Quiz 1

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Pagtataya Blg.

1
FILIPINO 8

Pangalan:________________________________________ Taon at Pangkat:__________ Iskor:____

PANGKALAHATANG PANUTO: Bilugan ang letra ng wastong sagot sa bawat bilang.


1. Tawag sa mga salitang eupemistiko, patayutay o idyomatiko na ginagamit upang maging maganda ang paraan ng
pagpapahayag.
a. bugtong b. kasabihan c. salawikain d. sawikain
2. Ang mga sumusunod ay halimbawa ng karunungang-bayan maliban sa?
a. alamat b. bugtong c. kasabihan d. salawikain
3. Ito ang mga butil ng karunungan na nagsilbing batas o tuntunin ng kagandahang-asal ng ating mga ninuno.
a. bugtong b. kasabihan c. salawikain d. sawikain
4. Alin sa mga sumusunod ang hindi nagpapakita ng katangian ng karunungang-bayan?
a. Ito ay sumasalamin sa iba’t ibang karanasan ng mga tao na nasa iisang kultura.
b. Ginagamitan ito ng malalalim at matatalinghagang salita upang mapatalas ang kaisipan.
c. Ito ay isang uri ng sining at panitikan na kilala sa malayang paggamit ng wika sa iba't ibang anyo at estilo.
d. Ito ay hango sa karanasan ng mga matatanda at nagbibigay ng payo tungkol sa kagandahang asal at mga paalala.
5. Tawag sa isang sangay ng panitikan na nagpapahayag ng mga kaisipan at paniniwala. Ito ay sumasalamin sa iba’t
ibang karanasan ng mga tao na nasa iisang kultura. a. Eupemismo b. Karunungang-bayan c .Kwentong-
bayan d. Mitolohiya
6. Ang pahayag na, “Nagtanim ako ng isip, sa ilalim ng tubig, Daho’y makikitid, bunga’y matutulis”, ay isang
halimbawa ng?
a. bugtong b. kasabihan c. salawikain d. sawikain
7. Ang pangungusap na, “Paborito ni Lolo Arsenio si Anthony sa pagiging makapal na palad nito”, ay isang halimbawa
ng?
a. bugtong b. kasabihan c. salawikain d. sawikain
8. Sinasabing ang kasabihan ay tahasan at payak ang pagpapakahulugan. Hindi ito gumagamit ng mga talinghaga.
Alin sa mga sumusunod ang hindi nagtataglay ng katangiang ito?
a. May tainga ang lupa, may pakpak ang balita.
b. Ang mabuting ugali, masaganang buhay ang sukli
c. Kapag makitid ang kumot, matuto kang mamaluktot
d. Ang batang malinis sa katawan, ay malayo sa karamdaman.
9. Ibigay ang kahulugan ng nasalungguhitang salita sa pangungusap na “Kapag halang ang bituka ng pinuno,
nagiging diktadurya ang sistema dahil gusto niya sunod-sunuran ang lahat sa kanya.”
a. magnanakaw b. magulang c. masamang tao d. malikot amg isip
10. Parang lantang gulay ang inay noong dumating siya sa bahay galing sa pag-lalabada. Ano ang kahulugan ng
salitang may salungguhit?
a. Siya ay malakas na tao c. Siya ay hindi kumakain ng gulay
b. Siya ay sobrang pagod. d. Siya ay may pinagdaraanan sa buhay.
11. Alin sa mga sumusunod ang halimbawa ng isang bugtong?
a. Ang katamaran ay kapatid ng kagutuman.
b. Kaya matibay ang walis, palibhasa’y nagbibigkis
c. Sa panahon ng kagipitan, nakikita ang kaibigan.
d. Nang sumipot sa maliwanag, kulubot na ang balat.
12. Si Jackie ay itinuturing na itim na tupa sa kanilang pamilya batay sa may salungguhit na salita, paano mo ito
bibigyan ng interpretasyon?
a. Si Jackie ay matulunging anak sa kanilang pamilya.
b. Si Jackie ay mahilig mag alaga ng tupa na kulay itim.
c. Si Jackie ay masiyahing anak sa kanilang pamilya
d. Si Jackie ay palasagot at matigas ang ulo sa kanyang magulang.
13. Ang mga kuwento ni Anton ay " hubad sa katotohan". Ito ay nangangahulugang ang mga kuwento ni Adam ay
a. hindi totoo c. kapani-paniwala
b. walang basehan d. walang kasiguruhan
14. Alin sa mga pangungusap ang nagpapakita ng wastong paggamit ng sawikaing “makapal ang palad”?
a. Masakit na sampal ang natanggap niya dahil sa makapal na palad ni Rosie.
b. Ang makapal na palad niya ang ginamit niya sa pagtatanim ng mga halaman.
c. Dahil sa pagsusulit nila Keisha noong Biyernes, naging makapal ang kanyang palad.
d. Madaling nalutas ang problema ng pamilya ni Lino dahil makapal ang palad ng bawat isa.
15. Piliin ang angkop na mensahe sa salawikain na “Ang hindi lumingon sa pinanggalingan , Hindi makakarating sa
paroroonan”.
a. paggunita sa nakaraan c. paglingon sa pinagdaanan
b. pagbalik sa pinanggalingan d. pagtanaw ng utang ng loob
16. Alin sa mga bugtong na nabanggit ang may sagot na “isang prutas na mayaman sa bitamina C”?
a. Ate mo, ate ko, ate ng lahat ng tao.
b. Isang pamalu-palo, libot na libot ng ginto.
c. Nakayuko ang reyna, di nalalaglag ang korona.
d. Heto na ang magkapatid, nag-uunahang pumanhik.
17. Nagbigay ng proyekto ang guro para sa unang quarter. Ang grupo ni Tina ang napiling mauna sa pagpresinta ng
kanilang proyekto. Kinausap ni Tina ang kanyang mga kagrupo na magkita-kita pagkatapos ng klase. Lahat ng
kanyang kagrupo ay nabigyan ng pagkakataon na tumulong upang matapos ng maayos ang kanilang gawain. Anong
salawikain ang ipinakita sa sitwasyon?
a. Nasa Diyos ang awa, nasa tao ang gawa
b. Kaya matibay ang walis, palibhasa’y nagbibigkis.
c. Sa paghahangad ng kagitna, isang salop ang nawala.
d. Sa panahon ng kagipitan, nakikita ang kaibigan.
18. Si Bernard ay kinatatakutan sa kanilang paaralan. Pang-aasar at paninira ng gamit ng kaniyang mga kaklase
ay normal na niyang gawain. Minsan ay inaagawan niya ng pagkain ang mga kaklase lalo kung wala siyang baon.
Pag-uwi sa bahay ay madadatnan niyang lasing ang ama, magulo ang loob ng kanilang bahay at may pasa sa
mukha ang kaniyang ina. Anong kasabihan ang ipinakikita sa sitwasyon?
a. Lahat ng gubat ay may ahas
b. Kung ano ang puno, siya ang bunga
c. Ang maniwala sa sabi-sabi, walang bait sarili.
d. Ang mabigat ay gumagaan kapag nagtutulungan.
19. Si Venus ay kinaiingitan ng kanyang mga kaibigan dahil bukod sa maganda na ay mayaman pa. Ang kanyang
mga guro ay wala rin naming masabi dahil matalino at di rin naman pahuhuli sa klase. Ngunit sa kanilang tahanan
ay kabaligtaran ang ugaling ipinapakita. Madalas niyang sagot-sagutin ang kanyang mga magulang. Kahit
magligpit ng kanyang hinigaan ay di niya magawa. Anong kasabihan ang ipinapakita sa sitwasyon?
a. “Kung hindi uukol, hindi bubukol." c. "Walang lihim na hindi nabubunyag."
b. “Hindi lahat ng kumikinang ay ginto” d. “Ang taong nagigipit, sa patalim kumakapit."
20.” Anak matuto kang mamuhay ng ayon sa iyong kinikita. Huwag kang waldas lalo na at hindi sapat ang pera mo
para sa mga luho mo”. Anong salawikain ang naaayon sa pahayag?
a. Saan mang gubat ay may ahas
b. Tulak ng bibig, kabig ng dibdib
c. “Pag dinaan sa tiyaga, Maabot din ang nasa
d. Habang maiksi ang kumot, matuto munang mamaluktot

You might also like