Mapeh 5 P.E. Q2 Las 2

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 9

5

Activity Sheet sa MAPEH-5


(PHYSICAL EDUCATION)
Quarter 2 –MELC 2
Pag-obserba sa mga Panuntunang
Pangkaligtasan

REGIONVI – WESTERNVISAYAS
MAPEH-5 (Physical Education)
Learning Activity Sheet (LAS)
Unang Edisyon, 2020

Inilimbag sa Pilipinas
Ng Kagawaran ng Edukasyon,
Rehiyon 6 – Kanlurang Visayas
Duran St., Iloilo City

Isinasaad ng Batas Republika 8293, seksiyon 176 na “Hindi maaaring


magkaroon ng karapatang-ari (sipi) sa anumang akda ang Pamahalaan ng
Pilipinas. Gayunpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan
ng pamahalaan na naghanda ng gawain kung ito’y pagkakakitaan. Kabilang sa
mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng
kaukulang bayad.”

Ang MAPEH-5 (Physical Education) Learning Activity Sheet (LAS) na


ito ay inilimbag upang magamit ng mga Paaralan sa Rehiyon 6 -
KanlurangVisayas,

Walang bahagi ng aklat na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anumang


porma nang walang pahintulot sa Kagawaran ng Edukasyon, Rehiyon 6- Kanlurang
Visayas.

Bumuo sa Pagsusulat ng Learning Activity Sheet


Manunulat: Gretchen S. Bermillo
Editor: Eden A. Ariola
Tagasuri: Ma. Glynda T. Sobrevilla
Tagaguhit: Gretchen S. Bermillo
Tagalapat: Shiela M. Duran

Division of Bacolod City Management Team:


Gladys Amylaine D. Sales
Michell L. Acoyong
Janalyn B. Navarro
Eden A. Ariola
Ellen G. De La Cruz

Regional Management Team:


Ma. Gemma M. Ledesma
Josilyn S. Solana
Elena P. Gonzaga
Donald T. Genine
Athea V. Landar
MABUHAY!
Ang MAPEH-5 (Physical Education) Learning Activity Sheet (LAS) na ito
ay nabuo sa pamamagitan ng sama-samang pagtutulungan ng Division of Bacolod
City sa pakikipagtulungan ng Kagawaran gn Edukasyon, Region 6 – Kanlurang
Visayas sa pakikipag-ugnayan ng Curriculum Implimentation Division (CID).
Inihanda ito upang maging gabay ng learning facilitator, na matulungan ang ating
mga mag-aaral na makamtan ang mga inaasahang kompetensi na inilaan ng
Kurikulum ng K to 12.
Layunin ng LAS na ito na gabayan ang ating mga mag-aaral na
mapagtagumpayan nilang masagot ang mga nakahanay na mga gawain ayon sa
kani- kanilang kakayahan at laang oras. Ito ay naglalayon ding makalinang ng isang
buo at ganap na Filipino na may kapaki-pakinabang na literasi habang isinasaalang-
alang ang kani-kanilang pangangailangan at sitwasyon.

Para sa mga tagatulong ng pagkatuto:

Ang MAPEH-5(Physical Education) Learning Activity Sheet (LAS) na ito


ay binuo upang matugunan ang pangangailangan ng ating mga mag-aaral sa larang
ng edukasyon, na patuloy ang kanilang pagkatuto kahit na sila ay nasa kanikanilang
mga tahanan o saan mang bahagi ng learning center sa kanilang komunidad.
Bilang mga learning facilitator, siguraduhing naging malinaw ang mga panuto
sa mga gawaing iniatas sa kanila. Inaasahan din na patuloy nating masubaybayan
ang pag- unlad ng mga mag-aaral (learner’s progress).

Para sa mga mag-aaral:

Ang MAPEH-5 (Physical Education) Learning Activity Sheet na ito ay


binuo upang matulungan ka, na mapatuloy ang iyong pagkatuto kahit na wala ka
ngayon sa iyong paaralan. Pangunahing layunin ng LAS na ito na mabigyan ka ng
makahulugan at makabuluhang mga gawain. Bilang aktibong mag-aaral, unawain
nang mabuti ang mga panuto ng bawat gawain.
Kwarter 2, Linggo 2

Learning Activity Sheets (LAS) No. 2

Pangalan ng Mag-aaral_______________ Grado at Seksiyon:_____________

Petsa: ________________________________

GAWAING PAMPAGKATUTO SA MAPEH-5 (P.E.)

Pag-obserba sa mga Panuntunang Pangkaligtasan

I. Kasanayang Pampagkatuto at Koda

1. Pag-obserba sa mga Panuntunang Pangkaligtasan (PE5PF-Ib-h-18)


II. Panimula

Sa araling ito, gagawin mo ang iba’t ibang aktibidad na makatutulong sa pag-


unawa sa tinatawag na Invasion Game. Matututuhan mo rin ang mga mahahalagang
kagandahang-asal sa paglalaro ng Invasion game at pakikisama sa ibang tao.
Mahalagang bahagi ng araling ito ang pagtalakay sa mga panuntunang
pangkaligtasan na dapat sundin upang makaiwas sa mga sakuna habang naglalaro.
Ang kaibahan ng Target game sa Invasion game:
TARGET GAME-ay uri ng laro kung saan ang manlalaro ay sumusubok na
ihagis, i-slide, i-swing ang isang bagay upang maabot ang isa pang bagay at
madala ito sa isang itinalagang lugar.

Halimbawa:

Golf Bowling TumbangPreso Batuhang Bola

INVASION GAME- ang layunin ng larong ito ay ang malusob ang


teritoryo ng kalaban sa pamamagitan ng pagtaya ng isang bagay. Kailangan
ang bilis at liksi sa paglalaro nito. Mahalaga ang mga kasanayang ito dahil
ginagawa rin ito sa mga isport tulad ng Basketball at Softball.Ito ay nilalaro ng
dalawang pangkat na magkatunggali.
Ilan sa mahahalagang katangian na dapat taglayin ng isang pangkat
upang maging magtagumpay sa paglalaro ay ang mga sumusunod:
1. Pakikipagtulungan sa mga kakampi.
2. Maayos nakomunikasyon sa bawat isa.
3. Pagtupad ng bawat isa sa nakaatas na gawain at tungkulin.
4. Pagiging magiliw na kakampi at kalaro.
5. Pagiging tapat sa pangkat at sa layunin nito.
Halimbawa:

Agawan Base Agawang Sulok Taguan

MGA PANUNTUNANG PANGKALIGTASAN

Habang naglalaro, kailangang sundin ang mga sumusunod upang


makaiwas sa sakuna o aksidente:
• Basahin at pag-aralan ang panuntunan ng laro at sundin ito nang tapat.
• Siguraduhing nakasuot ng tamang uniporme para sa PE, maging ang
tamang sapatos gaya ng rubber shoes.
• Tingnan muna ang lugar kung saan kayo maglalaro. Siguraduhing
walang nakakalat na mga bagay na maaaring maging sanhi ng
aksidente.
• Gawin muna ang mga warm-up exercise bago maglaro. Huwag din
kalimutang mag-cool down pagkatapos.
• Tandaan na ang pag-warm-up ay nakatutulong upang ihanda ang
iyong katawan sa isang matinding aktibidad. Sa gayon, maiiwasan ang
pagsakit ng mga muscle at iba pang pinsala.

II. Mga Sanggunian:

5 Batayang aklat sa Physical Education, Masigla at Malusog na Katawan


at Isipan.(Pahina 40-60)

Mga may Akda: Helen G. Gatchalin


Gezyl G. Ramos
Johannsen C. YaP
III. Mga Gawain
1. Panuto
a. Tukuyin. Kilalanin kung ang mga pisikal na gawain sa ibaba ay halimbawa
ng Target Game o Invasion Game.

_____________1. Tumbang Preso

_____________2. Bowling

_____________3. Golf

_____________4. Batuhang Bola

_____________5. Agawang Base


b. Gawin. Lagyan ng tsek ( ) kung ang sumusunod ay nagpapakita ng pag-
oobserba ng mga panuntunang pangkaligtasa at ekis (X) naman
kung hindi.

_____________1. Pag warm-up bago ang isang matinding aktibidad upang


maihanda ang iyong katawan at maiwasan ang pagsakit ng mga
muscle.
_____________2. Maglaro kahit na may sugat.
_____________3. Ipagpatuloy ang paglalaro kahit may nakitang mga nakakalat na
mga gamit gaya ng pako, kutsilyo. yero at kung ano pa na
maaring pagmumulan ng sakuna o aksidente.
_____________4. Siguraduhing nakasuot ng tamang damit para sa pisikal na
aktibidad.
_____________5. Huwag kalimutang mag-cool down pagkatapos gawin ang isang
laro.

c. Lagyan. Gamitan ng tsek ( ) kung ang sumusunod ay nagpapakita ng


mahalagang katangian na dapat taglayin ng isang pangkat upang
maging matagumpay sa paglalaro at ekis (X) naman kung hindi.
______________1. Pakikipagtulungan sa mga kakampi.
______________2. Pagiging masungit sa mga kakampi at kalaro.
______________3. Sumisigaw sa mga kalaro.
______________4. Maayos na komunikasyon sa bawat isa.
______________5. Pagiging tapat sa pangkat at sa layunin nito.

2. Mga Batayang Tanong


Mahalagang bahagi ng araling ito ang pagtalakay sa mga panuntunang
pangkaligtasan na dapat sundin at ipatupad upang makaiwas sa mga sakuna
habang naglalaro.

Mga Tanong:

1 Bakit mahalaga ang pag-obserba sa mga panuntunang pangkaligtasan?


_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________

2. Ano ang maaring mangyari sa mga batang hindi sumusunod sa


panuntunang pangkaligtasan?
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________
_____________________________________________________________.
IV: Mga Gawain
a. Gawin.Gumawa ng isang sariling slogan o poster na nagpapakita ng

Batayan sa pagbibigay ng iskor sa Rubrik

Basihan ng Puntos Puntos

Disenyo 10

Kaugnayan sa aralin 15

Kalinisan ng gawa 5

Kabuuan 30 puntos

panuntunang pangkaligtasan. Sundin ang halimbawa sa ibaba. Gumawa ng iyong


sariling disenyo. Gawin ito sa loob ng kahon na nasa ibaba.

SLOGAN/POSTER MAKING

b. Basahin. Hanapin ang nawawalang sagot. Piliin ang tamang sagot sa loob ng
kahon.

Invasion Game pakikipagtulungan Agawang Sulok


warm-up Target Game Tumbang Preso
cool down komunikasyon Taguan
muscle
1. Gawin muna ang mga _____________ exercise bago maglaro.
2. Ang ____________ ay uri ng laro kung saan ang manlalaro ay sumusubok
na ihagis, i-slide,
o i-swing ang isang bagay upang maabot ang isa pang bagay at madala
ito sa isang itinalagang lugar.
3. Ang pag-warm-up ay makakatulong upang ihanda ang iyong katawan sa mga
aktibidad at maiwasan ang pagsakit ng mga ___________ ng iyong katawan.
4. Ang ______________ ay isang tradisyonal na Larong Pinoy na may layuning
lusubin ang teritoryo ng kalaban sa pamamagitan ng pagtaya. Ito ay isang
halimbawa ng invasion game.
5. Ang ______________________ ay isang halimbawa ng target game na ang
pangunahing kagamitan sa paglalaro ay lata at tsinelas.
6. Ang ____________________ sa mga kakampi ay isang mahalagang katangian
na kailangan upang magtagumpay sa paglalaro ang iyong pangkat.
7. Huwag kalimutang mag _________________ pagkatapos maglaro.
8. Ang ____________________ ang layunin ng larong ito ay ang malusob ang
teritoryo ng kalaban sa pamamagitan ng pagtaya ng isang bagay. Kailangan ang
bilis at liksi sa paglalaro nito. Ang mga halimbawa sa larong ito ay agawan base,
agawang sulok at taguan.
9. Ang _____________ ay isang halimbawa ng invasion game na may isang taya at
may layuning bantayan ang teritoryo samantalang ang katunggali ay may
pakakataong magtago. Kalimitang ginagamit ang kahoy or dingding bilang teritoryo
at nangangailang ng liksi at pagiging alerto upang matugunan ang kilos ng mga
katunggali.
10. Upang manalo, kailangan ang maayos na _________________ sa bawat isa,
ang pagsigaw sa iyong kalaro ay hindi makatutulong upang mapagtagumpayan ang
laro.

V. Repleksiyon

1. Paano ka makakaiwas sa aksidente habang naglalaro?


____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
____________________________________________________________
VI. Susi sa Pagwawasto

Gawain A:
1.Target Game
2.Target Game
3.Target Game
4.Target Game
5.Invasion Game

b.
1. /
2. X
3. X
4. /
5. /

c.
1. /
2. X
3. X
4. /
5. /

Basahin
1. warm-up 6. pakikipagtulungan
2. Target Game 7. cool-down
3. muscle 8. Invasion Game
4. Agawang Sulok 9. Taguan
5. Tumbang Preso 10. komunikasyon

Batayang tanong:
1. Mahalaga ang pag-obserba sa palatuntunang pangkaligtasan para
maiwasan ang aksidente at pagkakaroon ng magandang relasyon sa
katunggali.
2. Ang maaring mangyari sa mga batang hindi sumusunod sa panuntunang
pangkaligtasan ay madaling magkaroon ng aksidente na hinda kanais-
nais na karanasan.

Repleksiyon
. Para makakaiwas sa aksidente habang naglalaro, dapat sundin ang mga
aliuntunin sa laro at bigyan-halaga ang mga Panuntunang kaligtasan.

You might also like