LP Kabesang Tales

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines

Department of Education
Region VI- Western Visayas
Schools Division of Iloilo
BAROTAC VIEJO NATIONAL HIGH SCHOOL
Banghay Aralin sa Filipino 10
I. Layunin ng Pagkatuto
A. Pamantayang Pangninilaman: Naipapamalas ng mag-aaral ang pag-unawa at pagpapahalaga sa nobelang El
Filibusterismo bilang isang obra maestrang pampanitikan.
B. Pamantayan sa Pagganap: Ang mga mag-aaral ay nakapagpapalabas ng makabuluhang photo/video
documentary na magmumungkahi ng solusyon sa isang suliraning panlipunan sa kasalukuyan.
C. Layuning Pampagkatuto
Naibabahagi ang ginawang pagsusuri sa napakinggang buod ng binasang akda batay sa :
pagkamakatotohanan ng mga pangyayari at tunggalian sa kabanata ng mga tauhan (F10PS-IVb-
c-86);
Tiyak na Layunin;
a. Naiuugnay sa kasalukuyang mga pangyayaring napanood sa video clip ang pangyayari sa panahon
ng pagkakasulat ng akda
b. Nabibigyang-puna ang napanood na video na may paksang katulad ng binasang akda.
Mapanuring naihahayag ang damdamin at saloobin tungkol sa kahalagahan ng akda sa sarili,
panlipunan at pandaigdig.
c. Mapanuring naihahayag ang katangian ng pangunahing tauhan bilang; ang ama, anak at miyembro
ng lipunan.

II. Paksang Aralin


Paksa: El Filibusterismo – Kabanata 4: Kabesang Tales
Sanggunian: El Filibusterismo ni Angel Salazar
Kagamitan: mga larawan, video clip, speaker, laptop at projector
Mga Metodong ginamit: 1. Discovery Learning 2. Techonology Base Instruction

III. Pamamaraan ng Pagkatuto


A. Panimulang Gawain
1. Paghahanda:
- Pagkuha ng kanilang Attendance
- Pagsasaayos ng mga mag-aaral upang maghanda sa pagsisimula ng klase.
2. Pagbalik-aral:
a. Tungkol saan ang naging daloy ng kabuuan ng Kabanata natapos?
b. Anong alamat ang isinalaysay ni Padre Florentino?
c. Ano naman ang tinuran ni Padre Salvi? at ng Kapitan ng Barko?

3. Pagganyak:
- Panuto: May mga larawang ipapakita sa mga-aaral na tungkol sa pag-aagawan ng bansang
China at Pilipinas sa West Philippine Sea na may kinalaman sa tema ng kabanatang tatalakayin.

- Mga gabay na tanong;


1. Ano ang masasabi mo sa bawat larawan?
2. Ano ang isyung pinag-uusapan sa mga larawan?
3. Ano ang dahilan bakit nag-aagawan ang Tsina at Pilipinas sa West Philippine Sea?
4. Sa tingin mo, sino ang mas may karapatan sa WPS?

B. Paglinang

A. Gawain (Activity)
- Panuto: Hanapin ang kahulugan ng mga salita sa Hanay A mula sa mga pahayag sa Hanay B at
gamitin ito sa sariling pangungusap.

Hanay A Hanay B

1. Agnos a. sapilitang kunin o ariin


2. Kabesa b. maghimagsik o magrebulosyon
3. Kamkamin c. pinuno ng isang baryo na naniningil ng buwis para sa
pamahalaan
4. Magbangon d. palawit ng kwentas
5. Kaluwalhatian e. maligayang pamumuhay

Pagbibigay ng sariling pangungusap gamit ang salitang binigyang kahulugan.


1. ______________________
2. ______________________
3. ______________________
4. ______________________
5. ______________________

B. Pagsusuri (Analysis)
Retrieval Chart (By Pair)
Panuto: Tukuyin ang Sanhi at Bunga ng mga pangyayaring naganap sa buhay sa Kabesang Tales

Kasawian Ni Kabesang Tales

Sanhi Bunga
1 ____________________________ 1 ____________________________
2 ____________________________ 2 ____________________________
3 ____________________________ 3 ____________________________
4 ____________________________ 4 ____________________________
5 ____________________________ 5 ____________________________

C. Pagtalakay sa Paksa / Paglinang (Abstraction)

- Ang ipaglaban ang karapatan at ang pinaghirapan para sa pamilya ay hindi kailanman magiging
mali bilang isang Ama, Anak at taong may tungkulin sa bayan. Ang pagsusumikap na ginawa ni
Kabesang Tales para sa kanyang pamilya. Ngunit inangkin lamang ng mga prayle ang lupang
kanyang pinaghirapang bungkalin ng kanyang dugo at pawis.

- Mapapanood ng mga mag-aaral ang Kabanata 4; Kabesang Tales sa link


https://youtube.com/watch?v=YSfwQIpsPvw&t=187s at sa karagdagan pang mga
pagpapaliwanag tungkol sa kabanata ay maaaring ma access ang link
https://youtube.com/watch?v=xZ30p8bIlfQ&t=126s

D. Paglalapat (Application)
Panuto: Papangkatin ang mag-aaral sa Anim sa pamamagitan ng pagbibilang mula 1-6. Ang lider ng
pangkat ay pipili ng Task Cards. Bibigyan lamang sila ng sampung (10) minuto para maggawa
ng kanilang gawain at para sa presentasyon ay 3-5 minuto.
Pangkat 1 at 4 Rays Concept Organizer
Pagbuo ng RaysConcept Organizer ng katangian ni Kabesang Tales; bilang Ama, bilang Anak, at
bilang Kabesa de barangay. Pumili ng maaaring maglahad sa klase sa paarang monologo

bilang Ama

KABESANG
TALES bilang Anak

bilang kabesa de barangay

Pangkat 2 at 5 -PICTOMAT
Pagsusuri sa binasang Kabanata batay sa pagkamakatotohanan ng mga pangyayari sa akda at
tunggalian sa katangian ng mga tauhan . Ilahad ito sa klase sa paraang malikhaing pagbigkas.

Ano ang iyong maiisip

Ano ang iyong gagawin


Ano ang iyong mararamdaman

Pangkat 3 at 6 Flow Chart


Pagbuo ng flow chart ng mga mahalagang pangayayari o mga pinagdaanang buhay ni
Kabesang Tales sa kabanata. Maaari itong isadula sa bilang paraan ng paglalahad sa klase

Alternatibong Gawain para sa LSENs:


Pagsasaayos ng tamang proseso sa pagtatanim hanggang sa bebenta (planting to selling).

1. Planting
2. Watering
3. Fertilizing
4. Harvesting
5. Selling
Narito ang pamantayan sa pagbibigay ng grado;
Pamantayan 5 3 2

Higit sa tatlo ang


Naibigay nang buong May isa o dalawang
kakulangan sa
husay ang hinihingi ng kakulangan ang
Nilalaman nilalaman na
takdang paksa sa nilalaman na ipinakita
ipinakita sa
pangkatang gawain. sa pangkatang gawain.
pangkatang gawain

May isa o dalawang Naipamalas ang


Naipamalas nang buong
miyembro ang hindi pagkakaisa ng iilang
miyembro ang
Kooperasyon nagpamalas ng miyembro sa
pagkakaisa sa paggawa
pagkakaisa sa paggawa paggawa ng
ng pangkatang gawain.
ng pangkatang gawain. pangkatang gawain.

Buong husay at
Di gaanong
malikhaing naisagawa at Naisagawa at naipali-
naipaliwanag ang
Presentasyon naipali-wanag ang wanag ang pagkatang
pangkatang gawain
pangkatang gawain sa gawain sa klase.
sa klase
klase.

Natapos ang Natapos ang


pangkatang gawain pangkatang gawain Di natapos ang
Takdang Oras
nang buong husay sa ngunit lumagpas sa pangkatang gawain
loob ng itinakdang oras. takdang oras.

IV. Ebalwasyon
- Panuto: Manood sa telebisyon o youtube ng mga tungkol sa reporma sa lupa na maiugnay sa
kabanata at ihambing gamit ang Venn Diagram ang reporma sa lupa noon at reporma sa lupa sa
kasalukuyan. Maaaring panoorin ang isang halimbawa ng isyung panlipunan sa link na ito:
https://youtube.com/watch?v=3I1H3a8SP_M

Reporma sa Reporma sa
lupa Noon lupa Ngayon

Gabay na tanong:
a. Paano nagbago ang karapatan ng mga magsasaka?
b. Kung si Tales ay nabubuhay sa kasalukuyan, ano kaya ang kanyang naging buhay?

V. Takdang-Aralin
Panuto: Pagnilayan at pagkatapos ay sagutin ang tanong sa loob ng kahon. Isulat ang iyong sagot sa
journal notebook.
Ano ang aral o mensahe na nais ipabatid ng Kabanata 4 na nagkaroon ng tatak
sa iyo na maaari mong magamit sa pang-araw-araw na pamumuhay ?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

You might also like