Mapeh5 PT Q2

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
Region I
SCHOOLS DIVISION OF ILOCOS NORTE
ABUCAY ELEMENTARY SCHOOL
PIDDIG-CARASI DISTRICT

IKALAWANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA MAPEH 5


2024-2025
ISKOR Musika Arts P.E Health

PANGALAN:

MUSIKA
Panuto: Isulat ang titik nang tamang sagot.

1. Alin sa mga sumusunod na simbolong pangmusika ang f-clef.

A. B. C. D.

2. Alin ang dito ang naghuhudyat na ang tono ng isang nota ay dapat tugtugin o awitin nang
half step o semitone pataas.
A. clef B. flat C. natural D. sharp

3. Ito ang tawag sa mga nota na walang pagkakaiba sa agwat, ano ito?
A. pahinga B. unison C. third D. octave

4. Ilang so-fa silaba ang bumubuo sa iskalang C Major?


A. 2 B. 4 C.5 D. 8

5. Ano ang melodic range ng so-fa silaba na la-la?


A. pahakbang B. palaktaw C. pantay D. pataas

6. Alin sa mga sumusunod ang mga pitch names ng mga nota sa F-Clef.

A. ACEG B. BAGC C. EGCA D. FACE

Para sa tanong 7-8. Suriin ang iskala sa baba at sagutin ang mga sumusunod na tanong. Piliin
ang tamang sagot.

7. Anong iskala ang ipinapakita ng larawan ?


A. C Major Scale B. Fixed Scale C. G Major Scale D. Pentatonic Scale
8. Ilarawan ang distansiya ng ikalawa at ikaapat na nota sa larawan?
A. pababa B. palakas C. pantay D. pataas
9. Suriing Mabuti ang staff sa ibaba at piliin ang tamang musical phrase.

A. re-re-fa-so-do-la C. mi-mi-fa-la-do
B. do-do-mi-so-do-ti D. ti-ti-do-so-do-la

10. Upang maging isang mahusay na mang- aawit, kailangang magsanay ng marami. Ang
mga sumusunod ay mga paraan upang umunlad ang pagkanta, alin dito ang hindi kabilang?
A. Huwag pilitin ang mataas na tono C. Uminom ng malamig na tubig palagi.
B. Pag-aralan ang malalim na paghinga D. Uminom ng maligamgam na
tubig

11-13. Lapatan ng nota ang staff upang makalikha ng simpleng melody ng pentatonic scale.
Isaalang-alang ang tamang interval ng bawat nota sa iskalang pentatonic

II. ARTS
14. Ito ay isang mahalagang yaman ng Pilipinas na ginawaran ng UNESCO bilang World
Heritage
Site, ano ito?
A. Chocolate Hills ng Bohol C. Cordillera Rice Terraces
B. Bulkang Mayon D. Yungib ng Callao sa Cagayan

15. Sino ang tinaguriang “Father of Modern Philippine Painting”?


A. Carlos “Botong” Francisco C. Vicente Mansala
B. Fernando Amorsolo D. Victorino Edades

16. Alin sa mga sumusunod ang mga pangunahing kulay?


A. asul, berde, pula C. berde, dilaw, pula
B. berde, bughaw, pula D. bughaw, dilaw, pula

17. Ano ang pinakamatingkad na bahagi ng landscape painting.


A. Background B. Foreground C. Middle ground D. Playground

18. Anong makasaysayang pook kung saan ikinulong ng mga Espanyol si Rizal bago barilin sa
Bagumbayan o kilala na ngayong Luneta.
A. Fort Bonifacio C. Fort Magsaysay
B. Fort Ilocandia D. Fort Santiago
19. Alin sa mga sumusunod ang nararapat na gawaran ng Pamanang pamayanan
A. Isang lugar na may lumang bahay na pag-aari ng presidente.
B. Isang lugar na may lumang simbahan na maraming gusali sa paligid.
C. Isang lugar na may mahahalagang bahagi ng kultura at kasaysayan.
D. Isang lugar na may maraming lumang gusali na pag-aari ng ilustrado.

20. Anong kulay ang nililikha ng complementary colors?


A. madilim B. makulimlim C. mapusyaw D. matingkad

21. Ano ang puwedeng gamitin sa teknik na pointillism sa landscape painting?


A. Daliri C. Toothbrush
B. dulo ng paintbrush D. walis tingting

22. Paano mo maipapakita ang pagmamalaki sa mga pintor na nagtaguyod ng kultura at


sining ng
ating bansa?
A. Sa pamamagitan ng pagmamayabang sa kanilang mga obra.
B. Sa pamamagitan ng pangungutya sa istilong ginamit ng pintor.
C. Sa pagpapahayag ng masamang opinyon tungkol sa kanilang likha
D. Sa pamamagitan ng pagiging bukas sa pagsusuri ng kanilang obra.

23. Suriin nang mabuti ang landscape painting sa ibaba at tukuyin ang foreground.

D
C
B

24. Mula sa mga natutunan mo sa Arts 5, ano ang pangunahing layunin ng pangangalaga
sa
mga tanawing saksi ng kasaysayan ng Pilipinas?
A. Upang maakit ang mga turista na bilhin ang mga ito.
B. Mapanatili ang kanilang orihinal na anyo at kahalagahan.
C. Para may maipagyabang sa mga turistang pumupunta sa bansa.
D. Upang yumaman at maging tanyag ang Pilipinas sa buong mundo.

25. Ang larawan ay isang halimbawa ng landscape painting na gawa ni


Fernando Amorsolo. Anong complementary colors ang nangingibabaw sa
kanyang obra?
A. Dilaw at Berde C. Kahel at Asul
B. Pula at Berde D. Pula at Asul

26-27. Kulayan ang larawang ito gamit ang iyong kaalaman sa complementary colors upang
maipakita ang detalye ng tatlong bahagi ng landscape.
III. EDUKAYONG PANGKATAWAN
28. Paano mo maipapakita ang pagiging Sport?
A. Tuksuhin ang mga natalong koponan.
B. Makipagkamay ng labag sa iyong kalooban.
C. Makipagkamay ng maayos sa mga ibang koponan.
D. Awayin ang mga kakampi kapag natalo sa inyong laro.

29. Paano mo maipapakita ang ligtas na paglalaro ng Agawang Panyo?


A. Magsuot ng pantulog na damit. C. Siguraduhing malinis ang paglalaruan.
B. Magtanggal ng tsinelas o sapatos. D. Itulak ang kalaban upang manalo sa laro.

30. Alin ang HINDI mo dapat gawin sa paglalaro ng Lawin at Sisiw?


A. Magsuot ng mga protective gear sa paglalaro.
B. Itulak ang kalaban upang manalo sa inyong laro.
B. Magdala ng tubig upang maiwasan ang sobrang pagod.
D. Siguraduhing walang mga sagabal sa lugar ng paglalaruan.

31. Mula sa mga natutunan mo sa kuwarter na ito sa PE 5, alin sa mga sumusunod ang
dapat isaalang-alang bago at pagkatapos maglaro?
A. ehersisyong pampatamlay C. pag-iingat pangkaligtasan
B. Ipagyabang ang panalo D. pakipagtulungan sa kalaban

32. Sino sa mga manlalarong ito ang mananalo sa Agawang panyo?


A. Nag-warm-up exercise ang koponan C pagkatapos maglaro.
B. Nakasuot ng face mask, tsinelas, short at jacket ang koponan B.
C. Mabilis at maliksing nilusob ng koponan D ang base ng kalaban.
D.Pinag-aralan ng koponan A ang mga panuntunan sa laro pero hindi sinunod.

33. Bakit mahalaga ang paglalaro ng invasion game?


A. Nakatutulong ito ng pagsasanay ng koordinasyon ng panloloko sa kalaban.
B. Nakatutulong ito ng pagsasanay ng liksi, bilis at koordinasyon ng katawan.
C. Nakatutulong ito upang maiwasan ang teamwork ng mga kasapi.
D. Nakatutulong ito upang may maipagyabang sa pagkakapanalo.

34. Bakit mahalagang malaman ang layunin sa paglalaro ng "Lawin at Sisiw"?


A. Upang maisagawa ng maayos at ligtas ang laro.
B. Upang makabuo ng masusing plano sa pandaraya.
C. Upang magdaragdag ng kaguluhan sa mga manlalaro.
D. Upang malaman kung paano ilalampaso ang kalaban.

35. Ano ang mga estratehiya na maaaring gamitin ng koponan ng Lawin upang makuha ang
panyo
mula sa mga Sisiw?
A. Ang pinakamatangkad sa pangkat ang magsisilbing lawin.
B. Tuwing gagalaw ang inahin, kailangang sundan ito ng mga sisiw.
C. Ang inahin ay manatili sa likod upang protektahan ang mga sisiw.
D. Ayusin ang miyembro mula sa pinakamatangkad hanggang sa pinakamaliit.

IV. EDUKASYONG PANGKALUSUGAN


36. Ano ang tawag sa hormones na tinataglay ng isang lalaki?
A. Estrogen B. Progesterone C. Testosterone D. Toblerone

37. Ito ay normal na pangyayaring pisikal sa mga nagbibinata at hindi ito senyales ng
malubhang sakit, ano ito?
A. menstruation B. wet dreams C. warm batch D. hormones

38. Sino ang unang dapat lapitan tungkol sa mga suliraning pangkabataan?
A. doktor B. guro C. kaibigan D. magulang

39. Ito ay isang sakit na nakukuha sa pakikipagtalik, ano ang tawag dito?
A. Covid B. dysmenorrhea C. fever and flu D. STD

40. Kung ang sex ay biyolohikong pagkakakilanlan, ano naman ang saykososyal at
pangkulturang
pagkakakilanlan ng isang tao?
A. bender B. gender C. health D. sex

41. Alin sa mga sumusunod and hindi pagbabagong pisikal?


A. Lumalaki ang dibdib C. Tinutubuan ng bigote
B. Madaling mairita D. Nagiging oily ang balat

42. Sa pagdadala at pagbibinata, ano ang nararapat gawin sa mga pagbabagong


nagaganap sa iyong sarili?
A. Ikahiya at makipag-away sa mga kaibigan.
B. Maging malungkot at mag-isip ng kung anu-ano.
C. Tanggapin ang katotohanan at manatiling positibo.
D. Magmukmok sa isang sulok at magalit sa mga magulang

43. Alin sa mga sumusunod ang HINDI dapat gawin?


A. Panatilihing malusog ang ating katawan at isipan.
B. Panatilihin ang kalinisan at kaayusan sa ating katawan .
C. Humingi ng payo sa magulang kung may mga iniisip o tanong.
D. Mag-asawa nang maaga upang magkaroon ng maraming anak.

44. Alin ang HINDI nagsasaad ng tamang impormasyon tungkol sa gender??


A. Ito ay nakikita sa ugali at kilos.
B. Ito ay natutunan at nahuhubog.
C. Ito ay permanente at hindi magbabago.
D. Ito ay dala ng impluwensiya ng kapaligiran.

45. Alin ang halimbawa ng gender-normative sa kulturang Pilipino?


A. Ang lalaki ay mabilis na masasabing bakla siya.
B. Ang ama ang dapat na magtrabaho para sa pamilya.
C. Ang ina ay maaring magtrabaho upang makatulong
D. Pabor ang lipunan sa pagsusuot ng lalaki ng kasuotang babae.

46. Bakit kailangang maligo ang isang babae lalo na sa panahon ng kaniyang kabuwanan?
A. Upang maiwasan ang pagkabaliw
B. Upang hindi magalit ang mga magulang
C. Upang maalis ang malansang amoy sa katawan
D. Upang maalis ang maruming dugo sa katawan

47. Anong pagbabagong pisikal ang parehong nagaganap sa nagbibinata at nagdadalaga?


A. Nais maging independent C. Tinutubuan ng buhok sa kili-kili.
B. Nagkakaroon ng buwanang daloy. D. Pagkakaroon ng atraksyon sa kapwa.

48. Paano maiiwasan ang hindi inaasahang pagbubuntis o teenage pregnancy?


A. Sumunod sa payo ng mga magulang. C. Makipag-inuman sa mga
barkada.
B. Manuod ng malalaswang pelikula D. Sumama sa mga hindi kakilala.

49. Bakit kailangan ang kalinisan ng katawan sa panahon ng pagdadalaga/pagbibinata?


A. Upang hindi magkaroon ng mga buhok sa kili-kili
B. Upang makatipid ng sabon at iba pang mga gastusin
C. Upang maiwasan ang hindi kaaya-ayang amoy sa katawan
D. Upang makaakit ng mapapangasawa at makakasama sa buhay.

50. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng katotohanan tungkol sa sex o gender?
A. Ang media ay nagbibigay ng ideya sa pagkatao ng isang bata o indibidwal.
B. Ang paaralan ang unang humuhubog sa mga pag-uugali ng mga bata.
C. Ang mga kalalakihan ay mas maabilidad kaysa sa mga kababaihan.
D. Ang bawat tao ay parepareho at hindi nagkakaiba sa lahat ng bagay.

Prepared by:
GERELYN B. MATUTE
Teacher III

Layout and Designed Evaluator: Language Evaluator:

GINA J. GALANG ROSEMARIE A. BERNALES


Teacher III Teacher III

Content Evaluator:

CELESTE M. MELAD
Master Teacher I

NOTED:
MARIBELLE M. GONZALES
Head Teacher III
RUBRIKS -MAPEH 5

A. Napakahusay B. Mahusay C. Di-gaanong mahusay


(3) (2) (1)
Kasanayan A. Nakalapat ang B. May isa o C. May tatlo o higit pang
lahat ng nota sa dalawang nota bilang ng nota ang hindi
tamang limguhit ng na hindi tama nakalapat sa limguhit ng
pentatonic scale. ang pentatonic scale.
pagkakalapat sa
limguhit

ARTS 5
RUBRIKS:

A 2pts- Napakahusay, tama ang ginamit na complementary colors upang


maipakita ang tatlong bahagi ng landscape painting.

B 1pt- Hindi gaanong mahusay, hindi tama ang mga ilang kulay ginamit na
complementary colors upang maipakita ang talong bahagi ng
landscape painting.

ANSWER KEY.
MUSIKA ARTS P.E HEALTH
1. A 14. B 28. C 36. B
2. D 15. D 29.C 37. B
3. B 16. D 30.B 38. D
4. D 17. C 31. C 39. D
5. C 18. D 32. C 40. B
6. D 19. C 33. B 41. B
7. C 20. D 34 A 42. C
8. D 21. B 35. A 43. D
9. B 22. D 44. C
10. C 23. B 45. B
11. 24. B 46. C
12. 25. C 47. D
13. 26. 48. A
27. 49 C
50. A

11-13

You might also like