0% found this document useful (0 votes)
40 views5 pages

FINAL QUARTER EXAM in ESP 8

Papel ng Pamilya sa Lipunan at Politikal na Aspeto 1st grading Lesson in Edukasyon sa Pagpapakatao 8

Uploaded by

agustin040455
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
0% found this document useful (0 votes)
40 views5 pages

FINAL QUARTER EXAM in ESP 8

Papel ng Pamilya sa Lipunan at Politikal na Aspeto 1st grading Lesson in Edukasyon sa Pagpapakatao 8

Uploaded by

agustin040455
Copyright
© © All Rights Reserved
We take content rights seriously. If you suspect this is your content, claim it here.
Available Formats
Download as PDF, TXT or read online on Scribd
You are on page 1/ 5

MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY

College of Teacher Education


Laboratory High School- Batac

Unang Markahan sa
Edukasyon sa Pagpapakatao 8
(Modyul 7 at 8: Papel ng Pamilya sa Lipunan at Politikal na Aspeto)

Pangalan:___________________________________________ Petsa:____________
Baitang at Seksyon___________________________________ Iskor:____________

I. TAMA o MALI (1-10)

Panuto. Basahin nang mabuti ang pangungusap. Isulat ang TAMA kung ang tinutukoy ng
pangungusap ay wasto, MALI naman kung ito ay hindi. Isulat ang sagot sa patlang.

_______1. Ang pamilya ay may tungkulin sa lipunan at politikal na aspeto.

_______2. Ang isang pamilya na hindi nagbabayad ng buwis ay nagpapakita ng pagsunod


sa batas ng lipunan.

_______3. Ang pagpunta sa barangay upang magparehistro bilang botante ay isang


halimbawa ng pagsunod sa batas.

_______4. Ang mga responsibilidad ng pamilya ay kinabibilangan ng pagtulong sa


komunidad at pagsunod sa mga batas.

_______5. Ang pagtulong sa mga kapitbahay sa oras ng kalamidad ay isang tungkuling


panlipunan ng pamilya.

_______6. Ang paglahok ng isang pamilya sa public consultation para sa bagong city
ordinance ay isang halimbawa ng pagtupad sa kanilang pampulitikang
tungkulin.

_______7. Ang isang pamilya na hindi pumapasok sa barangay meeting ay nagpapakita ng


pagtupad sa kanilang pampulitikang tungkulin.

_______8. Ang pagboboluntaryo ng isang pamilya sa mga outreach program ng lokal na


pamahalaan ay isang halimbawa ng pagtupad sa kanilang mga tungkuling
panlipunan.

_______9. Ang isang pamilya na nagbabayad ng buwis taun-taon ay tumutupad sa


kanilang pampulitikang tungkulin.
MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY
College of Teacher Education
Laboratory High School- Batac

_______10. Ang aktibong paglahok ng pamilya sa barangay clean-up drive upang


mapanatili ang kalinisan ng komunidad ay isang paraan ng pagtupad sa
kanilang tungkuling panlipunan.

II. Fill in the blanks. (11-12)

Panuto. Basahin nang mabuti ang pangungusap at punan ang patlang ng tamang sagot.
Piliin ang sagot sa kahon.

Pampolitikal Panlipunan Pansarili Pang-daigdigan

11. Ang kalayaan na tumakbo sa posisyon bilang Kapitan sa inyong barangay ay


tungkuling ______________________.

12. Ang paggalang sa mga kaugalian at kultura ay isang uri ng tungkuling


________________________.

III. MULTIPLE CHOICE.

Panuto. Basahin ang bawat pangungusap at piliin ang tamang sagot sa kahon. Isulat
lamang ang tamang titik sa papel.

A. Panuto. Piliin ang sagot sa kahon para sa bilang 13-15.

A. Tungkuling Panlipunan B. Tungkuling Pampolitikal C. Walang Tamang Sagot

____13. Pagbibigay ng edukasyon sa mga anak upang sila’y maging mabuting


mamamayan.

____14. Karapatan ng magulang na palakihin ang anak na mabuti.

____15. Ito ay tungkulin na pumili at bumoto ng susunod na lider sa barangay.

B. Panuto. Piliin ang sagot sa pagpipilian para sa bilang 16-25.


16-17. Nagsisimula ang _____________ sa ____________ at kumakalat ito sa buong
mamamayan.

a. pag-galang; pamilya c. pagtakbo; paaralan


b. pagmamahal; tahanan d. pag-iyak; kumpanya
MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY
College of Teacher Education
Laboratory High School- Batac

18-19. Ang layunin ng ____________ ng lipunan ay gabayan ang ___________ ng bawat


indibidwal.

a. batas; kilos c. pamilya; emosyon


b. kilos; batas d. emosyon; pamilya

20. Ayon kay Esteban (1989), ang isang munting lipunan ay ang ________________.

a. paaralan c. barangay
b. pamayanan d. pamilya

21. Sina Melvin at Alvin ay magkapatid na nakatira sa isang komunidad na naglunsad ng


programa para sa pag-recycle ng basura. Upang makiisa, nagpasya ang dalawang
magkapatid na mag-segregate ng kanilang mga basura at magdala ng mga
recyclable materials sa barangay collection center. Paano ipinakita ng magkapatid
na Mevin at Alvin ang kanilang tungkuling panlipunan sa sitwasyong ito?

a. Nagtago ng basura sa kanilang bahay.


b. Hindi nagbigay pansin sa programa ng barangay.
c. Nag-imbita ng mga kaibigan upang magtapon ng basura.
d. Nag-segregate ng basura at nagdala ng recyclable materials sa barangay
collection center.

22. Ang halalan sa bayan ng Bacarra ay malapit na at ang pamilya ni Josh Agustin ay nais
makibahagi upang makapili ng tamang lider para sa kanilang komunidad.
Gayunpaman, ilang miyembro ng pamilya ay nagdadalawang-isip kung dadalo dahil
sa haba ng pila at init ng araw. Ano ang dapat gawin ng pamilya Agustin upang
maipakita ang kanilang pampolitikang responsibilidad?

a. Huwag na lamang bumoto at hintayin na lang ang resulta ng halalan.


b. Ipagpaliban ang pagboto at gawin ito sa susunod na halalan.
c. Mag-iskedyul ng oras kung kailan mas kaunti ang mga tao upang makaboto
nang maayos.
d. Bumoto lamang ang mga magulang at hayaan ang ibang miyembro ng pamilya
na hindi bumoto.

23. Ang pamilya Toledo ay inimbitahan na sumali sa isang clean-up drive ng kanilang
barangay upang linisin ang mga ilog at kanal sa kanilang lugar. Subalit, abala ang
pamilya sa kani-kanilang mga gawain. Ano ang pinakamahusay na paraan para
makilahok pa rin ang pamilya Toledo sa aktibidad kahit abala sila?

a. Bumili na lang ng mga halaman para ilagay sa kanilang bakuran.


MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY
College of Teacher Education
Laboratory High School- Batac

b. Huwag na lang makilahok at mag-concentrate sa sariling gawain.


c. Mag-donate na lang ng pera sa barangay para sa mga gagamiting kagamitan.
d. Magtalaga ng kahit isang miyembro ng pamilya na makikilahok sa clean-up
drive.

24. Ang pamilya sa lipunan ay may papel na dapat isaalang-alang, pangalagaan, at


itaguyod MALIBAN sa?

a. magpalaki ng mga anak


b. paggalang sa mga kaugalian at kultura
c. maging pamilya at manatili bilang ganoon
d. kalayaan ipahayag ang sariling opinyon at mga argumento

25. Alin sa mga sumusunod ang pinakamahalagang aral na matutunan ng mga anak mula
sa kanilang pamilya?

a. pag-aaral
b. responsableng bata
c. mabuting mamamayan
d. pagkakaroon ng trabaho

IV. Short Essay (26-30)


Panuto. Sumulat ng isang sanaysay na tungkol sa iyong natutunan sa araling, “Papel ng
Pamilya sa Lipunan at sa Politokal na Aspeto”. Sumulat ng pangungusap ng higit pa sa
limang pangungusap. (5points)
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________
_________________________________________________________________________________

Congratulations on a job well done.


God bless you!

Inihanda nina:

G. Jossan R. Agustin
Secondary Education Student Teacher, Values Education

Bb. Diana Mea Dumaoal Sinuri ni:


Secondary Education Student Teacher, Values Education
Bb. Nikka Jane D. Balbas
Resource Teacher, EsP Department
Bb. Zylene Klarize Samoy
Secondary Education Student Teacher, Values Education
MARIANO MARCOS STATE UNIVERSITY
College of Teacher Education
Laboratory High School- Batac

ANSWER KEY:
16. -17. B
1. TAMA
2. MALI 18.-19. A
3. TAMA
4. TAMA 20. D
5. TAMA
21. D
6. TAMA
7. MALI 22. C
8. TAMA
9. TAMA 23. D
10. TAMA
24. D
11. Pampolitikal
12. Panlipunan 25. C
13. A
14. A 26-30. Short Essay (students
15. B answer may vary)

You might also like