Pretest-Filipino - 085650 (1) - 075046

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

LARUANG DYIP

Araw na ng Sabado. Kausap ni Romy ang kaibigang si Bert. Gusto nilang maglaro, pero
pareho silang walang dalang laruan.
“Alam ko na! Gumawa tayo ng laruang dyip,” naisip ni Romy.

“Paano?” tanong ni Bert.


“Ihanda muna natin ang mga takip ng bote o tansan para sa gulong. Pagkatapos, kailangan
nating maghanap ng kahon ng posporo para sa katawan. Manghingi naman tayo ng
kapirasong tela kay Nanay para sa upuan,” paliwanag ni Rom.
“Paano kaya ito tatakbo, kahit walang baterya?” tanong ni Bert.
“E, di talian natin at hilahin,” sagot ni Romy.

Level: grade 3
Bilang ng mga kataga:92

Mga Tanong:
Sino ang magkaibigan? (Literal)
a. Romy at Bert
b. Remy at Betty
c. Ronald at Ben

2. Ano ang gusto nilang buuin? (Paghinuha)


a. laruang kahon
b. laruang sasakyan
c. laruang telepono

3. Anong salita sa kuwento ang may ibig sabihin na maliit na bahagi? (Paghinuha)
a. kailangan
b. kapiraso
c. tansan

4. Bakit gusto nilang gumawa ng laruan? (Literal)


a. Wala silang laruan.
b. Gumaya sila sa kaklase.
c. Nainggit sila sa mga kalaro.

5. Ano ang mga ginamit nila upang buuin ang laruan? (Paghinuha)

a. mga lumang laruan


b. mga nakita nila sa halamanan
c. mga gamit na maaari nang ibasura

6. Anong katangian ang ipinakita ni Romy? (Pagsusuri)


a. masipag
b. malikhain
c. maalalahani
GALING SA JAPAN
Sabik na sabik na si Jose. Darating na kasi ang Nanay niyang si Aling Malou.
Dalawang taon ding nawala si Aling Malou. Galing siya sa Japan.
Sumama si Jose sa Tatay niya sa paliparan. Hiniram nila ang lumang jeep ni Tito
Boy para makapunta roon. Susunduin nila si Aling Malou.
Pagdating sa paliparan, naghintay pa sila. Hindi pa kasi dumarating ang
eroplanong sinakyan ni Aling Malou. Hindi nagtagal, may narinig na tinig si
Jose.
“Jose! Lito!” malakas na sigaw ni Aling Malou nang makita ang magama.
“Inay!” sigaw din ni Jose, sabay takbo nang mabilis palapit kay Aling Malou.

“Marami akong pasalubong sa iyo, anak,” simula ni Aling Malou. “May jacket,
bag, damit at laruan.”
“Salamat, ‘Nay,” sagot ni Jose. “Pero ang mas gusto ko po, nandito ka na!
Kasama ka na namin uli!”

Level: Grade 4
Bilang ng mga salita: 134
______________________________________________________________________________

MGA TANONG:
1. Sino ang darating sa paliparan? (Literal)

a. si Jose
b. si Tito Boy
c. si Aling Malou

2. Ilang taon sa Japan si Aling Malou? (Literal)

a. dalawa
b. lima
c. isa

3. Ano kaya ang ginawa ni Aling Malou sa Japan? (Pagsusuri)

a. nagbakasyon
b. nagtrabaho
c. namasyal
4. Ano kaya ang naramdaman ni Jose habang naghihintay sa pagdating ng
nanay niya? (Paghinuha)

a. nasasabik
b. naiinip
c. naiinis

5. Bakit kaya maraming pasalubong si Aling Malou kay Jose?


(Pagsusuri)

a. gusto niyang iparamdam ang kanyang pagmamahal


b. gusto niyang gastusin at gamitin ang kanyang pera
c. hindi niya gusto ang mga gamit dito sa Pilipinas

6. Ano ang kahulugan ng sinabi ni Jose na “Salamat, ‘Nay. Pero ang mas
gusto ko po, nandito ka na! Kasama ka na namin uli!” (Paghinuha)

a. ayaw niya ng mga binigay na pasalubong


b. di niya kailangan ng mga laruan, damit at bag
c. higit na mahalaga si Nanay kaysa pasalubong
AMA NG WIKANG PAMBANSA

Si Manuel Quezon ay isang masigla at masipag na lider. Anumang gawaing


ninanais niya ay isinasakatuparan niya agad. Ayaw niya na may masayang na
panahon dahil naniniwala siya na ang oras ay ginto. Mahalaga ang bawat
sandali kaya’t hindi niya ito inaaksaya. Ayon sa kanya, ang magagawa ngayon
ay hindi na dapat ipagpabukas pa.

Naging kawal siya noong panahon ng himagsikan. Naging gobernador din siya,
at matapos nito ay naging senador. Naging kinatawan pa siya ng Pilipinas sa
Washington, United States of America. Si Quezon ay mahusay sa batas dahil siya
ay isang abogado. Di nagtagal, siya ay naging pangulo ng Senado ng Pilipinas
at nahalal na pangulo ng Komonwelt o ng Malasariling Pamahalaan noon.

Sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng Katarungang Panlipunan, binigyan


niya ng pantay na pagpapahalaga ang mahihirap at mayayaman. Si Quezon
din ang nagpasimula sa pagkakaroon natin ng pambansang wika. Kung hindi
dahil sa kanya, walang isang wika na magbubuklod sa lahat ng Pilipino. Dahil
dito, siya ay tinawag na “Ama ng Wikang Pambansa.”

Level: Grade 5
Bilang ng mga salita: 167
______________________________________________________________________________

MGA TANONG:

1. Sino ang Ama ng Wikang Pambansa? (Literal)


a. Andres Bonifacio
b. Diosdado Macapagal
c. Jose Rizal
d. Manuel Quezon

2. Bakit siya tinawag na Ama ng Wikang Pambansa? (Literal)


a. Tinuruan niyang magsalita ng Filipino ang mga tao.
b. Kilala siya sa pagiging magaling magsalita ng Filipino.
c. Sinimulan niya ang pagkakaroon ng pambansang wika.
d. Hinimok niya ang mga Filipino na isa lamang ang gamiting wika.

3. Alin sa sumusunod ang mga naging trabaho ni Quezon? (Literal)

a. guro, doktor, abogado


b. senador, modelo, kawal
c. alkalde, kongresista, pangulo
d. abogado, gobernador, senador
4. Bakit kaya niya sinabing ang magagawa ngayon ay hindi na dapat
ipagpabukas pa? (Pagsusuri)

a. Madali siyang mainip, kaya dapat tapusin agad ang gawain.


b. Pinapahalagahan niya ang oras, kaya hindi ito dapat sayangin.
c. Marami siyang ginagawa, kaya kailangang sundin ang iskedyul.
d. Lagi siyang nagmamadali, kaya hindi dapat nahuhuli sa
gawain.

5. Alin sa sumusunod ang nagpapakita na makamahirap si Quezon?


(Paghinuha)

a. Tumira siya sa bahay ng mahihirap.


b. Binibigyan niya ng pera ang mahihirap.
c. Pinatupad niya ang Katarungang Panlipunan.
d. Iba ang tingin niya sa mahihirap at mayayaman.

6. Sa pangungusap na “Naging kawal siya noong panahon ng himagsikan,”


ano ang iba pang kahulugan ng salitang kawal? (Paghinuha)

a. bayani
b. doktor
c. manunulat
d. sundalo

7. Anong uri ng seleksyon ang binasa mo? (Pagsusuri)

a. alamat
b. kuwentong-bayan
c. pabula
d. talambuhay
Puno Pa Rin ng Buhay

Sa kapaligiran ng bansang Pilipinas, marami ang makikitang punong niyog. Kahit saang
panig ng bansa, may mga produktong ibinebenta na galing sa puno ng niyog.

Ang niyog ay tinaguriang puno ng buhay. Ang mga bahagi nito mula ugat hanggang dahon
ay napakikinabangan. Ang laman ng niyog ay ginagawang buko salad, buko pie at
minatamis. Ginagamit rin ito bilang sangkap sa paggawa ng arina, mantikilya, sabon,
krudong langis, at iba pa.

Natuklasan ni Dr. Eufemio Macalalag, Jr., isang urologist na ang paginom ng sabaw ng buko
araw-araw ay nakatutulong sa kidney ng isang tao. Nadiskubre rin niya na nakatutulong ang
araw-araw na pag-inom nito para maiwasan ang pagkabuo ng bato sa daanan ng ihi
(urinary tract). Ginagamit din itong pamalit ng dextrose.

Natuklasan pa na mas maraming protina ang nakukuha sa gata ng niyog kaysa sa gatas ng
baka. May 2.08 porsiyento ng protina ang gata samantalang 1.63 porsyento lamang ang sa
gatas ng baka. Ang langis ng niyog ay nagagamit din bilang preservative, lubricant,
pamahid sa anit, at iba pa.

Ang bulaklak ng niyog ay ginagawang suka at alak. Ang ubod naman ay ginagawang
atsara, sariwang lumpiya, at panghalo sa mga lutuing karne o lamang dagat. Pati ang ugat
nito ay ginagamit pang panlunas sa iba’t ibang karamdaman.

Level: Grade 6
Bilang ng mga salita: 209
__________________________________________________________________________________________

Mga Tanong:

1. Ano ang tinaguriang puno ng buhay? (Literal)

a. puno ng buko
b. puno ng narra
c. puno ng niyog
d. puno ng mangga

2. Alin sa sumusunod ang HINDI maaaring gawin sa laman ng niyog? (Literal)

a. kendi
b. buko pie
c. dextrose
d. minatamis
3. Ilang porsiyento ng protina ang makukuha sa gata ng niyog? (Literal)

a. 1.63
b. 2.08
c. 2.9
d. 3.0

4. Sa anong bahagi ng katawan nakabubuti ang pag-inom ng sabaw ng buko/niyog?


(Paghinuha)

a. atay
b. baga
c. kidney
d. puso

5. Bakit mas mainam ang gata ng niyog kaysa gatas ng baka? (Paghinuha)

a. Mas masarap ito.


b. Mas mura ang niyog kaysa gatas.
c. Mas maraming pagkukuhanan ng niyog.
d. Mas maraming protina ang nakukuha rito.

6. Bakit tinaguriang puno ng buhay ang puno ng niyog? (Paghinuha)

a. Hanapbuhay ng maraming tao ang pagtatanim ng niyog.


b. Maraming nagbebenta ng produkto ng niyog.
c. Marami ang pakinabang sa niyog.
d. Marami ang niyog sa Pilipinas.

7. Ano ang tinitingnan ng isang urologist? (Pagsusuri)

a. ugat ng tao
b. dugo at atay
c. puso at dugo
d. urinary tract

8. Ano ang layunin ng sumulat ng seleksyon? (Pagsusuri)

a. Nais nitong hikayatin ang tao na magtanim ng puno ng niyog.


b. Gusto nitong ipaalam ang iba't ibang gamit ng niyog.
c. Hangad nitong magbenta tayo ng produkto ng niyog.
d. Nais nitong magbigay ng ikabubuhay ng tao.
TALAMBUHAY NI BENIGNO AQUINO JR.

Si Benigno Aquino Jr. o kilalang si Ninoy Aquino ay ipinanganak noong Nobyembre 27, 1932
sa Concepcion, Tarlac. Kumuha siya ng Law sa Unibersidad ng Pilipinas ngunit tumigil siya at
sa halip ay kumuha siya ng Journalism. Pinakasalan niya si Corazon Aquino at nagkaroon sila
ng limang anak. Siya ay naging alkalde ng Concepcion, Tarlac at pinakabatang
bisegobernador ng Tarlac. Sa edad na 34, nahalal siya bilang senador.

Siya ay naging mahigpit na kritiko ni Pangulong Marcos at ng asawa nitong si Imelda Marcos.
Kilala siyang kalaban ni Pangulong Marcos tuwing halalan. Nang ideklara ang Martial Law, si
Benigno Aquino ang isa sa mga unang dinampot ng militar upang ikulong.

Noong 1980, siya ay inatake sa puso at kinailangang operahan. Pinayagan siya ni Imelda
Marcos na lumabas ng bansa para magpagamot sa kundisyong siya ay babalik at hindi
magsasalita laban sa pamahalaan ni Marcos. Si Aquino ay namalagi sa Estados Unidos ng
tatlong taon. Dahil sa balitang lumalalang sakit ni Pangulong Marcos, ipinasya ni Aquino na
umuwi upang bigyan ng pag-asa ang mga taong naghahangad ng pagbabago sa
pamahalaan.

Noong Agosto 21, 1983, bumalik siya sa Maynila subalit sa paliparan pa lang ay binaril siya sa
ulo. Ang libing ni Ninoy Aquino ay nagsimula ng ika-9 ng umaga hanggang ika-9 ng gabi.
Mahigit dalawang milyong tao ang nag-abang sa pagdaan ng karosa ng kabaong ni Ninoy
papunta sa Manila Memorial Park.
__________________________________________________________________________________________

Level: Grade 7
Bilang ng mga salita: 232
__________________________________________________________________________________________

Mga Tanong:

1. Saan ipinanganak si Ninoy Aquino? (Literal)

a. Tarlac, Tarlac
b. Capas, Tarlac
c. Camiling, Tarlac
d. Concepcion, Tarlac

2. Alin sa sumusunod ang naging posisyon sa pamahalaan ni Ninoy Aquino? (Literal)

a. presidente, bise-presidente, senador


b. konsehal, kongresista, gobernador
c. alkalde, bise-gobernador, senador
d. bise-alkalde, konsehal, pangulo
3. Sinabi sa talata na si Ninoy Aquino ang mahigpit na kritiko ni Pangulong Marcos. Ano
ang ginagawa ng isang kritiko? (Paghinuha)

a. nakikipag-away
b. nag-iisip ng paghiganti
c. nagsasabi ng mga puna
d. nagpaplano ng ganti

4. Kung pangulo ng Pilipinas ang maaaring magpahayag ng martial law, sino kaya ang
nagdeklara nito noong panahong iyon? (Paghinuha)

a. Cory Aquino
b. Fidel Ramos
c. Imelda Marcos
d. Ferdinand Marcos

5. Bakit kaya ipinadampot si Ninoy Aquino noong martial law? (Paghinuha)

a. May inaway na alkalde si Ninoy Aquino.


b. May galit si Marcos sa pamilya ni Aquino.
c. Nahuli si Aquino na nagnanakaw sa pamahalaan.
d. Bawal kalabanin ang pangulo noong martial law.

6. Ano ang katangiang ipinakita ni Ninoy Aquino? (Pagsusuri)

a. maalalahanin
b. magalang
c. makabayan
d. mapagtiis

7. Bakit kaya marami ang nakiramay sa kamatayan ni Ninoy Aquino? (Pagsusuri)

a. Isa siyang batang senador.


b. Naawa sila sa pamilya ni Aquino.
c. Pagmamahal sa bayan ang ipinakita niya.
d. Gusto ng mga taong makakita ng mga pulitiko.

8. Ano ang damdamin na iniwan ni Ninoy Aquino sa mga Pilipino? (Pagsusuri)

a. kasabikan
b. pag-asa
c. pagkatalo
d. pagkatakot
Key to Correction:
Graded Passages in in Filipino Pre-Test
(Set D)

Gr. 4 Gr. 5 Gr. 6 Gr. 7


Galing sa Ama ng Puno pa Talambuhay
Japan Wikang rin ng ni Benigno
Pambansa Buhay Aquino Jr
1. c 1. d 1. c 1. d
2. a 2. c 2. c 2. c
3. b 3. d 3. b 3. c
4. a 4. b 4. c 4. d
5. a 5. c 5. d 5. d
6. c 6. d 6. c 6. c
7. d 7. d 7. c
8. b 8. b

You might also like