Reading Tarpapel
Reading Tarpapel
Reading Tarpapel
Bakasyon ni Heber
Isinama si Heber ng kanyang Tito Mar
sa Rizal upang makapag- bakasyon.
Masayang-masaya siya dahil nakita niya sa
unang pagkakataon ang Pista ng mga
Higantes. Ang pistang ito ay naganap
kahapon, ika-23 ng Nobyembre.
Ginugunita sa pistang ito ang patron ng
mga mangingisda na si San Clemente.
Pinakatampok sa pista ang
matatangkad na tau-tauhang yari sa papel.
Dinamitan at nilagyan ng makukulay na
palamuti upang mas maging kaakit-akit sa
manonood. Ang mga higante ay
karaniwang may taas na apat hanggang
limang talampakan o sampu hanggang
labindalawang talampakan. Ang mga
deboto naman ay nakasuot ng damit-
mangingisda.
Hiniram ni Heber ang camera ni Tito
Mar at kumuha siya ng maraming litrato.
Gusto niyang ipakita ang mga litrato sa
kanyang mga magulang. Ipakikita rin niya
ang mga ito sa kanyang mga kaibigan at
kaklase. Hinding hindi niya makalilimutan
ang araw na ito.
Biyaya ng Bulkan
Isa sa mga ipinagmamalaking bulkan sa
bansa ang Bulkang Mayon na matatagpuan sa
Albay. Tanyag ang bulkang ito dahil sa taglay
nitong halos perpektong hugis apa. Dinarayo
ito ng mga dayuhang bisita, maging ng mga
kapwa Pilipino.
Sinasabing ang Bulkang Mayon ang
pinakaaktibong bulkan sa Pilipinas dahil sa
dalas ng pagsabog nito. Pinakamatindi ang
pagsabog nito noong Pebrero 1, 1814, kung
saan ang mga bayan sa paligid nito ay
natabunan at mahigit sa 1200 katao ang
namatay. Maraming nasirang bahay sa paligid
ng bulkan, pati na rin ang malaking simbahan
ng Cagsawa. Ang natitirang alaala na lamang
ng simbahan na ito ay ang tore nito na
makikitang malapit sa bulkan.
Bagamat mapanganib ang Bulkang Mayon,
isa rin naman itong biyaya sa mga naninirahan
malapit doon. Ang mga umagos na lupa at
abo sanhi ng mga pagsabog ay nagsilbing
pataba pagkalipas ng ilang taon.
Bilang patunay, itinuturing ang Albay na isa
sa mga may mayayamang lupang sakahan sa
rehiyon ng Bicol. Sa mga lupang sakahang ito
nagbubuhat ang mga produktong abaka,
niyog, palay at gulay.
Ama ng Wikang Pambansa
Si Manuel Quezon ay isang masigla at
masipag na lider. Anumang gawaing ninanais
niya ay isinasakatuparan niya agad. Ayaw
niya na may masayang na panahon dahil
naniniwala siya na ang oras ay ginto.
Mahalaga ang bawat sandali kaya’t hindi niya
ito inaaksaya. Ayon sa kanya, ang magagawa
ngayon ay hindi na dapat ipagpabukas pa.
Naging kawal siya noong panahon ng
himagsikan. Naging gobernador din siya, at
matapos nito ay naging senador. Naging
kinatawan pa siya ng Pilipinas sa Washington,
United States of America. Si Quezon ay
mahusay sa batas dahil siya ay isang
abogado. Di nagtagal, siya ay naging
pangulo ng Senado ng Pilipinas at nahalal na
pangulo ng Komonwelt o ng Malasariling
Pamahalaan noon.
Sa pamamagitan ng pagsasakatuparan ng
Katarungang Panlipunan, binigyan niya ng
pantay na pagpapahalaga ang mahihirap at
mayayaman. Si Quezon din ang nagpasimula
sa pagkakaroon natin ng pambansang wika.
Kung hindi dahil sa kanya, walang isang wika
na magbubuklod sa lahat ng Pilipino. Dahil
dito, siya ay tinawag na “Ama ng Wikang
Pambansa.”
Puno pa rin ng Buhay
Sa kapaligiran ng bansang Pilipinas, marami
ang makikitang punong niyog. Kahit saang panig
ng bansa, may mga produktong ibinebenta na
galing sa puno ng niyog.
Ang niyog ay tinaguriang puno ng buhay. Ang
mga bahagi nito mula ugat hanggang dahon ay
napakikinabangan. Ang laman ng niyog ay
ginagawang buko salad, buko pie at minatamis.
Ginagamit din ito bilang sangkap sa paggawa ng
arina, mantikilya, sabon, krudong langis, at iba pa.
Natuklasan ni Dr. Eufemio Macalalag, Jr., isang
urologist na ang pag- inom ng sabaw ng buko araw-
araw ay nakatutulong sa kidney ng isang tao.
Nadiskubre rin niya na nakatutulong ang araw-araw
na pag-inom nito para maiwasan ang pagkabuo ng
bato sa daanan ng ihi (urinary tract). Ginagamit
din itong pamalit ng dextrose.
Natuklasan pa na mas maraming protina ang
nakukuha sa gata ng niyog kaysa sa gatas ng baka.
May 2.08 porsiyento ng protina ang gata
samantalang 1.63 porsyento lamang ang sa gatas
ng baka. Ang langis ng niyog ay nagagamit din
bilang preservative, lubricant, pamahid sa anit, at
iba pa.
Ang bulaklak ng niyog ay ginagawang suka at
alak. Ang ubod naman ay ginagawang atsara,
sariwang lumpiya, at panghalo sa mga lutuing
karne o lamang dagat. Pati ang ugat nito ay
ginagamit pang panlunas sa iba’t ibang
karamdaman.
A Wake Up Call
By Ma. Melanie L. Padohinog