Science 3 - Q2 - M4

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 15

Science 3

Science 3
Pangalawang Markahan
Modyul para sa Sariling Pagkatuto 4

Pook-Tirahan ng mga Hayop


Agham – Ikatlong Baitang
Pangalawang Markahan – Modyul 4: Pook-Tirahan ng mga Hayop
Unang Edisyon, 2020

Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-sipi ang sinuman sa anumang akda ng Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan na may pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
malikom ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anumang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda.

Walang anumang bahagi ng nilalaman nito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa


anumang paraan nang walang pahintulot sa kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig.

Komite sa Pagsulat ng Modyul


Manunulat: Catherine G. Francisco
Editors: Melinda P. Iquin at Marites R. Borras
Tagasuri: Liza A. Alvarez
Tagaguhit:
Tagalapat: Mark Kihm G. Lara
Tagapamahala: Ma. Evalou Concepcion A. Agustin
OIC-Schools Division Superintendent
Carolina T. Rivera, CESE
OIC-Assistant Schools Division Superintendent
Victor M. Javeña EdD
Chief, School Governance and Operations Division and
OIC-Chief, Curriculum Implementation Division

Education Program Supervisors

Librada L. Agon EdD (EPP/TLE/TVL/TVE)


Liza A. Alvarez (Science/STEM/Research/SSP)
Bernard R. Balitao (AP/HUMSS)
Joselito E. Calios (English/SPFL/GAS)
Norlyn D. Conde EdD (MAPEH/SPA/SPS/HOPE/A&D/Sports)
Wilma Q. Del Rosario (LRMS/ADM)
Ma. Teresita E. Herrera EdD (Filipino/GAS/Piling Larang)
Perlita M. Ignacio PhD (EsP)
Dulce O. Santos PhD (Kindergarten/MTB-MLE)
Teresita P. Tagulao EdD (Mathematics/ABM)
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Paunang Salita

Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Agham – Ikatlong Baitang ng
Modyul para sa araling Pook-Tirahan ng mga Hayop!

Ang modyul na ito ay pinagtulungang idinisenyo, nilinang at sinuri ng mga


edukador mula sa Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig na
pinamumunuan ng Nanunuparang Pinuno-Tanggapan ng Pansangay na
Tagapamanihala, Ma. Evalou Concepcion A. Agustin, sa pakikipag-ugnayan sa
Lokal na Pamahalaan ng lungsod sa pamumuno ng butihing Punong Lungsod, Kgg.
Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.

Inaasahan na sa pamamagitan ng modyul na ito, ang mga mag-aaral ay


makauugnay sa pamamatnubay at malayang pagkatuto ng mga gawain ayon sa
kanilang kakayahan, bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral
na makamit ang mga kasanayang pang-ika-21 siglo lalong-lalo na ang 5 Cs
(Communication, Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.

Bilang karagdagan sa pangunahing teksto, makikita ang pinakakatawan ng


modyul sa loob kahong ito:

Mga Tala para sa Guro


Ito'y naglalaman ng mga paalala at
estratehiyang magagamit sa paggabay sa
mag-aaral.

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.
Para sa mag-aaral:

Malugod na pagtanggap sa Agham – Ikatlong Baitang Modyul ukol Pook-


Tirahan ng mga Hayop!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-
aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa
pagkatuto.

Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang modyul.

PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.

BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
naunang paksa.

ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang aralin batay sa kasanayang
pampagkatuto.

MGA PAGSASANAY
Sa bahaging ito, pagbibigay ng guro ng iba’t ibang pagsasanay
na dapat sagutin ng mga mag-aaral.

PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibinuod ang mahahalagang konsepto na dapat
bigyang-halaga.

PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga.

PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.
INAASAHAN

Pagkaraang pag-aralan ang modyul na ito, may kakayahan


ka nang:
1. mailarawan ang pook tirahan ng mga hayop;
2. maipangkat ang mga hayop ayon sa kanilang pook-
tirahan; at
3. makapagpakita ng pagpapahalaga sa pook tirahan ng
mga hayop.

PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot.

1. Alin sa sumusunod na hayop ang nakatira sa tubig?


A. baka B. bangus C. ibon D. tipaklong
2. Ang mga mababangis na hayop ay nakatira sa kagubatan.
Alin sa sumusunod ang halimbawa nito?
A. aso B. paru-paro C. pating D. tigre
3. Alin sa pangkat ng mga hayop ang nakatira sa lupa?
A. manok, pating, agila, ahas
B. pusa, aso, kuneho, kambing
C. sisiw, hipon, baka, kalabaw
D. tigre, pusit, paru-paro, pusa
4. Alin sa mga hayop ang pwedeng tumira sa lupa at sa tubig?
A. balyena B. kalabaw C. palaka D. pusa
5. Paano natin mapangangalagaan ang pook tirahan ng mga
hayop?
A. Putulin ang mga kahoy sa gubat.
B. Magtapon ng basura sa tabing ilog.
C. Linisin mabuti ang tirahan ng mga hayop.
D. Gumamit ng dinamita sa panghuli ng mga isda.
BALIK-ARAL

Napag-aralan natin ang mga bahaging pandama at mga


gampanin nito. Natatandaan mo pa ba ang nakaraang aralin?
Sa mga sumusunod na gawain anong bahaging pandama ang
iyong gagamitn? Halina sagutan natin!

Gawain 1: “Connect the Dots”


Panuto: Lagyan ng linya na mag-uugnay sa bahaging pandama
at sa gampanin nito.

alamin kung
mabango ang
mga damit na
inyong nilabhan

magbasa ng
aklat

alamin kung
mainit o
malamig ang
tubig sa baso

pinapangaralan
ka na mag-aral
mabuti

alamin kung
masarap ang
ginataang
gulay ni nanay
ARALIN
Pagmasdan ang larawan.

Figure 1. Ang RAVE Zoo)

Nakapunta ka na ba sa RAVE Rainforest Park sa Pasig City?


Anu-anong mga hayop ang nakita mo sa mini-zoo? Kung hindi ka
pa nakapunta dito, maaari kang magtanong sa iyong kasama sa
bahay na nakapunta na doon o kaya’y tumingin ng mga
larawan tungkol dito. Alam mo ba na pinag-aralang mabuti ng
mga tagapag-alaga ng mga hayop ang pook-tirahan ng iba’t
ibang hayop na nandoon upang maging “at home” ang mga
hayop doon?

Ang nga hayop ay may habitat o pook-tirahan. May mga


hayop na sa tubig lamang pwedeng mabuhay at tumira ang
tawag sa mga ito ay aquatic animals tulad ng isda, pusit, hipon,
pating, jellyfish, at iba pang lamang dagat.

bangus pating jellyfish pusit

Figure 2. Mga hayop na nakatira sa tubig.


May mga hayop naman na nabubuhay sa lupa at ibabaw
ng lupa ang tawag sa mga ito ay terrestrial animals tulad bulate,
ahas, usa, kabayo, ostrich, at marami pang iba.
Ilan sa mga hayop ay nakatira kasama ng mga tao sa
kanilang tahanan. Ito ay mga maaamong hayop tulad ng mga
hayop na nasa lawawan.

kuneho aso baboy pusaMGA


Figure 3. Mga hayop na pwedeng alagaan sa ating tahanan.

Ang iba naman ay nakatira sa farm o bukid tulad ng mga


hayop na nasa larawan.

kabayo baka kambing manok


Figure 4. Mga hayop na matatagpuan sa bukid o farm.

Ang ibang mga hayop ay mababangis at matatapang


kaya naman sa gubat ito naninirahan.

tigre leon ahas


Figure 4. Mga hayop na nasa gubat.
Alamin naman natin ang mga hayop na may kakayahang
mabuhay at tumira sa kalupaan at katubigan. Pamilyar ka ba sa
palaka, buwaya, at pagong? Ang mga ito ay may kakayahang
mabuhay sa tubig at lupa.

Figure 7. Mga hayop na maaaring tumira sa lupa at sa tubig.

Pagmasdan mo ang mga larawang kuha sa Pasig Rainforest Park


Zoo (RAVE Zoo). Sadyang ginaya ng mga namamahala ang pook
tirahan ng mga hayop upang sila ay mabuhay ng maayos
habang nakatira sa mini-zoo.

Figure 2. Mga hayop na nasa Rave Mini-Zoo.

Mahalaga ba na mayroong mini-zoo sa ating pamayanan?


Ano ang kahalagahan nito sa iyo bilang batang Pasigueño?
MGA PAGSASANAY

Gawain 1
Panuto: Maglista ng mga hayop at ilagay kung saan ito
naninirahan. Punan ang tsart.

Sa Lupa
________
_________
Sa Lupa
________ Sa Lupa
at sa
_________
tubig
_________
________
Mga ________
________
Hayop
na
Sa Lupa
nakatira: Sa Tubig
at sa
Tubig ________
_________ _________
Sa Tubig ________
_______
________
_________
________

Gawain 2
Panuto: Tingnan ang mga hayop sa ibaba. Tukuyin ang tirahan ng
mga hayop sa pamamagitan ng paghanay nito sa tamang
lalagyan.

pusa alimango manok buwaya kabayo


palaka
pagong jelly fish baboy hipon

• 1. • 1. • 1.
• 2. • 2. • 2.
• 3. • 3. • 3.
• 4. • 4. • 4.
• 5. • 5. • 5.

Nakatira sa Lupa Nakatira sa Tubig Nakatira sa Lupa


at Tubig

Gawain 3
Panuto: Isulat ang pangalan ng hayop at tukuyin kung saan ito
nakatira.
Halimbawa:

aso nakatira sa lupa

1.

2.

3.
4.

5.

PAGLALAHAT
Gamit ang Ven Diagram, magsulat ng halimbawa ng mga hayop
na nakatira sa lupa, sa tubig, lupa at tubig.

Nakatira sa Lupa Nakatira sa Tubig

Nakatira sa
Lupa at Tubig

PAGPAPAHALAGA

Ang lawa na ito ay kuha sa Palawan. May mainam na pook


tirahan ng mga hayop. Anu-ano kayang mga hayop ang maaaring
matagpuan sa ganitong lugar? Paano mo mapapangalagaan
ang mga pook-tirahan ng mga hayop tulad nito? Isulat ang iyong
sagot sa loob ng kahon.
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________
_______________________________________________________________

PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Isulat ang titik ng tamang sagot.


1. Alin sa pangkat ng mga hayop ang nakatira sa tubig?
A. ibon, pusit, hipon, suso
B. kalabaw, pating, suso, bibe
C. palaka, ahas, buwaya, baka
D. pating, hipon, balyena, jelly fish
2. Saan naninirahan ang iba’t-ibang uri ng isda?
A. sa himpapawid C. sa lupa
B. sa lupa at tubig D. sa tubig

3. Alin sa mga hayop ang maaaring kasama ng mga tao sa


kanilang tahanan?
A. ahas B. buwaya C. kuneho D. elepante
4. Ano ang katangian ng mga hayop na nakatira sa
kagubatan?
A. maamo B. mabangis C. mahina D. maliit
5. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng
pangangalaga sa pook-tirahan ng mga hayop?

A. C.

B. D.
D.

SUSI SA PAGWAWASTO
Amanok
Sbaboy
Tbangus
Oalimango

Sanggunian
Franco, Aurora A. Ed.D., Corona, Leticia T., et al. Exploring The World of Science 3.
Kagawaran ng Edukasyon at Adriana Publishing Co.,Inc.
Pilipinas: Lungsod ng Quezon City, 2014
Coronel, Carmelita C., et al. Exploring and Protecting Our WorLd 3.
Kagawaran ng Edukasyon at Vibal Publishing House, Inc.
Pilipinas: Lungsod ng Quezon City, 2005

https://pixabay.com/images/search/animal/
https://unsplash.com/images/animals
https://www.youtube.com/watch?v=4OlnO0lhQ2E&feature=youtu.be
http://dlrciligan.weebly.com/uploads/5/0/8/0/50800379/mahalin_at_arugain_ang_mga_hay
op.pdf

You might also like