Filipino 9 4th Quarter Module 6 ELIAS
Filipino 9 4th Quarter Module 6 ELIAS
Filipino 9 4th Quarter Module 6 ELIAS
Filipino 9
Ikaapat na Markahan – Modyul 6:
Noli Me Tangere
Aralin Noli Me Tangere
(Mahahalagang Pangyayari
1 sa Buhay ni Elias)
Suriin
Bago ka dumako sa paksang aralin ay iyo munang basahin ang
matatalinghagang salita at kahulugan nito na magpapalawak ng iyong isipan.
1
8. balaraw – ito ay matulis na patalim o bagay na magkabilaan ang
talim
9. sawimpalad – hindi naging maganda ang buhay o nakaranas ng
pagkatalo at kasawian nang paulit-ulit.
10. insurektos – taong nakikibahagi sa isang armadong
paghihimagsik laban sa mga awtoridad.
Nang lumulan si
Ibarra sa bangka ni Elias,
waring ito ay hindi
nasisiyahan. Kaya,
kaagad na humingi ng
paumanhin si Elias sa
pagkagambala niya sa
binata. Sinabi ni Ibarra
ang dahilan, nakasalubong
niya ang alperes at gusto
nitong muli na
magkausap. Dahil nag-
aalala siyang makita si Elias, nagdahilan na lamang siya. Nanghinayang
naman ang binata nang sabihin ni Elias na ‘di siya matatandaan ng
alperes. Saglit na napabuntong hininga si Ibarra sapagkat biglang pumasok
sa kaniyang isip ang kaniyang pangako kay Maria Clara.
Nagtaka si Elias, hindi niya sukat akalaing ang isang tulad ni Ibarra ay
naniniwala sa tinatawag na masamang kailangan na para bang nais
palabasin nito na kailangang gumawa muna ng masama upang
makapagdulot ng mabuti. Naniniwala siya na kapag ang sakit ay malala,
kailangang gamutin ng isang mahapding panlunas. Ang sakit ng bayan ay
malubha kaya’t kailangan ang kaparaanang marahas kung ito ay
makabubuti. Ang isang mabuting manggagamot, aniya ay sinusuri ang
pinagmulan ng sakit at hindi ang mga palatandaan nito na sinisikap na
bigyan ng lunas. Katulad ng mga sibil na sa pagnanais daw na masugpo ang
kasamaan, ito’y iniinis sa pananakot, paggawa ng marahas at walang habas
na paggamit ng lakas. At kapag pinahina ang guwardiya sibil ay malalagay
naman sa panganib ang katahimikan ng bayan. Paano raw magkakagayon
samantalang labinlimang taon nang may mga sibil, ngunit ang mga tulisan
ay patuloy pa rin sa pandarambong. Ang mga sibil ay walang naidudulot na
kabutihan sa bayan sapagkat kanilang pinipigil at pinahihirapan ang isang
tao kahit na marangal dahil lamang sa nakalimutan ang cedula personal, at
kapag kailangang malinis ang kanilang mga kuwartel, ay manghuhuli sila ng
mga kaawa-awang mamamayan na walang lakas na tumutol.
5
Orasyon. Pahangos na patungo ang kura sa bahay ng alperes. Ang mga
taong gustong humalik sa kaniyang kamay ay hindi niya pinapansin. Tuloy-
tuloy na pumanhik ito ng bahay at malakas na tinawag ang
alperes. Lumabas agad ang alperes kasunod ang asawang si Donya
Consolacion. Bago makapagsalita ang kura, inireklamo agad ng alperes ang
mga kambing ng kura na naninira sa kaniyang bakod. Sinabi naman ng pari
na nanganganib ang buhay ng lahat. Katunayan, aniya ay mayroong
napipintong pag-aalsa na gagawin nang gabing iyon. Nalaman ito ng pari,
aniya sa pamamagitan ng isang babae na nangumpisal sa kaniya at nagsabi
na sasalakayin ang kuwartel at kumbento. Dahil dito, nagkasundo ang kura
at alperes na paghandaan nila ang gagawing paglusob ng mga
insurektos. Humingi ang kura ng apat na sibil na nakapaisana ang itatalaga
sa kumbento. Sa kuwartel naman ay palihim ang pagkilos ng mga kawal
upang mahuli nang buhay ang mga lulusob. Layunin nito na kanilang
mapakanta ang sinomang mahuhuling buhay. Ikawalo ng gabi ang
nakatakdang paglusob, kaya nakini-kinita ng alperes at kura ang pag-ulan
ng krus at bituin sapagkat ganap silang nakahanda.
8
Kabanata 61: Habulan sa Lawa
9
Umaga na nang sapitin nila ang lawa. Pero sa ‘di kalayuan nabanaagan
nila ang isang palwa ng mga sibil na papalapit sa kanila. Pinahiga ni Elias si
Ibarra at tinakpan niya ito ng bayong. Nahalata ni Elias na hinahadlangan
sila sa baybayin. Kaya sumagwan itong patungo sa may Binangonan, ngunit
nagbago rin ng direksyon ang palwa. Tinawag sila. Inisip ni Elias na
magbalik sa bunganga ng Ilog-Pasig. Nakuro ni Elias na napagsasalikupan
sila at walang kalaban-laban. Isa pa, wala silang dala ni isa mang
sandata. Mabilis na naghubad ng damit si Elias. Sinabi niya kay Ibarra na
magkita na lamang sila sa noche buena sa libingan ng nuno ni
Ibarra. Tumayo si Elias at tumalon sabay sikad sa bangka.
Pag-unawa sa Binasa
Panuto: Sagutin ang sumusunod na mga tanong tungkol sa mga kabanatang
iyong napakinggan. Isulat ang sagot sa hiwalay na papel.
1. Sino ang nag-utos ng paglusob sa kumbento at kuwartel? Bakit niya
ito ginawa? Ipaliwanag.
2. Ano-ano ang mga karaingan ni Kapitan Pablo at ng mga rebelde? Sino
ang taong hihingan ni Elias ng tulong ukol dito?
3. Anong kaugalian o likas na ugali ng isang Pilipino ang ipinakita ni
Elias? Patunayan.
4. Bakit natutong maghimagsik ang mga tao sa mga sibil? Ilahad ang
dahilan ng kanilang paghihimagsik.
5. Ano-ano ang mga pangyayari sa akda ang maiuugnay mo sa
kasalukuyang nangyayari sa ating bansa? Ilahad.
Iba’t Ibang Paraan ng Pagbibigay-Pahiwatig sa Kahulugan
Halimbawa:
a. Tinipon ni Elias ang mga kasulatan ni Ibarra. (mga papeles o
anumang nakasulat na dokumento)
b. Tinakpan ni Elias ng bayong si Ibarra upang maikubli sa mga
humahabol na sibil. (maitago o matakpan)
Samantalang ang konotasyon ay may dalang ibang kahulugan o
maaaring pansariling kahulugan ng isang tao o pangkat na iba kaysa
karaniwang kahulugan.
Halimbawa:
a. Isang magandang bulaklak ang naging anak ni Kapitan Tiyago
kay Donya Pia Alba. (babae)
b. Si Crisostomo Ibarra ay maginoo. Palibhasa’y nanggaling siya sa
mabuting puno. (magulang/angkan)
Halimbawa:
a. Nagliwanag ang paligid sa pagsikat ng araw.
b. Makitid ang tulay kaya’t mahirap tawirin.
Pagyamanin
12
Kabanata 45: Paghahanap at Pagbibigay ng Binibigyan ng
Ang Mga pagtulong ni Elias tulong sa isang limos na pera
Nagrerebelde kay Kapitan Pablo taong o pagkain ang
na lugami sa nangangailangan isang pulubi.
hirap at sakit ng tulad ng isang
katawan. pulubi sa
lansangan.
Kabanata 49:
Tinig ng Pinag-
uusig
Kabanata 54:
Ang Lihim na
Nabunyag
Kabanata 55:
Ang
Pagkapahamak
abanata 61:
Habulan sa Lawa
Tayahin
Para sa bilang 1-3
Panuto: Isulat ang letrang W (wasto) kung ang pangungusap ay nagsasaad
ng pagkamakatotohanan at DW (‘di wasto) naman kung hindi. Isulat sa
hiwalay na papel ang iyong sagot.
15
School DOŇA JUANA CHIOCO NATIONAL HIGH SCHOOL
Grade 1 Teaching Dates QUARTER 3, WEEK 5-6 (June 14-25, 2021)
to 12
Weekly Home Learning Plan for Grade 9 Filipino
Wake up, make up your bed, eat breakfast, and get ready for an awesome day!
Monday
YOLANDA B. PAJARILLO
Teacher I
Filipino 9 Teachers
16