Reviewer Sa Retorika
Reviewer Sa Retorika
TAYUTAY
Tinatawag ding patalinghagang pagpapahayag.
Sa pagtatayutay, sadyang lumalayo ang nagpapahayag sa karaniwang paraan ng
pagsasalita upang magawang higit na maganda at kaakit-akit ang kanyang
sinasabi.
Ginagamitan ng talinghaga at di-karaniwang salita o paraan ng pagpapahayag
upang maging kawili-wiling pakinggan ang patayutay na pananalita. Unawaing
mabuti at basahin sa pagitan ng mga taludtod para mahiwatigan ang diwang di-
tuwirang tinutukoy ng mga tayutay.
ALUSYON
Pamamaraang panretorika na gumagamit ng pagtukoy sa isang tao, pook,
katotohanan, kaisipan o pangyayaring iniingatan sa pinakatagong sulok ng alaala ng
isang taong may pinag-aralan. (Bisa at Sayas,1966)