Download as DOCX, PDF, TXT or read online from Scribd
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3
ANG PANUNUMPA NG SCOUT
Sa ngalan ng aking dangal ay gagawín ko ang buóng
makakaya;Upang tumupád sa aking tungkulin sa Diyós at sa aking Bayan, ang Republiká ng Pilipinas at sumunód sa Batás ng Iskawt;Tumulong sa ibáng tao sa lahát ngpagkakataón;Pamalagiing malakás ang aking katawán, gisíng ang isipan at marangál ang asal
The Scout Oath (English)
On My Honor I will do my best; to do my duty to God and my
country, the Republic of the Philippines and to obey the Scout Law; to help other people at all times to keep myself physically strong, mentally awake and morally straight. 3 kandila, sumisimbulo sa 3 katungkulin ng isang scouts
1. Sa Diyos at Sa Bayan -May takot at pananalig sa poong maykapal
at binibigay ang pagalang at pagmamahal sa inang bayan.
2. Sa Tao - Nakikisalamuha,nakikisama at may respeto at malasakit
sa isat-isa.
3. Sa Kalikasanan - Pinapangalagaan at iniingatan ang mga likas na
yaman loob ng may kapal.
12 na kandila, sumisimbulo sa 12 na batas ng scouts.
1. Ang Scout ay Mapagkakatiwalaan. Ang Scout ay nagsasabi ng
katotohanan. Tumutupad siya sa kanyang mga pangako.
2. Ang Scout ay Matapat. Ang Scout ay matapat sa kanyang
pamilya, mga kaibigan, mga pinuno sa Scouting, sa paaralan at sa bayan.
3. Ang Scout ay Matulungin. Ang scout ay may kalinga sa ibang
tao. Nagsisikap siyang makatulong sa iba na hindi naghihintay ng kabayaran o pabuya.
4. Ang Scout ay Mapagkaibigan. Ang Scout ay kaibigan ng lahat.
Itinuturing niyang kapatid ang kanyang mga kapwa Scout.
5. Ang Scout ay Magalang. Ang Scout ay magalang sa sinuman ano
pa man ang gulang nito o katayuan.
6. Ang Scout ay Mabait. Ang Scout ay nakakaunawa na may
angking lakas ang pagiging mabait.
7. Ang Scout ay Masunurin. Ang Scout ay sumusunod sa mga
alituntunin ng kanyang pamilya, paaralan at tropa.
8. Ang Scout ay Masaya. Ang Scout ay nagsisikap tumingin sa
maaliwalas na bahagi ng buhay. Masaya niyang ginagampanan ang mga naiatang sa kanyang mga tungkulin. 9. Ang Scout ay Matipid. Ang Scout ay gumagawa upang matustusan ang kayang sarili at upang makatulong sa iba. Nagiimpok siya para sa hinaharap.
10. Ang Scout ay Matapang. Ang Scout ay may lakas ng loob na
humarap sa panganib kahit may taglay siyang pangamba. Siya ay naninindigan sa mga inaakala niyang tama at matuwid. sa
11. Ang Scout ay Malinis. Ang Scout ay pinapanatiling malinis ang
kanyang katawan at kaisipan. Siya ay sumasama sa mga taong may ganito ring panuntunan.
12. Ang Scout ay Maka-Diyos. Ang Scout ay mapitagan sa Diyos.
Tinutupad niya ang kanyang mga tungkulin ng kanyang pananampalataya.