Ikalawang Markahang Pagsusulit Ap4 2023-2024
Ikalawang Markahang Pagsusulit Ap4 2023-2024
Ikalawang Markahang Pagsusulit Ap4 2023-2024
ARALING PANLIPUNAN 4
Basahin at pag-aralan ang mga sumusunod na tanong. Piliin at isulat ang titik ng tamang sagot sa iyong
sagutang papel.
1. Ang isda at iba pang lamang dagat, mga prutas at gulay at mga pang-agrikulturang
produkto, mga troso, mga mineral, ginto, pilak at tanso, at marami pang iba ay tinatawag
na _______.
A. likas na yaman C. yamang likha ng tao
B. artipisyal na bagay D. lahat ng nabanggit
10. Malaking pakinabang pang-ekonomiko ang mga likas na yaman ng isang bansa.
Alin sa mga sumusunod na gawain ang nagpapakita ng wastong pangangalaga ng
mga ito?
A. pagtapon ng basura sa mga ilog
B. paggamit ng dinamita sa pangingisda
C. pagputol ng malalaki at maliliit na punong kahoy
D.paggamit ng malalaking butas ng lambat sa pangingisda
11. Paano nakatutulong ang mga likas na yaman sa pag-angat ng ating kabuhayan?
A. Ang mga likas na yaman gaya ng enerhiya mula sa bulkan, lakas ng hangin ay
malaking panganib sa kalusugan.
B. Ang mga sakahan ay maaaring gawing subdibisyon, parke o pasyalan.
C. Ang mga produktong nakukuha dito gaya ng mga lamang dagat ay ipinagbibili
ng mataas sa mga dayuhan.
D. Ang mga prutas at gulay at mga produktong pang-agrikultura ay
napagkakakitaang malaki ng ating mga magsasaka.
13. Anong pakinabang pang-ekonomiko ang nakukuha natin sa mga planta ng kuryente
sa pamamagitan ng puwersa ng tubig mula sa Talon ng Maria Cristina, Lawa ng
Caliraya at iba pang anyong tubig.
A . pakinabang sa enerhiya
B. pakinabang sa turismo
C. pakinabang sa kalakal at produkto
D. pakinabang sa mga Overseas Filipino Worker
14. Sa paanong paraan naituturing na pakinabang pang-ekonomiko ang mga lugar tulad
ng Baguio. Tagaytay, Isla ng Boracay at Underground River sa Palawan?
A. Ito ay nagsisilbing atraksiyon sa mga gawaing hindi kapaki-pakinabang
B. Ito ay nagdudulot ng pagdagsa ng mga tao upang doon maninirahan
C. Ito nagbubunga ng unti-unting pagkasira ng kapaligiran.
D. Ito ay nakatutulong sa pagpapasok ng malaking halaga ng dolyar mula sa
mga dayuhang turista.
15. Ang Pilipinas ay sagana sa likas na yaman. Ito ang nagdudulot ng pag-angat sa
antas ng ekonomiya ng bansa. Isa na rito ang pakinabang sa kalakal at produkto.
Alin ang HINDI kabilang sa pangkat ng kalakal at produkto?
A.mga prutas at gulay
B. geothermal energy
C. mga isda at lamang dagat
D. mga troso, mineral at ginto
17. Alin sa mga sumusunod ang maaaring dahilan kung bakit hindi nakakarating ng
sariwa sa palengke ang mga isda at iba pang produkto sa pangingisda?
A. Kakulangan sa pondo ng mga kooperatiba
B. Maliit na bilang ng mga nagtitinda sa palengke
C. Kawatan ng pamasahe sa pagdadala ng mga produkto
D. Sira-sira o hindi maayos na daanan na nagpapabagal ng transportasyon
papuntang merkado o palengke
20. Kung ikaw ay isang Overseas Filipino Worker (OFW), ano kaya ang iyong
magandang pagtuunan ng pansin kung ikaw ay may lupang pansakahan?
A. Magtayo ng kainan o karenderya
B. Mamuhunan ng Buy and Sale
C. Mamuhunan sa pagsasaka at linangin ang mga lupain
D. Ibenta ang lupa para gawing mall o department store
22. Anong paraan ang dapat gawin upang maparami ang ani?
A. Pag- aaral ng paraan sa pagpaparami ng ani
B. Pagtatanim ng mga hybrid na pananim
C. Paggamit ng mga natural na pataba sa lupa
D. Lahat ng nabanggit
24. Sa anong paraan makatutulong ang parnahalaan upang magkaroon ng puhunan ang
mga tao sa kanilang gawaing pangkabuhayan?
A. Pagpapasara sa mga kooperatiba
B. Pagsasawalang-kibo sa mga pangangailangan ng mga tao
C. Pagpapautang ng may napakataas na interes sa mga tao
D. Pagpapahiram ng puhunan ng mga kooperatiba sa mga magsasaka at
mangingisda
28. Anong paraan ang maaaring gawin upang maparami ang ani ng mga magsasaka?
A. pagpapatayo ng mga kooperatiba
B. pagpapautang ng puhunan sa mga magsasaka
C. pagsunod sa programa tungkol sa pagtatanim
D. pagbibigay ng impormasyon at pag-aaral sa tamang paraan ng pagsasaka
29. Ang mga surnusunod ay paraan ng panghuhuli ng isda sa dagat. Isa sa mga ito ay
ang dahilan ng pagkasira ng tahanan ng mga isda sa ilalirn ng dagat. Ain ito?
A. Paggamit ng bingwit sa panghuhuli ng isda
B. Paggamit ng tamang sukat ng lambat sa panghuhuli ng isda
C. Paggamit ng dinamita upang mas maraming isda ang mahuli
D. Paggamit ng underwater sonar at radars sa paghahanap ng isda