Panitikan NG Rehiyon VI
Panitikan NG Rehiyon VI
Panitikan NG Rehiyon VI
Kurid
Lokasyon at Topograpiya
Ito ay matatagpuan sa kanluran ng Visayas. Mayaman sa lambak, malawak nakapatagan at
masaganang dagat ang mga katangian ng mga lalawigan sa rehiyong ito. Nahahati sa tatlong
kapuluan ang rehiyong ito. Ito ay ang mga isla ng Panay, islang Guimaras at isla ng Negros. Ang
mga lalawigan sa buong rehiyon na ito (maliban saNegros Occidental) ay tinawag bilang
“Piedmont of the Philippines”.
Kasaysayan ng Capiz
Tinawag ito bilang “Seafood Capital of the Philippines” dahil sa dami ng mga “fishponds” na
makikita sa buong lalawigan.Nagmula ang pangalan ng lalawigang ito sasalitang “Kapid” na ibig
sabihin ay “Kambal” sa lokal na dayalekto. Ang Capiz at ang Aklan ay iisang probinsya noon.
Ito’y hanggang sa naghiwalay ang mga ito sa bisa ng “Republic Act 1414” noong Abril 25, 1956
Kasaysayan ng Antique
Ang Antique ay isa sa tatlong dating mga Sakup (mga distrito) ng Panay bago dumatingsa isla
ang mga mananakop na Kastila. Ang Antique ay kilala noon sa ka tawagang Hantik , na
ipinangalan sa malalaki at maiitim na mga langgam na matatagpuan sa isla, na ang tawag ay
hantik-hantik.
Kasaysayan ng Iloilo
Ipinagmamalaki ng Iloilo ang pagiging “Food basket at Rice Granary” ng Rehiyon dahilsa mga
mayabong na lupain at dagat na nagbubunga ng masaganang ani. Ang bigasang pangunahing
tanim sa lalawigan ng Iloilo. Kilala ang mga taga-Iloilo bilang mgaIlonggo at Ilonggo din
ang kanilang wika na pormal na kilala bilang Hiligaynon.Nagsasalita din ng
Hiligaynon o ilonggo ang mga tao mula sa Capiz. Hinggil sakasaysayan nito bilang
isang mahalagang puerto, mga mestizo ang maraming Ilonggo,o mga taong may halong
Kastilang dugo. Kilala ang distrito ng Jaro sa Lungsod ng Iloilosa kanyang buhay na mga
pista.Dito matatagpuan ang isa sa mga tanyag na simbahan sa buong bansa, ang Miag-ao Church
na isa ring “World Heritage Site” ng UNESCO. Capital of the Philippines” Ang lungsod ng Iloilo
ay binigyan ng titulo ng Reyna ng Espanya. Ito ay ang “La Muy Noble Ciudad” (The Most
Noble City sa wikang Ingles).
Kasaysayan ng Guimaras
Ang pulo ng Guimaras na siyang pangunahing pulo ng lalawigan ang bumubuo sa 98bahagdan
ng kabuuang kalupaan nito. Binubuo ang lalawigan ng pangunahing pulo ngGuimaras at ilan
pang maliliit na mga pulo sa baybayin nito. “Mango Capital of the Philippines” kilala sa
kanilang malalaki at matatamis namangga.
Panitikan ng Rehiyon VI
Hiligaynon-ang wikang IloIlo, Antique, Panay, Capiz, Negros at Aklan
Mga Dayalekto-Ilonggo sa IloIlo, ‘Hinaraya sa Antique’ Aklanon sa Aklan’
Hinilawod
-Ay ang pinakamahabang epikong Panay bukod sa Maragtas, Haraya at Lagda
-ang mga katutubo sa Panay ay mayroon ding Masay na tinutula sa kanilang sayaw na ati-atihan
Mariano Perfecto
-ang unang sumulat ng pasyin sa Hiligaynon noong 1884
-dahil dito nabahiran ng Kristianismo ang panitikang Hiligaynon
Eriberto Gumban
-Kinikilalang ama ng Panitikang Bisaya
- ay kinikilalang manunulat ng moro-moro at nitong huli ay may tula ng kagandahang asal,
napapanuod sa mga sarswela
Magdalena Jalandoni
-ang nag-uso ng tulang may malayang taludturan ng Hiligaynon
-Kinilalang pinakapopular na manunulat sa panahong ito si Jalandoni sa akda niyang
tumatalakay ng mga uri sa Lipunan ay naka-banghay sa pag-ibig
Lagda-ay isa lamang kalipunan ng mga tuntunin ukol sa mabuting pagtupad sa tungkulin sa
pahamalaan na napapaloob sa mga salaysayin at mga pangyayari
Haraya- ay katipuan ng mga tuntunin ng kabutihang asal at ng mga salaysay ng
paghahalimbawa ng nasabing tuntunin. Hindi rin ito epiko sapagkat hindi rin nakasulat nang
patula
Maragtas- sapagkat hindi rin ito nakasulat nang patula o inaawit kaya. Nakasulat lamang ito sa
matandang titik. Pilipino na walang tiyak na sumulat.
Hinilawod
-Itinuturing ito pinakamatanda at pinakamahabang epiko ng Panay
-Binubuo ito ng 18 salaysay at ang bawat kuwento ay kumakatawan sa tatlong henersayon
-Kasaysayan ito ng pag-iibigan ng mga bathala ng mga unang naninirahan sa IloIlo, Aklan at
Antique
Awit - awit ay isang uri ng literaturang Pilipino na kung saan ang bawat taludtodo linya ay
naglalayong magsaad ng isang kwento, karanasan, aral, opagmamahal sa isang tao,
bagay, o hayop. Ito ay nilalapatan ng himig at tunogupang mas maging kaaaya ayang pakinggan
o basahin
Halimbawa:
Sabi – tula at awit
Ambahan – talata
Balak – makatang diskusyon sa pagitan ng babae at lalaki
Tara – awit na pampalayas ng masamang espirito
Udoy – pang-aliw sa mga taong galit
Umay – pang-aliw sa taong iniibig
Daraida - nagbibigay payo
Daragilon – pumupuna sa katayuan ng isang tao; (Quartero)
Gaday – binibigkas sa pagtitipon ng mga pamayanan
Nobela
Inilalahad sa nobela o kathambuhay ang kawil- kawil na mga pangyayari sabuhay ng mga
tauhan. Ang mga kawil- kawil na pangyayaring ito ang siyangbumubuo naman ng isang tiyak na
pangyayaring ito ang siyang bumubuo namansa isang tiyak na balangkas.
Halimbawa: Benjamin ni Angel M. Magahum noong 1907.