0% found this document useful (0 votes)
985 views4 pages

Quiz-A P

Uploaded by

Dion Castardo
Copyright
© Attribution Non-Commercial (BY-NC)
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOC, PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
985 views4 pages

Quiz-A P

Uploaded by

Dion Castardo
Copyright
© Attribution Non-Commercial (BY-NC)
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as DOC, PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 4

1. Ang salitang ekonomiks ay galling sa salitang oikonomeia, isang salitang Griyego na ng ibig sabihin ay A. pamamahala ng negosyo. B. pakikipagkalakalan. C.

pamamahala ng tahanan. D. pagtitipid. 2. Ang ekonomiks ay isang agham panlipunan sapagkat A. pinag-aaralan dito kung paano nagtutulungan ang mga tao upang matugunan ang kanilang materyal na pangangailangan at mapataas ang antas ng kabuhayan. B. nagbibigay ito ng mga suhestiyon upang maging mapayapa ang ating daigdig. C. pinag-iisipan sa araling ito kung paano magkakamal ng salapi ang tao. D. pinag-aaralan dito kung paano natin mahihigitan ang kita ng ating kapwa tao. 3. Ang pinagkukunang-yaman ng mundo ay may kakapusan. Alin sa mga sumusunod ang hindi tamang paliwanag ng konsepto ng kakapusan? A. Hindi nakasasapat ang mga yamang likas upang maibigay ang lahat ng hilig- pantao kayat lumilikha ang mga tao ng iba pang mga produkto upang mapunan ang marami pa nilang pangangailangan at mga hilig. B. Hindi lubos na nakasasapat ang pinagkukunang-yaman upang matugunan ang lahat ng pangangailangan ng mga tao sa mundo. C. Ang kalikasan ay mauubusan ng mga likas na yaman kung hindi gagamitin nang wasto ang mga ito. D. May kakapusan ang pinagkukunang-yaman ng daigdig dahil malapit nang magwakas ang daigdig. 4. Habang ang pinagkukunang-yaman ng daigdig ay may hangganan, ang mga pangangailangan at hilig-pantao naman ay A. may hangganan din. B. kaunti lamang kayat madaling tugunan. C. parami nang parami at walang katapusan. D. kagaya pa rin noong unang panahon at di nadaragdagan. 5. Nagkakaroon ng kakapusan sa daigdig sapagkat A. lumiliit ang sukat ng daigdig. B. nadaragdagan ang sukat ng daigdig habang lumalaki ang bilang ng mga tao rito. C. nananatiling maliit ang sukat ng daigdig gayundin ang bilang ng mga tao rito. D. pareho pa rin ang sukat ng daigdig habang mas mabilis naming lumalaki ang bilang ng mga tao at ang kanilang mga pangangailangan at hilig. 6. Ang pangunahing suliranin ng tao na tinutugunan ng ekonomiks ay A. labis na dami ng pinagkukunang-yaman ng lipunan at kakaunting pangangailangan at hilig-pantao. B. kakapusan ng mga pinagkukunang-yaman ng lipunan at dumaraming mga pangangailangan at hilig-pantao. C. pagsugpo sa paglaki ng populasyon sa daigdig. D. pagpapalawak ng kaalaman sa teknolohiya. 7. May tatlong pangunahing uri ng pinagkukunang-yaman na mahalaga sa paglikha ng mga serbisyo at produktong makatutugon sa mga pangangailangan ng tao. Aling pangkat ang nagsasaad ng mga ito? A. lupain, teknolohiya, at yamang-tao B. puhunan, yamang-tao, at negosyo C. yamang-likas, puhunan, at teknolohiya D. yamang-likas, puhunan, at yamang-tao

8. Ang pangangailangan ng mga tao ay maaaring uriin sa dalawa: A. Luho at Hilig B. Likas at Di-Likas C. Materyal at Di-materyal D. Produkto at Serbisyo 9. Ang mga bagay na kailangan ng mga tao upang mapanitili ang kanilang buhay at kalusugan sa araw-araw ay itinuturing na A. luhong pangkatawan. B. pangunahing pangangailangan. C. hilig-pantao. D. sekundaryong pangangailangan. 10. Ang mga sumusunod na mga konsepto ay nagbibigay ng kahulugan ng ekonomiks. Alin ang pinakaangkop na kahulugan? A. Pagpapalago ng negosyo at kabuhayan ng mga tao sa bansa. B. Pagpapayaman upang maging bahagi ng mataas na lipunan. C. Paggamit at pagbabahagi ng mga pinagkukunang-yaman ng lipunan upang makabuo ng mga produkto at serbisyong makatutugon sa mga paparaming pangangailangan at hilig-pantao. D. Paggamit at pagbabahagi ng pinagkukunang-yaman ng lipunan at paglikha ng mataas na kalidad na produkto at serbisyong makatutugon sa mga paparaming pangangailangan at hilig-pantao sa presyo at paraang pinakamatipid. 11. Ito ang pamamaraan o mekanismo ng yamn sa ibat ibang gamit upang tugunan ang mga pangangailangan ng mga tao sa lipunan. A. produksyon B. alokasyon pamamahagi ng mga pinagkukunang-

C. imbensyon D. kalkulasyon

12. May tatlong pangunahing katanungang sinasagot ang ekonomiks. Alin ang hindi kasama sa pangkat? A. Ano ang mga produkto at serbisyong kailangan ng lipunan? B. Paano lilikhain ang mga kailangang produkto at serbisyo? C. Para kanino ang mga lilikhaing produkto at serbisyo? D. Paano titipirin ang mga sangkap sa paggawa ng produkto? 13. Dalawa ang pangunahing sangay ng pag-aaral ng ekonomiks. Ang una ay tumutukoy sa pagpapalago ng produkto at kita ng pamilya o bahaykalakal. Ano ang tawag sa sangay na ito? A. makro-ekonomiks C. makro-enterprays B. maykro-enterprays D. maykro-ekonomiks

14. Ang pangalawang sangay ng pag-aaral ng ekonomiks ay nagsusuri ng mga impluwensiya ng kalakalan sa pagtaas ng pambansang kita, paglawak ng pandaigdigang pamilihan, at pagtaas ng antas ng pamumuhay ng mga tao sa daigdig. Ano naman ang tawag sa sangay na ito? A. globalisasyon B. makro-ekonomiks C. maykro-ekonomiks D. kapitalismo 16. Bilang isang agham panlipunan, gumagamit ng siyentipikong paraan sa pag-aaral ng ekonomiks. Ibig sabihin nito ay A. tinatanggap ang mga haka-haka lamang sa paggawa ng mga desisyon. B. naglilikom at nagsusuri ng mga datos o impormasyon upang makapagbigay ng lapat o angkop na kongklusyon. C. sapat na ang pansariling opinyon upang makabuo ng kongklusyon. D. ang sasabihin lamang ng mga suplayer ang siyang tama sapagkat sila ang may hawak ng puhunan; walang saysay ang mga kahilingan ng mga konsyumer. 17. Ano ang pinakamahalagang layunin ng ekonomiks bilang isang agham panlipunan? A. Maibigay ang hilig ng mga maririwasang tao kahit na maraming mahihirap. B. Maitaas ang antas ng pamumuhay ng lahat ng mamamayan sa isang bansa. C. Mapag-aralan ang pamamaraan ng pagtaas ng pambansang kita. D. Makalikha ng mga produkto at serbisyong pang-internasyonal at makapaglingkod sa ibang bansa.

18. Mahalaga at makabuluhan ang pag-aaral ng ekonomiks para sa mga kabataan. Ano sa palagay mo ang pinakamabuting maidudulot sa iyo ng pagkakaroon ng kaalaman sa ekonomiks? A. Maisasaulo ang mga konsepto sa ekonomiks upang madaling makapasa sa kolehiyo. B. Maaari kang magsilbing kritiko ng pamahalaan. C. Mapag-aaralan ang mga gawi, kilos, at siyentipikong pamamaraang makatutulong sa iyo sa pagdedesisyong pangkabuhayan ngayon at sa hinaharap. D. Magkaroon ka ng kakayahang makapagturo rin ng ekonomiks. 19. Malaki ang bahaging ginagampanan ng ekonomiks sa lipunan. Alin sa mga pangungusap ang nagsasaad ng diwang ito? A. Sa tulong ng pagsusuri sa ekonomiks, napaghahagdan-hagdan ang katayuan ng mga tao sa lipunan kayat nauuuri natin ang mahihirap, nakaririwasa, at mayayaman. B. Upang tumaas ang ekonomiya ng isang bansa, kailangang sundin nito ang mga patakaran ng mayayamang bansa. C. Ang paglikha ng mga produktong tutugon sa anumang hilig-pantao ay mahalaga kayat dapat ipagpatuloy and produksyon ng mga ito kahit na masira ang mga yamang likas sa daigdig. D. Sa pamamagitan ng pag-aaral ng ekonomiks, nakatutuklas ng paraan upang patuloy na tumaas ang antas ng kita, empleyo, seguridad, at kagalingang panlipunan ng mga mamamayan sa isang bansa. 20. May mga kagamitang pantulong sa pag-aaral ng ekonomiks tulad ng istatistiks, ekwasyon at pormula sa matematiks, logic o mapanuring pag- iisip, at paggamit ng mga datos o pruweba. Lahat ng mga dahilang nakatala sa ibaba ay tama, maliban sa isa. Alin ang hindi tamang dahilan kung bakit may mga kagamitang pantulong sa pag-aaral ng ekonomiks? A. Upang magkaroon ng batayan ang mga mungkahing solusyon o mga kongklusyon hinggil sa mga suliraning pang-ekonomiya at pangkaunlaran. B. Maganda sa paningin ang mga drowing at ilustrasyon. C. Nailalarawan at naipaliliwanag na mas higit ang mga konsepto kaya nakatutulong sa mag-aaral sa pag-unawa ng mga ito. 3

D. Naipakikita ang mga puntos ng pagkakaiba at pagkakatulad ng mga datos kayat nagiging kawili-wili ang pagsusuri ng mga ito.

You might also like