kayong
lahat."
Tumayo na kami at sumunod kay Papa. Nilakad namin patungong elevator, mukhang sa
ibang floor ang pupuntahan namin. Ilang saglit pa ay bumukas ang elevator, naunang
sumakay si Papa saka ako sumunod. Sumakay na rin ang iba pati ang dalawang multo.
Umakyat ang elevator ng isang level lang.
Lumapit si Papa at binuksan ang isa sa mga drawer. "Ang mga narito ay ang mga
ginagamit para sa paranormal activities. Narito ang iba't ibang kultura sa iba't
ibang bansa kung paano nila itaboy ang spirits, paano sila tulungan, paano sila
makausap at kung ano-ano pa. Narito rin ang mga gemstones, incense, witch craft
materials at marami pang iba." Dinukot ni Papa ang glossy paper na nakikita ko sa
Chinese temple. "I'm sure kilala mo 'to, hija. This is Joss Paper. Ito yung paper
money ng Chinese tradition na sinusunog nila sa templo as offerings."
"Yes, baby. I hope you understand. Hindi lahat ng nilalang ay binigyan ng kakayahan
para makatulong sa mga kaluluwang nangangailangan at naghahanap ng hustisya, o
maibsan ang grudge nila. I am one of the few, at hindi ko ipagdadamot sa kanila ang
bagay na 'yon. I'm sorry kung lagi akong wala, pero bahagi na ng pagkatao ko ang
pagkakaroon ng ability."
Napatawa ng malakas si Papa. "Anak, secretary ko siya. I saved her no'ng may
nagtangkang mang-rape sa kanya. I saw it in my active dream, precognition. May
ability rin siya, tulad ni Rod. She can see but she can't hear. Mula noon, she
became my secretary. Wala siya ngayon dahil nasa misyon din siya."
Ginulo ni Papa ang buhok ko. "Kanino ka pa ba magmamana? Halika na." Inakay na ako
ni Papa palabas ng silid. Naghihintay naman sa labas ang mga kasama namin. Si Kuya
ay naroon din. Hindi siya pumasok. Hindi ko nga alam kung wala talagang ability 'to
o nagpapanggap lang eh. Takot kasi sa multo si Kuya.
We walked and headed to the corner room of the hallway. Kusang bumukas ang sliding
glass door na malabo. Tumambad sa akin ang isang napakaluwang na hall, at divided
din ng glass panel ang smaller rooms. Tinungo namin ang unang pinto. Binuksan ni
Papa ang glass door saka kami pumasok. Pumasok na rin si Kuya this time.
May dalawampung tao yata sa loob, mukhang typical classroom pero I'm sure hindi
typical ang topic nila dito. Bumati ang instructor na nasa harap pati ang mga
trainees niya.
Napaisip ako. "Paano n'yo sila nasasala, dad?" Itinanong ko na rin ang nasa isip
ko.
"Clairvoyance." Tipid na sagot ni Papa. Oo nga pala. Ability to see the past and
future. "At hypnosis."
"Ito ang testing area para malaman kung Clairvoyant o iba pang ability ang isang
trainee, at sa simula pa lang ay kailangan ng ma-determine ang level ng isang may
ability." Paliwanag ulit ni Papa.
"I see." I find it weird habang tinitingan ang paligid. Parang normal na lang sa
akin ngayon na pag-usapan ang tungkol sa paranormal stuff at ability, pero it makes
me feel like-- home. Ganito siguro ang nararamdaman ni Papa kaya hindi niya maiwan
ang mundong 'to. Now I understand him completely.
Ilang silid pa ang pinuntahan namin bago nagtungo sa office ni Papa. "Ipahahatid ko
kayo mamayang madaling araw para maaga pa lang ay nasa school na kayo. Arlene,
huwag kang kakabahan. Act normal. Malamang na pagdudahan ka nila dahil wala ka sa
Dorm. Wala nga pala daw kayong klase today dahil ilang Professor n'yo ang kasama sa
isinugod sa hospital, meaning, huwag kang magtitiwala sa kahit kanino sa school na
'yon, maliwanag?"
Tumango ako. "Opo, hindi ako magtitiwala, lalo na at nakita ko sina Diego at Gio na
myembro pala sila ng kultong 'yon. Papa, may nakuha kayong information kung sino-
sino ang sinugod sa hospital?"
"Inaalam pa ng source namin. Iaabot ko kay Rod ang listahan once I already have
them. Positive na members nila ng cult."
"Huwag mo munang kakausapin si Monique tungkol dito, anak. Hindi natin alam kung
sino ang kalaban. Baka may iba pang nakakausap si Monique do'n at makwento niya ang
nalalaman natin. Mahirap na."
"Sure, 'Pa. Wala man akong ability, kaya ko namang protektahan ang kapatid ko
physically
at mentally. Mas mautak ako sa mga taong naroon." Ngumisi si Kuya.
In fairness talaga, Kuya has the same IQ level as Papa. Kaya nga hindi ako
naniniwalang hindi nakakakita 'tong si Kuya eh. Between the two of us, mas malamang
na namana niya ang ability ni Papa kaysa sa akin. Naningkit ang mga mata ko habang
nakatingin kay Kuya Drei. Iimbestigahan ko rin 'tong si Kuya. "Mataas man ang IQ mo
sa akin, mas mautak naman ako."
Chapter 28
Hinatid kami ng driver ni Papa Mula Manila hanggang Doña Trinidad. I and Kuya
arrived in school around 6am, bitbit ang mga pasalubong kina Daisy at Emma. Sakto
lang kami sa pagbukas ng gate. Inaantok pa 'ko. Imagine, we woke up 1am para mag-
prepare, then 4 hours drive. Mas gusto kong matulog sa Dorm kaysa pumasok. Ang
kaso, may mission pa ako.
Pumasok kami ng campus, saktong binubuksan na rin ang gate ng Annex Building na
mukhang rehas sa kulungan. Wala man lang design para magmukhang disente at kaaya-
aya para sa private school.
Tumingin sa amin ang male guard na parang nanunuri. "Saan kayo galing?"
"Sa Manila po." Tipid na sagot ni Kuya, saka hinawakan ako sa kamay at inakay
papasok ng Annex. Wala pang ibang tao.
Lumabas kami sa likod ng Annex at dumiretso sa dorm. Tiningnan din kami ng kakaiba
ng isa sa mga guards sa baba ng mga hagdan paakyat ng Dorm, iyong lalaking guard
nila Kuya. "O, maraming nangyari sa school, saan kayo nanggaling?"
Pa-inosente akong nagtanong pabalik. "Ang weird naman po, kasi 'yan din ang tanong
sa amin ng guard sa Annex. Ano po ba ang meron kung saan kami nanggaling? Parang
lahat may pakialam kung saan kami nanggaling."
"Simple lang naman ang tanong ko, bakit hindi mo masagot?" Maangas na tanong ng
lalaking guard.
"Sa Manila po, sa Papa namin. Ano naman po ang pakialam n'yo kung saan kami
nagpunta? Simple lang din po ang tanong ko, bakit hindi n'yo po masagot?"
Nakakabanas eh. Wala na ngang pakialam 'tong guard na 'to sa buhay namin, maangas
pa.
Humarang si Kuya at pinigilan ang kamao ng guard. Mas matangkad si Kuya at mas
malaki ang kaha kaya natakot ang guard sa kanya. "Ikaw 'yong bastos eh! Ano ba ang
trabaho mo dito at sino ka ba para makialam sa personal life ng students dito?
Subukan mo lang kantiin kahit ang buhok ng kapatid ko, manghihiram ka ng mukha sa
aso."
Umawat ang lady guard namin. "Baldo, tigilan mo nga 'yang dalawang bata. 'Di ka
naman inaano eh. Ikaw 'tong maangas d'yan. Ano nga ba ang pakialam mo? Saka babae
'yan, pinapatulan mo? Mananakit ka? Nakakahiya ka. Ako ang subukan mo." Nakaakmang
dudukot ng batuta si Ate Guard.
Tiningnan lang kami ng maangas ng lalaking guard saka bumalik sa table niya.
"Salamat po Ate. Pasensya na po, pagod lang kami. Namiss kasi kami ni Papa eh.
Aalis din kasi siya ulit kaya pinuntahan namin para makasama muna."
Mukhang sincere namang ngumiti si Ate Guard. "Sige na, umakyat ka na sa room mo.
Malapit nang magsimula ang klase." Tumango na lang ako at tipid na ngumiti.
"Hihintayin na lang kita rito sa baba, Arlene. Mahirap na." Saka tiningnan ni Kuya
ng makahulugan ang guard.
Umakyat ako at pumasok sa dorm. Gising na ang dalawa, himala ang aga. "Ladies,
pasalubong ko."
"Arlene! Good morning!" Hyper na salubong ni Daisy sa akin. Tumayo naman si Emma
para abutin ang pasalubong ko.
Sumalampak ng upo si Daisy sa sofa, bitbit ang pinggan na may malaking hiwa ng
kakanin. "Arlene, kahapon, ginisa nila ako sa Dean's office para alamin kung saan
ako galing."
Kumunot ang noo ko. Patay-malisya. "Bakit naman? Ano naman ang big deal kung saan
tayo galing?"
Sumubo muna 'to ng sapin-sapin bago nagsalita. "Ewan ko sa kanila. Kaya pinatawagan
ko kay Mama para i-confirm na galing ako sa bahay."
"Ang weird nila. Pati yung guard sa Annex at male guard nila kuya nagtanong din sa
amin ni kuya e. Muntik pa nga ako saktan. Buti umawat si Ate Guard natin at ang
Kuya ko."
"What?! Grabe naman 'yon, kalalaking tao mananakit ng babaeng student, saka
pakialam ba niya kung saan kayo nagpunta?" Umiling-iling si Emma. "May mali talaga
sa school na 'to eh. Hindi ko ma-pinpoint kung ano."
"Sige, ubusin muna namin 'to! Hahaha!" Sigaw ni Daisy. Ang lalakas kumain. Ang laki
ng bilao na pasalubong ko eh, may isang balot pa ng puto at kutsintang bilog.
"Wow! Salamat, hija. Ang tagal ko nang hindi nakakakain nito. Mayro'n pa pala nito.
The best ang kakanin nila eh." Dalawang kamay na tinanggap ng matanda ang kakanin.
"Kaya rin kami lumuwas eh, na-miss po namin ang mga pagkain doon, bukod kay Papa
syempre." Nagpanggap akong lumungkot ang mukha ko.
"Kasi talagang hibang na po si Papa dun sa babaeng kolehiyalang ipinalit niya kay
Mama. Do'n na po talaga nakatira sa condo ni Papa." Ang galing kong artista. Saan
nanggaling 'tong luha ko? Hahaha! Di rin maipinta ang mukha ni Kuya.
"Hija, gano'n talaga. Minsan may mga mag-asawang hindi nagkakasundo kaya kailangang
maghiwalay, tapos nakakahanap sila ng bagong partner. Tulad ko, yung lalaking
pinakaiibig ko, nagkagusto sa iba. Kaya heto ako tagasilbi dito, samantalang siya
nasa taas. Pero hindi ako nalulungkot. Masaya ako kung nasaan ako kasi marami akong
anak-anakan dito na nakakausap. Maswerte rin ako at hindi siya ang nakatuluyan ko."
Malungkot na nakangiti ang matanda. May hugot ah. Sino kaya yung lalaking
pinakaiibig niya?
Nagbubulungan kami ni Kuya habang patungo sa Annex nang makasalubong namin si Dean
Herminia, kasunod si Sir Tony. "Kids, we need to talk. Follow me." Striktang utos
sa amin nito. Tumalikod ito at naunang naglakad patungong Dean's Office. Sumunod
naman kami pero muntik ko nang hablutin ang buhok niyang naka-bun style, pinigilan
ko lang ang sarili ko. Sumunod din sa amin si Sir Tony, nasa likuran namin siya.
Pumasok kami sa maluwang na office, ma may long leather sofa seat sa magkabilang
gilid, single sofa na paharap sa pinto, at glass center table. Sa likod ng single
sofa ay ang table ng Dean at swivel chair. May dalawang upuan din sa harap ng table
nito para sa bisita. Sa single sofa naupo si Dean. "Maupo kayo." Muwestra nito sa
kaliwang sofa, kaya dun kami naupo. Sa kanan naman si Sir Tony.
"Arlene Grace and Drei George Valdez, right? I'll go straight to the point. Where
have you been? Arlene was out since the other day, and Drei wasn't here since
yesterday." Nanunuri ang tingin sa amin ni Dean Herminia. Mukhang okay na naman
siya at hindi nakalanghap ng tear gas.
"I went to my dad's condo ni Manila, I found out na aalis na naman sila ng kabit
niya eh. I just wanted to see him po. My Kuya followed yesterday nung malaman
niyang naroon ako. Nagtampo pa nga sa akin kasi 'di ko siya isinama." Palusot ko. I
made it sound so sincere na parang naiiyak. May luha na naman sa gilid ng mata ko.
Wow, dramatic actress, Arelene! Pat on the back!
"Try ko po kung naka-roaming siya. They went to Shanghai na po eh." Totoo naman,
kanina rin ang flight nila. Kukuha daw ulit si Papa ng mga magagamit for paranormal
activities, pero ang kasama niya ay si Mrs. Foster na assistant niya, hindi ang
secretary niya na nasa mission. I wonder kung saan naka-assign 'yon. Tinawagan ko
si Papa, ilang saglit pa ay sinagot na niya ang tawag ko.
"Hello, Papa. Nasa Dean's office kami ni Kuya. The Dean wants to talk to you."
Hinintay ko ang sagot ni Papa. "Papa, choppy ka po saka delayed ang boses n'yo.
Hanap ka po ng magandang spot. Grabe naman ang signal sa Shanghai." Hinintay ko
ulit ang response ni Papa. Oo daw. Iniabot ko ang phone kay Dean.
"Hello, Mr. Valdez. This is Dean Herminia. I just want to clarify if you were with
your kids for the last 2 days?" Naghintay ng sagot si Dean. Kumunot ang noo. "Mr.
Valdez, I'm sorry the line is really bad, can you look for a better spot?"
Naghintay ulit si Dean. "I see. Sorry for the trouble." Iniabot sa akin ni Dean ang
phone.
"Hello, Papa. Ingat ka po d'yan." Naghintay ako saglit. "Opo, Papa, ikaw lang po
ang mag-ingat. Wala akong pake sa kabit mo. Bye." Ini-off ko na ang phone.
Natawa na this time si Dean. Mukhang convinced sa acting ko. Nakikinig lang si Kuya
sa akin with the usual bored, poker face look niya, pero sa tingin ng kaharap namin
siguro ay mukhang ganun siya dahil may kabit si Papa. Si Sir Tony ay nakamasid din
sa amin.
"Okay na 'yon hija, mukhang may kasama nga siyang babae. Tinawag niyang honey ...
I'm sorry kids. I know it must be difficult for you." Tonong nakikisimpatya naman
siya, pero ako, gusto kong humalakhak. Nagpigil lang talaga akong tumawa. "Sige na.
Pumasok na kayo sa klase n'yo."
"Sinipa ako sa likod ng magnanakaw eh. Ang lakas." Habang hinihilot nito ang bahagi
ng balakang na sinipa ko ng dalawang beses. Gusto kong humagalpak na naman ng tawa
pero pinigilan ko. Bagay lang sa kanya 'yan.
"Dito sa Annex. May kalampag kasi akong narinig kaya nakiusyoso ako. Natyempuhan
ako ng magnanakaw. Ayun, sinipa ako sa likod. Ang sakit!" Daing nito.
Chapter 29
Break time, nakaupo ulit ako sa favorite spot ko sa garden, naka-indian sit sa
damuhan at nakatingin sa Old Building. Pasimpleng kumaway ulit ako kay Monique mula
sa malayo, gumanti naman siya ng kaway. Naka-lock pa rin ang main door at exit door
ng building.
Nilinga-linga ko ang kabuuan ng school. "Nasaan kaya ang red tourmaline dito? May
way kaya para mahanap ko' yon ng mabilis?"
"Arlene."
Nilingon ko ang tumawag sa akin. Si Gio. "Ang walanghiya. Kasabwat din ng kulto.
Malaman ko lang na ikaw din ang pumatay kay Monique, yari ka sa akin." Bulong ko sa
sarili ko.
Umupo siya sa tabi ko, pero may konting distansya. "Kamusta? Wala ka yata sa school
no'ng may nangyaring nakawan dito."
Kailangan kong magpakabait sa harap nito. Iimbestigahan ko ang lalakeng 'to. "Ah.
Oo nga, tinanong din ako ni Dean kanina. Pinuntahan ko kasi si Papa sa Manila para
maka-bonding kahit saglit. Umalis na naman sila kanina ng kabit niya, nagliwaliw sa
China." Bumuntong hininga ako at umarteng malungkot. Sana effective.
"I'm sorry to hear that ... hindi naman sa pinagbibintangan kita. Kailangan lang
kasi matiyak kung sino yung magnanakaw na 'yon. Naghagis pa ng tear gas sa amin."
"Teka, sabi ni Diego, sa Annex daw nangyari yung nakawan, eh past 6pm na daw 'yon
nangyari so bakit kayo nasa Annex? 'Di ba bawal na do'n?" Pa-inosenteng curious na
tanong ko.
Parang namutla na nataranta ang loko. "Ha? Ah, eh, narinig ko kasi iyong kaguluhan
kaya ako sumugod para tumulong kaso na-tear gas kami."
"Isa ka pang sinungaling." Ito ang sinisigaw ng utak ko ngayon, pero hindi ko
mailabas. Kailangan kong magpigil. "I see ... eh teka, may CCTV, hindi ba? Hindi
n'yo ba na-capure ang mukha ng magnanakaw?"
Umiling 'to. "Sira ang CCTV that time eh. Kanina lang nila naiayos ulit. Nalagyan
ng daw virus ang security system."
"Buti naman." Bulong ko ulit. Magpapalamig muna ako ng ilang araw tapos ay babalik
ulit ako sa tunnel. May kailangan akong alamin.
Lalong kumunot ang noo ko. All of a sudden makikipagkaibigan 'to? Naghihinala ba sa
akin 'to? Sasakyan ko ang trip mo. "Oo naman. Wala namang kaso 'yon. All of us can
be friends naman."
Ngumiti ito ng matamis sa akin. "Salamat." Nag-isip muna 'to bago nagtanong ulit.
"Pwede mo ba akong samahan sa puntod ni Monique mamaya?"
"Sure, sige." Gusto ko ring malaman kung saan siya nakalibing. Biglang nag-ring ang
phone ko. Si Rod. "Excuse me lang ha." Paalam ko kay Gio. Tumayo ako at lumayo ng
konti sa kanya.
"Hello."
"Lalapitan sana kita pero kausap mo siya." Parang nagtatampong ewan ang tono.
"Let's meet outside, in your car." Mahirap magsalita dito dahil baka marinig ako ni
Gio. In-off ko ang phone ko at bumalik kay Gio para magpaalam. "I have to go."
Binitbit ko na ang gamit ko saka lumakad palabas ng school. Siniguro kong walang
nakasunod sa akin bago ko tinungo ang kotse ni Rod. Pumasok ako sa kotse niya. "Hi
baby." Bumeso ako sa kanya.
"Tsk. Tingin mo ba magkakagusto ako do'n? Huwag ka ng magselos, 'no! He's asking me
nga pala na samahan ko siya sa puntod ni Monique mamaya. Sundan mo kami. 'Di ako
komportable na siya lang ang kasama ko."
"Selos ka pa?" Malambing kong tanong. Nakasimangot pa rin eh. Napangiti ako ng
pilya. Hinawakan ko ang magkabilang pisngi niya saka iniharap sa akin. Inilapit ko
ang mukha ko saka hinalikan siya ng mabilis sa lips. Lumuwang ang ngiti ng loko.
"Bitin." Hinawakan niya ang batok ko saka ako hinalikan ng madiin at medyo matagal.
Ibinuka ko ang bibig ko para gumanti ng halik. Ilang segundo rin bago kami
humiwalay sa isa't isa. "That's better."
"Heh!" Nag-iinit ang pisngi ko. Ang bango naman kasi ng hininga niya kaya
nakakaadik halikan.
"Oo nga pala. We are tracing the location of Diana. Tingin namin someone knows
where she is. Hindi naman siya makakakilos ng walang tulong ng iba habang
nagtatago. She's out for a revenge sa kulto na 'yon."
"May isa pa pala akong gustong alamin ... pakialamin n'yo nga ang background ni
Manang Huling. She's been around since this school started. Kung may isa mang tao
ang nakakaalam ng mga nangyayari dito, siya 'yon."
"Paano, pasok muna ako. Mamaya na lang. 3pm ang out namin." Humalik ako ulit sa
lips ng mabilis bago lumabas ng kotse niya. Nagtungo na ako sa Annex para sa next
class ko.
Pasimple kong nilingon ang hidden wall, pati ang palibot ng Annex. "Nasaan kaya ang
mga red tourmaline dito?" Gusto kong palayain ang mga multo na narito, ang kaso
hindi ko alam kung saan nila 'yon nilagay. Imposibleng ilagay nila 'yon sa exposed
na lugar.
"Arlene."
Wow, masyado akong famous. Nilingon ko ang tumawag sa akin. Si Jeremy. "Yes?" Ano
naman ang kailangan ng taong 'to? Magyayabang na naman sa akin?
"Hi. Gusto ko sanang mag-sorry about last time. I was rude to you. I hope you could
forgive me."
Wow ha. Himala bumait 'to, pero ramdam ko ang kaplastikan niya. I heard him when he
was talking to Monique. Iyon ang tunay niyang anyo. Sasakyan din kita. Malamang
naghihinala rin 'to sa akin eh. "Kalimutan mo na 'yon." Pormal kong sagot.
"Si Gio."
Dumilim ang mukha niya. "Layuan mo 'yon. Mapapahamak ka lang sa lalaking 'yon.
Believe me." Saka ito tumalikod at lumakad patungong hagdan pababa.
Nagsisiraan din pala ang magkakakulto? I just shrugged my shoulders and went
straight to our classroom.
Natapos ang lahat ng klase buong araw na hindi ako nakinig sa lecture ng mga Prof
namin. Kung saan-saan napupunta ang isip ko. Kay Monique, sa mga multo rito, sa red
tourmaline, sa tunnel, kay Manang Huling, kay Diana, sa kulto, kay Jeremy, kay Gio
at kung ano-ano pa. Hindi talaga ako makakapag-aral ng matino sa school na 'to.
Sana matapos ko na agad ang misteryo dito para bumalik na sa normal ang college
life ko. I still want to have a normal college life. Nag-aaral, hanging out with
friends, nakikipag-date kay Rod. Hindi iyong nag-aalangan ako sa bawat kilos ko
dahil sa takot na mabuking ng mga kultong narito sa school.
"Sige, tara." Nilingon ko sina Emma at Daisy. "Mauuna na muna ako ha."
"Saan ka pupunta?" Tiningnan ako ni Emma saka tumingin kay Gio, halatang sumimangot
ito ng konti saka bumalik ng tingin sa akin.
"Diyan lang."
Tumingin ulit 'to kay Gio saka bumalik ng tingin sa akin. "Sige. Mag-iingat ka.
Umuwi ka agad." Saka ito naunang lumabas ng classroom.
"Let's go." Aya ko kay Gio. We walked towards the car park. Pinagbuksan niya ako ng
pinto ng passenger seat bago ito sumakay sa driver's seat.
Mahaba din ang binyahe namin bago kami nakarating sa Eternal Park. Nasa kabilang
bahagi rin ng bayan ng Doña Trinidad ang sementeryo. Bumili muna si Gio ng fresh
boquet of flowers sa botique na nasa bungad ng cemetery bago kami pumasok sa loob.
Tinungo namin ang musuleo na kulay baby pink ang marble tiles. Maganda at fresh
tingnan, mukha ring regular na nililinisan. Pati ang bakal na gate nito ay pink ang
pintura. Favorite color siguro ni Monique, pareho kami.
Bukas ang gate at may fresh basket of flowers pa sa loob. May ibang bisita siguro
kanina dito. Inilapag ni Gio ang bulaklak sa ibabaw ng puntod ni Monique. Tumayo
kami sa harap ng puntod niya at tahimik na nag-alay ng panalangin. I really prayed
for her, na sana ay mapalaya ko ang kaluluwa niya sa Old Building, at mabigyan ng
hustisya ang pagkamatay niya at ng baby niya. That guy, whoever he is, is
heartless. He deserves a punishment for eternity.
"Alam mo ba, napakabait ni Monique. Tahimik, palakaibigan. Matalino rin. Kaya nga
maraming nanliligaw sa kanya noon, at maswerte ako dahil ako ang minahal niya."
Panimula nito. Hindi ako kumibo. "Pero kailangan ko na ring mag-move on. Hindi
pwedeng nakatali ako sa nakaraan. Somehow, someday, makikita rin nila ang pumatay
sa kanya. Ipagdarasal ko 'yon, pero magsisimula na akong magmove on ngayon. Kaya
ako narito, para magpaalam sa kanya."
May point din naman siya. 3 years na rin ang nakalipas mula ng mapatay si Monique.
Kailangan din niyang mag-move on. Unless siya ang pumatay kay Monique, eh hindi
siya dapat makunsensya kung magmomove on man siya.
"Pero hindi pa rin ako tumitigil sa pagiimbestiga kung sino ang pumatay sa kanya.
Kailangan niyang magbayad sa krimen niya. Malalaman ko rin kung sino 'yon." Naka-
kuyumos ang mga kamay niya.
Kumunot ang noo kong napatingin sa kanya. "Paano mo naman maiimbestigahan ang
nangyari noon? Kung ang mga pulis nga walang magawa eh."
"Basta. I am one step closer to the truth." Saka ito tumahimik ulit.
I wonder what he thinks. Iniisip ba niyang kasamahan niya sa kulto ang pumatay kay
Monique?
Chapter 30
Naalala ko na may usapan kami ni Kuya Drei na may imi-meet kami sa labas. "Sandali
lang ha." Paalam ko kay Gio. Tumango lang ito saka bumalik ng tingin sa puntod ni
Monique. Lumabas ako mg musuleo.
Tinawagan ko si Kuya to tell him kung nasaan ako. Magkasama daw sila ni Rod na
nakasunod sa amin. Susunduin daw niya ako maya-maya pero maiiwan daw si Rod sa
kotse.
Bumalik ako sa musuleo para magpaalam kay Gio. "Gio, I'm sorry may usapan pala kami
ni Kuya Drei. He'll pick me up here."
Ngumiti ito. "Okay lang, naiintindihan ko. Salamat at sumama ka sa akin dito."
Tinapik ko ang braso ni Gio. "Wala 'yon. We're friends na, hindi ba?"
"Kuya? Bakit ang bilis mo namang makarating?" Nagpanggap akong nagulat kunwari.
"I was on my way to the Villa when you called. Along the way lang pala 'to. Sa
Villa ako magoovernight. Mom's suddenly not feeling well after she found out that
dad's out with his mistress." Ang galing umakting ni kuya, convincing. Poker face
na parang bored na ewan, his normal face. Gusto kong matawa pero pinigilan ko, baka
masapak ako ni Kuya ng wala sa oras.
"Sama ako, Kuya. Worried ako kay Mama." Konting drama. Lumingon ako kay Gio. "I
have to go."
"Salamat." Saka ako sumunod sa nauunang maglakad sa Kuya ko. Kailan pa sila naging
close ni Rod para magsama ngayon sa pagsunod sa akin?
"Naroon sa likod, dala nila Mike at Peter. Kasama ang dalawang ghost detectives."
Nasa back seat sila ng kotse ni Papa. "Mahirap na, Inspector si Rod. Kapag may
naghinala sa'yo at nakitang may kasama kang detective, yari ka." Sumakay kaming
dalawa sa kotse. Sa harap ako, sa likod si Kuya.
"Halika na. We are meeting my friend." Aya ni Kuya, saka pinaharurot ni Rod ang
kotse.
"Tinawagan ako ni Rod, susundan daw kayo. Sumama ka daw sa myembro ng kulto." Sagot
ni Kuya.
"Nag-shift kasi ako from Political Science to Criminology. We're classmates for 1
year, dun sa mga major subjects namin sa Manila." Sagot ni Rod.
Now I get it. Kaya pala no question si Kuya about Rod nung makita niya 'to sa Villa
nung una pa lang.
"Stop doing things by yourself, Arlene. Ipapahamak mo ang sarili mo eh. Sabihan mo
naman ako kapag may plano ka." Galit ang tono ni Kuya.
"Tsk. Ang tigas ng ulo." Ito lang ang narinig ko kay Kuya. Napangiti ako.
Overprotective talaga.
"Sino nga pala ang imi-meet natin?" Curious kong tanong kay Kuya. Napalingon ako sa
side mirror at napakunot ng noo. May sumusunod sa amin, kotse ni Gio. "Rod.
Sinusundan tayo ni Gio."
Napatingin sa side mirror si Rod, napalingon din siKkuya sa likod. "Nakasunod nga
siya. Nagdududa siya sa'yo, Arlene. Kailangan mong mas maging maingat."
Tinawagan ni Rod ang nasa unahang sasakyan. "Kailangan nating maghiwalay. Didiretso
kami sa Villa. Padiretsohin n'yo na rin doon ang imi-meet namin. Sa likod ng Villa
kayo dumaan."
Ikinabig ni Rod ang sasakyan sa nag-iisang drive thru sa bayan namin. "Bumili muna
tayo Drei, bago tayo mag-U turn papunta sa Villa n'yo." Nagsuot si Rod ng black
face mask at cap habang nakadungaw si kuya Drei sa window at umoorder.
Bumili muna kami ng food, bago bumalik sa pinanggalingan namin. Nadaanan namin ang
sasakyan ni Gio na naka-park sa gilid di kalayuan sa drive thru ng fast food.
Napansin ko sa gilid ng mga mata ko na tiningnan niya kami. Inaaninag niya siguro
kung sino ang mga kasama ko. Sumunod ulit siya sa amin ng medyo nakalayo na kami.
Ngumisi si Rod. "Hayaan mo siya. Sumunod siya hanggang sa Villa n'yo. Wala siyang
makikita."
Napatawa si Mama. "Oo, ako na ang bahala doon. Teka maghahanda ako ng hapunan
natin." Tumingin si Mama kay Rod. "Dito ka na rin mag-overnight. May mga bakanteng
silid pa. If you need clothes, manghiram ka muna kay Drei."
"Salamat po, Mrs. Valdez." Magalang na tugon ni Rod. Ibinaba nito ang mask. Napaka-
swerte ko talaga sa boyfriend ko.
"Tita na lang. Nobyo ka na ng anak ko, hindi ba?" Bago ito tumalikod at naglakad
patungong kitchen para maghanda ng hapunan.
Namula ang mukha ko. Napatingin si kuya Drei, nagsalubong ang kilay. "Kailan pa?"
"Oo naman, Kuya. Ako pa. Mahal ko si Arlene." Paniniyak ni Rod. Ang haba ng hair
ko!
"Kuya ka d'yan, kilabutan ka nga! Matanda ka pa sa akin eh!" Pang-aasar ni Kuya kay
Rod
Maya-maya ay pumasok na rin sina Mike at Peter. "Nasa labas ang dalawang multo.
Hindi sila makapasok. May protection ba 'tong bahay n'yo?"
"Ay, meron eh. Pasensya na kamo. Pwede naman sila sa bakuran ng Villa. Mag-ikot-
ikot muna sila o kaya manmanan nila si Gio sa labas. Naroon pa rin yata siya."
Suggestion ko.
Si Mike ang sumagot. "Sinabi ko na kanina. Ayaw nila. May third-eye daw si Gio.
Makikita niya sila. Baka mabuking pa na nakalaya na sila."
Nagkatinginan kami ni Rod. "Kung may third-eye siya, at nakikita niya ang kaluluwa
ni Monique sa Old Building, bakit pa siya nagpasama sa'yo sa puntod niya?"
That puzzles me. Tapos ay nakasunod pa ngayon. Akala ba niya na low IQ ako at 'di
ko malalaman ang ginagawa niya?
"Wait." Tumalikod si Mike, saka lumabas. Maya-maya ay bumalik ito? May bitbit na
drone at laptop niya. Kinalikot saglit bago pinalipad. "If spirits can't
investigate, then drone can."
We were watching on his laptop while he's manipulating the drone. Umangat pa ng
kaunti ang drone at pinaikot sa 'di kalayuan para hindi mapansin ni Gio. Maya-maya
ay kita na namin ang sasakyan niya. Nakatayo si Gio sa gilid kotse at nakasandal
dito habang nakatingin sa Villa. Dumukot 'to ng kung ano sa bulsa. Yosi at lighter.
Nagsindi ito ng isa bago bumalik sa pagmamasid sa Villa.
"I think he'll stay until it's dark. Is he planning to break in?" Sumeryoso ang
mukha ni Rod. "We won't let him enter your house. Make sure all windows and doors
are closed."
"Don't worry, safe ang doors namin. We changed all the locks here, hindi basta-
basta mabubuksan." Paniniguro ko sa kanya. "Peter, kailangan ding mag-ingat ng
dalawang ghost detective. Pakisabihan na magtago na muna habang nariyan si Gio."
Rod called my dad and told him about what's happening. Magpapadala raw ng back-up
si Papa.
"Rod, why is he doing this? Duda na ba siya sa aming dalawa niKkuya? Alam na ba
niya na ang Papa namin ang pinuno ng UPG?"
"Imposible. Ibang pangalan ang gamit niya sa UPG kapag nagpapakilala sa client."
"Black Angel." Tipid na sagot ni Rod habang busy pa rin sa pagtitig sa monitor ng
laptop. Tumingin ako kay Mike.
"Smart Jack." Natawa ako sa code name niya. Sabagay, jack of all traits 'tong si
Mike. "Si Peter ay Peter Pan." Mas lalo akong napatawa sa code name ni Peter.
Madilim na pero naroon pa rin si Gio, and he's now on the phone. "May audio ba
'tong drone?" Tanong ko kay Mike.
"Mayro'n. Teka." Inadjust-adjust ni Mike ang remote, saka kinalikot ang monitor.
"We need to get closer."
Bumaba ng kaunti ang drone, itinago malapit sa puno sa gilid ng kotse ni Gio.
Naririnig ko na rin siya sa wakas.
"I'm right outside of their house." Huminto saglit si Gio bago nagsalita ulit.
"Nagdududa ako sa kanya. Ang lakas ng kutob ko. You know when my intuition kicks
in. That's my ability. Come over here, we will break in."
Chapter 31
Hindi ako mapakali. Hindi ko alam kung ano'ng oras sila susubok pumasok sa bahay. I
looked at the wall clock, 10pm na. We were still looking at the monitor, naroon pa
rin si Gio at naghihintay ng back-up niya. Ano ba ang kailangan niya at magbabalak
pa siyang pumasok sa bahay namin?
Hindi ko gaanong maaninag ang mukha niya dahil sa headlight ng mga sasakyan,
nagrereflect ito sa camera ng drone.
"N-nothing, Sir. Nasiraan ako along the way. I'm waiting for my friend to help me."
Tanggi ni Gio. Mukhang sanay talagang magsinungaling. May parating na isa pang
sasakyan, huminto ito sa gilid ng sasakyan ni Gio.
Bumaba ang isa na nasa driver's seat, 'di ko pa rin maaninag ang mukha. Hugis babae
ang katawan, may dalawang kasamang lalaking bumaba rin from the passenger's seat,
ang isa ay sa back seat. "Are you okay, Gio? Halika na. Ipa-tow na lang natin 'yang
kotse mo bukas."
Mukhang nag-aalangan si Gio na umalis, pero sumunod din siya sa nag-aya sa kanya.
Nagtungo ito sa back seat ng kotse, binuksan 'yon saka sumakay. Sumakay na rin ang
iba pang kasamahan niya. Nakahinga ako ng maluwag.
Kinabahan ako. Pati si Mama na katabi ko ay kabado. Hindi siya sanay sa ganito. We
know dad's work is dangerous pero first time na may dumayo sa bahay namin to
terrorize us.
We heard the cars stopped in front of the house and footsteps are approaching. Mike
went to the door to check our saviors. "Sir Rick?" Nagtatakang bati ni Mike.
"Papa? Anong ... akala ko ba nasa Shanghai ka?" Kahit ako ay nagtataka. Sino 'yong
nakausap ko?
"'Di ako lumabas ng bansa, ako rin 'yong nakausap mo, we just did some interference
sa signal para magmukhang nag-out of country ako." Paliwanag ni papa. "We sometimes
need to make white lies with our allies para magmukhang totoo sa kalaban, hindi
ba?"
Papa has a point. It'll be harder for me to lie if I knew they really didn't leave
the country.
"Papa, have you seen the face of the woman who picked him up?" Curious kong tanong.
Umiling si papa. "Hindi gaano, anak, masyadong maliwanag ang headlights ng mga
kotse naming kaya nakakasilaw. Why?"
"Sino kaya siya? I wonder who that girl is ... Mike, pwede bang i-adjust ang
nakuhanan mo sa drone? Baka maaninag natin ang mukha ng mga kasama niya."
"Papa, sino sila?" Tiningnan ko ang anim na mga kasama ni Papa na parang members ng
Men In Black. Ang isa naman na nag-approach kay Gio kanina ay personal driver ni
Papa, siya 'yong nagdrive sa amin ni Kuya from Manila to Doña Trinidad. Halos
kasing age lang namin ni Kuya ang ibang Men In Black members, at ang iba ay kasing
age ni Rod.
"They are like us. People with ability. They are here to proceed with the plan.
Hindi ka na mag-iimbestiga. Hindi kita hahayaang maiwan do'n ng mag-isa. You will
meet them all." Nilingon nito ang mga kasama. "Suit yourselves, magpahinga na kayo.
Bukas ay marami pa tayong aasikasuhin. Aakyat na ako at mahaba ang binyahe namin.
Matulog na rin kayo." Saka umakyat si papa kasama ni mama.
"Kuya, papasok silang student sa school? Dapat babae, kasi wala naman silang
pakialam sa lalake. Babae ang kailangang alay nila."
"Ewan ko kay papa ..." napatigil si Kuya sa pagsasalita nang may marinig pang isang
kotse na paparating. Sinilip ni Peter mula sa bintana ang bisita, saka tinungo ang
pinto para pagbuksan ito. Isang napakagandang babae ang dumating, kasing age ko,
matangkad, slim. Parang model from a magazine ang lumabas. Bumbayin ang features ng
mukha at may olive skin.
"Hi!" Bati nito sa amin ng nakangiti. Ang ganda niya at mukha siyang mabait. "Ako
si Milet." Tumingin siya isa-isa sa aming lahat. "You must be Dark Knight's
daughter? Nice meeting you!" Saka siya lumapit sa akin at umupo sa tabi ko sa
kaliwa. "I will be your bait to catch the big fish."
Napangiti ito, she has a perfect set of teeth. "Don't worry, I have 6 guards to eye
on me, habang sina Mike, Peter and Rod will guard you. Hindi nila tayo masasaktan.
Hindi natin dapat hayaan na magtagal ang kawalanghiyaan nila. Huwag natin hayaang
magmukha tayong mahina sa paningin nila. Inaapi nila ang mga kababaihan, puwes,
tayo ring mga babae ang huhuli sa kanila." May galit sa tono nito.
"Sabagay, may point ka." Tama siya do'n. Imagine, ilang babae na ang nabiktima nila
sa loob ng maraming taon, at madaragdagan pa ang bilang nila kung hindi namin sila
mapipigilan ngayon. Bigla kong naalala, "oo nga pala, I'm Arlene." Iniabot ko ang
palad ko for formal introduction, kinamayan naman ako ni Milet. "Siya naman si Kuya
Drei." Nilingon namin si Kuya na nakanganga. Nakakita na naman ng maganda kaya
nawala na sa focus.
"Hi Kuya Drei, nice meeting you." Iniabot din ni Milet ang kamay sa Kuya ko.
Nakipagkamay naman si Kuya. "Hello, nice meeting you, too. Don't worry, I'll guard
you as well."
Funny talaga ang itsura ni Kuya 'pag nakakakita ng magandang babae. "Kuya, may
kapatid kang babae, hello? 'Di pwedeng ako muna ang bantayan mo?" Iwinasiwas ko pa
sa mukha niya ang kamay ko pero deadma si Kuya. Tsk.
"Don't worry, baby, narito naman ako. I'll protect you." Pampakilig ni Rod sa akin
na nakaupo naman sa kanan ko.
"Mike, what happened?" Lumapit ako dito at tumabi sa kanya saka ko tiningnan ang
monitor. Kahit medyo malabo, kita pa rin ang mukha niya. Nagimbal ako sa nakita ko
sa screen. Hindi ako maaaring magkamali. Para akong binuhusan ng malamig na tubig
sa buong katawan. "Diana?!"
"What?" Napatayo rin si Rod at tiningnan ang monitor. "Si Diana nga!"
"Rod, kaya pa bang habulin sina Gio? Hindi siya kalaban!"Nagmamadali kong sabi.
"Sundan natin sila! Milet, maiwan ka na dito."Tumango naman siya. Nagmamadali
kaming lumabas ng bahay at sumakay ng kotse para habulin sina Gio. Kailangan namin
silang maabutan!
Chapter 32
Hinanap namin ang itim na sasakyang sumundo kay Gio. "Hindi 'yon lalayo. Naiwan ni
Gio ang sasakyan niya kaya magpapalipas lang 'yon ng oras sa tabi-tabi." Sigurado
ang tono ni Rod.
Hindi pa kami nakakalayo sa Villa nang matanaw namin ang naka-park na dalawang itim
na kotse sa di kalayuan, halos nakatago sa damuhan. Nakatayo sa palibot nito ang
mga sakay kanina. Nag-menor si Rod sa likod ng sasakyan nila. Sapat ang liwanag
mula sa mga poste ng ilaw para makita namin ang mga mukha nila ng maayos. Nauna
siya at si kuya na bumaba, kasunod sina Mike at Peter, bago ako. Kitang kita ko ang
gulat sa mukha ni Diana, pati ni Gio nang makita nila kami, lalo na ako.
Tiningnan ko lang siya, saka ko tiningnan si Diana, may hawig sila ni Daisy kaya
hindi maikakailang magkapatid sila. "Buhay ka pala, pero hindi ka nagpapakita sa
inyo, alam mo bang alalang-alala na ang pamilya mo sa'yo, lalo na ang Mama mo? At
bakit kayo nagtatangkang pasukin ang bahay namin?" Sermon ko dito. Hindi nakasagot
si Diana, halo-halo ang expression na nakikita ko sa mukha niya. Takot, pagkalito,
pag-aalala. Naka-bun-style ang buhok nito kaya napansin ko ang parang naghilom na
malaking laslas sa gilid ng leeg nito.
Nagtatanong ang mga mata kong napalingon sa kanya. "Ano? Bakit ko naman gagawin
'yon?"
"Myembro ka nila, hindi ba? Kasapi ka nila. Babae ka pa naman pero sumapi ka sa
karumal-dumal na gawain nila?" May pang-uusig na sabi ni Gio. "Kamag-anak mo ang
mga Trinidad, kaya nga kayo na ang nakatira sa Villa na 'yon."
"Gio, ikaw ang naroon sa kulto na 'yon, kasapi ka nila. Mukhang matagal ka na nga
eh." Napatawa ako ng mapakla. "Besides, kabibili lang namin ng Villa, ang dating
nakatira do'n ang kamag-anak ng asawa ng matandang Trinidad."
"Sumapi lang ako para mahuli ang pumatay kay Monique." Nagtiim-bagang si Gio sa
sobrang galit. "First initiation ko dapat last time pero thank God at naudlot dahil
may nagligtas do'n sa biktima nila. Kabado nga ako, dahil gusto nilang ipatikim sa
amin ang unang alay pagkatapos gamitin nung Dominus."
"A-ano kamo? Pinagpapasahan ng myembro ang mga biktima?" Napalingon ako kay Diana,
kumunot ang noo ko saka lumipat ang tingin ko sa dalawang lalake na kasama nila.
Kamukha ni Gio ang isa sa kanila. Bumalik ang tingin ko kay Diana.
"Nakaligtas ako. Iniligtas ako ng kuya ni Gio, si Gerald." May pumatak na luha sa
mga mata nito. "Ginamit ako sa unang pag-aalay, ginamit ako ng Dominus na 'yon ng
wala akong kamalay-malay." Hinawi nito ang ilang hibla buhok na lumadlad mula sa
pagkakapusod para ipakita ng ang leeg na may peklat. "Ito ang resulta ng kahayupan
nila."
Pinigil ni Rod ang pagkukwento ni Diana. "Sandali, hindi ligtas kung dito tayo
magkukwentuhan. Duon tayo sa Villa." Inakay ako ni Rod patungong sasakyan, at nag-
convoy kami pabalik sa Villa. Duon nila ipinagpatuloy ang pagkukwento sa mga
naganap. Wala ng tao sa sala, tulog na siguro sila. Bukas na namin sasabihin kina
Papa 'to.
Napatunganga ako sa narinig ko. Psychotic ang mga taong 'yon! Mag-aalay sa Dominus
na 'yon kapalit ng pera, gagamitin ang babae sa harap ng maraming tao, tapos
papatayin para ialay ang dugo sa bungo? May sayad talaga sila!
Ang kasama nila ang nagpatuloy sa pagkukwento na nagpakilalang si Harold. "Dahil
bago kaming dalawang magbarkada, Inutusan niya kaming kuhanin ang katawan ni Diana
at ilibing sa Tunnel. Inabutan ulit kami ng pera. Nag-aalangan man kami ay wala
kaming nagawa. Marami sila, baka mapahamak pa kami. Binuhat ko ang katawan ni
Diana, saka dinala sa itinuro nilang tunnel. Iniwan kami ng isang myembro nila sa
tunnel para ibaon si Diana. Naghuhukay na kami nang mapansin ni Gerald na humihinga
pa siya. Umungol siya, humihingi ng tulong. Nagkatinginan kaming magkaibigan, at
napagpasyahan naming iligtas siya. Binaybay namin ang kabilang dulo ng tunnel at
nakarating kami sa storage house. Sa gubat kami dumaan para makalayo sa school.
Mula noon ay hindi na rin kami pumasok."
Napasandal ako sa sofa dahil sa mga narinig ko. Hindi pa rin nagsi-sink-in sa akin
ang mga sinabi nila. Si Rod na ang nagpatuloy sa pagtatanong. "Sa Tunnel ba kamo
ibinabaon ang mga biktima nila?"
Tumango si Gerald. "Oo, may nahukay kaming kalansay do'n nuong gumagawa kami ng
hukay para kay Diana."
"Kami ang pumasok ng gabing 'yon. We saved the girl. Sa tunnel kami dumaan." Pag-
amin ni Rod. "Gio, pinagpapasahan ang babae pero mukhang hindi iyon ginawa kay
Diana? Tuwing kailan ginagawa ang pagpapasa ng babae sa myembro?"
"Kapag sa unang pag-aalay ay nalamang hindi na virgin ang biktima, pagpapasahan ito
ng Dominus at ng bagong myembrong lalake, saka susunugin ang isang bahagi ng
katawan bilang parusa sa pagiging maruming babae bago laslasin ang leeg. Iyon ang
orientation sa amin isang linggo bago ang takdang pag-aalay. Kapag naman virgin ang
nakuha nila, iyon na ang una at huling pag-aalay sa taon. Next year na ulit ang
susunod na pag-aalay."
"Wednesday at Friday, naroon sila." Tugon ni Gerald. "Sandali, kami ang lagi
ninyong tinatanong. Bakit ang dami n'yong alam? Bakit kayo narito sa Villa?" Saka
ito tumingin sa akin.
Sumeryoso si Rod. "Gerald, under surveilance na ang school but we need concrete
evidences para mahuli na sila. Dapat nang matigil ang ginagawa nilang
kawalanghiyaan." Saka ngumiti si Rod sa akin. "I'm just here to visit my
girlfriend. Isinama ko lang ang mga tao ko dahil galing kami sa investigation."
Kumuyumos ang mga kamao ni Gio. "Tutulong ako. Gusto ko ring malutas ang kaso.
Gusto kong magbayad ang may gawa no'n kay Monique."
Curious ako sa bahagi ng kwento na yan. "Ano ba ang nangyari kay Monique?"
"Hindi ko rin alam. Basta ang alam ko lang, nalaman niya ang tungkol sa ilang
sikreto ng school. Ilang ulit ko nang sinabi sa kanya na huwag siyang magpahalatang
may third-eye siya pero ayaw niyang makinig. After naming magtalo, kinabukasan
nalaman ko na lang na patay na siya. Walang makapagsabi kung suicide o pinatay
siya. Hindi ako naniniwalang suicide 'yon. Buntis siya and she wanted to keep the
baby." Napasubsob ito sa mga palad niya. "Kung nakinig siya sa akin, hindi sana
siya pinatay ng kung sino mang hayop na 'yon!"
Tumango ito habang nakasubsob pa rin sa palad niya. "Kaya ako madalas sa tapat ng
Old Building, dahil nakikita ko siya mula sa bench na 'yon." Tumingin siya sa akin.
"You might not believe me but it's true. I can see spirits. Ang dami nila sa Annex.
I can't believe it na marami na silang napapatay. Kaya naglakas loob akong gumawa
ng paraan to enter the cult."
Hindi ko inilabas ang lihim ko. I still need my secret to be hidden from outsiders.
Mahirap na. "Paano ka nakapasok sa cult na 'yon?"
""Weird. Sir Tony offered me the same thing." Nangalumbaba ako, nakapatong ang siko
ko sa arm rest sofa. "Should I say yes to penetrate them?"
"What?! No, Arlene! Huwag kang papayag!" Nandidilat ang mga mata ni Diana habang
pinipigilan ako.
"That's how I got trapped. Nung una tinuturuan niya ako. Then nung huling araw ng
pagtuturo, pina-attend niya ako sa exclusive school club. Pinaiwan niya ako sa
faculty, then he served me my early dinner. Nahilo ako at nawalan ng malay.
Paggising ko, nasa hospital na ako. Hindi ko na nga maalala na humihingi pala ako
ng tulong kina Gerald nung gabing 'yon. Wala silang babaeng myembro unless family
member siguro ng mga Trinidad o kaya ay gagamitin ka sa pag-aalay." Kwento ni
Diana. Kinabahan ako sa sinabi niya.
"Arlene," pukaw ni Gio, "it means ikaw ang target nila para sa susunod na pag-
aalay."
Chapter 33
"Babantayan kita, Arlene, huwag kang mag-alala. Hindi ka nila makukuha. Huwag ka
ring magpapauto sa kanila. Okay?" Pagpapakalma sa akin ni Rod.
"I'm sorry Arlene, kung pinagdudahan kita na myembro ka nila. Kamag-anak kasi ng
dating may-ari ng Villa na 'to ang mga Trinidad." Paghingi ng paumanhin ni Gio sa
akin.
"Hindi naman ang mga Trinidad ang kamag-anak nila kundi yung asawa nung matandang
Trinidad, si Mariana Syjuco. Pinsan ng asawa ng nagbenta kina mama ng Villa.
Nawawala rin ang anak niya. Biktima rin ng kulto na 'yon. Same year nang mawala si
Diana."
Lumagok ng kape si Gio. "She's dead. Nakita ko siya sa Annex. She's a ghost.
Although hindi ko sila naririnig, pero I can see them crying, o kaya malungkot.
Humihingi ng tulong sa bawat students na tingin nila ay may kakayahang makita o
marinig sila."
"Since when did you find out na may third-eye ka?" Curious kong tanong kay Gio.
"How did you manage it?"
"I had it I think since birth. I can see them. Sunod sila nang sunod pero hindi ko
pinapansin. Nasanay ako when I was in grade school. Tinulungan ko yung isang
kaluluwa na biktima ng salvage na mahanap ang katawan niya na itinapon sa ilog.
Nagpadala ako ng letter sa presinto sa bayan na may nakita akong itinapon na
katawan sa ilog, pero hindi ako nagpakilala sa kanila. No one will believe me na
nakakakita ako ng spirits." Natatawang sabi ni Gio habang binabalikang alalahanin
ang nakaraan niya.
I still opt not to tell him that I also have the ability to see spirits. Tumingin
ako kay Rod, nagtatanong ang mga tingin niya sa akin. Umiling ako. Mukhang
naunawaan naman niya ako kaya tumango na lang siya. Hindi rin nila sinabi na may
third-eye din sila. It's better to keep our cards hidden, just in case worst case
scenario arises ay may bala pa kaming magagamit.
"Lumalalim na ang gabi, kailangan na naming umuwi." Paalam nila Diana. "Please,
don't tell my family about me. Baka mapahamak sila kapag nalaman ng mga Trinidad na
may nabuhay na alay nila."
"Sige, walang kaso. Wala kaming pagsasabihan ng mga nalamam namin. Mag-iingat
kayo." Hinatid sila nina Mike at Peter hanggang matiyak ng dalawa na nakalayo na
ang mga bisita.
"Bakit hindi mo sinabing may ability tayo, pati ang tungkol sa UPG?" Nagtatakang
tanong ni Mike.
"Just in case may loophole sa kwento nila." Matipid kong sagot. "Thanks baby, for
not mentioning na kasama n'yo ako sa pagpasok doon sa Annex that night."
"Saka na 'yang loving loving n'yo," saway ni Kuya sa amin. "Magpahinga na tayo.
Pasado alas dose na."
"Tara na, matulog na tayo." Umakyat na kami sa taas, pumasok na si Kuya Drei sa
silid niya. Itinuro ko ang hagdan patungong 3rd floor kina Rod. "May extra room pa
sa 3rd floor. Doon na kayo mag-stay. Mukhang ginamit na ng mga kasama ni papa ang
ibang rooms dito."
Umakyat na ang dalawa, naiwan si Rod sa tabi ko habang nakatayo sa tapat ng room
ko. "Oh, ayaw mo pang umakyat? Matulog ka na."
Iniyakap ni Rod sa baywang ko ang mga braso niya. "Sandali lang, magpapaalam lang
ako sa girlfriend kong maganda na, matalino pa. Paano mo naisip na huwag sabihin sa
kanila ang tungkol sa UPG at sa abilities natin?"
"Baby, mahirap na. Paano kung mabuking si Gio na nagpapanggap siyang myembro ng
kulto, tapos paaminin, eh 'di yari tayo. Sana nga hindi mo sinabi na kayo ang
pumasok do'n, pero okay na rin 'yon, para maalarma ang mga kalaban na kaya na pala
ng mga pulis na pasukin sila." Inayos-ayos ko ang collar ng polo shirt niya, saka
ko siya tinitigan.
"Don't look at me like that, baka makalimot ako." Malambing na banta ni Rod.
Napatawa ako. "Kasal muna, bago 'yon. Okay?" Paglilinaw ko sa kanya. I still want
to preserve myself for my future husband. Old fashioned ako, at iyon din ang
nakaugalian ng angkan namin.
"I respect your decision. Kaya kong maghintay ... pakasal na tayo bukas?" Pilyong
biro nito.
"Joke lang. Maghihintay ako. Gano'n kita kamahal." Inilapit ni Rod ang mukha niya
sa akin, saka ako hinalikan sa lips nang banayad. Gumanti ako ng halik. Ilang
segundo rin bago ako kumalas.
Kinabukasan ay ikinuwento namin kay Papa ang nangyari kagabi, pati ang mga nalaman
namin kina Gio, and he also believed that we should keep our secrets for the mean
time. Para na rin sa safety ko at ng organization.
Hinatid kami ni Rod sa school, hatid naman ng dalawang tauhan ni Papa si Milet, na
mga magpapanggap din na students. Ang natitirang apat ay papasok bilang students na
kunwari ay hindi namin kilala.
Ibinaba kami ni Rod 2 blocks away from school. I kissed Rod bago ako bumaba. Inakay
ako ni kuya patungong gate ng school. Sa di kalayuan ay tanaw namin ang sinasakyan
nina Milet, huminto ito sa tapat ng school. She already caught the eyes of male
students na pumapasok pagbaba pa lang niya ng kotse. She's wearing red dress na
half ng hita ang haba, at off shoulder ang style. She really looked like a goddess
of beauty. Wala naman kasing uniform ang school for college department. I'm wearing
my normal skinny jeans and fitted blouse, my comfort clothes. 'Di ako sanay mag-
dress.
We entered the school, nauuna sa paglalakad sina Milet. Men are drawn with her
beauty. Pati si Kuya ay mukhang hibang rin sa ganda ng nasa harap niya.
Wala sa loob na inabot ni Kuya ang panyo ko. "Para saan 'to?" Tanong niya ng di
tumitingin sa akin.
"Para sa laway mo. You're literally drooling over her." Pang-aasar ko.
"Heh!" Iniabot sa akin ang panyo saka tumingin ulit sa harap. Napailing na lang
ako.
Narating namin ang Annex Building ng matiwasay. Dumiretso na kami ni Kuya sa kanya-
kanyang classroom namin. "Hi, Arlene!" Bati nina Daisy at Emma pagbungad ko pa lang
sa classroom.
"Himala, ang aga n'yo ah!" Kantyaw ko sa kanila. Sila lang dalawa ang nasa room.
Binuklat-buklat ni Emma ang libro niya. "Kailangan eh. May long quiz daw tayo sabi
ni Sir Tony, 'di ba?"
Naupo na ako sa tabi ni Emma, sa kabilang side naman niya si Daisy. Kating-kati na
akong sabihin sa kanya na buhay ang ate niya pero pinigilan ko ang sarili ko.
Emma was busy flipping her book when she cursed. "Damn! Kinikilabutan ako. Ang
lamig ng batok ko!"
I looked at her, then I saw a hand of a ghost holding her nape. Kunwari ay hindi ko
napansin 'yon, pero it was Natalie. Si Emma naman ang pinagtritripan ngayon. Tsk. I
secretly searched Emma's arm to look for amethyst brecelet pero hindi niya suot.
Kaya pala. I am wearing my necklace now, kaya hinawakan ko si Emma. Bumitiw si
Natalie sa batok niya. Napangisi ako ng palihim. Ikinawit ko pa ang braso ko kay
Emma at nagpanggap na inaantok. Humilig ako sa balikat niya.
"Sige." Buti naman at pumayag siya. "Himala, nawala ang malamig na hangin sa batok
ko." Bulong nito. Ipinilig pa nito ang ulo bago bumalik sa pagbabasa.
Gio entered the room. Tumingin siya sa akin saka kumaway. Ginantihan ko na lang ng
ngiti bago ako pumikit. Do I need to hold Emma for the entire duration na narito
kami sa Annex?
"Sige, bantayan mo ang kaibigan mo. Baka siya na ang isunod nila." Bulong ni
Natalie sa akin. Ramdam ko ang malamig na hanging dumapo sa pisngi ko.
Chapter 34
Lunch time na, may break ako ng 2 hours bago ang next class ko. Nag-ikot-ikot ako
sa buong building para pasimpleng hanapin ang Red Tourmaline na maaaring ginamit sa
pagcocontain ng ghosts sa building. Hindi maaaring narito lang sila at nagdurusa
matapos makatikim ng kalupitan sa kamay ng mga Trinidad at ng buong kulto. I can't
imagine being abused in front of other people. Kumukulo ang dugo ko sa tuwing
naiisip ko na 30 years nang ginagawa ng mga Trinidad ang bagay na 'yon.
I walked on the 5th floor, and decided to go to the library. Nasa far end kasi 'yon
ng 5th floor at halos apat na malalaking silid na combined ang katumbas. Posible na
may Red Tourmaline dito. Inisa-isa ko ang hilera ng book shelf habang kunwaring
naghahanap ng librong mababasa, at pasimple kong nilingon ang bawat dulo. Hinawakan
ko ang kwintas na bigay sa akin ni Rod. Mabuti na lang naisuot ko 'to ngayon, kaya
walang lalapit sa aking ghosts para mang-abala.
Kumuha pa ako ng isang libro, na hindi ko alam kung ano yun, basta dinampot ko na
lang saka bumalik sa bungad ng library. Naupo ako sa isang bakanteng mesa malapit
sa bintana. Binuklat ko ang libro at nagpanggap na nagbabasa, pero nag-iisip kung
paano ko makukuha ang Red Tourmaline. I took out my phone and texted Rod to meet
up. Nagreply agad siya na nasa area lang siya and will meet me up outside the
school. Isinoli ko na ang dalawang books sa pinagkuhanan ko saka ako lumabas ng
library.
Lumabas ako ng school at hinanap ang kotse niya. Nasa dating puwesto siya ilang
block ang layo from the school. Lakad-takbo ang ginawa ko para makarating sa kanya.
Kasama niya sina Mike at Peter.
"Ibinalita sa amin ni Anton- yung isa sa bantay ni Milet- na pinuntahan niya ang
storage house, hindi daw niya mabuksan ang pinto ng tunnel. Mukhang naalarma talaga
sila ng husto mula nung pinasok natin ang Annex. Sinarahan ang entry and exit point
sa building. Kaya kami narito, dahil binabantayan daw ang kilos ng mga
pinaghihinalaan nilang 'magnanakaw' noon." Paliwanag ni Rod.
Napabuga ako ng hangin. Buti na lang hindi ko kinalikot ang Red Tourmaline kanina.
Sigurado akong nakamatyag sila sa bawat kilos ko sa CCTV. "Baby, nakita ko kung
nasaan ang isa sa mga Red Tourmaline. Nasa library, nasa pinakadulong shelf sa
kanan, nakabaon sa simento. Hindi masyadong natakpan ng shelf."
"Great! Uutusuan ko sina Anton na gawan ng paraan ang Tourmaline. Pwedeng tanggalan
ng bisa iyon kahit hindi na alisin doon."
"Ako na ang bahala do'n." Kumpyansang sagot ni Mike, saka kinuha ang laptop niya at
kinalikot ito.
"Ibang strategy ngayon. Spam email with virus ang ginawa ni Rod noon, direct
hacking naman ang gagawin ko ngayon. I will take control of their security system."
Ilang pindot pa ang ginawa ni Mike. "Call Anton. Okay na." Instruction ni Mike.
Dinukot ni Rod ang phone at binigay ang info kung nasaan ang isa sa mga Red
Tourmaline. "May muriatic acid ka na? Sige, ikaw na ang bahala." Saka ibinaba ni
Rod ang phone.
"Gusto mong makita kung ano ang nakikita ng security team nila sa school?" Nagtaas-
baba pa ang kilay ni Mike habang tinatanong ako.
"Patingin!" Curious akong pilit nililingon ang laptop na kandong niya. Iniikot nito
ang laptop niya at pinasilip sa akin ang monitor. Humagalpak ako sa tawa ng makita
ko ang ilang frame na nagpapakita ng videoke videos, may mga kanta pa. Malamang
galit na galit na naman ang security ng school. "Loko ka talaga!"
Napatawa rin si Rod. "Siguradong umuusok ang ilong ng naka-assign sa security team
nila."
"Kaya kong i-block sila forever, basta walang makaka-match sa knowledge ko. Pero
pagbibigyan ko sila, I will let it slide pag na-regain na nila ang control sa
system. Hanggang 1 hour siguro bago nila maresolve ang hacking ko kung may expert
silang staff." Natatawang sabi ni Mike.
Ilang saglit pa ay tumawag na si Anton kay Rod. Ilang saglit na nakinig si Rod sa
kabilang linya bago ibinaba ang phone. "Good news or bad news?"
"Nabuhusan na niya ng muriatic acid ang Red Tourmaline, at nakalaya na ang ghosts
mula sa Annex since wala na ang balanse ng protection." Alanganin ang ngiti ni Rod.
"Yes! Success!" Napapalakpak pa kami nina Mike at Peter. "Wait... ano yung bad
news?"
Namutla ako. Uh oh. Lalo pa yatang lumala ang nangyari. Ghosts everywhere? This is
not happening.
Chapter 35
"As long as may suot kang protection, hindi ka nila magugulo." Pagpapakalma ni Rod
sa akin.
"Pero... sabi ng isang multo sa akin noon, may nakakaakit na liwanag daw sa paligid
ko. So kahit magpaggap akong hindi ko sila nakikita ay alam nilang nakikita ko
sila?"
Tumango si Rod. "Yes. Nakakapaglakbay ang isang clairvoyant sa ibang planes dito sa
mundo, kabilang na ang underworld. May dala kang kakaibang liwanag bilang
clairvoyant, at dahil doon ay nakakatawag ka ng atensyon ng mga kaluluwang hindi
matahimik. They are seeking for that light for a long time kaya they see you as
their gate to heaven."
Kaya pala pilit akong kinakausap ni Natalie kahit hindi ko siya pinapansin. "Oo nga
pala, bakit nga pala hindi pa ninyo i-raid ang school? May information na kayo, may
videos na tayong na-tape, may lead na kung saan nakabaon ang mga buto ng mga
biktima, may testigo pa, sina Gio. Para matapos na lahat 'to."
"As much as we want to, we can't. Ang video na ni-record natin was done illegally.
Nag-tresspassing tayo, they can use that against us. Kaya nilang baliktarin ang
sitwasyon. Saka remember the girl that we saved? She's studying in San Andres High
na nasa kabilang province, kung saan doon din nagmula ang mga alay nila for the
past four years. Hindi sa CDTU nanggaling ang mga alay nila mula ng magpalit ng
management, so we need to find out the connection between these 2 schools, and we
need to catch them all at the same time para walang makatakas." Mahinanong
paliwanag ni Rod. Malinaw ang paliwanag niya, pero hindi tama na patagalin pa ang
paghihirap ng mga biktima hanggang sa kabilang buhay nila. I think that's too much.
"Hindi ba tayo pwedeng gumawa ng ibang way para makapag-serve ng search warrant sa
school? Kahit planted lang. I mean, I know that you want to catch everyone involved
in this shitty crimes but try to put yourselves in the shoes of those spirits. They
were raped and killed, burried in there and their spirits are still trapped in the
campus. You would really want to rest in peace, won't you?" Hinawakan ko ang kamay
niya, "we can catch the big fish later on, but let's try to be considerate of those
victims and their families."
Napaisip si Rod sa sinabi ko. May punto ako. "Sige, I'll talk to your dad about
this, don't worry." Tumunog ang phone ni Rod. "Hello?" Nakinig siya saglit sa
kabilang linya. "W-what?!" Ibinaba nito ang phone at napatingin sa akin ng nag-
aalala. "Don't go to school."
Napabuga ng hangin si Rod. "Some of those spirits are hurting students, even tried
to possess some."
"Ha? But why? They were harmless when they were stuck in Annex Building!"
"Ang mga multong napakawalan natin ay mga nagwawala ngayon, most likely because
nakalaya sila after a long time, and something must've fired up their grudge.
Maaari rin na 'yong gamit nilang protection sa paligid ng school ang pumipigil sa
kanila noon para sumanib sa tao." Napahampas sa manibela si Rod.
"Let's get inside and check what's really happening. May mga protection naman kayo,
hindi ba?" Paniniguro ko sa kanila.
Pinakita sa akin ni Rod ang Tiger Eye pendant niya, ang Red Jasper ni Mike at ang
Black Tourmaline na suot ni Peter. "Great, let's go." Aya ko sa kanila.
Pumasok kami sa school, nauna ako at nakasunod silang tatlo. Sa bungad pa lang ng
campus sa tapat ng main building, there I saw a ghost of a student trying to enter
a girl's body na pababa ng kotse, I think she's a Junior High student, ang kaso
hindi siya makapasok sa katawan ng babae. Nagtaas ng kamay ang estudyante para
itali ang buhok nito. Nalislis ang long sleeves niya and there I saw her bracelet
with diamonds and blue sapphire. "Oh, that's why."
Nakita ako ng ghost kaya umiwas ako ng tingin. Lalapit sana siya sa akin para
saniban pero hindi niya nagawa dahil sa kwintas na bigay sa akin ni Rod. Walang
nagawa ang multong student kundi maghanap ng ibang biktima. Napaisip ako saka ko
nilingon si Rod. "Baby, kapag ba nakasanib sila sa katawan ng student, makakalabas
na sila ng school?" Bulong ko sa kanya.
"I think yes, but that would be a very bad idea. Kakainin sila ng kasamaan kapag
na-enjoy nila ang pagsanib sa tao and they will not leave the human's body
anymore."
"Maybe that's the reason why they were trying to possess students. Baka may
nakagawa na at nakalabas na dito." Lumingon ako pabalik sa entrance. Nakatayo roon
si Emma habang nakatingin sa akin ng masama. "Emma?" Napalingon din si Rod sa
tinitingnan ko.
Lalapitan ko sana siya pero pinigilan ako ni Rod. "No. She's being possessed."
"Pero Rod ..." nagpupumilit akong kumawala sa pagkakahawak ni Rod pero mahigpit ang
kapit ng kamay niya sa braso ko.
Lumakad palabas sina Mike at Peter pero biglang tumakbo si Emma palayo. Humabol
naman sina Mike at Peter dito.
"Oh no! Huwag sanang mapahamak si Emma." Napalingon ako kay Rod. "Bakit no'ng nasa
Annex sila, hindi sila sumasanib sa mga students?"
"Most likely they also made that Red Tourmaline as solid protection against
possession ng spirits, kaya walang makaka-possess ng human body noon. Itong
protection nila sa buong campus ay hindi para i-contain ang evil deeds ng spirits
kundi para lang walang makatawid ditong multo. Kaya these ghosts can possess
students now and they can go out of the campus anytime they want." Napakamot si Rod
sa ulo. "Hindi pala natin dapat pinakialaman ang Red Tourmaline. If we only knew
that."
"Sigurado ako sasakit din ang ulo ng mga Trinidad." Nilingon ko ang campus. It is
now a haunted school. Nasaan na ang mga ghosts? Do we need to perform exorcism?
Napabuga ako ng hangin. Ang dami no'n.
Chapter 36
We rushed toward Annex Building. We can see students and professors running
everywhere. Inawat ko ang isang babaeng student. "What's happening?"
"May babaeng nagwawala sa garden!" Hinila nito ang kamay niya mula sa pagkakahawak
ko saka tumakbo patungong Main Building.
Tumakbo kami ni Rod only to find out Rose, the mean girl, possesed by one of those
ghosts and carrying a knife. Napatingin siya sa akin saka lumapit. "Huwag kang
humarang!" Tinabig nito si Rod nang malakas, hindi pangkaraniwang lakas ang mayroon
siya. Humagis si Rod sa damuhan, ilang metro ang layo mula sa pwesto ko.
"That's what we're doing, but look! How can I help you if you are possessing
humans?"
"We are just helping you to act quickly." Nilingon nito ang isang female student sa
gitna ng garden na nagwawala rin. Nandilat ang mga mata ko when I saw that she's
also carrying a kitchen knife! "Kapag may nasaksak siya at napatay dito, hindi ba
subject for investigation na 'yon?"
"No! Not this way. I already asked for help, kaya please, stop this violence. Mas
lalo namin kayong hindi matutulugan kapag nakapanakit kayo ng tao."
Lumapit siya ng kaunti at bumulong. "We will fake it, don't worry." Saka ito
tumalikod patungo sa nagwawalang student. Natalie? Nagpambuno slang dalawa at
nagpalitan ng saksak, ilang ulit na umiwas si Rose pero tinamaan siya sa tagiliran.
Bumagsak ito sa lupa, tumingin muna sa gawi ko saka ngumiti bago nawalan ng malay.
"No!" Tili ko. Nagtilian din ang ibang estudyante na nakakita sa naganap. Lumapit
sa akin si Rod para pakalmahin.
"Rod! Call for an emergency! Get a search warrant!" Habang inaalog-alog ko si Rod
na tila nahimasmasan mula sa pagkakatilapon sa kanya. Dinukot niya ang phone niya
saka tumawag ng back-up. Ika-ikang lumayo sa akin at kinausap ang nasa kabilang
linya. Ilang minuto ang lumipas bago lumapit ulit sa akin. "Sir Rick said warrant
has been issued earlier dahil hindi na mapigilan si Governor Armando, iyong tatay
no'ng niligtas natin. Hindi pa sana gagamitin ngayon pero this is already an
emergency case. We will do it now. They'll be here any moment."
"What are we going to do? 30 or more spirits are everywhere. Sino ang mga
sinaniban?" Nilinga ko ang paligid. Nakita ko sa Annex si Sir Tony na hinahabol ng
isang babaeng estudyante na may hawak na martilyo. Saan naman niya nakuha 'yon?
"Mahirap ipaliwanag. We have to evacuate all students here. Let's go." Inakay ako
ni Rod. Pinuntahan namin ang iba't ibang silid, kasunod ang mga kasamahan ni Milet.
Pinalabas namin silang lahat. Nagtakbuhan na rin ang iba nang makitang sinaniban
ang ibang mga kaklase nila.
"This is crazy!" In fairness, they are not harming me. I think they are doing this
para masukol na rin ang mga Trinidad, pero this is so messy. I can hear screams
everywhere.
Naglabasan ang lahat ng students and teachers ng CDTU, mga nag-abang sa labas ng
campus. Pati kami nina Rod at Kuya Drei ay nakihalo sa kanila. Tiningnan namin ang
buong campus mula sa labas. Nakabantay sa bungad ng campus ang ilang students na
sinaniban ng ibang ghosts at may mga bitbit na kung ano-anong sandata, maging ang
ilang spirits na nakalaya mula sa Annex ay naroon.
"Sinaniban ba sila?"
Ito ang mga bulungan ng mga natakot na students. I can see Dean Herminia and Sir
Antonio among the students, mga kabado at halatang nag-aalala sa nagyayari sa
school. Wala si Sir Tony. Nilinga-linga ko ang paligid pero hindi ko siya makita.
"Aaaahhh!" Narinig naming sigaw ng boses lalake sa campus. Si Sir Tony, hawak-hawak
sa kwelyo no'ng babaeng estudyanteng sinaniban at may hawak ng martilyo, kinaladkad
hanggang sa bungad ng gate. May sugat sa ulo si Sir Tony, mukhang namartilyo sa ulo
pero may malay pa naman. Reap what you sow, ika nga. 'Di ko man gusto ang ginagawa
ng mga spirits na 'to eh kahit paano ay naiintindihan ko ang paghihimagsik nila at
pagnanais na makaganti.
Itinulak ng estudyante si Sir Tony, subsob ito sa simento. "Tony!" Sigaw ni Sir
Antonio sa anak.
Maya-maya ay narinig namin ang alarm ng police patrol. May ilang army kaming
nakitang nakasakay sa malaking truck. Maraming patrol cars din ang dumating, may
kasama pang sasakyan na gamit sa construction. Pangtibag siguro sa simento. Bumaba
ng sasakyan ang parang Hepe ng pulisya kasama si Peter. Nakasunod si Mike sa
kanila. Nilapitan ko 'to. "Nasaan si Emma?" Bulong ko sa kanya.
"She's in the car. Unconscious. Ayaw lumabas ng nag-possess sa kanya. Don't worry,
she'll be okay later. Aasikasuhin natin siya mamaya pagkatapos ng gagawin natin."
Paniniguro ni Peter.
"May search warrant at warrant of arrest po kami." Iniabot nito ang papel kay Dean.
Hindi na binasa ng Dean ang nakasulat sa papel. "Sige na. Dakpin n'yo na ang mga
nanggugulong estudyante na 'yan!" Sigaw nito.
Inutusan ng hepe ang ilang tauhan na posasan si Dean Herminia, si Sir Antonio at si
Jeremy. Isinama din sa pinosasan ang babaeng assigned sa stock room na pinsan nina
Sir Tony.
"You are under arrest. May nagsampa ng kaso sa inyo ng kidnapping, rape at multiple
murder. You have the right to remain silent. Anything you say can and will be used
against you in a court of law. You ..."
"W-what? Are you crazy?!" Tili ni Dean Herminia. Hindi na natapos ng hepe ang
Miranda Rights dahil nagwala na si Dean Herminia.
"Sa presinto na po kayo magpaliwanag." Tinignan ng hepe ang mga tauhan. "Let's go."
Nagpasukan ang mga tauhan ng army at ng mga kapulisan. Nanguna sina Mike at Peter.
Inaya ako ni Rod para sumunod sa kanila. Sumama naman ako, pati si Kuya Drei ay
sumama sa amin.
Huminto kami sa tapat ni Sir Tony na nakadapa sa simento. "Kunin n'yo rin siya."
Utos ng Hepe. Itinayo ito ng mga tauhan niya at pinosasan.
"Anong ginagawa n'yo? Bakit ako ang pinoposasan n'yo? Ako nga itong nasaktan, oh!
Hulihin ninyo ang mga estudyanteng 'yan!" Nagwawala si Sir Tony.
Pumasok kami ng storage saka ko itinuro sa ilang tauhan ng hepe ang kinalalagyan ng
pintuan ng tunnel. Itinuro sa mga tauhan nito na iangat ang inaalikabok na itim na
carpet, at nakita nila ang pinto patungo sa tunnel. Inangat ng tauhan nila ang
pinto saka sila bumaba. Sumunod kami nina Rod, hawak pa rin niya ang kamay ko.
Binaybay namin ang kahabaan ng tunnel hanggang sa makarating kami sa likuan pa-
kanan. Naunang lumiko si Hepe at ang mga tauhan nito pero tinawag ako ni Almira na
nasa likod ko. "Arlene." Nilingon ko siya. Itinuro nito ang pader sa kaliwa.
Mukhang kakasimento pa lang ng pader.
"Hepe. Dito daw po." Itinuro ko ang pader. Lumapit ang Hepe saka hinawakan ang
pader, hinampas-hampas ito.
"Mukhang bagong simento lang ito. Saang bahagi ng campus 'to? Sa ibabaw tayo dapat
maghukay." Binuksan ng hepe ang map app niya, at nakita ang spot na katapat ng
sinimentong bahagi ng tunnel. Tumawag sa radio niya at sinabihan ang mga tao sa
taas na butasan mula sa ibabaw ng pwesto kung saan siya naroon.
"Sige, halika." Binaybay namin ang daan patungo sa Old Building. Bukas ito. Mukhang
may tao sa taas. Dahan-dahan kaming umakyat. May tao nga sa taas. I can hear
voices, having an argument.
"Kung ako lang ang pinili mo, hindi mangyayari 'to eh. Hindi ko naman sinasadya na
patayin ka eh. Hindi ko alam na may sakit ka sa puso at nakaapekto sa'yo ang in-
inject kong pampatulog. Gusto lang naman kitang masolo kahit sandali eh. I-I'm
sorry, Monique."
Sino 'yon? Tinakbo namin ang attic, and there I saw Diego habang nasa harap si
Monique at kausap ito. Namumutla si Diego nang makita kami. So, siya pala ang
pumatay kay Monique? Ang walanghiya!
"Ano pa ang ipapaliwanag mo? Narinig na namin ang lahat. Sumuko ka na. Maraming
pulis sa paligid." Nang-uusig ang tingin ko sa kanya. Dumukot si Rod ng posas sa
likod ng pantalon niya.
Lumikot ang tingin nito, saka kami tinabig para makaraan siya pababa ng hagdan.
Napaupo ako, muntik na rin akong madaganan ni Rod. Nagkukumahog na bumaba ng hagdan
si Diego,
itinayo ako ni Rod saka kami humabol sa kanya.
"A-ano'ng sabi mo? Si Diego ang pumatay kay Monique?" Tinig ng lalaki.
Nilingon ko ang nagsalita. Si Gio. Nagngangalit ang mga bagang dahil sa galit. "N-
narinig namin siya ni Rod. Hindi niya raw alam na may sakit sa puso si Monique at
makakasama sa kanya ang itinurok sa kanyang pampatulog."
To Be Continued...
☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆☆
AUTHOR'S NOTE:
Chapter 37
Lumabas ng dorm building sina Rod, Mike at Peter, wala si Diego. "Wala siya, hindi
namin siya makita. Inikot na namin ang lahat ng floor at units pero wala siya."
Napahawak ako sa noo. "Si Gio, narinig niya na si Diego ang pumatay kay Monique.
Humabol siya sa loob. Hindi n'yo ba siya nakita?"
Nakita namin si Gio, hila si Diego habang hawak 'to sa kuwelyo ng polo shirt nito,
puro sugat ang mukha. Nakasunod si Manang Huling sa dalawa at umiiyak. "Napaka-
hayop mo! Paano mong nagawang pumatay ng tao?" Ibinalya nito sa simento si Diego.
Bagsak ang lalake, nagkasugat sa siko na ipinantukod nito.
"H-hindi ko naman sadya eh. G-Gusto ko lang naman siyang masolo. H-hindi ko naman
akalain na mamamatay siya sa itinurok ko. S-sabi ni Jeremy safe daw 'yon."
Pagmamakaawa ni Diego habang sapo ang mukha na maga na sa kakasuntok siguro ni Gio
kanina.
"Siraulo ka ba? Alam mo bang hindi pampatulog ang binigay niya sa'yo kundi
amphetamine?" Sinipa ni Gio sa mukha si Diego. Bagsak ulit ito. "Hindi lang si
Monique ang pinatay mo kundi ang magiging anak namin!"
"Tama na!" Umiiyak na awat ni Manang Huling. "Huwag mong saktan ang anak ko."
Inawat na nina Mike at Peter si Gio, samantalang pinosasan ni Rod si Diego. "Tama
na, Gio. Mas makabubuting ipaubaya na natin sa batas ang pagparusa sa kanya. Huwag
kang tumulad sa taong 'to. Hindi mo dapat bahiran ng maruming dugo ang mga kamay
mo."
Hinarap ni Rod si Diego. Binigkas ang Miranda Rights habang inaalalayang tumayo
ito. "You have the right to remain silent and refuse to answer questions. Anything
you say may be used against you in a court of law. You have the right to consult an
attorney before speaking to the police and to have an attorney present during
questioning now or in the future. If you cannot afford an attorney, one will be
appointed for you before any questioning if you wish. If you decide to answer
questions now without an attorney present, you will still have the right to stop
answering at any time until you talk to an attorney. Knowing and understanding your
rights as I have explained them to you, are you willing to answer my questions
without an attorney present?"
Hindi sumagot si Diego. Naghahalo ang dugo at mga luha nito sa mukha. "Sandali
lang, Arlene. Itu-turn over ko lang siya sa task force." Tumango ako bilang pag-
sang-ayon.
Naaawa ako sa kanya, pero kailangang pagbayaran ng anak niya ang kasalanang ginawa
nito kay Monique at sa ipinagbubuntis niya.
Ilang sandali pa ay dumating ang medical staff na may dalang stretcher at kinuha si
Manang Huling. Napaka-stressful ng araw na 'to para sa lahat.
Tumango ako. Wala nang reason para itanggi pa. "Halika na, kailangan niya ng tulong
natin. She needs rest."
Tinungo naming ni Gio ang Old Building at hinalughog ang bawat sulok nito, kasama
namin sina Mike at Peter. Inisa-isa namin ang bawat palapag pero wala kaming
makita. Inikot ko na ang lugar ng music room sa second floor kung saan nagpi-piano
si Monique pero wala pa rin. Susuko na sana ako nang sumigaw si Mike sa attic.
"Arlene! Nakita ko ang isa!"
Patakbo kaming umakyat sa attic. Itinuturo ni Mike ang likod ng shelf na ilang
beses kong pinagtaguan noon. Tinungo namin ang likod, at kita namin ang green na
makinang na bato na malaki ng kaunti sa manggang kalabaw.
"It's a Maori Stone, I think." Dumukot ng panyo si Mike saka pinulot ang bato na
nakasiksik sa pagitan ng dalawang libro. Kapiraso lang ang nakalawit dito at
kakulay ng dalawang librong nag-iipit dito kaya hindi ko ito napansin noon.
"Malamang na may orasyon din 'to. Hindi ako gaanong familiar sa kayang gawin ng
stone na 'to. We need to break it. Baka may asido pa sila. Sandali." Bumaba sina
Mike at Peter para asikasuhin ang pagsira sa bato.
Hinarap namin ni Gio ang kaluluwa ni Monique. "Monique ... makakalaya ka na."
Nagpunas ng luha si Gio gamit ang braso nito. "Mahal na mahal din kita, Monique.
Mamimiss kita ng sobra." Umalog ang mga balikat ni Gio dahil sa pag-iyak, hindi
takot magpakita ng emosyon sa harap ko at ni Monique.
"Arlene, may isa pa akong pakiusap." Unti-unti nang lumalabo ang kaluluwa ni
Monique, "bantayan mo si Gio ha, make sure she'll find a nice girl na magmamahal
din sa kanya. Sana nga katulad mo eh. Sayang, may Inspector ka na."
Napatawa naman ako sa sinabi niya. Pumatak ang luha ko. "Mamimiss kita, Monique."
Kumaway ito sa amin hanggang sa tuluyan itong naglaho. Malamang ay nasira na nina
Mike ang bato. Hinarap ko si Gio. It's time to deal with that cult. "Tulungan mo
kaming mapabagsak ang kulto."
"Tutulong kami nina Diana. May ilan kaming ebidensya na magdidiin sa mga Trinidad
at kay Pacifico Ignacio."
Chapter 38
Tinungo namin ni Gio ang binubungkal na dulong bahagi ng garden kung nasaan ang mga
katawan ng biktima. Siguradong nagtitibag rin sila sa ilalim.
"Matagal pa 'to, puntahan natin ang nagse-search sa loob." Aya ni Gio. Tinungo
namin ang gawi kung nasaan ang hidden wall. May ilang pulis ang naroon, pero hindi
nila alam kung paano bubuksan ang sikretong silid.
"May access ang mga Trinidad. Mayroon din si Diego, pero hinuli na po siya. Sirain
n'yo na lang po ang wall na 'yan." Suggestion ni Gio sa mga pulis. Ini-radyo ng
isang pulis na magdala sila ng maso sa Annex para wasakin ang wall. Gawa ito sa
narra pero kaya itong wasakin ng maso.
Ilang saglit pa ay dumating ang ilang sundalo na may dalang mga maso. Lumapit sila
sa wall at winasak nila ito. Tumambad sa amin ang lihim na silid kung saan
ginaganap ang karumal-dumal na kawalanghiyaan ng Dominus na 'yon at ng myembro ng
kulto niya. Nagsipasukan kami sa loob, kinuhanan ng litrato ng investigator ang
bawat sulok ng silid. Nakita nila ang kama na may itim na cover, at ang bungong may
sword at snake na gamit ng mga ito sa pag-aalay.
"Ano ba ang pumasok sa kukote ng mga taong 'to at mayroon silang ganito? Mayayaman
na sila, ano pa ang dapat ikasira ng ulo nila?" Napapailing na sabi ng isang
investigator na gwapong bigotilyo. Mukhang nasa 30's, ka-age ni Peter. May cabinet
sa kaliwang bahagi ng silid malapit sa kama, tinungo 'yon ng investigator na
kumukuha ng litrato at sinusubukang buksan pero naka-lock ito. Nainis yata kaya
hiniram ang maso na hawak ng isang army saka pinukpok ng malakas ang cabinet.
Tumambad sa amin ang maraming gamit ng babae. Suklay, panyo, wallet, hair clip,
head band at kung ano-ano pa.
"Ano 'yan? Kinokolekta nila ang gamit ng lahat ng victims nila?" Nilapitan ko ang
mga 'yon. Puro nga gamit na pambabae. Tiningnan ko ang wallet at binuksan. May
school ID dito at picture ng babaeng estudyante. Monina Santillan, 3rd year, school
year 1994. Hindi pa uso ang K to 12 no'n. Ito 'yong ngumiti sa akin nuong patakas
kami ni Rod. Isa pala ito sa mga unang nabiktima ng mga Trinidad.
"Mukhang maraming dapat ipaliwanag ang mga Trinidad. Tsk, tsk, tsk." Napapailing na
sabi ni mamang pulis na bigotilyo. Ginamit nito ang radyo at tinawagan ang
kasamahan. "Juancho, magdala ka dito ng maraming resealable plastic bag, medyo
marami tayong isisilid na ebidensya."
"Sir, nahuli po ba ang bagong may-ari? Si Mr. Segundo Trinidad?" Curious na tanong
ko. Wala dapat makatakas sa kanila. Itinanong ng pulis sa kausap sa radyo ang
tanong ko.
Umiling ito. "Wala daw Miss. Hindi siya kasama sa nahuli nila. Nakatakas siya."
"No way. May alam siya dito. Imposibleng wala. Hindi siya pwedeng makatakas."
Nanlulumo kong sabi. Inalalayan ako ni Gio patayo.
"Huwag kang mag-alala, sigurado akong nasa wanted list na siya pagkatapos nito. Ang
daming ebidensya n'yan. Ewan ko na lang kung makalusot pa sila." Inaya na ako ni
Gio palabas ng lihim na silid. "Hayaan na natin silang mag-imbestiga do'n."
Tinungo namin ang mga naghuhukay. Madilim na rin kaya kailangan nang maglagay ng
portable lights. Tapos na sila at nakita nila ang maraming buto na nakabaon dito.
May ilan na nakasuot pa ng sira-sira nang school uniform. Tanaw rin namin ang
Tunnel at ang mga nagtitibag sa ibaba mula sa pwesto namin sa ibabaw. "This is
really crazy! Ganito nang karami ang nabibiktima nilang estudyante? Nasaan ang puso
ng mga taong 'to?" Sabi ng nag-ooperate na hepe ng pulisya. Chief Delgado ang
nakasulat sa patch niya.
"Chief, sana po mabigyan ng hustisya ang lahat ng biktima nila." Pakiusap ko dito.
"Huwag kang mag-alala. Sisiguraduhin kong magbabayad ang lahat ng may gawa nito.
Imagine, kung isa ang anak ko sa ginanito nila? Baka lumabag ako sa batas at
patayin ko na lang sila dito na. Tapos ibabaon ko sila diyan." Nanggigil na sabi ng
Hepe. Inutusan nito ang mga tauhan na ingatan ang pagkuha sa mga katawan maging ang
mga gamit na makukuha nila bilang ebidensya. Ipapa-DNA daw ang lahat ng ito para sa
pagkakakilanlan.
"Don't worry. Nagserve daw sila sir Rick ng warrant sa hospital na pinagdalhan sa
kanila para makuha ang records. Nakuha na raw nila ang list ng mga naospital na na-
tear gas ko no'n. Lahat sila ay may warrant of arrest na. Anytime ay dadamputin na
ang mga kasapi ng kulto." Niyakap ako ni Rod. "Matatapos na rin ang gulong 'to.
Matatahimik na ang mga kaluluwa ng mga biktima."
"Sana nga, baby, sana nga. They don't deserve to be treated like this. Kailangang
magbayad ng mga walanghiyang 'yon." Pumatak ang luha ko dahil sa sobrang galit sa
mga Trinidad at matinding awa sa mga nakita kong kalansay ng mga estudyante.
"Ganda! Ano ang nangyayari sa mga estudyante? Bakit sila nagwawala?" Tili ni Hanz.
"Ayos lang ako, pero naloka ako kay Rose ha. Sinapian talaga 'yong bruha na 'yon?
May sasapi pa pala do'n? Dati nang may sapi 'yon eh!" Saka 'to humalakhak ng
malakas.
"Sira ka talaga. Sige na, magsiuwi muna tayo sa mga bahay natin. Mukhang
matatagalan pa sila sa pag-iimbestiga sa loob." Taboy ko kay Hanz.
"Pero totoo ba ang narinig ko? May mga kalansay daw sa loob? Saan galing ang mga
'yon?" Kinikilabutang tanong ni Hanz.
"Mahabang storya, malamang nasa news na 'yan kaya panoorin na lang natin do'n.
Hayan na sila oh." Itinuro ko ang ilang media men na nagsibabaan sa iba't ibang
sasakyan from different media company.
"Hala! Gano'n ba kalala ang sitwasyon ng school para mabalita sa buong Pilipinas?"
Nakanganga pa rin si Hanz, biglang mamilog ang mga mata nito pagkakita sa Kuya kong
papalapit sa amin. "Ang gwapo talaga ng kapatid mo!" Sabay kurot sa braso ko.
"Aray, bruhilda ka talaga!" Humalakhak ang beki. Kilig na kilig sa kapatid ko.
"Arlene, gano'n pa rin si Emma. Naroon naman ang kakambal niya, binabantayan siya
sa kotse. Nakaposas din siya at baka makatakas pa." Tiningnan nito si Hanz saka
nginitian. Mukhang hihimatayin naman ang beki.
Tinawag ni Ana si Hanz. "Bakla ka! Halika dito, si Luisa nasaksak din daw! Sundan
natin sa hospital!"
"Ha? Ay naku Arlene saglit lang ha!" Saka kumendeng-kendeng na tumakbo palapit kay
Ana.
Nakakagaan talagang kausap ang beki na 'yon. "Kuya, samahan mo ako kay Emma."
Tinungo namin ang kotse kung nasaan si Emma, nakaakbay sa akin si Rod, kasunod
namin sina Gio, Mike at Peter. Naroon siya sa loob at walang malay, katabi ni Emman
at ni Daisy. Nakita kami ni Emman, lumabas sila ng kotse. "Tulungan n'yo ang
kakambal ko, please."
"Hindi ko rin alam kung paano siya matutulungan. Teka, baby, nasaan si Papa?"
"Nasa Villa. Tara, pumunta tayo doon. Siya ang makakatulong kay Emma."
Chapter 39
Hindi pa rin tapos ang mga imbestigador sa school, mukhang matatagalan pa sila do'n
kaya umuwi na kami para makapagpahinga. Pasado alas diyes na ng gabi nang
makarating kami sa Villa. Binuhat ni Emman ang kapatid nito patungong sala pero
pinaakyat ko sila sa bakanteng silid para doon muna sila makapagpahinga. Naroon
sina mama at papa sa sala, nanonood ng balita sa TV kaya nakinuod muna kami saglit.
Nasa news na ngayon ang maraming bangkay na nahukay sa campus. Binalita rin no'ng
pulis na bigotilyo na may dalawang built-in camera daw na nakatutok sa kama kung
saan diumano ginaganap ang pang-aabuso sa kababaihan.
"Iyan ang sinasabi ko sa'yo kanina, Arlene. May ebidensya kami para mai-connect ang
kawalanghiyaang ito kay Pacifico Ignacio." Pukaw ni Gio sa akin. "Pwede bang
makahiram ng laptop?"
Mabilis kong kinuha ang laptop ko sa kwarto at nagmamadaling bumaba. Iniabot ko ito
kay Gio. Ilang saglit na pumindot ito bago nagsalita. "Ito ang Dominus Exclusive
Site. Puro mga mayayamang members lang ang pwedeng maka-access nito. Na-hack ni
Kuya Gerald ang account ni Sir Tony kaya napasok namin 'to at nagkaroon ng libreng
membership." Iniharap ni Gio ang laptop sa gawi namin ni Rod at Papa. Nakikinig
naman si Mama at nakamasid sa amin ng tahimik.
"Ano ang website na 'yan?" Tanong ko habang nakatitig sa slide show ng home page.
Pinapakita ang rosas, bungo, kama at larawan ng mga babae. Nakita ko ang mukha ni
Almira sa mabagal na pag-roll ng slide show.
Hindi pa rin nagsi-sink sa utak ko ang sinabi ni Gio. Baka too much information ang
pumapasok sa akin ngayon kaya ayaw i-process ng utak ko, o hindi lang talaga maarok
ng 195 na IQ level ko kung bakit kailangang gawin ang kahayupang 'to sa mga babae.
"Hindi maglalabas ang Dominus na 'yon ng malaking halaga sa tuwing may alay sa
kanya kung hindi siya kikita. He's earning more than what he's spending. Nakita ko
ang site, may live chat. May mga foreigner pa. Nagbabayad ng membership at
nagbabayad for live views. Binibili rin ang recorded porn videos."
"Paano natin ico-connect kay Pacifico ang website na 'yan? Malamang na sa iba
nakapangalan ang website na 'yan."
Si Rod ang sumagot. "Account to account money transfer. Madali nang ma-trace ngayon
ang account payments and transfers."
Oo nga. Kahit ilang transfer pa yan, mati-trace kung sino-sino ang konektado sa
illegal na gawaing ito. "May isang video rin na nakita ang kalahati ng mukha niya.
Iyong video ni Diana." Dugtong ni Gio. Hinanap nito sa page ang video ni Diana saka
ipinanood sa amin. Hindi ko matagalan ang nakikita ko pero kailangan kong panoorin.
Walang malay ang babae habang binababoy ng walanghiya. Mga ilang minuto na ang
nakalilipas ng ilingon ni Dominus ang mukha pakaliwa, tumapat mismo 'yon sa camera
na naka-built-in sa kisame.
"Huli ka!" Sigaw ni Peter na naka-indian sit sa lapag sa harap namin ni Rod. Kita
niya ng malapitan ang monitor.
"Great! Now we can catch this Dominus." Dinukot ni Papa at sinimulang magtawag para
pakilusin ang mga tauhan at ma-trace agad ang transactions sa account ng website.
"Papa, need ni Emma ng tulong sinapian siya. 'Di pa lumalabas yung ghost sa katawan
niya." Pukaw ko sa atensyon ni Papa.
"Di mo na kailangan ng tulong ko. Ikaw lang, kaya mo na yan." Sagot ni Papa.
"Gamitin mo ang ability mo bilang clairvoyant. Halika. Dahil first time mo,
tutulungan kita." Nilingon ni Papa ang lahat ng tao sa sala. "Maiwan na kayong
lahat dito. Rod, ikaw lang ang sumama sa amin."
Umakyat kaming tatlo at nagtungo sa kwarto kung saan pinagpahinga si Emma. Naroon
din si Emman, binabantayan ang kapatid.
"Emman, mageexorcism kami. You can stay here to watch out for your sister if you
like." Saad ni Papa. "Arlene, kilala n'yo ba kung sino ang sumanib sa kanya?"
"You will know who the spirit is. Concentrate and call for the spirit. You are a
clairvoyant, you can communicate with them. Ask whatever the spirit wants, kung
bakit siya nasa katawan ni Emma." Instruction ni Papa.
Huminga ako ng malalim, ngayon ko lang gagawin 'to sa tanang buhay ko. Ngayon ko
lang gagawin na ako ang tatawag sa kaluluwa para kausapin. Lumapit ako sa paanan ni
Emma, gumitna ako. Saka ko tinawag ang kung sinoman ang sumapi sa kanya. Nilakasan
ko ang loob ko. Narito naman si Papa para gabayan ako. "K-kung sino ka man, lumabas
ka diyan at kausapin mo ako para matulungan kita."
Biglang nagmulat ng mga mata si Emma, naupo ito na parang robot saka tumingin sa
akin. "Akala ko hindi mo na ako kakausapin eh. Ang tagal mo naman."
"Ang katawan mo." Ngumisi ito saka ako inabot sa braso ko. Nahila niya ako pahiga
sa kama kaya nagawa niya akong sakalin. Sumaklolo sina Papa at Rod, pinipilit akong
kunin mula sa pagkakasakal sa akin ni Emma.
"Aaaakkk!" Ito na lang ang lumabas sa bibig ko dahil nasasakal na talaga ako.
"Bitiwan mo ang anak ko." Mariing utos ni papa sa sumapi kay Emma. Tumigil ito sa
pagsakal sa akin kaya nahila ako ni Rod palayo sa kama saka niyakap para
protektahan, lumapit din sa amin si Emman at nahintatakutan sa sumapi sa kapatid
niya.
"At sino ka naman para utusan ako?" Nanlilisik ang mga mata nito habang nakatitig
kay Papa. "Maliwanag din ang paligid mo. Pwede rin akong lumipat sa katawan mo."
Ngumisi si papa. "Tingin mo ba magagawa mo 'yon sa akin? Subukan mo." Hamon ni Papa
dito.
Umangil ang kaluluwang sumanib kay Emma, saka nagsimulang bumula ang bibig nito.
Hindi niya magagawang sakupin ang katawan ng isang bihasang clairvoyant kaya
pinapahirapan ng kaluluwa ngayon ang katawan ni Emma. Napakasama niya!
Humalakhak ang bruha. "Ano? May magagawa ka sa isang katulad ko? Bakit? Sino ka
ba?" Humalakhak ulit ito.
Lumabas si Rod at nagmamadaling bumalik. Ilang minuto lang ay may dala itong papel
na may Chinese character at isang supot ng tela na di ko alam kung ano ang nasa
loob.
Iniabot ni Rod ang papel kay papa, at idinikit agad iyon ni papa sa noo ni Emma.
May idinasal si papa na hindi ko maintindihan. Nagtitili si Emma na boses galing sa
hukay. "Aalis ka ba sa katawan ng sinapian mo o pahihirapan kita at tatapusin na
kita rito?"
Tumili ulit si Emma, saka ko nakita ang kaluluwa ng matandang hukluban na lumabas
sa katawan ni Emma, nawalan ang kaibigan ko ng malay at bumagsak ang katawan sa
kama, pero ang evil spirit ay hindi sumuko dahil palapit ito kay Emman!
Iniharang ko agad ang katawan ko para hindi niya malapitan si Emman, saka ako
sumigaw ng pagkalakas-lakas. "Lumayo ka sa amin!"
Parang tinaboy ng malakas na hangin ang kaluluwa at nilipad palayo sa amin. Hindi
nag-aksaya ng oras si papa. Nagdasal ulit ito ng hindi ko maintindihan, saka may
ibinatong parang mga butil ng asin sa kaluluwa. Nagtitili ang kaluluwa, saka ito
parang nasusunog. Maya-maya pa ay naglaho na ang espiritung sumanib kay Emma.
Napaluhod ako sa pagod. Hindi ko pa kaya yung ginagawa ni papa. Marami pa akong
dapat matutunan, at gusto kong matuto. "Ano ang papel na 'yon?" Tanong ko kay Rod.
"That was Fu, it's a Taoist's Magical Paper Talisman. Yung isinaboy ay sea salt,
blessed by the Taoist Shaman dun sa mountain na pinupuntahan ko. Dadalhin kita do'n
minsan."
Tumango ako. "Sige po, Papa, gusto ko rin matuto." Tiningnan ko si Emma, nilapitan
ko at binuhat ang ulo niya saka ko niyakap. "Papa, may ability rin si Emma. She can
feel them. Pwede rin ba siyang matulungan para maiwasan na sa susunod na saniban
siya?"
"Sige, kung papayag siya. Mukhang pati itong kakambal niya ay mayroong ability. We
will figure it out later."
Wala pa ring malay si Emma. Dinukot ko ang panyo ko sa bulsa at pinunasan ang
pawisang mukha at ang bula na naiwan sa bibig niya.
Chapter 40
Inabot na kami ng madaling araw dahil sa lahat ng nangyari. Pagod na pagod ako at
puyat na puyat kaya nakatulog agad ako pagkahiga sa kama ko. Tanghali na ng
nagising ako, ginising ako sa katok ni Rod sa pinto.
Ano daw? Nawawala ... hindi nagsisink-in sa utak ko. "Saan siya nagpunta?"
"She went to the school this morning, monitoring the investigation when we lost our
contact with her." Sinubukan ulit i-dial ni Rod ang number ni Milet pero out of
reach na 'to.
Nag-ring ang phone ko na nasa side table, "teka saglit." Kinuha ko ang phone at
sinagot. Si Kuya Drei.
"Arlene! Sinusundan namin ni Gio ang van ni Sir Segundo! Ipa-track mo kina Rod ang
phone ko! Nakuha nila si Milet!" Nag-aalala at rush talaga ang tono ni Kuya.
"Ano?" Tumingin ako kay Rod, "natangay daw ni Segundo Trinidad si Milet at
sinusundan sila nina kuya at Gio. Pa-track mo ang phone ni Kuya, please! Sundan
natin sila!"
"Ang tigas ng ulo." Bumaba kami ng sala at pina-track kina Mike at Peter ang number
ni Kuya. Naroon rin sa sala sina Mama, Papa, Emman at Emma. "Aalis na kami, tawagan
mo ako para sa location."
Tumakbo na kami palabas ng bahay, sumakay ng kotse ni Rod kasunod ang ilang tauhan
ni Papa na pinatawag niya kagabi para tumulong sa investigation, sumakay din sila
sa tatlong sasakyan. 'Di na ako nakapagpalit ng damit. Blouse at shorts na
pinantulog ko saka sneakers lang ang suot ko.
Biglang U-turn si Rod para sundan ang mga 'to. "Akala ko ba binabantayan nila si
Milet? Nasaan na sila?"
Tinawagan ko si Kuya. "Kuya, nasa likod nyo kami. Ano ang nangyari? Nasaan ang mga
bantay ni Milet?"
"Hindi ko alam. Basta patungo kami ni Gio sa school tapos nakita namin si Segundo
na palinga-linga at palabas ng campus, may kasunod na malaking lalake at pasan sa
balikat si Milet na nagpupumilit kumawala tapos isinakay sa van, kaya sinundan
namin."
Napakawalanghiya talaga! Nag-alala ako kay Milet, baka kung ano ang gawin sa kanya
ng mga 'yon. Napansin naming palabas kami ng Doña Trinidad at patungong katabing
bayan ng San Andres na sa sakop na ng kabilang probinsya. "Rod, mukhang alam ko na
kung saan sila patungo."
Tinawagan ko si Papa and placed the call in loud speaker. Si Rod ang kumausap sa
kanya. "Sir Rick, patungo kami ng San Andres. Mukhang sa San Andres High dadalhin
si Milet. Pwede ba nating pakilusin ngayon ang contact natin do'n for rescue and
search operation? Malamang na same scenario ng school na 'yon ang CDTU."
"Sige, ako na ang bahala. Bago kayo makarating, may nakaabang na do'n para dakpin
sila. Siya nga pala, tito na lang ang itawag mo sa akin." In-end call na ni Papa
ang tawag ko. Ang luwang ng ngiti ni Rod sa narinig.
Mga 30 minutes after namin makapasok sa San Jose ay nag-menor sina Gio kaya nag-
menor na rin kami at ang tatlong sasakyan ng mga tauhan ni Papa, tanaw na namin ang
San Andres High mula sa pwesto namin. Nakita naming pumasok ang van sa looban ng
malawak na school. Bumaba kami sa kotse at lumapit kina Kuya. Hindi pa kami
nakakalapit sa gate ng school ay nakarinig kami ng putukan ng baril. Mga napaupo
kami para mag-cover. Ilang palitan pa ng putok ang narinig namin at tilian ng mga
estudyante sa loob ng campus bago humupa ang tensyon.
"Ano'ng nangyayari sa loob?" Nag-aalalang tanong ni Gio. Nakita namin ang rescue
team na naglabasan sa pinagtataguan nila sa palibot ng campus sa labas, at may ilan
na lumabas mula sa loob. Nilapitan namin ang mukhang pinuno ng rescue team na
palabas ng gate.
"Sir, I'm Inspector de Jesus under Dark Knight, ano ang nangyari?"
"Nanlaban ang mga tauhan ng suspect. We had to protect ourselves. May ilang may mga
tama at may ilang casualties." Sagot nito saka nilingon ang papalabas na tauhan
habang inaalalayan si Milet. Tinakbo 'to agad ni Kuya saka niyakap ng mahigpit.
Isinakay ni kuya si Milet sa emergency vehicle, saka inutusan ang mga tauhan ni
Papa na kasunod din namin kanina na bantayan ng mabuti si Milet.
"Men, do the search in the entire school. Na-expedite na ang search warrant.
Palabasin ang lahat ng estudyante. Lahat ng sulok ay tingnan ninyo." Lumingon sa
amin ang Hepe. "Katulad din ba kayo ni Dark Knight? Pwede ba kayong pumasok para
makatulong sa paghahanap ng posibleng itinatago rin ng school na 'to?"
Tumango kami ni Rod at nagsimulang pumasok ng campus. Sumama din sina kuya at Gio
sa amin sa loob. Mas maliit ito kaysa sa CDTU, pero mas bago. Nakasulat sa harap na
buiding na 'Founded 2005'. Narinig namin ang announcement na pinapauwi na ang mga
students at suspended ang klase hangga't wala pang notice kung kailan ang resume.
Nagsilabasan na ang mga students, kami naman ay papasok ng unang building.
Si Kuya Drei ang unang nag-react. "Pati ba naman dito ay gumagawa sila ng
kawalanghiyaan?" Napalingon ako kay Kuya, nakatingin din siya sa kaluluwa nung
babae. Aha! Sinasabi ko na nga ba eh! May third-eye din 'tong si Kuya!
"Ikaw, Kuya, may third-eye ka rin pala eh!" Hinampas ko nga ng malakas sa braso.
"Aray! Eh sa ayoko ng may third eye eh!" Habang himas ni Kuya Drei ang braso niya.
"Aba e bakit ngayon bigla kang nag-iba?" Naningkit ang mga mata ko. "Hmm, dahil kay
Milet, ano?" Namula ang magkabilang pisngi ni Kuya Drei, parang makopa hahaha!
"Mamaya na kita gigisahin, asikasuhin muna natin 'tong problema ng school na 'to.
Hala, bilang parusa, ikaw ang kumausap sa kanya." Itinuro ko ang kaluluwang nakita
namin.
Napakamot sa batok si Kuya Drei saka lumapit ng konti sa kaluluwa. "Miss, saan kayo
ibinaon dito? May lihim na silid din ba dito?"
Itinuro ng kaluluwa ang sulok na bahagi ng main building nila, saka ito lumutang
patungo doon. Sumunod naman kami sa kanya hanggang sa makarating kami sa dulo. Dead
end na, pero katulad sa CDTU ay may parang maliit na box sa gilid na para sa hand
scanner. Nilapitan ni Rod at ni Gio ang pader, kinatok-katok nila 'to.
"May hidden room sa likod nito." Tinawag ni Gio ang isang tauhan ng search and
rescue team, saka inutusang wasakin ang pader. Maya-maya ay may mga kasama itong
may dalang mga maso. Winasak nila ang pader. Ilang saglit pa ay tumambad sa amin
ang loob nito, parang photo copy ang itsura ng loob sa hidden room na nasa CDTU.
"Rod, baby, ilan ang ini-sponsoran ng Pacificong 'yon? Paano kung lahat ng school
na 'yon ay may ganito? Kaya pala di ko mamukhaan yung ibang babaeng nasa website,
baka taga-ibang school sila."
Nag-isip si Rod. "Posible. Sandali." Dinukot nito ang phone saka tinawagan si Papa.
Sinabi nito ang konklusyon ko na posibleng may ganito rin sa ibang school. "Your
dad will coordinate with the local government do'n sa ibang school."
Hinanap din namin kung may Red Tourmaline sa building. Habang naghahanap kami ay
ilang female ghosts din ang nakita namin. Hindi nga kami nagkamali dahil nahanap ni
Rod ang Red Tourmaline sa pinakasulok na bahagi ng 4th floor. Nakasiksik ito sa
pader na mukhang sadyang hinulma para magkasya ang malaking Red Tourmaline. Sinlaki
'to ng batong panghilod.
Pina-maso ni Rod ang bato para madurog ang pader at ang bato. Nakita namin ang
ilang kaluluwa na nakapalibot sa amin at nakangiti, malaya na sila. Nilapitan ni
Kuya Drei ang tinanong niya kanina. "Saan kayo nakalibing?"
"Ituturo ko." Saka lumutang ang babae pababa ng building. Pinasunod ni Rod sa amin
ang ilang pulis. Lumutang ito patungo sa kakahuyan sa likuran ng campus at tumigil
sa pwesto ng tila malawak na bagong tabon pa lang na lupa. Itinuro ito ang lupa
bago kumaway sa amin at naglaho.
"Men, dig here. Narito ang mga katawan ng biktima." Utos ni Rod. Sumunod naman ang
mga ito sa kanya. Kumuha din sila ng mini excavator para mapabilis ang paghuhukay.
Matapos siguro ang halos isang oras na paghuhukay ay nakita namin ang ilang buto ng
tao, may ilan na naka-school uniform pa na sira-sira na at kamukha ng school
uniform ng mga taga San Andres High.
"Napakasama nila, paano nila naatim ang ganito?" Napapailing na sabi ni Gio habang
nakamasid sa maraming buto ng biktima. Hindi lang fifteen siguro ito.
"Hindi pa natin nasusukol ang puno at ang mga galamay, pero nasa Papa mo na ang
list ng mga myembro ng website. Magsasalita at magsasalita rin ang mga 'yon para
idiin si Pacifico. Let's go." Inakay ako ni Rod palayo sa lugar, kasunod namin si
Kuya Drei at si Gio.
Makakahinga na ako ng maluwag hindi lang dahil natapos ko ang misyon ko kundi dahil
alam kong nakatulong ako sa maraming tao. Ang inaakala ko noong sumpa na taglay
kong kakayahan ay isa palang malaking biyaya para sa mga nangangailangan ng tulong
ko. Masarap pala sa pakiramdam. Mag-aaral akong mabuti para mas mahasa ko pa ang
kakayahan ko, at mas marami pa akong matulungan balang-araw tulad ni Papa.
FINAL CHAPTER
Naharap sa maraming kaso ang mga Trinidad, mula kay Segundo hanggang kay Jeremy, na
siyang nagbigay ng amphetamine kay Diego para iturok kay Monique na naging dahilan
ng pagkamatay nito. Nag-positive din si Jeremy sa paggamit ng amphetamine at
heroine. Nahuli rin ang iba pang sangkot sa kulto na mga kasama sa listahan ng
naospital noong na-tear gas sila ni Rod.
"Diana, yung website na gamit mo, matagal na yung naka-post na article dun ah, 2005
pa yung date."
"Ah, blog site ko 'yon tungkol sa mga artistang idol ko noon, in-edit ko lang yung
laman ng articles 5 years ago after ako iligtas nina Gerald, pati 'yong url ng
website ay pinalitan ko lang kaya luma ang mga petsa ng articles na nakita n'yo."
Natatawang sumubo ng cake si Diana, kasama namin si Daisy na sobra sa pag-aasikaso
sa kapatid. Narito kami ngayon sa Villa at nagtsitsismisan.
"Kamusta na nga pala ang pagsasanay mo bilang clairvoyant? Hindi pa rin ako
makapaniwala pero si ate Diana na ang nagpatunay na totoo ka." Nagsalin ng iced tea
sa baso si Daisy at iniabot kay Diana ito.
"It's doing well. Nakakaagapay na pero marami pa akong dapat matutunan." Napalingon
ako sa bintana, parating ang sasakyan nina Emma at Emman. "Narito na pala ang
kambal."
Pumasok ang dalawa na may bitbit na pagkain. "Naku, mananaba na talaga ako nito,"
napapailing na sabi ni Diana pero inabot pa rin ang pagkaing dala at sinilip ang
laman ng styro.
"Dapat lang ate, magpataba ka para makabawi ka." Tinulungan ni Daisy ang kapatid sa
pagbubukas ng mga pagkain.
I turned on the TV to watch the news. Sensation pa rin ang tungkol sa kaso ng mga
Trinidad at ni Pacifico Ignacio, kalat ito pati sa international news. Limang
school ba naman ang may parehong kaso ng panghahalay at pagpatay sa mga babae para
ibenta sa exclusive porn site ni Pacifico. They also found out that the guy has
been diagnosed to have a Paraphilic Disorder and his obsession is to have sex with
unconscious women while having an audience.
In-off ko na ang TV para bumalik ang masayang mood kanina. "Wala kang kasalanan,
biktima ka lang ng hayop na 'yan. Hindi mo kasalanan na may mga taong katulad niya
na nananamantala ng kababaihan at ginagawang excuse ang sakit para makabawas ng
kasalanan. We don't even know if he's telling the truth or not. Baka palabas lang
din ng abogado 'yon to get sympathy at bumaba ang sintensya niya. Pero imposible
'yon. We will make sure that he'll pay for what he did. My father will not let it
slide just like that," pagpapakalma ko kay Diana.
"Ate, tanggap ka ni kuya Gerald, kasi nga wala ka namang kasalanan. Hindi na rin
daw ilalabas ang video mo para gawing ebidensya. Sapat na ang mga nakuhang
ebidensya para idiin siya sa kaso." Hinagod ni Daisy ang likod ng kapatid.
"Hala, napaka-gloomy naman ng mood," bungad ni Rod kasunod nito si Gio, si Mike at
si Peter, hindi ko na namalayang dumating na pala ang pinaka-gwapong lalake sa
paningin ko. Naki-umpok sa harap ng pagkain na nasa center table sina Peter at
Mike, nag-indian sit na ang mga ito sa lapag habang tumabi si Gio kay Daisy saka
inabot dito ang isang supot ng Jelly Beans, ang paboritong ngatain nito kapag bored
siya. "Wow, thank you!"
I have no idea kung ano ang relasyon nila, wala naman silang sinasabi. Ayos lang
naman dahil kailangan na ring mag-move on ni Gio mula sa mga nangyari noon.
"Hi baby," saka ako bumeso, "kamusta ang investigation sa bagong school?"
"It went well. May isa pang survivor sa huling school..." napatigil ito at tumingin
kay Emma. "Oo nga pala, 'yong kaluluwa na sumanib sa'yo, Mama pala ni Pacifico
'yon, at iyong bungo na naroon sa itaas ng kama ay totoong bungo ng Mama niya."
Dinukot ni Rod ang picture sa bag nito saka ipinakita sa amin. Nakakatakot nga ang
itsura kahit noong nabubuhay pa siya. "Iyong mga bungo sa ibang school ay replica
na lang."
Kinilabutan si Emma habang kinukwento ni Rod ang nangyari no'n. "Ayoko nang maalala
pa 'yan."
"Are we having a party here?" Bumababa si Kuya mula sa kwarto, kuntodo ang porma,
parang ililibing.
"Ano ba yang outfit mo, Kuya Drei? Parang bulak na lang ang kulang." Naka-Barong
kasi siya. Ang lakas ng tawa ko.
"Buset!" Binato ako ng throw pillow na nadampot nito sa single sofa sa tabi ng
mirror bago ito lumabas ng bahay. Papunta ito sa kasal ng Ate ni Milet at ng
kasintahan nito for 10 years na.
Lumabas si Mama mula sa kusina at naglabas pa ng extrang pitcher ng iced tea. "Oh,
baka kulangin kayo diyan."
"Biglang dumami ang anak ko, ah," natatawang biro ni Mama. "Oo nga pala, sa
kabilang bayan na kayo mag-aaral ha, ipinahabol daw kayo ng Papa n'yo sa
enrollment. Tatanggapin daw kayo since isolated case ang issue n'yo. Tuluyan na raw
ipapasara ang CDTU."
Okay na rin 'yon. Masyado nang maraming masasamang memories sa school na 'yon kaya
mahihirapan lang ang mga estudyante na bumalik pa doon at mag-concentrate sa pag-
aaral. Kalat na sa buong mundo ang lahat ng nangyari.
Umakbay sa akin si Rod, saka tumitig sa mga mata ko. "You saved tons of women,
baby. Kung hindi natin sila nasukol, marami pa silang posibleng maging victim mula
sa limang school na 'yon. You also gave justice to those victims. You did a lot,
baby."
"Hindi lang naman ako, everyone here had their own role in capturing them. Hindi na
rin ako nagsisisi na may kakayahan akong makausap ang mga kaluluwa at managinip ng
past events. I'm happy and proud. Maswerte rin ako at ipinasok ako ni Papa do'n,
kasi nakilala kita. Marami pa ring magagandang bagay ang nangyari sa akin kahit
halos hukayin ko na ang libingan ko," matapat kong sabi kay Rod habang nakatitig
dito.
"Ehem, ehem, may mga single na naiinggit dito. Tama na 'yan!" saway ni Emma sa
amin, nakatitig naman si Emman. Parang may gustong sabihin pero nanahimik na lang.
Kanina pa siya tahimik na nakamasid sa amin habang kumakain. "Hayaan mo,
ipapakilala kita kay Andrei. Gwapo 'yon. Mamaya nariyan na siya. Dati pala niyang
kasintahan si Almira bago siya nawala."
"Ah talaga? Gwapo? Sana naman walang sayad kagaya ni Jeremy na gwapo nga pero drug
addict naman." Interesadong ngumiti pa 'to ng maluwang habang ini-imagine siguro si
Andoy.
"Hay naku, enough of those Trinidads and Pacifico. Let's enjoy the day!" Kumuha ako
ng slice ng cake saka ko sinubuan si Rod. "I love you."
"I love yu, too, baby." Rod kissed me lightly on my lips, baka mainggit na naman
ang mga nasa paligid namin kapag tumagal pa.
I hated my ability but I love it now. What happened in CDTU was also an eye opener
for me to embrace myself and accept God's gift. Yes, I believe that it is a gift
from above at dapat kong ipagpasalamat sa Kanya. Ginamit Niya akong instrumento
para wakasan ang kasamaan at iligtas ang mga nanganganib pang maging biktima ng mga
halang ang kaluluwa. I will learn more and develop my ability.
After 1 year...
Pumasok ako sa silid ni Kuya Drei. "Kuya, saan ka pupunta?" Tinitingnan ang pag-
eempake ng kuya ko. Bumalik kasi si Kuya sa Criminology kaya nakumpleto niya ito sa
loob ng isang taon. 'Yon kasi talaga ang hilig niya at course niya mula noon pa
bago nag-shift ng course sa Doña Trinidad. Buti na lang tinanggap kami sa school na
nilipatan namin kahit mid of school year na at halos na-credit naman ang lahat ng
subjects sa dating school niya.
"Sa San Joaquin. Binigyan ako ng assignment ni Papa, kailangan daw ng additional
manpower do'n para mag-imbestiga sa isang ospital." Nakangiting tingin sa akin si
Kuya.
Huminto saglit si Kuya sa pag-eempake saka tumingin sa akin. "Polymed San Joaquin
Capitol Hospital." Saka itinuloy ang pag-eempake ng damit sa maleta niya.
"Kailangan nila ng tulong ng may ability para maresolba ang pagkawala ng babies
do'n at hindi maipaliwanag na number of deaths ng patients."
"Woah! Of all people, ikaw pa talaga ang mas ine-embrace ang Paranormal stuff?"
Bumalikwas ako ng bangon saka sinalat ang noo ni Kuya Drei. Tinabig naman ni Kuya
ang kamay ko.
"Ano ba? Nagugulo ang buhok ko." Hinawi-hawi nito ang bangs niya. Nahihilig sa K-
pop, may bangs pang nalalaman.
Naghalukipkip ako saka naningkit ang mga mata kong nakatingin sa kanya. "Dahil kay
Milet, ano?"
"Hindi...." tanggi ni Kuya pero kita ko sa mga mata niyang nagsisinungaling siya.
"Dahil kay Milet! Woooh! Napapasunod ka niya! Wow! Bilib ako sa kanya, swear! Si
Mama nga hirap na hirap pasunurin ka, eh!"
"Heh! 'Di ako sumusunod sa kanya. Gusto ko ring pumasok do'n kung saan siya in-
assign ni Papa. Magiging secretary siya ng Senior Inspector sa UCIPG branch do'n."
"Aha! Kaya ka pumasok do'n para magkasama kayo at ayaw mong malayo sa kanya? Umamin
ka na kasi!" Kiniliti ko pa sa tagiliran si Kuya.
"Stop it, kiddo!" Saway ni Kuya pero 'di ko siya tinigilan. "Ano ba? Ayaw mong
tumigil, ha?" Kiniliti ako ng kiniliti ni Kuya hanggang sa pareho kaming mapagod.
Napahiga si Kuya at tumitig sa kisame, gano'n din ang ginawa ko. "Mamimiss ko ang
kakulitan mo, Little Sis."
"Mamimiss din kita, Big Bro."
"Opo, Tatay." Napangisi ako saka ko siya kiniliti ulit sa tagiliran kung saan
napakalakas ng kiliti niya.
Hinawakan ni Kuya ang mga kamay ko. "Pagbutihin mo pa ang pag-aaral mo ng ability
mo, para mas marami ka pang matulungan."
"Ikaw Kuya, ang taas talaga ng IQ mo. Paano mo na-master ang ability mo?"
"Hindi ko rin alam. Pero may sinabi si Papa, eh. May isang may psychometric ability
daw sa PCU sa San Jose. Our ability can be a tandem."
"Gusto kong ma-meet iyang may cool na power na 'yan. Sobrang useful ang
Psychometry." Napahawak ako sa baba ko.
"Totoo. Marami na raw naresolve na kaso 'yon even though kasisimula pa lang niya sa
trabaho." Bumangon na si Kuya at nagpatuloy sa pageempake. "Sana magawa ko rin ang
mga nagagawa niya."
Bumangon na rin ako. "Gaano kalayo ang Doña Trinidad patungong San Joaquin?"
"Hmm... mga 4 hours drive?" Saglit na tumingin si Kuya sa akin. Tumunog ang phone
niya, dinukot sa bulsa saka tiningnan ang nag-send ng message.
Naluha ako. Sobrang mamimiss ko ang kulitan namin ni Kuya. Ganito pala talaga kapag
adult na. May sarili nang mundo at kailangan na ring magtrabaho para sa future.
Magbubuo ng sariling pamilya. Kinawayan ko si Kuya. "Goodluck sa mission mo, Kuya."
ߌߌ߰ߌ߰ߌ߰ߌ߰ߌ߰
A/N:
Sequel (Book 3) is coming up soon after completing Paranormal Crime Unit (UPG
Trilogy Book 2), with Drei as our lead character.߰ߘ
Epilogue
1 month Later...
"Naks, ang ganda naman ng anak ko. Dalagang-dalaga na talaga." Papuri ni Mama sa
akin.
"Eh, nakakahiya naman sa parents ni Rod kung haharap akong mukhang pupunta sa
mall." Panay sipat ko ng sarili ko sa full-length mirror sa kwarto ko. Isang puting
bestida na hanggang tuhod ang haba at off shoulder ito.
"Wala pa ba siya?" Kunot-noong tanong ko. 6:30 raw niya ako susunduin, 6:20 na pero
until now wala pa rin siya.
"Relax lang, he'll arrive soon."
"'Ma, kailangan ba talaga nating lumipat sa San Joaquin? Bakit pa natin susundan si
Kuya? Palipat-lipat tayo ng bahay mula pagkabata ko."
"Sus, huwag ka na ngang kumontra. Kasama naman si Rod sa paglipat eh. Hindi kayo
maghihiwalay." Natatawang sabi ni Mama.
"Totoo? Pwera biro, 'Ma? Malilipat si Rod do'n?" Walang nababanggit si Rod sa akin.
Surprise ba 'yon?
"Iyon ang sabi ng Papa mo. Makakasama raw ng Kuya mo at ni Rod sa mission nila ang
apat na police officers mula sa San Jose. Kailangan na nating lumipat dahil mukhang
magtatagal ang kuya mo ro'n. Ayoko siyang pabayaan do'n ng mag-isa. Baka pati
pagkain ay makalimutan na niya."
"Paano si Emma at si Emman, 'Ma? Ipinagkatiwala sila ng Mama nila sa atin." Naupo
ako sa tabi ni Mama.
"Sasama sila sa atin do'n. Naglagay rin ng satellite office ang UPG sa San Joaquin.
They can also continue their training there para hindi na sila luluwas ng Manila."
Hinagod ni Mama ang buhok ko. "Dalaga ka na. Oras na makatapos ka ng pag-aaral mo,
maaring isa o dalawang taon ay ayain ka na ni Rod na magpakasal."
"'Ma, hindi pa 'yon. Masyado pang busy 'yon sa pagiging police officer. Saka
magtratrabaho pa ako. Gusto kong mag-take ng exam sa pulisya pagka-graduate ko.
Gusto ko ring mag-imbestiga ng mga kaso." Matapat kong pahayag kay Mama. Mas gusto
kong gamitin sa may kabuluhang bagay ang kakayahan ko.
"Kung iyan talaga ang nais mo ay hindi kita tututulan. Nariyan naman ang Papa mo,
ang Kuya mo at si Rod para alalayan ka." Tumayo si Mama nang marinig ang busina sa
labas ng bahay. "Halika na, mukhang nariyan na ang sundo mo."
Bumaba kami ni Mama para salubungin si Rod. Pinapasok na pala ito ni Emma sa sala.
"Sis, inaantay ka na ng prince charming mo." Kinikilig pang sabi nito. Nakatayo
lang sa tabi nito ang kakambal na si Emman, nakamasid.
"Hi, Babe." Tumayo si Rod bilang paggalang kay Mama. "Kamusta po, Tita?"
"Sus, napaka-pormal mong bata ka. Sige na, umalis na kayo. Ihatid mo ang dalaga ko
ng kumpleto ha, kung paano mo siya kinuha dito ay gano'n mo rin dapat siya iuuwi."
Tila biro ni Mama pero bakas sa mukha na may bahid ng katotohanan ang instruction
nito kay Rod.
"Sige na, lumakad na kayo." Pagtataboy sa amin ni Mama. Inilahad ni Rod ang palad
nito at tinanggap ko naman.
Tiningnan ko ito para magpasalamat. "Thank you, Emman." Matamis ang ngiti ko rito,
pero bakit tila malungkot siya? Mamasa-masa ang mata nito. "May problema ka ba?"
Umiling si Emman saka iniwasiwas ang kamay. "H-Ha? W-Wala. Inaantok lang ako.
Umalis na kayo."
"Sige, mauna na kami." Paalam ni Rod sa kanila. Inakay na niya ako pababa ng bahay,
pinagbuksan ng pinto ng kotse sa passenger seat bago ito sumakay sa driver's seat.
"Ngayon mo pa lang ako pormal na ipapakilala sa mga magulang mo. Kinakabahan ako."
Napasapo pa ako sa dibdib ko dahil sa lakas ng kabog nito. Ilang ulit na niya akong
inimbitahan na ipakilala sa mga magulang niya pero tumatanggi ako dahil sa kaba at
takot na baka hindi sila bumoto sa akin. Mahigit isang taon na rin kami ni Rod.
"Huwag kang mag-alala, mabait ang pamilya ko. Medyo may pagka-weirdo pero I assure
you they are the nicest people on Earth." Paniniyak ni Rod habang nakatuon ang
atensyon sa daan. Malayo raw ang bahay nila sa DoɃa Trinidad. Mga isang oras daw
bago makarating kung walang traffic.
Ilang saglit lang ay nakarating din kami sa malapad na kalsada pero bako-bako pa
ang daan. Magkakalayo rin ang magkakapit-bahay. "Nasa dulo ang bahay namin."
Inihinto ni Rod ang sasakyan sa tapat ng isang mukhang bagong pinturadong gate, sa
loob ng malawak na bakuran ay may luma pero malaking bahay. Parang itinayo pa ito
noong panahon ng kastila, nadaan sa renovation pero bakas pa rin ang pagka-antique
nito.
"Ang creepy ng bahay n'yo. Pakiramdam ko nasa movie ako ng Regal Films, Iyong
Shake, Rattle and Roll." Nilinga-linga ko ang paningin ko sa kabuuan ng bahay at
looban.
Natawa si Rod. "Ganyan din ang sinabi ng dalawang nililigawan ko noon no'ng dinala
ko sila dito. Matapos ko silang ihatid pauwi, hindi na nila ako kinausap."
Napalingon ako dito. "Bakit naman? Porke mukhang haunted house ang bahay n'yo?"
Inakay ako ni Rod papasok ng bahay. Tama nga ang sapantaha ko, mas antique pa ang
mga gamit sa loob kaysa sa mga antique sa bahay. Parang 200 years na o mahigit pa
ang mga gamit dito. May isang dalaga at isang binatilyo ang nasa sala. Kausap ng
dalaga ang isang batang lalaking maputla. Obviously ay multo ito. Kausap naman ng
lalaking ang isang dalagitang naka-High School uniform pa, maputla rin ito at may
bahid ng dugo.
"A-Ate Rina, Ram, si Arlene, girlfriend ko." Pakilala ni Rod sa akin sa mga kapatid
nito.
"Oh, Hijo, narito na pala kayo. Ito ba ang kasintahan mo? Aba'y napakaganda, ah!
Napakahusay mong pumili!" Bulalas ng isang may edad na babaeng naka-maluwang na
duster habang naglalakad
palapit sa amin. Mukhang galing ito sa kusina dahil may dala pa itong sandok.
Kasunod nito ang may edad na lalakeng kamukha ni Rod. Ito siguro ang mga magulang
niya.
"Ikaw pala ang kasintahan ng anak namin. Mahusay kang pipili, Bata. Dapat ay noon
mo pa siya pinakilala sa amin." Saad ng Papa ni Rod.
"Nahihiya po kasi siyang magpakilala sa inyo." Nakangiwing sabi ni Rod.
"Rina, Ram, mamaya na 'yan. Baka matakot itong bisita ng kapatid n'yo. Maudlot na
naman ang love life." Napalingon sa akin ang ina ni Rod. "Ay, sorry, Hija. Ano--
iyong...."
"Huwag po kayong mag-alala, nakikita ko rin po sila." Matapat kong sabi sa ina ni
Rod saka ako kumaway sa bata at sa teenager. "Hello sa inyo."
"Kung noon, oo, natatakot ako, pero ngayon hindi na." Ginulo ko ang buhok nito.
"Kaibigan mo siya?" Nilingon ko ang dalagitang kausap nito kanina, nakaupo ito sa
antique na sofa.
"Classmate ko siya na napatay kamakailan lang. Sinaksak no'ng muntik nang mang-rape
sa kanya." Malungkot na saad nito.
Nilingon ko ang multo, lumapit ako dito. Umupo ako sa tabi niya. "Hindi ka ba
matahimik? Hindi pa nahuhuli ang gumawa sa'yo niyan?"
Umiling ito. "Hindi pa." May ilang butil ng luhang pumatak sa mga mata nito.
Patakbong lumapit si Ram sa amin at naupo sa tabi ko. "Ate, naririnig mo siya? Ang
galing! Sign language lang ang usapan namin eh."
"Aba, Hijo, ngayon ka lang yata nakapagdala ng girlfriend dito na kayang makaunawa
sa atin." Natutuwang saad ng Mama ni Rod.
"Clairvoyant po siya, Mama. Kaya maiintindihan niya na special ang pamilya natin."
Pagmamalaking papuri ni Rod sa akin. Nakakataba ng puso na marinig na proud ang
taong mahal ko sa akin.
"Si Rich, bunsong kapatid namin na namatay sa sakit na meningitis." Sagot ng Ate ni
Rod. "Ayaw pang tumawid sa kabilang buhay. Gustong manatili rito."
"Ayoko pang iwan si Kuya. May panganib. Babantayan ko siya." Sagot nito sa akin.
"A-Ano'ng panganib?" Kinakabahang tanong ko rito. Kinabahan ako para kay Rod.
Kumabog ang dibdib ko.
"Basta. Pero makakatulong ka. Alagaan at protektahan mo ang Kuya ko, ha?" Ngumiti
ito sa akin.
Hindi ko man maunawaan ang ibig niyang tukuyin ay tumango na lamang ako.
"Huwag mong ipaalam sa pamilya ko, Ate. Ayokong mangamba sila. Basta babantayan ko
si Kuya." Pakiusap ni Rich. "Kay Kuya mo na lang sabihin mamaya."
Mahinahon akong tumango bago tumingin kay Rod. "Mamaya na lang natin pag-usapan.
Mukhang masaya naman siya rito. Halika na't maghapunan na tayo."
Tinungo namin ang dining area at masayang nagsalo-salo sa hapag-kainan. I feel I'm
home. Tanggap ako ng pamilya niya at hindi ko kailangang itago ang kakayahan ko sa
kanila. Higit sa lahat ay sila ang mas makakaunawa sa akin at sa ability ko.
Lumipas din ang ilang oras, pasado alas-diyes na ng gabi. Kinailangan na akong
ihatid ni Rod sa bahay. Nagpaalam na kami sa kanila, nagsabing babalik na lang para
tulungan ang dalagitang pinatay at makausap muli ng masinsinan ang kapatid ni Rod.
Mukhang may kakayahan rin ito noong nabubuhay pa.
Nasa daan kami ngayon pauwi habang tinatahak ang tahimik na gabi. "Ano'ng sinabi ni
Rich sa'yo? Bakit ayaw pa raw niyang tumawid sa kabilang buhay?"
"Hindi ko alam. Hindi niya sinabi. Basta alagaan at protektahan daw kita."
"Heh! Magmaneho ka na lang diyan. Sa amin ka na rin matulog dahil gabi na. Baka
mapaano ka pa sa daan." Natatawa kong saway dito.
"Arlene, kailangan na nating pumunta sa San Joaquin bukas na bukas din. Nawawala
ang Kuya mo." Napasubsob sa mga palad niya si Mama at pumalahaw ng iyak.
The End