DEMO LESSON in FILIPINO 2

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

LUCAS R.

PASCUAL MEMORIAL ELEMENTARY SCHOOL


School District VI
L. Pascual Road, Baesa, Quezon City

Name of Teacher: RHUBY D. LIMON Observation No. _______


Petsa: _________________________ Oras : _________________

BANGHAY ARALIN SA FILIPINO 2

I. Layunin:
1. Napag-uugnay ang sanhi at bunga ng mga pangyayari sa binasang talata o teksto. (F2PB-lh-6,
F2PB-lllg-6)
2. Nakagagawa ng mga gawain na nagpapakita ng sanhi at bunga.
3. Nakapagbibigay ng mga hindi magandang gawain bunga ng maling desisyon

II. Paksa:
Pag-uugnay ng Sanhi at Bunga
Sanggunian:
Self Learning Module Grade 2 Quarter 3 Week 3 pp. 13-16
Mga Kagamitan: larawan, tsart, plascard, show me board,

Value Focus: Tamang pagpapasya

III. Gawain sa Pagkatuto:


A. Panimulang Gawain
1. Pagsasanay
Panuto: Paghambingin mo ang larawang nasa Hanay A at ang salitang pareho ang kahulugan
sa Hanay B. Isulat ang letra ng tamang sagot.
Hanay A Hanay B

_______1. a. pagtatanim ng halaman

_______2. b. paggamit ng lambat sa pangingisda

_______3. c. pagtatapon ng basura sa kanal

_______4. d. labis nap ag-apaw ng tubig

_______5. e. labis na pagpuputol ng mga puno

2. Pagganyak
 Tignan ang mga larawan

1
 Itanong:
Ano-ano ang napansin ninyo sa mga larawan?
Bakit kaya nangyari ito?
Ano kaya ang posibleng kalabasan o magiging epekto nito?

3. Pagpapaunlad ng talasalitaan
 makulimlim-tumutukoy din ito sa panahon na kung saan ay maulap at malapit ng
umulan.
Makulimlim ang panahon ng kami ay pauwi galing sa aming paaralan.
 nagbabadya-nagpapahayag ng hudyat, naghuhudyat, o naghahatid ng babala o banta
sa parating na sakuna o suliranin
Nagbabadya ang madilim na kalangitan sa pagdating ng malakas na ulan.

B. Panlinang na Gawain
1. Paglalahad
Basahin ang kuwento:
Ang Batang si Juan
Isang araw, si Juan ay sinabihan ng kanyang ina na magdala ng payong sapagkat
nagbabadya ang ulan dahil sa makulimlim na kalangitan ngunit dahil sa pagmamadali ni Juan ay
hindi niya na inintindi ang bilin ng knyang ina, at dali-daling nagtungo palabas. Habang
naglalakad si Juan, mga ilang metro na ang nilakad mula sa kanilang bahay ay biglang bumuhos
ang malakas na ulan at siya ay nabasa. Wala siyang dalang payong na panangga sa ulan kaya
naman dali-daling tumakbo palayo at sumilong. Sa huli bago matapos ang araw, umuwi si Juan na
nilalagnat dahil nabasa siya ng ulan.

Sino-sino ang mga tauhan sa kuwento?


Ano ang sabi ng ina ni Juan sa kanya?
Ano ang nangyari sa kanya matapos ang araw?

2. Pagtatalakay
 Ipabasa ang mga pangungusap mula sa kuwento.
o Sinabihan si Juan ng kanyang ina na magdala ng payong sapagkat nagbabadya ang
ulan.
o Nagbabadya ang ulan dahil makulimlim ang sa kalangitan.
o Dahil sa pagmamadali ni Juan ay hindi niya na inintindi ang bilin ng kanyang ina.
o Bumuhos ang malakas na ulan at nabasa siya dahil wala siyang dalang paying.
o Matapos ang araw umuwi si Juan na nilalagnat dahil siya ay nabasa ng ulan.
 Talakayin ang sanhi at bunga

Sanhi – tumutukoy sa pinagmulan o dahilan ng isang pangyayari


Bunga - ang resulta, epekto, kinalabasan ng gawain o dulot ng pangyayari

 Balikan at talakayin ang mga binasang pangungusap.

o Sinabihan si Juan ng kanyang ina na magdala ng payong sapagkat


nagbabadya ang ulan.
o Nagbabadya ang ulan dahil makulimlim ang sa kalangitan.
o Dahil sa pagmamadali ni Juan ay hindi niya na inintindi ang bilin ng kanyang ina.
o Bumuhos ang malakas na ulan at nabasa siya dahil wala siyang dalang payong.
o Matapos ang araw umuwi si Juan na nilalagnat dahil siya ay nabasa ng ulan.

2
 Magbigay pa ng mga halimbawa.
Pag-aralan ang mga larawan. Iugnay ang larawan sa hanay A sa larawan sa Hanay B. Isulat
ang salitang sanhi o bunga sa bawat larawan.

Hanay A Hanay B

1. sanhi bunga

2. bunga sanhi

3. sanhi bunga

4. bunga sanhi

3. Gawain sa Pagkatuto
A. Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Isulat ang S kung ang pahayag
ay sanhi at B kung bunga.
______Gutom na siya
______Hindi kumain ng agahan si Mia.

______Nagtulungan kami
______Madali naming natapos ang mga Gawain

______Tumingin ako sa kanan at kaliwa ng daan


______Nakatawid ako nang maayos

______Tinapos ni Mila ang kanyang takdang aralin


______Pinayagan siyang makapaglaro sa labas ng bahay.

B. Mystery Box: Tatawag, pipili, babasahin at sasagutin ang mga nakapaloob na tanong sa
mga kahon.

1. 2. 3.

Ano ang nasa larawan?


Nagpakita ba ito ng kabutihan o kapahamakan sa ibang tao?
Bakit kaya ito ang napiling gawin ng nasa larawan?
Ano ang posibleng maging bunga nito?
Bilang kabataan, ano ang maari mong gawin upang maiwasan ang hindi magandang bunga
ng iyong naging aksiyon?

4. Paglalahat
Tungkol saan ang aralin? Base sa inyong pagkaunawa, Ano ang sanhi? Ano ang bunga?
Tandaan:
Ang mga pangungusap na nagpapakita ng dahilan ng mga pangyayari ay tinatawag na sanhi.

Kapag ang pangungusap naman ay nagpapakita ng kinalabasan o dahilan ng mga pangyayari, ito ay
tinatawag na bunga.

3
IV. Pagtataya:
Tukuyin ang sanhi o bunga ng mga sumusunod na sitwasyon. Bilugan ang iyong sagot.
1. Mababa ang grado ni Mia
a. Nag-aaral siyang mabuti
b. Palagi siyang naglalaro sa celphone
c. Hindi niya ginagawa ang mga kanyang mga gawain at takdang aralin
2. Nagkasakit ng ulcer si Jose
a. Kumakain siya sa tamang oras.
b. Nalilipasan siya ng gutom.
c. Kumakain ng masustansiyang pagkain si Jose.
3. Laging nagpupuyat sa gabi si Sandra
a. Siya ay lulusog.
b. Siya ay magiging masigla kinabukasan.
c. Siya ay magkakasakit.
4. Mahilig kumain ng kendi, inuming de bote at sitsirya si Maria.
a. Papayat siya
b. Magiging malusog at masigla ang kanyang katawan
c. Magkakasakit siya
5. Namatay ang isda sa dagat
a. Nalason ang mga isda
b. Nagsaboy ng pataba sa dagat
c. Gumamit ng lambat ang mga mangingisda sa dagat

V. Takdang Aralin

 Hatiin ang short bond paper sa dalawang hati.


 Sa unang hati, ilagay ang sanhi at sa ikalawa naming hati ay ang bunga.
 Gumupit o gumuhit ng mga larawan na nagsasaad ng sanhi at bunga. Ihanay ito sa
nararapat na talahanayan.

You might also like